The Star

By AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... More

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 18

11.2K 192 15
By AngelMelay



STARRING 18

FRIENDS FOREVER



Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay naging busy na ako sa school. Hindi na muna ako nakaka-attend sa mga gigs ni Von. Sa hapon na lang kami nagkikita after school. Minsan tinutulungan niya ako sa mga reports ko at project. Ngayon ko lang narealize na may maganda rin palang resulta ang pagiging fake girlfriend ko. Mas nagbibigay kasi sa akin ng extrang time si Von ngayon. Kaya hindi ako nahihirapan masyado sa mga requirements ko sa school.




Kami rin naman ni Franz ay hindi na muli nagkaroon ng time together. Simula ng huling gabing nagwalkout siya sa bahay ay umiwas na siya sa akin. Dati na naman siyang umiiwas, pero this time, hindi ko na rin naman siya hinahabol-habol kaya naging madali na ang pag-iwas niya sa akin. Dahil magkaklase kami ni Franz, naging busy rin siya sa mga practical exams, quizzes, reports, at projects. Kaya hindi na rin muna siya binibigyan ng mga event ni Sir Lance.



Minsan parang hindi ko na matiis at gusto ko na siyang lapitan. Pero hindi rin naman natutuloy. Kapag tumunog kasi ang bell ay lagi siyang nagmamadaling umuwi. Ang dinig ko ay nagpupunta siya sa school ni Fatima para sunduin ito.




Paano ko nalaman? Sa nakaraan kasing tatlong linggo, 5-6 times na ata silang nakita ng mga reporter at nakuhanan ng live footage sa mga entertainment shows sa tv na magkasama. Siyempre nasasaktan ako tuwing mapapanood iyon. Pero pilit kong itinatanim sa utak ko na hindi na talaga kami pwede. Dahil hindi ako ang babaeng gusto niya. Maaring hindi kami bagay tulad rin namin ni Von, pero at least kay Von, gusto niya ako. Si Franz ay halatang si Fatima ang gusto. May magagawa pa ba ako para kontrolin ang puso niya? Wala na naman, hindi ba?




Pero aaminin ko, namimiss ko na si Franz. Iyong mga pagsusungit niya sa akin, minsan ay may pag-iingat din sa akin, pagsigaw niya, at pagtawa niya kapag pinagtitripan niya ako. Lahat ng bagay sa kanya ay namimiss ko.




"Today I will choose your partners para sa pagpepresent ninyo ng treatment plan para sa cases na mabubunot ninyo. Magdecide kayo ng pinakamaayos at mabisang treatment programs sa kung ano mang case ang mabubunot ninyo. Write it on a long bondpaper. Then tomorrow, ipepresent na ninyo dito sa harapan." Sabi ng Professor namin sa subject naming PT 1, na naging dahilan para maawat ako sa pangangarap ko.




"Sana partner tayo, Steph." Bulong ng katabi kong si Dei.




"Oo nga." Sagot ko naman sa kanya.





Innanounce na ng teacher namin ang mga magpapartner. Nanglaki ang mga mata ko ng marinig ko ang...





"Roff & Cruz." Sabi ni Prof.





"Hala partner kayo ni Franz." Bulong ulit sa akin ni Dei. Alam niya kasi na dumidistansya ako kay Franz nitong mga nakaraang araw. Kapag tinatanong niya ako, ang sinasabi ko lang ay dahil nakakahiya baka makasira ako sa kung anumang relasyon nila ni Fatima.



"Oo nga." At napangiwi pa ako sa kanya. Kapag minamalas ka nga naman. Nasa proseso na nga ako ng paglimot sa kanya eh. Pilit ko ngang pinipigil ang pagkamiss ko sa kanya tapos magkakausap na naman kami? Oh well!



"Steph..." Biglang tawag sa akin ni Franz na dahan-dahan akong lumingon. Iminustra niya iyong upuan sa tabi niya na wala ng laman dahil lumipat na sa tabi ng partner.



Tumayo ako at lumipat sa upuang katabi ng kanya. Wala munang nagsasalita sa amin halatang naiilang kami sa isa't-isa. Pero hindi kami matatapos nito kung hindi namin sisimulan. Lalong tatagal ang malakas na dagundong ng puso ko kung hindi ako aaksyon.




"Ok. Bumunot na ang isa sa inyo ng case na gagawan ninyo ng treatment plan." Sabi muli ng Professor namin.



"Ako na?" Tanong ko sa kanya habang pilit akong ngumiti. Matagal na kaming magkakilala ni Franz, pero bakit ganito kami ngayon? Parang ilang na ilang kami sa isa't-isa? Para bang ngayon lang kami nagkakilala.



"S-sige." Sagot naman niya at pilit ding ngumiti. Halata mo sa ngiti niya na parang nangangapa siya sa akin. Parang nag-aalangan siya sa akin.



Pagkabunot ko ay umupo na agad ako muli sa tabi niya. Ipinakita ko ang nabunot kong papel. Sa sobrang liit ng papel ay nahawakan niya tuloy ang kamay ko.




Dug..





Dug..





Ayan na naman ang kaba ko dala ng kuryente ng pagdidikit ng mga balat namin. Akala ko sa panahong nagkaiwasan na kami ay maiiba na ang lahat. Pero hindi! Naandito pa rin ang familiar na kaba sa tuwing malapit si Franz sa akin.




Nabitawan niya agad ang kamay kong may kapit ng papel. Parehas kaming tumingin sa ibang direction. Humarap ako sa opposite side niya. Hinawakan ko ang tapat ng aking puso. Ang bilis talaga!



'Kalma ka lang please?' Pakiusap ng utak ko sa puso ko.




Huminga ako ng malalim at hinarap ko siya para kalabitin. Kailangang matapos na namin ito ni Franz kung ayaw kong magputukan ang ugat ko sa lakas ng tibok ng puso ko.




"A-ano... S-simulan na natin?" Ahhh! Nabubulol pa ako sa pagtatanong sa kanya.




Pero imbes na simulan na namin ang pagpaplano ng magandang isagot sa case na nakuha namin ay iba ang kanyang sinabi.



"Kumusta kayo ni Von, Steph?" Seryosong tanong niya sa akin. Sa sobrang titig niya, pakiramdam ko para siyang araw at ako ay ice cream na natutunaw. Umiwas ako ng tingin at nagsulat ng pangalan namin sa papel bilang heading ng report namin bukas.




"Ok naman." Simpleng sagot ko. Ayokong habaan ang sagot ko kasi alam kong pati sa boses ko ay halata ang sobrang nerbyos ko.




Kita ko sa peripheral vision ko ang pagsuklay niya ng mga daliri sa kanyang buhok. "Pasensya ka na pero nagulat ako. Hindi ko inaasahang magiging magboyfriend kayo." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nagtitigan lang kami na parang binabasa ang nasa isip ng bawat isa.




"Masama ba o mabuti ang epekto namin sa iyo?" Nasabi ko ng wala sa sarili. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko kung bakit ko ba naisip ang napaka-awkward na tanong na iyan.



"Ok lang naman." Sabi niya habang pilit kong binabasa kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip niya.




Parang nadisappoint ako na mukha namang sincere siya na ok lang sa kanya. Pero I manage to say, "eh di ok naman pala." Sagot ko. Ang awkward talaga ng pakiramdam ko. Halatang ilang na ilang kami sa isa't-isa.





Silence.






Ang awkward talaga ng feeling. Kaya nag-isip ako way para pagaanin ang mood. Para huwag kaming mailang, kailangan kong hayaan siyang magbukas ng kanyang feelings.




"Kayo ni Fatima, kumusta?" Naisipan kong itanong. Medyo handa na naman ako sa isasagot niya kasi may kutob na naman ako ayon sa mga napapanood ko sa tv.




Tinitigan niya muna akong mabuti na para bang tinatantya ang magiging reaction ko sa isasagot niya. Napigil ko tuloy ang aking paghinga sa sobrang kaba. Handa na ba talaga akong malaman kung ano ng lagay ng relasyon nila?



"Kami? Ah.., kasi..."





Lalo akong kinakabahan. Mas gusto ko pa iyong isang bagsakan na lamang.





"M-mamaya daw sasagutin na niya ako ng pormal." Alanganin pa niyang balita sa akin.



Ramdam ko ang pagkabasag ng puso ko ng tuluyan. Akala ko ay handa na ako sa ganito, pero hindi pa rin pala. Mas masakit pala kapag narinig mo ang kompirmasyon buhat sa kanya.



Pilit akong ngumiti. Ginusto ko ito eh. Ginusto kong malaman ang totoo. Kaya dapat kaya kong ihandle ito.




"Mabuti naman pala kung ganoon." Sagot ko.




"Alam mo, Steph, maswerte akong dumating siya sa buhay ko. Lalo na ngayon at kayo na ni Von. Napagdesisyunan ko nga lang na i-pursue siya ng malaman kong magkasintahan na kayo ni Von." Sagot niya na nagiwas na ng tingin.



Ano namang ibig niyang sabihin na dahil sa naging kami na ni Von saka siya nagdesisyong ligawan na talaga si Fat?



"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.




"Alam ko kasing hindi na magiging tulad ng dati ang lahat kapag magnobyo na kayo ni Von. Tiyempo namang dumating si Fat na nagpatibok ng puso ko. Kaya napagdesisyunan ko na ring ligawan na siya ng tuluyan para lahat tayo ay masaya."




"Masaya ka ba?" Naisipan kong itanong. 'Dahil ako, may parte ng puso ko ang nagluluksa ngayon.' Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko itinuloy.




"Masaya ba kayo?" Napakunot ang noo ko kung bakit balik tanong ang sinabi niya.



Kinapa ko ang feelings ko. Masaya nga ba ako kay Von? Mabait at caring naman si Von sa akin. Sabagay, ganyan na naman talaga siya dati pa.


"Ok lang." Sagot ko. 

"Ok lang? Bakit ganoon ang sagot mo? Hindi ba dapat masaya hindi masaya lang ang isasagot mo? Bakit ok lang?" Nakakunot ang noong tanong niya.

"Masaya naman." Sagot ko. Ang totoo, masaya naman talaga ako kay Von. Kasi kahit fake lang ang relationship namin, feeling ko sineseryoso niya talaga. Marahil ay dahil sa sabi niya nga na may feelings siya sa akin.

Tumango-tango si Franz. "Ako din masaya." Sagot niya habang nakangiti. Napansin ko lang, naiimagine ko lang ba, o talagang ang ngiti niya ay hindi abot sa mata? Para tuloy nagdududa ako.

Hindi na ako umimik. Ibinaling ko na lang ang attention ko sa paggawa ng treatment plan namin. Ayoko ng magisip pa ng kung ano. Narinig ko na mismo sa bibig ni Franz na masaya daw siya. Kahit parang may duda ako, sasabihin ba niya iyon kung hindi niya nararamdaman, hindi ba?

"Ano pang maidadag mo?" Pag-iiba ko ng topic habang nakatingin sa papel na sinusulatan ko.

Ramdam ko ang titig niya sa mukha ko. Tumikhim pa siya bago nagbigay ng mga suggestions tungkol sa plan of treatment ng case na nabunot namin. 

Mabilis naman kaming natapos. Mas madali talagang magisip ng Rehabilitation Program para sa pasyente kapag may katulong kang magisip. Ika nga, two heads are better than one.

"Ako na ang magtatype nito sa bahay." Sabi ko sa kanya habang tinatapos ko na ang huling plan na naisip ko.

"Pupunta ako sa inyo." Sabi niya na halos pabulong pero dinig na dinig ko.

Kinabahan ako sa isiping pupunta siya sa bahay. Parang katulad lang ng dati. Ayoko kasi nasa moving on process na ako eh. 

"H-huwag na. Ako na lang baka maylakad kayo ni Fat mamaya."

"Steph, umiiwas ka ba talaga sa akin? Pinagbabawalan ka ba ni Von?"

"Ha?"

Halos mapatalon ako ng hawakan niya ang aking mga kamay at tumitig siya sa aking mga mata.

Dug..

Dug..

Ayan tuloy ang puso ko nagwawala na naman!

"Napansin ko lang na nitong mga nakaraang araw, hindi mo na ako kinukulit at sinusundan. Binabawalan ka ba ni Von?" Seryosong tanong niya sa akin.

Syempre naman ipagtatanggol ko si Von. Wala naman siyang alam sa bagay na iyan. "Bakit naman niya ako paiiwasin?" Sagot ko at binawi ko na ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Are you sure?" Tanong pa niya habang papalit-palit ang tingin sa dalawa kong mata. Diyokopolord! Para akong natutunaw sa init ng titig niya.

"O-oo. Alam mo, naisip ko lang na kailangan kong tigilan na ang paghahabol sa iyo. Magnobyo na kami ni Von at ikaw naman, napapanuod ko sa tv na nagdedate na kayo ni Fatima. Hindi magandang habul-habulin pa kita." Paliwanag ko at nagiwas ako ng titig. Hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa kanya.

Hinawakan niya ang pisngi ko para magtama ang aming paningin. Mabuti na lamang at busy ang Prof namin sa pagbabasa sa unahan at ang mga kaklase ko ay kanya-kanyang isip ng mga isasagot nila sa ibinigay ni Prof na task. Kung hindi ay makakaagaw talaga kami ng eksena.

Nahuli naman niya ang mga mata ko. Saka siya nagsalita. "Steph, kahit may kanya-kanya na tayong relasyon, pwede bang manatili tayong magkaibigan? Kahit hindi ka na bumuntot-buntot sa akin, ang importante ay huwag ka namang umiwas sa akin." Pakiusap niya pa.

Napalunok ako. Maganda nga ata ang resulta nitong naisip ni Von na pekeng relasyon. Imagine, si Franz na ngayon ang nakikiusap na manatili kaming magkaibigan? Samantalang dati, parang simpleng kakilala lang ako para sa kanya.

"Pwede ba, Steph?" Dagdag tanong pa niya.

Napakagat labi muna ako bago sumagot. Ramdam ko na naman kasi ang pamilyar na kilig ng puso ko. Alam kong hindi ko na dapat ini-entertain ang ganitong feelings, pero I can't help it.

"Ok." Maikling sagot ko para hindi halata ang kilig sa boses ko.

Binatawan na niya ang pisngi ko. Salamat naman. Kasi patuloy ang paggapang ng kuryente sa buong katawan ko kaninang hawak niya ako.

"Good. Kasi nitong mga nakaraang araw, namimiss kita. Namimiss ko ang walang sawang pagbuntot mo sa akin. Ang pag-asikaso mo sa akin......" Hindi ko na siya pinatapos. Hindi na kasi ako makahinga ng ayos sa lakas ng pintig ng puso ko.

"Oo na. Naintindihan ko na." Singit ko.

End of the world na ba at ganito si Franz sa akin ngayon? Baka naman pinagtitripan lang ako nito? Pero basang-basa ko sa mga mata niya na sincere siya sa mga binitawan niyang salita. Hindi kaya lasing siya? Pero hindi naman siya amoy nakainom.

"Salamat naman, Steph." Nakangiting sagot niya. Iyong ngiting mula pagkabata ay naka-attract na sa akin. Tinap pa niya ang ulo ko. Patay ako nito! Dama ko kasi na hindi na mawawala ang feelings kong pilit kong pinapatay na para sa kanya.

"Friends forever, Steph." Dagdag na sabi pa niya. Nagoffer pa siya ng handshake.

Tinaggap ko naman ang pakikipagkamay niya. Lagi ko na lang sigurong tatandaan ang sinabi niya ngayon sa tuwing kikiligin ako ng ganito. Dahil hindi pa rin mabubura ang katotohanang magiging sila na ni Fatima. Habang ako ay mananatiling...

Friend forever!

__________________________________________

A/N:

PLEASE VOTE & COMMENT.

Continue Reading

You'll Also Like

4K 1.4K 51
- DESTINED TO BE YOURS Katness never imagined to be in a relationship with her neighbor, Peterson. But with a little help from their friend, Gab... t...
3.3K 271 51
A story of teenage girl that never expected she will be the girlfriend of the hottest and favorite basketball captain. How can she stop herself from...
626K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...