Trapped (Completed)

By Mikays14

37.4K 1K 82

"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life wo... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
A/N

Chapter 5

1.7K 68 4
By Mikays14

A/N: Hi everyone! Thanks for adding my story on your list. Please do vote or do some comments because it motivates me so much. Please bear with me. First time ko sumulat ng ganitong type ng story. Usually kasi romcom sinusulat ko eh. Lol. So here's chapter five. Enjoy! :)
***
Chapter 5 : Cycle of Love
Dennise.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Kim pagmulat ko ng mga mata ko. Nakaidlip pala ako.

"Medyo maayos na compared kanina. Bakit nandito ka pa?"

"Binantayan kita." Sabi niya at ngumiti.

"Look, you don't have to do this. I can manage na and you can go now."

"I don't want to leave someone in need. Besides, I am the Vice-Pres of Laneo's SC. I am oblige to keep the safety of every student here."

"You should not focus on me, Kim. Anyway, thanks."

"No problem. Uh, Den?"

"Hmm?"

"I saw Alyssa awhile ago sa field. I'm just wondering if magkasama kayo?"

Naalala ko nanaman tuloy yung babaeng yun. I really hate her. Binaba ko ang pride ko sa maling tao. Bakit ko ba kasi naisipan na humingi ng tulong sa kanya? Nakakainis lang dahil inakala kong tutulungan niya ako. Nagkamali nanaman ako dahil nag-assume akong baka okay na kami? Err. Dapat ko laging tandaan na masama ang Alyssa na yun. Hindi siya pwedeng pagkatiwalaan. At lalong hindi na siya magbabago.

"Yep. Magkasama kami." Plain kong sagot.

"Si Alyssa yung tipong hindi kumakausap ng ibang tao maliban sa gang niya. Kaya napapaisip ako, bakit magkasama kayo?"

"I messed up with a wrong person, Kim. That's why."

"Siya ba ang dahilan ng mga pasa at sugat sa katawan mo?" Kunot-noong tanong niya.

"Hindi siya yung bumugbog sakin, pero siya yung dahilan kung bakit ako nabugbog."

Nagnod naman siya. "Alam mo bang pwede kang gamitin ni Alyssa sa mga mission at plano niya?"

Weird ko siyang tinignan. "What?"

Huminga siya ng malalim at seryoso akong tinignan. "You know na kasama siya sa mafia diba? Marami silang binabalak na patayin lalo na sa paaralang ito. Pwede ka niyang gawing daan para matulungan siya sa mga plano niya. She might use you."

"Huh? Eh akala ko ba---"

"Listen to me, Den. Hindi basta-bastang school ang pinasok mo. Maraming palihim na nangyayari sa paaralang ito. Mga illegal na bagay. Hindi mo alam, baka yung mga tao sa paligid mo... gawin ka ring instrumento sa mga illegal na gawaing yun. Wag ka bastang magtitiwala."

"Bakit mo alam ang lahat ng yan, Kim?"

"Matagal na ako sa Laneo."

"Hindi ko maintindihan lahat..." Bulong ko.

Ngumiti naman siya. "Kaya kung ako sayo Den. Kilalanin mo na lang rin yan si Alyssa. Alamin mo lahat ng importanteng impormasyon sa kanya. Para may laban ka na sa kanya kung sakaling gamitin ka nga niya sa mga plano niya."

"Ayokong masangkot sa mga illegal na gawain nila. Kaya sige, aalamin ko lahat sa kanila. Salamat Kim ah? Buti sinabi mo lahat ng to."

"Mauna na ako. Baka hinahanap na ako ni Miss Daquis. Ingat ka ah?"

"Sige."

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Pati ba naman sa loob ng paaralang ito maghahasik ng lagim yung pamilya nilang puro kriminal? Nakakainis. Kailangan ng ipaalam sa pulis yan eh. Pero siguradong mas pipiliin na lang rin ng mga pulis na hayaan ang mafia nila. Pinakamalakas na mafia yun sa buong bansa eh. Wala silang magagawa.

Iika-ika akong lumabas ng clinic. Nakadaan ako sa hallway at kung minamalas ka nga naman nakita ko pa talaga sila Marge. Oh please, wag muna ngayon. Nakatingin lang sila saakin ng masama.

"Not now please."

"Oo dahil sinabihan niya kaming wag kang gantihan. Pero sa oras na okay ka na... Magtutuos tayong muli." Sabi ni Marge.

"Sinong niya?"

"Hindi mo dapat malaman. Slowpoke." Tapos naglakad na sila palayo saakin.

Tss. I can't wait na maghilom lahat ng sugat at pasa ko sa katawan. Once na maging okay ako sisiguraduhin ko ng aayon lahat ng plano ko saakin. Gaganti ako sa tatlong b*tchy Marias na yun.

Bumalik na ako sa dorm at nakita sila Ella at Ponggay na halatang kagigising pa lang. Nakita nila ako at napabalikwas sa kama nila.

"Ano nanamang nangyari sayo besh?!"

"Trouble ulit ate?!"

Umirap ako. "Wag kayong OA."

"Yung maganda mong mukha at balat puro pasa at sugat na. Tapos sasabihan mo kaming wag OA? Wala ka bang pake sa sarili mo?"

"I care about myself. Pero sa inyo wala akong pake, wala akong pake sa opinyon niyo." Seryosong sabi ko at naupo sa kama ko.

Nakita ko silang napatahimik. Malungkot akong tinignan ni Ponggay. Si Ella naman hindi makapaniwala.

"Akala namin kahit paano okay ka na saamin. Pasensya kung OA kami ha? Nag-aalala lang kami sayo Den. Pasensya na rin kung kaibigan ang turing namin sayo. Pasensya kung pinipilit ka namin sa mga bagay na ayaw mo. Pero sana naman matuto kang i-appreciate lahat ng ginagawa namin sayo. Gusto ka lang naman namin maging kaibigan eh. Yun lang, Den."

Nakita ko si Ponggay na nakayuko habang hawak si Ella. Tss. I am not a fan of dramas.

"Pwes ako ayoko. Ayoko kayong maging kaibigan. Ang weird niyo at ang weak niyo. Ano gusto niyong i-appreciate ko? Yung pagbibigay niyo sakin ng gamot at band-aids sa tuwing napapa-trouble ako? Pagsama saakin sa cafeteria? No way. Ang babaw niyo."

Nagulat ako dahil sa sampal na binigay ni Ella saakin. Hindi ako nagalit o nainis sa sampal na yun. Ewan ko.

"Sinampal kita hindi dahil sa galit ako sayo. Sinampal kita para magising naman yung natutulog mong isip. Siguro bukas ka na lang namin ulit sasamahan na kumain sa cafeteria. Masyado kasing masakit yung mga sinabi mo eh." Sabi ni Ella tapos ay hinila palabas ng kwarto si Ponggay.

Napatingin na lang ako sa pinto na nilabasan nila. Hindi ko alam kung bakit iba yung nararamdaman ko ngayon. Ang bigat sa pakiramdam. Ang hirap huminga. Ewan.

Napatingin ako sa orasan at lunch time na pala. Makulimlim ang paligid kaya naman sobrang dilim. Ngayon pa talaga uulan? Hays ang hassle.

Imbis na lumabas ng dorm para kumain pinlano ko na lang na matulog muna. Pagod na pagod ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina. Isa pa grabe ang kirot ng iba kong sugat. Geez.

Ella.

Grabe talaga yung Dennise na yon. Ang sakit magsalita. Umasa pa naman kami ni Ponggay na kahit papano eh napapaamo na namin siya. Hindi ako galit kay Den pero ang sakit lang talaga nung sinabi niya. Yung feeling na ang sakit na nga ng ulo namin ni Ponggay dahil sa hangover tapos dumagdag pa yung emotional pain. Double kill!

"Uy Ponggay kumain ka na..." Sabi ko dahil kanina pa siya tahimik. Kawawa ang batang to. Sobrang naapektuhan sa sinabi ni Den.

"Kanina gutom ako ate Ella pero ewan ko biglang nawala ngayon."

"Alam mo? Tama na yan. Umaarte ka lang eh. Sige na tama na emote kumain ka na dyan."

"Ang sakit kasi. Balikan kaya natin si ate Den? Baka mamaya gutom na siya eh hindi yun makakaalis ng dorm dahil sa mga sugat at pasa niya."

Huminga ako ng malalim. "Alam mo Ponggay kailangan din makita ni Den na naaapektuhan tayo sa mga sinasabi niya. Sobra na yung kanina dapat niyang malaman yung pagkakamali niya. Hindi pwedeng ginaganun niya lang tayo dahil mali yun."

"Sabagay."

Patuloy na kaming kumain ni Ponggay hanggang sa biglang namatay ang ilaw sa buong cafeteria. Madilim dahil na rin sa makulimlim ang panahon. Kahit pa nakapwesto kami sa malaking glass window ng cafeteria... Madilim pa rin.

"Hala bakit nawalan ng ilaw?'"
"Anong nangyayari?"
"Hindi naman pwedeng mapundi lahat ng ilaw dito ah?"

Ilan lang yan sa mga bulong-bulungan ng mga estudyante sa loob ng cafeteria. Yung iba natatakot na. Nagkatinginan kami ni Ponggay. Nagtatakang tinignan ko yung gilid ng mata niya... Ano yung maliit na pulang ilaw don?

"Ate Ella baki---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa isang iglap napunta na kaming dalawa sa ilalim ng lamesa. Tapos lalo pang dumilim ang paligid. May bagyo ba?

Kinakabahan akong tumingin sa babaeng humila saamin ni Ponggay sa ilalim ng lamesa. Sobrang bilis ng kilos niya pero hindi kami nasaktan. Nagulat lang. Pero ano yung pulang ilaw na yun?

"Shh... Wala munang magsasalita." Bulong niya. Boses pa lang alam ko na kung kanino. Si Maddie!

Bigla namang bumukas muli ang lahat ng ilaw sa cafeteria kasabay nun ang paghila saamin ni Maddie paalis sa ilalim ng lamesa.

"M-Maddie..." Tawag ni Ponggay halatang gulat siya dahil hawak pa rin siya ni Mads hanggang ngayon.

"Wag na ulit kayong uupo dito malapit sa glass window." Sabi niya saamin at ngumiti.

"Ano yun? Bakit mo kami hinila sa ilalim ng lamesa?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa tingin ko mas maganda kung dun na kayo kumain ni Pauline malapit sa counter. Maganda kung iwasan niyo na ang glass window na ito lalo na ngayong magtatag-ulan. Baka tamaan kayo ng kidlat, delikado na." Seryosong sabi niya.

Nagnod naman ako.

"A-ah... M-Maddie... S-salamat pala." Nauutal na sabi ni Ponggay.

Ngumiti sa kanya si Maddie. "Ingat kayo sa susunod. Basta sundin niyo lang yung sinabi ko. Mauna na ako."

Umalis na si Maddie kaagad na para bang walang nangyari. Napatingin ako kay Ponggay na nakatingin sa kamay niyang hinawakan ni Maddie.

"Ate... Hinawakan niya kamay ko... Ate... Alam niya pangalan ko... Kilala niya ako..." Hindi makapaniwalang sabi niya.

"HAHAHA! Tama na yan kumain na tayo. Ang saya mo ha." Uupo na sana ako ulit pero pinigilan niya ako.

"Hindi mo ba narinig sinabi niya ate? Lilipat tayong lamesa. Ayoko na maupo dyan kahit maganda ang view. Tara na." Kinuha niya yung tray niya tapos nagsimulang maglakad papunta sa mga lamesa malapit sa counter. Nako!

Sinundan ko na lang siya. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Ano kaya yun? Kinikilabutan ako sa tuwing sumasagi sa isip ko na baka mamaya may nagtatangka sa buhay ng kaibigan ko. Hindi kaya sniper yun? Tapos napansin ni Maddie kaya hinila niya kami sa ilalim ng lamesa? Sh*t! Ganun yung mga napapanood ko sa mga movies eh.

Kailangan kong makausap ulit si Maddie pero nakakahiya naman kung ako lang lalapit sa kanya. Sa tingin ko kailangan din ni Den na malaman ang lahat ng to. Tapos sasamahan na niya ako kay Maddie! Tama!

"Ponggay bilisan mo kumain ah kailangan natin bumalik agad sa dorm para kay Den."

Binigyan niya ako ng weird look. "Akala ko ba---"

"Basta kumain ka na lang."

Ngumiti naman siya na parang kinikilig. "Kahit hindi ko alam kung bakit niya tayo hinila sa ilalim ng lamesa... Okay lang wieee kinikilig ako ang cool at ang bango niya!"

Napailing na lang ako. Pero salamat na din at dumating si Maddie.

Dennise.

Nagising ako at nagulat dahil nakaupo si Ella sa kama ko na tila hinihintay talaga niya na magising ako. Napatingin ako sa kabilang kama at nandun si Ponggay na seryosong nag-aaral ng notes niya habang nags-soundtrip pa.

"What?!"

"Bago ko sabihin sayo. Gusto ko lang na malaman mong alas tres na at kailangan mo na kumain ng lunch mo."

"What? Bakit di mo ako ginising agad?"

"Basta bilisan mo kumain, Den. May kailangan kang malaman."

"Okay." Sabi ko at kinuha yung pagkain ko na nakapatong sa study table ko.

"Den yung nangyari nga pala kanina... Sorry ha." Sabi niya.

"Ako yung may kasalanan. At kalimutan na lang natin yun." Sabi ko na lang at nagsimula ng kumain.

Sobrang importante naman yata ng sasabihin ni Ella dahil bakas sa mukha niya yung kaseryosohan. Mabilis lang akong kumain tapos ay naligo at inayos ang sarili ko. Sa sobrang hapdi ng mga sugat ko natagalan ako. Geez. Mababaliw ako sa sakit eh.

Lumabas ako agad ng CR habang si Ella naman ay tinulungan akong lagyan ng gamot ang mga sugat ko. Hindi ko alam pero sobra akong nakokonsensya sa mga sinabi ko sa kanila kanina. Pero ayoko naman i-open ulit yung topic na yun dahil ugh ewan!

"Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko.

"Kanina kasi... sa cafeteria."

"Ano?"

"Hindi ko alam ha, hindi ako sure. Pero kasi dun kami pumwesto ni Ponggay malapit sa glass window. Kumakain lang kami dun tapos biglang namatay lahat ng ilaw sa cafeteria. As in lahat, diba nga makulimlim kaya lalong dumilim sa loob."

"Lahat ng ilaw namatay? That's impossible, Ella."

"Oo nga sobrang imposible nga... Tapos hindi maalis sa isip ko yung maliit na pulang ilaw sa ulo ni Ponggay kanina at galing iyon sa labas ng bintana... Buti na lang at dumating si Maddie ipinwesto niya kami sa ilalim ng lamesa. Maya-maya nun, bumalik ulit lahat ng ilaw sa cafeteria. Nakakapagtaka dahil sinabihan rin kami ni Mads na wag na pumwesto sa mga lamesa malapit sa glass window. Den sa tingin mo ba ano yung nakatutok kay Ponggay dun? Sniper kaya yun?" Kinakabahang kwento ni Ella.

Nagulat naman ako. Nung una wala lang sakin pero nung binanggit niya si Maddie dun ako kinabahan. Posible bang may nagtatangka sa buhay ni Ponggay? Pero bakit naman? Napakabait ng batang yun. Wala rin naman siyang kaaway dito sa loob ng Laneo High. Geez. Ang gulo!

"Naisip ko Den na kailangan natin lapitan si Mads. Malay mo may alam siya."

"Posible nga na sniper yun, Ella. Hindi naman kayo lalapitan ni Maddie kung wala lang yun. You know gangster siya. Malapit din siya kay Ly so malamang alam niya na ang  lahat ng mga bagay na delikado at hindi."

Hinawakan ni Ella ang braso ko. "Natatakot ako, Den. Bakit may nagtatangka na pumatay sa kaibigan natin? Hindi pwede kailangan natin maayos to. Hindi ko pa sinasabi kay Ponggay ito dahil panigurado na matatakot lang siya."

"Wag mo na sabihin sa kanya. Ikaw ng bahala sa kanya Ella." Sabi ko at umalis sa kama..

"Den! Uy! San ka pupunta?"

"Sa taong posible rin na may kinalaman dun. Ikaw ng bahala dito ah." Sabi ko na lang at lumabas na sa dorm.


Bigla ko kasing naalala yung sinabi ni Kim kanina. Maraming tao ang binabalak patayin ng mafia nila Alyssa. Kaya kailangan kong alamin kung may kinalaman siya doon. Isa pa, gusto kong malaman kung bakit pati ang inosenteng si Pauline idadamay nila. Geez.

Kailangan ko rin makausap si Maddie pero hindi muna ngayon. Mas maganda kung ang Alyssa na yun ang lapitan ko dahil sa lahat ng tao dito sa Laneo siya ang numero uno na maaaring may kinalaman doon.

Sa bilis ng takbo ko nakarating ako agad sa building nila Alyssa. Hindi ko alam kung bakit tinakbo ko lang eh ang layo nun. Ewan hindi ako makaramdam ng pagod. Tanging inis lang ang meron ako ngayon. That devil humanda siya saakin.

Ngayon ko lang naisip nandito nga ako sa building nila pero hindi ko alam kung anong room siya. Buti na lang talaga at umaayon saakin ang lahat ngayon. Nakita ko si Deanna na may hawak na mga libro. Malamang mag-aaral ito.

"Ate Den!" Gulat niyang bati.

"Hi. Uh, alam mo ba kung nasaan ang room ni Ly?"

"Wala siya dito." Seryosong sabi niya.

"Eh nasaan siya?"

"Umalis siya ng Laneo kanina pa. Hindi ko alam kung kailan siya babalik dito. Kaya wag ka na magsayang ng oras para sa kanya." Sabi ni Deanna tapos ay naglakad na palayo.

Umalis siya kanina pa? Bakit naman? Lalo tuloy napupuno ng tanong ang isip ko. Kailangan ko siyang makita!

Pero kahit na kailangan ko siyang hintayin. Hindi ako makakatulog ng maayos pag hindi ko siya nakausap ngayon. Biglang may dumaan na dalawang babae.

"Alam niyo ba kung anong room si Ly?" Tanong ko sa kanila.

"13th floor siya. Room 213." Sabi nila tapos umalis na rin.

"Thanks!"

Nagmadali akong pumunta sa elevator pero nakakainis lang dahil hindi iyon available. Bakit naman nasira? Leche!

No choice kundi gamitin ang mahiwagang hagdan. Mahaba-habang lakaran to ah. After ilang years sa wakas narating ko rin ang room niya. Kumatok-katok ako dun baka sakaling pagbuksan ako ng roommate niya. Lahat na ginawa ko pero walang lumalabas. Nakakainis na talaga ha!

"What the hell are you doing here?!" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses niya. Galit siyang nakatingin saakin as usual.

"Buti naman at dumating ka na! We need to talk, Alyssa."

Nagsmirk naman siya. "Miss mo ako agad?"

Napairap ako. "Wala akong oras sa mga ganyan mo. Umamin ka nga bakit kailangan mo pang idamay si Pauline ha? Anong nagawa niya sa mafia niyo?"

Kunot-noo niya akong tinignan. "I don't know what you're saying." Tinabig niya ako at tinype ang passcode niya. The heck? I didn't notice her electronic door. Wew. That's unfair!

"One more thing, don't ever mention the mafia again in public." Seryosong saad niya.

"Afraid na malaman ng iba? I thought kalat na ang madilim na sikreto niyo?"

"Tanging mga pakielamerang estudyante lang ang nakakaalam ng bagay na yun. Sa buong populasyon ng Laneo High 20% lang ang mga taong walang magawa sa buhay at nanghihimasok sa buhay ng iba. Baka hindi mo alam, isa ka sa kanila."

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko malalaman kung hindi ko narinig sayo! Baka hindi mo lang talaga alam na kalat na yun!"

"Sa tagal ko na sa paaralang ito. Ikaw lang ang naglakas-loob na lumapit saakin patungkol sa bagay na yan. Bakit naman yung iba alam nila pero wala naman silang pake dahil di naman sila sangkot. Pero ikaw, ano bang paki mo? Sino ka ba sa tingin mo para kalabanin ang tulad ko?" Sabi niya habang patuloy akong pinapatay sa pamamagitan ng titig niya.

"Dahil hindi ko ma-take yung ginagawa ng pamilya niyo. Masyado ba kayong uhaw sa pera para gumawa ng illegal na bagay? Bakit kayo pumapatay?"

"Inuulit ko. Hindi ko alam ang sinasabi mo." Pumasok siya sa loob ng room niya bago niya pa isara ang pinto ay pumasok na rin ako sa loob.

"F*ck! Get out!"

"Hindi ako aalis hanggang hindi mo inaamin saakin na kayo ang may gawa nung nangyari sa cafeteria kanina!"

"Anong nangyari?!" Galit at naguguluhang tanong niya.

"Yung kanina! Sa cafeteria! Namatay lahat ng ilaw dun na imposible namang mangyari." Paliwanag ko.

"Dahil lang sa nawalan ng ilaw ang cafeteria, mafia na namin ang sinisisi mo? You're hell of a weird."

"May nakita si Ella na maliit na pulang ilaw sa ulo ni Ponggay at galing iyon sa labas ng bintana. Sa tingin ko sniper iyon. Alyssa bakit ba pati si Ponggay ha? Ano bang nagawa niya at binabalak niyo siyang patayin?" Naiinis na sabi ko.

"Kasama ka ba nila nung nangyari yun?" Kalmadong tanong niya. Umiling naman ako. "Kung ganon, wala akong dapat na alamin dyan."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumingin siya saakin ng seryoso. "Walang pwedeng gumalaw sayo, Dennise. You're mine to kill."

"How dare you!"

"Kaibigan mo ba yung mga sangkot kanina para umasta ka ng ganyan?" Tanong niya tapos ay naupo sa couch niya.

"H-huh? H-hindi! P-pero roommates ko sila."

Tumawa siya ng pang-asar. "You and your little dramas. Gumagawa ng deadly stunt para sa mga taong hindi mahalaga sayo? You're really weird."

Natahimik naman ako. Hindi ko alam pero bakit ko nga ba ginagawa to? Hindi ko naman sila kaibigan... Pero ano tong ginagawa ko? Hindi ba dapat wala akong pake?

"Gusto ko lang naman malaman kung may kinalaman ka dito." Sabi ko.

"Sino ako para kumuha ng buhay ng taong wala namang masamang ginawa saakin?"

"Kung ganon... Walang kinalaman ang mafia niyo sa nangyari kanina?"

"Tss. Ngayon lang ba talaga sumagi sa utak mo yan?"

"Pero nagtataka pa rin ako.. Nung nakita ni Maddie yun sabi ni Ella hinila daw sila ni Mads sa ilalim ng lamesa."

Kunot-noo niya akong tinignan. "Nandun si Maddie?"

"Oo.. Binalaan niya pa sila Ella na wag na ulit pumwesto malapit sa glass window."

"Nasaan ka that time?"

"Huh? Ano.. Uh... Natutulog sa dorm. Hehe." Nahihiyang sabi ko.

Nagnod naman siya. "Good."

"Anong good?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Pwede ba kalimutan mo na lang yun? Wala namang masamang nangyari ah."

"Pero may sniper eh!"

"Tss. Kung sino man yun ang tanga niya para pagkamalan na ikaw yung Pauline na yon."

"You... You mean ako dapat ang papatayin?" What the hell?

Hindi siya sumagot at sa halip ay pinikit ang mga mata niya. May iba pang nagtatangka sa buhay ko? Geez. Sino naman yun? Anong nagawa ko sa kanila?

"Wag kang mabahala. As long as nandito ako, safe ka." Sabi niya habang nakapikit pa rin.

"Ano kayang kailangan nila saakin? Bakit pati ako?"

"I told you. They are all stupid. Hindi nila ako kayang patumbahin kaya ang kinukuha nila saakin ay yung mga taong mahalaga saakin."

Natigilan ako sa sinabi niya. Mahalaga ako sa kanya?

"Mahalaga ba ako sayo, Ly?" Tanong ko.

Dumilat siya at tinignan ako ng maiigi. "Ano sa tingin mo?"

Tumawa ako ng peke. "Of course hindi. Sino ba ako sayo? Wala lang naman ako sayo eh. Siguro nga sobrang stupid talaga sila para akalain na mahalaga ako sayo to think na ikaw nga ang number one na gustong tumapos sa buhay ko."

Narinig ko ang malalim na paghinga niya. "I'm glad you know."

Natahimik na lang ako at tinignan ang kwarto niya. Malaki ito at sobrang linis. Maganda ang pagkakaayos ng kwarto niya. May maliit siyang balcony... Tama nga siya makikita dito ang kabuuan ng Laneo High.

"You can go out if you want." Sabi niya nang mapansin na nakatingin ako sa balcony niya.

"Go with me." Sabi ko.

"Tss ikaw na lang, pagod ako."

"Hindi ba dapat ako ang pagod dahil iniwan mo ako kanina mag-isa sa field matapos mo akong hayaan na mabugbog ng mga babaeng yun? Leaving someone in need? You're really an evil."

"Akala ko kaya mo sila. Weak ka na pala bigla."

"Wala ako sa kundisyon lumaban."

"Dapat lagi kang nasa kundisyon. Paano kung biglang may umatake sayo habang mag-isa ka?"

"Pero kahit na. Nakakainis dahil binaba ko yung pride ko sa maling tao. Ang tanga ko rin para isipin na tutulungan mo ako eh."

Nakita ko siyang ngumiti ng pilit. "Kung hindi mo lang ikapapahamak lalo ang pagtulong ko sayo, tutulungan kita."

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Basta. Tara na nga." Sabi niya at hinila ako papunta sa balcony.

Ang lakas ng hangin kaya ang sarap magstay doon.

"Ang ganda ng view dito!" Nakangiting sabi ko.

"Yeah." Kalmadong sabi niya kaya nilingon ko siya.

"Ly, ang dami kong naririnig na masama tungkol sayo."

Hindi niya ako nilingon at nanatiling nakatingin sa mga puno. "Masanay ka na."

"Pero hindi ako natatakot sayo. Ewan.. Hindi ko alam."

Natawa naman siya. "That's because you like me."

Masama ko siyang tinignan. "No way! Ms. Conceited!"

"Relax. I was just joking."

"Nakakainis ang joke mo ha. Hindi nakakatuwa."

"Sa tingin ko kailangan mo ng umuwi." Sabi niya.

"At bakit naman ha? Ang damot mo! Hayaan mo naman ako mag-enjoy dito!"

"Tss. Baka kasi hinahanap ka na ng roommates mo." Kinowt niya pa sa hangin yung roommates. Tss.

"Shut up."

Nabalot kami ng katahimikan. Pero hindi yung awkward silence. Hindi sumagi sa isip ko kailanman na magiging ganito kami ni Alyssa. Hindi nagpapalitan ng death threats. Kalmado lang. Sana laging ganito.

"Dennise..." Tawag niya saakin.

"Hmm?"

"What do you think of me?"

Tumingin ako sa kanya habang seryoso siyang nakatingin saakin.

"Hmm... You're dangerous. You're an evil. And a predator."

She gave me a genuine laugh. Sa tuwing tumatawa siya ng ganun pakiramdam ko nagiging isa siyang angel. At.. bumibilis rin tibok ng puso ko sa di malamang dahilan.

"And you're my prey?"

"Siguro oo. Papatayin mo ako diba. Baka nga."

"Yeah. But just so you know a predator won't survive without its prey."

"Ha?"

"A predator like me needs a prey like you.. to survive."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Ikaw makaka-survive. Eh ako?"

"Let's change the cycle instead. Pwede naman pareho nating kailanganin ang isa't isa eh. Yun ay kung gusto mo." Sabi niya at nagsmirk.

"I seriously don't know kung ano ba ang pinupunto nitong usapan natin." Pag-amin ko sa kanya.

"Me too, Den." Sandali kaming napatahimik. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko. Bakit parang ang saya ko na ewan?

Ngumiti ako sa kanya. "Payag ako."

Kunot-noo niya akong tinignan. "Saan?"

"Kahit prey mo lang ako. Kailangan pa din kita para maka-survive ako."

"And I thought we're over about that topic."

I just shrugged. "Alam mo sa tingin ko nga kailangan ko ng umuwi iba ang epekto ng balcony mo saakin. Kinakain nito yung pagiisip ko."

Nagsmirk siya. "Akala ko aaamin ka na eh."

"Aamin na?"

"Na you like me." Pang-aasar niya.

"Baka ikaw! Ugh! Leche! Makaalis na nga! You assumptive!" Sabi ko at nagmamadaling umalis ng balcony niya.

Hinawakan niya ako sa bewang dahilan upang maging malapit kami sa isa't isa. Tinignan niya ako sa mata... Her pair of orbs! Bakit ba ang perfect?

"You sure you don't like me?" Sabi niya at binigyan ako ng sexy smile.

"I'm hella sure. Pwede ba? Lumayo ka nga." Sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya.

"You know what? I get so damned every time na sinasabi mong hindi mo ako gusto. It's unbelievable. Bakit naman yung ibang babae dyan? Nagkakandarapa saakin."

"Shut up. Will you? Hindi ako katulad nila!"

"Hmm... but seeing you blush like that when I am this near? It makes me think that you got the same hormones just like those other girls."

Tinulak ko naman siya palayo. "B-Baliw! You're so full of yourself! Makaalis na nga!"


Mabilis akong naglakad palabas ng kwarto niya. UGH! Bakit ang lakas ng tama niya?



Phew! Ano bang pinagsasabi niya kanina? At ano rin ang pinagsasabi ko kanina? Geez. Unbelievable!

At hindi ba't iba ang ipinunta ko dito? Bakit iba rin ang ending? It's all about Ponggay pero bakit napunta saaming dalawa? How horrible was that. Mygosh. Goodness gracious!

And why do I feel like I'm still blushing?  No! This can't be!

Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 272 17
AshMatt fanfic
2.6M 102K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
16.1K 122 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...