Wishing, Alois |√

By HeyLeiDy_Oh

10.5K 230 12

According to a quotable phrase, "You are the protagonist of your own story" As for me, I'm really so sure of... More

PROLOGUE
When it Started
The 1st Bloom
2nd Bloom
3rd Bloom
4th Bloom
5th Bloom
6th Bloom
7th Bloom
8th Bloom
9th Bloom
10th Bloom
11th Bloom
12th Bloom
13th Bloom
14th Bloom
15th Bloom
16th Bloom
17th Bloom
18th Bloom
20th Bloom
21st - the Gloom
22nd Gloom
23rd Gloom
24th Gloom
25th Gloom
26th Gloom
27th Gloom
28th Gloom
29th Gloom
30th Gloom
31st Gloom
32nd Gloom
33rd Gloom
34th Gloom
35th Gloom
36th Gloom
37th Gloom
38th Gloom
When it Ended
Maxine & Moses
39th- the Blossom
40th Blossom
41st Blossom
42nd Blossom
43rd Blossom
Kristoffer
Flower Hyacinth
Lianna Marie
44th Blossom
45th Blossom
46th Blossom
47th Blossom
48th Blossom
49th Blossom
50th Blossom
Author's Note/ Acknowledgement
51st Blossom
52nd Blossom
AUTHOR'S NOTE: 2
EPILOGUE
[SPECIAL CHAPTER 1]
[SPECIAL CHAPTER 2]
[SPECIAL CHAPTER 3]

19th Bloom

140 4 0
By HeyLeiDy_Oh

"10, 9, 8..
7, 6, 5...
4, 3, 2..
1!.."

"Merry Christmas!!"

Sabay-sabay naming sigaw ng sa wakas ay sumapit na nga ang kaarawan ng diyos.

Ingay doon, ingay dito ang maririnig sa buong paligid. Siyempre, hinding-hindi mawawala ang kainan at kantahan. Both my favorite.

Habang nagkakasayahan. Bigla akong kinalabit ni Clyd ng nasa hapag-kainan pa kami lahat.

"Alam mo, kung hindi ko lang kilala si Alois. Iisipin ko talagang pamamanhikan na 'tong araw na'to." Bulong niya.

Agad kong naitulak ang braso ko sa braso niya. Wari'y binabantaan. "Tumigil ka nga. Pa'no mo naman nasasabi 'yan, aber?" Ganting bulong ko narin.

"Tingnan mo nga? Kompleto ang pamilya na eh. Meet the parents lang ang peg teh? Taray~"Iniikot pa niya ang tingin sa pamilya ni Alois.

Lumapit siya sa tenga ko. "At saka, pagmasdan mo naman 'yang kaharap mo. Kung makatitig, parang ayaw ka na talagang pakawalan."

Sa sinabi niyang 'yun. Di ko narin naiwasang tignan ang katapat ko.

Nakakatitig nga talaga siya sa'kin, mukha pa ngang natauhan. Gulat kasi ang mukha niya ng nakatingin na'ko, saka nga siya umiwas at nilihis na lamang ang tingin sa iba.

What is it, Alois?

~

"Yanna! Dali. Kanta ka naman." Yaya ni ate Vyn sa'kin, habang inuwestra pa ang mic para kunin ko.

Napangiti ako. Lagi naman.
Saka ko nga kinuha ang mic sa kanya at kumanta.

So as I started singing. Still. Relief. My all-time outburst.

Marami-rami rin ang nakanta ko hangang sa nagdesisyon na nga akong tumigil na. Sabay nun ang pagsiklab ng isang fireworks display sa di kalayuan. Sapat lang na masaksihan namin.

Tingalaan kami lahat, hangang sa matapos ito. Pero kahit natapos man. Napansin ko si Alois na nasa ganun paring posisyon.

Kaya agad ko siyang nilapitan. "Hey." Panimulang tugon ko. Agaran naman ang pagbigay niya ng atensyon sa'kin, dahilan para malihis na ang tingin niya mula sa pagkatingala.

"Hey." Simpleng sagot niya. Saka naupo sa bakanteng upuan malapit sa kanya.

"Enjoying?" Prenteng tanong ko naman. Na para bang naintindihan na niya ang ibig kong sabihin. Saka narin akong tumabi sa kanyang umupo.

He chuckled then. Sabay kibit-balikat niya. "Yes. Very much. Di ko nga inasahan na marunong karin palang kumanta. Ma pasayaw ka pa nga. And the thing is. Your nicknames got me a headache!" As he chuckled again.

"Di ko nga minsan matukoy kung ano ba dapat iaddress ko sa'yo. Kasi tuwing may pagkakataon akong kausapin ang isa sa kapamilya mo, and then I'd jump to another, then into another? Iba't ibang pangalan ang naririnig ko. Well in fact, ikaw lang naman pala."

Natawa naman ako sa tuloy-tuloy na reklamo niya. "You'll get used to that Alois. Nasanay nga ako eh."

He chuckled again. "But seriously, Li. You really have the voice. Di ko talaga inasahan. Ang alam ko lang naman kasi eh mahilig ka lamang sa music. Tapos malalaman ko na lamang na mahilig ka din pala sa kantahan. Magaling ka talagang magtago, Ano?" As I gave him my playful smile.

"Then now you know. Pero seriously, Alois. Aside from talking to heavens who gives me contentment. Music does my stress reliever then. Kung ang iba iniiyakan ang problema. Dinadaan ko naman sa mga kanta ang akin. Then guess, it really did help a lot."

"Minsan nga sinusulat ko na nga lang eh. You know, poems. Stories." Kibit-balikat kong tugon.

"Ang weird lang diba? Pero dun ko talaga nalalabas eh. Ano pa bang magagawa ko."

"What's weird on that, Li? Okay pa nga 'yan. Kaysa naman mapariwara diba? Ang iba nga nagbibisyo pa. Nagrerebelde. Theirs nothing wrong on that, Li. It's a good thing, actually." Manghang salaysay pa niya.

I gave him my genuine smile. Then their is it again. Our usual kind of atmosphere. Silence.

"You know what Li? Watching you with your cousins, Rodney and Clyd. Gives me a different kind of bond. Kung pa'no ka nila napapasaya sa mumunting bagay and the way you treat each other that comes naturally. Para bang ka edaran lang lahat. A kind of feeling you can always adore."

Una niyang pambasag sa katahimikan. Dahilan naman para mapabaling na din ang tingin ko sa pinagmamasdan niya. Ang dalawang pinsan ko pala.

"Is that a compliment for me to thank with?" Mapaglarong sagot ko naman.

"If you say so." As he chuckled then.

Napasabay narin ako sa tawa niya. Hangang sa nagseryoso narin ako.

"Maybe the reason why I'm too confortable with my cousin's company, kasi nag-iisa lang akong anak ng mama ko."

"Kaya kung maituring ko na sila,parang mga kapatid na. And maybe, I was just looking for a sibling love. Yung para bang nasasabihan mo lagi ng problema. Na kahit sa simpleng kalokohan ay mapapangiti ka na. That's them." Mataman ko pagmasid sa mga pinsan ko.

Napapatango naman siya. Waring nalaman na ang kasagutan sa tanong niya.

"But you know what Alois? Minsan sa buhay ko. Di ko rin naiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila, reason for me to feel jealousy and insecurity. Though not physically but mentally."

Since I started talking about my cousins. Mataman na akong pinakikinggan ni Alois. Na lubos ko rin namang kinagagalak. So I continued then.

"Alam mo 'yun? We have different goals and perceptions in life.

"Their is Rodney. Though di na nakatapos dahil obviously, may pagkarebelde nga. Yet, makikita mo parin na may dahilan na siya para magsumikap."

"Then their is Clyd, na may halos kapareho kong jive sa buhay. But the thing is. He has the personality of an achiever. Iba sa'kin na ang daling makontento."

"Minsan nga feeling ko, nakikisabay na lamang ako sa lahat ng plano niya, kasi kahit ako. Gusto ko ring maranasan ang gusto niyang maranasan."

"Ang rami niya kasing pangarap na gustong matupad. Ang rami niyang gustong mapuntahan. Alam mo 'yun? Parang alam na niya talaga kung anong gagawin sa buhay.

"And the least is with me. Na kung ikukumpara naman sa kanila ay para bang kay layo na."

"Kung sila, alam na alam na ang gusto. Then their is me who is still confused."

"Nakakainis nga minsan tuwing pinupuri nila ang buhay kong close to perfection nga raw. Yung para bang wala ng poproblemahin kasi nabibigay naman na sa'kin lahat ng kailangan ko. Even the fact says hindi naman."

"Bakit? Hindi ba Li?" Sa wakas ay tanong na niya.

Umiling ako agad. Wearing a bitter smile on my face. "Sabi ko nga diba? Though not physically. But mentally."

"Yes I mean it na nabibigay nga lahat ng kailangan ko. Pero taliwas naman 'yun sa gusto kong gawin sa buhay na mismong ako ay di alam kung ano at pa'no.

Napangunot-noo siya. "Huh?" Gulong tanong niya.

"Diba nasabi ko sa'yo noon na I was too dependent with mama? Guess, mukhang 'yan nga ang nangyayari sa buhay ko ngayon."

"Pakiramdam ko kasi sa sarili ko, para na akong robot na sinusundan na lamang ang utos ng kanyang amo. Kontrolado buong galaw. At kung mawawala ang amo, di na alam ang gagawin. That's me,Alois."

"At ang among tinutukoy mo ay ang mama mo? Ganun ba, Li?"

Agaran akong tumango. "Ewan ko. Okay lang naman sa'kin 'yun. I'm even thankful then. Pero feeling ko kasi, ang mga planong binibigay niya sa'kin ay hindi naman bukal sa kalooban ko. Na para bang, may hinahanap parin ako na hindi ko mawari kung ano."

"Cause your afraid to take a risk, Li. May hinahanap ka pa, kasi may mga gusto kang patunayan na wala sa mga plano ng mama mo. Wala sa plano nila. Reason for you not to know what you really are worth to do. Kaya ang ending. Di mo na alam ang gagawin mo."

Napaisip ako at napagtanto lahat ng sinabi ni Alois. "Maybe your right. Maybe I was just too afraid to take a risk." Pag-amin ko.

"Pero kasi, nasubukan ko naman din Alois. And I'm regretting opening it up to her. Kasi imbes na suportahan ako, pagdududa lamang ang natanggap ko galing sa kanya. "

"But you still push it through, right? Pag-asang tanong niya.

"I push it through. But in the end, ako parin pala ang napagod. Then I realized, baka tama nga talaga siya. I have my limits after all."

"Then do it again, Li. Take a risk again. Kahit hinay-hinay lang. Sumubok ka lang ng sumubok. Kahit dun lang muna sa alam mong mas madali mong masimulan.

"Huwag na huwag mong iisipin na kasalanan mo, Li. Life always have the advantage of the disadvantage. Then look into the brighter side. Look into the advantage."

"Kasi everything has its purpose. God, always has its purpose."

"Kung napagod ka man nun. Baka may rason kung ba't ka niya pinagod. Pero di mo lang ba naisip? Na kahit pinagod ka niya, may nakuha ka parin namang makabuluhan sa buhay mo? Na may natutunan karin pala. May mga nakikilala ka na di mo rin inaasahang makasalamuha."

"It's a benefit of the doubt, Li. Normal lang 'yan. Kaya walang rason para panghinayang ka ng loob ng ganyan kadali."

"Like what I said. Everything has it's purpose. If for now you felt confusion. Then maybe he has his reason for you to get confused."

"If tomorrow you realize of waiting for something or for someone. Then maybe he has his reason for you to wait."

"Keep on trying, Li. Kailangan mo rin namang manindigan para sa sarili mo. Try to be independent. Even the consequence is to keep it a secret. Then for the mean time, keep it a secret. If its the only way for you not to hear of downfall advices. So be it."

"Just don't stop moving.
Baka pa nga sa huli. Marealize mo nalang isang araw. Dun ka na pala nararapat. Dun kana pala masaya. A place where you truly feel belong.

"You've got great talents Li. Sana huwag mong sayangin 'yun. Get yourself from opportunities. Wala namang masama kung susubukan mo lang."

"What if I can't Alois?" Pagdududa ko parin sa sarili. Habang nayuyuko na.

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko. Dahilan para mapaangat ang ulo kong tignan siya.

"What if, Li. It's just what if. Just believe in yourself. Believe in what you are capable of. Get out of your shell, Li. Let go and be free."

Pinakawalan niya ang braso ko, as he tap my head. "I will help, Okay?Lagi ko namang sinasabi 'yan sa'yo diba? Nandito lang naman ako." As he gave me his warmest smile.

Napangiti narin ako. Pero agad ko ring iniwas ang tingin ko, at pinahiran ang mumunting butil ng luha na buti ay di niya napansin. Nagkunwari na lamang akong tumawa.

"Naku naman. Tama na nga 'toh. Mahugot na naman tayo eh. MagC-Cr lang muna ako ha. Parang naiihi na ata ako eh. Dito ka nalang muna." Saka nga ako tumayo na hindi parin tumitingin sa kanya.

Pilit ko paring tinatago ang patuloy na pagbuhos kong luha. Kahit sa boses nga ay ganun din.

Pero mukhang bigo parin akong maitago ito ng sana ay lalakad na ako ay agad naman niyang nakuha ang palapulsuhan ko.

"Teka lang, Li." Tawag niya.

"Hm?" Simpleng tugon ko. Kahit nakatalikod parin sa kanya.

"M-may gusto lang sana kasi akong malaman mo." Kinakabahang sabi niya.

Ewan ko. Pero kahit may bakas paring luha ang mukha ko, ay lakas loob narin akong humarap sa kanya.

"P-pwede bang sa susunod na araw ko nalang marinig 'yan? B-baka di ko na kasi kayanin ngayon."

Diretsa kong usal. Kahit nagpipigil padin. As he realize what he saw. So then he let go of me. Dumbfounded.

Dali-dali akong umalis sa harap niya. Ngunit nag-iingat paring di makita ng kung sino na umiiyak na ako.

And as I reach the bathroom. One thought of Alois' word came back to my senses.

Freedom.

Oo nga pala. I tend of seeking for my freedom. All this time.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
59.8K 1.1K 95
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...
1.2M 58.8K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...