Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me B...

By atebatch

405K 13.2K 662

TELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -c... More

Si Youmie Eunice
Shet! kinikilig ako!
3 Yahoo!
4 Body Guard
5 Sino ka?
6 Hindi Pwede!
7 Gusto kita.
8 Batman
9 Ang sarap
10
TM2 - 11
TM2 - 13
TM2 -14
TM2 - 15
TM2 - 16
TM2 - 17
TM2 - 18
TM2 - 19
TM2 -20
TM2 - 21
TM2 - 22
TM2 - 23
TM2 - 24
TM2 - 25
TM2 - 26
Tell me Part 27
TM2 - 28
TM2 -29
TM2 - 30
TM2 -31
TM2 - 32
TM2 -33
TM2 - 34
TM2 -35
TM2 -36
TM2 - 37
TM2 - 38
TM2 - 39
TM 2- 40
TM2 -41
TM2 -42
TM2 - 43
TM2 - 44
TM2-45
TM2 - 46
TM 2 - 47
TM2
TM2
TM2 @ 50
Sabihin Mo Sa Akin
Ended
Goodbyes
Through the years
Perfect timing

Tm2 - 12

7K 230 6
By atebatch

Ang sarap nang pakiramdam ko. Akalain mo yun, kasama ko ang amo kong bugnutin sa kainang pang mahirap? Aarte pa eh, kakain din naman pala. Alam ko namang nagustuhan niya doon yung pagkakain. Pinarada ko ang sasakyan nang makabalik na kami nang kompanya. Tahimik pa rin siya pero okay lang yun. Dalawang araw pa lang pero nasasanay na ako sa kaniya.

''Sunduin mo sa school si Bree, around three pm. Wala akong out meeting kaya yun na ang gagawin mo mamaya.'' Bilin niya sakin bago siya bumaba.

Tumango ako, alam ko naman na din yung paaralan nung bata. Kaso nga lang, di ko pa siya lubusang kilala basta ang alam ko ang madrama siya. Yung iyaking bata.

Nang wala na akong gagawin ay naisipan kong bisitahin muna si Baste. Pero ang grupo ulit ni Lorvin ang nakasalubong ko at kahit iiwas ako ay huli na dahil nagtama na ang tingin namin.

Letcheng pusong to! Ba't ba pag nakikita ko siya ay bumibilis agad ang pintig nang puso ko?

''Youmie!''

Ngumiti lang ako at tatalikod na sana.

''Wait! --- uhmm, magkita nalang tayo sa office.'' Sabi nito sa grupo niya at lumapit sakin.

Ano ba naman yan, nahihiya ako sa kaniya. Dapat kasi iiwasan ko na siya, baka kasi malalaman pa ito nang boss ko.

''Hi! ''

Sinabayan ko ang lakad niya. Ang bango niya. Bakit ba palaging agad na pumapasok sa isip ko ang hubad niyang katawan? Katulad kaya ito nang katawan dun sa porn na pinapanood ni Baste? Hay, dios ko! Nababastos na ang isip ko!

''How's your lunch?''

''Ha, ah -- eh, okay lang. Dun kami ni sir Iba sa karenderya nang kaibigan ko.''

Di ko naman maiwasang mapangiti dahil alam kong busog na busog ang boss kong gay.

Tumigil siya sa paglalakad at nakatingin siya sakin. Di ko alam kung dumi ba ako sa mukha o magulo ba ang buhok ko.  Kinunutan ko siya nang noo.

''You called him, Iba?''

''Opo, kasi nga po masyadong mahaba yung Shiba Sean. Edi, Iba nalang para naman maiba di ba?''

Tumawa pa ako nang onti pero mabilis itong mapawi nang ibalik ko ang tingin sa kaniya.

''Naku sir wala po akong hidden desire kay sir Iba.'' Gusto ko pa sanang idagdag ang tinatagong sekreto ni sir Iba eh.

Humugot siya nang hininga.

''Okay ---- alright. What about sabay tayong mag dinner mamaya? Libre ko.''

Ay! Pagkain at libre!

''Sege bah! Uhmm -- '' ang bilis ko naman kasing makasagot!

Tumawa siya at ang gwapo lang. Gusto kong himatayin sa sobrang gwapo niya. Ang gwapo niya at mabango.

''So paano? Hihintayin kita sa labas mamaya?''

Ngumiti ako nang matamis at tumango. Nakita ko siyang umiling-iling saka niya ginulo ang buhok ko.

Teka ilang beses niya nang ginawa yun ngayong araw?

----

Eksaktong alas tres nang hapon ay nasa labas na ako nang campus nung anak ni sir. Hindi ko alam kung alam niyang ako ang susundo ngayon. Wala din akong numero niya para matawagan ko. Nasa labas lang ako ng kotse habang patingin tingin sa mga studyanteng lumabas.

''Youmie? -- bakit ka nandito?''

Yun na nga hindi ko siya makita sa mga papalabas nang gate dahil papasok pala siya. Napatingin ako doon sa lalaking kasama niya.

''Sinusundo kita, ikaw saan ka galing?''

Ngumiti siya kaya kitang kita ko ang dalawang dimple niya sa magkabilang pisngi. Sege, sila na ang angkan nang gwapo at maganda.

''Youmie --- ''

''Ate nga -- mas matanda ako sayo. Ate Youmie.'' Pagtatama ko pa.

''No, ayoko. Anyway, bye Path! Andito na pala ang sundo ko.''

''Sege, Breezy. See yah!''

Nakawayan muna ang dalawa bago lumakad na palayo ang lalaki.

''Boyprend mo? Alam ba nang ama mo?''

Narinig ko itong humagikhik at pumasok na sa loob nang kotse.

''Youmie, kumusta naman si daddy? Kumain ba siya nang lunch? Hayst, I really miss him.''

Kumunot ang noo ko at tiningnan siya sa rear mirror. Malungkot siya, eh kasi naman si sir, busy palagi sa trabaho.

''Yung mommy mo pala?'' Lakas loob kong tanong.

Di siya kumibo, tumahimik lang siya at nasa labas ang tingin.

''Nga pala, saan kita ihahatid?''

Lumiwanag ang mukha niya.

''Sa bahay tayo? Gusto mo ipagluto kita nang cookies?''

Siguro may lumabas na namang food sign sa mata ko at bigla akong ginutom.

''Totoo?'' Tanong ko pa.

Mayaman eh, baka madumihan ko pa doon yung mansyon nila.

Tumango ang bata at may tiningnan sa cellphone.

''Sabihin mo nga sakin, nobyo mo yung lalaki noh?''

''Of course not! He's a gay.''

Napatawa ako. Naalala ko tuloy yung tatay niya.

''Anyway, alam mo kamukha mo si mommy ko. --- kaya alam ko kung bakit ka kinuhang driver ni dad. Alam mo bang walang driver yun kahit kailan? At babae pa? Kaso nga lang si mommy, may dimple tsaka medyo skinny. Pero mabait yun at mapagmahal. Mahal na mahal niya kami ni dad, siya ang nagturo sakin gumawa nang cookies kahit bata pa ako nun. ---''

''Sandali nga, sa'n ba kasi siya? Nasa abroad?''

''She's dead...''

Mahina pero dinig ko. Nalungkot ako, sa hindi ko maintindihang dahilan ay bigla akong naawa sa bata. Kaya ba bugnutin si sir? Kaya ba bigla niyang hinampas ang mesa kagabi? Kaya ba niya ako tinanggap dahil nakikita niya sakin ang asawa niya? Hindi siya bading, nagkamali ako. Hindi siya galit noon, kundi naalala niya ang asawa niya.

''I was just six back then. Brain cancer, alam mo ba yung feeling na wala ka nang magawa kundi ang umiyak nalang sa tabi? Yung hinihiling mo kay god na sana samin ni dad nalang yung sakit niya? Yung pakiramdam na hindi mo kayang pawiin ang bawat iyak niya dahil sa sakit na nararamdaman niya.''

Umiyak siya, tumigil ako sa pagdrive at inalala ang mama at papa ko. Naluluha ako pero pinigilan ko ang mga luha at ngumiti akong humarap sa kaniya.

''Alam mo, naranasan ko na din yan. Pero ang ginawa ko ay inaalala ko yung masayang ala ala namin.---''

''Wala kaming masyadong masayang ala ala ni mommy.---- ''

''Alam mo malungkot ka lang, gusto mo ice cream tayo?''

Di ko na inantay ang sagot niya. Nagmaneho ako agad at mabilis naman akong pumarada sa park.

''Youmie, Sabi ni dad dapat malinis yung kinakain ko, ayaw niyang magkasakit ako.''

Ang arte naman, mana sa tatay niya. Bumili ako nang isa at mabilis na dinalilaan yun. 

''woh! ang sarap!''

Kaya yun nauwi kami sa kainan nang ice cream. Mabait naman ang bata at masayahin. Yun nga magaan ang loob ko sa kanya kaya nang ihatid ko siya sa bahay nila ay pinag luto niya talaga ako nang cookies. Halos mapanganga naman ako sa laki nang bahay nila, mansyon na iyon para saming mahihirap lang. 

Grabe naman yung laki nang tv, Halos lahat nang gamit ay mamahalin. Tss, maluho talaga ang mga mayayaman.

Nagitla ako nang magring ang cellphone na bigay sakin ni sir.

''Kanina pa ako, tawag nang tawag. Where are you?!''

Napangiwi ako sa lakas nang boses na yung nang boss ko. 

''Sir, Nandito na po kami ni maam Bree sa mansyon niyo.''

''Then why you didn't answered my calls?''

Nakakapikon naman talaga!

''Aba sir Iba, pinapasundo mo sakin ang anak mo taz ngayon hahanap - napin niyo ako? Edi sana diyan nalang ako sa tabi mo palagi taz bubytadan ko yan gilid mong bossing ka. Walang hiya! Tang ina! ang hirap din maging driver noh?'' pero syempre kahit gustong gusto nang lumabas sa bunganga ko ang salitang iyon ay hindi iyon ang sinabi ko.

''Pasensya na po sir, nagkatuwaan lang kami ni maam Bree.''

Narinig ko siyang bumuga ng malalim na paghinga.

''K, Come back here now. I have some urgent to do.''

''Yes sir.''

Nagpaalam ako kay Bree at kahit niya pang umalis ako ay wala na din siyang nagawa. Akala ko nga wala nang out meeting si sir.

Ilang ulit din akong napapamura habang nagmamaneho, pero ano pa nga ba ang magagawa kundi ang intindihin siya dahil nga malungkot siya. Nag isip ako ng paraan kung paano ko siya makitang ngingiti. Ngiting totoo. Ngiting galing sa puso.

Pero paano ko ba magagawa yun, kung hadlang ay ang alaala nang asawa niya.

——

Continue Reading

You'll Also Like

187K 3.5K 34
Filthy-rich, well-respected, young and wealthy guy who signs for a billion dollar contract to be with a woman alone in his high-technology mansion. H...
34.7K 808 41
Trojan Andrade, a coldhearted guy who's busy finding his long lost little sister. On his friend, Ashter Mendoza's Wedding day. There is this woman wh...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
294K 10.1K 39
Hayaan nating makilala si Weinna, ang kambal ni Meinna na mahal ni Thor. Si Lord Thor Mendez na Fraternity Master, mayaman, gwapo, matalino at kinata...