Bribing Mr. President

By CincoMedicatus

1.5M 22.3K 1.9K

"Nate, bribe me please." More

Bribing Mr. President
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 8

48.2K 871 117
By CincoMedicatus

A/N: Hi! Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng bumasa sa story na ‘to. Alam kong hindi pa masyadong hasa at molded ang storya ko kasi inaamin ko namang amateur ako pero shet, hindi ko inaakala na may magkaka-interes pala sa Bribing Mr.President. Sana patuloy lang kayo sa pag-suporta! Pasensya na kung medyo natagalan, may pinagdadaanan lang. Hahaha. Happy New Year, everyone !:)

 

P.S.Sinong gusto ng dedic? Hihihi.

 

x

CHAPTER 8

 

 

 

Kareeza’s POV

Ilang araw ko ng iniiwasan ang peelingerong damuho na ‘yon. Aba’t, angkinin ba daw ako? Yung totoo, kumikilala ba siya ng JOKE? E kung ihampas ko yang pagmumukha niya sa VP namin? Shet. Wag nalang, sa mukha ko nalang para masaya. Inaamin ko namang kinikilig ako pero mas natatakot ako. Kahit easy to get ang tingin nilang lahat sakin, hindi ko parin maiiwasang mangamba.

Una sa lahat, SSG President siya. Pangalawa, gwapo siya. Pangatlo, gwapo siya. Teka, nasabi ko na pala. Panghuli, ayaw ko sa nanay niya. Ang matandang ‘yon, porket nagsusuot ng gold e akala mo na kung sino. Nakakabanas! Nakakainis! Alam kong taklesa ako, maldita ako pero never in my whole life na nan-degrade ako ng tao. Aw, si Karen? Hayaan mo na, di naman tao ‘yon. Tss.

“Kareeza…”

 

Nag-angat ako ng tingin at umismid nang makita ko ang malandeng ex ko. Hindi naman sa bitter pa ako pero hindi ko talaga lubos maisip kung bakit sinusundan pa ako nito.

“Ano na naman?” Sumimangot siya sa asta ko.

I made a tsk-ed sound nang inabot niya sakin ang isang bouquet ng flowers. Seriously?

“Brent. Wala ka ng maasahan sakin.” Binalik ko sa kanya ang mga bulaklak at nagligpit na ng gamit.

Mabuting tao naman talaga si Brent, in fact kasundo niya ang pamilya ko pero may mga bagay talaga na hindi na pwedeng balikan. Isa pa, nasa rule ko na yon. Hindi ako tumatanggap ng ex. Ano ako? Taga-DNR? Reuse, reduce and recycle? Lol.

Pumasok muna ako ng canteen para kumain. Medyo nagugutom narin ako at tsaka wala pa naman akong pasok. Alas tres pa kasi ang isang subject ko and luckily, kaklase ko ang damuhong ‘yon. Tanginesshet na ‘to, hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin. Ni wala nga akong mukhang ihaharap! All my life, ngayon lang ako naging conscious sa pagkatao ko, ngayon lang ako naging hindi komportable sa itsura at lifestyle ko.

Sa totoo lang, natatakot akong ma-involve sa buhay ni Nate. Bukod sa magkaiba kami ng personalidad, magkaiba rin kami ng pananaw sa buhay. Kung tutuusin nga dapat matuwa ako sa mga nangyayari ngayon pero bakit pakiramdam ko, hindi? Bakit pakiramdam ko, gulo lang ‘tong pinasok ko? Bakit mas nangingibaw yong kaba at takot?

Matagal na akong nahusgahan ng lahat pero pagdating kay Nate, tumitiklop ako. Alam kong hindi na ito tama pero may paraan ba para pigilan ko ‘to? Wala naman eh. Kaya nga iniiwasan ko siya. Naiinis ako sa sarili ko! Hindi naman ako takot kanino eh pero bakit ngayon? Pinapahalagahan ko na lahat ng sasabihin ng iba, lahat ng sasabihin niya. Kahit magaspang ang ugali ng lalaking ‘yon, hindi ko maitatanggi na gusto ko siya. Nakakainis! Mabuti nalang talaga at hindi ako naging mahina nung gabing ‘yon dahil kung naging mahina ako? Malamang, bumigay na ako!

“Anong aten?” Irap nung tindera sakin. Ano na naman ang ginawa ko? Inggetera.

“Bakit? May plywood ba kayo at nang mahampas ko yan sa pagmumukha mo?” Namilog ang mata niya sa sinabi ko kaya nginisihan ko lang siya.

Yan, ganyan nga. Dapat lang matakot ka pero aaminin kong mas nakakatakot ang mukha niya.

Inirapan ko lang siya pagkatapos kong bumili ng makakakain. Ang feelingera ng babaeng ‘yon, akala mo kagandahan eh daig pa niya ang tumae sa mukha dahil sa laki ng nunal niya. Tsk.

Dumiretso na ako sa pangdalawahang mesa at prenteng umupo. Napangisi nalang ako nang may biglang sumipol pagkatapos kong hubarin ang cardigan ko. I’m sexy and I know it.

 

“Hi, pwedeng maki-share?”

 

Inangat ko ang tingin ko sa taong nagtatanong. Gwapo naman siya pero shet, loyal ako. Hahaha. Kahit nagpapa-hard to get ako kay Nate, loyal talaga ako sa kanya.

“Hindi.”

“Thanks!” Muntik na akong masamid nang umupo yong lalake sa harap ko. Bobo ampota.

Nawalan na ako ng gana kasi panay ang talak niya sakin kahit obvious naman na hindi ako interesado. Gwapo siya pero mas masarap yong presidente ng buhay ko.

“Grabe, napansin ka lang ng Presidente, hindi ka na tumitingin sa iba.”

 

Tinaponan ko siya ng tingin.

“Loyal kasi ako.” Tumawa lang siya sa sinabi ko kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

Ganon ba talaga kalaking joke ang kahibangan ko kay Nate? Alam kong walang gusto sakin ang lalakeng yon pero kailangan ba pagtawanan ako? Tss. Hindi ko alam kung ano’ng tumatakbo sa isipan ng lalakeng yon pero alam kong wala siyang gusto saken. Ilang beses ko bang kaillangang utoin ang sarili ko? Alam naman ng lahat na sa una palang, ako na ang naghahabol kay Nate.

“Kahit pakikipagkaibigan, ayaw mo?” Nabalik ako sa ulirat ng magsalita ulit siya. Tinaponan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya sakin saka humalakhak.

Napangiwi ako ng makita ko ang hikaw sa dila niya. Damn. Ang sakit niyan ah!

“Masakit sa una pero kalaunan hindi na.”

Mabuti nalang at hindi ako slow. Pero sht, mukhang masakit talaga yong hikaw na nakakabit sa dila niya. Seriously, allowed ba sa school yan?

“Siobhan Imperial. Hanz for short” Ngumiti siya sakin saka naglahad ng kamay. Ang weird ng pangalan ha pero hot pakinggan. Siyempre, mas hot si Nate.

“Kars. Yui Kareeza Montalban for long.” Tumawa lang siya sa come back ko kaya tumawa nalang din ako.

Inaamin kong gwapo siya ha pero mahangin. May toyo din siya sa utak kagaya ko kaya hindi na ako nagulat na nagkasundo kami. Transferee pala siya pero kilala niya na daw ako which is weird. Matunog daw kasi ang pangalan ko lalo na ngayon at nakakabit ito sa pangalan ni Nate.

“Mukhang nag-eenjoy kayo ah.” Napatigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

Gusto kong magmura. Gusto kong tumayo at lumakad ng matulin para maiwasan siya pero tila kumapit na ang mga paa ko sa semento kasama narin ang pwet ko sa inuupoan ko.

“Nate!” Ngumiti ako ng hilaw sa kanya pero nakatingin lang ito sa kasama ko.

“He-he-he. S-si Hanz nga—“

 

Di na ako nakatapos sa pagsasalita dahil hinigit na niya ako palabas ng canteen. Hahay, higit time na naman. Gusto ko siyang suntokin sa mukha dahil sa asta niya. Panay pa ang mura ko dahil sa lakas ng hatak niya sakin.

“Aray, Nate! Sht.” Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinikom ko na agad ang bibig ko.

Kita niyo? Hindi pa nga kami (charot) pero kung umasta akala mo kung sino. Lahat nalang yata ng ginagawa ko, ayaw niya. Tss. Kung sabagay, kahit ako, ayoko sa mga taong palamura kaya technically, ayaw ko rin sa sarili ko.

Padabog niyang binuksan ang opisina niya at marahas akong sinandal doon pagkatapos niya itong isara. Halos maduling ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sakin. Ang sarap tuloy magmura eh dahil sa amoy na amoy ko yung hininga niya. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader dahil sa sobrang katangahan at kaduwagan. Alam ko na ‘to eh. Alam ko ng malapit na akong mahulog ng tuloyan sa kanya.

“What was that?” Nag-iwas ako ng tingin at nagmura. Kailangan ba talaga malapit ang mukha niya sakin pag nagtatanong?!

“Tang’in—hehehe. Joke.” Magmumura na sana ako pero di ko na ginawa dahil sa reaksyon ng mukha niya. Parang anytime, mananakmal na ‘to eh pero gorabels na, kung siya lang naman ang sasakmal sakin, aba’y habang buhay nalang akong pasasakmal. Hahahaha.

Pinilig ko ang ulo ko para kalimotan muna lahat ng kabalbalang naiisip ko.

“Isa, Kareeza.” Ayan, high blood na naman. Napaka-demanding talaga kahit kailan.

Napakunot ang noo niya ng nginisihan ko siya. “Dalawa.” Sumimangot siya sa pambabara ko.

“Sino ba kasi yon?” Lumayo na siya sakin at ginulo ang buhok niya. Ayan, naglalaway na naman ako sa buhok niya.

“Si Hanz nga. Tsk.” Sinamaan niya ako ng tingin.

“Transferee yon, Nate at nakiki-share lang ng table.” Umismid ako sa ginawa ko. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya?

“Marami namang bakante doon pero bakit sa’yo?” Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.

“Wa’g kang mag-alala, next time, sasabihin ko sa kanya na sa’yo lang maki-share.” Humagalpak ako ng tawa ng ma-imagine ko na silang dalawa, nasa iisang table at nagde-date (hindi naman sa gusto ko siyang maging bakla ah) pero shet, nakakadiri. Ang gwapo nila pareho pero gwapo din pala ang hanap. Lol.

“I’m serious, Kareeza.” Tumikhim pa siya at ginulo ulit ang buhok niya. Tss.

“Yan ang hirap sa’yo, masyado kang seryoso. Ano bang problema mo dun sa ginawa ko? Ni-reject ko na nga yong tao in the first place pero mapilit siya kaya wala na akong nagawa.” Lumiwanag ang mukha niya sa sinabe ko.

“T-talaga? H-hindi ikaw ang nag-aya sa kanya?” Tinaasan ko ulit siya ng kilay. Bakit ko aayain ni hindi ko nga halos malunok ang kinain ko dahil sa kaiisip sa’yo! Tsk!

“S-sabi kasi ni Karen…”

 

Halos pumutok ang ugat ko sa noo dahil sa mga narinig ko. Ang panget na manggang yon talaga, napaka-pakialamera! Gusto ko siyang bigwasan dahil sa napaka-insecure niya! Sasakalin ko talaga ang hayop na yon pag nakita ko siya.

Inirapan ko nalang siya at dumiretso sa isang upoan katapat ng desk niya. Akala ko pa naman matalino siya pero uto-uto pala. Bakit ba ang bilis niya maniwala sa manggang iyon?! Pag ako hindi nakapag pigil, yong manggang yon talaga ang masasakmal ko.

Ilang minuto din kaming hindi nag-imikan. Halos tuboan na ako ng ugat sa katawan dahil sa sobrang katahimikan. Ilang beses na nga akong nagmura sa isipan ko dahil sa pagtititigan namin tapos mag-iiwasan rin kalaunan. Sht. Naiihi ako sa ganito. Wala na akong nagawa kaya tumayo nalang ako.

“Saan ka pupunta?” Tanong niya sakin habang tinutungo ko ang pinto.

“Maglalaro ng jackstone, sama ka?” Irap kong sabi sa kanya.

Bigla akong pinamulahan ng pinasadahan niya ako ng tingin.

“I don’t like the way you dress.” Napawi ang pamumula ko.

“I don’t like the way you talk, too.” Humakbang siya papalapit sakin kaya napaatras ako.

Ito na ba yong part kung saan hahalikan ako ng bida at magme-make love kami? Haha. Shet. Iniinsulto na nga ako’t lahat pero nagawa ko paring magbiro ng ganito.

“Hindi ko rin gusto ang mga bisyo mo.” Napalunok ako ng malalim nang nilagay niya ang dalawang bisig niya sa pader. Wala na akong kawala.

 

Tinagilid niya ang mukha niya at inilapit ang bibig nito sa tenga ko. Oh dear, Lord.

“Pero damn, Kareeza…”

 

Ramdam ko ang hininga niya sa mga balat ko. Ramdam ko ang kalabog ng puso ko. Ramdam ko ang buong pagkatao niya na walang awang pumasok sa pagkatao ko.

Nanlaki ang mata ko ng hinalikan niya ang leeg ko pero mas lalo akong nawala sa ulirat dahil sa huling sinabe niya…

“…mahal kita.”

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
21.6M 257K 71
Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credit...
570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...
392K 5.1K 45
Growing up, Cindy Anne Lopez had it all. Fortune, prestige school, loving and protective parents. She was the heiress. The first born of the Lopez Cl...