His Pretend Wife (Completed)

By vhenzlee

188K 3.6K 78

She was desperate. And so he does. She needed a money. But, he needed something else. She'll do everything f... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Pretend Wife No More
Pretend Wife No More (the real ending)

Chapter 13

7.4K 167 6
By vhenzlee

Nakayuko si Zirius habang nakikipag-usap ako sa teacher niya. Mabuti na lang din at mabait ang nanay ng batang sinuntok ni Zirius.

"Hindi ko po akalain na aabot sa ganito." The teacher said. "Madalas na talagang tuksuhin ng mga bata si Zirius. Ngayon lang nangyari na may sinaktan siya physically."

Ngayon lang kasi nangyari na nanakit si Zirius. Dati ay simpleng pang-aasar lang din ang iginaganti niya sa bata. O kaya naman ay gumaganti siya sa ibang paraan. Tulad na lang noong nakaraang linggo. Pinatawag ako sa school dahil itinapon ni Zirius ang gamit ng classmate niya sa fountain na nasa harap ng school nila. Nabasa lahat ng gamit noong bata.

Mabuti na lang at pumayag iyong magulang ng bata na palitan ko na lang iyong gamit ng anak nila.

"Ano po ba ang pinagtalunan nila? Bakit umabot sa ganito?" Tanong ni Mrs. Velez. Ang nanay ng batang sinuntok ni Zirius.

"Hindi ko din po alam. Noong tinatanong ko si Zirius ay ayaw naman niyang sumagot.

I heaved a sigh. "Anak, anong pinag-awayan n'yo ni Marco? Bakit mo siya sinuntok?" Tanong ko kay Zirius na nakayuko parin sa tabi ko.

"Sabi po n'ya na hindi ako mahal ng Tatay ko. Isa daw po akong bad na bata kaya ayaw sa akin ni Tatay." Akala ko pa naman ay hindi issue ito kay Zirius. I was wrong. Kasalanan ko ito.

"Marco! Bad ang nagsasabi ng ganoon. Mag-sorry ka kay Zirius." Sabi naman ni Mrs. Velez sa anak niya.

"Pero sinuntok po niya ako Mommy." Sabi naman ni Marco sa ina.

"It was your fault. So, say sorry." Sumimangot ang bata bago humarap kay Zirius. "Sorry Zirius."

"Sorry din." Sabi ni Zirius kay Marco. Alanganin naman akong ngumiti kay Mrs. Velez. "Huwag ka na ulit magsasalita ng ganoon ah. Kung hindi, susuntukin ulit kita."

"Zirius!" Saway ko dito. Tumawa lang naman ang teacher nila Marco at Zirius.

"Friends na lang kayo." Sabi ni Mrs. Velez. Pareho namang sumimangot ang dalawang bata.

Napailing-iling na lang ako.

"Magbehave ka anak. Okay? Papasok lang ako sa work tapos mamaya susunduin din kita."

Tumango si Zirius. "Nay, okay lang ba na makipagkaibigan ako sa ibang bata kahit wala akong Tatay?"

"May Tatay ka naman anak di ba. Hindi lang natin kasama ang Tatay mo kasi may problema kaming dalawa."

"Nay pinuntahan ko po sa bahay niya si Tatay. Nagpakilala po ako. Tapos may kasama po siyang tatlong mama." Napakamot sa batok si Zirius. "Bakla po pala si Tatay kasi lalaki ang asawa niya."

"Ano ba iyang pinagsasabi mo?" Napailing na lang ako.

"Kasi Nay wala pong asawang babae si Tatay. Tapos sabi po niya liligawan ka niya."

Napanganga ako sa sinabi ni Zirius. Ako? Liligawan ni Zake? Imposible. Si Zachary Kelvin Romero manliligaw? Baka manloko pwede pa.

At walang asawa? Nasaan si Sophia? Imposible namang hiniwalayan niya si Sophia.

Nagawa nga niya akong lokohin dahil kay Sophia e.

Well, kasalanan ko naman pala. Kasi nagpaloko ako. Umasa ako na may something sa aming dalawa. Umasa ako na totoo iyong nakikita ko. Umasa ako na totoo iyong mga sinabi niya. Pero umasa lang pala ako sa wala. Kasalanan ko talaga.

"Tapos Nay ang sabi ko kay Tatay tutulungan ko siya kung babayaran niya ako. Ang hiningi kong bayad ay iyong Romero Hotel." Tumatawang kwento ni Zirius.

Napailing na lang ako. Puro talaga kalokohan itong batang ito. "Anak, masama ang ganoon. Isa pa, baka binibiro ka lang ng Tatay mo." Ginulo ko ang buhok niya. "Pumasok ka na sa classroom mo. Papasok na ako sa trabaho."

"Okay Nay. Ingat ka po. Love po kita." Yumakap si Zirius sa binti ko.

"Ano iyong mga bilin ko?"

"Huwag sumama kung kani-kanino. Magpapakabait at kumain ng healthy foods. No to junk foods." Napangiti na lang ako.

Pagdating ko sa Paradise Kitchen ay halos aligaga ang lahat. "Jean. Good morning! Anong nangyayari bakit aligaga kayo? May event ba?"

"Good morning chef. Buti po dumating na kayo. Darating daw po si big boss." Si Alexus? Ano naman ang naisipan niya at dadalaw siya dito?

Sa dalawang taon ko dito sa Paradise Kitchen ay never kong nakita kahit na ang dulo ng buhok ni Alexus. Na ipinagpapasalamat ko din.

Tanging ang assistant niyang si Jerome ang madalas bumibisita dito. Kaya nakakapagtaka naman na naisipan niyang dalawin ang branch na ito.

"Ano naman ang naisipan ni big boss at dadalawin niya ang branch natin?" Tanong ko sa mga kasama ko sa kitchen.

"Kasama daw po niya ang mga kaibigan niya  chef." Sagot ni Tom.

Natahimik kaming lahat nang pumasok sa kitchen ang head chef namin na si Stone. At gaya ng pangalan niya ay ganoon din ang ugali niya.

"Good morning Avery." Malapad ang ngiti niya ng humarap sa akin. Napasimangot na lang ako. Ilang buwan na nitong tahasang sinasabi na gusto niya ako. Hindi ko alam kung bato din ba ang pakiramdam nito dahil hindi nito maramdaman na ayaw ko sa kanya.

Kung itsura ang pagbabasehan ay may maipagmamalaki naman si Stone. Sadyang hindi ko lang feel ang kahanginan niya.

"Good morning chef." Bati ko dito. Kasunod niya ang manager namin na si Sandra.

"Good morning guys! Darating ngayon si big boss. Alam n'yo na siguro iyon hindi ba?" Ngumiti kami at tumango. "Gusto kong ma-impress si boss pagdating niya. Iyon lang."

Nagsimula na kaming magluto ng mga putahe na nakalista sa harapan namin. Jean is my assistant.

"Good morning everyone!" Muntik na akong mapaso ng marinig ko ang malamig na boses ni Alexus.

"Okay ka lang chef?" Mahinang tanong ni Jean. Mukhang napansin niya ang pagkagulat ko.

Marahan akong tumango.

Kasama ni Alexus sina Kurt at Zake. Inilibot ni Alexus ang tingin sa aming lahat hanggang sa madako ang tingin niya sa akin. I saw how a small smirk creep on his face.

"Kilala n'yo na po ang ibang staff natin. Hindi ba boss?" Tanong ni Jerome na nakasunod din pala sa tatlo. Nasa tabi nito si Stone at Sandra.

"Yes. Pero may ilan yata na ngayon ko lang nakita." He is still looking at me.

Tumikhim si Jerome bago ngumiti. Sinenyasan nito si Tom at ako na lumapit. Kaming dalawa nga lang pala ni Tom ang bago dito sa Paradise Kitchen. Kung matatawag ngang bago ang dalawang taon. "Chef Tom and chef Avery, they were both hired two years ago." Pakilala ni Jerome.

Ngumiti si Alexus. He extended his hand. "Nice to meet you." Inabot naman ito ni Tom.

"It's my pleasure to meet you Mr. Montero." Nakangiting sabi ni Tom dito.

Ayon sa ibang staff ng Paradise Kitchen ay sadyang mabait daw si Alexus sa mga tauhan nito. Kaya naman karamihan sa mga nagta-trabaho dito ay inabot na ng ilang taon. Hindi din kasi uso dito ang contractual kaya naman marami ang gustong magtrabaho dito.

Isa pa ay malaki din magpasahod ang mga Montero. At kompleto din sa benefits.

Parang may nagrarambulan sa tiyan ko ng humarap si Alexus sa akin. Nararamdaman ko din ang pagtitig ni Zake sa akin na isa pang dahilan ng panlalamig ng kamay ko.

Kinakabahan ako. Pero bakit naman ako kakabahan? Si Zake ang may kasalanan sa akin hindi ba?

"Nice to see you again, Avery." Narinig ko ang pagtahimik ng lahat.

"Nice to see you again Mr. Montero." Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako pumiyok man lang.

"Ako lang ba ang babatiin mo? Aren't you going to greet your ex-husband?"

Ano daw? Ex-husband? "Huh?" Tumikhim ako. "Mukhang nagkakamali po kayo Mr. Montero. Wala po akong asawa o naging asawa. Baka po hindi ako iyong sinasabi ninyo."

"My bad." Nakangising sabi naman ni Alexus.

Lumapit naman sa akin si Zake. Tumikhim pa ito para kuhanin ang atensyon ko. Napa-irap na lang ako sa kawalan. "How are you Avery?"

"I'm good Mr. Romero. If you'll excuse me. May trabaho pa po ako."

Feeling ko ay lumuwag ang paghinga ko ng lumabas silang tatlo ng kitchen. Nakita ko pang binatukan ni Kurt si Zake.

Napailing iling na lang ako bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Chef, kilala n'yo pala si Mr. Montero at ang mga kaibigan n'ya." Jean commented.

"Yes. Sort of." Tipid na sagot ko.

"Alam n'yo po ba kung may girlfriend si Mr. Montero?" Napalingon ako sa kanya.

Mabilis ang bawat kilos namin. Nilingon ko din ang iba sa pag-aakala na baka may ibang makarinig sa amin. Pero mukhang busy naman silang lahat.

"May asawa na siya." Mahinang bulong ko.

"Huh!" Napatutop ito sa bibig nito ng mapansin niyang nakatingin ang lahat sa kanya. Natawa naman ako. "Totoo?" Pabulong na lang na tanong nito kapag kuwan.

Tumango na lang ako. At para matigil siya ay inutusan ko na lang siyang ayusin ang order. Baka mamaya masita pa kami ni Sandra. May kasungitan pa naman ito.

Natapos ang maghapon at sobrang pagod ko. Dahil yata sa tatlong lalaking iyon kaya biglang dumami ang costumer namin. Maghapon na puno ang Paradise Kitchen.

Naghanda na ako para sunduin si Zirius. Sana lang ay wala na namang ginawang kalokohan ang batang iyon.

Nag-aabang na ako ng taxi ng tumigil ang itim na range rover sport sa harap ko. Napakunot-noo ako ng bumaba mula rito si Zake.

"Hatid na kita." Nakangiting aniya.

"Hindi na. Magta-taxi na lang ako." Malamig na sabi ko dito. Sana ay maramdaman niyang ayaw ko siyang makita, at ayaw ko din siyang kausapin. Lalo naman ang makasama.

"I insist." Nakangiti parin na sabi nito. "Susunduin mo pa ang anak natin hindi ba? Samahan na kita."

Inirapan ko siya. "Magta-taxi na nga lang ako. Isa pa ay mas sanay akong mag-taxi." Naka-ismid na sabi ko dito.

"No. I insist." Ulit nito. "Gusto kong ihatid ka."

"Gusto mo? Tinanong mo ba kung gusto ko?" Mataray na tanong ko dito. "Ayaw kitang makita. Ayaw kitang maka-usap. Lalong ayaw kitang makasama." I gritted my teeth. "Malinaw na ba iyon sa iyo Mr. Romero?"

"Sorry pero malabo parin." Sabi nito. At napatili ako ng bigla na lang akong buhatid nito na parang sako ng bulak.

"Bitiwan mo ako! Ano ba!"

Tumawa lang ito. "Not gonna happen baby."

Marahan akong ibinaba ni Zake sa passenger seat ng kotse niya. Handa na akong kumawala ng narinig ko ang pagtunog ng lock ng pinto.

Tumatawang iwinagayway niya sa akin ang susi ng kotse niya. Napa-padyak na lang ako sa sobrang pagka-asar. Bweset!

Tahimik itong pumasok at napaismid ako ng maamoy ko ang gamit niyang pabango. I crossed my arms over my chest.

Tumikhim ito. "Saan ang school ni Zirius? Ahm..hindi ko kasi alam kung saan siya nag-aaral."

"Saint Catherine Academy." Tipid na sagot ko.

"Kumusta pala si Amiel?" Tanong muli nito. Alam kong sinusubukan niyang makipag-usap sa akin. Pero neknek niya. Wala akong planong makipag-usap sa kanya na para bang magkaibigan kami na matagal na hindi nagkita.

Hindi ako sumagot kaya napabuntong-hininga na lang siya. He sighs two more times bago muling nagsalita. "I'm going to court you."

Nilingon ko ito at inirapan. Pero hindi parin ako nagkomento sa sinabi niya.

"Okay lang ba sa'yo na ligawan kita? Alam kong marami akong naging kasalanan sa'yo. At alam kong nasaktan kita noon. Pero gagawin ko ang lahat makasama ko lang kayo ni Zirius." I can hear the determination in his voice, but i'm not buying it.

"Pwede ba Zake. Tumahimik ka! Ayaw kong marinig ang mga kasinungalingan mo." Mataray na sabi ko dito. "Pinilit mo na nga lang akong sumakay dito sa kotse mo. Pati ba naman ang kausapin ka pipilitin mo parin ako?"

"Sorry." Alam kong iba ang hinihingan niya ng sorry.

I heaved a sigh. "Masaya na kami ng anak ko na wala ka. Okay kami."

"Pero kailangan ni Zirius ng ama." Wow! Just wow!

"Paano mo nasabi na kailangan ni Zirius ng ama? Nabuhay siya sa loob ng limang taon na walang ama. Isa pa-"

"Kailangan ko kayo sa buhay ko." Putol niya sa sasabihin ko.

"Hindi ka namin kailangan."

"Galit ka lang kaya mo nasasabi iyan. Pero gaya ng sinabi ko kanina, liligawan kita. At seryoso ako doon. I will make you say yes."

"In your dream Mr. Romero."

"You don't have any idea how intimate we are in my dreams." He smirked.

Inirapan ko na lang siya. Nauna na akong bumaba nang tumigil kami sa harap ng Saint Catherine Academy.

Nakita ko si Zirius na kalaro si Marco sa playground ng school. "Zirius, nandiyan na ang Mama mo." I heard Marco said to Zirius who's still busy playing.

"Nanay ko. Wala akong Mama. Hindi kami mayaman kaya Nanay lang." Sabi ni Zirius dito. "Pero mayaman ang Tatay ko." Sabi nito bago tumakbo palapit sa akin.

"Mukhang may bago ka ng kaibigan ah." Sabi ko dito. Yumuko ako at pinupog siya ng halik.

Tumawa naman ito. "Hindi ko po kaibigan si Marco. Nakikipaglaro lang siya sa akin kasi takot siyang masuntok ulit."

"Zirius!" Saway ko dito.

"Si Nanay talaga. Joke lang po iyon. Friend na po kami. Kasi okay lang sa kanya na maging friend ako kahit wala akong Tatay." Sabi nito. May sasabihin pa sana ito pero napatigil ito habang matamang nakatingin sa likuran ko. "Tatay." Pabulong na sabi nito.

"Sinamahan ko ang Nanay mo para sunduin ka." Sabi ni Zake. Naamoy ko ang pabango niya. Kaya alam kong malapit na siya sa amin. "Hello Zirius."

"Hello po neighbour." Sabi ni Zirius sa ama na ikinatanga naming dalawa ni Zake. "Ibibigay n'yo na po ba sa akin ang Romero Hotel?" Tanong pa nito.

"Zirius!" Muling saway ko dito. Nag-peace sign lang ito sa akin.

Pasaway talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 54.7K 31
" i will give you two hours para pagisipan ang proposal ko then gumawa ka ng listahan mo ng sarili mong mga kundisyon tapos iemail mo sa akin give me...
284K 5.5K 18
Hindi inaakala ni Graziel na sa isang iglap nabago ang buhay nya. Dahil sa mga problemang kinaharap ay tuluyang nabuo ang isang bata sa kanyang sinap...
716K 12.9K 43
It's a marriage for convenience between 19 years old ramp/commercial model Silk Benitez and 22 years old scion and Olympian Jota Jimenez. Everyone wa...
327K 6.9K 38
Formerly Dealing with Axel Jax Monterde :) She's funny and He's the serious type of person. What will happen if their wold collide? He's the Boss a...