A/N:
MERRY CHRISTMAS PO! VOTE & COMMENT po tayo...
_____________________________________
STARRING 1
SI VON AT KYLA
Si Von Lee, 18 years old na kababata namin ni Franz. Panganay sa dalawang magkapatid. Ang bunso niyang kapatid ay isang babae, si Vanity na 15 years old naman. Ang nakakabata kong kapatid na si Dale ang kabatch ni Vanity dahil parehas sila ng idad. Nakakatuwa ang pangalan ng magkapatid na parehas "V" ang start. Ang mga magulang kasi nila ay "Z" naman. Sina Zeon at Zyrah Lee na parehas artista at modelo ang kanilang mga magulang. Talking about genes, ang gwapo at ang ganda tuloy ng magkapatid!
Hindi tulad ni Franz, mabait si Von sa akin. Mabuti na nga lang at hindi daw siya nagmana kay Tito Zeon na nuknukan ng suplado noon. Siya ang isa sa aking mga bestfriends. Kahit hindi halata, para sa akin, bestfriend ko din si Franz. Well, sa suplado ba naman nyang iyon, close friend na talaga ako sa kanya kasi nakakausap ko siya. Kahit madalas ay barahan ang usapan namin, at least, nakakausap ko siya. It's an achievement!
"Steph!" Tawag sa akin ni Von. Kanina pa ako lingon ng lingon kakahanap sa kanya. Mabuti na lamang at natagpuan ko din ang isang ito. Nilayasan ko kasi ang buset na Franz na iyon, ang suplado kasi! Bad trip!
Lumapit ako sa chairs with big umbrella na siyang naging silong dito sa labas ng canteen. Kasalukuyang kumakain ng ice cream si Von habang nakadekwatro.
"Kanina pa kita hinahanap." Sabi ko sabay kuha ng kinakain niyang ice cream sa baso at kinain ko.
Napangiti si Von sa ginawa ko. "Hey! Akin yan eh!" Sabi niya sa akin dahil hindi ko na binalik iyong ice cream niya.
"Bili ka na lang ng bago." Nakapout na sabi ko sabay upo sa tapat ng inuupuan niya. Mabuti na lamang at nauso itong mga upuan sa labas ng canteen, masarap ang simoy ng hangin.
"Saan ka ba galing? Bakit parang init na init ka?" Nakahalumbabang tanong sa akin ni Von.
"Sa may soccer field. Gumagawa sana kami ni Franz ng project, eh nabuset ako, nilayasan ko."
"Hahahaha! Kasi naman, Steph, sumuko ka na dyan sa undying crush mo kay Franz." Tumatawang sabi niya.
Binato ko iyong kutsara ng ice ceam na ngayon ay ubos na. "Undying crush?! Hoy! Wala akong crush doon no!" Humahaba pa ang ngusong sabi ko. Pinipigil ko ang kilig. Ewan ko ba, mabanggit lang ang pangalan ng supladong iyon, kinikilig na ako.
"Tss.." Tanging nasabi ni Von.
Ang bad trip ko ay napalitan ng ngiti. Nakakatuwa kasi si Von kapag naganyan, very Tito Zeon ang dating.
"Teka, bakit nga pala nagsosolo ka? Nasaan ang anino mong si Janelle?" Tukoy ko sa kaklase niya sa Dentistry na si Janelle. Parehas silang 2nd year Pre-Dent ng admirer niyang iyon na parang anino na laging nakabuntot sa kanya.
Pansin na pansin ang bigla niyang pagsimangot. Pero kahit ganoon, gwapo pa din itong kaibigan ko. Anak ba naman ng artista eh. Saan pa kukuha ng genes niya ito, hindi ba?
"Buti nga at wala sa paningin ko. Absent ata, buti naman!" Nakasimangot na sabi nito habang ang mga kamay ay naka-spread sa likod ng kanyang ulo.
"Eh bakit parang naiinis kang wala siya?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Tss.. Tigilan mo ako, Stephanie Cruz!" Salubong na ang kilay niya kaya tinigilan ko na. Saka kapag ganyang kumpleto na ang tawag niya sa pangalan ko, malamang, galit na yan!
"Peace! Si Bez naman, hindi na mabiro. Kanina nga ako inaasar mo eh." Sabi ko kasabay ng peace sign. Pagkatapos ay inabot ko pa ang braso niya at hinimas. Alam ko namang konting bola ko lang diyan, ok na siya eh.
"Sorry!" Dagdag ko pa showing my beautiful smile.
"Tss.. Alam mo talaga kung paano ako bobolahin eh, no?" Nakangiti ng sabi niya. Sabi na eh. Epektib talaga ang lambing ko dito.
"Hindi ka naman binobola eh." At nagbeautiful eyes pa ako para patawahin siya.
"Mukha kang Minnie Mouse." Natatawang na ngayon sabi niya. Tumingin siya sa gawi ng daan papuntang soccer field. "Nasaan na pala si Franz?" Naitanong niya pa sa akin.
Kumuha ako ng barya sa aking pitaka sa bulsa at nagbilang. "Ewan. Iniwan ko nga di ba?" Sagot ko. Nang mabilang ko na ang tamang amount, "bibili lang ako ng tubig, Gusto mo?" Alok ko sa kanya.
"Sige. Mabuti naman at ibibili mo ako. Inubos mo na nga ang ice cream ko..."
Hindi ko na siya pinatapos sa pang-aasar niya. "Ssshhh.. Ibibili na kita, huwag ng madaldal." At agad akong tumayo para pumasok sa loob.
Pagbukas ko ng pintuan ng canteen, as usual, ang dami na namang nakasunod sa akin ng tingin. May mga boys na humahanga. May mga girls na humahanga at naiinis. Naiinis iyong ilan dahil sapaw sila sa beauty ko eh!
Dumiretso lang ako sa cashier at bumili ng tubig. Tinitingnan ko ang mga pagkain na nakadisplay habang nag-aantay.
"Ito po." Nakangiting abot ng kahera sa akin. Ngumiti naman ako at tumalikod na. Pero pagharap ko...
Syete!
Napasupalpal ako sa ice cream sa cone. Nang tumingala ako, naningkit ang mata ko ng makita kung sino iyong bumangga sa akin.
Si Kyla! Si Kyla ay kaklase namin na anak mayaman din at patay na patay kay Franz. Well, madami naman kaming patay na patay kay Franz. Pero iba si Kyla! Konting masulyapan lang siya ng hindi sinasadya ni Franz, feeling niya may interest na sa kanya. Konting sagot lang ni Franz, like oo o hindi, feeling niya close na sila. Ganoon siya kalala.
Ngumisi pa siya sa akin. "Ay kasi naman, nakaharang ka." Nakahalukipkip na sabi niya sa akin.
Grabe! Ang lagkit na tuloy ng suot kong uniform. "Ikaw diyan ang nangbabangga, tapos ako ang sisihin mo??" Medyo mataas na ang boses ko kaya napatingin na sa akin iyong ibang estudyante.
"Kasi naman, sa panget mo, hindi kita napansin!" Ganting sigaw niya. Parang umakyat na ang lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa sinabi niya. Naalala ko na naman ang pang-aasar sa akin ni Franz kanina na panget daw ako.
"Kung ako panget, ano ka pa?" Ganting pang-aasar ko. Although, maganda naman din si Kyla, pero mas maganda nga lang ako. Lagi itong pumapangalawa o pumapangatlo sa mga beauty contest na sinasalihan ko.
Kitang-kita ko ang halos pagbuga ng apoy sa mga ilong niya. "Ang yabang mo ah.." Napapikit ako ng akmang sasampalin na niya ako.
1
2
3
Nasaan na? Dahan-dahan kong isinilip ang mata ko para tingnan kung bakit wala pa iyong sampal ni Kyla.
"Hindi pa tapos ang project natin." Malamig ang tono ng pagkakasabi sa akin ni Franz. Nakatingin siya sa akin habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ni Kyla na sasampal sana sa akin.
Napangiwi ako at tinakpan ng dalawang kamay ko ang dibdib ko. Nahihiya ako sa kanya kasi ang dumi ng unahan ng blouse ko. Sinulyapan ko si Kyla at matatalim ang titig niya sa akin. Pero hindi niya tinatanggal ang kamay niyang kapit pa rin ni Franz sa ere. Feel na feel marahil nito na hinawakan siya ni Franz.
Pero ng mapatingin ako sa kamay niya na hawak si Kyla, ibinaba niya iyon. Ganoon na lang ang panghihinayang ng babae sa ginawa ni Franz. Hinarap niya na ako at tinalikuran si Kyla.
"Nilayasan mo ako, hindi pa tayo tapos." Seyosong sabi nito. Kinakabahan tuloy ako sa paraan ng pagtitig niya. Napalunok na lang ako at tulalang nakatitig sa magaganda niyang mata.
Hinatak naman ni Kyla ang siko niya. "Ako na lang ang partner mo. Papapaltan ko kay Maam." Nakangiting sabi niya kay Franz.
Tumaas ang isang kilay ni Franz at hinarap siya. "Ikaw ba ang nagmantsa kay Steph?" Seryosong tanong nito.
Ikinawit ni Kyla ang kamay sa siko ni Franz. "Kasi naman, inaway niya ako." Pacute na sumbong ni Kyla.
Napailing na lang ako. 'Ako pa ang may kasalanan ngayon?' Gusto ko sanang sumingit pero hindi ko ginawa kasi ang lakas ng kaba ko. Nasa harapan ko ba naman si Franz Roff eh.
"Liar! Hiindi marunong magsimula ng away si Steph." Walang prenong sabi niya. Nang marinig ko ang sinabi niya, napanganga na lang ako. 'Kilalang-kilala na pala ako ni Franz? Napagtutuunan niya ako ng pansin kahit paano?' Sa isiping iyan, hindi ko maiwasang hindi kiligin!
Kitang-kita ko ng mapalunok si Kyla sa takot sa talas ng tingin ni Franz. Para ba namang nagbabaga ang tingin ni Suplado eh. Kahit ako ang nasa position ni Kyla ay kakabahan ako.
"Ang tagal naman ng tubig ko." Ang sinabing iyon ni Von ang naka-basag ng umiinit na eksena. Napalingon kaming lahat sa kanya.
"Tol!" Sabi ni Franz at nakipag-high five pa kay Von. Mas malapit silang dalawa kasi si Von ang tumulong kay Franz para pumasok sa pagmomodelo. Habang si Von naman ay kasali sa isang sikat na banda. Madali para sa kanila dahil binack-upan sila ng parents ni Von na sina Zeon at Zyrah Lee.
Inakbayan naman ako ni Von ng makalapit siya sa amin. "Asaan ang tubig ko?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Ito na po." Nakangiti rin ako ng i-abot ang bote ng mineral water sa kanya.
Napakunot ang noo ni Von ng makita ang mantsa sa uniform ko. Tinanggal niya ang jacket na nakabuhol sa bewang niya at iniabot sa akin. "Suotin mo." Sabi pa niya.
Tumango ako at ipinatong ang jacket sa blouse kong pang-iskul. "Salamat." Nakangiting sabi ko kay Von at isinuot ko rin naman agad.
"Sinong may gawa niyan sa iyo? Wala naman iyan kanina." Nagtatakang tanong ni Von sa akin.
"Si Kyla kasi." Sumbong ko kay Von. Gusto ni Kyla ng attention di ba? Eh di ibibigay ko. Siguro naman ok na iyan na pati ang kay Von ay mapunta sa kanya.
"Ano ba yan, ang landi?!" Mahina pero dinig na dinig kong comment ni Kyla. If I know, inggit lang iyan.
Nilingon siya muli ni Franz at binigyan ng masamang tingin kaya biglang napaltan ng takot ang nasa mukha ni Kyla. Si Von ay hindi naman kumibo at napailing na lang. Binelatan ko na lang siya dahil sa parinig niya sa akin. Nakakatuwa pala kapag hindi pwedeng lumaban ang kalaban mo, ano? Hindi siya makapagtaray sa akin kasi nakatingin pa rin si Franz sa kanya, hanggang sa mapatungo na lang siya. Marahil hindi matagalan ang titig ni Franz sa kanya. Kahit ako naman eh. Hindi ako tatagal na makipagtitigan sa gwapong supladong ito dahil baka matunaw ako ng parang ice cream.
Tinapik naman ni Von ang balikat ni Franz. "Doon na tayo sa labas. Doon kayo gumawa ng project." Yaya sa amin ni Von na agad naman naming sinunod.
"Bye, Kyla." At nginisihan ko pa si Kyla ng madaanan namin siya. Tumango lang siya dahil napatingin muli sa kanya si Franz ng magpaalam ako.
Iba talaga ang karisma ni Franz. Hindi lang nakakalambot ng tuhod, nakakaumid din ng dila. Swerte talaga ako at kahit paano, lagi ko siyang nakukulit at nakakausap ng malaya.