The Destroyer

Bởi littlemissselle

6.6M 81K 23.1K

Black Series II: I'm Casimir Ramirez. Three words, I DON'T CARE. Shut the hell up or I'll destroy you. Xem Thêm

The Destroyer
TD - 1
TD - 2
TD - 3
TD - 4
TD - 5
TD - 6
TD - 7
TD - 8
TD - 9
TD - 10
TD - 11
TD - 12
TD - 13
TD - 14
TD - 15
TD - 16
TD - 17
TD - 19
TD - 20
TD - 21
TD - 22
TD - 23
TD - 24
TD - 25
TD - 26
TD - 27
TD - 28
TD - 29
TD - 30
TD - 31
TD - 32
TD - 33
TD - 34
TD - 35
TD - 36
TD - 37
TD - 38
TD - 39
TD - 40
TD - 41
TD - 42
TD - 43
TD - 44
TD - 45
TD - 46
TD - 47
TD - 48
TD - 49
TD - 50
TD - 51
TD - 52
TD - 53
Epilogue
Black Note
Special Chapter 1: Geoff & Belle
Special Chapter 2: Henry & Desiree
Special Chapter 3: Jeremy
Special Chapter 4: Jericho
Special Chapter 5: Jhaztine
Last Special Chapter: Casimir & Alex

TD - 18

126K 1.2K 175
Bởi littlemissselle

CHAPTER 18

ALEX'S POV

Wala na rin lang naman akong takas dito kay Casimir, no choice ako kundi magsabi ng totoo.

'Yung sikretong matagal kong tinago sasabihin ko sa lalaking 'to. I just can't believe it.

Pinaupo niya ako at kumuha siya ng tubig mula sa kusina. How funny na malakas ang common sense niya kaya hindi na siya nagtanong kung nasaan ang baso o ang tubig.

"Oh 'wag ka na umiyak. Uminom ka muna." at inabot niya sa'kin ang basong may laman ng tubig.

"Salamat." nakayukong pasasalamat ko.

Walang nagsalita sa aming dalawa. Nakaupo lang siya sa tapat ko gamit ang isang monobloc na upuan para sa hapag-kainan namin.

Nakatingin lang siya sa'kin at para bang pinapanuod niya lang ang isa sa awkward moment ko sa buhay.

He broke the silence.

"Now, tell me... everything."

I took a deep breath. "Obviously, mahirap lang ako at oo waitress ako."

"Kaya ba nanghihina ka nung last sem? Yung ang aga-aga pa eh nawalan ka na ng malay?"

Kumunot ang noo ko. "Pa'no mo nalaman? Nasabi ba ni Henry sa'yo 'yun na dinala niya ako sa clinic?"

Sumimangot siya. "Tss. So bakit nga? Bakit hindi mo sinasabi na nagta-trabaho ka?"

"Wala namang nagtatanong."

Nasapo niya ang noo niya. "Alex naman! Sumeryoso ka nga!"

Medyo natawa naman ako sa asta niya. Ang cute niya ma-frustrate.

"Kung ang gusto mo malaman eh kung bakit ikinakaila kong mahirap lang ako at isa akong waitress," napatingin ako ng diretso sa mga mata niya para bang sinasabi nitong andiyan lang siya para makinig, "dahil natatakot ako. Natatakot ako na masabihan nanaman ng kung ano-ano ng ibang tao."

"Hindi kami ganon Alex."

"Kayo, pero 'yung iba. Ayoko na nun Casimir... sawa na ako."

"Sawa ng?"

"Sawa na akong pagtawanan, pagchismisan at matahin ng ibang tao... ayoko na non Casimir... ayokong maulit pa 'yon. Ayokong pati kapatid ko masaktan nila." at dahil sa pag-iisip ko tungkol sa kapatid ko, hindi ko nanaman napigilan na maiyak.

"Kapatid mo? 'Yung batang sinundo mo don sa village na 'yon?"

"Kanina mo pa kami sinusundan?!" Goodness! Ang lakas ng trip netong mokong na 'to!

Tila naman nakahinga siya ng malalim. "Akala ko naman anak mo."

Hinampas ko naman siya dahil sa sinabi niya, "Walangya ka! Ganon ba tingin mo sa'kin!?"

"O pasensiya. Eh teka 'di ba Laxamana ka? Bakit ganito?"

I smiled bitterly. "Yeah. Laxamana ako. At hanggang apelyido na lang 'yon."

"What do you mean?"

"'Yung tatay ko, ang sweet sweet non, ang bait, maalagain, matulungin din sa mahirap... kaya nga ata kinuha na siya ni Lord eh, masiyado kasing mabait." tumulo nanaman ang luha ko. "Spoiled ako noon sa Daddy ko. Lahat ng gusto ko binibigay niya, dinadala niya ako sa amusement park, binibilhan ng teddy bear... pero kasi hindi raw tama."

Lumipat siya ng pwesto at hinaplos ang likod ko. "Ano ang hindi tama?"

"Hindi tama na kami ang pamilya niya. His father, my Lolo, disowned him dahil kami ang pinili niya. Ayaw nila sa Mommy ko."

"Kasi mahirap ang Mommy mo?"

I nodded. "Mahirap na prostitute pa."

I saw pity in his eyes.

I continue, "Pilit nilang pinaghihiwalay ang mga magulang ko pero si Daddy hindi tumigil sa pagsuporta sa'min ni Mommy. Binilan niya kami ng bahay at lahat ng kakailanganin namin. Minsan sa amin siya umuuwi minsan naman doon sa bahay ng mga Laxamana. Hindi naman kasi sila kasal eh. Ayaw nga kasi ng parents niya kay Mommy. Masayang masaya kami nang magbunga muli ang pagsasama nila, pero naaksidente si Daddy at namatay nang hindi man lang naaabutan si Axel, ang bunso kong kapatid." napahagulgol na lang ako sa iyak.

Patuloy lang siya sa pag-alo sa akin.

"Hindi man lang kami makapasok sa burol ng sarili kong ama. Alam mo ba kung gaano kasakit na wala kang tatay sa tabi mo Casimir? Alam mo ba?"

Hinagod niya muli ang likod ko, "Alam ko."

Napatingin naman ako sa kaniya. Inabutan niya ako ng tubig at pinainom ulit.

"Go on. I'm listening." he said.

"Hindi kami tinulungan ng mga kamag-anak ni Daddy kaya wala kaming nagawa kundi ibenta ang bahay na binili niya para sa'min kaya eto napadpad kami sa maliit na bahay na 'to. Hindi naman nakapagtapos ang nanay ko kaya hirap siya makahanap ng trabaho. Lumalaki si Axel at pa konti na rin ng pakonti ang ipon ni Mommy. Wala siyang nagawa kundi bumalik sa dati niyang trabaho, ang pagpo-prostitue, at palipatin ako sa public school."

"Asan ang mommy mo ngayon?"

"Wait lang 'di pa kasi ako tapos."

"Ay sorry."

Napangiti naman ako sa kaniya. "May nag-offer kay Mommy ng trabaho sa Japan kaya ayon andon siya ngayon. Sa pagiipon namin eh nakapag-aral ako nung 2nd year high school sa isang private school kung saan ko nakilala si Jeremy." naalala ko tuloy siya.

"Tss. Bakit ka pa kasi lumipat sa private?"

"Dahil 'yon din ang gusto ni Mommy. Bukod sa marami ang umaaway sa'kin sa dati kong school eh gusto daw niya na sa private ako mag-aral dahil mas maganda ang turo don at makakatulong rin daw sa'kin 'yon in the future."

"Teka may umaaway sa'yo noon?"

I nodded. "Tawag nila sa akin noon, anak ng pokpok. Tinutukso din nila ako na wala akong tatay. Pero dahil don nagsikap rin ako dahil ako ang magbabantay at magaalaga kay Axel eh. Hindi ko pwedeng pabayaan ang kapatid ko." naiiyak talaga ako lalo 'pag si Axel na ang usapan.

"'Wag ka ng umiyak baka magising pa 'yung kapatid mo sa ingay mo."

Again, I smiled bitterly. "Hindi niya ako maririnig."

"Ba't naman?"

"Hindi na kasi siya nakakarinig. Sabi ng doktor eh dahil 'yon sa pagbabalak ni Mommy noon na ipalaglag na lang si Axel, umiinom siya ng kung anong pills at minsan na rin siyang nagpahilot, naapektuhan ang sense of hearing ng kapatid ko."

Nabigla naman si Casimir. "Hindi ko alam... sorry."

"Ayos lang. Dahil din sa kondisyon ni Axel kaya hindi na nakabalik pa dito si Mommy. At 'yon ang kinagagalit ko sa kaniya."

"Galit ka sa mommy mo?" he asked in disbelief.

"Bakit hindi? Pinabayaan niyang ako mag-isa ang magpalaki sa kapatid ko. Nung araw na malaman ko ang kalagayan ng kapatid ko, na unti-unti nang humihina ang pandinig niya hindi niya man lang siya nag-atubiling bumalik ng Pilipinas para tignan kung humihinga pa ba kami o nakakakain pa ba kami ng tama. Basta nakapag padala siya ng pera ayos na. Tatawagan niya lang ako ‘pag naihulog na niya ang pera para makuha ko na. Anong klase siyang nanay!"

Tinapat naman niya ang index finger niya sa labi ko para manahimik ako. "'Wag kang ganiyan sa nanay mo. Lahat ginagawa niya para sa inyo. Walang ina na hindi nagmamahal sa anak."

I shook my head, "Pwes hindi ko maramdaman 'yang pagmamahal niya."

Napailing na lang si Casimir sa sinabi ko.

Pinagpatuloy ko, "Hindi pwedeng aasa lang ako sa perang padala ng nanay ko. Kailangan ko kumita ng extrang pera para sa pag-aaral ni Axel kaya ako nagwe-waitress. Tutal naman half-scholar ako sa school natin eh kahit papaano nakakaipon ako para sa kapatid ko."

"Eh bakit mo siya sinundo don sa bahay na 'yon kanina?"

"Ah si Andrea. Teacher siya ni Axel, doon din ako nagpapababa kay Jeremy para hindi niya akalaing mahirap lang ako. Buti na nga lang sinusundo ko doon si Axel eh."

Tumaas ang kilay niya, "So hindi alam ng hayupak mong boyfriend ang totoo?"

I shook my head. Hinampas ko naman siya, "Ikaw lang nakakaalam kaya manahimik ka please! Ayokong layuan nila ako. Ayokong iwan ako ni Jeremy..."

Nag-make face na lang siya. "Kung mahal ka niya hindi ka niya iiwan dahil lang sa mahirap ka. Tss. Anyway, buti mabait 'yung Andrea."

"Mabait siya. Alam niya ang lahat, pinagtiya-tiyagaan na nga lang niya itong ginagawa ko eh. Buti na lang din napamahal na rin sa kaniya ang kapatid ko."

At mahaba-habang usapan pa ang nangyari sa amin. Nang mamalayan kong madaling na araw na pala eh tumigil na kaming dalawa sa daldalan.

"Hala! Madaling araw na baka pagalitan ka na sa inyo."

"Edi hindi na lang ako uuwi."

"Casimir."

"Look, nag-text na ako sa parents ko. 'Wag ka na mag-alala sa'kin okay?"

"Ang kapal! Hindi ako nag-aalala noh. Tch."

Hinila naman niya ako patayo. "Dami mong sinasabi sige na matulog ka na."

"Ha? Eh ikaw?"

"Aba malamang matutulog din. Anong akala mo sa'kin taong hindi marunong matulog?"

"Bisita ka. Doon ka na sa kwarto tabihan mo na si Axel. Pagpasensiyahan mo na maliit lang kwarto namin pati kama."

Naging poker face naman siya. "Seriously, Alex? Ikaw ang matulog don. Sige na!"

"Pero-..."

Hindi niya ako pinatapos magsalita, "Matutulog ka na don o bukas na bukas din ipagkakalat ko sikreto mo?"

"Sabi ko nga matutulog na ako sa tabi ng kapatid ko eh." agad kong sagot sabay lakad papunta sa pintuan ng kwarto namin. "Goodnight Casimir!"

"Ge." sagot niya.

Wow naman. Ang sweet niyang nilalang. Hindi niya ba alam 'yung Goodnight o Sweetdreams man lang?

After a while, hindi pa rin ako makatulog. Paikot-ikot sa kama. Sinilip ko si Casimir na natutulog sa upuan. Napangiti ako. Hindi ko akalaing makakausap ko siya ng ganon. Sa lahat-lahat, si Casimir pa talaga? 'Tong cold hearted guy na 'to ang pinagkatiwalaan ko ng sikreto ko. Sana lang talaga 'wag niya akong ilaglag.

Kumuha ako ng extrang kumot at kinumutan siya. Ang payapa niyang tignan 'pag tulog compare mo sa aura niya 'pag gising siya, 'yung tipong hindi mo na babalakin na lapitan siya dahil alam mo namang dededmahin ka niya? Ilang babae na kaya pinaiyak nito? Hmm...

I smiled while staring at him. "Salamat." bulong ko.

Kinaumagahan lumabas agad ako ng kwarto para tignan kung kamusta na si Casimir don? Baka nangawit na 'yon sa pagtulog.

Pero wala siya... nakatiklop na ang kumot niya.

Nabigla na lang ako nang may kumatok. Delivery ng McDo? Seriously?! Hindi naman ako nagpa-deliver ah! Langyang 'to.

"Ay kuya pasensiya na baka maling address. Hindi ako nagpa-deliver." agad kong sabi.

"Po? Paki-check nga po ma'am." inabot niya naman sa akin ang papel kung saan nakasulat ang address namin. "Tama po ba?"

Kumunot ang noo ko, "Tama naman pero kasi hindi talaga eh."

"Ah wait!" at may kinuha siya sa bulsa niya. "Kayo po si Miss Alexandra Laxamana?" I nodded. "O edi tama nga ho. May iba pong nagpa-deliver para sa inyo." he smiled.

Nakngteteng. Mapipilitan tuloy akong gumastos, oo.

Inabot na sa akin ni Kuya ang pagkain at ang resibo.

"Teka Kuya kukuha lang ako ng pera." paalam ko

"Ay 'wag na ho! Bayad na ho ito." ngumiti siya sa akin at umalis na.

Okaaaaay? Bakit ang bilis ng pangyayari? Anong kalokohan ito?

Nilapag ko ang pagkain sa lamesa nang mag-ring ang cellphone ko.

Casimir calling...

"Casimir bakit umalis ka agad? Hindi ka man lang nagpaalam."

"Good morning din." Sarcastic niyang sagot. "Dumating na ba 'yung hotcakes?"

"S-sayo galing 'to?"

"Hindi. Kay Jeremy 'yan galing."

"Weh? Thank you talaga! Nako, matutuwa si Axel nito pagkagising niya. Sana sabay-sabay na lang tayo kumain."

"Pinapauwi rin ako ng maaga ni Mama eh. Sige na, magkikita naman tayo mamaya eh."

"Ah Casimir..."

"Oh?"

"'Yung napag-usapan natin kagabi... atin-atin lang 'yun ah? Please?"

I heard him sigh. "Don't worry. I'll keep your secret."

I smiled.

Nagkaron pa tuloy ako ng utang na loob sa mokong na 'yon.

Ginising ko na rin naman agad si Axel.

"Axel baby, gising na." kinakausap ko siya kahit na hindi naman niya ako naririnig. Tinapik tapik ko ang binti niya hanggang sa magising siya.

Isang payapang ngiti naman ang sinalubong niya sa akin. Nag-sign language siya na nagsasabing, "Good Morning Ate."

I smiled. Sinagot ko rin naman iyon ng "Good Morning din," handsign.

Pinakain ko na siya at pinaliguan. Pagkatapos ay hinayaan ko muna siyang maglaro saglit habang ako naman ang naligo. Hinatid ko na siya sa bahay nila Andrea dahil isasabay na siya nito papunta sa school.

Nag-handsign akong muli habang sinasabing, "Alis na si ate ha? Behave sa school, okay? I love you, Axel."

Sinagot niya naman iyon ng, "I love you too, ate. Ingat ka." hand sign.

Inakap ko siya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

Pumasok ako sa school na medyo magaan ang pakiramdam. Minsan maganda rin pala ang dulot 'pag may napagsasabihan ka ng isang bagay na matagal mo ng tinatago.

Pagkarating ko sa room eh nakita ko naman agad si Casimir dahil sa malapit siya sa pinto nakaupo. Nakita niya rin ako at nag-ngitian kami.

Habang nagka-klase eh 'di ko naiwasan mapatingin kay Casimir. Kanina pa niya iniinat-inat ang leeg niya. Baka nangalay talaga 'yon dahil sa pagkakatulog niya.

Nako, nakaka-konsensiya naman 'to.

Sinabihan kami ng prof namin na pag-usapan ang paggawa namin sa project namin na miniature ng Archi building.

Lumapit kami ni Des kanila Geoff at nag-form ng maliit na circle.

Eto namang si Des hindi mapigilan ang pag-blush porket nakatabi si Henry. Leche.

Binulungan ko siya, "'Wag ka masiyadong obvious teh."

Siniko niya naman ako at ngumiti siya ng pilit sa harap nila. Hahahaha. Cute-cute ni Desiree, lol.

Katabi ko naman si Casimir at seryoso siyang nagsasabi ng mga naiisip niya tungkol sa project namin.

Haay Casimir.

Napangiti tuloy ako habang nakatingin sa kaniya. Napansin ko namang kumunot ang noo niya nang mahuli akong nakatitig sa kaniya.

"Alex, okay ka lang?" Geoff asked. Hala pati siya napansin? Ako ata ang obvious at hindi si Des. Ugh.

"Ah-... Oo."

Okay that was awkward.

CASIMIR'S POV

Panigurado gagabihin nanaman kami sa paggawa ng project na 'to. Aba, eh kung 'yung research paper nga ginabi kami eto pa kaya?

For sure din naman hindi kami gagawa sa loob ng school, tinatamad sila. Kaya prinisinta nanaman ni Geoff ang apartment nila Mama. Hindi na ako tumanggi dahil baka mamaya magpasa-pasahan nanaman kung kaninong bahay gagawa eh baka mahuli pa si Alex kaya pumayag na ako agad. Tsaka na kami gagawa nito, baka sa bakasyon para isang buong araw or next year na 'pag tinamad.

Uwian na at as usual sinundo siya ni Jeremy. Tss.

Tinext ko si Alex,

To: Alex

You have work tonight?

From: Alex

Wala po. Whyyyyy? :)

Wala lang. Nagtatanong lang. At dahil ihahatid siya don ni Jeremy sa bahay nung Andrea eh bumili na muna ako ng dinner, good for 3, at dumiretso na ako sa totoong bahay niya.

In fairness, ang tagal kong naghihintay. Ang lamok pa naman. Tsk.

Kanina pa ako dito! Nakngteteng! Ang tagal!

At kanina pa nga rin ako pinagtitinginan ng mga dumadaang kapitbahay ni Alex. O bakit, ngayon lang nakakita ng gwapo?

May lumapit naman sa aking dalawang lalaki.

"Pre, boyfriend ka ba ni Alex?" tanong nung isa.

"Tss."

"Kuya, tss na ba ang bagong 'oo' ngayon?" tanong naman nung isa pa na kasama niya.

"Tanga, obvious naman na ayaw niya tayo kausap. Mukha kasing mayaman eh."

'Di nagtagal eh dumating na din si Alex at ang kapatid niya.

"Oh Makoy, anong ginagawa niyo dito?" napatingin naman siya sa akin. "Oh Casimir, andito ka din?"

Hinde, wala ako dito. What a question, Alex?

"Tatanungin ko lang sana kung may bakante ba sa pinapasukan mo. Kailangan kasi ng extrang raket eh." sagot nung Makoy ata.

"Nako, pasensiya ka na ah. Wala eh. Pero 'wag ka mag-alala oras na may bakante sa'min ire-recommend agad kita sa manager namin." Alex smiled. Ngiti-ngiti pa siya. Tss.

"Salamat Ate Alex ah." Sabi nung isa.

Ginulo ni Alex 'yung buhok niya, "Wala 'yon Caloy. Oh basta mag-aral mabuti ah?"

"Oo naman!"

Matapos silang mag-usap na tatlo don eh sa wakas pinapasok niya na rin ako.

"Kanina ka pa ba don sa labas?" tanong niya habang inaayos ang gamit nila ng kapatid niya.

"Oo. Bakit ba ang tagal niyo?"

"Sorry ah. 'Di mo naman kasi sinabing pupunta ka. Kumain pa kasi ako kanila Jeremy eh."

Tangnang 'yan. Kumain na siya don?! Sayang naman 'yung binili ko!! Panira talaga kahit kelan 'yang Hayupak na 'yan, oo!

Nilapag ko sa lamesa ang binili kong pagkain. "O sayang naman 'to. Lagay mo na lang sa ref. Tss."

"Ha? Nako! Sana kasi talaga nagsabi ka!" binuhat niya ang kapatid niya at pinaupo sa tapat ng lamesa. "Ayan kayo na lang kumain ni Axel, matakaw 'yan." at ngumiti siya.

Nag-handsign siya at kinausap ang kapatid niya. "Kain kayo ni Kuya ah? Mabait 'yan. Magsa-shower lang si Ate."

Tumango naman 'yung kapatid niya. Inayos niya muna ang kakainin namin bago pumasok ng banyo.

I swear this is the most peaceful dinner I ever had!

Tunog lang ng kubyertos ang naririnig ko.

"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko sa bata pero hindi ako pinansin.

Ay tanga, hindi nga pala nakakarinig 'yang kinakausap mo Casimir!!

Hindi naman ako marunong mag-handsign. Pag-aaralan ko talaga 'yon next time.

Finally, lumabas na si Alex.

Nang matapos kami eh sabi niya siya na daw bahala maghugas sa pinagkainan namin, mamaya na daw 'yon. Pinanuod ko muna siya habang pinapatulog ang kapatid niya.

Nang makatulog ito eh tumambay muna kami sa tapat ng bahay nila.

Medyo madaming tao kahit na gabing-gabi na.

"Hindi ka sanay sa gantong environment noh?" panimula niya.

"Ha?"

"'Yung maingay kahit gabi na. Malamang sa village niyo tahimik 'pag gabi na."

"Ah yeah."

She looked at me. "Thank you." she said with a smile. Ayan nanaman siya sa pagsasalamat niya.

Ginulo ko ang buhok niya. "Alam mo naka-ilang thank you ka na. Sa text, sa school, tama na, okay?" I smiled.

Nag-kwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa mag-text na si Mama at pinapauwi na ako.

"O sige una na ako ha? Nag-text na si Mama eh."

"Mama's boy." pang-aasar niya.

"Hindi noh."

"Asus!" binigyan niya ako ngiting mapang-asar. "Sige na ingat ka, mama's boy."

Sinamaan ko siya ng tingin at inakbayan na akala mo nire-wrestling ko siya at ginulo-gulo ko ang buhok niya.

"Hoy Casimir! Tama na!" tama na daw pero tawa siya nang tawa.

"'Wag ka kasing nang-aasar." patuloy lang ako sa ginagawa ko.

"Hindi na. Hindi na talaga!" at binitawan ko rin siya habang tawa pa rin siya nang tawa.

"Umayos ayos ka ha? Sige bye."

Naglakad na ako pero tinawag niya ako ulit kaya nilingon ko naman siya.

"Casimir! Friends na ba tayo?"

I smiled... fakely.

"Matulog ka na! Goodnight!"

"Goodnight! Ingat ka mama's boy!" at nag madali siyang pumasok sa bahay nila.

Hindi ko alam kung bakit 'di ko magawang um-Oo at hindi ko rin naman magawang humindi.

I just don't like that question... coming from her.

***

NOTE:  4 days to go! HAHAHA. Don't forget to send your entries. Thanks! :)

Hi nga pala kay cookie__ nagpalit ka ba ng username? Message mo ko kung ano na bago mong UN kasi sayo dedicated 'tong chapter na 'to. Thanks!

Enjoy! ♥ Thank you! God bless!

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

66.1K 1.4K 29
Essence Hershey Salazar. A Chubby Nerdy girl. Trinaydor ng mga nagpanggap na mga kaibigan, at ng boyfriend nyang loko loko. Ano kayang mangyayari sa...
651K 14.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
427 81 24
"Lou! Ilang beses ko bang dapat na ipaintindi sayo na LOLOKOHIN KA LANG ULIT NI LORVIN! Hindi mo ba nage-gets? Niloloko ka lang nya!" Sigaw ko sa tan...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...