You're My (Completed)

By Neon_Wolfzie

69.9K 1.4K 99

A story of two people... Two people who can't forget the past Two broken hearts who healed each others. And t... More

You're My
Chapter 1: Throwback
Chapter 2: Changes
Chapter 3: Jamie Santi
Chapter 4: Stalker
Chapter 5: Closer
Chapter 6: Feelings
Chapter 7: I Missed You
Chapter 8: Friends
Chapter 9: Move On
Chapter 10: I'm Here For You
Chapter 11: Long Time No See
Chapter 12: Jessica
Chapter 13: Begin Again
Chapter 14: Let's Have Fun
Chapter 16: Welcome Back
Chapter 17: Brothers
Chapter 18: Small World
Chapter 19: Stupid Life
Chapter 20: Busy Day
Chapter 21: Confession
Chapter 22: Love or Fame
Chapter 23: Decisions
Chapter 24: I'm Yours
Chapter 25: Forbidden Love
Chapter 26: Secretly Inlove
Chapter 27: Warning
Chapter 28: Second Call
Chapter 29: Prince
Chapter 30: Choose
Chapter 31: I'm Sorry
Chapter 32: Friend Zone
Chapter 33: Torn
Chapter 34: Take Care of Her
Chapter 35: Still Yours
Chapter 36: Merry Christmas
Chapter 37: Guardian
Chapter 38: Year End Ball
Chapter 39: Back to Reality
Chapter 40: Missing
Chapter 41: Jake's Friend
Chapter 42: Bad News
Chapter 43: Space
Chapter 44: Must Move On
Chapter 45: The Whole Gang
Chapter 46: Falling
Chapter 47: Flashback
Chapter 48: She's Not Yours
Chapter 49: Forgotten
Chapter 50: Forever
Epilogue
You're My: Book 2

Chapter 15: Theme Park

1.1K 23 2
By Neon_Wolfzie


=x=x=x JAKE x=x=x=

Nakarating na rin kami sa theme park.

Huminga ako nang malalim.

Bumaba na kami ng mini bus, inalalayan ko si Jessica sa pag-baba.

Pag-pasok namin, nag-lakad lakad kami para mag-hanap ng magagawa.

"Uy! Tara! Sakay tayo dun oh!" sigaw ni Drake habang tinuturo yung roller coaster na napaka taas at may dalawang loops.

Nag-tatatakbo sila papunta dun...

Nag-katinginan kaming dalawa ni Jessica.

"Hindi ka na ba takot sumakay sa mga ganiyan?" tanong ko.

Ngumiti siya.

"Walang nag-bago sakin, malulain parin ako." natatawa niyang sagot. "Ikaw ba?" tanong niya.

Napatawa ako...

"Hindi ako mahilig sa mga extreme rides eh." sabi ko.

Natawa din si Jessica sa akin.

"Wait lang ah! Punta lang ako sa CR." sambit ko.

"Okay." matipid niyang sagot.

Kaya umalis na ako.

=x=x=x JESSICA x=x=x=

Naiwan ako mag-isa kaya humanap ako ng mauupuan, nakita ko yung park bench na inuupuan ko dati nung nilapitan ako ni Jake. Dun ako naupo.

It reminds me of the past.

>Now Playing: Everytime by Chen and Punch<

Maya-maya... nakita ko si Jake na may dala-dalang mga ice cream. Inabot niya sa akin yung isa. Nangyari din 'to dati.

"Para saan naman 'to?" tanong ko.

Naupo siya sa tabi ko...

"Nakita kasi kitang naka-upo dito sa park bench kung saan tayo unang naging close. Bumili na din ako ng ice cream para mas kumpleto ang scene." nakangiti niyang sabi.

Napangiti nalang din ako.

Umusod siya palapit sa akin.

Kusang bumilis ang tibok ng puso ko.

Tinignan ko siya pero diretso lang ang tingin niya habang kumakain ng ice cream.

"Wag mo akong titigan nang ganiyan, baka sabay kaming matunaw ng ice cream ko." sambit niya.

Nagulat ako, parang ang lalim ng iniisip niya pero nakikita niya pala akong nakatingin sa kaniya.

"Uhm.. sorry, hindi ka nga pala komportable kapag tinititigan ka." sambit ko.

Napangiti nalang siya...

Nangangalahati palang ako, ubos niya na yung ice cream. Grabe siya.

"Ubos mo na?!" sigaw ko.

"Oo" matipid niyang sagot. "Bakit? May nakikita ka pa bang kinakain ko?" sarcastic niyang sabi.

"Nagtatanong lang..." sabi ko.

Natawa siya, ano kaya ang nakakatawa?

"Hindi ako makapaniwalang nandito ulit tayo sa spot na 'to. Mag-kasama na ulit tayo." sambit niya habang nakatingin sa langit.

Ang cute niya talaga noh? Ang sarap pisilin ng mga pisngi niya.

Tumingin siya sa pila nung roller coaster na sasakyan ng mga kaibigan niya.

"Mukhang matagal pa sila... ang haba ng pila eh." sambit niya.

Tumayo siya...

"Tara, lakad muna tayo." alok niya.

"Kumakain pa ako ng ice cream ehhhh" sabi ko.

"Pwede namang kainin yan habang nag-lalakad diba?" nakangiti niyang sabi.

Oo nga noh? Aish! Ang stupid ko naman.

Tumayo na ako at sumama kay Jake.
Nag-lakad lang kami habang nag-uusap.

"Jake? Pwede bang Kean nalang ang tawag ko sayo? Yun naman talaga ang pangalan mo diba?" sambit ko.

Napakunot ang noo niya.

"Bakit? Ayaw mo ba nung nickname ko? And secondly... baka malito kaming dalawa ni Kean kung sino sa aming dalawa ang tinatawag mo." sabi niya.

Oo nga noh...

Mas gusto ko kasi yung pangalan niya na Kean eh. Maganda din naman yung nickname niya pero... ewan ko, mas gusto ko talaga yung Kean.

"Pag nalang kasama natin si Kean Cheol... Jake ang itatawag ko sayo, pero pag hindi... Kean nalang, pwede?" nakangiti kong sabi.

Tumigil siya sa pag-lalakad at humarap sakin.

"If that's what you want then... sure! You can call me Kean." nakangiti niyang sabi.

Lumapit siya sakin.

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Ang lapit niya sa akin.

"Jessica... pwede bang Jamie ang itawag ko sayo? Pangalan mo din naman yun diba? Jessica Jamie Joyce G. Sanford." sabi niya gamit ang husky niyang boses.

=x=x=x JAKE x=x=x=

Ngayon ko lang na-pansin...

Mag-kapangalan sila ni Jamie. Gusto kong itawag kay Jess yun dahil mas bagay sa kaniya yun. Hindi dahil kay Jamie Santi.

"Sa tatlo kong pangalan... yung Jamie talaga yung nagustuhan mo?" tanong niya.

Nginitian ko lang siya.

"Aish! Sige na nga, Kean." sabi niya.

Ngumiti ako lalo at nag-patuloy na sa pag-lalakad.

Maya-maya... nag-tanong nanaman si Jess.

"Kean... diba hindi naman talaga Marco ang last name mo? Bakit mo binago?"

Natigilan ako.

"M-may nasabi ba ako? Bakit bigla kang natahimik?" sambit niya.

"Iniba ko ang apelido ko, dahil ayaw kong maalala yung dad ko. Diba Jale Kean M. Monteclaro ang tunay kong pangalan? Pero since noong nalaman namin na may ibang babae si dad, kinalimutan ko na yung apelido ko na yun. Kasunod nun ang pag-kamatay ng mom ko. Kinupkop lang kami ng tita namin hanggang sa lumaki kami at nag-karoon ng sari-sariling buhay. Si kuya Rafael nga eh... may asawa na. Ako... puro trabaho, si Dwayne naman... busy sa pag-aaral. Siya nalang ang kasama ng tita at tito ko." ang mahaba kong kwento.

"Huh? Bakit hindi ko alam yan?" tanong niya.

"Hindi ka naman nag-tatanong eh. And secondly... wala namang mangyayari kung ikukwento ko pa sa iba." sabi ko.

Binuksan ko ang phone ko at pinakita ko kay Jessica ang picture namin ni Dwayne.

"Iyan si Dwayne... pogi noh?" nakangiti kong sabi.

"Oo nga... mana sayo..." sabi niya.

Napatawa ako.

"Heto naman si kuya Rafael." sabi ko habang pinapakita kay Jess yung pic ni kuya.

"Ay, ang gwapo niya rin! Naku! Pag nakita kayo ng dad niyo baka mag-sisi yun... ang gwapo ng mga anak niya at napaka-talented pa nung isa. Panigurado akong talented din yung mga kapatid mo" sambit niya.

Napatawa nalang ako.

Biglang may mga babae na nag-tatatakbo papunta sakin. Naku! Fan girls ko yata.

"Jake Marco! Pa-picture!"

"Jake! Ang cute mo talaga!!"

"Kyaaaahhh!!! Jake Marco!!"

Nag-kakagulo sila...

Tumingin ako kay Jess at nakangiti lang siya habang nakatingin din siya sakin.

Nag-papicture na sakin yung mga fan girls at nagpasalamat, umalis na din sila habang nagtatatalon sa sobrang saya.

"Sikat na sikat ka na pala." sabi ni Jess.

Napangiti ako.

"Matagal ko na talagang pinapangarap na maging sikat na artista at singer. Alam mo bang natupad ko lang yun nung iwan mo ako?" sambit ko.

Napatingin siya sakin.

"Talaga? Bakit?" tanong niya.

Napangiti ako.

"Dahil sobra akong nasaktan noon. Gusto kong makita mo na kaya ko kahit wala ka. Gusto kong mag-sisi ka na iniwan mo ako." natatawa kong sabi.

Natawa din siya...

"Oo, nag-sisisi na talaga ako, hahaha! Pero alam mo, kahit hindi mo ginawa lahat yun, kahit hindi ka sikat ngayon... mag-sisisi parin ako dahil... nobody compares to you." sambit niya.

Kinilig naman ako sa sinabi niya, pero hindi ko pinahalata sa kaniya.

"Uy! Ang cute ng teddy bear oh!" sigaw niya habang tinuturo yung teddy bear.

Napangiti ako at hinila ko siya papunta doon.

Kailangan ko maka-shoot ng bola sa ring para makuha yun.

Nag-bayad ako at binigyan ako ng bola.

Bigla kong naalala yung EX ni Jess... yung magaling mag-basketball. Dapat ma shoot ko 'to.

Inayos ko ang pag-kakahawak ko ng bola at pumikit. Alam kong nakatingin sa akin si Jessica. Pag dilat ko... hindi lang pala si Jessica ang nakatingin sa akin ang daming mga fan girls... hinihintay nila akong mag shoot. I only have one shot so dapat ma shoot ko talaga 'to.

Maya-maya ay pinakawalan ko na ang bola, tila nag-slow motion ang paligid.

Sana shoot... sana shoot!

Pumikit ako...

May narinig akong nag-titilian. Ano? Na shoot ko ba?

Hindi ko nakita dahil pumikit ako.

Yinakap ako ni Jess...

"Kean, na-shoot mo!!" masaya niyang sabi.

Inabot na sa amin ang teddy bear.

Binagay ko kay Jessica at nag-lakad na kami paalis.

"I love you, Jake Marco!!!" narinig kong may sumigaw na fan girl.

Nginitian ko nalang sila habang dumadaan ako.

"Ang galing mo ah..." sabi ni Jess.

"Tss... tara na nga..." nakangiti kong sabi.

=x=x=x DRAKE x=x=x=

>Now Playing: Shut Up And Dance by Walk The Moon<

"Wooohoooo!!!!"

"Yeaaaaahhh!!!"

Ang daming nag-sisigawan habang naka-sakay kami ng roller coaster.

Ang saya naman kasi talaga.

Meron pa ngang mga nag-mumura kapag pababa yung ride eh, haha!

Katabi ko si Kean. Nakataas pa ang mga kamay namin.

"Ayan na!!" sigaw ni Hudson.

Bumamaba ng mabilis yung ride at nag-sigawan kami.

"Aaaaaaahhhh!!"

Nasa pinaka-unahan sina Hudson at Max. Pangalawa kami. Nasa likod namin yung iba.

"Woohoooo! Ang sarap!!!" sigaw ko.

Wala na akong marinig kundi yung sigaw ng mga tao.

Pataas nanaman yung ride...

"Hala! Ayan nanaman!!" rinig kong sigaw ng isang tao sa pinaka likod.

Ang taas!!

Ang tagal bago maka-rating sa dulo.

May naririnig akong mga nag-mumura.

"P***ng i*a!!! Ang taas!!!"

Tawa kami nang tawa ni Kean.

"Ano Kean? Okay ka pa?" natatawa kong tanong.

"Syempre! Ikaw ba?" sambit niya.

"Woooh!! Masayang masaya ako!!" sigaw ko.

"Ahhh!!! Ayan na!!!" napatingin kami ni Kean nang biglang sumigaw si Max at si Hudson.

Pababa na yung ride...

"Aaaaaahhh!!!"

"Woooohhh!!!"

Ang bilis ng pagbaba... humahampas sa mukha ko yung hangin. Nakataas ang mga kamay namin.

Ang saya talaga.

Pag-tapos namin dun... ibang ride naman, dun naman kami sa mataas na ride... yung biglang bumabagsak.

Sigawan din nang sigawan ang mga tao dun.

Nakasakay na kami.

Mag-kakatabi kami. Ang daming sumisigaw at nag-mumura habang pataas kami.

Shit! Napakataas pala nito...

Malapit na kaming makarating sa dulo...

Mas lumakas ang sigaw ng mga tao.

Nung nakarating na sa pinakatuk-tok...

"Aaaahhh!!"

Biglang bagsak.

Tumaas ang mga paa namin sa sobrang bilis ng pag-bagsak. Parang naiwan yata ang kaluluwa ko sa taas.

Pero ang saya talaga, grabe.

Pagkatapos namin doon ay hinanap na namin yung love birds.

Nasaan na kaya si Jake at si Jessica???

Tinawagan ko siya...

"Hello? Jake!! Nasaan na kayo?! Tara kita kita tayo sa horror house." sabi ko.

"Ahh... sige, sige... papunta na ako dun. Kita kits nalang." sambit niya.

Call Ended.

"Tara guys! Horror house tayo." sambit ko.

"Yeah! Wohooo!"

"Masaya din dun!"

Ang daldal nung iba... hahaha!

=x=x=x JESSICA x=x=x=

Sabi ni Jake... mag-kikita kita daw sa horror house.

Hindi ko pa nararanasang makapasok doon, natatakot ako.

So nasa tapat na kami ng horror house, hinihintay namin yung iba.

"Kean? Papasok ba tayo diyan?" tanong ko.

Tumingin si Jake.

"Siguro... bakit? Natatakot ka ba?" sabi niya.

Tumango nalang ako, yung nahihiyang tango.

Natawa siya, pinagtatawanan niya ako.

Pinalo ko siya sa balikat niya.

"Nakakainis 'to..." naiinis kong sabi.

Natatawa parin siya.

Maya-maya... nakangiti nalang siya sakin.

"'Wag kang mag-alala... ako ang bahala sayo." nakangiti siya pero alam kong seryoso siya sa sinasabi niya kaya ngumiti nalang din ako.

Dumating na sila...

"Ano guys? Pasok na tayo? Kumpleto na pala tayo." sabi ni Drake.

"Let's go..." sabi ng iba.

So pumasok na nga kami...

Nanginginig ako sa takot, baka biglang may mang-gulat.

Hinawakan ni Jake ang kamay ko.

"Wag kang matakot... hindi kita bibitawan." seryosong sabi ni Jake.

Mag-kakasama kaming nag-lalakad nang dahan dahan.

Maya-maya ay biglang may nang-gulat na aswang sa side ni Jake. Nagulat kaming lahat.

Yung iba napasigaw pa.

Tumahimik nanaman at nag-patuloy kami sa pag-lalakad.

"Aaaah!" may nang-gulat nanaman pero sa side ko naman yun.

Napayakap tuloy ako kay Jake.

Patuloy parin kami sa pag-lalakad...

May nakita kaming nakadamit na doktor, puro dugo ang damit niya at meron siyang pinuputulan ng paa. Kadiri!

"Ay!!" biglang nawala ang mga ilaw.

Wala akong makita!!

Nang bumukas ulit yung red lights... biglang may nakatayong babae sa harap namin.

Napasigaw kaming lahat, biglang tumingin samin yung babae, puro hiwa yung mukha. Bigla siyang tumakbo papunta samin.

Tumakbo kami palayo pero biglang namatay yung ilaw at bumukas din naman ulit. Pag-tingin namin, wala na yung babae.

Thank God...

So nag-lakad na kami ulit...

Ang daming mga nang-gulat...

Nung maka-rating kami sa last part.

Namatay nanaman ang mga red lights.

Shit!

Naramdaman kong yinakap ako ni Jake.

Biglang may tumunog na chainsaw.

Shit! shit! shit!

Bumukas ulit ang red lights, tumingin kami sa likod at may nakatayong lalaki na naka-mask na may hawak ng chainsaw.

"Ruuuunn!!!" sigaw ni Jake.

So nag-tatatakbo kami palabas ng horror house habang nag-biblink blink ang mga ilaw. Ang hirap... patay sindi ang ilaw, ang sakit sa ulo.

Nag-tatawanan yung iba habang tumatakbo.

Kahit ako medyo na-eexcite.

Nakalabas na rin kami, yehey!

Hawak parin ni Jake ang kamay ko.
Binitawan niya na din.

"Ano guys? Okay pa kayo?" hinihingal na tanong ni Hudson.

Nagtawanan nalang yung iba.

Biglang tumunog ang phone ni Jake.

=x=x=x JAKE x=x=x=

Si Dwayne, tumatawag.

"Hello? Dwayne? Napatawag ka?" sabi ko.

"Hello, kuya! Na-istorbo ba kita?" tanong niya.

"No... masaya nga ako na tumawag ka eh. Bakit ka ba napatawag?" sabi ko.

"Kuya, nanalo kami sa battle of the bands! At hindi mangyayari yun kung hindi mo ako tinuruan mag-gitara." masaya niyang sabi.

"Wow! Ang galing mo bro! I'm so proud of you! Madami sigurong nag-kaka gusto sayo diyan... pogi na, talented pa! Manang mana ka samin ni kuya Rafael." masaya kong sabi.

Napatawa si Dwayne.

"Tama ka kuya... maraming may gusto sakin sa school. Pero.... isa lang ang gusto kong babae, tulungan mo naman ako kuya oh. Balak ko siyang ligawan eh."sabi niya.

"Ahh... ganun ba? Sige... tutulungan kita. Teka... wala naman bang mga nang-bubully sayo? Sabihin mo lang sakin at makakatikim sila." sambit ko.

"Well... merong mga nang-bubully pero, don't worry kuya! Kayang kaya ko na 'to, alam ko naman na inggit lang yung mga yun." sabi niya.

"Ahh... very good! Mana ka nga sakin haha! Teka... ano ba pangalan ng lucky girl na sinasabi mo?" tanong ko.

"Mariel... mariel ang pangalan niya. Maganda siya kuya! Kilala mo ba si Park Ji Yeon?" sabi niya.

"Oo, kilala ko yung artista na yun." sabi ko.

"Kamukha niya yun! Ang ganda niya!" napangiti ako.

"O sige... basta pag-butihan mo sa pag-aaral ah?" sabi ko.

"Okay kuya!" malambing niyang sabi.

Call Ended.

Nag-send si Dwayne ng pic nung crush niya. Nakakatuwa naman siya, naiinlove na din ang bunso namin.


Hahaha! Bagay sila ni Dwayne.

Paano ko kaya siya matutulungan? Hmm, basta ako na ang bahala.

To be continued...

-----------------------------------------------------------

A/N: I just want to tell you guys... this is dedicated to one of my friends, miinriin. Sana mabasa niya yung chapter na 'to.

Thank you guys sa pag-subaybay... keep on reading, love you guys!

Continue Reading

You'll Also Like

74.5K 1.4K 33
Si Red metikulosa, maganda, matalino, matangkad at mabait. Lahat yata almost perfect na ang tingin sa kanya but one thing that makes her life not com...
5.5K 145 38
Luisa Estrella Feliciano lives her whole life in a peaceful place far from urbanization together with her mother, until one day, her mom got a job in...
152K 8.5K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.