Agent Bexxx 69 and the Missin...

By XrossKyuuketsuki

109K 2.5K 284

Championship ng Collegiate Basketball Association of Manila subalit habang ang mga bus ng magkabilang koponan... More

From the Author
Prologue
Chapter 1: German Cut
Chapter 2: Basta Pulis, Matulis!
Chapter 3: The Water Boy
Chapter 4: OGG Investigated!
Chapter 5: The Bounty Hunter
Chapter 6: Haba ng Hair!
Chapter 7: Atcheng the Assassin
Chapter 9: The More, The Merrier!
Chapter 10: Buwis-Buhay na Pagsalakay! (Part 1)
Chapter 11: Buwis-Buhay na Pagsalakay! (Part 2)
Chapter 12: Buwis-Buhay na Pagsalakay! (Part 3)
Chapter 13: Agent Bexxx 69: Ang Tunay na Kuwento
Chapter 14: The Chameleon Armour Suit War (part 1)
Chapter 15: The Chameleon Armour Suit War (part 2)
Chapter 16: Love, Love, Love!
Epilogue
AGENT BEXXX 69 RETURNS!

Chapter 8: Inlababo Ang Ateh Natin!

4.6K 105 5
By XrossKyuuketsuki

Chapter 8: Inlababo Ang Ateh Natin!

NAKATANGGAP ng mensahe si Agent Bexxx 69 mula kay Capt. Zach Tagle na siya muna ang mag-iimbestiga habang naghihintay sila ng resulta ng image scan ni GURL. Dahil dito ay nagpasiya si Agent Bexxx 69 na pansamantala muna siyang magdi-day off. Huhubarin muna niya ang katauhan ng secret agent at sa araw na ito, siya muna ulit si Perry Haschwald.

Kabaligtaran din ng kaniyang flambouyant costumes tuwing siya si Agent Bexxx 69, ang katauhan ni Perry Haschwald ay simple lang manamit: jeans and shirt lang ok na; once in a while, naka-jacket din siya. Lumalabas tuloy ang kaguwapuhan ng ating bida. Dumaan muna siya sa pag-aari niyang salon na malapit lamang sa kaniyang mala-palasyong tahanan. Ito ang salon kung saan ay tumatao ang kaniyang tiyuhin na si Donovan. Kasalukuyan itong nasa lobby ng salon nang dumating si Perry.

"Perry!" Masayang bati ni Donovan sa kaniyang pamangkin nang makapasok ito sa salon. "Mabuti naman at may time ka dumalaw sa salon ngayon."

"Siyempre po uncle." Sagot ni Perry. "Mamamasyal kasi ako at gusto ko po sanang hiramin si Solenn."

"Ay naku, may ginugupitan pa ata si Solenn. Halika, puntahan natin siya..."

Sinamahan nga ni Donovan si Perry sa main hall ng salon and as usual, bumungad na naman sa kaniya ang mala-18th Century na setup nito: antigo ang mga muebles at iba pang gamit dito, at ang mga chandeliers ay parang iyong tipo na makikita mo lang sa palasyo ni Queen Elizabeth.

Sa isang sulok ay doon nakapuwesto si Solenn. Lumapit sina Donovan at Perry sa kaniya.

"Hello, Solenn!" Pagbati ni Perry.

Mabilis namang tumalima si Solenn. Siyempre, sa pangalan pa lang, mala-Solenn Heusaff talaga ang ganda niya. Pero siyempre, looks can be deceiving --- si Solenn ay bunga ng siyensia: matangkad, makinis, maganda at higit sa lahat, dati ay may bay*g siya (ngahahaha!). Pero sa lahat ng nabanggit ay wala diyan ang dahilan kung bakit siya ang isasama ni Perry. Si Solenn kasi ang kaniyang on-call bodyguard.

Ganito kasi yan: bagama't alam ni Donovan na kayang ipagtangol ni Perry ang sarili niya ay iniiwasan nilang ma-expose ito sa publiko. As we all know, kilala ang mga Haschwald sa kwentong ito at si Perry ay laging target ng mga paparazzi. Kung mai-expose ang kaniyang fighting skills at may makakuha nito sa video, baka mapanuod ito ng mga kalaban nila at mabuking pa na siya si Agent Bexxx 69 dahil mapagkukumpara ang mga galaw nila.

May ilang beses na rin kasing may nagtangka sa buhay ni Perry kaya kailangan niya ng body guard. Simple lang naman ang trabaho ni Solenn. Kailangan lang na magkaroon ng pagkakataong makapagtago si Perry upang ma-activate ang Chameleon Armour Suit niya. Pag ok na, may matatanggap na signal si Solenn at siya naman ang eeskapo.

"Hi Perry." Masayang bati ni Solenn sa ating bida. "Sandali lang. Matatapos na ko dito." Binalingan naman ni Solenn ang ginugupitan niya na isang guwapong binatilyo. "Oi ikaw, Kiyoteru, sabi ko naman sayo regular kang pumunta dito sa salon. Sige na, puntahan mo si Ganda. Sa kaniya ka muna magpa-shampoo. Bumalik ka na lang dito para ma ano na kita, ma blow..."

"Kiyo!"

Hindi natapos ni Solenn ang sasabihin niya kay Kiyoteru dahil biglang may isa pang binatilyo ang pumasok sa eksena.

"Oi, Yuuto!" Sambit ni Kiyo. "Saglit na lang ako. After ko ma-shampoo, blow dry na lang then aalis na tayo."

"Ang sweet naman ng jowa mo, Kiyoteru. Sinusundo ka pa!" Pabirong wika ni Solenn.

"Bestfriend ko siya, OK?"

"I know, right? Hindi ka na nasanay sa akin..."

Nang makaalis ang kliyente ay binalingan namang muli ni Solenn si Perry.

"Saan tayo ngayon, teh?"

"Samahan mo ko mag-shopping." Sagot ni Perry.

~~~~

SA SHANGRI-LA PLAZA dumerecho si Perry at Solenn. Bumili si Perry ng sapatos sa Hush Puppies, ilang pares ng jeans sa Versace, at mga shirts sa Gucci,  Lacoste, at Burberry. Sorry, I forgot to tell you na bagama't jeans and shirts ang peg na outfit ni Perry, iyong mga na-mention ko ang favorite brands niya. Simple lang di ba? Hehe...

Nang tapos nang makapamili si Perry ay oras na para humirit si Solenn ng para sa kaniya. Ito ang perks ng pagiging bodyguard ni Perry, nakakalibre siya ng mga branded items pag sinasamahan niya itong mag shopping.

Michael Kors or MK ang favorite brand ni Solenn. May nakita siyang isang royal blue handbag at itinuro niya ito kay Perry. Akmang dadamputin na sana ni Perry ang bag nang may isa pang kamay na humawak dito (mala No Other Woman lang ang eksena). Halos tumambling ang ating bida nang tingnan niya kung sino ang nagtangkang umagaw sa bag na dadamputin niya.

"Xian Li?" Sambit ni Perry sa isip niya. "Sa dinami-rami naman ng makikita ko, bakit ikaw pa?"

"You like nice things, no?" Tanong ni Xian kay Perry na bumabawi pa lang sa pagkagulat.

"Y-yeah." ani Perry. "They're my guilty pleasures. But I really don't feel guilty 'cause I deserve them."

"Xian..." Pagpapakilala ng binata at iniabot ang kamay kay Perry upang makipagkamay. Nakipagkamay naman si Perry subalit hindi niya maipakilala ang sarili niya sa binata. Muli namang nagsalita si Xian:

"So you like this bag?" Tanong ni Xian kay Perry. "Ako rin --- para iregalo ko sa mom ko."

"Ah, hindi. Ok lang. Marami pa naman yata nito. Sige na, you can buy it na."

Pa-girl ang ate natin, nalimutan na rin niya na ang bag ay hindi para sa kaniya kung hindi para kay Solenn.

"Salamat, ha. Matagal na kasing gusto ng mom ko ang bag na to. Siyanga pala, wala naman kasi akong gagawin today. Ok lang ba kung samahan kita?"

"W-what?" Parang ayaw maniwala ni Perry sa narinig niya, "Seryoso ba to'ng si Xian?" sa isip-isip niya. Pero naman kasi, nagka-crush talaga siya sa batang ito nang una niya itong makita sa interrogation room. Siguro naman ay walang masama kung samahan siya ng binata. Anyway, hindi naman siya si Agent Bexxx 69 sa mga oras na ito.

"S-sige," mahinhin ang tinig ni Perry "pwede mo ko samahan. Pero may kasama pa ako ha..."

"I won't mind." Nakangiting tugon ni Xian.

Nagkaroon tuloy ng instant na ka-date ang ate natin. Nagtungo sila sa isang restaurant at kitang-kita ang pagiging gentleman ni Xian. Lakas talaga maka-haba ng hair ang pagaasikaso ng binata sa ating bida. Pumuwesto naman si Solenn sa malapit na table para bigyan ng privacy ang ating bida.

At bagamat hindi pa rin malubos-maisip ni Perry kung bakit nakikipagdate sa isang tulad niya si Xian ay hindi niya masiyadong inalintana iyon. Una ay kilala niya naman kung sino ang ka-date niya ngayon kaya wala siyang dapat ipagalala, at ikalawa ay dahil hindi niya makita ang dalawang bodyguard na dapat ay nagbabantay ngayon sa binata. Mabuti na lang at nagkatagpo silang dalawa. Kahit papaano ay may bantay si Xian today.

"Uhm, Xian, wala ka bang kasama today?" Tanong ni Perry matapos uminom ng wine.

"Actually meron." Tugon ng binata. "Pero tinakasan ko sila. Then I saw you kaya I decided na sumama muna sayo."

"That's so nice of you naman to approach me. (Gosh! Konti pa talaga mahal ko na to!)"

"So, what keeps you busy?" Sabay na tanong ni Xian at Perry sa isa't-isa. Nagkaroon ng konting katahimikan sa kanilang dalawa hanggang sa muli nang nagsalita si Xian.

"Varsity ako sa basketball team ng school." Panimula ni Xian. "Pero hindi ako sinasalang sa mga laro. Lagi lang akong ginagawang water boy."

"How sad naman... (pero alam ko na yon)" si Perry.

"Kaya nga eh. Madalas akong nabu-bully sa team. Sa sobrang pangbu-bully nila sa akin, wala ring girls na nagpapaligaw sa akin. Ayaw kasi nila sa loser. Pero dahil digital ang karma, na-kidnap ang mga team mates ko, at ako lang ang nakaligtas."

"I'm sorry?" Gitlang tanong ni Perry. "Na-kidnap ang mga team mates mo?" Gustong makuha ni Perry ang chance na ito para matanong si Xian. Baka kasi may masabi siya kay Perry na hindi pa niya nasasabi noong nasa katauhan siya ni Agent Bexxx 69.

"Yeah. Recently lang. Did you see the news? Team mates ko ang mga iyon."

"Pano ka nakaligtas?"

"Bumaba kasi ako para mag restroom. Then noong mga time na iyon ay biglang pinasok ang bus namin at tinangay ang mga sakay nito. So naiwan ako kaya ako nakaligtas."

"Hindi ka ba natatakot na baka balikan ka ng mga kidnappers? Tapos ngayon sumasama ka sa kin na hindi mo naman kilala."

"Hindi naman, may mga bodyguards naman ako eh. Sila yung tinakasan ko. And besides, sino ba ang hindi nakakakilala kay Perry Haschwald? It's not like you're a stranger to me."

"Right!" Sagot ni Perry. "Right! Of course, kilala mo ko. Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala kay Perry Haschwald? But knowing who I am, hindi ka ba natakot na lapitan ako?"

"Why should I? Tao ka rin naman diba? And besides, I felt you're lonely kasi nga ilang lumapit ang mga tao sa'yo."

(OMG! Love na kita, Xian!)

"Uhm, Xian..." mahinhin na naman ang boses ni Perry, pa-girl na naman. "Why are you really doing this?"

"I want to be friends with you kasi I like you."

(Agad-agad?! Kalerks to, ambilis ah! Pero sabi nga, aanhin mo ang ganda kung hindi ka naman mabilis? Sige na, let's not waste our time na nga:)

"Uhm, Xian, what if I like you too? As in, like you in a very special way? As in, like you more than friends?"

"As in, like you like I love you?" Tanong ni Xian, mapang-akit ang tinig.

"Yes. As in, like you like I love you!" Sagot naman ni Perry.

"I'm fine with it!" Ani Xian. "Tayo na ba?"

(Seriously???)

"Yeah... I think, tayo na..." (Ganon ba kadesperado sa relationship ang binatang to? Porque rejected ng mga tao sa paligid niya, pati sa akin papatol na?)

So nangyari nga na, in just one day, si Xian at si Perry ay naging mag-jowa. Pati ako na-lerks kasi this is too good to be true! Kayo ba, hindi na-windang dito? Anyway, after ng meal ay naglibut-libot pa sina Xian at Perry sa mall at paminsan-minsan ay umaakbay ang binata sa ating bida.

Para silang naglalakad sa kalsadang sinabuyan ng rose petals, at may lumilipad-lipad na kerubin sa paligid, tapos may nagpi-play na music sa background:

"Why do birds suddenly appear,

Everytime you are near?

Just like me, they long to be close to you..."

Ito na ata ang happiest moment ni Perry so far. Hindi niya inakala na ang binatang tulad ni Xian ay magiging espesyal na bahagi ng buhay niya. Sabagay, mukha naman kasing walang chance na mangyari ito sa kanila ni Capt. Zach Tagle. Kasi naman, matagal-tagal na rin silang magkatrabaho pero ni minsan ay hindi nagpahayag ng interest ang kapitan. Alam naman kasi ni Perry na ang pagiging protective ng kapitan ay normal lang dito at wala itong ibang kahulugan.

Matapos pa ang ilang oras na paglilibot ay nagpasiya nang umuwi si Perry kaya nagtungo na siya sa bungad ng mall at hinintay si Solenn na kinuha ang kotse, at sinamahan naman siya ni Xian. Ilang saglit pa ay natanaw na ni Perry ang sasakyan niya na papalapit, subalit bago pa tuluyang makarating ang kotse ay may kung anong nilalang ang biglang nag-landing sa kanilang harapan: siya si Parodia Gosiengfao at upgraded version na! Mas bongga na ang outfit niya.

Mabilis niyang inatake si Perry at talsik ang ating bida sa lakas ng kaniyang KathNiel Kick. Nakita ito ni Solenn kaya binilisan niya ang takbo ng sasakyan upang tumulong. Lamang ay tila wala sa mood si Parodia na mag-aksaya ng panahon. Madali niyang hinablot si Xian at sinikmuraan ang binata, dahilan upang mawalan ito ng malay.

Binitbit ni Parodia ang walang malay na si Xian at bago pa tuluyang makalapit si Solenn ay naghagis siya ng smoke bomb. Napuno ng usok ang paligid at nang mahawi ito ay wala na rin si Parodia at si Xian.

"Solenn, ihatid mo 'ko sa secret hideout ni Capt. Tagle!" Sabay sakay sa kotse ang ating bida.

Madaling tumalima si Solenn sa utos ni Perry. Samantalang si Perry naman ay sinubukang  tawagan si Capt. Tagle subalit hindi ito sumasagot. Ilang beses pa na inulit tawagan ni Perry ang kapitan pero wala talagang sumasagot. Walang anu-ano naman ay tumunog ang wristwatch cellphone ni Perry. Tumatawag sa kaniya si GURL.

[Teh, may resulta na ang image search ko]

"Good job, GURL! Sino ang batang nakaligtas sa kabilang school?"

[Ang batang nakaligtas ay no ordinary person. Base sa aking scans, kilala siya sa maraming mukha. That's also the reason kung bakit natagalan ang search ko dahil sa dami ng match. Pero, I did further scans of the images na nag match and it turns out na ang lahat ng match na iyon ay tumutukoy lamang sa iisang tao. Walang duda na siya ang hinahanap natin dahil 100% match ang retina analysis ko. Ang lahat ng images ng mga criminals na nasearch ko ay nag-match sa iisang tao na ang picture ay matagal na'ng naka-upload sa isang social networking site na wala na ngayon. Na-retrieve ko lang ang picture niya sa archives ng CIA. Ang batang hinahanap natin ay si Ronnie Gosiengfao. Pero sang-ayon sa records, nawala siya ilang taon na ang nakalilipas at walang nakakaalam kung nasaan siya ngayon.]

"Magaling ang ginawa mo, GURL." Ani Perry. "Wala nang nakakaalam kung nasaan si Ronnie Gosiengfao dahil siya na ngayon si Parodia Gosiengfao: ang master of disguise! At siya rin ang dumukot kay Xian!"

Hindi talaga titigil ang grupo ni Parodia hanggat hindi nila nakukuha ang lahat ng targets nila. Pero ano ba kasi ang kailangan nila sa mga varsities ng magkabilang school?

Ilang saglit pa ay malapit na sa secret hideout sina Solenn at Perry kaya inactivate na ni Perry ang kaniyang Chameleon Armour Suit. Dumerecho sila sa isang tagong kalye na walang masiyadong dumaraan at doon ay pasimpleng bumaba si Perry na ngayon ay si Agent Bexxx 69 na in her Black Widow outfit (may maskara ulit para hindi ma-reveal ang face).

Pumihit na papalayo si Solenn at si Agent Bexxx 69 naman ay dali-daling tumungo sa secret door na tanging sila lang ni Capt. Tagle ang nakaka-alam. Ito ang pintuang magdadala sa kaniya sa secret hideout ng kapitan. Mabilis siyang pumasok at minsan pa ay tinangka niyang tawagan ang kapitan pero hindi pa rin ito sumasagot, hanggang sa wakas ay nalaman na niya kung bakit hindi sumasagot ang pulis: natagpuan niya itong walang malay!

Dali-dali siyang lumapit kay Capt. Tagle at pinilit itong gisingin subalit hindi ito nagkakamalay. Walang anu-ano'y naramdaman ni Agent Bexxx 69 na may nakatayo sa likuran niya. Mabilis siyang pumihit upang lingunin kung sino ang nasa likuran niya.

"LANTIS!" Bulalas ni Agent Bexxx 69 nang makita kung sino ang nakatayo sa kaniyang likuran. "Saan ka nanggaling?"

Hindi sumagot si Lantis. Kinutuban ng masama si Agent Bexxx 69...

*************

Nasa kalahati na po ang kwento natin. Kumbaga sa mga series, ang chapter na ito ang season finale. Salamat po sa mga patuloy na sumusuporta! Votes or comments are highly appreciated din po : )

See you sa next chapter!

Continue Reading

You'll Also Like

83.6K 2.7K 28
'kung hindi mo matanggap ang buong pagkatao ko, lalayo nalang ako -france 'nakakabaliw sya;'bakit nakakaramdam ako ng ganito! bakla ba ako?' -greg ...
97.8K 963 8
Dahil nangako ako sa inyo ay nag lakas loob akong muling buksan ang kwento nina Adel at Bryan Turalba. Alam ko naman na kahit papaano ay minahal nyo...
140K 5.6K 30
"Langit ka,lupa ako. Yung kuya mo Impyerno. Kung di lang kita kaibigan nasapak ko na yan! Ang hangin, maarte,suplado, alaskador,at bully. Lahat na ya...
965K 57K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***