Trapped (Completed)

By Mikays14

37.5K 1K 82

"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life wo... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
A/N

Chapter 2

2.2K 60 5
By Mikays14

Chapter 2 : Dark Brown Eyes
Dennise.

"Hindi pa rin ako makapaniwala. Hinatid ka ba niya talaga dito ate?" Ugh. Bakit ba kasi ako may roommate na junior high school. Ang daldal at ang kulit eh.

"How many times should I have to say yes?"

"Huhuhu sayang hindi ko naabutan. She is the love of my life pa naman ate."

"Ponggay tigilan mo nga yan, yung research paper mo hindi pa tapos oh." Saway sa kanya ni Ella.


Obviously, roommates ko silang dalawa. Pareho silang madaldal and nakakairita lang. Lalo na si Pauline--Ponggay na hanggang ngayon kinukulit pa rin ako nang malaman niyang hinatid ako ni Maddie dito sa dorm. Yep, yung agila na nakasama ko kahapon. Second day ko ngayon dito sa Laneo, wala pa namang kakaibang nangyari saakin maliban dun sa narinig kong putok ng baril kahapon na 'hindi naman daw delikado'. Si Ella naman joker siya, madaldal, pero minsan seryoso din. Si Pauline since mas bata samin syempre, childish.


"Huhuhu bakit ako ang tagal ko na sa Laneo pero never pa ako na-notice ni Maddie?" Pagmamaktol ni Ponggay.

"Ano bang nagustuhan mo dun? She's rude and conceited." Wala sa mood na sabi ko.

"Ih... Ang ganda at hot niya kasi ate Den. Friends ba kayo? Pakilala mo ako please?" Sabi ni Ponggay habang nagpapacute pa.

"We're not friends and we will never be. Stop your nonsensical utterance towards Maddie."

"Woah. Didn't know you're that territorial, Den." Pangaasar ni Ella.

Napatingin ako kay Ponggay and nakita kong medyo lumungkot yung mukha niya. Tch. Wala naman akong dapat ika-guilty pero bakit ang weird sa feeling na makitang ganyan ang hyper na Ponggay? Sobrang gusto niya ba talaga yung mayabang na yun?

"Excuse me, Jorella? Kung iniisip mong may gusto ako kay Maddie pwes you're wrong. And ikaw, Ponggay, what's with the face?"

"Chill ka lang, Den. I was just joking. Hahaha!" -Ella.

"Kasi naman alam kong malaki yung chance na magustuhan ka ni Maddie eh. Tapos kung mutual pala yung feelings... parang ang sakit, nakakalungkot lang." Nakayukong sabi ni Ponggay.

"You know what? You're too young for love. Just focus on your studies first. And just so you know, Maddie isn't my type." Sabi ko na lang at lumabas na sa kwarto namin.


I hate dramas. It annoys the hell out of me. Lunch time na ngayon. Bumalik lang talaga ako sa dorm para magpalit ng P.E uniform para sa klase ko mamayang 1:30 kainis. Hindi pa ako nakakalayo, naramdaman ko ng nakasunod na saakin si Ella at Ponggay.

"You know what, Den. Hindi masarap kumain pag wala kang kasama." Sabi saakin ni Ella.

"Oo nga ate Den! That's why sasamahan ka namin!" -Pong.

"Not that I don't want to eat with you guys, but I am happy eating alone." Of course sa una lang naman sila magaling. Friends? I don't make friends. I like it all being alone. Hindi ko kailangan ng mga taong sa una lang magaling---nangiiwan eventually.

"Maybe lalong happy pag kasama mo kami." Said Ella and smiled.

"Whatever."

Nakarating kami sa cafeteria at napakaingay ng paligid. Nakakainis. Kalapit lang nung iba yung kausap nila pero kung makasigaw wagas. Shame on you people.

"Ako na yung o-order." Sabi ni Ella.

"Okay. Carbonara, cheesecake, two slices of pizza, and water sakin." Sabi ko. Di halata sa katawan but I love to eat. Really.

"Woah, Besh? Ilang taon kang di kumain?" -Ella.

"Gutom lang."

"Sabagay ako nga kakakain lang ng dalawang cheesecake kanina pero ngayon gusto ko mag chicken with rice at spaghetti, plus chocolate cake and large fries. May brownies ata nako nakakatakam! Food is life mga besh!"

"Woah, Ella? Ilang taon kang di kumain?" I said imitating what she have said kanina.

"Gutom lang." Sabi niya with a plain face and a cold voice. Obviously she's imitating me too!

"HAHAHAHA you guys are the best! Laughtrip kayo!" Napalingon kami kay Ponggay.

"Umorder ka na nga Pongs baka mamaya pag pumasok na ang Agila dito sabihin mong busog ka na dahil nakita mo na si Maddie." Said Ella. I just rolled my eyes. This girl is hella sick. Busog just by seeing Maddie? That's not love, that's idiocy.

"Eh akala ko ikaw oorder? Nubayan." -Pongs.

"Tinamad ako eh dali bet ko chikahin si Den alam kong onting push pa besh na turing nyan saakin. Diba, Dentots?" WHAT!

"Dream on." Sabi ko at umirap. Natawa naman siya. Seriously? Hindi ba siya aalis na lang dahil tinatarayan ko siya? Bakit masaya pa siya? And Dentots? Eww!!!

"Hmm... Okay!" Sabi ni Ponggay tapos pumunta na dun sa counter.

Naupo naman sa tabi ko si Ella tapos tinitignan niya ako more like sinusuri.

"What?" Awkward na tanong ko.

"Hmm... Bakit ka napunta dito sa Laneo?" Tanong niya.

"Wala ng ibang school na tumatanggap sakin."

"Bakit?"

"Because of my bad records from my old school."

"Hulaan ko kung bakit."

"Uh, go?"

"Dahil sa sister mo diba? Nasa kanya lahat ng atensyon kaya para mapansin ka din ng parents mo gumagawa ka ng mga bagay na hindi maganda para ipatawag sila sa school mo and by that mapapansin ka na nila."

I was shocked. No one really knows why I am too much to handle pero this girl, she effin knows kung bakit ako b*tchy at all times at kung bakit mailap ako sa tao. To think na kagabi ko lang sila nakasama pero alam na niya agad. What about my parents? Di ba nila napapansin yun? Yep, I admit. What she said was the damn truth.

"How, Ella? How did you know?"

"Of course future psychologist to."

Napailing na lang ako. "Okay."

"Halata kasi, Den. Alam ko naman na rich kid ka so matic ganun lang explanation kaya ka ganyan. Pero alam mo ang saya magkaroon ng kaibigan na katulad mo... badass."

Tinaasan ko siya ng kilay. "We are not friends, Ella. We are just roommates."

Umirap naman siya. "Sus dun rin punta non. Arte mo!"

Maya-maya pa bumalik na si Ponggay kasama yung mga order naming pagkain may nag-assist pa nga sa kanya dahil tatlong tray yung dala niya. Pero the eff?! Bakit wala akong cheesecake?!

"Ay ate Den! Nga pala wala ng cheesecake, chocolate cake lang nandun." Sabi ni Pongs.

"Uh, okay." Pag-iisipan ko pa muna kung o-order ako ng chocolate cake. Phew.


Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain. Maingay yung paligid. Kaya nagulat ako nang biglang tumahimik. Sobrang tahimik sa cafeteria.

Nilingon ko si Ella at Ponggay para silang fangirls na nakita yung idols nila. Tahimik sila at tila kumikinang ang mga mata. The heck? Halos buong tao dito sa cafeteria ganun. Ako... Walang alam. Anong nangyayari? Napatingin ako sa entrance ng cafeteria and, oh... kaya pala. WAIT WHAT?!?!

My ex-girlfriend. Ara Galang. What the hell? Bakit dito ko pa siya kailangan makita? Speaking of makita... Our eyes met, kumunot ang noo niya kaya umirap na lang ako at hinarap muli ang pagkain ko. Geez, it has been 3 years since we broke up. Wala na akong pake... Wala na?

After ng napakagandang entrance ng ex ko with her squad bumalik na ulit yung maingay na paligid.

"Oh damn my feels huhu my heart and soul. Shet, mga bibi ko yun emegesh." Napalingon ako kay Ella yung kanina niya pag pinipigilan na kilig lumabas na. Take note na hinahampas niya ko while saying her love for those people.

"Grabe. Ang papi talaga ni Ara. Pati ni Mika. My Archer feels pero no, ayoko magtaksil kay Maddie baby. Hihi!" -Ponggay.

"Ang hot nilang lahat. Ara, Mika, Eli, Kim, Cyd and Majoy. Gender bender talaga." Sabi pa ni Ella.

"So sila pala yung Archers." Sabi ko. Wow, so gangster pala yung ex ko?

"Yes Den! Omg! Wala ba silang effect sayo?" Sabi ni Ella habang binibigyan ako ng weird look.

"Hmm, ayos lang."

"Jusme. Kahit si Ara walang effect sayo? Seriously? Tao ka ba o robot? Walang feelings ganon? Hays, alam mo ba ang ganda ng love story nila nung ex niya. Iniwan niya ex niya dahil nga nasa isang gang na siya ayaw niyang masangkot yung girl niya so ayun iniwan niya kahit mahal na mahal niya pa."

Magandang love story? Gaano ka sarcastic, Ella?

"Kung mahal niya, po-protektahan niya, hindi niya iiwan." Sabi ko na lang. Yun pala rason niya? Haha. Walang kwenta, Ara.

"Hugot ka ha. Parang ikaw ex niya eno? HAHAHA!" Tawa ni Ella sabay apir nila ni Ponggay.

"Ako nga." Simpleng sagot ko.

Natigil naman sila sa pagtawa at nakanganga na tinignan ako.

"Eh?/Seryoso?" Sabay nilang tanong.

"Past is past. I don't want to talk about it anymore."

Nganga lalo sila, as in.

"S-so hindi pala ako yung tinignan ni Ara kanina? Akala ko ako na... yun pala ikaw dahil ikaw ang ex-jowa?" Sabi ni Ella.

"Malay mo di na niya ko kilala tapos ikaw pala talaga tinignan niya." Pangaasar ko.

"Nooo asa pa noh. Pero aasa ako dun. Charot! So... Ex mo nga talaga siya? Uwaaa! Ang swerte mo, Den! Alam mo bang pangarap ko si Ara? Huhuhu!"

Napatingin ako kay Ponggay tahimik siya. "Hey, kid. Bakit?"

"Wag mo pansinin yan Den ako pansinin mo please pag binalikan ka niya wag mo siya balikan sobrang mawawasak ang puso ko pag ganun. Huhuhu!"

"Jorella can you please shut the hell up or I will make your life a living hell." Inis na sabi ko.

"Eh kasi eh jinowa mo pangarap ko. Huhuhuhu."

"I told you past is past. Walang babalikan, walang ibabalik. Gets? Oh ikaw, Ponggay. Why are you so quiet?"

"Eh kasi ate... kung si Ara naging ex mo hindi malabo na si Maddie rin..."

"Seriously? Di ko nga type yun eh. Wag ka nga umarte dyan." Kainis! Ang drama nila!

Tumayo na ako at iniwan sila. Nakakastress sila, nagugutom pa tuloy ako. Kailangan ko ng chocolate cake. Phew, maka-order nga. Nakakainis lang. Bakit ang haba ng pila?

"NANDITO NA YUNG EAGLES!!!"

Napalingon ako sa likod ko dahil may grupo ng kababaihan na nag-aabang sa entrance ng cafateria halatang nae-excite at kinikilig. Ano nanaman? Wait... Eagles? Those drop-dead gorgeous gangsters na nakasama ko kahapon? Kaya pala.

Maya-maya pa pumasok na ang Eagles sa loob ng cafeteria at kung kaninang nabalot ng katahimikan ngayon naman puro sigawan. Wala dapat akong pake sa kanila, hindi ko dapat sila tinitignan pero may isa lang kasi na umagaw ng atensyon ko. Yun ay yung nasa pinakaunahan nila. Seryoso lang itong naglalakad na tila walang pake sa nangyayari sa paligid niya. Her dark aura, parang isang tingin niya lang sayo, kaya ka ng kitilan ng buhay. She must be Alyssa. Ang pinuno ng mga Agila.


Then our eyes met.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sila dito sa counter kung saan ako nakapila. Nakatitig siya sakin with her pretty cold plain face. Those pair of dark brown eyes... I think I am drowning.

"Hi, Den!" Bati saakin ni Maddie kaya napatingin ako sa kanya at inirapan ko lang siya. Tumingin ulit ako dito kay Alyssa.

"If you're not going to buy, get out of my way." Cold na sabi ni Alyssa. What the hell? I just rolled my eyes.

Paano ako bibili kung ang haba ng pila dito? Stupid ba siya? Tinalikuran ko siya at nagulat ako... Literal na napanganga ako. Nasaan na yung mga bumibili kanina? Yung mga nakapila? Nasaan na sila? Then a part of me says na tumingin sa kaliwa at kanan ko para makuha ang sagot. Gosh! I gasped.

Bakit nasa magkabilang gilid na lahat ng nakapilang estudyante dito kanina? May iba pa sa kanilang sinesenyasan akong umalis na at paunahin ang mga Agila. Sinenyasan ko silang bumalik sa pila pero lahat sila umiiling yung iba umalis na lang. Wth? Ganun ba sila katakot sa Agila? Weak!

"Ate dalawang slice po ng chocolate cake. Yung isa dine in, yung isa take out." Sabi ko. Dahil gumagana nanaman yung pagiging badass ko. May papatunayan lang ako. Hindi lahat ng estudyante natatakot sa Eagles. Tss. Lalo na sa pinuno nila.

Alam kong nasa likod ko lang si Alyssa. Ramdam ko nga na ang lapit niya eh. Sasamantalahin ko na to. Saktong pagbigay nung order ko saakin eh tumalikod ako agad at nagkunwaring natapilok kaya naman nalagyan ng chocolate cake yung white v-neck shirt ni Alyssa. Nakabukas kasi yung itim na leather jacket niya kaya sakto talaga yung landing nung cake sa shirt niya. Woooh!

Pero bakit ganun? Tumahimik ng sobra yung paligid. Tapos napatingin ako kay Alyssa na sobrang... sama ng tingin saakin. Gulp. Seems like everyone's waiting for a deadly scene right here. Kahit na kinakabahan ako, knowing na gangster siya at baka isang suntok niya lang saakin eh tumilapon na ko, still, hindi ko pinahalatang nate-tense ako.

"Eat it." Seryoso at madiing saad ni Ly.

"No way!"

"I said eat it."

"But why? Hindi ko sinasadyang matapunan ka!" Okay, liar Dennise. Liar.

"I don't believe you. I don't like waiting so go on, eat it or I'll make your life a living hell." What now? That's my line! Stealer!

"Okay..." Sabi ko na lang at kakamayin sana yung cake na nasa shirt niya pero hinawakan niya yung wrist ko.

"Eat with your mouth, not with your hands." Sabi niya sabay smirk.

"Hmm... Okay." Naglean ako sa chest niya since doon banda natapon yung cake. Narinig kong nagtatawanan na yung mga tao sa paligid ko, even her gang.

Pero bago ko pa madikit ang bibig ko sa damit niya agad ko siyang sinuntok sa panga. Halatang nagulat siya maski lahat ng tao sa paligid. They all gasped in disbelief.

"Before you make my life a living hell, I'll make yours first." I said and I guess it's now my turn to give her the sweetest smile I could ever give to an enemy.

Agad na rin akong naglakad palabas ng cafeteria habang kinakain yung binili kong cake. Sarap sa feeling. I missed punching someone's face. Hihi!

Nagulat na lang ako nang biglang may humatak saakin at isinandal ako sa puno. Nang makita ko kung sino yun, bumilis nanaman tibok ng puso ko. After three damn years, ngayon ko na lang ulit nakita ng malapitan ang mukha niya.

"Bakit ka nandito, Den?" Seryosong tanong niya.

"Wala ng school na tumatanggap saakin. Tanging ito na lang."

"Ano bang nangyayari sayo? Nalaman kong palipat-lipat ka ng school at hindi maganda ang records mo. Was it all because of me?" Tanong niya.

Natawa naman ako. "Wala na akong pake sayo, Ara. At sana naman wag kang umarte na may pake saakin. Iwasan mo na lang ako."

"Den, kung dahil lang to sa past na---"

"Stop! Kung gaano man ako ka-gago ngayon, wala yung kinalaman sa past natin. YOLO daw diba? Yun lang, ine-enjoy ko lang ang buhay ko. No one knows malay mo bukas mamatay na ako diba. At least naranasan ko kung paano maging badass at hindi yung kinakaawaan lang."

"Delikado dito, Den."

"I'm okay, Ara."

"At isa pa, yung kanina. Bakit mo ginawa yun kay Ly? Hindi mo siya kilala. Bago ka lang dito. Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin sayo."

"Hindi ako natatakot."

"I'm warning you, Den. Umiwas ka sa mga Agila."

"At kanino ako sasama? Sa inyo? Sayo? Eh iniwan mo nga ako diba?"

"Iniwan kita dahil ayokong masangkot ka sa lahat ng gulo na pinasok ko."

"Iniwan mo ako dahil yun ang gusto mo. Sawa ka ng marinig lahat ng kadramahan ko sa buhay tama ba? Ara, ikaw lang yung taong kayang umintid saakin. Ikaw lang yung meron ako noon pero iniwan mo ako. Mas pinili mo lahat ng to na wala ako sa tabi mo. Kaya ngayon, wag mo na akong pakielaman sa mga plano ko sa buhay." Sabi ko na lang at naglakad palayo.

Narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko na sinubukan pang lumingon. Nararamdaman ko yung pamumuo ng luha sa mga mata ko. Hanggang ngayon ang sakit pa rin talaga. Pag naaalala ko lahat, parang gusto ko na lang makalimot. I hate crying but I can't help it... Sana hindi na lang niya ulit ako kinausap. Sana di ko na lang siya ulit nakita.

Hindi ako naka-attend sa P.E class ko. Dahil sobra akong naguguluhan sa mga nangyari. Nawala ako sa mood. Gusto ko lang mapag-isa.

Pumunta ako sa rooftop ng Laneo. Lahat ng estudyante busy dahil class hour na ulit. Ako? Ewan, sana mamaya okay na ako. Kailangan ko pumasok sa sunod kong klase.

"I hate you, Ara! I hate you. Bakit pa kita nakita? Sana iniwasan mo na lang ako diba? Para di ako naguguluhan ngayon. Nakakainis ka talaga!" Sabi ko habang nakatungo.

"Sir James, inuulit ko. Hindi kayo maaaring manghimasok sa kung anong mayroon samin ng mga Archers. Wag niyong gamitin ang mafia para takutin sila. Gusto namin ng patas na laban. Walang armas. Sana naiintindihan niyo."

Hala? May iba pang tao dito? Wait, yung boses na yun. Deadly voice of Alyssa. Sh*t dapat na akong umalis dito. I should run for my life right now. Geez!

"Tapos ka na bang makinig?" Napatigil ako nang marinig ang malamig na tinig niya. Hinarap ko siya at seryoso siyang nakatingin saakin.

"Ah eh... Uhm... Nakatulog lang ako dito." Sabi ko at tatalikod na sana pero...

"Anong narinig mo?"


Mafia... Archers... WHAT? MAFIA? May mafia sila? Hindi ko alam pero parang nagsisi akong sinapak ko siya kanina. Paano kung magpadala siya ng mafia dito at ipapatay ako? Waaaah. Oo badass ako pero di sa point na may mafia ng involved noh. Hindi ako stupid para gumawa ng deadly stunt laban sa isang mafia. They are nothing but pure criminals na hindi magdadalawang isip na kitilan ka ng buhay.

"Mafia." Bulong ko.

Lalong kumunot ang noo niya. "So nakikinig ka nga?"

"Huh? Narinig ko lang. Pero di ako nakikinig?"

"You know what.." Lumapit naman siya saakin kaya napaatras ako. "No one ever dared to mess up with me.." Lalo pa siyang lumapit kaya umatras lalo ako...

Hanggang sa maramdaman ko na yung pader na hanggang bewang ko lang. Buti at napakapit agad ako doon dahil kung hindi malamang nahulog na ako mula sa mataas na building na ito. Muntik ko ng malimutan na nasa rooftop nga pala kami. Ugh!

"Pero ikaw... Sino ka para kalabanin ako?" Sabi niya habang nakatitig saakin ng masama.

"Pwede ba lumayo ka? Mahuhulog na ako oh!"

She smirked at lalo pang lumapit saakin. "Afraid to die?"

"No one loves death. So please, lumayo ka."

She gave me an evil laugh tapos ay diretsong tinignan ang mga mata ko. Those pair of orbs really captivates me. Pero sa tuwing nare-realize ko na si Alyssa ang may-ari nun, nadi-disappoint lang ako.

"Too late."

"What? Why?"

"Because I will surely make your life a living hell until you beg me for your own death. It's up to you if you want me to prolong your agony or nah." Then she smirked again.

I hate her. I hate her. I hate her.

"You evil creature! You think I'm threatened? I'm certainly not!" Sigaw ko sa kanya.

"The problem with you is that you always see yourself invincible when you're actually not. It's funny."

"Shut up. Ano bang kailangan mo saakin?"

"Your life."

"As if naman ibibigay ko yung buhay ko sayo!"

"You don't have to give it 'cause I can get it."

"Lumayo ka saakin." Seryosong sabi ko. Umatras naman siya kaya naglakad ako palayo pero natigilan ako nang hawakan niya ang braso ko. Sobrang higpit na aakalain kong binabalak na niyang durugin ang buto ko.

I flinched. Mukhang napansin niya kaya niluwagan niya ang pagkapit sa braso ko.

"We're not yet done, Dennise. Bukod sa mafia, may iba ka pa bang narinig?"

"Wala na.." Plain kong sagot.

"Siguraduhin mo lang."

Nairita naman ako lalo. "Ano bang tinatago mong kriminal ka ha? Ilang ulit ko rin ba sasabihin sayo na wala akong narinig at wala akong pake. Pwede ba bitawan mo ako? Kalimutan na lang natin yung kanina."

Lalo naman niya akong binigyan ng death glare. "I am not a criminal."

"But you're involved in a mafia."

"My father owns it."

"But you are still involved." Madiing saad ko.

"Fine. But just so you know I am not a criminal."

"Yet you want my life. You want to kill me, right?" Pakiramdam ko wala ng saysay na makipagusap pa sa Alyssa na ito. Umiikot lang ang topic. Nakakainis.

"Only if you beg for it." Sabi niya at nagsmirk ulit. I freaking hate it when she smirks. Naiirita ako to death.

"Whatever. Aalis na ako. I still have classes to attend."

"Go. Run for your life, kid." Natatawang sabi niya tapos ay sumandal sa pader at nagsindi ng sigarilyo.

Hindi ko alam kung bakit kahit na naiinis ako sa kanya ng sobra, sinisigaw pa rin ng isip ko kung gaano siya ka-attractive ngayon. She's dangerously beautiful. Lalo na yung dark brown eyes niya na sa tuwing tinatahak ang mga mata ko pakiramdam ko nalulunod ako. Hindi ako makahinga. Wala akong kawala.

Napalingon naman siya saakin that made me go back to my senses. Geez. Tinitigan ko ba talaga siya? Sana seconds lang. Nakakahiya.

"I thought you're leaving?" Kunot-noo niyang tanong.

"Oo nga..."

"Enjoying the view? Hmm?" She said and I swear it made me blush.

"Hindi ha! Feeling mo naman!"

Napatingin siya saakin. "What? Maganda naman view dito ah?"

Oh shoot. Magkaiba kami ng naiisip. I should have known. Kainis. Ano na Dennise? Kinain ng sistema?

"Ah... Oo sakto hehe."

"Sa room ko kita ang buong Laneo. Mas maganda ang view doon." Kalmadong sabi niya.

"M-maganda naman kahit saan eh." Nakangiting sabi ko. Oh gosh! What! No! Sana hindi niya gets.

"Maganda kahit saan basta kasama mo ako?" Sabi niya sabay smirk.

"Kapal! Makaalis na nga!" Inis na sabi ko at naglakad na paalis ng rooftop.


Panira siya ng moment. Akala ko pa naman panandalian siyang bumait, kumalma, o di kaya naging anghel pero malabo nga pala. Evil yun di na mababago. Gagawin niya ngang living hell ang buhay ko ngayon diba? Seryoso kaya siya dun? Naalala ko tuloy yung sinabi ni Ara. Layuan ko daw ang mga Agila. Lalo na si Alyssa dahil hindi ko siya ganoon kakilala.

Pero paano ako lalayo kung hawak na niya ang buhay ko? Kung binabalak na niyang paglaruan ang buhay ko? It's too late.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
9.1K 392 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
2.9K 654 138
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
20.3K 147 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...