Aimless Heart

נכתב על ידי JaycDeLente

1.8K 58 31

| Romance | Action | Copyright © Jay-c de Lente Ang ilan na may economy class ticket ay hindi makahintay at... עוד

Prologue
Kabanata - 1
Kabanata - 2
Kabanata - 3

Kabanata - 4

276 7 1
נכתב על ידי JaycDeLente

KABANATA 4



"Interesting places," ani Damien. Huminto ito sa paglalakad at sandaling minasdan ulit ang mga mata ng kaharap na ngayon ay mababanaag na ang kalungkutan. He is itching to know more about this woman's life. "Here—take this seat," muwestra nito at mabilis na umupo sa katabing upuan kaya hindi nakaangal si Tria.

Sasabihin na sana ni Tria na hindi roon ang upuan niya nang bumungad ang isang flight attendant—ulit. Ngumiti ito at iniabot ang dalawang tray ng pagkain. Maliksing kinuha iyon ni Damien at inilapag sa inayos nitong dalawang tray tables sa harapan nila.

"So, ito pala ang gusto mong ipakita sa 'kin?" ani Tria.

"You need to eat something bago lumapag itong eroplano. I know you haven't eaten anything yet." Tumusok ang tinidor nito sa lettuce at sa iba pang mga berdeng dahon sa salad, sabay subo.

Maalalahanin pala ito, sa isip-isip ni Tria. Pinipigilan niyang hindi mapangiti. Just watching him how he holds his fork and knife—now slicing his beefsteak—made her realized na nagugutom na pala siya.

"I can't," taliwas niyang sagot sa kanyang gutom. "Ayaw pumasok sa lalamunan ko, e."

"Natural lang 'yan dahil kulang ka sa tulog, nasa biyahe, tapos may unexpected at nerve-racking incident na nangyari. Pero pilitin mong kumain."

Muling minasdan ni Tria ang nakalaang pagkain. Pinili niya ang leche flan.

Damien laughed inwardly. "Ang ibig kong sabihin ay kumain ka ng nakabubusog na pagkain. Tulad n'yang fillet o... n'yang salad."

Umiling si Tria. "Lasang damo."

"What?"

"Sabi ko, lasang damo."

"Yes, I heard you," natatawang sabi ni Damien. "Ang ibig kong sabihin ay natikman mo na ang damo?"

Hindi agad nakasagot si Tria. Ang weird nga palang pakinggan na alam niya ang lasa ng damo, lalung-lalo na ang dahon ng carabao grass o ang tangkay ng amorseco. Tumango siyang medyo nakangiwi. "Yes. When I was little and playing with other kids." Hindi niya mapigilang mapangiti sa alaalang 'yon.

"I see..." Interest is evident in Damien's eyes. Pagkatapos ay inilapag nito ang sariling leche flan sa tray ni Tria. "Finish it," he said, with his slow smile. "Now I know that you have a sweet tooth."

Umiling at tinanggihan iyon ni Tria.

"Mas mabuting puno ng leche flan 'yang tiyan mo kesa walang laman," madiin ngunit banayad na sagot nito.

Lumipas ang maraming sandali, mabilis na nakapasok ang medical team sa loob ng eroplano nang makalapag ito. Kaagad na sinuri at nailagay si Cathy sa stretcher. Isang lalaking staff ng airport naman ang nagtanong kung sino ang sasama kay Cathy sa ospital. Nagtaas ng kamay si Tria. At sa gulat niya, nagprisinta rin si Damien. Sinabi nitong magkakilala silang tatlo.

"Pangalan nila, ma'am?" tanong ng staff habang nagsusulat sa hawak na clipboard.

"Tria Arguelles." Ipinakita niya ang kanyang passport para sa spelling.

Sa tabi niya, tumikhim si Damien nang makalayo ang staff. Anito, "Now I know your last name."


~~~


Tria didn't expect what happened afterwards. First time niyang maka-experience ng special treatment sa airport. Ang mga staff na ang kumuha ng check-in baggage ni Cathy. Sila ni Damien ay hand-carry lang naman ang dala. Ilang mga pila ang nalampasan nila. Tangi nilang ginawa ni Damien ay patatakan ang kanilang passport. Paglabas, naroroong nag-aantay na ang ambulansiya kung saan nakasakay rin si Cathy. And in less than fifteen minutes, they were in the nearest hospital.

Cathy was directly brought to Labour ward. Naging usap-usapan ito ng mga staff ng ospital. Bihira kasi na may ganoong kaso, lalo sa loob ng eroplano. Dinumog sila ng mga tanong at usisa. Ang iba ay nae-excite na nagkomento na baka nasa news sa TV na si Cathy mamayang gabi. Though Damien informed them na wala ni isang midya na nagtanong nang nasa airport sila.

"Kailangang mabili ang mga gamot na 'to," wika ng medyo may edad nang lalaking doktor sa kanila. Ibinigay nito ang reseta kay Tria. "Nanggaling kayo ng international flight kaya ipinaalam ko na sa Admin. office na p'wede n'yong iwan ro'n ang mga bagahe n'yo para mas secured. Kesa dala-dala n'yo sa'n man kayo magpunta."

"Thank you po, doc," ani Tria. Medyo gumaan ang pakiramdam niya. Nagpapasalamat din siya dahil considerate at mabait ang doktor kahit mukha itong istrikto at may matigas na titig. Napag-alaman niya kanina na isa ito sa mga head doctors doon. Nakapapagod kasi na dala-dala niya ang backpack niya sa tuwing kailangan niyang asikasuhin ang registration ni Cathy at iba pang papeles. Ayaw niyang iwan 'yon kay Damien kahit namilit itong ito na ang kakarga. Nakahihiya kaya. Hindi bagay na tagabantay at tagabuhat ito ng mga bagahe nilang tatlo ni Cathy habang naka-smart attire.

"We'll take care of the bills, doc," mabilis na sagot ni Damien. Kinuha nito ang reseta kay Tria. "Maraming salamat ulit."

Dapit-hapon nang bumungad ulit sa kanila ang doktor. Ang sabi, "Kailangang mabili rin itong mga gamit at damit ng baby. Baka matutuloy ang C-section. And I don't think that she's only 6-month pregnant."

Napaawang ang bibig ni Tria.

Medyo kumunot ang noo ni Damien. Malamang ay sari-saring katanungan ang umiikot sa utak nito kung bakit hindi nagsabi sa kanila ng totoo si Cathy.

"P'wede kayong samahan ni Rudy sa palengke," dagdag ng doktor. Ipinakilala nito ang kasamang orderly. "Maraming tindahan doon ng mga gamit ng baby."

"Salamat, doc. Ako na ho'ng bahala," tugon ni Damien. He took charge of the confusing situation once again.

Nang makaalis ang doktor, kinuha lang ni Damien sa orderly ang direksiyon ng palengke na halos nasa tapat lang pala ng ospital. Hindi na ito nagpasama. He removed his coat and rolled up his sleeves. He also started to undo the top two buttons of his shirt, unconsciously showing his fine-built chest. Tria quickly averted her eyes. Nahuli iyon ni Damien. A devilish grin appeared on his face.

"Ano'ng nakatatawa?" kunwaring inis na sabi ni Tria.

"Nothing."

"Tara, bilisan mo," kagyat niyang sagot.

"Sa'n ka pupunta?"

"Sasama sa 'yo sa palengke." At nauna na siyang naglakad palayo upang maitago ang pamumula ng pisngi.

Alas-siyete na ng gabi nang nakabalik sila ng ospital. Papasok na sila sa lobby nang saglit na nahinto sa paglalakad si Tria.

"Parang nakita ko na ang mamang 'yon, a?" wika niya habang sinisino nang husto ang mama na papalakad sa kabilang hallway.

"Kilala mo?"

Umiling siya. Ngunit may natandaan bigla. "Tama! Siya 'yong mamang may manipis na buhok na nakita ko sa Doha airport... Nandito rin siya?"

"Must be a coincidence. Malamang may kakilalang naka-admit sa loob."

"Hindi mo rin ba natatandaan? Napansin kong tiningnan mo rin siya nooong nasa immigration counter ka."

Nangingiting binalingan ni Damien ang katabi. "Immigration? I remembered looking at you..."

Sumimangot si Tria at nauna na namang naglakad.

"Hey." Humabol si Damien. "I'm just trying to lighten up your mood. Seryoso ka kasi."

"Well, seryoso ako!" Huminto siya sa gilid ng hallway. "In fact, everything that took place was serious matter. Nitong umaga lang nang nagpa-book ako ng ticket at bigla-biglaang nag-impake, I never thought that I will end up in a hospital. So many confusing and unexpected things had happened. Yet, ikaw, you're taking all of these lightly."

"Fine." Damien remained placid. "So, what do you want me to say? Gusto mo bang itanong ko sa 'yo kung bakit pumayag ka na sumama rito sa ospital? Indeed, one of the staff here earlier had a rather interesting presumption of you helping Cathy."

"Which is?"

Nagdalawang-isip ito. Umiling. "Nevermind. Forget what I said."

"Ano nga?"

"You won't like it."

Dumilim ang mukha ni Tria. Nag-aantay pa rin ng sagot.

"Fine," ani Damien na napabuntonghininga. "I overheard na baka may interes ka sa pera ni Cathy."

"Whaaaat?" Napaawang ang bibig niya. "I have my own money—kahit hindi kalakihan! That's the reason kung bakit hindi ko hinawakan ang wallet niya kanina nang pinipilit niyang do'n tayo kumuha ng pambili ng gamot." At muli't muli, halos padabog na iniwan nito si Damien sa hallway.

Ngunit hindi nila inaasahan ang ibinalita ng doktor. Nanganak na si Cathy. Normal delivery. Inabutan nila na nagse-selfie ang ilang nurses sa mag-ina. Sikat tuloy ang baby.

Nagpasalamat si Cathy sa kanila nang paulit-ulit. Ibinalita rin nito na tumawag ang isa nitong malayong tiyahin. Papunta na ng Manila upang asikasuhin at kunin ang mag-ina sa ospital.

Magaan na ang loob ni Tria nang pasalampak na naupo sa waiting area. "At least, maayos na sila."

"Are you alright?" ani Damien nang makitang napahawak sa sentido ang katabi.

"Oo... umikot lang nang saglit 'yong paligid ko. Isa't kalahating araw na walang tulog kasi."

"Stay here," anito bigla at mabilis na nakalayo.

After a while, Tria made a decision. Kinuha niya ang backpack sa Admin. office at pumara ng taxi sa labas. Nagpahatid siya sa airport. Doon na siya bumili ng ticket at doon na rin siya matutulog. She reached for her phone and called her friend.

"Hello, Sheriz. Mamayang alas-singko ng umaga ang flight ko papunta riyan sa Puerto Princesa."    

המשך קריאה

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
670K 23.9K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
109K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...