TBS#1: The Billionaire's Obse...

By SushiLoves

9.7M 162K 6.9K

Highest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the coun... More

The Billionaire's Obsession
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
PLEASE READ THIS
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
CHAPTER FORTY SIX
About Chapter Forty Six
CHAPTER FORTY SEVEN
CHAPTER FORTY EIGHT
CHAPTER FORTY NINE
CHAPTER FIFTY
THE FINAL CHAPTER
EPILOGUE 1.0
EPILOGUE 2.0
ABOUT THE ENDING
Special Chapter #1 Grieving Process: Denial
Special Chapter #2 Grieving Process: Anger
Special Chapter #3 Grieving Process: Bargaining
Special Chapter #4 Grieving Process: Depression
Special Chapter #5 Grieving Process: Acceptance

CHAPTER THIRTY SIX

96.5K 1.7K 62
By SushiLoves

Happy new year everyone! Putukan na! Hahaha xD 🎇🎉🎊🎆📣🚨






Ikatatlupu't anim na Kabanata
Post-Traumatic Stress Disorder



PAGKABABA ni Timothy sa kanyang kotse ay kaagad siyang nilapitan ng isa sa kanilang maid. May takot sa mukha nito.

"Prince Timothy!"

"May problema ba?" tanong niya rito.

"Si Lady Abigale po. Nagwawala po sa kwarto ninyo."

Walang sabi-sabing tinakbo niya ang daan patungo sa kanilang kwarto.

Bakit siya nagwawala? Anong nangyari habang wala siya?

Pagkarating niya sa kwarto nila ay naabutan niya ang mga anak na nag-iiyakan sa tapat ng banyo.

"F*ckshit!"

Nilapitan niya kaagad si Demon at binuhat ito. Lumapit rin sa kanya si Damon at yumakap sa beywang niya.

"Daddy si mommy po nag-cry tapos nagsigaw-sigaw. Nasugatan po siya daddy sa paa." pahikbi-hikbing sumbong nito.

Habang ang kambal nito ay palahaw ang pag-iyak.

"Mommy! Waaaahhhh!"

Kinatok niya ang pinto ng banyo.

"Agapí mou! Open this door!" pakiusap niya kay Abigale.

Mukhang inatake na naman ng anxiety attack si Abigale. Bakit ngayon pa nangyayari ito kung kailan muli silang magkaka-anak. Makakasama ito sa batang nasa loob nito.

"Hindi! Hindi niyo na kami masasaktan ng baby ko! Timothy! Timothy tulungan mo kami!" napakunot ang noo niya sa sinabi ni Abigale.

Hindi ba siya nito makilala. Ganito ba talaga ang epekto ng anxiety attack kay Abigale? Anxiety attack pa ba ito o trauma na?

"Daddy sino ba ang maghu-hurt kay mommy?" inosenteng tanong ng anak niya?

Sino nga ba? Bakit nga ba inatake na naman siya?

"Daddy I'm scared! The bad man might go back here and hurt us." wika ni Demon at mahigpit na yumakap sa kanya.

'Yung bad guy? Wala ng bad guy na mananakit sa kanila. Nakuha niya na si Kuguro. Unless may iba na may gustong manakit sa mag-iina niya. Sa loob ng kanilang tahanan.

Si Rio lang ang pwedeng magka-motibo.

May isa pa pala. Ang Sigmund na iyon.

Pinunasan niya ang luha ng anak.

"No bad guys, okay?" paninigurado niya rito.

Humanda sa kanya ang may gawa nito.

Muli niyang kinatok ang pinto at pinakiusapan si Abigale na nasa loob ng banyo.

"Abigale Marie, ako 'to si Timothy. Sweetie please open the door."

Sumagot ng katok si Abigale.

"Timothy! Timothy! Tulungan mo ako!"

Blanko ang utak nito kaya hindi nito mabuksan sa loob ang pinto. Panay rin ang katok nito sa loob.

"Timothy! Dalian mo. Nandiyan na siya!"

Nanikip ang dibdib niya sa panaghoy ni Abigale.

Hindi na tama ito. Hindi dapat nararanasan ni Abigale ang lahat ng ito.

"Ang duplicate key?" tanong niya sa maid.

Dali-daling umalis iyon para kunin ang duplicate key na hinihingi niya. Humihikbi-hikbing gumalaw si Demon at parang may hinahanap ito sa bulsa.

"Here dad!" nagulat siya ng abutan siya nito ng susi.

Pero naalala niya kaagad na niregaluhan niya ito ng mga duplicate keys. Mabuti na lang!

Ibinaba niya saglit si Demon upang buksan ang pinto ng banyo. Pagkabukas niya ay naabutan niya si Abigale na nagpapanic pa rin sa loob at dumudugo ang paa. Nilapitan niya ito at niyakap.

"Calm down, sweetie!"

Yumakap sa kanya pabalik si Abigale. Ramdam niya ang higpit nun at ang panginginig nito.

"Timothy! Ialis mo na ako dito! Natatakot ako! Ang baby natin!"

"Okay! Okay! Aalis na tayo dito!" napabuntong-hininga siya. Kailangang madala ni Abigale sa hospital. Binalingan niya ang mga anak na nakatayo sa gilid at panay ang hikbi. "Go to your room kids!"

Umiling si Demon at tumakbo sa direksyon nila saka yumakap.

"Daddy, I won't! I want to be with you daddy! I'm scared!"

"Daddy sama kami!"

Holysh*t! Bakit ngayon pa? Pero kunsabagay, hindi siya makasisigurado kung iiwan niya ang mga anak niya rito. Tama lang na isama niya na ang mga ito. Mukhang may mga peste na rito sa bahay nila.











NAKATINGIN si Timothy kay Abigale na nakahiga sa hospital bed katabi si Demon na payapang natutulog. Magda-dalawang oras na silang narito sa hospital.

Okay na naman si Abigale at nagamot na ang sugat nito sa paa. Sa ngayon ay kailangan pa nitong manatili rito upang ma-obserbahan pa. Balak niya ring tawagin ang kakilala niyang Psychiatrist upang patignan ito. Hindi na biro ang nangyayari kay Abigale. Lumalala na ang anxiety attack nito. Ang nakakatakot ay baka hindi na bastang anxiety attack ito. Baka PTSD na ito.

"Daddy okay lang ba si mommy?" tanong ng anak niyang si Damon.

"Sabi ng doctor okay na daw si mommy. Nagpapahinga na sila ni baby."

"Natakot po ako kanina daddy. Para pong nabaliw si mommy."

Napailing siya. Heto na nga ang naiisip niya, naaapektuhan na ang mga bata. Kailangan niya na talagang kumilos para mapatigil na si Rio. Pero paano niya mapapatahimik si Rio ng hindi malalaman ni Abigale.

"That's her anxiety attack. Something in the past happened. And it's not a good memories that's why mommy was so scared."

"Kawawa naman po si mommy." kita niya ang lungkot sa mata ng anak habang nakatingin ito kay Abigale.

May kumatok sa pinto at dumungaw roon si Ion. Pinapasok niya ito. Hindi mag-isa si Ion may kasama ito na isang magandang babae.

"Kamusta Vidales? Sinabi ng ayaw kitang makikita rito sa hospital ko sa ganitong sitwasyon e!" wika nito bago balingan ng tingin si Abigale. "She's suffering from Post-Traumatic Stress Disorder. Ano bang nangyari sa kanya at nagkaroon siya ng ganung sakit?"

"Something that's very bad." iyon lang ang naisagot niya.

Isang iling ang isinukli sa kanya ni Ion.

"And you let that something happened to your love one. You are a jerk. Para kang 'yung kaibigan mong si Sebastian. Ang tatanga niyo magmahal."

Nasabi iyon ni Ion dahil alam niya ang istorya ni Sebastian at Sierra. Siya kasi ang doctor nito.

"Ano ka ba? Doctor o Love guru?" inis na tanong niya rito.

Psh! Kilala niya ng lubusan itong si Ion. Walabg preno ang bibig nito. Kung anung maisipan ay sinasabi. Kaya maraming tao ang naiinis rito.

"Pwede po bang tulungan mo ang mommy ko na gumaling?"

Parehas silang napatingin kay Damon nang magsalita ito.

"Your kid?" tanong sa kanya nito.

Tumango siya bago sumagot. "Yeah! He is Damon!" pakilala niya sa anak. Itinuro niya ang kakambal nito at ipinakilala rin."And the other one is Demon."

Nanlaki ang mata ni Ion ng marinig nito ang pangalan ng anak niya.

"What the fuck? Demon? Seriously? Pinangalanan mo ng ganyan ang anak mo? Anong akala mo sa kanya? Demonyo? Kung ako diyan sa anak mo, kukutusan talaga kita!"

He gave him a deadpan look. Paki niya ba? Kanya-kanyang trip sa pagbigay ng pangalan sa anak. Saka gusto naman iyon ng anak niya.

"Bakit ka ba nangingialam?" asik na rito.

"I'm not going to name our baby like that!" niyakap ni Ion ang kasama nitong babae.

Ngayon pa lang nakita ni Timothy ang babaeng ito. Siguradong hindi ito nurse, dahil katulad ni Ion ay naka-doctor's robe din ito.

"Psh! Hindi ka nga maka-shoot tapos ang lakas mo mag-aasume na magkaka-anak ka." gagad ng babae.

Napangisi siya. Alam niya na kung sino ang babaeng ito sa buhay ni Ion. Base sa sinabi ng babae ay may relasyon sila at may nangyayari sa kanila.

"Mas masarap kasing mag-cum sa bi-"

Nanlaki ang mata niya ng sapakin nito si Ion dahilan para mapahinto ito sa pagsasalita. Napalunok siya bigla ng laway. Sinasabi niya na nga ba, karelasyon ito Ion.

"Siraulo ka talaga! Wala talagang preno yang bibig mo!" galit na wika ng babae.

Tatawa-tawa lang ang kaibigan niya. Ang tibay nga naman nito, ang lakas kaya ng sapak sa kanya ng babae.

"Pasensya ka na." hinging paumanhin sa kanya ng babae. Inilahad nito ang palad upang makipag-kamay sa kanya. Tinanggap niya naman iyon. "By the way, I'm Shanize Tan-Alejo!"

Nagulat siya sa sinabi nito.

"Asawa ka na niya?" tinuro niya si Ion na may malaking ngiti habang hinihimas ang mukha nitong sinapak ni Shanize. Nilakihan niya ng mata ang lalake. "You didn't tell me that you're already married."

"Kakauwi lang namin kahapon from L.A., doon kami nagpakasal. Unplanned wedding. You know Vegas. Pwedeng-pwede kang ikasal basta't maisipan mo." nagmamalaki pang wika ni Ion.

Binalingan niya si Shanize. Hindi siya sigurado pero parang malungkot ang mukha nito. Nang mapansin nitong sa kanya siya nakatingin ay tumikhim ito saka nagsalita.

"Ako ang magiging Psychiatrist ng asawa mo."

Napatango siya. Hindi pa pala siya nakakapag-pakilala.

"I'm Timothy Vidales. Nice meeting you."

Nanlaki ang mata ni Shanize saka bumaling kay Ion.

"You didn't tell me that he's your friend. Hindi mo rin simabi na siya pala ang sinasabi mong fiancée ng magiging kliyente ko."

Ion frowned, "He's my friend. So, now you know."

Inirapan ito ni Shanize. Saka siya muling kinausap.

"Bago ba siya natulog ay kalmado na siya o nagwawala pa?"

"Okay na siya. Bumalik na siya sa sarili niya."

Nilapitan ni Shanize si Abigale at hinaplos ang buhok nito. Tinitigan nito ang natutulog niyang fiancée.

Ilang segundo iyong nakatitig roon bago siya muling binalingan.

"Kailangan ko siyang makausap pagkagising niya. I'll do some check-up and observation."

"Okay."

Lumapit sa kanya si Ion at tinapik siya sa balikat.

"Mauna na kami. Tawagin mo na lang kami kapag nagising na si Abby. Sa taas muna kami."

"Sige."

Umalis na ang dalawa. Tumahimik muli ang paligid. Nilapitan niya si Damon na namumungay na ang mata. Mukhang tinablahan na rin ito ng antok.

"Daddy antok na po ako." mahinang wika nito.

Binuhat niya ito at dinala sa sofa na naroon. Nang maihiga niya si Damon at hinalikan niya ito sa noo. Saka tinapik para makatulog.

Hindi na siya papayag na masaktan pang muli ang kahit na sino sa kanila. Kung kailangan lumaban siya ng patayan para sa kanila ay gagawin niya. Kahit ubusin niya ang lahat ng pera na meron siya ay gagawin niya para lang maprotektahan sila.

Sila na ang buhay niya ngayon. Kailangan niya sila para mabuhay siya.










LUMIPAS ang oras, hindi namalayan ni Timothy na nakatulog pala siya sa paghihintay sa kanyang mag-iina na magising. Naalimpungatan na lang siya sa pagtulog ng marinig ang boses ng kanyang mga anak na nagtatawanan.

"I said stop it!" natatawang wika ni Demon. Pinapatigil nito ang kakambal na kilitian siya.

Napangiti siya pero kaagad na nawala iyon ng makita niyang wala sa silid na iyon si Abigale.

"Dee? Damon? Where's your mom?" tanong niya sa mga anak.

Kaagad na lumapit sa kanya si Demon at yumakap.

"She's with Doctor Shanize. She said that they'll going to talk somewhere."

"Sa rooftop daw dad. Kasama po nila si Doc Ion at sila Grandma."

Nakahinga siya ng maluwag. Siguradong secure si Abigale sa kinaruruonan niya ngayon. Lalo na't naroon ang ama at ina niya.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto. Sa pag-aakalang si Abigale iyon ay dali-dali niyang binuksan ang pinto. Kaya naman nadisappoint siya ng makitang si Yiorgos ang nasa likod nun.

Binati siya nito at ang mga bata.

"Good afternoon your highness and to the young masters."

Lumapit rito si Damon.

"Kamusta po Mr. Yiorgos?"

"I'm very fine, young master." nakangiting sagot nito. Binalingan siya ni Yiorgos. "Can I have your minute? I have something to tell you... privately."

Tumango siya. Nauna ng lumabas si Yiorgos. Tinawag niya naman si Yaya Angie na nasa labas ng kwarto. Pinapasok niya ito upang ito ang magbantay sa dalawa.

"Keep your eyes to my sons." utos niya sa mga nagbabantay. Nagsitanguan ang mga ito. Kaya naman sinundan na niya si Yiorgos. Pero nakakailang hakbang palang siya ng huminto siya at sa paglakad.

May naramdaman siyang kakaiba. Nilingon niya ang mga nagbabantay roon. Tumigil ang mata niya sa isang lalake. Nilibot niya ang paningin sa mga taong naroon. Pero bakit wala naman siyang nararamdamang kakaiba kapag tinitignan niya ang iba?

Muli niyang tinitigan ang isang iyon. Masama talaga ang pakiramdam niya sa isang iyon. Katulad ng nararamdaman niya kay Sigmund Gerfiel.

"Don't let anyone to enter that room without my permission." mariing utos niya rito.

"Yes, your highness!"

****

Excited na ba kayong makilala ang mga bagong enemies? Syempre kung merong enemies, meron ring mga bagong kakampi. Papasok na sa next scene ang mga Secret Agents.

New year na naman! Siguro naman alam niyo na ang tamang gawin.

Sa labas magpaputok. H'wag sa loob. Baka masunog bahay niyo. Kayo din. Hahahaha xD

#MAGBAGONGBUHAYNAKAYO
#BAWALMAGPALOBO
#MAGTOROTOTNALANGKAYO
#BAWALANGTAGAGREENLAND

S U S H I L O V E S

Continue Reading

You'll Also Like

110K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
247K 5.5K 55
The Dark Knights and the Black Angels, will these two Gangs in Celestial Angel University (CAU) get along? Or will they fight who has the right to ho...
736K 25.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...