Vanessa's POV
THEY keep checking if I'm okay since I woke up, and it pisses me off "Will you please calm the fuck down?"
It's 1:09 in the afternoon and yet they keep bugging me as if I made a mistake, "Syempre, Queen. Mahalaga yung kalusugan mo,"
Cathy said as I rolled my eyes, "Pasalamat ka nga Vannie at 'di kita sinumbong kay tito Simon e!"
'The hell?!'
I glared at him "How did you know his number?"
He smiled and pointed himself "Nakalimutan mo na atang ako ang pinakamagaling mong best friend?"
Before I smack him, Jaime enters "I baked some muffins," She put those on the table
Of course, Eric get two of it and started to eat "Hm! Ang galing talaga ni babe 'ko!"
'Babe—what?!'
My brows furrowed, as I saw Jaime shook her head while smiling.
'No effin' way,'
"Jaime talaga!" Cathy smack her arm "Hindi ka na nagkwe-kwento ha?"
She chuckled and was about to speak but Eric caught her attention.
He sat beside me and spin a bottle "Laro tayo! Truth or truth!"
I raised my right eyebrow with that "What the hell is truth or truth?"
"—is that a kind of bullshit again?"
He shook his head "Napakasama mo sa 'kin, Vannie!" He put his right arm on my shoulders "Basta kung kanino tumapat 'tong bote, kailangan niyang sagutin ng totoo ang magtatanong sa kaniya,"
The bottle stopped at Cathy's direction, she laughs "Ano pa bang choice ko?"
"Had a boyfriend while staying at Japan?"
Her eyes widened when I asked "What?" I asked
"Queen, talaga." She shook her head and spin the bottle "Wala, Queen."
The bottle stopped in front of Jaime's direction. I saw Cathy's smile, "Ako magtatanong ha!"
Eric pouts, "Dapat ako e!"
He rest his head on my left shoulder as Jaime smiled weakly "Jamie, gusto mo na din ba si Eric?" Cathy asked while smiling
Eric hid his face on my nape "Stop, Eric. Or else, I'll kick you."
"—hiya ako e," he used a girly voice. I rolled my eyes, is he this flirt? Tch.
I gazed at her eyes, as she slowly shook her head. The fuck? I even saw Cathy's smile—disappearing,
Eric keep hiding his face behind me "Anong sagot?" He whispered,
'Darn it.'
"Yes," I answered "She l-likes you too,"
The game continues as the bottle stop at Eric's direction "Hm? Sinong magtatanong?" Cathy asked and looked around
"Ako nalang,"
It's Jaime, "Who's your first love?"
I almost laugh, what a funny question. "First love?" He looked at me as my left eyebrow raised
"What?" I ask
"Ikaw,"
"T-talaga?" Jaime smiled "P-paano naman?"
He pouts, "Kasi nung bata pa lang ako, wala akong kaibigan. Maliban kay Vannie," he smiled at me
"Napakabait kaya sa 'kin ni Vannie dati, sinong hindi magkakagusto sa kaniya?"
I looked away. I am not, Eric. "That was before," I whispered
"Tapos nawalan kami ng communication, umiyak kaya ako non." He laughed "Kasi bago siya umalis alam niyo kung anong sabi niya sa 'kin?"
"—paalam, best friend."
Eric's POV
MATAPOS ang pagdra-drama ko sa sala ay napagdesisyonan namin na manood ng movie sa theater room,
Kaya ngayon, inaantay ko 'tong si Vannie "Akin na nga, Vannie!" Akmang kukunin yung mga pagkain na dala niya pero inilayo niya sa akin, huhu.
"Hindi ko naman kakainin!"
Inirapan lang ako ni Vannie "Whatever, Pires."
Takte, binunggo niya ko! Bakal ba siya? Muntik na 'kong matumba 'don! "Bakit ka ba nananakit, Vannie? Hindi naman kita inaano a!"
Sumbat ko. Minsan talaga naiisip ko na may sapak sa ulo 'tong si Vannie e, lagi ba namang galit kahit wala 'kong ginagawa
'—palibhasa nababaliw na sa kagwapuhan 'ko,'
"Jaime's at the living room,"
Dahil sa magic word na 'yon ay agad akong napatakbo papuntang sala. Takte! Si babe ko! Este future babe, hehe
"Hi babe!" Lumapit ako "Tulungan kita diyan?" Pupulutin 'ko sana yung mga kalat kaso nagsalita siya
"Wag na," ngumiti ito sa akin. Kinikilig ako! hihi. "Andito na naman sila e,"
Tukoy niya 'don sa mga katulong, sumimangot tuloy ako "Umalis nga muna kayo!"
Taboy ko, kaya ayun. Umalis agad sila. Aba! Dapat sinusunod ang best friend ng amo nila kung ayaw nilang matanggal
'Talino ko talaga, tsk tsk.'
"Eric, ano ba?" Napakunot noo ako, galit ba siya? "Bakit mo ba sila pinaalis? Napakadaming kalat o!"
'Vannie help me! Pinapagalitan ako ni babe!'
Ginamit ko nalang ang gwapo kong mukha para 'di na siya magalit "Andito ako para tulungan ka!" Masaya 'kong sabi
"Hindi 'ko kailangan ang tulong mo,"
Ano daw? "Galit ka ba sa kin, Jaime?" Pag papaawa ko
'Gumana ka, please?'
"Ano ba, Eric?" Iwinaski niya ang kamay 'kong dapat hahawakan siya
Nakaramdam naman ako ng kakaiba, galit nga siya "Jaime, may nagawa ba akong mali?"
"Mali?" Tumawa ito "Wala, Eric. Hindi 'ko lang alam kung bakit ako nagkakaganito,"
Aalis sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya "Jaime, wag."
"Eric, ano ba?!" Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko, umiiyak siya "Umalis ka na!"
"B-bakit?" May mali ba 'kong ginawa? "Ayaw mo na ba sa akin?"
"Oo!" Malakas na sigaw niya, "Una palang ayoko na sayo, ayoko na sayo!"
Shit,
"J-joke ba 'to?" Pumilit akong tumawa "Galing naman!" Pumalakpak ako
"Eric, tigilan mo na 'ko!" Tinulak niya 'ko "Umalis ka na sa harap ko!"
"B-bakit?"
'Please sana naman, wag niyang sabihin na hindi 'to biro.'
"Dahil nasasaktan na 'ko!"
Ano? "Nasasaktan ako dahil hindi kita kayang mahalin tulad ng ginagawa mo sa akin, kaya umalis ka na!"
"P-pero," bakit parang may tubig sa gilid ng mga mata 'ko "K-kaya ko namang mag antay e! Kaya ko!" Ngumiti pa 'ko
"Tumigil ka na, Eric." Seryosong saad niya
"—tigilan mo na din ako,"
Umiling ako "A-ayoko nga!"
"Eric naman!" Malakas niyang sigaw "Umalis ka na dahil sa tuwing nakikita kita nasasaktan ako!"
"H-hindi kita maintindihan,"
"Alam kong hindi mo 'ko mahal, Eric." Ngumiti siya ng pilit
"—dahil alam 'kong si Queen ang mahal mo,"
Umiling ako "Nagkakamali ka!" Sigaw 'ko "Wala na 'kong gusto kay Vannie! Maniwala ka!"
"Patawarin mo 'ko, Eric." Umurong siya "Pero gusto 'kong umalis ka na, dahil ayoko na sayo,"
'A-ayoko! Hindi ako aalis!'
"Hindi mo 'ko mapipigilan, Jaime." Umiling ako
"Kung ganon," naglakad siya paalis "Ako ang aalis,"
Nanlaki ang mga mata 'ko, "J-jaime!"
Bago ko pa siya mahabol ay pinalibutan na 'ko ng mga gwardya, "B-bitawan niyo 'ko!"
Pero walang nakinig sa 'kin, kahit isa.
. . . hanggang sa makita ko siyang umalis, at iwan ako.
Kusa na 'kong napaluhod sa sahig para magmakaawa, "P-please, bitawan n-niyo ko . . ."
Napapikit nalamang ako dahil patuloy padin sila sa paghila sa akin palayo, ngunit isang boses lamang ang nakapagpatigil sa kanila
"Let him go,"
Napalunok ako tinignan ang nagsalita, sa hindi malamang dahilan, napangiti ako ng mapait.
"V-vannie,"
Third Person's POV
KANINA pa takbo ng takbo ang dalaga habang umiiyak ito. Ni hindi nga niya sinasadyang saktan si Eric,
Maya maya ay nagpagtanto niya kung nasaan siya, inikot niya ang paningin at nagtaka sa nakita
Puro palaruan ang nakikita niya at napakadaming bata na natutuwa
Umupo ang dalaga sa bench at tinakpan ang mukha dahil naiiyak na naman ito
'I'm sorry, Eric.'
Naramdaman ni Jaime na may umupo sa tabi niya, unti unti niyang tinanggal ang mga luha sa pisngi niya at huminga ng malalim
"Bakit ka umiiyak?"
Usisa ng katabi niya. Hindi nalamang nagsalita si Jaime at tinignan nalamang ang paligid,
"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala," tumawa ito "Ako nga pala si Charles,"
'Charles?'
Napalingon si Jaime sa kaniya, pamilyar ang mukha nito at parang nakita na niya ito noon
"—Charles Miller."