The Immortal's Secret

By my_love_letter

473K 18.3K 753

Ang buhay ko ay kakaiba simula palang ng ipinanganak ako. Habang lumalaki ako nakikita at nararamdaman ko ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Epilogue

Twenty Seven

9.6K 400 16
By my_love_letter

Nakarating kaming lahat ng bahay, pero sinigurado muna naming walang nakasunod samin dito. Sana nga lang walang nakasunod samin dahil kung meron man alam na nila kung saan makikita ang dalawang half vampire.

Dumiretso kami nila Mama, Majah and Mario sa sala habang ang dating mag best friend na si Papa at Damon ay nagkasundong gugulpihin muna yung bampirang dala namin dito para malaman ang plano ni Manuel.

Yung tensyon nandun pa din, siguro talagang di na mawawala yun lalo na ngayon.

"Gusto mo bang dun muna tayo sa kwarto ko?" Tanong ko kay Majah, nakaupo lang kaming dalawa sa couch habang sila Mama at Mario nakatayo lang at nakatingin samin. Si Mario halatang nagaalala, ganun din naman si Mama pero tingin ko mas concern siya dahil sa pagkakaroon ko ng relasyon kay Damon. Nakakapanibagong ganyan siya, ni halos hindi niya 'ko kinakausap.

"Hindi ayos lang, hihintayin ko yung plano bago ako pumunta dun."

"Pareho tayong gustong malaman ang plano pero kailangan mong mag pahinga."

"Tama si Amber, sa ating lahat ikaw ang mas kailangan ng pahinga." Mario said.

"Hindi rin naman ako makakapag pahinga lalo na't hawak nila ang buhay ng mga magulang ko." Maj said.

"Magiging ayos din ang lahat, maililigtas natin sila." Pagpapalakas ko ng loob. Alam kong di sapat na sabihin lang yun, dahil maski naman ako hindi alam kung magiging ayos nga ba ang lahat pero alam kong kailangan marinig yun ni Maj baka sakaling makakalma ng nararamdaman niya.

Haay! Bakit ba kasi ang tagal nila Papa at Damon na paaminin yung bampirang yun? Gusto ko ng malaman yung plano, sana naman meron talagang plano.

Nakakainip na!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at aakma sanang puntahan sila Papa pero bigla naman silang nagpakita ni Damon.

"Ano ng nangyari?" Direkta kong tanong kay Damon.

"Pinatay ko na yung bampira, wala namang planong mag salita eh." What the..

"Limang minuto palang natin siyang pinagsasalita pinatay mo na agad." Inis na sabi ni Papa.

"Tauhan siya ni Manuel kaya kahit ang anong torture mo dun hindi siya magsasalita."

"Ano ng plano?" Mario asked.

"Ang plano susugurin natin sila, pag nailigtas na natin ang mga magulang ni Majah aalis tayo, bonus point nalang kung mapatay natin si Manuel." Damon said.

"Anong klaseng plano yun?" Papa asked.

"May mas maganda ka bang naisip?"

"Yung naisip kong plano sinira mo na! Pinatay mo yung nag iisang bampirang pwedeng magsabi satin ng plano ni Manuel." Papa said, frustratingly.

"Si Manuel ang pinaguusapan dito, tingin mo talaga malalaman mo yung plano niya? Iisipin mo palang, naisip na niya. Nakalimutan mo na bang naging mentor ko siya? Mas magandang sugurin nalang sila ng biglaan yun lang ang naiisip kong plano para mailigtas ang magulang ni Majah."

"Tingin mo ba kaya nilang lumaban? Tatlo lang tayong purong bampira dito."

"Baka makatulong kung iinum kayo ng dugo namin." I suggested.

"No!" Sabay sabay na sabi ni Papa, Damon and Mama. Wow! Mukhang ang di paginum lang ng dugo ko ang pagkakasunduan nila.

"Bakit hindi kung makakatulong naman satin? Lalakas kayo, tapos maililigtas na natin ang magulang ni Maj." I said.

"Hindi ko iinumin ang dugo ng anak ko!" Papa said.

"Ganun din ako!" Mama said.

"Dugo ko nalang ang inumin niyo." Pagsisingit ni Mario. "Ako ang nag dala ng problema sainyo kaya ako ang inuman niyo ng dugo." He added.

"Hindi! Walang iinumin na dugo ng kahit na sinong half vampire dito." Pagsisingit ni Mama. "May mga armas tayo, kaya natin sila."

"Sangayon ako kay Bernadette, para saan pa at nag t'training kayo kung di niyo gagamitin?" Damon said. Ang tanong sapat na ba yung training na yun? Totoong laban na yun at hindi basta training lang at alam naman ng lahat na magkaiba ang training sa tunay na laban.

"Gawin niyo 'kong bampira." Maj said kaya nabaling ang atensyon naming lahat sa kanya. "Makakatulong ako kung bampira ako, dahil kung tao lang ako makakadagdag pabigat lang ako dun."

"Hindi!" Hindi ko pagsangayon. "Alam mo naman kung gaano kahirap yung buhay ng tulad namin diba? Kaya di mo gugustuhing maging bampira."

Tumayo siya at humarap sa'kin kita sa mga mata niya na despirada na siya. "Gusto kong mailigtas yung mga magulang ko Amber, makakatulong lang ako sainyo kapag katulad niyo 'ko."

"May iba pang paraan, hindi pagiging bampira mo ang solusyon."

"Yun lang ang paraang naiisip ko para di ako maging pabigat."

"Ganito nalang, gagawin natin ang unang proseso ng pagiging bampira.. iinumin mo dugo namin at pag may nangyaring hindi maganda at mamatay ka sa laban natin kela Manuel maaaring dun ka lang magiging bampira, gawin nalang natin ang lahat para di ka mamatay bukas para maiwasan na ding maging bampira ka hanggang mawala sa sistema mo yung dugong ininum mo samin." Damon suggested.

"Payag ako!" Walang pagdadalawang isip na sabi ni Majah. Haay! Wala na, sarado na utak niya hindi ko na mapipigilan yung naiisip niyang solusyon para di siya maging pabigat sa laban bukas.

Pero kung iisipin mong mabuti ang kailangan lang naman hindi siya mamatay bukas para di maging ganap ang pagiging bampira niya. Dapat ko siyang bantayan bukas!

"Kailan tayo susugod?" Tanong niya ulit.

"Bukas ng madaling araw, hindi kasi morning person si Manuel. Para makapag pahinga padin kayo." Sagot ni Damon.

"Sige, painumin niyo na 'ko ng dugo hindi naman siguro mawawala sa sistema ko yan hanggang bukas diba?" Maj said.

"Sigurado ka talaga dito hija?" Mama asked Maj.

"Opo." Tumingin sa'kin si Mama at mukhang nasesense niya di ko talaga pag sangayon sa planong 'to ni Maj pero syempre wala naman akong magagawa dun, nakapag desisyon na siya.

"Sige, dugo ko na inumin mo." Hiniwa ni Mama yung wrist niya kaya may lumabas na dugo dito at inabot niya 'to kay Maj. "Hindi mo kailangang damihan kung di mo kaya." Dagdag ni Mama.

Hinawakan ni Maj ang braso ni Mama at hesitantly na uminum ng dugo ni'to. Umiwas na agad ako ng tingin mula nang nag simulang uminum ng dugo si Maj at naglakad nalang ako papuntang dining. Di ko kayang makitang umiinum ng dugo ang best friend ko.

Di ko rin na naman maiwasang sisihin sarili ko dahil sa mga nangyayari kung siguro di niya nalaman ang tungkol samin baka wala siya sa ganitong sitwasyon. Namumuhay parin sana siya ng normal tulad ng iba.

"Baby.." I heard Damon's voice. I face him halata sakanya ang pagaalala. Ginamit niya yung bilis niya para makalapit sa'kin at hawakan ako sa magkabilang pisnge. "Heey, are you okay?"

I shake my head. "Hindi, hindi ako sangayon sa naisip ni Majah."

"Gusto niya lang tumulong at kung sasama siya sa laban natin kela Manuel maaari siyang mamatay dun. Mas okay ng bampira siya kesa ang mawala ng tuluyan diba?"

Kung iisiping mabuti, tama siya. Pero di ko parin hahayaan na maging bampira siya, hindi ko hahayaang mapahamak siya bukas.

"Sana matapos na 'to." I helplessly said.

Niyakap niya 'ko na parang nag pakalma sa'kin. Ito lang ata ang kulang sa tensyon na nangyayari, kulang lang sa yakap niya. "Matatapos din 'to pangako at pag natapos 'to magsasama na tayo."

I chuckled weakly. "Alam mong nakapaka imposibleng mangyari nyan, dahil sa mga magulang ko."

"Hindi nila 'ko mapipigilang makasama ka, baby. Kailangan muna nila akong patayin para mapalayo sayo." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang pisnge.

"Mag pahinga ka na para may lakas ka bukas." Tumango lang ako bilang sagot. Paniguradong hindi lang pahinga ang kailangan ko, kailangan ko ding uminum ng dugo pero bukas na yun.

Hinalikan niya lang ako sa forehead tsaka niya 'ko hinawakan sa kamay at sinimulan naming maglakad papuntang sala ng magkahawak kamay.

Sa pag dating namin sa sala, i saw Maj na nakahawak lang sa labi niya habang nakaupo sa couch. Nabaling naman nila Mama at Papa ang tingin samin at direktang tumingin sa kamay naming magkahawak ni Damon kaya bumitaw agad ako bago pa magkagulo na naman.

Mama sighed heavily. "Amber mag pahinga na muna kayo Majah sa kwarto mo, maaga tayo bukas."

"Opo." Sagot ko. Tumingin ako sandali kay Damon bilang pagpapaalam sana lang nagets niya.

Lumapit ako kay Majah at inoffer ko yung kamay ko sakanya para sa pagtayo niya. "Dun muna tayo sa kwarto."

"Sige." Hinawakan niya yung kamay ko tsaka siya tumayo. Inangkla ko yung kamay ko sa braso niya tsaka ko sinimulan maglakad paakayat ng kwarto ko kaya napalakad na din siya.

Pagdating namin ng kwarto ko umupo agad siya sa kama ko at napabuntong hininga.

"Galit ka ba?" Tanong niya.

I shake my head. "Hindi lang ako sangayon sa naisip mo."

"Alam ko."

Tinabihan ko siya sa pagupo ng kama. "Anong lasa ng dugo?" Pagbabago ko ng topic.

"Nakakasuka, paano niyo nagagawang umubos ng isang pakete ng dugo?"

I chuckled. "Masarap ang dugo para samin, parang kape sa Starbucks."

"Halata nga eh." Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin. "Yung totoo, ano sa tingin mong mangyayari bukas?"

"Tingin ko.. maililigtas natin ang mga magulang mo at mananatili ka paring tao, mapapatay din si Manuel tapos matatahimik na tayong lahat." Sana nga yun ang mangyari. Oh wait di pala kami matatahimik ni Damon dahil hindi boto ang magulang ko sakanya.

She chuckled, weakly. "Sana nga yan ang mangyari bukas."

"Malay mo naman."

--

Keep voting vampies. 😁

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 28.3K 10
How would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ra...
83.2K 2.9K 31
Isang lalaking walang memorya ang inibig ni ALMIRA-- si GABRIEL. Pinakasalan niya pa rin ang naturang lalaki sa kabila ng kakulangan sa nakaraan nito...
1.4M 27K 24
Katropa Series Book 3 [Completed] Language: Filipino What are your chances in finding a Perfect Guy who can accept all your imperfections perfectly...
22.1K 1K 25
Nagpanggap si Itchie na may leukemia para lang mapansin ni Minho. Gano'n siya kadesperada para sa oppa niya. Gaga lang 'no?