The Star

Da AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... Altro

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 15

11.3K 189 12
Da AngelMelay

 A/N:

Thanks sa mga bagong ngcocomment na sina: @ryangosling123, @KyungBaekSu, at @PositivityisMe.

VOTE & COMMENT din po ang iba. Saka paki share naman po sa iba para madami magbasa. Thank you!

_______________________________________________

STARRING 15

SELOS?

Paglabas ko ng banyo matapos magbihis, ay nakaawang na mga labi ni William ang sumalubong sa akin. May nakapatong pa akong parang fishnet na blouse niyan ha. Lalo na siguro kapag itong red bikini ko na lang ang suot ko.

"Oh... You... You look beautiful and sexy!" Hindi mapigilang puri sa akin ni William.

Umikot ako sa harapan niya. "Talaga?" Nagkunyari akong hindi naniniwala. Gusto ko lang makarinig sa ngayon ng mga ganitong papuri. Ngayong parang nawawalan na ako ng tiwala sa sarili ko. Ngayong pakiramdam ko, ang panget-panget ko. 

"Uhhmm.. umm." Tumatango pang sagot niya.

Napangiti naman ako ng malawak ng makita ko ang epekto ko sa kanya. Kulang na lang tumulo ang laway niya sa akin. 

"Let's go?" Tanong ko sa kanya.

Tulalang sumunod naman sa akin palabas si William. Magkasabay kaming naglalakad, pero ramdam kong nakatitig lang siya sa mukha ko.

'Madly smitten.' Ika nga niya kanina.

Paglabas ko ay nagsipagtunganga sa akin ang mga iba nilang co-models na lalaki. Ang mga babaeng hindi ako pinapansin kanina ay biglang lumapit sa akin para makipagkilala. Masayang nakipagkwentuhan pa sila sa akin. Pinalibutan na nila ako na para bang ako ang modelo at hindi sila.

"Swimming tayo, Steph." Sabi ng bago kong nakilala na model ng FHM, si Ana.

"Sure." Tumango ako at nagpahila na sa kanya papuntang dagat.

Ang mga boys, parang mga paru-parong nakasunod sa isang napaka-bangong bulaklak. Napatingin tuloy ako sa paligid. Nasaan kaya sina Franz at Fatima? Kanina ko pa kasi sila hindi nakikita.

"Doon tayo." Mga ganyang yaya ang narinig ko sa kanila ng halos sabay-sabay. Gusto talaga akong makasama ng lahat halos sa mga boys.

"Dito na muna ko." Sabi ko at naupo sa beach chair sa tabi ng seashore. 

"Swim muna kami, Steph." Paalam ni Ana at ng kanyang mga kasamang models na babae. Kumaway at ngumiti rin sila sa akin.

Hindi naman umalis ang mga boys sa tabi ko. Mga nagsipag-upo sa buhanginan para makipagkwentuhan sa akin. Ang sarap pala ng ganito? Kanina lang ay halos mawalan na ako ng pag-asa sa sarili ko. Tingin ko ay ako ang pinakamababa at walang kwentang nilalang dito. Pero ngayon, ang sarap din pala ng pinagkakaguluhan. Iyong 10% kong ego ay parang na-boost at naging 100% na ngayon.

Nagkakatawanan kami ng mapatingin ako sa dagat. At napawi ang mga ngiti ko sa labi. Nakita ko kasing nag-jejetski sina Franz at Fatima.

'Sana tumaob kayo.' Piping dasal ko. Alam kong masama na magwish ng hindi maganda sa kapwa, pero anong magagawa ko? Nagseselos ako eh!

"Bagay sila ng kapatid ko ano?" Comment ni William Sy na nakaupo sa may paanan ng beach chair na inuokopa ko. Hindi naman nila ako mabobosohan. Iyong kulambo kasing pangpatong ko ay hanggang gitna ng hita ko.

Gusto kong sigawan si William ng, 'HINDEEE!!!' Pero hindi ko ginawa. Baka mawirduhan naman siya sa akin masyado. Baka mahalata pating nagseselos ako.

"Oo nga." Sagot ko na bukal sa loob ko. Aminado naman ako, hindi ba? Alam ko namang bagay sila. Kanina ko pa nga iyon napapansin.

"Akala namin, Steph, girlfriend ka ni Franz. Madalas ka kasi niyang kasama hindi ba?' Tanong sa akin ni Chris. Siya ang matagal ng nakakasama ni Franz sa mga events kaya nakikita na niya ako noon pa.

Umiling ako. "Hindi eh." Nanghihinayang na sagot ko. Kung pwede nga lang talaga na ako na lang.

"Tingnan mo iyong kapatid mo, mukhang ok na ok na sila ni Franz." Sabi naman ni JR kay William.

Napasunod naman ako ng tingin sa tinitingnan nila. And it broke my heart again! Bumaba ata sila sandali ng jetski at naglangoy. Nakapulupot pa ang mga braso ni Franz sa bewang ni Fat at nakangiti silang nakalubog sa hanggang bewang na tubig. D@mn! PDA!

"Bayaan ninyo si Fatima. She's old enough para sa mga ganyan. Wala kaming pakialaman ng lovelife." Nakangiting comment ni William.

Gusto ko sanang sabihin kay William, 'pakialaman mo sila! Masyadong mabilis ang pangyayari sa kanila. Paghiwalayin mo sila.' Pero syempre, sa sarili ko lang iyon.

"Maligo na kasi tayo, Steph." Pagpupumilit ni Chris.

Nakakahiya namang dahil sa pag-iinarte ko ay hindi sila makaka-enjoy. Saka sabi ni Direk, kailangan nilang maging tan ngayong maghapon. Kailangan ay medyo nagbobronze sila sa photo shoot mamaya.

"Sige." Sagot ko at tumayo na.

Ibinaba na nila sa inupuan ko ang mga tuwalya sa mga balikat nila. May mga naghubad pa ng t-shirt nilang suot. Ako naman ay hinubad na ang kulambong suot ko. Mahihirapan kasi akong lumangoy kung suot ko pa ito.

"WOW!" Halos sabay-sabay na palatak nila.

Medyo nahihiya naman akong itinakip ang kamay ko sa bandang baba ko. Medyo may katambukan din kasi ang ano ko. Baka mabakat nila.

"Huwag kang mahiya, Steph. Pwede ka ngang pang-playboy magazine." Puri sa akin ni JR.

Ibinaba ko na ang kamay ko at sumabay sa lakad nila papuntang beach. Wow! Nakaka-akit ba talaga ako ng tingin? Bawat kasi madaanan ko ay nakasunod ang tingin sa akin. May mga napapanganga pa nga at napapalunok sa kanila.

May mga pumalakpak pa sa sobrang paghanga. HIndi ako sanay sa ganitong sobra naman na atang attention kaya nahihiya na ako. Parang gusto ko ng bumalik sa loob ng cottage at magbihis.

Nang maka-abot na sa paa ko ang tubig ay napatingin ako muli sa kanila ni Franz at Fatima. Napalunok ako ng makita kong nakatitig sa akin si Franz. Matalim ang tingin niya. At dahil matagal siyang nakatitig sa akin...

"Franz!" Tili na pumunit sa tahimik na resort ng kaangkas niya sa jetski na si Fat.

Nahulog si Franz sa jetski. Kasunod noon ay ang pagtagilid ng sasakyan at pagkalaglag na rin ni Fatima. Nag-alala naman akong lumangoy agad palapit sa kanila.

"Sht!" Mura ni William. Nagmamadali siyang nilampasan ako sa paglangoy para puntahan iyong dalawa. Lalo na ang kapatid niya.

Halos matanggal na ang kamay ko sa pagmamadali ng pagkampay para makarating agad kina Franz. Naku! Baka kung mapaano ang lalaking mahal ko.

'Mahal ko?' Tanong ko sa sarili ko.

Ngayon ko lang naconfirm na mahal ko na pala si Franz. Ngayon napahamak siya ng ganito ay sising-sisi ako. Kung sana ay hindi ako nakipagtitigan sa kanya. Ano ba kasing ikinagagalit niya kanina sa akin at masama ang tingin niya na parang kakainin niya ako? Dahil sa titig na iyon kaya tumaob ang jetski na sinasakyan nila.

"Ok ka lang?" Tanong ko ng makalapit sa kanila. Yakap ni William ang nakababatang kapatid na si Fatima. Thank God at walang nangyari sa kanilang masama. Mabuti na lang at may suot silang life jacket na dalawa.

Inirapan lang ako ni Franz at lumangoy na papuntang pampang. Inagapayan naman namin ni William si Fat papuntang pampang.

Pagdating namin doon ay tila pagod na pagod na nakahiga si Franz sa buhanginan. Nakatingin lang siya sa kalangitan.

"Ayos ka lang, Pare?"

"Ayos lang ba sila?"

"Hindi ka ba nasaktan?"

Mga tanong sa kanila. Ang buong staff at crew ng photo shoot, pati co-models, at maging si Ate Mye at ang driver ay nakapalibot na sa kanila.

"Ok lang." Sagot ni Franz na pumikit ng mariin ng magtama na ang paningin namin.

"Ayos lang din si Fat." Announce naman ni William.

Nakahinga na ng maluwag ang lahat. Itinayo na ni William ang kapatid at dinala na sa loob ng cottage. Ang lahat ay unti-unti ng nagbalik sa kani-kanilang mga pwesto.

"Ayos ka lang ba, Franz? Magbihis ka na kaya." Suggestion ko sa kanya. Lumuhod na ako sa may ulunan niya para makausap siya nang maayos.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at masamang tumingin sa akin. Ano bang problema nito? Naiinis na ako sa mga titig niya.

"Ayos ka lang, Franz?" Ulit ko sa tanong ko na puno ng pag-aalala. Hinawi ko pa ang buhok na tumakip sa mukha niya.

Iniilag niya ang mukha niya sa kamay ko. Napakagat-labi naman ako dahil sa kapusukan kong haplusin ang mukha niya.

"Pwede ba, Steph? Magbihis ka nga!" Sabi niya sabay balikwas ng upo. Napaawang naman ang mga labi ko. 

"Bakit ka ba naninigaw?" Tanong ko sa kanya.

"Sinasadya mo bang magpapansin sa akin kaya ganyan ang suot mo??" Nakasinghal pa rin niyang tanong.

"Huwag mo naman akong sigawan." Sabi ko sa mababang tono. "At hindi ako nagpapansin sa iyo." Pagsisinungaling ko. Dahil alam naman natin ang totoo, medyo nagpapansin din ako sa kanya kanina. Pero ang unang dahilan ko ay ang maitaas ang tiwala sa sarili ko. Ang makarinig ng papuri na maganda din naman ako, kahit paano.

Lalo namang nagtiim ang bagang niya sa sinabi ko. "Ah.. Hindi na pala sa akin ka ngayon nagpapansin. Kung ganoon kanino? Sa mga co-models ko ba, Stephanie?" Galit pa ring tanong niya.

Napatungo na ako sa sakit na nararamdaman ko. "Bakit mo ba ako pinapagalitan ng ganito? Bakit kay Fatima, mukhang enjoy na enjoy ka pa nga sa suot niya. Maygad! Ang buong kamay mo eh halos nasa katawan na niya. Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin? Na inaakit ko ang mga kaibigan mo? Well, para sa ikasasaya mo..."

Huminga muna ako ng malalim at pinunasan ang mga luhang nakakalabo na ng paningin ko. Nakatingin ako ng diretso sa mukha niya, pero siya sa ibang tanawin nakatingin. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

"... Oo! Sinadya ko ito. Bakit? Kasi ngayon nakikita kitang masaya kasama si Fatima, nararamdaman kong wala na talaga akong pag-asa. Nang makita ko kung gaano kayo kabagay na dalawa, nanliit ako bigla." At bumuhos na ang luha ko ng tuluyan.

Galit na tumitig siya sa akin. "Bakit? Sinabi ko bang umasa ka? Hindi ba't sinabi ko naman sa iyong hindi kita magugustuhan?! Hindi kahit kailan! Kinailangan pa talagang makilala ko si Fatima para magising ka? Manhid ka ba?" Pang-iinsulto niya sa akin. Pero agad namang nanglambot din ang kanyang mga tingin. 

"Steph, I'm sorry... hindi ko sinasadya... Galit lang ako.. I'm.." Hindi ko na pinatapos ang sinabi niya.

"Narinig ko na ang dapat kong marinig. Huwag kang mag-alala, Franz. Simula ngayon, kung anuman ang nararamdaman ko sa iyo, tinatapos ko na. Wala kang kwentang tao! Dapat pala si Von na lang ang nagustuhan ko. Dahil si Von, naappreciate niya ako! Samantalang ikaw, parang alalay ang turing mo sa akin!" Ibinuhos ko na lahat ng sama ng loob ko na inipon ko ng ilang taon.

"No. Steph, no! Huwag mong sabihin iyan. Nag-sorry na ako. Galit lang ako sa suot mo. Ayokong nababastos ka ng ganoon." Kitang-kita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata. Pero para saan pa, nasaktan na ako sa mga salita niya, hindi ba?

"Kalimutan na lang natin ang araw na ito." At tumayo na ako para kunin ang pangpatong ko sa two-piece ko at magbihis na sa cottage.

"STEPH! WAIT!" Sigaw niya kaya napalingon ang mga tao sa kanya. Pero hindi ko iyon pinansin. Dirediretso na ako sa cottage. Nagagalit ako sa kanya.

Nakasalubong ko naman si William nang pabalik na ako sa cottage. "Steph, what happened? Umiyak ka ba?" Tanong niya sa akin. 

Umiling ako. "Hindi. Magbibihis lang ako, William." Paalam ko sa kanya. Hindi ko na inantay na makasagot pa siya. Bagkus ay dirediretso na akong nagbihis sa loob ng cottage.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakaupo na si Franz sa upuan doon sa loob. Balewalang kumuha ako ng suklay sa gamit ko at sinuklayan ang sarili ko.

"Steph, I'm sorry.." Mahina pero malinaw niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pag-aayos dito sa harap ng salamin. Kaya tumayo siya at lumapit sa likudan ko.

"Steph, sorry na.." Sabi pa niya.

Daedma! Isang malaking pang dedeadma ang ibinigay ko sa kanya. Ayoko siyang patawarin kahit na parang konting pilit na lang ay bibigay na ang puso ko. Lalo na at ganyan ka-sincere ang itsura niya. Mukhang nagsisisi siya talaga.

Iniharap niya ako sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin, pero kinuha niya ang baba ko, at maingat na iniharap sa kanya para magtama ang paningin  naming dalawa.

"Steph, bati na tayo. Sorry. Ayoko lang nang ganun ang suot mo na parang hubad ka na. Hindi maganda sa mata. Hindi bagay sa iyo. Saka let's continue to be friends. Please?" Pakiusap niya sa akin.

Wala na akong nagawa ng yakapin niya ako at halikan sa buhok. Inilayo ko naman siya agad kasi kumatok si William sa bukana ng pintuan. Baka mamaya kung anong isipin ng isang ito kay Franz. Lalo na at parang may something sa kapatid niya at kay Franz. Kahit paano ay iniisip ko pa din ang kapakanan niya.

"William, nagkatampuhan kasi kami ni Franz. Alam mo na. Nag-alala kasi ako sa kaibigan kong ito. Pero bakit ka naanditio?" Paliwanag ko kahit hindi naman hinihingi ang paliwanag ko.

"Oo naman. Open-minded ako, Steph. Hindi ako nag-aaksayang mag-isip ng hindi maganda sa ibang tao. Yayain sana kitang magsnorkling mamaya." Sabi ni William. 

Tumingin muna ako kay Franz kung ok lang ba. Pero nakita kong kumunot ang noo niya. "Hindi na siguro, William. Mapapagod kasi ako masyado. Mamaya manonood pa kami ng Awit Awards para suportahahan si Von Lee." Paliwanag ko.

"Von Lee of Colours? Ganda ng boses noon ah. Kakilala mo pala iyon?" Namanghang tanong niya habang umuupo sa coach sa tapat namin ni Franz.

"Kababata namin ni Franz. Oo, maganda boses noon. Mabait pati si Von." Papuri ko kay Von.

"Wow! Teka, kung hindi si Franz ang boyfriend mo, si Von ba? Sinisiketo ninyo lang? Kasi imposible namang hindi ka magkagusto dito kay Dude. Ang kapatid ko nga, ayun at hindi na ata siya makakalimutan." Tinap pa ni William ang balikat ni Franz.

"Naku... hindi ko boyfriend din si Von." Pagtatama ko.

"Talaga? Eh di liligawan pala kita talaga." Confess niya sa harap ni Franz. Sa dinami-dami naman ng pagkakataon, bakit sa harap pa ni Franz?

Nakita kong nag-igting ang panga ni Franz. 'Ganyan nga Franz. Para malaman mo kung ano ang binabalewala mo.' Bulong ng utak ko. Somehow, natutuwa akong parang naiinis siya.

"Bahala ka.." Sagot ko.

Nagulat kami ni William at nagkatinginan ng padabog na lumabas ng cottage si Franz. Kung tama ang kutob ko, nagseselos siya. Pero para rin namang hindi. Imposible iyon eh... Imposibleng magselos siya. Kasi nga kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Walang romance involve. Very platonic.

"Basta liligawan kita ha.." Bulong pa ni William sa akin at inakay na ako palabas ng cottage.

Ngayon lang may naghayag na liligawan ako na nagreact ng ganito si Franz. Dati naman ay wala siyang pakialam. Dahil ba kinakabahan siya dahil madaling magustuhan ang tulad ni William? Dahil ba sa model din ito, gwapo, mabait, at maganda ang estado ng buhay?

Kung ano man ang reason ni Franz ay malalaman ko din iyan. Dahil sa lahat ng nagparamdam sa akin, mukhang itong si William ang may pag-asang maka-pagpabaling ng pagmamahal ko kay Franz. Si Franz na pinawawalang bahala ako. Pero posible nga kaya? Posible bang mabaling ang kahibangan ko kay Franz papunta kay William? 

________________________________________________

 A/N:

 VOTE & COMMENT po. Please lang po....

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

624K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
17.4K 273 15
I'm not a good author so don't expect for more
117K 3.1K 46
PROLOGUE : Isang Simpleng Babe lamang Si precious ! Maganda ,, mabait at higit sa lahat Matalino ! halos lahat ng katangian ng isang babae nasa kny...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...