Agent Bexxx 69 and the Missin...

XrossKyuuketsuki

109K 2.5K 284

Championship ng Collegiate Basketball Association of Manila subalit habang ang mga bus ng magkabilang koponan... Еще

From the Author
Prologue
Chapter 1: German Cut
Chapter 2: Basta Pulis, Matulis!
Chapter 3: The Water Boy
Chapter 4: OGG Investigated!
Chapter 5: The Bounty Hunter
Chapter 6: Haba ng Hair!
Chapter 7: Atcheng the Assassin
Chapter 8: Inlababo Ang Ateh Natin!
Chapter 9: The More, The Merrier!
Chapter 10: Buwis-Buhay na Pagsalakay! (Part 1)
Chapter 12: Buwis-Buhay na Pagsalakay! (Part 3)
Chapter 13: Agent Bexxx 69: Ang Tunay na Kuwento
Chapter 14: The Chameleon Armour Suit War (part 1)
Chapter 15: The Chameleon Armour Suit War (part 2)
Chapter 16: Love, Love, Love!
Epilogue
AGENT BEXXX 69 RETURNS!

Chapter 11: Buwis-Buhay na Pagsalakay! (Part 2)

2.8K 84 12
XrossKyuuketsuki

Chapter 11: Buwis-Buhay na Pagsalakay! (Part 2)

"LANTIS, ILAAAG!!!"

Mabilis na nailigtas nina Marian R. at Christine R. sa tiyak na kamatayan ang guwapong bounty hunter na si Lantis Jakobsen.

Matapos kasing magamitan ng Hypnotic Sword ay hindi maigalaw ni Lantis ang kaniyang katawan. Mabuti na lamang at kahit abala sina Marian R. at Christine R. sa pakikipaglaban sa ibang mga goons ay mabilis nilang naagapan ang pag-atake ni Atcheng the Assassin. Kung nagkataon ay pugot-ulo na sana ang papa Lantis natin.

Combined turning, long roundhouse kick nina Marian R. at Christine R. ang nagpatalsik kay Atcheng the Assassin. Sabay din nilang hinablot si Lantis palayo sa eksena.

"Pero in ferr, gusto ko ng espadang 'yon! Hindi makakagalaw ang target mo." Ani Marian R. kay Christine R. Tinutukoy ang sandata ni Atcheng the Assassin.

"I know, right?" Sagot ni Christine R. "Kay Daniel Matsunaga ko unang gagamitin yan. Hihihi!"

"Iiiihhh... hakeen siya ehh!" Si Marian R.

"Mawalang galang na," pagsingit ni Lantis. "pwede rin tayong bumangon."

Sama-sama kasi silang nabuwal nang itakas ng dalawa si Lantis. Ending, sa ilalim ang bounty hunter at nakapatong sina Marian R. at Christine R. sa kanya. Nahiya naman ang dalawa at mabilis silang bumangon.

"Ehrmhengahrd!" Bulalas ni Christine R. nang makatayo sila. "Puro alikabok ka Lantis, pagpagan natin."

Ang lola nyo naman, para-paraan lang. Kasi ang pinagpagan ay iyong bukol sa harapan ng papa Lantis natin. Nasaway naman siya ni Lantis kaya hindi nya masiyadong naisagawa ang pananyansing niya (nu raw? hahaha). Gagaya din sana si Marian R. pero inambahan na siya ng sapak ni Lantis.

"Pakiusap naman mag-focus kayo!" Ani Lantis. "Bumabangon na naman si Atcheng the Assasin."

"Ok, fine!" Ani Marian R. "Oh, teh, narinig mo si baby Lantis. Magseryoso na raw tayo."

"Gue, push na natin toh!" Sagot ni Christine R. "Step aside, darling. Panuorin mong lumaban ang tunay na babae!"

Itinulak ni Christine R. sina Lantis at Marian R. para siya lang ang lalaban kay Atcheng the Assasin. Humanda naman si Atcheng the Assasin para sa susunod niyang pagsalakay.

Nagpakiramndaman muna sina Atcheng the Assasin at Christine R. at sa wakas ay sumugod na ang kalaban. Pero laking gulat ni Lantis nang sa halip na lumaban ay biglang tumakbo si Christine R. Hindi naman papayag si Atcheng the Assasin na makalayo si Christine R. kaya dali-dali niya itong hinabol.

May ilang saglit pa silang naghabulan sa paligid nang biglang nabuwal si Christine R. at nadapa sa sahig. Mabilis siyang pumihit at naroon si Atcheng the Assasin, nakaumang na upang saksakin siya ng espada.

"Anong ginagawa niya?" Nagaalalang tanong ni Lantis. " Bakit hindi siya bumagon?"

"Watch and learn, baby Lantis..."

Hindi inaasahan ni Atcheng the Assasin ang sumunod na ginawa ni Christine R. Nang malapit na kasi si Atcheng the Assasin ay biglang nag whirlwind kick si Christine R. at nasipa niya ang binti ni Atcheng. Siya naman ang nabuwal sa sahig at mabilis na umibabaw si Christine R. para pagsasapakin ang mukha ng afro samurai na kontrabida.

"Nahuli sa bitag ang baklang uling." Ani Marian R.

"Ha? Bakit, ano'ng nangyari?" Nagtataka pa rin si Lantis habang pinagmamasdan ang panggugulpi kay Atcheng the Assassin

"Ang tawag sa ginawa ni Christine R. ay ang Eva Fonda's Habulan-gahasa technique!"

"Watdapak?!"

"Let me explain: gaya ni Eva Fonda, tatakbo siya na parang hinahabol ng mga rapist. At gaya ng kadalasang nakikita sa pelikula, madadapa ang biktima. Pero sa technique ni Christine R., paraan nya lamang ito para ma-trap ang kalaban. Sa oras na mahuli niya ito sa bitag ay katapusan na ng kalaban."

"Wow!" Sambit ni Lantis habang patuloy ni pinapanuod si Christine R.

Matapos ang halos unlimited punches na nag emergency landing sa feslak ni Atcheng the Assassin ay bumuwelo si Christine R. para sa kaniyang finishing move: itinaas niya ang dalawa niyang kamay, tikom pa rin ang kamao, at isinuntok ito ng sabay sa mukha ng kalaban. Sa sobrang lakas ng impact ay nakarinig pa sila ng mala-pagsabog na tunog.

"Ang finishing move: Dalawang Putok!" Paliwanag ni Marian R.

Dahil sa pagkatalo ni Atcheng the Assassin ay pinanghinaan na ng loob ang mga goons at nagsisuko na rin ang mga ito sa police force. Mabilis namang kumilos sina Lantis, Marian R. at Christine R. upang pasukin ang loob ng hangar.

Subalit tulad ng nangyari sa unang hangar, wala ring laman'g eroplano ang isang ito. At ang pinaka-shocking sa lahat ay lumabas si Atcheng the Assassin mula sa kung saan, fresh na fresh at ni wala man lang bakas na napalaban ito.

"Imposible toh!" Gulat na sambit ni Christine R. "Binasag ko na ang bungo mo kanina!"

"Oh, you mean this doll?" Maangas na sagot ni Atcheng the Assassin sabay ipinakita ang hawak niyang wasak na ulo ng Atcheng the Assassin model na tinalo ni Christine R.

"Robot?" Bigkas ni Lantis. "Robot na clone lang ang nakalaban natin kanina at halos mapugutan ako ng ulo?!"

"Kaya naman pala andaling talunin!" Paningit ni Marian R. "Hey, you!" Tinawag niya si Atcheng the Assassin. "You packing samamabits! Why are you inglis-inglis? Can you ispik Tagalog?"

"I can, but I won't." Tugon ng kalaban. "I ain't gonna stoop down to lowlies like y'all!"

"Ampota!" Pikon na si Marian R. "Don't inglis me, I'm get angry easily!"

"Well, then bring it on!"

"Sandali." Pag-aawat ni Lantis kay Marian bago pa ito makasugod sa kalaban. "Sa tingin ko ay iyan na ang tunay na Atcheng the Assassin. Kailangan natin ng mas ibayo pa'ng pag-iingat!"

"Agree!" Ani Christine R. "Marian R., i-distract natin si Atcheng the Assassin. Baby Lantis, bibigyan ka namin ng opening para ma knock-out na for good ang muchas grasas na iyan!"

"Let's do it!" Tugon ni Lantis.

Mabilis na pinagitnaan nina Marian R. at Christine R. si Atcheng the Assassin. Hinugot din naman ng kalaban ang kaniyang samurai.

"Mars, ingat lang." Babala ni Christine R. kay Marian R. "Kung ito na ang tunay na Atcheng the Assassin, siguradong mapanganib ito."

At hindi pa man nakakasagot si Marian R. ay mabilis na umatake si Atcheng the Assassin. Gaya nga ng hinala nila, mas fluid at mas deadly ang mga galaw nito. Sandaling umatras ang dalawa. Si Lantis naman ay pasimpleng lumalapit para kumuha ng timing.

"Alam mo teh," ani Marian R. kay Christine R. "mukhang hindi tayo ang distraction na kailangan para talunin tong hitad na to."

"You mean..." Si Christine R.

At mukha ngang nagkapareho ng iniisip ang dalawa. Mabilis nilang pinuntahan si Lantis at nang makalapit sila ay pinunit nila ang damit nito. Labas agad ang six-pack abs ng nagulat na si Lantis.

"'Wag kang magulo!" Pagsasaway ni Marian R. "Strategy to. Bilisan mo, ikaw ang lumaban kay Atcheng the Assassin."

Kinuha ni Lantis ang bago niyang latigo na nakasukbit sa kaniyang baiwang at lumapit kay Atcheng the Assassin. Para ngang tumalab ang plano dahil ang kalaban ay nakatitig ngayon sa abs ni Lantis. Pero dahil sadyang alisto rin ito ay nasalag ng samurai niya ang unang hagupit ng latigo ni Lantis.

Si Atcheng the Assassin naman ang sumugod. Sinabayan naman siya nina Marian R. at Christine R. ngunit hindi para pigilan sa pagsalakay, kung hindi upang hawakan si Lantis sa magkabilang braso. Minsan pa ay gulat na naman si Lantis. Samantalang ang kalaban, bagama't bahagyang nagtaka ay sinamantala ang pagkakataon upang maka-slash!

Mabilis namang ipinihit nina Marian R. at Christine R. si Lantis kaya sa halip na mapuruhan siya ay ang suot niyang army pants ang nahiwa. Lawlaw ang pantalon ni Lantis, at minsan pa ay napukaw na naman ang atensiyon ni Atcheng the Assassin nang makita ang bukol sa harapan ng boxer brief ng bounty hunter.

Sinamantala naman ito nina Marian R. at Christine R: Combined front kick ang pinawalan nila. Sapul si Atcheng the Assassin sa sikmura. Napaatras man ito sa sakit ay madali itong nakabawi at sinugod silang muli. Minsan pa ay ipinihit ng dalawa si Lantis at tuluyan na ngang nahiwa ng kalaban ang pants niya. Sa ngayon, ang tanging suot ni Lantis ay ang combat shoes at boxer brief na lamang.

"Ano Atcheng?" Si Christine R. "Kuntento ka na ba'ng ito lang ang nakikita mo sa baby Lantis namin? Sumugod ka pa, may suot pa siya oh..."

Bagamat hindi komportable ay hindi na nanlaban si Lantis. Nakikita naman kasi niyang effective ang style na to. Kumawala si Lantis sa pagkakahawak nina Christine R. at Marian R. Matapos nito ay tumalikod siya at mabilis na ibinaba ang suot na boxer brief. Dito na sumirit ang dugo sa ilong ni Atcheng the Assassin nang tumambad sa kaniya ang makinis at matambok na puwet ng bounty hunter.

Ito na ang opening na hinahanap nila at mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Ginamit muli nina Christine R. at Marian R. ang kanilang combined turning, long roundhouse kick at sapul sa mukha si Atcheng the Assassin. Gaganti sana ito pero tinawag siya ni Lantis at nang lingunin niya ang bounty hunter ay nakaharap ito sa kaniya at tinatakpan lang ng dalawang kamay ang kaniyang junjun. (JUICE KOOOOHHH!!! Sana pelikula to!!!)

Parang si Atcheng the Assassin ang na-hypnotize sa nakita at tuluyan na itong hindi nakagalaw. Nabitawan na rin niya ang kaniyang samurai. Oras na para gamitin ng dalawa ang kanilang mga killer moves!

Unang kumilos si Marian R. Nagsimula siya sa marahang pag-indayog ng kaniyang katawan hanggang sa bumilis ito.

(Play Marimar theme song)

"Tingnan lang natin kung kakayanin mo ang aking Killer Samba Technique!" Ani Marian R.

Habang patuloy sa pag-indayog si Marian R. ay papalapit din siya kay Atcheng the Assassin. Nang tuluyang makakuha ng tamang distansiya ay sinimulan na niya ang pag-atake:

Sa isang mabilis na spin ay nasampal niya si Atcheng the Assassin. Sinundan niya ito ng isa pang ikot pabalik at tadyak naman ang naglanding sa sikmura ng kalaban. Habang gitla pa ito dahil sa sakit ng tinamong atake ay hinablot naman siya ni Marian R. at siya naman ang pinaikot. Nagmistulang puppet si Atcheng the Assassin dahil wala siyang magawa upang kumawala kay Marian R. Sa kaniyang pag-ikot ay may tatamang malakas na sipa at suntok sa kaniya, kaya mas lalong napabilis ang pagkahilo niya.

"Tikman mo to," ani Marian R. "Corazon Collision!" Dinunggol niya ng puwet niya si Atcheng the Assassin at napaatras ito na susuray-suray pa rin.

Hindi pa man ito nakakarekober ay sinundan niya ito ng isa pa'ng special attack: "Sergio Sabunot!" Hinablot niya ang malago'ng afro hair ng kalaban at matapos makabuwelo ay inihagis niya ito sa ere.

Habang nasa ere si Atcheng the Assassin ay lumundag din si Marian R. upang isagawa ang kaniyang final attack: ang air combo na tinawag niyang "Hampas-Lupa-Killer-Combo-by-Senora-Santibanez Attack".

Ang atakeng ito ay kombinasyon ng mga super kicks and punches na magtatapos sa isang malakas na sipa, at hahampas sa lupa ang kalaban. Sa lakas ng impact ay imposible nang mabuhay pa ang kalaban. Pero dahil gusto pang tirahan ni Marian R. ng gagawin si Christine R. at Lantis ay naging gentle pa siya kay Atcheng the Assassin at hindi niya pa ito pinatay.

Humanda naman sina Lantis at Christine R. para tuluyan nang tapusin si Atcheng the Assassin, nang mula sa kung saan ay may nagsalita. Nanggagaling ang boses sa speakers na nakapalibot sa loob ng hangar.

"AGENT BEXXX 69!" Wika ng tinig. "BETTER LUCK NEXT TIME NA LANG DAHIL WALA DITO ANG HINAHANAP MO. NAKALIPAD NA ANG EROPLANO'NG SINASAKYAN NG MGA MISSING VARSITIES. PERO HUWAG KANG MALUNGKOT: DAHIL ALAM KONG MAHIHIRAPAN KANG TANGGAPIN ANG IYONG PAGKATALO AY TUTULUNGAN NA KITA'NG TAPUSIN ANG BUHAY MO!"

Muling bumangon si Atcheng the Assassin, at kahit na hirap na hirap na sa tindi ng panggugulpi ni Marian R. ay nagawa pa nitong dumukot ng tila remote control sa loob ng kaniyang hakama pants at pinindot ang buton nito. Minsan pa ay may nagsalita sa speakers:

"WARNING: SELF-DESTRUCT ACTIVATED! THIS BUILDING WILL EXPLODE IN T-MINUS THIRTY SECONDS!"

Nagsimula na ngang umusok ang paligid. Dali-dali namang tumakbo sina Lantis, Marian R. at Christine R. palabas ng hangar. Kailangan nilang makalayo agad. Samantalang si Atcheng the Assassin naman ay naiwan sa loob at tawa lang ng tawa.

"...T-MINUS 20 SECONDS"

Nasa bakuran na ng area ang tatlo.

"...T-MINUS 10 SECONDS"

Nakalabas na sila ng area subalit hindi pa tuluyang nakakalayo upang masabi'ng ligtas na sila.

"...5..."

"...4..."

"...3..."

"...2..."

"...1..."

"GOODBYE!"

xxxxxxxxxxxx

A/N: Waaaaahhh! Sana wala'ng masamang nangyari sa grupo ni Lantis!

Anyway, sa next chapter ay moment na sa wakas ng ating beking bida, dito pa rin 'yan sa Agent Bexxx 69 and the Missing Varsities! Abangan : )

Votes or comments are always appreciated.

Продолжить чтение

Вам также понравится

DRIVE ME CRAZY (boyxboy) Tandang D

Любовные романы

69.6K 2.2K 29
"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy appr...
Ezrael (BxB) Aoi Saeba

Художественная проза

129K 1K 7
Mahirap at isang payak na pamumuhay ang kinagisnan ni Ezrael. Marami siyang pangarap sa buhay na gusto niyang matupad ngunit hindi sapat ang pangara...
881 80 17
Pheromone Series 1: A Sylveria's Game(BxB) Does anyone wants to play a game? Let's play a game. The rules are simple and easy. Don't ever lay a hand...
21.8K 854 46
Esme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the book and falls asleep, she found out that s...