The Unrequited Love (MayWard...

By MariaAyagil

84K 4.9K 2.2K

[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na... More

The Unrequited Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Not an Update
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
SK1: Francis and Nicole
SK2: Jibbson and Jessica
SK3: Tanner and Chantal
Wakas
FAQ

Kabanata 5

1.6K 79 13
By MariaAyagil


NAGKULONG ako sa kwarto ko pagkauwi namin ni Papa galing sa mansion ng Mendiola. Napaupo ako paharap sa tokador at tinitigang mabuti ang aking sariling replika.

"Panget ba talaga ako?" di ko mapigilang sambit saking sarili. Napabuntonghininga ako tsaka napahiga sa kama at napatitig sa kisame. Hindi pa din mawala sa aking isipan iyong sinabi ni Matthew sa akin kanina. Bumalikwas ako ng bangon at inikot ang aking mata sa buong paligid. Kailangan kong makahanap ng pagkakaabalahan.

Napansin ko ang mga notebooks at aklat kong nakaayos sa mesa di kalayuan sa kama ko. Mabilis akong lumapit doon. Tama! Magrereview nalang ako. Mathematics subject ang unang napagtuonan ko ng pansin na reviewhin. Pero matapos ang ilang minuto gusto ko nang maggive up.

"AAAAGH!" Di ko talaga magets kung ano ba itong mga properties of equalities ang inequalities na ito. Ang sakit sa ulo.

Triny ko naman iyong English subject. Siguro nakaten minutes lang ako ng hawak doon sa aklat at binitawan ko na din kaagad. Sobrang lalim kasi ng mga words at tsaka reading comprehension ang exam namin. Musta naman ako nun?! Araling Panlipunan nalang kaya. Tama! Talino mo talaga Venice. Pinapahuli na dapat yang mga mahihirap na subjects. Ito nalang muna babasahin ko.

Pero makalipas ang ilang minuto....

"Ayoko na!!" bumalikwas ako ng bangon tsaka nagpasyang lumabas ng apartment para bumili ng makakain sa labas dahil walang kalaman laman ang aming ref kundi malamig na tubig at juice.

Mabuti nalang may malapit na convenience store dito at mabilis akong nakabili ng makakain. Nakabalik na ako sa apartment at tangka na akong papasok sa pinto ng mahagip ng aking paningin si Jared na kakalabas lang. Napalingon siya sa gawi ko at napakunot noo. Tumingin ako saking suot tsaka pinagcross ang aking kamay saking katawan. Nakasando lang kasi ako at shorts.

Naglakad siya palapit sakin. "Akala mo naman may makikita ako diyan sa patpatin mong katawan." Aniya bago ako linampasan. Nakanganga ko siyang sinundan ng tingin.

"Antipatiko!" gigil kong sabi sa kaniya.

"May kaaway ka,Venice?" Napalingon ako sa nagtatakang si Tita Tina na may dala dalang paper bags. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya sa pagbibitbit noon. "Wala po, Tita."

"Ang dami mo naman pong pinamili, Tita." Komento ko habang pinipindot ni Tita iyong code ni Jared. Ganoong pa din ang password. 81725 pa din!

"Ipagluluto ko kasi kayo ng lunch para bukas." Nakangiting tugon ni Tita tsaka pumasok ng loob ng room ni Jared. Sumunod ako sa kaniya at napahanga sa linis na tumambad sakin. Dumiretso kami ng kusina para ilapag lahat ng pinamili niya. habang naglalakad hindi ko maiwasang mapatingin sa mga litrato na nakasabit sa ding ding at mga cabinet na nakikita ko. Napatigil ako nung makita ko ang litrato ni Jared na nakaschool uniform habang nakapout.

"Gusto mo ba ang litratong iyan?" Sabi ni Tita na hinid ko namalayan na nasa likuran ko na pala.

"Pwede po ba?" namimilog ang mga mata kong tanong. Kapalmuks na talaga ito!

"Oo naman! Sige kunin mo na. Kasi gusto naman din iyang itapon ni Jared ako lang nagpupumilit na i-display iyan diyan." Sabi ni Tita. Wa! Ang swerte ko talaga kay Tita sobrang bait! Gusto ko tuloy siyang maging mother-in-law.

Kinuha ko ang picture na iyon ni Jared tsaka nagpaalam na din ako kaagad kay Tita dahil ayokong madatnan ako ni Jared sa loob ng apartment room niya. Saktong pagbukas ko ng pinto ng apartment room ko ang pagdating naman niya. "Hi," malawak ang ngiti kong bati sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at linampasan niya lang ako. "Oy, kilala mo ito?" pinakita ko sa kaniya iyong litrato niya. Nanlaki ang kaniyang mata pagkakita noon.

"Papano mo nakuha iyan?" asar niyang sabi.

Mabilis akong pumasok ng pinto. "Binigay ng mama mo. Impernes, ang cute mo dito." Sabi ko tsaka siya dinilaan at mabilis na linock ang pintuan bago pa man siya makalapit sakin.

Napatingin ulit ako sa kaniyang litrato. Saan ko kaya ito pwedeng i-display?!

SCHOOL.

"Venice, sabihin mo na kasi samin kung saan ka nakatira." Pagpupumilit ni Nicole sakin habang nag-aayos ako ng gamit. Katatapos lang kasi ng klase at break time na.

"Oo nga, May. Hindi mo pa nga pala nasasabi samin kung saan ka ba sa Pel Ayo St. banda." Dagdag pa ni Jessica.

"Bakit ba ayaw mong sabihin samin? May tinatago ka ba, Venice?" koryuso na ding tanong ni Jibbson.

"Ano.. hindi naman sa ganoon--"

"Venice, pinapatawag ka ni Sir Hans sa faculty office." Sabi nang isa naming nerd na kaklase. Napatingin sakin iyong tatlo na akala mo may ginawa akong masama. Umiling ako. "Wala naman akong ginawa, ah." Sabi ko bago pa man may makatanong sa kanila.

Tumayo ako tsaka lumakad palabas. Kumatok muna ako sa pinto ng faculty tsaka iyon tuluyang binuksan. Binati ko lahat ng guro na nakita ko tsaka kinakabahang lumapit sa table ni Sir Hans.

"Sir, pinapatawag niyo raw po ako." umangat ang tingin ni Sir sakin.

"Yes, kindly sit." Minuwestra niya iyong upuan malapit sa table niya. Naupo ako doon. "May kasalanan po ba ako, Sir?" kinakabahan kong umpisa.

Umiling si Sir Hans dahilan para mapanatag ang aking loob. "Wala pa naman pero gusto na kitang warningan ngayon pa lang." Aniya.

"Po?" naguguluhan kong tanong.

"Ikaw ang may pinakamababang marka sa buong klase last prelim exam kaya pinatawag kita ngayon para sabihin sa iyong baka magsummer ka o hindi kaya bumalik ka this school year kung hindi mo aayusin ang exam mo. Ayokong maging panatag ka lang sa mga scores na nakukuha mo. Gusto ko galingan mo this time sa midterm kasi ang iba mong teachers maliban sa akin ay hinihikayat na ipatawag na ang magulang mo para makausap sila regarding this matter." Parang isang bombang sumabog sakin iyong sinabi ni Sir Hans. Kasi ang dami na ngang iniisip ni Papa dadagdagan ko pa kung nagkataon.

"Ano po kaya Sir ang pwede kong gawin para mapataas ang score ko sa exam." Mahina kong tanong. Sumandal si Sir Hans sa kaniyang umiikot na upuan at pinaikot ikot sa kaniyang kamay ang kaniyang ballpen habang nakatitig sakin.

"I suggest na magpatulong ka sa mga kaklase mong mas nakakaalam ng lessons ninyo o kaya sumama ka sa mga naggogroup study sa library."
NAPABUNTONG hininga ako nang tuluyang makalabas ako ng faculty. Habang naglalakad pabalik ng classroom iniisip ko pa din iyong sinabi ni Sir Hans na dapat kong gawin para maging matas ang score ko sa nalalapit na midterm exam.

"Anong nangyari? Bakit mukha kang Biyernes santo?" Bungad sakin ni Nicole pagkadating ko ng room.

"Pinagalitan ka ba ni Sir Hans?" koryusong tanong ni Jibbson na tinugon ko ng iling.

"Venice Martinez," lahat kami napatingin sa lalaking tumawag saking buong pangalan. Prente siyang nakasandal sa pintuan ng room namin habang nakatingin sakin. Biglang kumalabog ang aking dibdib nang mapako sakin ang kaniyang tingin.

"Bring your bag and come with me." Sabi niya at nauna ng lumakad paalis. Napatayo ako saking upuan tsaka napakunoot-noo. Bakit kaya?

"Hey, May? Anong nangyari? Bakit ka naman tinawag ni Jared Mendiola?" Kunot-noong tanong ni Jessica.

"Hindi ko din alam kung bakit," taka kong sabi habang iniimis ang aking gamit.

"Oh my Gosh! Di kaya magcoconfess siya sayo?!" kinikilig na pakli ni Nicole na nagpabalik sa mood ko.

"Alis na ako." Sabi ko bago pa mawala sa paningin ko si Jared sumunod na ako sa kaniya. Ano kayang nangyari? Bakit kaya niya ako pinuntahan sa room para pasamahin sa kaniya? Wala naman siyang kailangan sa akin maliban sa picture niya na binigay sakin ni Tita Tina kagabi na hanggang ngayon ay dala dala ko pa rin.

Hindi kaya tama si Nicole?! Magcoconfess ba talaga siya? Ano naman kayang sasabihin ko kapag nangyari yon?!

Oo, Jared mahal din kita matagal na.

Ikaw lang naman hinihintay ko, eh. So, tayo na?

Im so happy! Sabi ko na nga bang may gusto ka din sakin eh! Pakipot ka pa.

Sabi ko na nga ba you can't resist me!

Ganern ba?! Yiee! Excited na ako!


========================================================

Author's Note:

Sorry dear readers to say that the end of this story in this platform is here. Nasa contract kasi na hanggang Kabanata 5 lang ang pwedeng ipublished online sa wattpad. Hope you understand. If you want to read other Kabanatas feel free to click the link below or read it at starywritting.com just search the title The Unrequited Love by MariaAyagil. Good day and keep safe! :)

https://m.dreame.com/novel/yc9+6n3NjNz472+CZg2MTQ==.html

Continue Reading

You'll Also Like

69.2K 2.1K 36
Lalaine Cassidy Casuro is the definition of the word Perfect. Nasa kaniya na ang lahat; beauty, friends, brain, and a perfect family. As the spoiled...
1.9K 122 27
He was, Luke Rio Rosenwell. Pangalan pa lang sosyal na. Hinding hindi rin maipagkakaila na mayaman. Ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig ang l...
12.2K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
1.2M 33.9K 53
[Fangs Series #2] You knew he was dangerous. You knew he wasn't ordinary. You knew his sharp fangs. He's pushing you but you're a hard-headed bitch w...