The Star

By AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... More

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 4
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 12

13.2K 197 6
By AngelMelay

STARRING 12

FASHION SHOW

Sinundo ako kanina nina Franz at kanyang driver para samahan ko siya papuntang fashion show. Nakasimpleng white above the knee, venus cut dress, silver na stiletto at itinaas ko ang aking buhok. Tiyak na madami kasing aattend na importanteng tao doon kasi sa hotel gaganapin ang event kaya dapat presentable ako.

Si Franz naman ay nakaslacks lang ng dark brown at white na long sleeves. Hindi naman masyadong important kung anong isusuot niya papunta doon dahil huhubarin rin naman niya iyan mamaya. Ang susuotin niya ay iyong mga imomodel niyang damit.

Kilig na kilig nga ako dahil magkatabi kami sa backseat ng sasakyan nila. Amoy na amoy ko tuloy ang paboritong pabango niya. Lalo tuloy akong dumikit sa kanya para mas malanghap ko ang bango niya.

"Steph, umurong ka nga! Ang sikip eh." At mahina niya akong itinulak palayo sa kanya. Nahalata sigurong nakasiksik ako.

"Magugusot ang damit oh." Sabay turo ko sa mga damit niyang dala na nakasabit sa hanger sa taas ng bintana sa tabi ko.

Hindi na siya nagreklamo kaya lihim akong napangiti. Ngiti ng tagumpay. Yes! Pwedeng-pwede ko ng maramdaman ang init ng hulab ng katawan niya, at ang sobrang kabanguhan niya.

Napansin kong sinuklay na niya ng daliri ang buhok niya, kaya kinuha ko ang lipstick sa bag ko at nagretouch na. Tanaw ko na kasi ang hotel na pupuntahan namin.

Medyo nanglaki ang mata ko ng huminto ang sasakyan namin sa harap ng isang red carpet. Ganito ba ka-bigtime ang event na ito at may red carpet pa? Sa paligid ng red carpet ay ang daming mga reporters na may iba't-ibang klaseng camera. Grabe! Pang bigtime nga ang event!

"Ready?" Tanong niya sa akin na walang expression ang mukha. 

Tumango ako sa kanya. "Syempre." At ngumiti ako ng buksan na niya ang pinto. 

Diosmiyo! Paa pa lang niya ang nakakababa ay ang dami na agad camera na nagflash sa harap namin. Nakita kong ang sikat na international model na si William Sy ang nauna sa aming pinagkaguluhan kanina dito. Bigla tuloy akong kinabahan.

Bumaba na ako at binitbit ang gamit niya. Bad trip! Dapat ay date ang dating ko, pero parang naging alalay ako ah?

Pero namula ako ng maglahad sa akin ng siko si Franz, nang makababa na kami, na ibig sabihin ay ikawit ko ang kamay ko doon. Tinulungan pa niya ako sa pagbitbit ng ibang gamit niya. Kinikilig ako! Feeling ko, minus iyong mga gamit na buhat ko sa kabilang kamay, para akong si Cinderella na kasama si Prince Charming.

Ang daming nagsipag-flash na camera sa harap namin. Pinagkaguluhan talaga siya ng sobra. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano na talaga siya kasikat.

Kasi noon alam ko namang sikat siya. Pero ngayon, pinagkakaguluhan siya ng reporters, lalakad kami sa red carpet at papasok siya sa hotel para sa event, ngayon ko lang nafeel kung gaano na talaga kalayo ang narating niya. Samantalang ako, naiwan sa ibaba at tumatanaw lang sa kasikatan niya.

Huminto kami sa bukana ng red carpet para sa picture taking. Medyo hinila ako ni Franz patagilid. "Face me." Utos niya sa akin.

"Huh?"

"Humarap ka sa akin para hindi ka masyadong malantad sa camera, kung ayaw mong maging ikaw ay pagkaguluhan na rin sa hinaharap." 

Sinunod ko ang gusto niya. Medyo tumagilid ako at nagtago sa dibdib niya. Panay ang flash ng camera kaya medyo nakakasilaw.

"Who is this beautiful lady, Franz?" Tanong ng isang reporter sa kanya.

"Ah friend." Simpleng sagot niya.

Napaayos ako ng tayo at napatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala na talaga palang magkaibigan ang turing niya sa akin. Akala ko kasi dati, ako lang ang nagke-claim na kaibigan ko siya. Akala ko ang turing niya sa akin ay isa lamang matagal ng kakilala.

"She's beautiful. Are you courting her?" Tanong ng isa pa.

Napatingin na rin muna sa akin si Franz bago sumagot. "No." Maikling sagot niya sa reporter.

"What is your name, Miss?" Oh great! Ngayon naman, ako ang kinukulit nila! Artista ba ako? Ngayon ko lang narealize na mahirap din pala ang buhay ni Franz nitong nakaraang 4 years. Mahirap ang mawalan ka ng privacy.

Itinulak ko ang mic at recorder na mga nakatutok sa bibig ko at nagpakasubsob na ako sa dibdib ni Franz. Akala ko nananaginip lang ako ng yakapin niya ako ng isang kamay. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko. Parang biglang naging jellyace ang tuhod ko. Kinikilig ako! 

"Huwag na ninyo siyang isali, hindi naman siya artista." Malamig na sabi niya sa mga reporter at naramdaman ko na lang na naglakad na kami papasok.

Lalo lang nagkagulo ang mga reporters. Para silang mga bubuyog na sumunod sa kanilang beehive. Lalong lumakas ang kanilang mga tanong na parang mga bangaw. Pero kinikilig ako dahil pinorotektahan ako ni Franz the wholetime hanggang sa makapasok kami ng tuluyan.

"Thank you!" Sabi ko sa kanya ng sa wakas ay nasa loob na kami.

Napansin kong namula ang pisngi ni Franz. Oh great! Nagkakaroon na ata ako ng epekto sa kanya! Lucky day ko ba talaga? Pakiramdam ko, ang swerte ko tuloy!

"Franz.." Naputol ang titigan namin ng lapitan kami ni Sir Lance Lao. Siya ang handler nila ni Von. Bestfriend niya ang magulang ni Von kaya nakilala niya si Franz.

"Sir, good evening po." Halos sabay naming bati.

Ngumiti lang siya sa akin at bumaling na kay Franz. "Pasensya ka na kung wala si Miss Mye na assistant mo. Sino bang mag-aassist sa pagbibihis mo?" Tanong niya habang naglalakad na kami papuntang dressing room.

"Sir, siya po ang tutulong sa akin. Si Stephanie po." At ipinakilala niya ako kay Sir Lance.

Ngumiti ng malapad si Sir at tiningnan akong mabuti. Para bang pinag-aaralan niya ang buong mukha ko. "Girlfriend mo?" Tanong niya pa kay Franz.

Hiyang-hiya ako at kinikilig. Ilang beses na akong napagkakamalang girlfriend niya. Ibig sabihin talaga ay qualified akong maging kasintahan ni Franz. Ibig sabihin ay bagay kami.

"Magkababata po kami." Nahihiyang sagot ko.

Lalong ngumiti si Sir. Napansin ko tuloy na napakagwapo niya pala sa malapitan. Lalo na kapag ngumingiti. Kahit na maedad na, parang ang lakas pa rin ng dating niya sa akin. Kaya napatitig na lang ako sa kanya. Hindi ko na nagawang ialis ang paningin ko sa gwapo niyang mukha.

Napansin naman agad iyon ni Franz kaya siniko niya ako. "Laway mo." Inis na bulong niya sa akin.

Narinig ata ni Sir kaya napangisi siya sa akin. Pulang-pula tuloy ako sa kahihiyan. Kung bakit naman kasi ang daming gwapo sa mundo ni Franz? Hay!

Kinuha ni Sir ang mga gamit na dala ko at inilapag sa lamesa. Naandito na pala kami sa loob ng dressing room? Hindi ko napansin dahil busy ako sa pagtitig kay Sir. Para kasi siyang magnet na malakas maka-attract ng attention kahit hindi siya modelo. 

Kinapitan ako ni Sir sa kamay at iniikot. 'Ano bang ginagawa niya sa akin? Sasayaw ba kami?' Natanong ko tuloy sa sarili ko.

"Alam mo, Franz, pwedeng modelo itong kababata mo." Puri niya sa akin. Nakangiting napatungo na lang ako. Nahihiya ako sa papuri niya. Lalo na at sa harap ni Franz. Pero may isang parte ng puso ko ang nagsasabing, 'sige purihin mo pa po ako. Ipamukha mo po kay Franz na hindi ako panget tulad ng madalas niyang tawag sa akin.'

Hinila naman ako ni Franz sa bewang palayo kay Sir Lance. Napaangat tuloy ang paningin ko sa kanya. Nakita ko sa mata niyang 'nagseselos ba siya?' Natawa ng malakas tuloy si Sir sa ginawa niya. Ramdam kong uminit na naman ang aking punong taenga. Namula na naman ako tiyak.

"Iho, huwag kang magselos sa akin. Mahal ko ang Ma'am Hera ninyo. Saka para ko na kayong mga anak." At humagalpak na ng tuluyan ng tawa si Sir sa kanya. Parang napahiya naman si Franz kaya binitawan na niya ang bewang ko. Sayang! Bitin pa ako eh!

'Nagseselos siya talaga? Totoo ba ang hinala namin ni Sir Lance?' Napatingin akong nagtataka kay Franz. Pero siya ay kay Sir lang nakatitig.

"Iha, napaka-possessive pala nitong kababata mo." Nakangising sabi ni Sir sa amin. Ipinagdiinan pa niya ang salitang kababata mo.

"Gusto mo bang magmodelo para sa Lao Entertainment?" Nakangiting tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Alam kong maganda ako dahil madami akong suitors sa school na hindi ko pinapansin. Pero ang maging modelo? Parang hindi ko kaya ang ganitong buhay tulad ng kay Franz at Von. Iyong buhay na ang daming matang nanonood.

"Hindi siya bagay sa magulong industriya, Sir." Magalang na sagot ni Franz para sa akin.

"Pero ayaw mo ba talaga, Iha?" Tanong pa rin ni Sir.

Tumingin ako kay Franz. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko dahil nakakabigla naman ang offer. Parang naghihintay muna ako ng opinion niya bago ako makapagdesisyon. Umiling siya sa akin.

"N-nakakabigla naman po ang offer ninyo. P-pero... Pero ayoko po. Mas masaya na po akong taga-suporta na lang sa career nina Franz at Von." Nabubulol na sagot ko. 

Namilog ang mata niya sa sinabi ko. "Kilala mo ang inaanak kong si Von?" Tanong niya sa akin. Inaanak niya pala si Von?

"Opo. Kami pong tatlo nina Franz ay magkababata." Magalang na sagot ko.

"Siguro ay kay Von ako magpapatulong na kumbinsihin ka." Nakangiting sabi niya pero kay Franz siya nakatingin.

Nagbawi naman ng tingin si Franz at umupo na sa harap ng salamin. "Tawagan mo ako sa number na iyan kapag nagbago ng isip mo." Sabi pa ni Sir at iniabot sa akin ang calling card niya.

"Baby, pagbihisin mo na si Franz." Sabi noong kadadarating lang na parang FHM model sa ganda at sexy.

Napatayo si Franz at nagbigay galang sa hinalikan ni Sir Lance sa labi. Wow! Grabeng sweet nila ah. Siguro siya ang asawa.

"Mabuti po at nakarating kayo, Ma'am Hera." Bati niya sa bagong dating kaya naki-bow na lang ako sa magandang babae. Hindi nga nagsisinungaling si Sir, mukhang mahal na mahal niya ang batang-bata niyang asawa. Kung ganyan ba naman ang asawa mo, magloloko ka pa ba?

"Baby, I was telling Franz na ipasok niya sa Lao Entertainment ang magandang batang kaibigan niya." Sabi ni Sir sa asawa niya.

"Stephanie po." Pakilala ko kay Ma'am Hera.

"Hera." Nakangiting pakilala niya. Kinamayan pa ako ni Maam. Pagkatapos ay tulad ni Sir, iniikot rin niya ako.

"Magandang bata ito, Baby." Puri niya sa akin. Para tuloy gusto ko na ngang magmodel dahil sa mga papuri nila ay parang totoo namang pwede nga ako.

"Wala po siyang planong magmodel." Singit ni Franz sa usapan.

Napakunot ang noo ni Maam Hera. "Ayaw mo, Iha o ayaw ni Franz?" Nanunuksong tanong niya sa akin.

"Ma'am, hindi po kami magnobyo." Paliwanag ni Franz.

"Talaga? Sayang naman." Comment ni Maam na lihim kong sinasang-ayunan. Sayang talaga! Sayang nga, Miss Hera!

Inakbayan naman ni Sir ang asawa niya. "Huwag kang mag-alala, Baby. Si Von ang kukumbinsi kay Stephanie." Sabi sa kanya ni Sir.

Tumango-tango si Maam. "Aalis na rin kami. May lakad pa kami ng Sir ninyo. May awards night na aattendan si Menchie at Dave." Paalam niya sa akin.

Wow! Oo nga pala! Lao Entertainment nga pala ang may hawak din ng careers nila. Dahil tulad ni Von, kaibigan din ni Sir ang magulang ni Miss Menchie.

"Sige po."

"Ingat po."

Pero bago tuluyang lumabas si Maam Hera ay hinarap niya akong nakangiti. "Kapag nagbago ang isip mo, tawagan mo ang Sir mo. Bagay kang magmodelo." Sabi niya sa akin na tinanguan ko naman. 

"... baka doon ka makakita ng boyfriend." Dagdag niya pero kay Franz siya nakatingin at kumindat.

Napaawang ang bibig ko sa huling sinabi niya. Anong ibig sabihin doon ni Maam Hera? Pagtingin ko pa kay Franz ay pulang-pula ang pisngi niya. Nagblush ba siya dahil sa kinindatan siya ng magandang asawa ni Sir, or dahil sa sinabi ni Maam na magkakaboyfriend ako kapag nagmodel?

"GET READY!" Sigaw noong baklang organizer na nagpabalik sa amin sa aming mga senses.

Solo ni Franz ang dressing room na ito. Bale lima silang lalaking modelo at limang babaeng modelo. Maganda ang patakaran ng organizer ng event dahil tigitig-isa sila ng dressing room. At nang mapatingin ako sa poster sa side..

GUESS JEANS

Kaya naman pala sosyal ang accomodation at pinagdausan ng event eh.

"Steph, iyong brown kong GUESS na shoes." Sigaw sa akin ni Franz na nasa loob ng cr dahil nagpapalit ng pantalon.

Hinalughog ko ang dala naming gamit. Hinanap ko ang sapatos na sinasabi niya at iaabot ko sana sa cr. Kakatok pa lang ako ng lumabas siya.

Dug..

Dug..

Lumabas si Franz na topless at nakamaong lang na pantalon. Hindi kita ang garter ng brief niya dahil bawal daw iyon. Hindi naman kasi siya model ng brief. Pwede lang ipakita ang tatak ng brief kung endorser ka nito. (A/N: Ayon po iyan sa director ng shows ni Papa Tope ko.)

Napalunok ako at tulalang iniabot lang ang sapatos niya. Napipi na ako. Paano ba naman, tumambad ba naman sa mata ko ang firm chest niya, abs, triceps, biceps, at shoulders. Mygad! Parang mapuputol ata ang garter ng p@nty ko! Joskopo Franz! Ano bang ginawa mo sa katawan mo at gumanda ng ganito?

Nangatal ang buong katawan ko ng lapitan niya ako at huminto siya ng ilang pulgada lang ang layo sa akin. Kinakabahan ako. Josko naman kasi! Nakakawindang ang ganda ng kanyang katawan.

"Steph, huwag mo masyadong ipahalata sa akin na humahanga ka sa katawan ko." Nakangising sabi niya.

Pahiyang-pahiya ako. Halata palang halos tumulo na ang laway ko sa ganda ng katawan niya? Ngayon ko lang kasi siya nakita ng ganito kalapit kapag topless. Kaya naman pala sikat nga siyang modelo. Parang inililok ang perpekto niyang katawan.

Lumayo ako sa kanya at tumalikod para hindi niya makitang namula ako. "Maghanda ka na nga! First time ko kasing makita ka sa malapitan na nakahubad." Sabi ko habang iniiwasan kong mahalata ang nerbyos sa boses ko.

Tinawanan lang ako ng loko! Pang-asar talaga! Kaya hinarap ko siya at nakita kong nagsasapatos na siya. Gaano katagal kaya silang topless? Baka sipunin ang Franz ko ah.

"Ang sexy ko ba?" Pangasar pa niya habang nakaupo at nagtatali na ng sapatos.

"Oo. Pero kapag naging modelo na ako, hindi na siguro ako mabibigla sa mga katawan ng tulad ng sa iyo."

Tumayo siya at hinawakan ako sa siko. Natakot ako ng makita kong galit na ang kanyang mga mata. Nagbibiro lang naman ako. Bipolar talaga!

"Huwag na huwag kang magmomodelo, Steph. Hindi ka bagay sa mundong ito." Seryosong sabi niya.

Napaatras ako kaya nabitawan niya ako. Nakakatakot kasi ang galit sa kanyang mga mata eh.

"Nagbibiro lang naman ako." Sabi ko pa.

"Mas maganda ng ganyan ka lang, Steph. Isang simpleng taga suporta namin ni Von. Mahihirapan ka sa mundo namin." 

"Pero parang ang sarap sa mundo ninyo. Bata pa lang kayo ay kumikita na kayo ng pera."

"Bakit? Kinakapos ka ba?" Napalakas na ang boses niya habang kunot na kunot ang noo sa akin.

"H-hindi." Natatakot na sagot ko.

"Hindi naman pala eh. Kung kapusin ka man sa hinaharap, sabihin mo lang sa akin. Tutulungan kita sa pag-aaral mo. Basta huwag kang magmomodelo!" Galit na sabi niya at lumabas na papuntang backstage.

Inayos ko ang pinagbihisan niya at sumunod na sa kanya sa labas. 'Ano bang problema ni Franz at ayaw niya akong magmodel?' Tanong ng naguguluhan kong isip.

__________________________________________

A/N:

Pangbawi kasi wala akong update kahapon. Sorry! Guys, please HEPL ME PLUG THIS STORY. I-endorse po natin sa mga kaibigan ninyo ang THE STAR. Thank you! VOTE & COMMENT po.

Continue Reading

You'll Also Like

17.4K 273 15
I'm not a good author so don't expect for more
43.4K 1.5K 27
Storya ng isang babaeng takot magmahal...
29.1K 499 33
Another Laida-Miggy Story (other version ko po) It is definitely based on A Very Special Love and so with the characters but typically a different st...
315K 5.3K 53
This is her plan and that's her declaration "He's Going To LOVE Me,.....SOON!!!"