Ang Babaeng Impakta ( the bad...

By girllivingtodfullest

83.9K 1.2K 231

Papano kung si BAD boy ay mainlove kay BAD girl ? maiinlove naman kaya si BAD girl ? http://girllivingtodfull... More

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68
Part 69
Part 70
Part 71
Part 72
The Finale

Part 57

729 8 0
By girllivingtodfullest

" 2: 18 na pala? Inaantok na ko. Good night " tumalikod na sya sakin. Humiga na din ako at natulog

 ://

" Good morninggggggg ! " sigaw ni Vince habang nag-uunat. Naka-upo na kami nila Mhimoi, Afisha, Shenak at Mama sa lamesa. Yung dalawa naman kalalabas lang

" Oh kumain na kayo. Teka, papasok pa ba kayo? " tanong ni Mama habang kumukuha ng dalawang plato.

" Ma? Sabado kaya ngayon? " sabat ko, umupo na yung dalawa. Si Vince at Grace. Busy naman sa pagnguya yung chanak kong kapatid. Yung prinsesa ko naman tahimik lang sa pagkain. Si Afisha naman ganun din.

" Oh pre? Baka gusto mong magtooth brush?" pangangasar ko kay Vince

" Hoy wag mo kong igaya sayo ha! Baka gusto mong ikwento ko yung kahihiyan mo ? " umupo na sila ni Grace, umupo naman si Vince sa tapat ko

" HAHA. Sige pre, subukan mo. Di kana makakauwi sa inyo " sabat ko naman sa kanya

" HAHAHA, di ko talaga makalimutan yon pre! Biruin mo ang gandang babae e. ARAY! " sinipa ko yung paa nya sa ilalim ng lamesa

" Pwede ba! Kumakain e! " nilakihan naman ako ng mata ni Shenak. Kill joy talaga tong mukhang unggoy na to. Kabata bata e kala mo matanda.

" Sorry lola! " dinilaan ko sya. Napatingin naman ako kay Afisha, bigla kasing ngumiti. Pagkatingin ko kay Afisha, napatingin naman ako kay Mhimoi. Nakatitig kasi sya sakin. Nginitian ko naman sya.

" Bakit? " hindi nya naman ako sinagot. Nginitian nya lang din ako.

" Oh aalis na ko. Hinston ha! Yang kapatid mo. Wag mong papabayaan. Hrrmp hrmp! " tumayo na si Mama ng lamesa.

" Oh Ma? Hindi padin magaling yang ubo mo? Diba sabi ko sayo ipatingin mo yan kay Doc. Eric? "

" Kumain ka nalang dyan, ang dami mo pang alam e " Nagtawanan naman silang lahat. Si Mama dire-diretso lang sa paglabas ng pinto habang kinukuha yung susi ng kotse nya sa bag nya. Hindi ko na sya pinansin. Nilagyan ko nalang ng syrup yung pancake ko atsaka sumubo.

" Nakakatuwa talaga si Tita no pre? Kala mo bagets pa e! " sabi ni Vince. Hindi ko sya pinansin.

" Teka. Sabado ngayon diba? San tayo? Ang boring naman kung tatambay lang tayo dito?  " sabi ni Grace habang pinupunasan ng bimpo yung bibig nya.

" Dun tayo sa Mansion? " tinutukoy ni Vince yung bahay nila Afisha. Matatagpuan din yon dito sa Afisha Village. Yung tinitirhan namin. Yun ang pinakamagandang bahay dito. Malaki at agaw atensyon. Masmalaki lang siguro ng kaonti yung bahay nila Mhimoi. Pero hindi ko lang sure. Pano, hindi ko naman nalibot yung bahay nila. Ang panget ng aura noong unang punta ko dun e.

" What? " tanong naman ni Afisha, nagtaka siguro sya kung bakit nya narinig yung pangalan nya, hindi naman sya nakakaintindi ng tagalog.

" I mean, why don't we spend our time in your mansion ? " sabi naman ni Vince

" Eewww" nag roll eyes si Afisha na tinawanan naman naming lahat. Kahit si Mhimoi nakitawa

"Why ?" tanong ni Vince

" Ano ba! E parang nagstay lang din tayo sa bahay nila Hinston! Wala din. Bahay pa din yon, masmaganda sigurong gumala tayo. Yung malayo-layo naman! " Nagtatalo na yung magsyota. Si Grace at Vince

" E kung kila Mhimoi? " pag-aalok ko. Nagsitahimikan naman silang lahat.

" Bakit? " tanong ko sa kanila. Gusto ko ding libutin yung bahay nila. Ang ganda kaya. Yung sala palang parang palasyo na. Mabango at nakakasilaw.

" ARAY! " sira ulo tong chanak nato. Binato ako ng tinidor sa mukha. 

" Anong problema mo ha!" sigaw ko sa kanya habang pinupunasan yung mukha ko. Pano, may syrup pa yung tinidor na hinagis nya e. Loko talaga tong batang to

" E ikaw e! Bahay pa din yon! Isa kapa! " tinawanan nanaman nila ko. Lagi talaga kong talo sa unggoy na to. Hindi ko na sya pinansin. May point naman kasi sya. Bahay pa nga din yon.

" Paradasmith? " nagtinginan kaming lahat kay Mhimoi. Ano yon? Paradasmith? Parang narinig ko na yun. Hindi sya tourist spot e. Parang ano, nabalita na yun sa t.v e. Exclusive lang sya sa mga may ari ng mga company. Yung mga masasabi mo talagang billionaryo. Hindi pwede yung mga pipitsuging sasakyan. Tama, dun yung lugar kung saan nagpapayabangan ng mga sasakyan yung mga tao. Duon kung saan, lahat ng bisita e masasabi mong VIP. Sa pagkakaalala ko, nagpunta na don si Papa dati. 

" Ayaw nyo? " tanong nanaman ni Mhimoi

" Sige!" sigaw ni Vince. Napangiti naman si Mhimoi. Ang ganda nya talaga, syet!

" E diba nga bawal tayo dun? Hindi naman tayo may ari ng kung anong company. Tsaka bawal yung mga magaganda dun. Puro pangit lang mga tao dun e! " sabi ng pinakakontrabida ng buhay ko. Malamang yung kapatid ko. Ano nanaman bang problema nya?

" Nako bawal pala ko don ..  " natawa naman kaming lahat kay Grace.

" Edi pwedeng pwede pala dun si Shenak don. HAHAHAHAHA! ARAYY! " binato naman nya ko ng kutsilyo nya. Hindi naman masyadong matalas. Yung panghiwa lang ng pan cake nya. This time sa pisngi ko naman tumama. Sira ulo talaga tong batang to. Kinuha ko na yung kutsilyo at nilapag sa tabi ng plato ko. Ayan, wala na syang panghiwa.

" Oh ? " nagulat naman ako kasi biglang inabutan ni Mhimoi si Shenak. Akala ko hindi tatanggapin ni Shenak e. Kinuha nya na yung kutsilyo saka tinidor.

" Pwede kayo dun kasi kami naman yung may-ari non. Ako ng bahala sa guards. Ano bang gusto nyo, maglibot libot lang o gusto nyo ding mag swimming? Pwede rin tayong sumakay ng air ballon. O kaya naman mag surfing. Marunong ba kayong magsurfing? "

" Meeeeeeeeee!!! did you just say who knows surfing? Well I really love surfing!! " excited na sabi ni Afisha. Napapangiti naman ako sa kanya. Gustong gusto nya kasi talaga yon. Kahit pa nung nandito pa sya sa Pilipinas. Madalas ko syang samahan sa rest house nila dahil lang don. Hindi ko naman ginusto yon dahil hindi ko trip ang dagat. Hindi ko din alam kung bakit. Pero sa tuwing nagpupunta ko sa karagatan. Parang ang lungkot lungkot ng aura. Yung tipong nakakaramdam ako ng bigat sa dibdib. Bigla nalang akong napapaluha na parang may pinagdaanang trauma. Marunong naman akong magswimming. Siguro mga ilang minuto lang ang itatagal ko sa tubig kapag nagsiswimming. Ayaw ko kasi talaga sa dagat. 

" Great! But what about them? What do you think? But if you don't want in Paradasmith, maybe we can go on wherever you want. " tahimik naman kaming lahat at napapaisip kung saan ba talaga kami pupunta.

" What about in Paradaslee? " muntik ko naman maluwa yung nginunguya ko dahil kay Shenak. Nagtawanan naman kaming lahat. Sira ulo talaga to.

" What about Paradaskhan? " singit ni Grace. Nagtawanan nanaman kami.

" Paradasdasi? " Masnapalakas yung tawa namin kay Vince. Ang baho talaga ng apelyido nya. HAHA

" Ok sige! Sa Padasmith nalang, teka? Kelangan ko bang mag two piece dyan? " 

" Hoy mahiya ka nga!" binatukan ko agad si Shenak. Loko talaga to.

" Aray! E bakit! Mamaya may director, malay mo madiscover ako, ang ganda ko kaya!" binatukan nya din ako, binatukan ko ulit sya. Binatukan nya nanaman ako at babatukan ko palang sya ulit, sinapok nya na ko sa mukha. At nagtawanan nanaman kaming lahat. Pagkatapos kumain, niligpit ko na yung mga plato. Bilang kuya. Ako na yung naghugas. Si Afisha yung nagprisinta pero hindi ko sya pinayagan. Nakakahiya naman kasi dahil bisita sya dito. Nagsialisan na silang lahat maliban kay Mhimoi. Dumiretso si Afisha sa mansion para kuhain yung mga gamit nya, sumabay na din sila Vince at Grace sa kanya. Si Shenak naman inayos na yung gamit nya para sa Paradasmith. Si Mhimoi naman nasa kwarto ko lang, pagkatapos kong maghugas. Dumiretso ako sa kwarto ko para tignan sya. May kausap nanaman sya sa cellphone nya. Mukhang nagpabook ata sya ng private plane para sa pagpunta namin ng Paradasmith. Naligo na ko at nagbihis. Pagkatapos ng paghahanda. Bumalik na sila Vince, Grace at Afisha sa bahay. Nung nakabalik na sila, tsaka naman dumating yung van nila Mhimoi. Duon na kami sumakay, magpaprivate plane daw kasi kami kaya wag na daw naming dalhin yung mga auto namin. Nang nakarating na kami sa airport. Nakita ko nanaman yung Bling na mukhang panot. Hindi ko na sya pinansin. Hinatid nya lang kami hanggang sa plane. Nagsimula ng umandar yung eroplano. Ang private plane ay nahahati sa isang malaking pinto. Nsa gitna. Sa labas ay nabubuo ng mga lamesang pang apat na tao. Sa loob naman ay nahahati ng kwartong pang dalawahan. Parang hindi eroplano yung kwarto, para syang hotel na sobrang ganda. Although may private plane kami non dahil kay Papa. Ibang-iba to. Maganda at parang si Bill Gates ang may-ari. Magkasama sa kwarto sina Afisha at Shenak, si Vince at Grace. Si Mhimoi at Ako. Kada kwarto ay may bintana. Kitang kita ang mga ulap, ang maliliit na bahay at ang kislap ng araw sa tubig ng dagat. Nakakarelax, para ka lang tumambay sa ere at nanood ng kagandahan ng mundo.

" First time? " tanong ni Mhimoi. Napatingin naman ako sa kanya. Naka upo sya sa kama at ako naman ay nakadungaw sa bintana.

" Nope. May private plane din kami dati. Hindi nga lang ganito kaganda " 

" I know. " nagtaka naman ako sa kanya. Umupo ako sa tabi nya

" Sa totoo lang, parang ang dami mong alam tungkol sakin. Yung totoo, agent ka ba ? " pagbibiro ko sa kanya habang ngumingiti.

" Hindi. Mausisa lang talaga ko sa mga nagiging kaibigan ko " 

" Wow, parang ang sarap sa pakiramdam na kaibigan yung turing mo samin hehe " masungit kasi si Mhimoi. Parang hindi malapitang tao. Yung tipong ang ganda nya pero parang may nakaharang apoy sa kanya at kapag lumapit ka, masusunog ka. Hindi dahil sobrang yaman nila, kundi dahil nung una e mukha talaga syang impaktang sobrang nakakatakot sa sobrang tapang.

" Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kaibigan. " nagulat ako sa sinabi nya. Parang imposible namang sa edad nyang yan e wala man lang syang nagiging kaibigan?

" Huh? Anong ibig mong sabihin? " lumapit ako sa kanya.

" Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi to sayo, yung tungkol kay Mama na minsan lang syang umuwi, yung kalungkutan ko nang pumunta tayo sa MOA. Yung tungkol kay min ho at kung ano-ano pa. Dahil alam kong wala ka namang maitutulong. " ouch. Ewan, pero parang ang sakit ng tono ng pananalita nya. Yung tipong hindi man lang gumagaan yung pakiramdam nya sa tuwing nagsasabi sya sakin. Usually kasi kapag umaamin ka ng hinanakit mo, biglang gumagaan yung pakiramdam mo, pero bakit parang sya hindi? Bakit parang wala lang ako sa kanya? 

" Pero kapag sinasabi ko yun sayo. Feeling ko hindi mo ko iiwan. Feeling ko nandyan ka lagi para kampihan ako " bigla nanaman akong nakaramdam ng koryente. Eto nanaman yung pinapadama nya sakin. Yung tipong parang may bato sa puso ko na nahihirapan akong huminga pero gusto ko yong laging maramdaman dahil lubos na nagpapasaya yun sakin at kumukompleto ng araw ko.

" Pero sa tuwing tinitignan mo si Afisha. Feeling ko, bukas wala na ang lahat. Feeling ko, kailangan kong ihanda yung sarili ko sa bawat paggising ko. Dahil hindi ko alam kung paggising ko ba, nandyan ka pa din sa tabi ko. " nagulat nanaman ako sa kanya. Ano bang ibig nyang sabihin? Alam ba nyang may pagtingin pa din ako kay Afisha? Masyado ba kong obvious? Bakit parang ang hirap ng sitwasyon ko, pero bakit parang masmahirap yung sitwasyon nya? Parang ang lungkot lungkot nya. Yung tipong ang lahat ng pagtawa nya ay puno ng pagpapanggap.

" Sorry " bigla nyang pinunasan yung luha nya. Hindi ko makuha yung punto nya, pero nararamdaman ko yung kalungkutan nya. Hinila ko yung kamay nya tsaka sinandal yung ulo nya sa balikat ko. Niyakap ko sya ng mahigpit. Masnarinig ko yung pag-iyak nya. Yung iyak na pilit nyang pinipigilan. Nilagay nya yung dalawang kamay nya sa balikat ko at patuloy na umiyak. Hindi ko alam pero ito ang unang beses na niyakap ko si Mhimoi. Niyakap ko habang umiiyak. Pati ako napapaluha sa kanya. Ang hirap palang marinig yung iyak ng taong mahal mo. Ang hirap na hindi ko man lang sya mapatahan dahil alam ko din sa sarili ko na may kasalanan ako. Ang hirap. Sobra.

" Sino bang nagsabi na iiwanan kita? " hinimas ko yung likod nya

" Yung mga mata mo, yung mga mata mo habang tumititig ka kay Afisha .. "

" Bakit kaba nasasaktan? Ayoko ng gumagawa ng kwento Mhimoi, hindi ko alam kung anong meron kay Afisha kung bakit ka nagkakaganyan. Bakit ka nasasaktan? Akala ko ba kaibigan mo lang ako? " gusto kong marinig yung katotohanan, ayokong basahin ang lahat ng pangyayari na wala man lang salitang nababasa, ayoko kong magpalagay sa bagay na hindi naman ako sigurado. Maaaring tama yung nakikita ko sa mga mata nya, maaari ding hindi. Dahil hindi ni minsan nakakapagsalita ang mga mata. Kailangan kong marinig mismo ang lahat, mula sa bibig at boses nya. Ayoko ng magmumukhang tanga, ayoko ng umasa. Mahirap ang bumubuo ng pangarap ng mag-isa. Mahirap ang umibig sa taong hindi ka gustong ibigin. Mahirap, sobrang hirap.

*tok tok

Biglang kumalas sa pagkakayakap si Mhimoi, tumalikod at pinunasan yung luha nya. May pumasok na stewardess. 

" Yes Madam, what can I help you? " huh? May tumawag ba sa kanya? Napatingin naman ako kay Mhimoi

" Nothing, I just need cold water. " Pumasok yung stewardess at naglakad papuntang cabinet na maliit. Ayun pala yung freezer dito. Kinuha nya yung tubig at inabot kay Mhimoi. Pinapanood ko lang naman sila

" Is there anything I can help you Madam? " 

" Nothing " Umalis na yung babae at sinara yung pintuan. Tatanungin ko naman sana si Mhimoi pero parang ayaw nya munang makipag usap kahit kanino. Ininom nya na yung tubig nya atsaka humiga. Tinititigan ko lang naman sya. 

" Masama ba pakiramdam mo? " malumanay na tanong ko

* to tooth, We're now landing in Old Paradasmith, please settle your things. Thank you! toto tooth *

* to tooth, We're now landing in Old Paradasmith, please settle your things. Thank you! toto tooth * 

Tumayo na si Mhimoi at naglakad papalabas ng pintuan. Kinuha ko naman yung gamit ko at lumabas na din ng pinto. Nagsilabasan nadin sila Vince, Grace, Afisha at Shenak. Umupo muna kami sa table, sa labas ng mga kwarto na hinahati ng napakalaking pintuan. Nang nasa lupa na yung eroplano. Tsaka naman kami lumabas. Kinagulat ko naman nang nakita ko si Bling. Inalalayan nya si Mhimoi sa pagbaba ng hagdan. Nakababa na kaming lahat. Grabe, ang ganda. Ang ganda ng Paradasmith. Sobra

:// end of part ://

- gltdf

The true paradise is in our hearts - gltdf

Continue Reading

You'll Also Like

48.6K 948 27
Every girl's dream is to be a princess and have a prince that will protect, love and marry her someday. Eiren was one of them, she met Reed when she...
624K 40.8K 162
Hi, bebi! An epistolary.
2.6K 102 22
Ang kwentong Ito ay pumapatungkol sa pagibig na nabuo sa matinding pagsubok.. Bilang pagpapakilala sa mga bida sa kwento , binubuo Ito Ng TATLONG BAB...
The Vampire Key By ming

Mystery / Thriller

60.8K 2.3K 47
Love. Destiny.Letting go. Blood.Fangs.Hearts -jareditsme {COMPLETED}