Lost Academy

Galing kay Blabbersalert

13.2M 377K 60.8K

Exle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studyi... Higit pa

The Lost Academy
Lost Academy 2: A Mistake
Lost Academy 3: Kuya!
Lost Academy 4: I Want Out
Lost Academy 5: The Chess System
Lost Academy 6: Forbidden Zone
Lost Academy 7: Bedridden
Lost Academy 8: Transferee
Lost Academy 9: Soul Link
Lost Academy 10: Pseudo-Contract
Lost Academy 11: Taming Game
Lost Academy 12: Bad Blood
Lost Academy 13: Contract Sealed
Lost Academy 14: A Dangerous Thought
FIRST AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #15
Lost Academy #16
Lost Academy #17
Lost Academy #18
Lost Academy #19
Lost Academy #20
Lost Academy #21
Lost Academy #22
SECOND AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #23
Lost Academy #24
Lost Academy #25
Lost Academy #26
L.A. Added infos
Lost Academy #27
Lost Academy #29
Lost Academy #30
Lost Academy #31
Sabotage Part 2
Intel House
New to Me
SPECIAL CHAPTER
The Other One
THIRD AUTHOR's NOTE
You'll be safe here
Ibang Katauhan
Repeated Scene
Ako, Si Vlad at Sya
Euria
Wala nang bawian
White Piece
Binabalik ko lang
Muling Pagkikita
Muling Pagkikita 2
Suspicions
Lexa Who?
What if's
Fourth Author's Note
Azure's Explanation
Their Guardians' Type
My Protector
Transfer
Card Master
Ako Dapat
Great Wall of Rave
Assessment 1
Assessment 2
Council Meeting
The Conversation
Start
Headmaster's Move
In the Forest with Rave
Girlfriend Thingy
Ella Knows
The Demon
Telling Her
FIFTH Author's Note
Cat's Name and the Memory
Until My Last Breath
Unlikely Alliance
Vlad Part 1
Vlad Part 2
You're Making Me Fall
Building Trust Part 1
Filler 1
Building Trust 2
Filler 2
The Plan
Flashbacks 1
Flashbacks 2
L.A. Characters
Warned
This Time
No Name Part 1
Lost Academy #82
Lost Academy #83
Lost Academy #83.1
Lost Academy #84
Lost Academy #85
Lost Academy #86
Lost Academy #86.1
Lost Academy #87
Lost Academy #88
Lost Academy #89
Lost Academy #90
Lost Academy #91.1
Lost Academy #91.2
Lost Academy #91.3
Lost Academy #91.4
Lost Academy #92
Lost Academy #93
Lost Academy #94
Lost Academy #95
Lost Academy #96
From me to you
UPCOMING STORIES
To a Happier Future
FAQ
Lost Academy Vr. 2.0
Please Read

Lost Academy #28

142K 3.7K 522
Galing kay Blabbersalert


Chapter 28: About what?

[THIRD PERSON's]

Hapon iyon nang magpatawag ng meeting ang Council Leader sa lahat ng Council Board Members. Nagtipon-tipon sila sa isang kwartong may malaking mesang parihaba, sa dalawang gilid nito ay may tig-apat na upuan na nakalaan para sa mga board members at sa isang dulo naman ay ang nakalaan para sa Council Leader na tinatawag nilang si Mr. White. Si Mr. White ay may katandaan na, may puting balbas ngunit di naman ganon kahaba, May katangaran sya't di gaanong payat. Nagsimula ang diskusyon nang dumating na si Mr. White at maupo.

"Nakarating na ba sa inyo kung patungkol saan ang diskusyon nating ito?" sabi ni Mr. White nang nakahalumbaba sa mga kamay nitong nakatukod sa mesa. Nagtatakang umiling naman ang mga taong naroroon.

"Hindi pa pala nakarating sa radar ninyo." Pagkukumpirma niya sa hinala niyang wala ngang alam ang Board Members niya.

"Mr. White, Paumanhin ngunit para saan ba ang pagtawag mong itong sa amin?" tanong nang isang board member na naupo lang sa may kanan ni Mr. White.

"Tungkol ba ito sa mga Plano mong gawin sa Paaralan." tanong nang isa.

"O sa panganib na nakaambang?" pagpapatuloy ng isa pang board member.

"Tama ang iyong palagay, Mr. Xion. Isang panganib nga ang hatid ng pagbabalik ni Vlad." sabi niya na ikinagulat naman ng mga kasamahan niya.

"Ano?!"

"Imposible iyon!" di makapaniwalang saad nang isa.

"Panong--?!"

"Alam ko, maging ako ma'y nagulat rin sa natuklasan. Ngunit namataan syang umaaligid sa eskwelahan nitong mga nakaraang araw." sabi ni Mr. White. Napatahimik naman ang buong Kwarto. Nag-iisip at pawang piapahinahon ang mga utak dahil sa gulat.

"Ngunit di yan ang pinapangambahan ko." Pambabasag ng katahimikan ni Mr. White.

"Ano?"

"Buksan niyo ang mga Folder na nasa harapan niyo." utos nito at tumalima naman sila. Nang makita nila ang laman nito, nangunot ang kanilang mga noo sa pagtataka.

"Bakit? Anong problema sa Irises' Cave? Wala naman ata akong nakikitang problema para talakayin pa natin to ngayon?" tanong ni Mr. Z nang mabasa ang kabuuan ng inpormasyong ibinahagi sa kanila ni Mr. White.

"Walang Problema? ha?" Sarkastikong sabi ni Mr. White. "Sa dami-dami ng mga tauhan nating pinadala at sumubok na makapunta sa mismong loob ng kweba ay wala pa ni isa sa kanila maliban sa iisang taong kilala natin ang nakatapak man lang o nakakita sa Moon's Flower!!" Tumaas ng bahagya ang boses ni Mr. White, palatandaang galit ito. "At ang masama pa nito ay dumarami na ang nagkakainteres sa bulaklak na iyon! Ano nalang ang gagawin natin kung sakaling may makauna nun?" Di naman naka-imik ang mga taong nasa loob ng kwarto sa sinabing iyon ni Mr. White.

"M-mr. White. Ginagawa naman po namin ang lahat para makahanap ng taong maipapadala dun." pambabasag ng katahimikan ng isang board member na nakaupo sa may dulong bahagi ng mesa.

"O-oo. Sinisigurado p-po naman namin--"

"Wala namang problema sa kung sino ang ipapadala natin dun eh! Ang problema ay kung papano natin maipapadala ang tauhan natin anng hindi nawawalan o nauubusan ng ability!! Yun lang, Kung PAANO?!" pasigaw ulit na sabi ni Mr. White. Muli namang di nakaimik ang mga board members.

"Figure this out as soon as possible. Pinapainit nito ang ulo ko!" galit paring sabi ni Mr. White habang hinihilot ang sentido.

"Y-yes. Sir." nauutal na sabi naman nung isa.

"Now, turn the pages to the last one." utos ni Mr. White sa kanila na ngayo'y bahagyang kumalma na.

"Anong kinalaman ng taong to?" tanong ni Mr. Xion habang nakatingin parin sa papel na napapaloob sa folder na hawak hawak niya.

"Isa syang Rij. Kaya di malayong kamag-anak yan ni Vlad." tiningnan niya muna ang reaksyon ng mga kasamahan niya bago sya nagpatuloy. "at ayun pa sa nakuha kong impormasyon, isang misteryosong tao ang nag-enroll sa babaeng yan dito." dagdag pa niya.

"Kung isa nga syang Rij. Malaking banta nga yan para satin."

"Sang-ayon ako."

"Matalino si Vlad, Mr. Z at nangangamba ako sa planong namumuo sa isip niya. Hindi natin alam ang takbo ng utak niya lalong lalo na't alam nating lahat ang kaya niyang gawin at Hindi ko rin masisigurado kung ano ang susunod niyang hakbang." sabi ni Mr. white.

"Bakit ba kasi ang hirap mapuksa ng mikrobiyong yun." inis na banggit ni Mr. Xion. "Ipinadala na nga natin kay kamatayan, natakasan pa." dagdag pa nito.

"Nais ko lang ipaalala sa inyo na Isa pa lang yan sa mga problemang kinakaharap natin ngayon." tumango tango naman ang mga kasama niya.

"Pero Mr. White, Kung isa syang Rij, Di malayong sinabi sa kanya ni Vlad ang tungkol sa bagay na iyon." sabi naman ni Mr. Z

"Hindi. Alam kong hindi sasabihin ni Vlad ang tungkol sa bagay na yun sa babaeng yan dahil alam niyang pipigain natin sa babaeng yan ang impormasyon tungkol sa Irises' Cave. At isa pa, Alam ko ring tinatakot lang tayo ni Vlad." Sabi ni Mr. White.

"Mr. White. Ano bang meron sa Irises' Cave? Ano bang kayang gawin ng Moon's Flower? Bakit pa tayo nag-aaksaya ng tauhan para makapunta dun?" sunod sunod na tanong ni Mr. Z.

"Hindi ko yan masasagot ngayon Mr. Z." sabi ni Mr. White. "Pero sa kung ano pa man, gusto kong tutukan niyo ang babaeng yan at wag galawin. Manmanan niyo muna at siguraduhin niyo ring mahuli niyo si Vlad. Adjourned." dagdag ni Mr. White bago tuluyang tumayo at iwan ang mga di makapaniwalang Council Board Members sa sinabi nito.

Sa kabilang banda naman.

Nang makalabas na si Mr. White sa kwarto, dumiretso siya agad sa opisina niya at naupo sa swivel chair niya. "Vayne." Lumitaw naman ang pigura ng lalaki sa dilim nang tawagin ni White ang pangalan nito. "Eliminate this person. Siguraduhin mong walang makakaalam, palabasin mong aksidente lang." sabi ni White bago ibigay ang Folder na naglalaman ng impormasyon sa taong papatrabuhin nito kay Vayne.

"Yes, Master." Tugon ni Vayne bago mawala ng tuluyan sa dilim.

***

Samantala

"Akalain mo yun, may natitira pa pala talaga akong konsensya." sabi ni nalang Eide habang nakangiti ng mapait. "Gago ka talaga, Vlad. tsk." dagdag pa niya.

[ASPER]

"Asper. Tara na bangon na. Naman ih!" panghihila sakin ni Kayle.

"Ayoko nga. Kayo na muna." sabi ko na antok na antok pa. Jusko naman pagod ako! Gusto ko lang matulog. Please!

"Huy Babae! May Pasok pa tayo. Di pwede yang antok mong yan! Kailangan energize ka kasi magtetraining pa ngayon!!" sabi ni Ashley, more like sinigaw niya.

"Ano ba. Una na kayo." sabi ko.

"Sus! Wag mo kaming bilugin sa una-una mong yan kasi alam naming kapag ganyan ka, di ka na tatayo. Matutulog ka na lang buong araw." mahabang sabi ni Ashley, more like sermon. xD hahaha.. More like twice ko na atang nasasabi yang more like ah. Labag man sa loob ko, bumangon nako. Kahit kasi anong gawin ko alam kong kukulitin lang rin ako ng dalawang ito; Di rin ako makakatulog.

"Bilisan mo na baka malate pa tayo niyan eh." sabi ni Kayle.

"Oo na, Oo na, para kayong Kuya ko. Demanding." pagrereklamo ko.

"May Kuya ka?" tanong ni Ashley.

"Oo. Di ko pa ba nababanggit sa inyo?" sabi ko.

"As far as i can remember, Hindi eh." sabi naman ni Kayle.

"Oh ayan, nabanggit ko na. Maliligo nako." sabi ko at dali daling pumunta ng banyo at ginawa ang dapat gawin. Nang matapos nako sa mga kailangan kong gawin. Inaya ko na sila para pumasok na.

"Ano bang sched. ngayong araw?" tanong kila Kayle.

"Uhm. Training lang ata eh, pero ngayon may History pa tayong papasukan." sabi ni Kayle.

"Ahhh." sabi ko nalang bago tuluyang umupo sa upuan ko. Lumapit naman sila Kayle, Ashley, at Nikki sa upuan ko.

"Hey. Bakit di ko nakikita si Biskwit ngayon?" pagtatanong ni Nikki samin.

"Bakit? Namiss mo no?" pang-iinis ko sa kanya.

"Hindi ah!" pagtanggi niya.

"Uuuy, may namimiss." sabay na sabi ni Ashley at Kayle.

"Hindi nga." Naiinis kuno na sabi ni Nikki.

"Namimiss niya si Krema. Namimiss niya si Krema. Uuuuy." gatong ko pa.

"Hindi ko nga siya sabing namimiss eh!" sabi niya.

"Eh hindi." nakangisi namang tugon namin.

"Hindi ko nga sya sabing namimiss eh!!" ulit pa niya. Masyadong obvious.

"Sinong hindi namimiss?" tanong ni Krema na nasa likod niya pala.

"a-ah?" tanging lumabas sa bibig ni Nikki nang marinig ang boses ni Krema.

"Sinong hindi mo namimiss Niks?" sabi ni Krema.

"Uy, Sino daw ang hindi mo namimiss." panunudyo ni Ashley.

"Heh! B-bahala na nga kayo dyan!" taray tarayang sabi ni Nikki bago nagwalk-out. Nagtawanan naman kami nila Kayle sa nakita.

"Napano yun?" nakakunot noong sabi ni Krema. Nagkibit-balikat nalang kami at nagkatinginan sabay sabing... "Ewan namin." Maya maya pa dumating na ang Prof. namin sa History, si Professor Chardson.

"Morning Class." bungad na bati ni Professor Chardson samin pagkapasok na pagkapasok niya. Automatic namang nagsibalikan na ang mga classmate ko sa kani-kanilang upuan. Nagtataka kayo kung bakit walang good? Pwes, pareha lang tayo, Di ko rin alam. Nakasanayan na eh, ano pa bang magagawa ko?

"Morning Prof. Chardson." Bati rin namin at dahil sa mabubuti kaming estudyante, Bumati muna kami bago tumayo. Sira sira kasi tuktok namin kaya ayun, nauna ang bati kesa sa pagtayo pero wag ka! Synchronize kami! hehehehe.

"Okay, take your seats." sabi niya at iniayos ang kanyang mga bitbit maging ang salamin niya, at nung masigurado niyang naisaayos na niya bumalik ang tingin niya samin.

"How's your day so far? Magaganda ata ang mga ngiti natin ngayon ah." nakangiting sabi niya samin.

"So far so good naman po Prof."

"Okay lang Prof."

"Prof. ang sama ng bati ng araw ko."

"Okay lang."

"Salamat Prof."

"Ganon parin pooo." Sagot ng mga classmate ko in-chorus. Ayos kami no? Sabay sabay talaga!

"I see. Well, Okay. Since majority of you are in a good mood. I bet it's time to tackle a long-looooong History." sabi niya.

"Sige sir. Game kami dyan ngayon!" sigaw nang isa kong kaklase eh. Kumagat naman? Nabola lang ah.

"Okay let's start." sabi niya sabay buklat ng librong dala niya. Siya sige, mga mambabasa bibisita nako sa dreamland.

"Apat na raang taon na ang nakakalipas, may isang emperyong itinatag ang Hari ng Arilleya. Ang Emperyong yun ay itinatag para sa kaisa-isang anak niya, ang nag-iisang prinsesa ng Arilleya..."

"Wow naman Prof! Ang yaman yaman pala talaga ng Hari na yan no? Kung tatay ko siguro yan, ang swerte swerte ko na!" sabat ng isang classmate. Shet naman! malapit na sana akong magdrift away, Sumigaw ka pa?! Naman oh!

"Swerte ka talaga.. Anyway, ang emperyong yun ay pinangalanang Luna Emperia or the Moon's Empire alam niyo kung bakit Luna Emperia ang pinangalan?" sabi niya. "Dahil ito sa buhok ng prinsesa na sing-ganda at kulay ng buwan." yun oh! Sya na nga nagtanong, sya pa rin sumagot.

"Well class, Listen very carefully because this time we will be having a short quiz afterwards. Okay let's continue, The Moon's Empire is said to be the largest empire ever built hundreds of years ago and believe it or not class, Luna Emperia is the most powerful empire ever exist yet no one ever ruled it for 8 years, since the Princess' Father is the ruler of Arilleya. Not until The Kings' only daughter, the princess, married a very young and fine man, not a prince but a brave one. BUT according to the law of the kingdom, 'A royal blood must marry a royal blood' since--" naputol ang sasabihin ni Prof ng may kumatok sa pinto.

"Come in." sabi ni Prof. Binuksan naman ng bahagya ng babae ang pinto. Maganda sya pero di siya katangkaran.. basta maganda sya pero mas maganda ako.

"Prof, pinapatawag po kayo sa faculty. Meeting daw po." sabi niya, di pala papasok.

"Okay, I'll be there. Thanks Ms.?" pagtatanong ni Prof.

"Toni." sabi niya.

"Okay. thanks." And with that umalis na sya.

"So class, I guess my lesson for today is Dismissed. Tomorrow we will continue." Sabi niya bago sya tuluyang umalis.

"Pano ba yan? Tutulog na muna ako." Sabi ko at hiniga ko na ang ulo ko sa desk. Pero bago pa man ako tuluyang makatulog may tumapik ng balikat ko. Tinignan ko kung sino ito.

"Oh?" walang ganang tanong ko. Pano ba naman kasi isturbo sa tulog si Krema.

"May pag-uusapan tayo." seryosong sabi niya. Nagulat naman ako sa itsura niyang yun. Si Krema ba talaga ito? Ni walang bahid ng biro ang expression ng mukha niya, di tulad ng karaniwan na niyang nakangiting mukha.

"B-bakit?" nauutal na sabi ko. Di kasi ako sanay na kausapin niya ko ng ganito kaseryoso.7

"Mahalagang bagay ang pag-uusapan natin." sabi na nanaman nya. Bigla naman akong kinabahan.

"A-about what?" tanong ko sabay lunok. Ano bang nagyayari kay Krema? Letse, kinakabahan na talaga ako.

"About." sabi niya. Napaluno naman ako ng sunod sunod "About your Ability." sabi niya. 

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

3.6M 160K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story โ‹˜ โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ โˆ— โ‹…โ—ˆโ‹… โˆ— โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ โ‹™ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...
3.3K 235 38
Isang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Drea...
21M 767K 74
โ—ค SEMIDEUS SAGA #01 โ—ข Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
14.5K 1.6K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...