My Best Friend's Girlfriend

By pressedlemon

186K 4.7K 1.1K

Are you willing to give up your friendship with your long-time best friend so you can finally pursue the very... More

1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
Author's Note

9

7.2K 216 33
By pressedlemon

"Ayos ka lang, Bey?"

Napalingon si Bea mula sa pagkatulala niya ng maramdaman niyang may humawak sa braso niya. She looks at the person sitting beside her and gives out a timid smile when their eyes meet.

"I'm okay, Fel."

Felicia doesn't look convinced. She gently cups Bea's face with her palms and stares at her.

"Kanina ka pa walang imik diyan. Are you tired?"

Umiling lang siya at dahang dahang inalis yung kamay ni Fel mula sa mukha niya. "I'm just sleepy, that's all."

Bea didn't get to sleep well last night. Tinapos kasi niya yung paper niya sa management na kailangan niyang ipasa pagbalik nila sa school on Monday. She actually has the whole weekend to finish it but since she will be out on a two-day vacation with friends and the Ravena family, she decided to head-start on it so she won't have to cram later on. Problema lang, hindi na siya dinalaw ng antok after niyang matapos yun ng mga alas dos ng madaling araw kaya nagbasa na lang siya ng libro pagkatapos.

Ayan tuloy antok na antok siya ngayon habang bumabyahe sila papunta sa resort sa Subic.

It's tito Bong and tita Mozzy's wedding aniversary treat for them. As promised, Bea was invited together with some close friends. Parang naging couple's retreat nga yung nangyari dahil they are all paired up except for Dani and Sumang who are both sitting at the back. Of course, Bea doesn't want to be tagged as one of the couples pero dahil si Felicia naman yung lapit ng lapit sa kanya, wala na din siyang nagawa kaya hinayaan na lang niya na magtabi sila sa van.

"You can sleep on me. Mukhang malayo pa naman tayo. Here."

Felicia offers her shoulder for her to lean on. She almost declines but since she's really tired and sleepy, she takes the offer and casually leans her head on Fel's shoulder without another word.

"Ang sweet naman ni Fel. Babe, ako din patulugin mo." sabat ni Rex na nakaupo sa harap nila kasama sina Trey, Thirdy, at Jho. Nakangisi siya kay Bea ng nakakaloko at niyakap yung braso ni Thirdy para magkunwaring matutulog din. Sinakyan naman iyon ni Thirdy at saka sila parehong nagtawanan. Pati nga si Kiefer na katabi nila sa upuan kasama si Ly ay nakitawa din doon sa kalokohan nung dalawa.

"Mga sira ulo!" angil ni Bea na agad silang sinamaan ng tingin.

"Kayong dalawa, si Bea na naman ang nakita niyo ha!" sita ni tita Mozzy mula sa may passenger seat ng van.

Pinaghahampas naman ni Therese si Rex at Thirdy kaya tumigil na din sila at nanahimik.

Mga ilang oras din tumagal pa yung byahe nila. Nagising si Bea at dahan dahan niyang inangat yung ulo niya mula sa balikat ni Fel na mukhang nakatulog din. Nakita niyang tulog na rin yung tatlong nasa harap nila maliban kay Jho na nakatingin lang sa may labas ng bintana ng van at mukhang malalim ang iniisip.

Tinitigan lang ni Bea yung likod ng ulo ni Jho ng mga ilang minuto. She has a strong urge to talk to her but she has no idea how to start a conversation. Hindi niya rin nililingon si Bea mula kanina at maliban sa bati niya ng good morning nung nagkita sila sa bahay ng mga Ravena, hindi pa sila naguusap.

Gusto niyang malaman kung ano ba ang iniisip ni Jho. She wants to know everything she has to say.

She is about to reach out to get Jho's attention and ask if everything's okay when Thirdy chooses that moment to wake up, putting his arm around Jho's shoulder and pulling her closer to him. Bea only stares at them for a few seconds before she lets out a heavy sigh and finally looks away. She decides to focus her attention on the road rather than the sweet couple sitting in front of her. Making her heart ache just a little bit inside.

*************************************

"Oh yung mga babae magkakasama sa isang room. Kayong mga lalaki dito na kayo sa sala matutulog." tita Mozzy announces when they are inside the rest house that they rented during their stay at the resort.

"Teka, bakit si kuya Kief kasama sa kwarto si ate Ly?" biglang angal ni Thirdy nung nakita niyang pumasok si Kiefer sa isang kwarto kasama si Ly. "Ang unfair naman nun, Ma!"

Natawa lang si Bea habang binibitbit yung gamit niya papasok sa kwarto nila. Alam niya kasing gusto lang ni Thirdy na makasama si Jho sa isang kwarto kaya siya nagrereklamo ng ganyan.

"Magkasama na nga sa isang bubong yang dalawang yan. Paghihiwalaying ko pa ba?"

Mukhang nagisip muna sandali si Thirdy bago na-divert yung tingin niya kay Bea na kalalabas lang uli ng kwarto.

"Eh di si Bea dito mo rin patulugin sa sala. Lalaki din na naman yan!"

"Ulol!" sagot naman ni Bea sa kanya.

"Magtigil ka nga,Thirdy. Ipasok mo na lang yung mga natirang gamit sa van ng mabilis tayo."

Wala na rin nagawa si Thirdy dahil mukhang mainit na yung ulo ni tita Mozzy sa kanya. Padabog na lang siyang lumabas uli para tulungan si tito Bong na kuhanin yung ibang nilang gamit.

Sakto naman na nakita ni Bea ang pagpasok ni Jho bitbit yung mga gamit niya at mukhang nahihirapan kaya hindi siya nagdalawang isip na lumapit dito para abutin yung iba niyang dala.

"Tulungan na kita."

Nag-angat ng tingin sa kanya si Jho na mukhang nagulat sa bigla niyang paglapit. May ilang segundo na nagkatitigan lang sila bago matipid na ngumiti si Jho at hinayaan na kunin ni Bea yung iba niyang gamit.

"Salamat."

Magkasunod silang pumasok sa kwarto at naabutan nila sina Therese at Felicia na nakapwesto na sa kanya kanyang kama. Dalawang twin-size bed yung nasa kwarto at sakto dahil apat lang sila dun. Si Dani kasi mukhang sa kwarto na nina Ly at Kief pinapatulog ni tita Mozzy.

"Bea, tabi tayo dito sa kama."

Tumayo si Felicia mula sa kinauupuan niya para hilahin yung braso ni Bea papunta dun sa kama niya.

"Tabi tayo, Jho." nakangiting sabi naman ni Therese kay Jho na nakatayo pa rin sa may pinto.

Bea is a little bit dissapointed. Deep inside, gusto sana niyang si Jho na lang yung katabi niya sa kama pero alam niyang magiging suspicious kapag nakipagpalit siya. Isa pa, hindi rin siya sigurado kung magandang ideya ba kung magtatabi sila. Baka kasi hindi siya makatulog ng maayos kung nagkataon.

"Wait lang guys ha. Puntahan ko muna si Rex." paalam ni Therese sabay tayo mula sa kama niya.

"Sabay na ko. Shower lang ako." sabi naman ni Felicia na kinuha yung pamalit niya bago sumabay na lumabas kay Trey.

Naiwan na silang dalawa dun na hindi nagiimikan. Bea couldn't figure out why Jho is quiet in her presence all of a sudden. Akala niya friends na sila? She even spent her Saturday morning eating breakfast with her and ate Ella. She even helped them cleaned their house.

Bakit ganitong parang malamig uli yung pakikitungo niya kay Bea?

Or maybe it's part of her personality? Sala sa init, sala sa lamig!

Bea internally sighs as she watches Jho fixes her stuff on the bed.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Fel ha."

Nagulat siya dahil hindi niya inaasahang magsasalita bigla si Jho. Hindi pa rin siya nakatingin kay Bea pero dahil dalawa lang sila dun sa kwarto, sigurado siyang siya yung kinakausap nito.

Pero yung sinabi niya? Nagkakamabutihan na daw sila ni Fel? Super clingy lang si Felicia sa kanya pero hindi sila nagkakamabutihan. Gusto sana niyang itanggi pero hindi niya alam kung bakit bigla siyang napangiti. Yung tono kasi ng pagkakasabi ni Jho parang may halong konting selos.

She doesn't want to assume but she can't help but hope a little.

"She's sweet." yun na lang yung sinabi niya.

Hindi na ulit sumagot si Jho at nagpatuloy sa pagaayos nung mga gamit niya. Bea notices her obsessive compulsiveness when it comes to cleaning her stuff. She finds it adorable and can't help but smile to herself once again.

Lumipas ang ilan pang minuto na walang nagsasalita sa kanilang dalawa bago naisipan ni Bea na lumipat ng upo sa kama ni Jho at sinilip ang mukha niya mula sa likuran.

"Anong problema?"

"Wala." matipid lang ang sagot ni Jho.

"I'll tickle you if you don't speak up."

Pero hindi pa rin nagsalita si Jho. Napangisi na lang si Bea.

"Ah, ayaw mo ha!"

Sinunggaban ni Bea si Jho sa tagiliran na naging dahilan para mapahiga ito sa kama kasama niya. Natatawa at nagpupumiglas si Jho habang kinikiliti siya ni Bea.

"Bea, ano ba!"

Tuwang tuwa naman si Bea habang patuloy pa din siya sa pangungulit kay Jho. Hindi rin makaporma si Jho dahil di hamak na mas malaki at mas malakas sa kanya si Bea. Napapasigaw na lang siya at sinusubukang itulak si Bea palayo.

"Bea!" she shreaks, "Stop."

Ayaw pa rin tumigil ni Bea kaya biglang inabot ni Jho yung unan na nasa headboard at pinaghahampas si Bea sa ulo.

"Aray, Jho. Masakit!" Bea complains as she receives more hits from Jho with a pillow.

"Ang kulit mo kasi."

Tumigil na din siya sa pagpalo dahil tumigil na din si Bea sa pangingiliti sa kanya. Hindi naman napansin ni Bea na nakaakap pa rin pala siya sa bewang ni Jho habang nakahiga sila sa kama. Nakangiti lang sila pareho habang nakatingin sa isa't isa. Nawala na rin yung dismayadong pakiramdam ni Bea sa hindi pagpansin sa kanya ni Jho dahil mukhang light na ulit yung atmosphere sa kanilang dalawa matapos nung pangungulit niya.

Saka lang naging aware si Bea na nakapatong pala siya sa katawan ni Jho nung naramdaman niyang biglang bumilis ang paghinga nito. Nawala agad yung ngiti niya at ganoon din si Jho. Agad na lumipat yung mga tingin ni Bea sa labi ni Jho. She suddenly remembers how soft her lips were and how good she is at kissing. Parang gusto niya tuloy...

"What's happening here?"

Pareho silang napabalikwas sa kama ng marinig nila yung boses ni Felicia. Jho casually straigthens her shirt while Bea nervously looks at Fel who is now frowning at them.

"E-eto kasing si Bea biglang nangingiliti." Jho explains in an obvious rattled voice. She distances herself from Bea and turns away to get the rest of her stuff on the floor.

Fel looks like she's still processing what she saw and Bea is almost sure that she's going to ask further until she nonchalantly walks to their bed to get a suntan lotion from her bag.

"Mag-shower na daw kayo." Felicia only says, "We'll go to the beach na after nila magayos."

*************************************

Pagkatapos nilang mag-shower, sabay sabay na silang lahat pumunta sa may beach side. Meron din ni-rentahan na cottage sina tito Bong doon kung saan nakahanda yung mga pagkain at ihawan nila.

As expected, they go out in pairs and Sumang becomes the designated photographer as they all enjoy the beach. They played every water-based activity they can think of which also includes beach volleyball. It became a boys against girls and since Ly is with their team, the girls easily win the match.

Hindi naman inaasahan ni Bea na magaling pala maglaro nang volleyball si Jho. Akala niya siya yung type ng babae na hindi mahilig sa sports. Maybe she's a varsity player in college? She would probably ask her that when they get the chance to talk again.

"Jetski tayo mamaya, Bey."

Felicia is beside her again and is clinging to her arm. Truth be told, she is starting to get tired of Fel's possesiveness towards her. Nung clingy siya kay Bea bago pa sila bumyahe from Manila, mas lalo ata siyang naging clingy mula nung nagpunta sila dito sa beach. Gusto na sanang umiwas ni Bea pero ayaw naman niyang ma-offend si Felicia kapag nagkataon.

Nakatipon silang lahat sa cottage at pinagsasaluhan na yung luto ni tita Mozzy at inihaw ni tito Bong. Without thinking, Bea's eyes automatically go to the couple sitting opposite her. Sinusubuan kasi ni Thirdy si Jho nung barbeque na hawak niya. Mukhang nahihiya pa nga si Jho pero kinain din niya yun. Ganoon lang sila hanggang sa napalaki yung subo ni Thirdy at sabay silang nagtawanan nung mahulog yun mula sa bibig ni Jho.

Hindi namalayan ni Bea na nakakatitig na pala siya sa kanilang dalawa bago kinuha ni Felicia yung atensyon niya para subuan din siya nung barbeque. Hindi na niya tinangkang tumingin uli sa kanila pagkatapos nun.

Mabilis din lumipas ang oras at lumubog na ang araw. Napagpasyahan ng mga lalaki na gumawa ng malaking bonfire sa may tabing dagat para magkaroon sila ng konting celebration bilang anniversary ni tita Mozzy at tito Bong. Naglabasan na rin ang mga alak kaya kanya kanya na sila ng inom.

They form a circle in front of the bonfire while Kiefer, Thirdy, and Dani each gave a message to their parents. Tita Mozzy looks happy but teary-eyed while tito Bong is hugging her and giving her a kiss on the head every now and then. Even Aly and Jho were coaxed to give a heart-felt message since they are the significant others of Kiefer and Thirdy. Natawa naman silang lahat nang biglang tumayo si Sumang at sinabing dahil magiging future boyfriend naman siya ni Dani, dapat siya rin magbigay ng mensahe sa future in-laws niya. Sinamaan lang siya ng tingin ni Dani at hinampas sa balikat para maupo uli sa buhangin.

Nagbigay na rin ng mensahe ang magasawa sa isa't isa pagkatapos nagpalakpakan silang lahat dahil sa sobrang sweet na mensahe ni tito Bong para kay tita Mozzy. They then shared the wine that they brought, bid the group to enjoy the rest of the night but still try to drink responsively.

Bea only watches as the couple takes a picture together and with their children. As usual, si Sumang na naman yung naging photographer nila. Dahil likas na komedyante si Sumang, puro asaran at tawanan tuloy sila habang nagkukuhanan ng pictures.

Hindi naman niya namalayan na biglang may tumabi sa kanya nung nagpaalam si Trey at Felicia na magpupunta lang sa rest room. Dahil medyo tipsy na rin siya, kumurap muna na siya ng isang beses para siguradahin na siya nga yung katabi niya ngayon.

"Lasing ka na?"

Ngumiti siya kay Jho.

"Nope."

"Eh bakit namumula na yang mata mo?"

She frowns, "Seriously?"

"Hindi. Joke lang."

Hindi na sumagot si Bea at umayos naman ng upo si Jho sa tabi niya. She has a blanket with her and she offers it to Bea but she only shakes her head and reaches for the bottle of beer that she was drinking earlier, gulping it.

"Nasaan si Fel?"

Bea shrugs even though she knows exactly where Fel is. "I don't know."

Wala muna ulit nagsalita sa kanilang dalawa. They both watch as tita Mozzy and tito Bong hug each other while Sumang keeps on taking their picture.

"Ang cute ni tita Mozzy at tito Bong 'no?" Jho suddenly says, "They've been together for how many years na din pero hindi pa rin nawawala yung ka-sweetan nila sa isa't isa."

Bea nods but still doesn't answer. Sa totoo lang medyo nakakaramdam na din kasi siya ng pagkahilo kaya hindi na rin siya makasagot ng maayos kay Jho. Isa pa, naalala na naman niya yung eksena nila ni Thirdy kanina at may konting selos pa rin siyang nararamdaman.

Alam niyang wala siyang karapatan magselos pero hindi naman niya kayang pigilan yung damdamin niya kahit anong gawin niya. Ininom na lang niya ulit yung beer na hawak niya. Baka sakaling makalimutan niya kung ano man 'tong maling iniisip niya para sa girlfriend ng best friend niya.

Gosh. She must be one of the shittiest person on the planet right now for having hidden desire on her best friend's girlfriend.

"Gusto ko maging ganyan din kami ng magiging future husband ko." Jho continues, her eyes still glued to the married couple.

"Or wife?"

Bea doesn't know why she suddenly says that. Must be the alcohol talking.

"Pwede." sagot naman ni Jho na bumaling na sa kanya ng tingin. "I mean, straight ako pero hindi naman siguro malabo na ma-in love din ako sa kapwa ko babae. Naniniwala naman kasi ako na walang pinipiling gender ang love."

"Have you ever been in love?" she asks her.

Jho doesn't answer right away and looks like she's thinking before she finally lets out a deep breath.

"I thought I was in love with my first boyfriend. Ang tagal din naging kami. Three years? Pero he cheated on me with another girl, not once but twice. And I realized that I was only staying with him 'cause he's safe and familiar. I loved and cared for him but I was never in love with him. Makes sense?"

"Yeah, it does." Bea nods, "Do you love Thirdy?"

"Pinapasaya niya ko at gusto ko rin pinapasaya siya. I care for him deeply."

She really did not answer Bea's question but she lets it pass and opts to take another swig of her beer.

"Ikaw, na-in love ka na ba?" balik sa kanya ni Jho.

She shakes her head. "Not yet."

But I think I'm starting to, she mentally says to herself. And I shouldn't be because it's wrong and I don't want to betray my friend.

"Bata pa naman tayo. We have all the time in the world para ma-in love."

Natahamik na naman sila pareho. Lumakas naman bigla yung ihip ng hangin at nakaramdan ng lamig si Bea sa katawan niya. Dahil halos magkadikit na yung braso nila, mukhang naramdaman ni Jho yung panginginig niya kaya kinumutan siya nito ng walang sabi sabi. Ngumiti lang si Bea sa kanya bilang pasasalamat.

Mga ilang minuto ang lumipas na ganoon lang ang ayos nila. Hindi alam ni Bea kung anong biglang pumasok sa isip niya at biglang gumalaw yung kamay niya at unti-unti niyang ipinatong iyon sa kamay ni Jho sa ilalim ng kumot. Biglang lumakas yung kabog ng dibdib niya pero nung tinignan niya si Jho, wala siyang nakitang ekspresyon sa mukha nito. Mukhang wala din naman siyang balak ilayo yung kamay niya.

Napalunok siya dahil alam niyang hindi niya dapat 'to ginagawa pero hindi niya magawang ilayo ang sarili niya kay Jho. Medyo lumakas din yung loob niya dahil na rin sa alak sa sistema niya.

What she isn't expecting is when she feels Jho turns her palm upwards and threads her fingers with Bea's. Her eyes widen but she chooses not to say anything in case Jho decides to pull her hand away.

"Hi girls. Mukhang ang lalim ng pinaguusapan niyo diyan ha.Share niyo naman."

Of course, Thirdy would choose that moment to appear in front of them. Umupo siya sa tabi ni Jho at masayang umakbay dito. Akala ni Bea aalisin na ni Jho yung pagkakahawak ng mga kamay nila sa ilalim na kumot pero lihim siyang natuwa nung hindi pa rin siya bumitaw kahit katabi lang nila si Thirdy.

"Pinaguusapan lang namin kung gaano kaswerte ang mom at dad mo sa isa't isa." casual na sagot ni Jho sa kanya.

"Right? Ang swerte ko kasi they are my parents. Someday I will aspire to be like the two of them with the girl I will marry."

*************************************

"Trey, may napapansin ka ba sa dalawang yun?"

Nakakunot noo si Felicia habang pinapanood niya sina Bea at Jho mula sa cottage. Parang masyado kasi silang malapit sa isa't isa at hindi talaga mawala sa isipan niya yung mga titig ni Bea kay Jho na kaninang umaga pa niya napapansin.

Nagsimula kasi yun nung nasa van sila nung akala ata ni Bea na natutulog siya. Isama mo pa yung naabutan niya sa kwarto at nung kumakain sila kanina habang nagsusubuan sina Thirdy at Jho.

"Sinong dalawa?"

Inalis na muna niya yung tingin niya sa dalawa para titigan si Therese. "Bea and Jho?"

Mukhang napatingin din si Therese kung nasaan yung dalawa at napa-isip sandali.

"Hmmm, mukhang nagiging close na nga sila. I remember, they barely even talk to each other when they first met."

Bigla naman may naalala si Fel dahil dun. When Bea slept at their house the night she got drunk, she mentioned another girl's name while they were kissing.

Jhoana. Posible kayang...

"When did they first meet?"

"Uhm, a month ago? Nung nag-get together kami sa house nila Thirdy. Bakit?"

More than a month ago na nung sleep over si Bea sa kanila so mukhang hindi naman si Jho yun. Unless... magkakilala na sila before?

"Wala naman."

"Alam mo akala ko nga may crush yang si Bea kay Jho. When I asked her, sinabi naman niya wala daw so I let the subject drop."

Napansin din pala ni Therese pero mukhang hindi naman siya bothered. Siguro nga masyado lang niyang binibigyan ng kahulugan yung mga bagay na hindi naman dapat. Besides, Jho is Thirdy's girlfriend so hindi naman siguro pagtataksilan ni Bea yung sarili niyang kaibigan para lang sa Jho na yun.

But why does she still get this paranoid feeling in her stomach that there is something going on between them?

*************************************

"Girls?"

Parehong napalingon si Jho at Therese sa kumakatok sa may pinto. Papatulog na sana sila at hinihintay na lang nila si Felicia na matapos mag shower. Si Bea naman kasi mukhang busy pa sa pakikipag-inuman kasama yung mga lalaki at si Aly sa may bonfire. Mukhang magpapa umaga na nga ata sila dun.

Nung nagpatuloy pa rin yung pagkatok, si Jho na yung tumayo mula sa kama para buksan yung pinto. Laking gulat naman niya nang si Kiefer yung tumambad sa harap niya na bitbit ang walang malay na si Bea.

"Oh my God, what happened?" bulas ni Therese na tumayo na rin mula sa kama.

"Ayan, senglot na. Pati yung dalawang mga jowa niyo sa labas bagsak na din."

Dahan dahan na inalalayan ni Kiefer si Bea papunta sa may kama na pinakamalapit. Umungol pa si Bea nung naibagsak na siya dun.

"What? Wait lang Jho ha, puntahan ko muna si Rex."

Mabilis pa sa alas kwatro na nakalabas si Therese ng kwarto para puntahan yung boyfriend niya.

"Ah Jho, ikaw munang bahala diyan kay Bea ha?" baling sa kanya ni Kief na mukhang pagod at inaantok na din. "Nasa labas na naman si mama, inaasikaso na si Thirdy. Pasensya ka na."

Tumango lang siya. "Okay lang, kuya. Ako ng bahala."

Nung makalabas na uli si Kief, binaling agad ni Jho yung atensyon niya sa babaeng nakahiga sa kama niya at nakayakap na sa unan niya. "Bea? Okay ka lang? Palit ka muna ng damit bago ka matulog."

Kinalabit niya si Bea pero umungol lang uli ito pero hindi pa rin tumitinag. Napabuntong hininga siya. Bakit kasi naglalasing ang isang 'to tapos hindi rin naman pala kaya? Ang sarap lang batukan eh!

Umayos siya ng upo at dahangdahang iniharap niya si Bea sa kanya para makahinga ito ng maayos. Nakapikit pa rin yung mata niya pero dahil umuungol pa rin siya, alam ni Jho na may malay pa siya ng konti.

"Huy Bea. Kung ayaw mo magpalit, tayo ka na lang muna tapos lipat ka dun sa kama niyo ni Fel para makatulog ka na ng maayos."

Inilapit niya ng konti yung mukha niya kay Bea para masigarong humihinga pa siya.

"Bea?"

"Jho?"

Medyo nagulat siya ng tinawag ni Bea yung pangalan niya kahit nakapikit pa rin siya.

"Hmmm?"

"Jho..."

Akmang bubuhatin na sana niya sa Bea para ilipat dun sa kabilang kama ng may biglang sinabi ito na biglang nagpatigil ng puso niya at nagpahigit ng paghinga niya.

"I like you, Jho... I like you."

**************************************


A/N: tinatamad na me mag-proofread. pagtyagaan nyo n lang. LOL!

soooo... first time i used three different POVs in one chapter. i'll probably do it on later chapters again.

also, i know most of u are AlyDen shippers pero sana wag kayo ma-turn off sa KiefLy in this story. kahit fanfiction lang to, i want to keep it realistic din naman. haha. yun lang. thank you! 😘

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 62.4K 83
Georgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya an...
1.7M 47.2K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
55M 775K 57
She likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books while he'd be in the crowd, playing for...
280K 5.8K 55
I just wanna love you Give me that chance wanna, hold you Baby you know that I need you I need you And I'm wondering all the time If you love me come...