Chapter 37

5.7K 116 41
                                    

Joax Taeyang's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa lumang garahe.

"Brad, nandito ba talaga sila?" tanong sakin ni Tristan.

And yeah, kasama ko sila Tristan, pwera kay Jiyong.

Inimbestigahan lang pala siya, hindi siya kinulong kasi pinaglaban siya ng abogado niya-- si Tristan yung nagpadala ng abogado para kay Jiyong.

Tangina lang eh noh?

Naniwala agad yung mga pulis sa statement nung babae at do'n sa CCTV sa bar na biglang hinalikan ni Jiyong yung babae.

Paano kung magsabi din ako do'n na ni-rape ako ni Jiyong? Maniniwala din agad sila? Paano kung ilabas ko yung mga record ng CCTV ng mga nakahalikan ni Jiyong dati sa mga bar? Rape agad 'yon?

Puta. Ang bobo! Mga inutil! Buti na lang talaga magaling yung abogado ni Jiyong.

'Pag lang talaga napatunayan na walang kinalaman si Jiyong, ako mismo magbabaliktad ng nangyayari. Ipapakulong ko sila.

Atsaka alam ko na rin naman kung sino may pasimuno netong kagaguhan na 'to eh.

"Oo, nandito sila. Alam kong nagtitipon-tipon na sila." sagot ko.

Pagpasok namin sa garahe.

Sinipa ko agad yung gallon na nakita ko.

"Kiefer!

"Gago! Lumabas kayo diyan!"

Pinagsisipa ko yung mga gamit do'n.

"Kiefer!"

"Tangina talaga netong Kiefer na 'to eh." sambit ni Tristan.

"Sarap kaltukan grabe." bulong ni Kenneth.

"Oo nga." sabi din ni Alex.

Pumasok kami ng tuluyan do'n sa loob.



"Wow. Nandito kayo. Reunion ba 'to?"





Lumabas sila.--- Kiefer, CJ--- pati si Seb? Nandito din siya?

Oh. Bakit hindi niya sinama lahat? Natakot pa sila. Psh.

Napatingin ako sa kabuuan ng hideout nila. Ang pangit-- parang sila.

"Ano ba gusto niyo?" tanong kagad ni Alex sa kanila.

"Teka- ano bang sinasabi niyo?" sabi ni Kiefer habang tumatawa.

"'Wag ka nang magtanga-tangahan. Alam naming kayo may pakana ng nangyayari kay Jiyong." sabat ko.

Napatawa silang tatlo.

"Pre, pigilan mo ko. Tatagain ko 'yang tatlong 'yan." bulong sakin ni Kenneth.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kenneth dahil nagsalita si CJ.

Lumapit sakin si CJ.

MIMMF Book 2: Innocent No More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon