Orion's Belt

By sisabasilya

3.3K 163 8

Parang "Once upon a time" 'Di ka sure sa katagang "You are mine" Walang sinabing "Happily Ever After" Walang... More

Once upon a time
HELLO
Magic Pen
Ending
CART
MND
CODE
ELEHIYA
HEAVEN
ROLE PLAY
You are mine (Orion's Belt 1)
STARts
Isa kang Bituin
We'll be the stars
To be continued...
Someone's Dreamland...
Thank You, Friend...
FIX YOU
I will find you . . .
Welcome to New York
Journal
T A T TOO

She will be loved

68 4 0
By sisabasilya

"Ikaw? Iiwan mo ba ako?" biglaang tanong ni Ina. Tila gulat na ekspresyon ang mababanaag sa mukha ni Ama. Hindi siya sumagot.

"Siguro Oo, wala ba talagang mag-i-istay? Lahat kayo, iiwanan din ako." medyo natatawang tanong ni Ina sa kanyang kausap. Mapakla ang pilit na halakhak nito.





















Beauty queen on only eighteen
She had some trouble with herself

He always there to help her
She always belong to someone else


































Tumingin siya kay Ama na ngayon ay nakatitig sa kaniya. Banaag ang kalungkutan sa mata ni Ina, habang ang kay Ama ay tila nangungusap sa pungay. Kapwa nakatingin sa mata ng bawat isa.




























I drove for a miles and miles
And wound up at your door


















"Depende," unang sagot ni Ama at hindi tinatanggal ang pakikipag 'eye-contact' kay Ina.

"Lahat ng tanong, ang sagot depende. Iiwan ba kita? Depende sa'yo, kung ano bang kahulugan ng bawat kilos na ipinapakita ko sa'yo. Depende sa kung anong iisipin mo. Kung isang araw hindi mo na ako makita, nasa sa'yo kung iisipin mo na iniwan kita." sagot nito at diretso pa din ang tingin sa mata ni Ina.

Hindi man aminin ni Ina, nakaramdam siya ng lungkot sa isinagot sa kanya ni Ama.




















I've had you so many times
But somehow I want more
























Nakangiting nakatitig si Ina kay Ama. Tumagal pa ng tatlong segundo bago humiwalay ng tingin si Ina sabay tingin sa malayo. Wala pang dalawang segundo ay iginaya naman niya ang kanyang ulo sa balikat ng binata. Kampante itong pumikit at mas dinama ang lahat.

"I don't want to talk kung ano bang mangyayari bukas at sa mga susunod na araw. Let's just enjoy this." malambing ngunit may bahid pa ring lungkot ang tono ni Ina.

"Carpe diem." nakangiting bulong ni Ama.

"Ano 'yun?" tanong ni Ina na hindi naintindihan ang sinabi ni Ama.

"Ine-enjoy mo yung ngayon without concerning future." paliwanag ni Ama.

Tumango lang si Ina. They are watching the sunrise and how star fades. They both do not know what 'tiredness' is.








I don't mind spending everyday
Out on your corner in the pouring rain
Look for the girl with the broken smile
Ask her if she wants to stay awhile















"Elysian," Ama said.

"Ano naman 'yun?" tanong naman ni Ina.

Saglit na tumingin sa kanya si Ama,

"Perfect..." nakangiti nitong tugon habang nakatingin pa rin sa mata ni Ina, sabay lipat ng tingin sa langit.

"And peaceful." dugtong pa ni Ama.

Mula sa paglubog ng araw hanggang sa pagsikat nito ay magkasama sila. Sabay nilang nakita kung paano nagningning ang bituin at kung paano rin ito unti-unting nawala.

Mula sa maraming tao hanggang sa pag-alis ng mga ito, at muli nilang pagbabalik. Magkasama nilang nasilayan ang mga ito.

For them, it was the first time that they both almost spend their day and night with each other.

"Perfect but imperfect." mahina nitong sabi ngunit sapat na upang marinig ni Ina.

"Perfect but imperfect?" tanong ni Ina.

"Oo..."

"Parang stars. They are all perfect lalo na that they are placed at dark. Ang saya niyang tignan, ang kinang, ang perfect. Pangarap ko siya, kaya lang nakakapagod tumingala ng tumingala para lang makita ko siya. Ang taas niya to the point na hindi ko siya kayang abutin. *sigh Kailan ko kaya siya matitigan? Yung nasa harap ko na talaga. I was so dumb to dream for perfectness. She's so perfect and I am imperfect." sagot naman ni Ama.

Natawa naman si Ina dahilan para mapatingin sa kanya si Ama. "Stars pa ba talaga yung pinag-uusapan natin, sino 'yang she na 'yan?" natatawang tanong ni Ina kay Ama. Bakas naman sa mukha ni Ama ang pagkagulat.

"W-wala," naiilang na wika nito.

"Ayhieee, kinikilig ka." natatawa siya pero huminto din agad. Sumeryoso ang mukha ni Ina at malungkot na tumingin sa malayo, tumingin naman sa kanya si Ama.

"Bakit?" tanong ni Ama.

"Wala, syempre... kapag naging girlfriend mo na 'yan. Meaning, iiwanan mo din ako." sabi niya.

"Hindi ko yun magiging girlfriend. Bituin nga siya di'ba? Hindi ako magugustuhan 'nun." sabi ni Ama na tipa naninigurado.

"Sinabi mo na ba sa kanya na gusto mo siya?" tanong ni Ina.

"Hindi. May mga bagay kasi na hindi na kailangang sabihin... dapat nararamdaman." sagot naman ni Ama.

Napangiti naman si Ina at saka nilingon si Ama. "May pinaghuhugutan ka talaga nuh?" tanong nuli ng dalaga. Buntong hininga naman ang sinagot ni Ama.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na sila nagkita. Halos tatlong araw silang hindi nagkasama at tanging pagtawag na lang ang komunikasyon. Abala kasi ang dalawa sa trabaho at hindi nagkatugma ang schedule nila.

Nang sumunod na linggo, nagkita sina Ina at Ama sa parke. Sinabihan ni Ina si Ama na isasama niya ang binata sa Resort kung saan siya nagtatrabaho.

Nakaangkas si Ina sa motor ni Ama. Hindi naman kasi kalayuan sa lugar nila ang Resort.

Unang ipinakita ni Ina ang booth na ipinaupa sa kanila ng Tito niya. Ipinaliwanag niya na silang dalawa ni Christian ang may-ari nito. Ipinakilala niya rin kay Ama ang mga photographers nila. Habang tinitignan ni Ama sa monitor ang mga captured images ay nasa gilid naman sina Christian habang hatak-hatak si Ina.

"Hoy, K. Pansin ko lang, you're always with him. Kayo ba?" mausisang bulong ni Christian.

"What?! No, kaibigan ko lang si Ama." mabilis na sagot ni Ina.

"Asus! I bet he's courting you pa kaya hindi pa kayo. Ayhie, K. I'm just proud because unti-unti mo na talagang nakakalimutan yung gago na 'yun." nakangising sabi ng binata.

"Hindi niya ako nililigawan. Alam mo yung friends. Friends. At, kung mag-momove-on man ako. Hindi ko siya kailangan." wika ni Ina. Hindi naman sinasadya ni Ama na makapakinig sa pinag-uusapan nila.

Iginala ni Ina si Ama sa buong resort. Simula sa mga rides at pools. Masiyahin, mabait at palakaibigan talaga si Ina dahil habang naglalakad sila ay kasundo niya ang lahat ng Life Guards, crews, janitors at iba pang staffs. Masaya niyang sinasabi ang lahat kay Ama. Maging kung saan nakapwesto ang photographers sa bawat rides. Niyaya niya si Ama na minsan ay maligo silang dalawa doon o kasama naman ang kaibigan ni Ina.

Ngunit, kapansin-pansin din ang pagiging tahimik ni Ama habang sila ay gumagala.

"Ama, okay ka lang?" alalang tanong ni Ina ngunit tango lang ang isinagot ni Ama.

"Ama, bakit ang tahimik mo? May kailangan ka ba?" tanong ulit ni Ina.

"Ikaw," payak na sagot ni Ama.

"Ako?" tanong naman pabalik ni Ina.

"Ikaw, sino bang kailangan mo para maging okay ka na?" malungkot na wika ng binata bago naunang bumalik sa booth. Ngunit hinarang siya ni Ina.

"Ano bang problema? Hindi kita maintindihan," nalilitong tanong ni Ina.

"Wala, tara na. Umuwi na tayo." sabi ni Ama at hinila si Ina pabalik sa booth. Bumitaw si Ina at matamang tinitigan lang si Ama. Tumawa naman si Ama saka nagsalita.

"Umuwi na tayo. Hindi mo naman kasi ako kailangan di'ba?" ani Ama. Ngumiti ang dalaga na tila alam na ang ipinahihiwatig ni Ama.

"Okay. So narinig mo kami kanina. Hindi kita kailangan para magmove-on ako. What I mean is I will not use you para makapagmove-on. You know, ayoko kitang rebound. And inaasar lang ako 'nun ni Christian." paliwanag ni Ina.

Tumango si Ama saka hinila ulit si Ina pabalik sa booth.


























And she will be loved
She will be loved


































Mabilis na lumipas ang araw at panahon. Patuloy pa din ang dalawa sa pagjojogging sa umaga  o kaya naman sa gabi. Iba-iba rin kasi ang kanilang oras ng pagpasok sa trabaho.

Ganoon pa rin si Ina, madalas pa rin nakaliligtaan ang pagsisintas ng sapatos. Sa kalagitnaan ng pagtakbo nila ay natalisod si Ina. Mabuti't kaagad siyang naalalayan ni Ama. Tumigil ang binata tsaka lumuhod at isinintas ang sintas ng sapatos ni Ina.

Gayong malungkot pa rin si Ina dahil sa hiwalayan nila ng dating nobyo, ngunit sa tuwing magkasama sila ni Ama ay aminado siyang unti-unti niyang nalilimutan ito.

"Ang bilis ng panahon. Magch-Christmas na ulit." nakangiting sabi ni Ina nang isang beses na magjogging sila ng gabi. Habang yapos din ang sarili at lamig na lamig.

"Totoo bang mabilis ang panahon, o sadyang busy lang tayo sa ibang bagay kaya hindi natin namamalayan ang oras?" tanong ni Ama habang hinuhubad ang panlamig at isinuot kay Ina.

"Thank you." senyas ni Ina.

"Pero siguro nga, masyado na kasi tayong nawiwili sa ibang bagay." sagot naman ni Ina.

"Speaking of Christmas. Mayroon kasing organization na kasali ako. Rotary Club at isa ako sa mga Rotaract. Tapos may gaganapin kaming Christmas Party. Gusto mong sumama?" pag-aaya ni Ama.

















Tap on my window knock on my door
I want to make you feel beautiful























Kasukuyang nasa isang Hotel sa Cavite sina Ina at Ama kasama ang ibang Rotarians, Rotaracts at mga Interacts ng Club.

Sinimulan ang selebrasyon sa isang panalangin. Pagkatapos ay maikling mensahe mula sa Presidente ng grupo at pasasalamat na din. Nagsimula ang party sa panimulang sayaw ng dalawang may edad na babae at lalaki. Throwback kasi ang tema nila ngayon. Sa pangalan naman ng grupo ay konstelasyon ang naging paksa nila. Ang grupo nina Ama, (Team Orion) ang naatasang sumayaw ng sayaw noong 90s'.

Kulang sila sa oras ng pag-eensayo dahil kinakailanagan pa nilang tapusin ang pagdidisenyo ng Christmas Tree na sa grupo rin nila naatas. Ang sa iba naman ay parol, belen at iba pa gamit lamang ang mga recycled materials. Halos tatlo at apat na oras lang sila nakapagpraktis pero sa kabutihang palad.

Sila ang nagwagi sa sayawan at ikaapat naman sa Christmas Decorations.

Nagsimula na ang party, may Dance Instructor na nangunguna at isinasayaw ang mga lumang sayaw. Masayang masaya ang lahat, talon, yugyog at hataw dito. Tila isinasabay ang pagkalikot ng ilaw sa musika. Kung hindi makakasunod sa tamang galaw ay tatalon na lang tatalon at sisigaw ng sisigaw.

Nang matapos ang halos trenta minutos na pagsasayaw ay bumalik na ang lahat sa kani-kanilang table para umpisahan naman ang exchange gift.

Sa organisasyon rin na ito ay tumutulong sila sa mga kapos sa buhay. Marami silang isinasagawang programa na makakatulong sa mga batang walang sapat na pinansiyal para tugunan ang kanilang pag-aaral at pangangailangan sa sarili, mga pamilya na hindi na halos kumakain dahil na rin sa kahirapan at iba pa. Ginagawa nila ang lahat dahil ang tunay na kahalugan ng organisasyon ay "To serve people."

Sa pagbibigay at paglalagay ng tunay na ngiti sa mga taong hindi pinalad sa buhay ay isa sa tunay na diwa ng kapaskuhan.

Sa programang ito ay marami silang proyekto. Isa na dito ang Super Kuya at Super Ate. Dito ay ilalabas at iti-treat nila ang isang bata sa magagandang lugar. Napili si Ama at Ina sa pagiging Super Ate at Kuya.

Bago ang araw para ipinagdiwang ang Christmas Party ay isinagawa na nila ito.

Ipinasyal ni Ama at Ina ang isang batang babae mula sa Orphanage sa isang sikaw na Mall. Naka-floral headband at red dress ang bata habang Red V-neck shirt naman sina Ina at Ama. Kung titignan mo sila sa malayo, mapagkakamalan mo silang isang pamilya.

Ang batang nakakapit sa laylayan ng damit ni Ina at mula sa malayo ay makikita si Ama na naghihintay sa kanila. Lumabas sila at pumunta sa Book Store upang ibili ang bata ng libro (malamang).

Nasa bahaging itaas ang hotel na napili nilang pagdausan nang party. Habang binabasa ng Finance Officer ng grupo ang wishes ng mga  okasyon ay lumabas sina Ina at Ama sa venue upang manood ng City Lights.


Sa isang terahe sa pinakatuktok ng hotel ay makikita sina Ama at Ina na magkatabing nakaupo.


Si Ina na nakangiting tinititigan ang City Lights, paborito niya kasi ito. Ang mga ilaw ng sasakyan nang minsan silang tumambay ni Ama sa isang overpass noon. Masaya niyang tinititigan ang mga ito at kung paanong ang hangin na may hatid na ginaw sa kanya ang dumampi sa kanyang balat, dahilan upang siya ay mapapikit habang nakangiti pa rin.

"Ang ganda ng City Lights. Grabe ang ganda talaga," nakangiting sabi ni Ina.

"Oo... parang ikaw." sagot ni Ama na ikinagulat naman ni Ina.

"Ano 'yun?" lingon ni Ina at tinignan si Ama.


























I know I tend to get so insecure

But it does'nt matter anymore

It's not always rainbows and butterflies

It's compromise that moves us along


























Ngumiti naman si Ama sa kanya at tinignan din siya. "Sabi ko, parang ikaw. Maganda, maganda ka naman talaga a." wika ni Ama na nagpapula naman sa pisngi ni Ina.

Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling na lang itong muli sa buong syudad.

"Maganda ba talaga ako?" tanong ni Ina.

"Actually, you're more than that." tila may kumpyansang wika ni Ama.

"Talaga, bakit iniwan niya pa din ako?" malungkot na tanong ni Ina. Kumunot naman ang noo ni Ama saka sinagot ang tanong ni Ina.

"Kasi..."

"Baka tama si Popoy... na kaya siguro tayo iniiwan ng taong mahal natin dahil may papalit na mas mamahalin tayo." tugon naman ni Ama at nakatitig lang sa mata ni Ina.

Tumagal ang isang minuto ngunit walang gustong bumigay sa kanilang dalawa. Nanatiling nakatitig sa isa't-isa. Yumuko si Ama para hawakan ang kamay ni Ina, muli niyang tinitigan ang dalaga.

"Yung taong yun pala, nasa tabi mo lang." ani Ama sabay bitaw sa kamay ng dalaga. Kinuha niya sa bulsa ng pantalon niya ang isang kahon.

Habang si Ina, walang masabi dahil hindi niya maintindihan si Ama. Binuksan ni Ama ang kahon at nakita niya ang laman nito. Dalawang kwintas na mayroong pendant na soda tab. Ito ang soda tab ng sumabog na can noong una nilang pag-uusap.

Nanatiling nakakunot ang noo ni Ina dahil sa kawalan niya ng idea sa nangyayari. Isinuot ni Ama ang kwintas kay Ina at saka nagsalita.

"When I first saw you, hindi ko man aminin sa sarili ko pero namangha ako sa'yo. Ang ganda mo e. Hindi man tayo agad nagkasundo pero naging magkaibigan rin naman tayo.

Sa araw-araw na nakikita at nakakasama kita. Mas nakilala kita, yung totoong ikaw. I always think of you. How was your day? Kumain ka na ba? Pinaalala niya ba sa'yo na maganda ka. Things like that, gusto ko palagi kitang nakikita, ngitian mo lang ako... buo na yung araw ko 'nun. Kung pwede nga lang na sa tuwing magkasama tayo, hihinto yung oras o kaya naman sana hindi na matapos 'yun." sinsero niyang wika. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga.


"Ama." tanging pangalan lamang ng binata ang nabanggit ng dalaga.

"Ina," sabi niya sabay turo sa sintido niya.

"Ina," tawag muli ni Ama sa pangalan ni Ina habang nakaturo ang hintuturo sa dibdib niya.

"Ina," tawag niya sa dalaga.

Nakatingin lang si Ina sa kanya na tila naguguluhan.

"Ina Karylle... I'm inlove with you. Hindi ako expert sa love kasi first time ko lang maramdaman 'to. But I'm a hundrend percent sure, I love you Ina."



























































































































































































   After
              One
                       Year       
                                   &    
                                         Six
                                                  Months...





































Ama

Isang taon at halos anim na buwan na ang nakalipas, maraming nagbago at parang kisapmata lang lahat. Ang maliit kong mundo na umiikot lang sa bahay, sa trabaho at kay— sa park. Na-realize ko na ang laki pa pala ng mundo. Marami ka pang makilala, marami ka pang makakasalamuha, marami ka pang pwedeng magustuhan at pagtuunan ng atensyon. Hindi pwede na umiikot lang yung buhay mo sa paulit-ulit lang na buhay at tao.


Pero, sa kabila ng lahat ng 'yon. Hindi mo dapat kalimutan at basta talikuran na lang ang mga taong kasama at sinamahan ka rin sa lahat ng bagay. Ang daming nangyari: Hindi na kami nakatira sa simpleng bahay lang kundi sa magarang bahay. Hindi na din ako nagtatrabaho bilang isang clerk dahil isa na ako sa mga nagmamay-ari ng store na pinagtatrabahuhan ko at hindi na din ako si Ama de motor dahil naka-kotse na ako. Tumigil na si Nanay sa pagrarasyon ng mga factory works at sinabi kong sa bahay na lang pero ayaw niya. Kaya pinaghandle ko na rin siya ng limang branches ng store, halos lahat naman ay sa Cavite. Yung mga kapatid ko ay patuloy pa rin sa pag-aaral pero sa pribadong eskwelahan.

Paanong nangyari? Kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala, na isang araw gigising ka sa malambot na kama at lamig na nagmumula sa aircon. Sanay lang kasi ako sa papag at electric fan. Ewan ko, yung buhay kong nag-ala Pepito Manaloto na lang bigla. Pero hindi ako nanalo sa lotto.

Yung huling gabi na magkasama kami ni Ina, hating gabi na at pagkauwi ko ay wala sina Nanay at ang mga kapatid ko. Nakatanggap ako ng text mula sa kanya at sinabi niyang nasa hospital sila. Si Tatay daw, nag-aagaw buhay. Binalot ng kaba at pagkamanhid ang buong katawan ko. Hindi ko na makapa ang lupa sa bilis ng takbo ko at agad na pinaharurot ang motor. Pagkadating ko, parang tumigil yung mundo ko at bumagal lahat. Huli na, tanging hagulgol at basag na sigaw na lang ang naririnig ko. Nakakalutang, nakakatanga, tang-ina! Bakit gano'n?! Lumapit ako sa malamig na katawan ng tatay ko, nanginginig ko siyang hinawakan, bakas pa rin sa mukha ko ang pagkagulat sa mga nangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko, pinuno ng panghihinayang at lungkot ang puso ko. Ang sakit sakit, gusto ko ng sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya pero wala rin namang silbi kasi wala na siya. Wala na siya, magdamag akong umiyak ng umiyak.

Ang sakit sa puso, ang bigat sa pakiramdam. Dumaan ang isang linggo at pilit akong nagpakatatag para sa pamilya ko. Ang hirap hirap na halos hindi mo na sila makausap kasi tulala sila. Ang hirap mawalan, ang hirap mawalang ng mahal sa buhay. Kaya kayo, hangga't nandiyan pa sila. Sulitin niyo na yung oras na kasama ninyo sila. Dahil hindi mo saulado ang bukas, walang nakakaalam kung hanggang kailan pa sila sa tabi mo. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin, yakapin mo na sila at ipaalala sa kanila na mahal mo sila. Kasi... ang igsi lang talaga ng buhay.

Biglang lumapit sa akin si Tita. Actually, lola ko siya. Kapatid siya ng Daddy ni Papa at tumandang dalaga. I used to call her Tita, mayaman sila, sobra. Sinabi niya sa akin na tutulungan niya kaming magsimula ulit. Pinatira niya kami sa bahay — mansyon niya. Hanggang sa tinuruan na rin niya ako na matutong mamuhunan ng negosyo. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ibinigay niya sa amin si Tita. Na halos bumago ng buhay namin. Hindi niya kami pinabayaan at itinuring na tunay na pamilya. Nakarecover na rin kami sa nangyari kay Papa at unri-unting tinanggap ito.

Hanggang sa ito na nga, medyo nakaluwag luwag na sa buhay. Mayaman, masaya, pero parang may kulang. Alam kong may kulang.

Kamusta na kaya siya?

Hanggang sa magring ang phone ko. It was Tita, sinabi sa akin na bukas ang meeting namin para sa panibagong i-iinvest na mall.
















Ina

"Tian. Sorry I'm late. Ang tagal kasi sa custom e. Pero kumpleto na lahat ng cameras' and also the buyers.

Wait! Ito na nga, hininto na yung sasakyan. Pababa na, babye na nga! You're too talkative even on phone— aaaaaa!"

Pagkababa ko ng kotse ay umupo agad ako sabay takip ng bibig ko. What the f**k! As in, what the hell is he doing here. Wait, is really Ama was here. Maybe its just look a like but hell, is he on a vacation?! With her family but, i can't believe this. Nakakotse, mas maayos siya ngayon, mayaman, ang gwapo— wait! Have I said that?

Ama? Ama! Ama. Ammmmaaaaaa! Ano ba 'yan? Ang dami ko na ngang problema dadagdagan mo pa? Bakit ka pa bumalik, ano ba 'yan? Ano ba!? Aaaaaahhhhh! Oh my God! Oh my God! Oh my God!

3

2

1

Ina, calm down. What's happening to you, its just Ama. Oh my God! Nakita kong pumasok sila sa Resort namin. Yes, Tian and I was the new owner of it but Tito still has shares. At, palugi kami ng palugi. Last week, Tito told to us the problem na humihina na ang kompanya at padami na rin ng padami ang utang namin sa isang misteryosong tao. He did not named her pero he said it was his ex trying to help him of all this mess. He also discuss that he was willing to turn back our shares but we disagreed. We said it can be a help too and ayaw namin siyang iwanan sa lahat ng ito. He also said that the girl he was talking about planned to buy this resort in a conditon of not turning back of our loans. She gave us two months to save it hanggang sa bumenta ulit but we do not know what to do. Hays, what a life! Tapos dumating ka pa, bakit ka pa bumalik?

Naiyak na naman ako everytime I'm thinking about my problems. Hanggang sa nagring ulit yung phone ko and it was Tian. I did not answer it and just decided to go. Oh my God, help me.





















Pagkadating ko sa floor kung saan gaganapin ang meeting ay nanigas ako at tila napako ako sa kinatatayuan ko. It was him, it was really him. Oh my God! We're just five here. Me, Tian, Tito, Ama at isang mistisa at halatang may edad na babae. Pinakilala ako ni Tian at ako, patay malisya lang. Nakipagkamay ako sa kanila and beso with the lady. I was shocked when Ama stares between my chest and neck wearing his smirk.

















































"Nice necklace," he said.



To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

612K 9.5K 88
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
68K 1.3K 47
*Completed* "Fake it till you make it?" A messy relationship with a heartbroken singer in the midst of a world tour sounds like the last thing Lando...
147K 4.9K 100
'How I obsessively adore you' ˏˋ°•*⁀➷ started➛30/03/2024 finished➛ ˏˋ°•*⁀➷ cover by me x
670K 33.8K 61
A Story of a cute naughty prince who called himself Mr Taetae got Married to a Handsome yet Cold King Jeon Jungkook. The Union of Two totally differe...