The Star

By AngelMelay

1M 18.1K 2.4K

Ako si Stephanie Cruz (Park Shin Hye), ay kababata ng isang sikat na STAR na si Franz Roff, ang siyang magkuk... More

The Star - PROLOGUE
Starring 1
Starring 2
Starring 3
Starring 5
Starring 6
Starring 7
Starring 8
Starring 9
Starring 10
Starring 11
Starring 12
Starring 13
Starring 14
Starring 15
Starring 16
Starring 17
Starring 18
Starring 19
Starring 20
Starring 21
Starring 22
Starring 23
Starring 24
Starring 25
Starring 26
Starring 27
Starring 28
Starring 29
Starring 30
Starring 31
Starring 32
Starring 33
Starring 34
Starring 35
Starring 36
Starring 37
Starring 38
Starring 39
Starring 40
Starring 41
Starring 42
Starring 43
Starring 44
Starring 45
Starring 46
Starring 47
Starring 48
Starring 49
Starring 50
Starring 51
Starring 52
Starring 53
Starring 54
Starring 55
Starring 56
Starring 57
Starring 58
Starring 59
Starring 60
Starring 61
Starring 62
Starring 63
Starring 64
Starring 65
Starring 66
Starring 67
Tagal
Starring 68
Starring 69
Starring 70
Starring 71
Starring 72
Starring 73
Starring 74
Starring 75
Starring 76
Starring 77
Starring 78
Starring 79
Starring 80
Starring 81
Starring 82
Starring 83
Starring 84
Starring 85
Starring 86
Starring 87
Starring 88
Starring 89
Starring 90
Starring 91
Starring 92
Starring 93
Starring 94
Starring 95
Starring 96
Starring 97
Starring 98
Starring 99
Starring 100 EPILOGUE
Credits

Starring 4

12.3K 200 10
By AngelMelay

STARRING 4

PANGET DAW

Lalong parang inugatan ang mga paa ko sa pwesto ko. Kinailangan pa akong itulak ni Dei para lang makahakbang ako palapit kay Miss Menchie. 

"Sino ka?" Nakataas ang kilay sa aking tanong ni Psy.

"A-ako po si Stephanie Cruz. Kaklase po ako ni Franz." Nabubulol na sagot ko. Hindi ko na nasabi na kababata ko si Franz, na kung may mas makakakilala sa kanya ay ako iyon. Kinakabahan kasi ako kung ano ang magiging participation ko dito sa Special na ito for Franz. Nasaan na ba kasi ang supladong iyon? Bakit wala siya dito?

Tiningnan ako ni Psy mula ulo hanggang paa. Honestly, bakit kailangan niyang gawin iyon? Nag-aapply ba akong modelo? Kaya napalunok na lang ako sa kaba. Napatingin ako sa mga kaharap ko. Si Miss Menchie at Kuya Dave ay nakangiti lang sa akin. 

"Fighting, Steph!" Napangiti ako sa narinig kong sigaw ni Dei. Naiwan kasi siya doon sa pwesto namin kanina na kasama ng crowd.

"Huwag mong takutin ang bata." Saway ni Miss kay Psy. Mabuti na lang talaga at mabait si Miss Zacarias.

"Alam mo.." At inikutan ako ni Psy. Kinabahan naman ako lalo. Baka hindi ako tanggapin sa shoot kasi hindi naman ako star quality tulad ni Miss Menchie.

Napatingin pa ako sa paligid. Gusto ko nang lunukin ako ng lupa. Ang lahat din kasi ay nakatingin sa akin. May mga nagbubulong-bulungan pa sa paligid ko.

"Ang ganda ni Steph." Student 1.

"Kaibigan pala siya ni Franz?" Student 2.

"Kababata pala?" Student 3.

Ok na sana ang bulong-bulungan eh. Pero may isang medyo may kalakasang narinig ako sa paligid.

"Patay na patay iyan kay Franz. Baka ipahiya lang niya si Franz."

Nagsalubong ang kilay ko at hinanap ko ang pinaggalingan ng boses. 

Bingo! 

Si Kyla pala eh! Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Kahit kailan talaga, palasapaw ang babaeng ito! Moment ko na eh. Sinira pa.

"Pwede ka ding modelo ah." Comment ni Psy na kumuha ng attention ko pabalik sa kanya.

"Naku! Ayoko pong mag-artista." Sabi ko naman.

Bumalik na si Psy sa pwesto niya at muling hinarap sina Miss. "Kailangan ko pa ng isang close friend." Reklamo niya kay Miss.

Nakangiting sumagot naman si Kuya Dave habang nakaakbay kay Miss. Ang sweet! 

"Wala ng kaclose si Franz. Choosy iyon sa mga kaibigan." Parang siguradong-sigurado si Kuya Dave sa sagot niya.

"Totoo ba iyon?" Baling sa akin ni Bading.

"Opo." Taumatangong sagot ko. Gusto ko sanang sabihin na, 'paano magkaka-close friend ang artista ninyo eh nuknukan iyon ng sungit at suplado?' Pero hindi ko na sinabi. Syempre, hindi ko kayang siraan si Franz. Kaya nga naparusahan akong maglinis kanina eh. Dahil ayaw ko ng pabulaanan ang sinabi niyang kasinungalingan kay Sir Karl kanina.

Napatingala si Psy at parang nag-isip. "Alam ko na!" At animo'y may light bulb na umilaw sa tuktok niya.

"Ano?" Nakangiting tanong ni Miss. Ang ganda talaga ni Miss sa malapitan. Sana anaging Zacarias na rin ako eh.

"Admirer. Kailangan ko ng isang mapagkakatiwalaang admirer ni Franz para sa interview." Dagdag ni Psy.

At dahil ang dami ngang nakikinig at nakatingin sa amin, "Ako na lang!" volunteer ni Kyla. Tumakbo agad siya sa tabi ni Psy. 

"Sino ka naman?" At tulad ng ginawa sa akin ni Bading, hinead to foot niya rin si Kyla.

"Si Kyla po. Solid fan, classmate and admirer ni Franz." Sagot naman ng inyong malanding kontrabida.

Namilog ang mata ni Psy. "Mukhang ok na ok ang isang ito, Miss Menchie, Dave, kasi kilalang-kilala niya si Franz kung ganoon." Comment ni Psy na gusto ko sanang itama. Pero baya-e na! Iyon ang paniniwala nila eh.

"Anong gagawin ng mga bata?" Tanong ni Kuya Dave habang naglalakad na kami papunta sa mga upuang sa loob ng habong ng tent, na dala ng Network para sa mga staff nang gaganaping shooting. 

Pinaghila pa ni Kuya Dave si Miss Menchie. Ako ang kinikilig sa kanila eh! Ako naman ay umupo sa harap ni Miss, at si Kyla ay nakairap sa akin, na nakaupo sa gitna namin ni Kuya Dave.

"Ganito ang gagawin. Sasagutin lang ninyo ang lahat ng questions ng host natin, ok?" Sabi sa amin ni Psy.

Tumango naman kami ng sabay ni Kyla. 'Madali lang pala!' Sa loob-loob ko.

"Oh make-upan na itong dalawa." Utos ni Psy sa mga make-up artist.

Panay ang irapan namin ni Kyla habang inaayusan kami. Bakit ba naman kasi napasama pa ang babaeng ito sa shoot na ito? Mamaya ay magpropose pa iyan on air kay Franz eh. Nakakahiya!

"Sorry, I'm late! May tinapos kasi akong project sa library." Humahangos na sabi ni Franz.

Shomai wrapper! Nanigas ang leeg ko sa kaba! Andito na siya. Kitang-kita ko sa salamin sa harap namin ni Kyla ang presensiya niya mula sa likod ko. Kahit medyo mgulo ang tuwid niyang buhok, ang gwapo pa rin niya! 

"Ok lang." Sagot ni Psy.

"Buti at pumayag kayo na magshoot po dito, Miss Menchie." Pagbaling niya kay Miss Menchie. Kitang-kita ko ang pagpula ng pisngi ni Franz ng harapin niya si Miss. May crush ata ito kay Miss eh!

"Oo. Nauunawaan ko. Sanay naman na tayo sa ganitong buhay. Wala tayong magagawa, public figures tayo eh. Saka sa school nating ito, hindi na mabilang ang mga naging artista dito. Kaya open-minded na ang management diyan." Nakangiting sagot ni Miss kay Franz. Ako naman ay nanunuod lang sa repleksyon nila sa salamin. Baka kasi sundutin ng make-up artist nila ang mukha ko kapag kumilos ako eh.

"Sino-sino na po bang mga artista ang alumni ng St. John, Miss?' Tanong ni Kyla. Nakikinig din pala siya sa usapan? Sabagay, malakas naman ang usapan nila kaya malamang na marinig niya rin.

"Anong ginagawa mo rito?" Medyo halatang inis si Franz ng makita siya. Hindi pa naman ako nakikita ni Franz kasi natatakpan ako ni ng nag-aayos sa akin at konti ni Psy.

"Iinterviewhin para sa iyo. Kaya be nice to me kung ayaw mong maglabas ako ng negative publicity." Nakangisi pang sabi ni Kyla.

"Tss...' Tanging sabi ni Franz sungit. Pero bakit ganoon? Parang natutuwa ako sa pagsusungit nya ngayon? Lalo na at kay Kyla siya nagsusungit.

"Teka, huwag kayong mag-away." Awat ng napakapoging si Kuya Dave. Ngumiti siya kay Kyla kaya kitang-kita ko ang repleksyon ni Kyla na namula.

"Para sagutin ang tanong mo, si Miss Zyrah at Sir Zeon ang nauna. Sumunod ay kami ni Menchie. Ngayon naman ay sina Von, na anak nina Miss Zyrah, at ito ngang si Franz.' Nakangiting dagdag sagot ni Kuya Dave. Ang gwapo ni Kuya Dave kapag nangiti! Nalabas ang malalim niyang dimple! Nagiging salawahan na ata ako ah?

"Ahh.. Sino po kayang susunod?" Tanong pa ni Kyla.

"Sino nga ba, Psy?" Baling naman ni Miss Menchie kay Psy.

"Ah... teka... si Stephanie? Stephanie ka nga ba, Iha?" Kalabit niya sa akin. 

Napaawang ang mga bibig ko sa sinabi niya. Napangiti sina Miss Menchie at Kuya Dave. Si Kyla ay kumalat na ang inilalagay na eyeliner dahil sa sunod-sunod niyang pag-iling. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Psy. 

Pero ang worst reaction ay ang pagbaling sa akin ni Franz Natulala siya ng tumitig sa akin. Siguro ay nagustuhan niya ang make-up ko? Kinikilig ako!

Pero unti-unting nagbago ang expression niya ng makita ang mga ngiti ko, ng magtama ang paningin namin. Naniningkit na ang kanyang mga mata na parang galit. "Anong ginagawa mo dito??" Halos may kalakasang tanong niya. Halatang hindi niya inaasahang makikita ako. 

Napalunok ako. May PMS na naman ba si Franz at galit na naman? "Ah.. iinterviewhin daw kami." Sagot ko. Tapos na naman akong ayusan. Kaya iniharap ko na iyong upauan ko sa kanya.

Saglit siyang natigilan at nakatitig lang sa akin. "Pwede siyang artista, hindi ba, Franz?" Tanong sa kanya ni Kuya Dave habang nakaakbay sa kanya at nakangiti. Bakit kaya ang magkasintahang Kuya Dave at Miss Menchie, laging nakangiti? Sana turuan din nila si PMS na ngumiti. Napangiti naman ako at namula sa sinabi ni Kuya Dave.

"Hindi." Walang emosyong sagot niya at nagbawi na ng tingin.

Kumunot ang noo ni Miss sa kanya. "Bakit naman, Franz?" Nagtatakang tanong ni Miss. Sabi ko na nga ba, maganda ako eh. Kaya hindi sang-ayon si Miss sa comment ni Franz. Pero bakit si Franz, parang hindi iyon napapansin?

"Hindi siya bagay sa showbiz." Walang emosyong sagot niya. Para naman nabingi ako sa sagot niya. Hindi daw ako bagay? Ibig sabihin, dalawa na sila ni Kyla na tanging hindi makita ang kagandahan ko? Bakit ganoon? Kapag naririnig ko tuloy siyang ganyan, nawawala ang tiwala ko sa sarili ko eh.

"Oo nga." Narinig kong comment ni Kyla kaya napairap na naman ako sa gawi niya. Binelatan lang niya ako. Pss..

"Maganda naman ang kaibigan mo ah?" Comment pa ni Miss sa kanya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. At ng magkatinginan kami, parang napapasong nagbawi agad siya ng tingin. "Hindi siya maganda, panget siya." Deretsong sabi niya.

BOOM!

Namamasa na ang mata ko!

Maiiyak n ako sa harapang paglait niya sa akin sa harap ng ibang tao!

Tumayo ako sa upuan ko at tumakbo palayo sa tent na iyon. Hindi naman ako galit sa kanya. Nahihiya lang ako sa mga kaharap. Napaka-assuming ko tlagang I'm pretty! Harapan na nga akong sinabihan na hindi maganda eh

Tumakbo na lang ako papunta sa crowd at hirap na hirap na makiraan. Ayoko na! Nakakahiya ako! Panget daw ako sabi ni Franz. Hindi ako dapat magparticipate sa special niya dahil baka makasira lang ako.

_________________________________________________

A/N:

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Awww! Masakit na ulo ko kakatype! 

Continue Reading

You'll Also Like

262K 5.6K 30
this story is about someone who can sacrifice everything for her love one
326K 11.3K 61
They were bound by a fixed marriage... Mag bestfriend ang mga magulang nila.... But what will happen if they will be forced to get married and li...
1.9K 421 39
Cali Basman thought that he fully convinced himself not fall in love with women because of his past experiences with his Mother and his Ex-girlfriend...
4K 1.4K 51
- DESTINED TO BE YOURS Katness never imagined to be in a relationship with her neighbor, Peterson. But with a little help from their friend, Gab... t...