We're Married (Published)

By heyairaaa

19.6M 173K 21.3K

WATTPAD PRESENTS: NOV 2-6, 2015 ❤ PUBLISHED UNDER LIB/PASTRYBUG BOOK 1 - P99.75 BOOK 2 - 109.75 "Kasal nga ka... More

We're Married
1. King
2. Dinner
3. Wedding
4. Elle
5. Married
6. Side
7. Day
8. Night
9. Plan
10. Him
11. Flashback
12. Date [1]
13. Date [2]
14. Trip [1]
15. Trip [2]
16. Feelings
17. Sorry
18. Awkward
19. Talk
20. Dreams
21. Chance
22. Solved
23. Party
24. Paradise
25. Decision
26. Goodbye
27. Boss
28. Past
29. Luis
30. Luke
31. Truth
32. Kiss
33. Crazier
34. Pain
35. Game
36. Secrets [1]
37. Secrets [2]
38. Listen
39. Confrontation
40. Grief
Note [1]
41. Orphanage
42. Tomb
43. Sign
45. Misery
46. Consequences
47. Start
48. Rose
49. Note
50. Friendship
51. Love
Note [2]
Epilogue
Special Chapter [1]
Note [3]
Note [4]
Note [5]
▪ Wattpad Presents ▪

44. Heart

267K 2.8K 278
By heyairaaa

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“Life is never been fair. Kaya matuto kang lumaban kahit pa ang panahon o tadhana ang kalaban mo. Kahit star pa sya at lupa ka darating din ang oras at mahuhulog din sya sa sayo, parang falling star lang. May tamang panahon lang dyan.”

 

-Elle’s POV-

 

Halos hindi ako nakatulog dahil sa takot na nararamdaman ko. Tumingin ako sa paligid at tahimik lang. Alas-kwatro na ng umaga ang oras pagkakita ko sa digital clock na nasa side table. Malamig ang buong kwarto kaya nakaramdam ako ng pagkahilo pero kaya ko pa naman.

Tumayo ako at inayos ang suot kong hospital robe. Marahan akong naglakad papalabas ng kwarto ko para hindi ito makagawa ng ingay. Pagkalabas ko ay tahimik ang hallway at walang nurse na nakabantay.

Naglakad ako papunta sa kwarto na gusto kong puntahan. Noong nasa tapat na ako nito ay huminga ako ng malalim. Gising na kaya sya? Hindi pa siguro, sisilipin ko lang kung okay sya at aalis din ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nagulat nalang ako ng makita syang nakatingin sa direksyon ko. Malamig ang mga mata nya at seryoso lang ang mukha nya. Wala man lang bakas ng emosyon sa pagkakakita nya sa akin.

Akmang aalis na ako pero bigla syang nagsalita kaya tumigil ako. “Pumasok ka.” Heto na naman ang matinis nyang boses.

Dahan-dahang naglakad ako papalapit sa kanya pero hindi naman ganoong kalapit. Nakita kong naka-cast yung braso nya kung saan tumama ang bala. Napakalayo sa bituka at hindi ko malaman kung bakit napaka-oa ni King dahil hindi naman sya mamamatay sa daplis ng bala.

Nakatingin sya sa akin at parang may malalim na iniisip. Pinapatay nya na kaya ako sa isip nya? O iniisip nya kung paano ako papatayin ngayon sa harap nya? Nakakapagtaka at hindi sya nagwawala ngayon.

“May gusto ka bang sabihin?” malumanay nyang tanong sa akin pero sa may bintana sya nakatingin. Sumandal ako sa pader ng kwarto nya at humalukipkip.

Huminga ako ng malalim at nag-isip kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya. Wala naman kasi talaga akong balak kausapin sya, hindi ko alam sa paa ko at nangating pumunta sya kwarto nya.

“Baliw ka.” bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko. Akala ko mao-offend sya pero nagulat nalang ako ng bigla syang tumawa. Tss, baliw nga.

“I know, Elle. Matagal na. Sobrang baliw ko, baliw na baliw ako kay King pero Elle, mas baliw ka.” sabi nya at nanunuyang ngumiti.

Aba! Kahit nakaratay sya sa hospital bed ay nagagawa pa nyang makapagtaray. Dapat pala tinuluyan ko na to para naman worth it ang galit sa akin ni King.

“Oo baliw ako kay King. Ikaw literal ka ng baliw. Kailangan mo nang dalhin sa mental.” inis na sabi ko at mukhang ngayon ay na-offend ko na sya dahil sa malungkot nyang ngiti.

“Siguro nga.” Huminga sya ng malalim at kita ko ang pagtutubig ng mata nya. Ano ba yan, mas nagmumukha tuloy ay masama.

“Sa sobrang kabaliwan ko, muntik ko pang mapatay ang sarili ko. Muntik ko pang mapatay ang anak ko.” sabi nya at humawak sa tyan nya.

Napatayo ako ng ayos at lumapit sa kanya. Nagulat ako sa nalaman ko. Hindi kaya..

Nakita kong umiling sya. “Hindi si King ang ama nito.” sabi nya at yumuko para tingnan ang tyan nya habang hinihimas-himas ito.

Nakahinga ako ng maluwag at sa hindi malamang kadahilanan ay naglaho ang galit at inis ko sa kanya at napalitan ito ng awa. Siguro dahil ito sa anghel na nasa loob nya.

“Sino ang ama nyan?” nagtatakang tanong ko. Akala ko ba mahal nya si King pero bakit nabuntis sya ng iba?

Dahil naaawa ako sa kanya kahit sa dami ng ginawa nya ay pinili kong makinig. Siguro time na para mapakinggan ko sya at makaganti naman ako sa dami ng ginawa ko sya kanya.

“Di ba na-rape ako sa ibang bansa. Sobrang nagulo ang buhay ko at parang wala na akong buhay pero nakapagsimula ulit ako nung nakilala ko ang totoo kong ama at yun ang Daddy ni King. Nagulat ako nun at hindi ko alam kung kaya kong tanggapin ang ama ng taong mahal ko ay ang totoo kong ama. Hanggang sa ibigay nya ang gusto ko kasama doon si King. Akala ko tuluyan na akong magiging masaya hanggang sa nalaman kong sinundan ako nung mga rapist na yun..”

Kita ko ang galit, poot at sakit sa mga mata nya. Ngayon ko lang to sasabihin pero hanga talaga ako sa kanya, siguro mas matatag sya kesa sa akin dahil naharap nya pa din ang bukas kahit na-rape na sya.

Nagtubig ang mga mata nya at ipinagpatuloy ang pagsasalita.

“At naulit na naman ang mga pangyayari. Hindi ko sinabi yun kahit na kanino dahil ayokong kaawaan at pandirihan ako ni King. Natatakot ako sa kanila dahil ayaw nila akong tigilan hanggang sa dumating yung araw na hindi ko sinasadyang mapatay sila dahil pinagtangkaan na naman nilang gawin sa akin yun. Yun yung panahon na na-ospital ako at naisip kita at baka iwan ako ni King dahil sayo. Nawala na sa akin ang lahat pati ba naman si King na tanging gusto ko.”

Umiiyak na sya at ako ay parang naluluha na pero pinipigilan ko lang. Pinikit ko ang mata ko at pinakinggan lang sya. Para akong nagi-guilty pero hindi ako nagsisisi na hindi ko ginawa iyon sa kanya dahil siguro wala si King ngayon sa buhay ko.

“Nung isang araw, nalaman ko na buntis pala ako. Gusto kong magpakamatay pero naisip ko baka ipagpalit ako ni King sayo kapag namatay ako kaya kahapon pinuntahan kita para unahin kang patayin. Kung hindi din naman sa akin mapupunta si King dapat hindi din sya mapupunta sayo.”

Napaatras ako sa sinabi nya. Baka mamaya maglabas sya ng baril at tuluyan na akong patayin. Kung gusto nyang mamatay, wag nya akong isama.

“No! Wala na ulit akong balak. Ang tagal ko tong pinag-isipan. Siguro hindi talaga para sa akin to. Kaya siguro ako binigyan ng pagkakataon para mabuhay ulit dahil para sa baby ko. Wala man sa akin si King, may anghel naman ako.”

Napangiti akong tumingin sa kanya. Sa wakas, after so many years, na-realize din nya ang lahat.

“Buti naman alam mo na, na kami talaga ni King ang meant to be at hindi kayo. Don’t worry, napapatawad na kita basta gawin mo lang ang makakabuti dyan sa baby mo, okay?”

Inirapan muna nya ako bago ngumiti. “Siguro ako, hindi pa ako totally okay pero gagawin ko ang lahat para makalimot. Kaya kung ako sayo itatali ko na si King kasi baka magbago pa ang isip ko.”

Oo tama sya pero naalala kong galit pa ako sa kanya dahil sa ginawa nyang paninisi sa nangyari kay Fiona. Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama ni Fiona dahil parang nanghihina ako.

Mahal nga ba talaga ako ni King? Kung totoo yun, eh di sana may tiwala sya sa akin na hindi ko magagawa yun kay Fiona. Ang sakit lang kasing isipin na halos ibigay mo na sa kanya ang lahat pero hindi pa din nya akong magawang mahalin ng tunay.

“Mahal ka nun, ramdam ko.”

Napaangat ako ng tingin sa kanya at tinaasan sya ng kilay. Nakaramdam ako ng hilo kaya napagdesisyunan ko nang lumipat na ng kwarto ko.

Pero bago ako tuluyang makalabas ay nagsalita sya ulit.

“Elle, huwag kang magpalinlang sa mga nakikita mo dahil baka ang akala mong anghel, demonyo pala sa likod mo.”

Habang naglalakad ako ay napaisip ako sa sinabi nya. Sya kaya ang tinutukoy nya? Pero hindi eh, hindi kaya yung taong nagtangkang patayin ako? May alam sya?

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang parang nakaramdam ako ng paglindol ng paligid at napasapo ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Wala akong maalala sa sumunod na nangyari at bigla nalang nagdilim ang paningin ko.

-King’s POV-

 

Tiningnan ko ang batang hanggang ngayon ay natutulog pa din sa kama ko. Mukhang sarap na sarap sya sa pagtulog kaya hindi na ako nag-abalang gisingin sya.

Nilapitan ko sya at inayos ang higa nya dahil malalaglag na sya sa kama. Napa-iling nalang ako nung maisip ko kung paano ko sya napilit na sumama sa akin.

flashback

 

“Bad ka! Labas ka dito! Bad ka!”

 

Yan agad ang sinabi nya sa akin nung pumasok ako sa kwarto nya. Kami lang doong dalawa dahil ang sabi ko iwanan nila kami kasi kailangan naming mag heart-to-heart talk ni Duke.

 

“I know I’m bad but please give me a chance. I love Hailey so much. I know I’m such a dumbass but I want to start again.” sobrang sincere kong sinabi yan pero mukhang hindi naman nya ako naintindihan.

 

“No! Sinaktan mo si Mamu! Kaya iyak Mamu dahil sayo! Kaya lungkot Mamu Elle dahil sayo!” sabi nya at pinagsisipa nya ako gamit ng maliliit nyang paa.

 

Mukhang mahirap tong pasunurin ah. Mukhang kailangan pa ng konting drama. Sige para kay Hailey, gagawin ko to.

 

Tumayo ako at saka lumuhod sa harap nya. Bigla syang umupo sa kama nya nung makita ang ginawa ko.

 

“Please, tulungan mo akong makuha ulit si Mamu mo.” I cried. Kita ko ang pagbabago ng itsura nya nung makita nya ang luha sa mata ko.

 

“Bakit ka iyak?” tanong nya at pinahid ito.

 

“Kasi nasasaktan ako kasi wala sa buhay ko si Mamu mo. Kaya tulungan mo ako.” hinawak ko ang kamay nya at napatingin sya doon.

 

“Sakit ka?” mahina nyang sabi at tumango ako. Mukhang mapapapayag ko to pero mukhang nag-aalalangan pa sya kaya sinabi ko na sa kanya ang balak ko.

 

“Kapag pumayag ka at tuluyan ko ng nakuha si Mamu mo, aampunin ka namin at magiging tunay na magulang mo na kami.”

 

Sa huli kong sinabi ay biglang nagliwanag ang mukha nya. Kaso bigla na naman itong lumungkot.

 

“Kaso maiiwanan ko dito si baby Prince saka yung best friend kong si Aleyna.” malungkot nyang sabi kaya marahan kong kinurot ang pisngi nya.

 

“Wag kang mag-alala, bibisitahin natin sila dito.” nakangiting sabi ko at bigla syang napatalon.

 

“Sige!”

 

Nagdiwang ang puso ko dahil sa narinig ko. Konting nalang, magiging maayos na ang lahat.

 

-end-

 

Marahan kong tinapik ang pisngi nya bago tumungo sa sala para mag-plano ng gagawin ko para kay Hailey.

I will do everything to win her heart back.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
5.3K 89 5
JenLisa Short Story A story which you can read the ending to the beginning.
21.4M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
109K 3K 53
Reunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex a...