Si Miss Clumsy: Tripping All...

By zariLovesYou

222K 2.5K 697

Mahirap mag-isa, sabi ng marami. Pero para kay Rin, ito ang pinakamahalagang parte ng araw nya, ang oras kung... More

Si Miss Clumsy: Tripping All Over His Heart
Si Miss Clumsy: Chapter 1 - "May mali sa genes ko!"
Si Miss Clumsy: Chapter 2 - Mystery Savior
Si Miss Clumsy: Chapter 3 - This Weird Girl
Si Miss Clumsy: Chapter 4 - The Perfect Couple
Si Miss Clumsy: Chapter 5 - The Girl and the Boy Next Door
Si Miss Clumsy: Chapter 6 - What's the Answer?
Si Miss Clumsy: Chapter 7 - Metamorphosis
Si Miss Clumsy: Chapter 8 - Players
Si Miss Clumsy: Chapter 9 - First Match
Si Miss Clumsy: Chapter 10 - The Crush
Si Miss Clumsy: Chapter 12 - Movie Marathon
Si Miss Clumsy: Chapter 13 - Lips
Si Miss Clumsy: Chapter 14 - Confessions
Si Miss Clumsy: Chapter 15 - The Kiss. What????!
Si Miss Clumsy: Chapter 16 - Jealousy
Si Miss Clumsy: Chapter 17 - Teenage Dream
Si Miss Clumsy: Chapter 18 - Brother and Bestfriend
Si Miss Clumsy: Chapter 19 - Luke's Date
Si Miss Clumsy: Chapter 20 - Drama
Si Miss Clumsy: Chapter 21 - Revenge
Si Miss Clumsy: Chapter 22 - 2nd and 3rd
Si Miss Clumsy: Chapter 23 - The Truth
Si Miss Clumsy: Chapter 24 - Deadline
Si Miss Clumsy: Chapter 25 - This Weird Girl Again
Si Miss Clumsy: Chapter 26 - She Returned
Si Miss Clumsy: Chapter 27 - Flashback
Si Miss Clumsy: Chapter 28 - Gone
Si Miss Clumsy: Chapter 29 - Collage
Si Miss Clumsy: Chapter 30 - First Day
Si Miss Clumsy: Chapter 31 - The Moves
Si Miss Clumsy: Chapter 32 - Shoot
Si Miss Clumsy: Chapter 33 - Luke. Like a Boss.
Si Miss Clumsy: Chapter 34 - Rin's First Party
Si Miss Clumsy: Chapter 35 - LUKEwarm
Si Miss Clumsy: Chapter 36 - Luke's A Blackmailer
Si Miss Clumsy: Chapter 37 - Confusion
Si Miss Clumsy: Chapter 38 - Candlelights
Si Miss Clumsy: Chapter 39 - The Night Guard
Si Miss Clumsy: Chapter 40 - Three Days
Si Miss Clumsy: Chapter 41 - Stuck
Si Miss Clumsy: Chapter 42 - Another Break-up?
Si Miss Clumsy: Chapter 43 - Caught
Si Miss Clumsy: Chapter 44 - TLC - The Last Chapter
Si Miss Clumsy: Chapter 45 - Tripping All Over His Heart
Si Miss Clumsy: Epilogue
Please Read :D
The Story of Lester: Lester's Fight (PREVIEW)

Si Miss Clumsy: Chapter 11 - Luke's New Car

4.6K 54 12
By zariLovesYou

 Enjoy reading na lang po! :D

Luke’s POV.

Day 18.

Shit! Alam na ni Alicia na may gusto ako kay Rin! Ano na gagawin ko?

Magpapalipat na ako ng section!

Pero ayoko ng ganun…

Dun na nga lang sa room ko siya nalalapitan eh kahit wala kami ni anumang conservation. Kahit papaano, isang pulgada lang layo namin.

Susubukin ko na lang na pati tingin ko eh iiwas sa kanya.

Nakakabawas ng pagkalalake...

Pero kailangan eh.

May gusto siya…

At hindi ako.

Ano nga ba ako kung ikukumpara kay Lester di ba?

Oo. Inaamin ko. Mas gwapo yung epal na yun kaysa sa akin at base sa nakita ko sa court, magkasing galing siguro kami sa paglalaro ng basketball.

Last week, nung try-outs sa basketball.

Nabigla ako. Dun ko naconfirm na may feelings nga ako para kay Rin.

Hawak ni Lester ang bola at sinabing alay niya kay Rin ang larong yun.

Nasaktan ako. Gusto ko siyang bugbugin pero hindi pwede.

Tinignan ko si Rin, yung reaksyon niya. Namula siya sa hiya pero nakita kong masayang masaya siya.

Tapos kahapon, pumasok siya na may hawak na Lily. Kasingganda niya yung bulaklak.

Nasaktan ako dahil hindi ako ang gumagawa sa kanya ng ganun pero kahit naman siguro wala si Lester eh hindi ako makakakuha ng lakas ng loob para manligaw sa kanya.

Tengna men, tengna.

Pinilit kong i-focus ang isip ko sa sinasabi ng teacher namin. Pinilit kong idigest ang lesson pero wala talaga eh.

Talaga bang ganito kabilis ang love?

Na kahit sandali mo palang nakilala ang isang tao eh ganito na ang mararamdaman mo sa kanya?

Infatuation lang ba ‘to?

Bakit nasasaktan ako?

Anong meron si Rin at kaya niyang guluhin ng ganito ang utak ko?!

Damn!

Kaylangan ko ng girlfriend.

Kailangan ko ng girlfriend sa lalong madaling panahon. Yung mamahalin ako at mamahalin ko.

Tama… Tama yan Luke…

Kailangan mo lang i-shift ang attention mo sa iba at makakalimutan mo din ang feelings mo kay Rin.

 

Lunch…

Hindi ako pumunta ng EatSumo dahil alam kong nandun sila Rin.

Pero hindi ko kaya yung gutom ko eh.

Naglakad ako papuntang FudHaws.Mas malayo siya sa campus. May dalawang canteen naman sa campus pero ayoko ng mga pagkain dun eh.

Halos lahat ng mga cool na estudyante ay sa labas ng campus kumakain.

Pero hindi sana sisikat ang EatSumo kundi dahil sa amin eh. Parang karinderya lang kasi dun.

Nasa FudHaws na ako at kumakain nang tumawag si Macky.

“Pre, nasan ka?”

 

 

“FudHaws. Ayoko na diyan. Andaming tao.” Sagot ko.

“Ah, sige. Sabihin ko na lang na diyan tayo pag lunch.”

 

 

“Sige, salamat pre.”

Kokonti mga studyante dito at puro lalake. May mga nagyoyosi sa labas pero hindi ako ganun. Wala akong bisyo. Inom lang minsan.

Tapos may nakita akong pumasok na babae. Maganda din, sexy, maputi, chinita. Lumapit siya sa isang nakaupo na nakayakap sa isang babae.

“Drew?” Sinabi nung babae.

Lumingon yung lalake na ang pangalan ay Drew. Nagulat siya at inalis ang yakap sa kasama.

Pak! Sinampal nung babae si Drew. Dapat lang sa kanya.

“Michelle. Let me explain.”

Tsk. Lagi namang ganyan eh kapag nahuli eh. Let me explain o kaya hayaan mo muna akong magpaliwanag.

Ang bitter ko. Lecheeee.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi lumapit.

Aalis na sana si Michelle pero hinawakan ni Drew ang kamay niya.

“Bitiwan mo ako!” Sigaw ni Michelle.

“Hindi! Mag-uusap tayo!”

Pak! Sinampal uli si Drew.

“Ang kapal ng mukha mo! Akala mo siguro hindi ko malalaman noh! Masyado ng matagal ang pagpapakatanga ko pagdating sa’yo! Ayoko ng magbulag-bulagan. Let me go!”

Nakita kong nasasaktan si Michelle sa pagkakahawak sa kanya. Nahihirapan na akong tignan sila kaya lumapit na ako.

“Pre.” Ipinatong ko kamay ko sa balikat niya. “Bitiwan mo siya.”

“Wag kang makialam dito Buenaventura!”

 

Kilala niya ako? Iba na talaga ang sikat! Oops, teka. May ililigtas pa ako.

“Wala kang magagawa kung gusto kong makialam. Bitiwan mo na siya dahil nasasaktan na siya.”

 

 

“Aba. Makulit ka.”

Bago pa ako makareact eh lumipad na yung isang kamao niya sa mukha ko. Napaupo ako. Hindi ko napaghandaan yun ah.

Nabitak labi ko. TInikman ko yung dugo. Tumayo ako.

Paker. Ginalit mo ako. Inimagine kong siya si Lester.

Leche, di kaya. masyadong panget tong isang to.

Tumayo ako…

Hindi ko na masyado maalala yung mga sumunod na pangyayari.

Narinig ko na lang na sumisigaw si Michelle.

“Stop it! Stop it! Tama na…” Umiiyak na siya.

Inawat kami nung may-ari at ibang estudyante.

Gusto kong ngumiti pero ayokong magmukhang sadista. Nakita ko si Drew. May sugat din siya sa labi at nangingitim yung mata at pisngi niya.

Ako kaya. Anong itsura ko?

Tumingin ako kay Michelle na tumutulo pa rin ang luha.

Dinukot ko yung panyo ko at iniabot sa kanya.

 

“Sorry. Dahil nabugbog ko bf mo. Kunin mo yung panyo, ilalaglag ko lang pag di mo kinuha.”

Kinuha na nga niya ang panyo.

Tumalikod na ako at pumunta sa parking lot.

Kailangan ko makita ang mukha ko! >_<

Ginamit ko yung sidemirror ng motor ko.

Hindi man lang nagulo buhok ko. Medyo nangingitim na sa may pisngi ko at may sugat ang labi ko pero yun lang.

Ano ba yan? Di nga ako sanay makipaglaban pero parang nanalo pa rin ako.

Yabang eh noh?

Tsk. Kinapa ko yung panyo ko. Wala. -_-

Binigay ko nga pala sa babae. Pumunta na lang ako sa CR at naghilamos. Bumalik na ako sa room.

Nagsimula na ang klase kanina pa. Tinignan ko ang oras. 1.20 PM.

Napatingin si Rin sa akin.

OA ko. Hindi lang siya. Buong room.  Kahit yung teacher hindi nakapagsalita nang pumasok na lang ako bigla at umupo.

Medyo inilayo ni Rin katawan niya sa akin. Feeling niya naman sasaktan ko siya. Hindi ako namamatol ng babae noh kahit asar na asar na talaga ko.

Mas magaan na rin pakiramdam ko. Nailabas ko yung gonting galit ko dun sa lalake kanina. Kawawa naman siya.

Naramdaman kong tensyonado si Rin. Napansin ko ring nakatitig siya sa akin

Tumingin ako sa kanya ng masama at inilayo niya tingin niya.

Ang OA naman niya. Hindi naman siguro ako mukhang halimaw diba.

Nang matapos ang klase, tinignan ko cellphone ko.

Ang daming text galing kanila Jules, Macky, Herbert, at Liam.

Sure akong pare-pareho rin lang laman na ito. Ambilis kumalat ng balita ah.

“From: Liam

Idol! Kawawa daw yung binugbog mo kanina! Sana tinawag mo kami XD”

“From: Jules

Pre, totoo ba? May binugbog ka kanina? Ikaw daw nanalo. Sabi ko lang sa kanila, weeeh?”

“From: Macky

Tol! Iba na trip mo ah. Nakikipagbugbugan ka na ngayon. Di pa magtawag. Tengna mo.”

“From: Herbert

Ano ba pumasok sa isip mo at nakipagbugbugan ka? O, ano balita?”

Sa kanilang apat, kay Herbert lang ako nagreply.

“To: Herbert

Tol. May sinasaktang babae eh, nakialam na ako.”

Nang uwian na… dumiretso ako ng parking lot.

Pagdating ko dun, may mali. Wala yung motor ko!

Baka nakalimutan ko lang kung saan ko pinarking. Umikot ikot ako pero wala talaga eh.

Nag-GM na ako sa barkada.

“To: Macky, Liam, Herbert, Jules

Mga pre. Nakita niyo motor ko? Nawawala!”

Nagreply agad si Liam. “Lagot ka sa tatay mo. BWAHAHAHA XD”

Tengna, walang kwenta. Namromroblema na nga yung tao eh.

Pero tama si Liam. Lagot nga ako sa kanila. Waah! Gusto ko pa mabuhay T_T

Sa sobrang asar ay naupo ako sa semento kung saan dapat nakapark motor ko. Medyo umiitim na din yung langit.

“Luke?” Napatingin ako. Si Rin at kasama niya si Lester.

Tumayo ako. Tumingin si Lester sa paligid. “Asan ang motor mo?”

 

 

“May nagnakaw.” Sagot ko.

“Sinong gagawa nun? Yung binugbug mo? Ikaw kasi.” Si Rin yun.

“Paano mo nalaman?”

Tinuro niya si Lester na nagkibit balikat. Tsk.

 

“Gusto mo bang ihatid na lang kita? Ihahatid ko din si Rin eh.”

Isip Luke, isip. Kapag umoo ka, magkakautang na loob ka sa kanya. Kapg humindi ka, kailangan mo maghanap ng sasakayan.

 

“Ah, sige. Salamat.” Sumama ako sa kanila.

Napahanga ako sa kotse niya pero loyal ako kay Winter eh. Namimiss ko na rin yung isang yun.

Sa harap silang dalawa at sa likod ako.

Tsk. Nakaka-OP. Kinakausap nila ako minsan. Iniiksihan ko na lang sagot ko para hindi nila ako masyadong kausapin.

Nakakaasar talaga ang araw na to!  Tumingin ako sa daan para hindi ko sila makitang masayang nag-uusap. Sinubukan ko i-tune out ang usapan nila.

Concentrate Luke. Concentrate… Kaya mo ‘yan.

Nakarating na din kami kanila Rin. Ang ibig sabihin nun ay…

Tsk. Naiwan kaming dalawa ni Lester dito sa kotse.

Madami na jan ang mapapa-uuuy… bromance!

Kadiri. No thanks.

Nang medyo malapit na kami sa bahay, nagtanong siya.

 

“May tanong lang ako.”

 

 

“’Ano yon?”

 

 

“Hindi ko ma-gets kung bakit may galit kayo sa akin.”

 

 

“Kami?”

 

 

“Oo. Kayo ng barkada mo.”

 

 

“Wala lang. Na-iinsecure siguro sa’yo?”

Natawa siya. Pero hindi naman nagpapatawa yung tono ko a?

Gusto kong kumulo yung dugo ko sa kanya pero ayaw eh.

Huminto na yung kotse. Nasa bahay na kami.

Bago ako bumba, nagpasalamat muna ako.

“Salamat ha?”

 

 

“Walang anuman.” Tapos ngumiti siya at umalis na.

Tapos naalala kong nawawala nga pala yung motor ko. Tsk. Paano na ako papasok sa school niyan.

Wala naman sila mom eh kaya matagal din akong makakalusot sa kanila. Yun nga lang, hindi ko alam kung kelan dating nila.

Sinalubong ako ng isang maid.

Potek. Sinabi kong wag na akong sasaubungin eh.

“Kaya ko na!” Sigaw ko sa kanya nung kukunin niya sana gamit ko.

Napayuko yung maid. “S-sir. Nandyan mo sila Madam at hinahanap ka.”

Waaah! Lagot na! Kalma lang Luke, kalma lang. Wag mo muna sasabihin sa kanila.

“Mom! Dad!” Sabi ko na masaya ang mukha at yinakap si Ma. Ganun din kay Dad. “I miss you.”

“We missed you too son.” Sabi ni Mom sa akin habang ginugulo ni Dad buhok ko.

Nakalimutan kong may pasa ako sa mukha!

Tumingin sila sa akin nung napansin nila. Hinawakan ng mahigpit ni Dad ang balikat ko.

“Nakikipag-away ka?” Lunok.

“Ngayon lang Dad, pangako.” Itinaas ko pa kanang kamay ko.

“Then explain.”

 

 

“May lalake. Nagaaway sila nung GF niya. Hinawakan niya ng mahigpit yung girl tapos ayun, eh nasasaktan yung girl kaya lumapit na ako. Tapos nagkaganito. Nagpapaka-hero lang naman ako eh.”

Binitiwan ako ni Dad. Nakahinga ako ng maluwag.

“Ikaw talaga. Manang mana ka sa daddy mo.” Sinabi ni Mom at tumawa. “Nagamot na ba yang sugat mo?”

 

“Opo.” Pagsisinungaling ko.

 

“Alam mo nung kami ng dad mo…”

 

 

“Ma! Ilang beses ko an narinig love story niyo, okay?!”

 

 

“Hmp. Madaming meryenda. Tara. Let’s eat.” Yaya ni Mom na medyo nagtatampo. Kiniss ko na lang siya sa pisngi.

Namiss ko naman kasi talaga sila.

Medyo nag-usap usap kami tungkol sa school.

“Oh. And we have a surprise for you later.” Sinabi ni Dad.

Hmmm? Surprise?

Pagkatapos namin magmeryenda eh nanuod kami konti ng TV. Hindi rin kasi palaging nagkakaroon ng pagkakataon na magkasama kami.

 

“Well. Where’s your bike? I didn’t hear it come in.”

Lunok. Ayan na. Ang pamatay na tanong!

“Ah… eh… N-naibenta ko Dad!” Sinabi ko.

“I don’t believe you. The truth?” Istrikto na naman boses niya.

“Napagtripan ata ako nung nakaaway ko.”

 

 

“That means kanina lang nawala yung motor mo?”

Tumango ako. Hinintay ko yung sunod sunod na sermon. Pero hindi dumating.

 

“So sakto lang pala yung nabili natin para sa kanya hon eh.”

Wait. Full attention na ang senses ko. Nabili?!

Bumilis tibok ng puso ko. Come on Mom and Dad. Sabihin niyo na.

“Well…” Tapos hinawakan ni Mom yung kamay ko at dumiretso kami sa garahe.

Bumulaga sa harap ko ang isang Honda Accord na red.

Sa sobrang tuwa ko yinakap ko ng mahigpit si Mom. Tapos si Dad at thank you ng thank you.

 

“Kapag nawala mo pa ‘yan, hindi ka na namin bibilhan.”

Sinabi ni Dad.

“Yes Dad. Patest drive?”

Tumawa sila at ibinigay ang susi sa akin. Siyempre talon kaagad ako sa kotse.

Hindi ito ang pipiliin ko kung sakali pero dude, may kotse ako at sigurado akong abot ng two million ang bili nila dito.

Pula ang kulay niya, medyo feminine pero si Mom siguro ang namili. Carry lang.

Naghanap ako ng free way at binilisan ng bonggang bongga.

----------------------------------------------

Sana nag-enjoy kayo! Commmmmmmmennttttttttttt pllllllleeeeeeeeeeeeaaaaaaassssseeee! :D

Continue Reading

You'll Also Like

13K 382 52
A heartthrob bad boy meets an ordinary nerd girl Characters: Daniel Padilla as johnford padilla Kathryn Bernardo as Chandria Bernardo Sofia Andres a...
1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
629 112 19
We don't have to limit ourselves to a single story. You must not only concentrate on the flow, character, twist, or title. It's also crucial to be aw...
82.1K 1.8K 125
"Kapag tinalikuran mo ang isang tao at tumalikod na rin siya para 'di ka makitang lumayo, kailangan mong ikutin ang mundo para magharap ulit kayo. Pe...