My Best Friend's Girlfriend

By pressedlemon

185K 4.7K 1.1K

Are you willing to give up your friendship with your long-time best friend so you can finally pursue the very... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
Author's Note

14

8.4K 232 73
By pressedlemon

Sobrang lakas ng tibok ng puso ni Jho habang tumatakbo siya palabas mula sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung anong biglang pumasok sa utak niya para hayaan na maging ganoong kalapit sila ni Bea. Muntik pa silang...

She's out of breath from running so she stops and carefully leans herself on a parked car beside her. Napakagat labi na lang siya ng maalala niya yung mga titig sa kanya ni Bea habang sumasayaw sila at yung dahandahang paglapit nang mukha nito bago pa dumating si Fel para paglayuin silang dalawa.

Kung hindi pa dumating si Fel ay baka natuloy na yung balak ni Bea na halikan siya. Hindi talaga sigurado si Jho kung magagawa ba niyang pigilan iyon kung nagkataon. Nagsisimula na naman siyang malito sa nararamdaman niya at sumabay pa yung pagkahilo niya mula sa alak na nainom niya kanina.

Bakit kasi ganito siya kaapektado pagdating sa babaeng yun?

Ilang beses na niyang dineny at isinawalang bahala 'tong nararamdaman niya para kay Bea pero kahit anong gawin niya ay bumabalik pa rin lalo na kapag nagkikita na sila. Minsan nga ay gusto niyang batukan ang sarili niya dahil ilang beses na rin siyang muntik bumigay sa kung ano man attraction ang meron siya para sa taong yun.

Nagsimula lang naman siyang maguluhan sa nararamdaman niya nung nasa Subic sila. Yun mga tinginan sa kanya ni Bea na akala nito siguro ay hindi niya napapansin. Bigla niya tuloy naalala nung hinawakan nito yung kamay niya sa ilalim ng kumot. Hindi siya sigurado kung ano bang pumasok sa utak niya at hindi niya nagawang bumitaw kahit katabi na nila si Thirdy. Ang alam lang niya ay may kakaiba na siyang nararamdaman para kay Bea nung mga panahong iyon at inaamin niya na naging mapusok siya dahil ginusto niya rin yung pakiramdam at init na dinudulot ng palad ni Bea sa palad niya.

Who is she kidding? Kahit nung unang gabi pa lang sila nagkakilala ay hindi rin agad nawala sa isip niya si Bea pagkatapos niyang mahalikan ito. May mga araw pa nga na parang gusto niyang bumalik dun sa club para mag bakasakali na magkikita ulit sila. Nagkataon lang na kinailangan niyang umuwi ng Batangas nung mga panahon na iyon kaya nung nakauwi siya ay tuluyan na rin niyang kinalimutan si Bea.

Hindi naman niya inaasahan na magkikita ulit sila at aminin man niya o hindi ay parang unti-unti siyang nahuhulog dito habang lumilipas ang araw na mas lalo pa niya itong nakikilala.

Or maybe because there is a certain thrill and excitement at the prospect that someone other than her boyfriend likes her and wants to be with her.

Huminga siya ng malalim at napapikit. Nagsisimula na naman sumakit ang ulo niya sa mga naiisip niya. Ano ba kasing meron sa kanya at lagi na lang nagiging ganito kakomplikado ang lovelife niya?

Nung una, niloko siya ng ex-boyfriend niya at tinapon yung tatlong taon nilang relasyon para sa ibang babae. Ngayon naman na nakahanap na siya ng matinong lalaki ay siya naman 'tong nagsisimula ng mag alinlangan dahil nagkakagusto siya sa iba.

Pakiramdam niya tuloy mababaliw na siya.

"Nandito ka lang pala. I've been looking everywhere for you."

Parang huminto naman sa pagtibok ang puso ni Jho sa gulat ng marinig niya ang boses na iyon. Agad siyang napamulat ng mata at ang mukha ni Bea ang nasilayan niya habang nakatayo na ito sa harapan niya.

Naramdaman niya ang lalong pagbilis ng pintig ng puso niya dahil sa presensya ni Bea sa harap niya. Hindi siya agad nakapagsalita at napatitig lang dito. She wants to move her feet to get away from her but she seems to be rooted to her spot for some reason.

"Are you okay?"

Bea takes a tentative step closer to where she's standing. Hindi siya nakapag salita at nahigit niya ang kanyang hininga nang ipinatong pa ni Bea ang braso nito sa kotseng sinasandalan niya kaya ngayon ay halos isang pulgada na lang ang pagitan nila.

"Hey... are you okay?" pabulong ulit nitong tanong sa kanya. They are now so close that Jho can feel Bea's warm breath on her skin.

She nods in response but she still couldn't find herself to answer her in words. Nang mag angat siya ng tingin ay nagtatanong na mata ni Bea ang sumalubong sa kanya. Kitang kita din niya sa mukha nito ang pagaalala.

"Jho... what happened back there." pagsisimula ni Bea na hindi pa rin inaalis yung mga makahulugang titig sa kanya. "I'm sorry if I — if I made you uncomfortable. Alam kong nangako na ako na titigilan na kita pero eto na naman ako ginugulo ka. It's just that I... I can't seem to stay away from you no matter how hard I try."

There's a pause and Jho had no idea what to feel and think of what she just said. Bea looks so vulnerable and the conflict in her face is visible that Jho has an urge to hug her and tell her that it's okay.

"Sinusubukan ko naman eh. I'm trying my best to stay away but it's hard when I see you and there's a part of me craving for you and wanting you to be with me instead."

Nakita niya ang sandaling pagpikit ni Bea ng mata na para bang nahihirapan siya sa sinasabi niya. Yun mga salita niya. Yung mga sinasabi niya na dahandahang tumatagos sa puso ni Jho. Nagtatalo na naman ang isip at puso niya dahil may gusto siyang gawin ngunit alam niyang hindi iyon tama at kailangan niyang humiwalay kay Bea ngayon din bago pa siya may magawang isang bagay na pagsisisihan niya sa huli.

"Sometimes I hate myself because I want you to be mine so badly that I wish Thirdy doesn't exist so I can have the freedom to pursue you. I'm sorry, Jho. I'm sorry for being like this. I'm sorry if I almost..."

Hindi na naituloy ni Bea kung ano man ang sasabihin niya dahil hinawakan siya ni Jho sa braso at mabilis na hinila palapit hanggang sa maglapat na ang mga labi nila.

Halata ang pagkagulat ni Bea sa mga nangyayari at hindi siya agad nakatugon sa halik na iyon. Para naman may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ni Jho ng maramdaman niya ang malambot na labi ni Bea habang patuloy niya itong hinahalikan. Ilang segundo pa ang lumipas ay naramdaman na din niya ang pagganti ni Bea sa kanyang mga halik.

Tuluyan ng nawala sa sarili si Jho at hindi na siya makapag isip ng maayos dahil sa sobrang pagka-overwhelmed sa mga nangyayari. Mayamaya pa ay naramdaman na niya ang paglalim ng mga halik ni Bea at ang bilis na paggalaw ng mga labi niya. Namalayan na lang niya na ipinalupot na pala niya ang mga braso sa balikat nito para hapitin ng mas malapit pa.

Isang minuto. Dalawa. Hindi na siya sigurado kung gaano sila katagal na nandoon. Kung meron man nakakakita sa kanila ngayon ay hindi na siya sigurado dahil masyado pa rin okupado ng utak niya ang mapusok nilang halikan. Lalong nag init ang pakiramdam niya ng naging malikot ang mga kamay ni Bea na marahang humihimas sa may bewang niya.

Ilang beses ba niyang tinititigan si Bea kapag alam niyang hindi ito nakatingin? Na kapag tinitignan niya ito ay hindi niya maiwasan na hindi maalala yung una at huling beses na naghalikan sila. Inaamin niya na isa yun sa mga halik na hindi niya makakalimutan at hindi niya talaga lubos na akalain na mauulit pa yun ngayon.

Halos maputol na ata ang hininga ni Jho sa sobrang tagal na hindi naghihiwalay ang mga labi nila. Mukhang wala naman balak tumigil si Bea at mas lalo pang lumalim ang mga halik na iginagawad nito sa kanya. Narinig na lang niya ang sarili niya na umuungol ng maramdaman niya ang dahandahang pagpasok ng dila ni Bea sa bibig niya.

Iba na 'to. They are making out in a public place where people can easily see them. May parte sa utak niya na nagsasabi na mali 'tong ginagawa nila at kailangan niyang lumayo ngunit 'di niya magawa dahil masyado na siyang nalulunod sa sensasyon na dala ng maiinit na halik ni iyon.

"Bea..." hinihingal niyang bulong ng sandaling lumayo siya sa labi nito para huminga. "Let's get out of here."

Hindi na niya alam ang sumunod na mga nangyari pagkatapos nun. Ang alam lang niya ay humiwalay sa kanya si Bea para kunin ang kamay niya at hinila siya sa kung saan. Namalayan na lang niya na nakasakay na siya sa loob ng isang kotse at si Bea ang nagmamaneho na tila nagmamadali.

******************************************

Nang magmulat ng mata si Jho ay naramdaman agad niya ang pagsakit ng ulo niya. Dahandahan siyang gumalaw para mag inat ng maramdaman na lang niya na may mainit na braso pala na nakaakap sa katawan niya.

Nanlaki agad ang mata niya ng mapagtanto niya na nakahiga siya sa isang kama na may ibang kasama. Agad siyang lumingon sa kung sino man ang katabi niya at ang mukha ni Bea na mahimbing na natutulog ang kanyang nakita.

Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig ng napansin niya na pareho sila ni Bea na walang kahit anong saplot at kumot lang ang nakatakip sa kanilang mga katawan.

Shit. Shit. Shit. Ano 'tong nagawa niya? Ano 'tong nagawa nila?

Unti-unti naman bumabalik sa isip niya yung mga nangyari kagabi pagkatapos nilang makarating dito sa unit ni Bea at napasapo siya ng ulo ng maalala niya yung mga ginawa nila.

Hindi niya alam ang gagawin at hindi niya magawang bumangon sa pagkakahiga niya dahil baka magising si Bea. Wala ata siyang mukhang maihaharap dito pagkatapos ng mga nangyari sa kanila. Parang gusto niya tuloy kainin na lang ng lupa dahil sa katangahan niya.

She just cheated. She just cheated on her boyfriend. Wala na siyang pinagkaiba sa walang hiyang ex-boyfriend niya dahil nagawa na din niyang magtaksil sa taong karelasyon niya ngayon.

Sigurado siyang masasaktan si Thirdy kapag nalaman niya 'to. Lalong lalo na't ang third-party na involved ay yung best friend pa niya mismo.

Naputol naman ang pagiisip niya ng maramdaman niya ang marahang pag galaw ni Bea sa tabi niya. Para siyang nanigas sa pwesto niya habang pinanuod niya ang unti-unting pagmulat ng mga mata nito hanggang sa tuluyan na siyang nagising at nagtama sila ng tingin.

"Good morning." sumilay ang mga ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kanya.

Ni walang bakas ng pagaalala sa mukha ni Bea at parang maganda pa nga ang gising niya. Hindi nakasagot si Jho at patuloy lang sa pagtitig habang nagsisimula na itong mag inat.

Bigla naman itong bumangon mula sa kama sabay pinulot yung tshirt at undies niya na nakakalat sa sahig at isinuot ang mga iyon bago siya ulit bumaling kay Jho.

"Do you want breakfast? I can cook for us real quick. Do you drink coffee?"

Nagaalangan man ay tumango pa rin siya bilang sagot. Puno ng sigla naman na lumabas si Bea ng kwarto para simulan yung paghahanda niya ng breakfast nila.

Nanatiling nakahiga si Jho sa kama at napatitig lang sa may pinto kung saan lumabas si Bea. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit parang wala lang kay Bea yung mga nangyari sa kanila kagabi.

Does she even realize the gravity of what they've done? Nagtaksil lang naman silang pareho kay Thirdy!

Ilang minuto muna ang lumipas bago niya naisipan na bumangon na mula sa kama. Napabuntong hininga naman siya at bumalik sa pagkakahiga ng maalala niya na wala nga pala siyang pwedeng pamalit.

Shit. Ano ba 'tong pinasok niya?

Nang bumalik naman si Bea sa kwarto ay may dala na siyang tray ng pagkain at yung kape na tinimpla niya para kay Jho. She still looks like she's in a good mood as she carefully places the tray on the bed beside Jho.

"Sorry I took long. Gutom ka na ba? I cooked bacon and pancakes since it's the easiest and the fastest. Kain ka na."

Hindi siya sumagot at pinanood lang habang dahandahan ipinatong ni Bea yung tray sa kama katabi niya. She sits up from the bed with the blanket still covering her body and stares at the taller girl.

"I made you black coffee but if you prefer it with creamer then I can get it from the ki—."

"Bea." buong loob niyang putol dito. "Kailangan natin magusap."

Nakita niya ang agad na pagkawala ng ngiti ni Bea pero para naman itong walang narinig at patuloy na inayos yung pagkain niya at iniabot sa kanya yung kutsara't tinidor. "We can talk later. Just eat your breakfast first."

"We cheated on Thirdy, Bea." prangka niyang sabi na nagpahinto sa ginagawa ni Bea.

Hindi kasi nila 'to pwedeng pagpaliban hanggang mamaya. Kailangan na nila magusap ngayon. Malaking kasalanan ang nagawa nila at sigurado siyang malaking gulo ang mangyayari kapag nalaman ito ng mga kaibigan nila. Lalong lalo na si Thirdy.

Hindi na sumagot si Bea pero naramdaman ni Jho na nag-iba na ang mood nito. Bea is not looking at her now but she can clearly see the conflict that suddenly crosses her features.

"Yung n-nangyari satin. Isa yung malaking pagkakamali. Hin-hindi dapat yun nangyari. Siguro lasing lang kasi tayo pareho kaya..."

"I wasn't drunk that time." Bea says and she finally meets her eyes. "I knew what I was doing."

"Nagtaksil tayo kay Thirdy. Naiintindihan mo ba? Paano pag nalaman niya yung ginawa natin?"

Nagulat siya ng biglang mas lumapit pa si Bea sa kanya at hiwakan ang kanyang kamay.

"I know, Jho. You don't have to tell me. He may be your boyfriend but I'm his best friend and I shouldn't be chasing his girlfriend. I am a shitty friend for betraying him and sleeping with you. Tingin mo ba gusto ko siyang saktan?"

Bea closes her eyes and squeezes Jho's hand as she continues.

"Ayoko siyang saktan pero nahihirapan akong lumayo sayo. I have stopped myself from kissing you so many times but when you kissed me, I couldn't stop myself anymore. I hate that you're dating Thirdy and I hate that if he ever finds out, he'll be heartbroken but that doesn't stop me from wanting you."

"I'm sorry, Bea pero hindi na 'to pwedeng maulit pa. A-ayoko din malaman ni Thirdy 'to kaya please, huwag mong sasabihin kahit kanino."

"So what do you want us to do? Pretend it never happened?"

Jho nods in response and she carefully removes Bea's hand from hers. Nakapagdesisyon na siya. Hanggat kaya niyang itago yung nangyari ay gagawin niya. Mahalaga sa kanya si Thirdy at ayaw niyang masaktan ito. Siguro ay nalilito lang siya sa pagtingin niya kay Bea at sinabayan pa iyon ng alak sa sistema niya kaya hinayaan niya ang sarili niya na may mangyari sa kanila.

Bumuntong hininga si Bea, "Do you want to avoid each other too?"

"Pwede natin subukan. Pero mahihirapan tayo dahil pareho tayong malapit kay Thirdy. Isa pa, baka makahalata siya." Jho replies, running her fingers through her hair. "Please, Bea. Please kalimutan na natin na may nangyaring ganito. Para kay Thirdy, magpanggap tayo na lang tayo na parang walang nangyari." pagmamakaawa pa niya.

Hindi agad nakasagot si Bea at tila pinagiisipan pa niya kung papayag ba siya sa gustong ni Jho. Napansin agad niya ang lungkot sa mukha nito bago ito pumikit at dahandahang tumango.

"Okay. Fine. Let's pretend it never happened."

******************************************

Tanghali na ng makauwi si Jho sa bahay nila. Pinahiram siya ni Bea ng pamalit at ito na rin ang naghatid sa kanya kahit ilang beses siyang nagpumilit na magko-commute na lang siya pauwi. Buong byahe ay hindi sila gaanong naguusap at napansin agad niya na hindi siya nililingon o kinikibo man lang ni Bea pwera na lang kung siya ang unang magsasalita para magtanong. Nang makarating naman sila sa tapat ng gate ng bahay niya ay hindi na bumaba ng sasakyan si Bea at walang emosyon na tumango lang ito ng nagpasalamat at nagpaalam siya.

Mabigat ang pakiramdam na pumasok si Jho sa bahay nila dahil hindi maalisalis sa isipan niya yung pakikitungo sa kanya ni Bea. Naiinis siya sa sarili niya dahil alam niyang nasasaktan niya ito.

Bakit ba kasi kailangan nilang maipit sa ganitong sitwasyon? Bakit niya hinayaan na maging ganito kakumplikado ang lahat?

"Hoy babae! Bakit ngayon ka lang? Saan ka natulog kagabi?" bati sa kanya ni ate Ella nang makapasok na siya sa loob ng bahay.

"Ate Ells, please wag ngayon. Masakit ang ulo ko."

Iwas niya dito at akmang aakyat na sa taas para makapagpahinga na siya sa kwarto niya. Masakit pa rin kasi ang ulo niya hanggang ngayon.

"Aba ineng, alam mo bang tinawagan ako ni Thirdy kagabi at hinahanap ka?" pagpapatuloy nito na medyo seryoso na ang tono. "Hindi ka daw sumasagot sa text at tawag niya at hindi din alam ng mga kaibigan niyo kung nasaan ka. Ano bang nangyari sayo ha?"

Napako siya sa kinatatayuan sa may hagdan dahil sa mga sinabi ni ate Ella. Hindi naman siya nakasagot agad dahil parang pinagbaksakan siya ng langit at lupa na malaman na nagaalala sa kanya si Thirdy at kagabi pa siya hinahanap nito habang siya naman ay may kasamang iba at nagtaksil dito.

"Huy, Jho. Ayos ka lang? Anong nangyari?"

"Ate Ells..." hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya at humihikbi niyang hinarap si ate Ella.

"Anong nangyari, besh?" tanong nito na puno na ng pagaalala. Lumapit pa ito sa kanya at sinalubong siya ng marahang yakap. "Bakit ka umiiyak?"

"Naguguluhan na 'ko. Hindi ko alam ang gagawin ko." isinubsub niya ang mukha niya sa balikat ni ate Ells at niyakap ito ng mahigpit.

Hinimas himas naman ni ate Ella ang kanyang ulo na parang mas lalo pang nagpaiyak sa kanya.

Hindi niya kasi 'to deserved. Pakiramdam niya ay ang sama sama niyang tao dahil sa ginawa niya. Sinaktan niya si Bea at si Thirdy naman ang sunod niyang masasaktan kapag nalaman nito ang nangyari sa kanila ng best friend niya.

"Jho, hindi kita maintindihan. Ano bang nangyari? Saan ka naguguluhan?"

Lumayo siya mula sa pagkakayakap kay ate Ella at lumuluhang tinignan ito sa mata.

"Nagtaksil ako kay Thirdy ate Ells. May nangyari sa amin ni Bea at pinagtaksilan ko si Thirdy."

******************************************





A/N: merry xmas! hahahaha! so ayun nga ang sabaw nito kaya pagpasensyahan niyo na. sorry guys, i tried but im not yet ready to write spg for this story. im just happy na finally nakarating na ko sa chapter na to at magsisimula nang mag pick up yung kwento.

anyway, please feel free to ask me questions or if you have a request then just comment.thank you for reeading!

Continue Reading

You'll Also Like

803K 20.7K 59
Jema Galanza. Deanna Wong. After being separated from each other for a long time, the two crossed path again under a different circumstances. Will...
72.2K 2.6K 31
Jema and Deanna One Shot Stories Hango sa totoong kwento ng ating buhay
49.5K 2.3K 29
Dean Wong didn't believe in love until he met a girl who could change his beliefs.
157K 2.6K 55
Read this guys! :)))) an AD story! And please check my other stories about AD. Nasa works ko lang yun ? Hope you guys enjoy this story! Guys ngyun p...