Locker 246

De lycopenelover

217K 8.9K 1.8K

Mico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from... Mais

Disclaimer
PROLOGUE
First Chapter - The "Stalker" and the "Gangster"
Second Chapter - Rude Boys
Third Chapter - Ang Kayamanan ng Gangster
Fourth Chapter - Halik
Fifth Chapter - New
Fifth Chapter - New (Part II)
Sixth Chapter - The Deal
Seventh Chapter - Kiss v. 2.0
Eighth Chapter - Y so stubborn, Mr. Gangster
Ninth Chapter - Pakielamerong TJ
Tenth Chapter - Luis
Eleventh Chapter - Mahal kita, mahal mo siya
Twelfth Chapter - Gusto Kita
Thirteenth Chapter - Changes
Fourteenth Chapter - Flashbacks
Fifteenth Chapter - Memories
Sixteenth Chapter - He's 20.
Seventeenth Chapter - Best Birthday Gift Ever
Eighteenth Chapter - The Unexpected Visit
Nineteenth Chapter - Secret Uncovered
Twentieth Chapter - Golden Stars
Twenty-first Chapter - First Night Together
Twenty-second Chapter - Deleted
Twenty-third Chapter - Galit Ako
Twenty-fourth Chapter - It starts...
Twenty-fifth Chapter - Actions say it all
Twenty-sixth Chapter - Apology Gift
Twenty-seventh Chapter - Stalker No More
Twenty-eighth Chapter - Gangster No More
Thirtieth Chapter - Gabriel
Thirty-first Chapter - Love(d)
Thirty-second Chapter - Saltikin
Thirty-third Chapter - The Gangster, The Saltikin and Me
Thirty-fourth Chapter - Saltikin <3 Bansot
Thirty-fifth Chapter - Harana
Thirty-sixth - The Night That Changed Everything
Thirty-sixth - The Broken Vow (36.2)
Thirty-seventh Chapter - Yakap
Thirty-eighth Chapter - I Can Feel It
Thirty-ninth Chapter - A Rabbit In A Lion's Den
Fortieth Chapter - The Lion's Secret
Forty-first Chapter - The Rabit's Knights
Forty-second Chapter - Lion Unmasked

Twenty-ninth Chapter - Congratulations!

3.6K 166 56
De lycopenelover

Happy 40K reads!! Wala nang mas o-awesome pa sa inyo!! Woohoo. <3

**

----------------LOCKER246-----------------

Howcan you be so stupid to make yourself believe that someone like "you" could have a "happy ending"?

And how can you be so naive not to feel that everything's too good to be real?

Now you're hurt, and there's no one else to blame for it but your stupid self.

Chapter 29

One week later...

Mico's POV

Lunch break. Maraming estudyante ang kasabay kong naglalakad papuntang cafeteria. Ang iba sa kanila'y nagtatawanan, nagkekwentuhan, meron namang tahimik lang, at meron ding pailan-ilang tumitingin sakin pagkatapos ay bubulong sa hangin.

Masyado akong preoccupied para intindihin pa sila.

Kasing ingay at gulo ngayon ng cafeteria ang utak at puso ko.

Pumwesto ako sa isang bakanteng table sa kasuluk-sulukan na napapatungan pa ng mga pinagkainang hindi nakuhang iligpit nung sinumang mga nagsikain.

Inikot ko yung paningin ko sa buong paligid, umaasang makikita siya.

Ngunit tulad nitong mga nakaraang araw, nabigo akong muli.

Dinukot ko mula sa bulsa ng slacks ko yung cp ko at muling sinubukang i-dial ang number niya. Gaya ng dati ay ang pamilyar na boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya na nagsasabing out of coverage area ang taong kinokontak ko.

"I told you, everything was nothing but a rumor." bulong ng isang babae sa kasama niya nang dumaan sila sa harap ko. Nakatingin sila sakin na nakataas pa ang isang kilay, kaya alam kong ako yung pinag-uusapan nila.

"Why would he date such person nga naman, right?" answered the other girl as she rolled her eyes at me.

Napayuko na lang ako at nagpanggap na hindi sila narinig, which is something I have already been doing for a week now.
Sa loob ng isang linggong lumipas, hindi ko pa ulit nakikita o nakakausap man lang si Tyrone.

Yung huling beses ko siyang nakita at nakasama ay nung kumain kami ng sundae sa isang convenience store. After that night, wala na, para siyang bulang bigla na lang pumutok at naglaho.

Hindi ko pa rin siya nakikita dito sa university. Palagi akong pumupunta sa gym, nagbabakasakaling makikita siya dun, pero sabi ng teammates niya ay hindi daw umaattend ng training nila si Tyrone. I asked Jet for the reason pero hindi niya sinasagot ang tanong ko. Tingin ko nga ay iniiwasan niya ako.

Ewan ko pero yun yung pakiramdam ko.

I know that there really is something wrong.

I send him texts everyday, but never did he reply to any of them.

Ito na ba yung part na nagising na ako sa isang napakagandang panaginip? If so, I shouldn't have woken at all.

Pero hindi. Pumunta ako sa inbox ng cp ko at muling binalikan yung huli niyang texts sakin na nagpapatunay na totoong nangyari ang lahat, that everything's more than just a beautiful dream.

Tyrone Pogi - Hindi ko na naman naiwasang mapangiti nang mabasa yung pangalan niyang siya mismo ang nagsave sa cp ko.

I continued reading through our conversation..(Ito yung conversation nila habang nagdadrive si Tyrone pauwi sa kanila the night they ate sundae in the convenience store.)

TP: date ulit tayo bukas?

M: Hmm..wait, pagisipan ko.

TP: Ay. dali na. punta tayong sky ranch.

M: Sige na nga. :-)

TP: Napipilitan ka lang yata e.

M: Ano ka ba, I'd be more than willing to go wherever you want, as long as we're together. <3

TP: Talaga? Promise yan ha?

M: I promise po.

TP: Promise me one more thing, never leave me, okay?

M: bakit seryoso bigla?

TP: Ikaw kasi umienglish ka na naman eh. Sige na. Just promise me.

M: I'll never leave you, Tyrone Joseph. :-) You were just once my dream, and now that I have you, never will I let you go. Kahit dumating pa yung time na ipagtabuyan mo ako, I won't let go. Pramis po yan.

TP: Naks. Kilig ako. Pakiss nga Mikmik ko. Mmmmmmmmmmmmwaaaaaa.

M: Kiss na naman?

TP: Ayaw mo?

M: Gustung-gusto.

TP: Kala ko ayaw mo na ng kiss ko e.

M: Hinding-hindi ako magsasawa sa mga halik mo. Kasi you will always and forever be my love. Always. <3

TP: Konti pa mik. 98% na. Konting konti na lang. And dont ya worry hinding hindi kita ipagtatabuyan kahit kailan.

M: I love you to the moon and back, to infinity and beyond, til the day I take in my last breath. <3


This is the end of our conversation..

Hindi na ko kumain. Tumayo na ako at nagpasyang maglibut-libot na lang muna sa university para makalanghap ng sariwang hangin.Ang bigat kasi ng pakiramdam ko.

Habang naglalakad-lakad ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito at literal na nasilaw sa sobrang liwanag na galing sa araw. Napakunot ako ng noo habang sinusubukang siyang kilalanin.

"Nakalimutan mo na ko agad? PSH. Niligtas pa naman kita dati." anya nang tuluyang makalapit sa akin.

"Hala. Ikaw pala. S-Sorry hindi kita nakilala agad kasi...." tiningnan ko siya mula paa pataas, nakasuot siya ng uniform ng university namin, "..medyo malabo yung paningin ko eh."

"Well, I really can't tell based on that pair of very thick eyeglasses of yours." Grabe, ang sosyal niya mag-english. Hindi siya yung mababakasan mo ng pagkakonyo o kaartehan.Ang ganda-ganda niya rin. Nung una ko kasi siyang nakilala medyo hindi siya nakaayos eh.

"He he. B-Bakit ka nga--" bago ko pa natapos yung sasabihin ko ay sumingit na siya.

"Bakit ako nandito? Nagtransfer na kasi ako, neng. Pak. Nadagdagan ng isang magandang nilalang ang university niyo. Ganern."

Speechless ako. Napakastraightforward niya. But I couldn't agree more to what she said about her being an additional beauty to the university. Maganda naman talaga siya, para nga siyang diyosa eh.

"Wag ka nang kumontra be. Yung huling kumontra saken nakahilata parin sa e.r."

"E-Eh?"

"Charot lang, ikaw naman masyadong seryoso. Haha. Pero maiba tayo, ganito ba talaga dito senyo, masyadong maraming pa-cool, pa-sossy, pa-RK?" tumango lang ako sa tanong niya.

Naglakad kami nang magkasabay habang nag-uusap.

"Hayst. Alam mo, ayoko naman talagang magtransfer dito--"

"Ano bang course mo?" I asked, interrupting her.

"Political Science, be. Ikaw, arki?" hindi na ko nagtaka kung paano niya nalaman kasi napansin ko kanina na binabasa niya yung  nakasulat sa ID lace ko, kaya naman tumango nalang ako. "Nice. So ayun nga, eh yung parents ko kasi may gusto na magtransfer ako dito kahit 4th year na ko, and it's all because dito din nag-aaral yung fiance ko."

"May fiance ka na?"

"Korak."

"Bakit, ilang taon ka na ba? Parang masyado ka pang bata para magpakasal, ha. Tsaka dito din nag-aaral yung fiance mo?"

"20. Oo, dito siya nag-aaral. Kilala mo siya, neng."

"Talaga? Sino?"

"Si ano--" bigla siyang napatigil, "wait lang ha." may dinukot siya sa bulsa ng pants niya, cellphone. May tinap siya dito bago dinikit sa tenga niya.

"Mom?" nag-gesture siya sakin ng 'saglit lang' at lumayo nang mga anim na hakbang. "Yeah. I'm still at school and no, I haven't seen him yet. I don't think he went to school today, again. Yeah. You'll meet them today? As in right now? Alright. I'll be there after 30 minutes. Bye-bye." naglakad siya palapit sa pwesto ko.

"Be mauna na ko, ha. May lunch kami with my fiance's family eh. Next time na lang ulit."

"Okay. Ingat ka."

"Mico, right?" tumango ako. "In case you've already forgotten, my name is Geor--"

"Georgina." I said finishing her sentence.

"Ay bongga, buti naman hindi no pa nakakalimutan."

"Syempre. Niligtas mo nga ko, diba?"

"Hehe. So friends na tayo ha?" she gave me a very refreshing smile.

"Sure." and I smiled back. "O sige na baka malate ka pa sa lunch mo with your fiance."

"Ay oo nga. Sige na, bye be." nagmamadali siyang naglakad palayo sa kinatatayuan ko. Nilingon pa ako nito para kumaway at muling ngumiti. Gumanti naman ako ng kaway at ngiti pabalik.

Georgina. Pangalan pa lang ang ganda na pakinggan. Bagay na bagay sa mukha niyang mala-anghel. Pansin ko ring iba siya sa mga nag-aaral dito. Friendly siya, at hindi maarte kumilos. That guy is really lucky to have a fiancee like Georgina.

Hindi ko namalayan na masyadong napatagal yung pagkakatayo ko sa pwesto ko nang may naramdaman nalang akong kumalabit sakin.

"Hey." bati niya sakin nang umikot ako para harapin siya.

I was taken aback at first. Hindi alam kung anong irereact, or sasabihin. Basta napatitig lang ako sa makinis niyang mukha. Matagal-tagal na din yung huling beses kaming nagkita.

Hindi ko namalayang unti-unti nalang umarko pataas ang magkabilang dulo ng aking mga labi at pumorma ng isang ngiti.

He smiled, too, revealing his properly aligned white teeth.

"How have you been?" He asked as he put both of his hands to his pants' pockets. Hearing his accent never failed in giving me the chills.

"Good. I guess? You? It's nice to see you again."

"Yeah. I really missed you so much." Owkay. Awkward. Hindi tuloy ako makatingin sa mukha niya dahil sa mga sinabi niya.

"Where's he?" He asked making me look at his face again. Seryoso siya.

"W-Who?" I asked back, confused.

"Your boyfriend."

"A-Ah, eh.. I don't know." I tried to smile.

"Would you mind having lunch with me?" Do I mind nga ba? Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya diba? Magkaibigan naman kami, right?

"S-Sure."

Hindi ko alam kung saan kami kakain kasi lumabas pa kami ng university sakay nung kotse niyang dilaw.

Tahimik lang ako habang nagdadrive siya. He's trying to decrease the level of awkwardness by initiating conversations. Pero ewan ko ba sa sarili ko, kada isang tanong niya, isang sagot naman ako. Nakakahiya sa kanya kasi dati naman hindi kami ganito. Ang bait-bait niya pa naman sakin. Di bale, mamaya habang kumakain kami, kakausapin ko na siya nang matino.

Siguro mga 20 minutes yung naging biyahe namin bago kami huminto sa isang medyo magandang restaurant na based sa name ay masasabi kong puro asian delicacies ang sineserve.

Pumasok na kami, medyo maraming tao tapos parang puro Japanese, Chinese, at Korean.

"Why here?" I asked him.

"For a change." tipid nitong sagot sabay ngiti.

"Welcome po mga sir. Table for two po?" Tumango si Luis. "This way po." Ginuide kami nung usher na mukhang korean sa isang table na sobrang baba, yung tipong sa sahig kayo uupo.

"Here are the menus for today, sir." tinanggap naman ni Luis yung menu lists tapos inabot sakin yung isa.

Na-overwhelm naman ako sa mga pangalan ng pagkain. Hindi ko kayang ipronounce lahat maliban sa tempura at teriyaki. Yun lang yung mga alam ko kaya yun na lang inorder ko pero si Luis medyo madaming inorder.

While waiting for our orders, I saw Georgina entered the restaurant.

Dito yung lunch nila with her fiance's family? What a coincidence.

Kinawayan ko siya kaso hindi niya ko napansin dahil diretso lang yung tingin niya tapos pumasok siya dun sa pinto kung saan may nakasulat na VIP.

Nice, VIP. Mayaman pala talaga si Georgina. Ang cute lang kasi hindi siya tulad nung ibang mayayaman sa school na O.A. sa kaartehan at pagkabully. Simple lang siya tapos sobrang bait pa. Nasabi ko na to pero I feel like repeating it, ang swerte nung guy na mapapangasawa ni Georgina. Wala na siyang hahanapin pa sa kanya. 

Nacurious tuloy ako kung sino ba tong mapapangasawa niya. Kakilala ko daw sabi niya, diba? Sino kaya yun? Tsaka pano niya kaya nasabing kakilala ko?

"Here are your orders, sir." Ika ng server na nagpabalik ng lagalag kong isipan sa katawan ko, at lumuhod ito upang isalansan sa table namin yung mga pagkain.

Pag-alis nung server ay nag-umpisa na kaming kumain. We talked very casually habang kumakain. Nakakatawa na ko sa harap niya. Eh kasi naman hindi kami pareho marunong magchop sticks tapos ang lakas ng loob kumain sa ganitong lugar. Kaya naman nagkamay na lang kami. Para kaming mga batang ang kakalat kumain. Ay ako lang pala. Hehe.

Nang matapos ay nagpaalam akong pupunta ng banyo para maghugas ng kamay at umihi na rin.

Habang naglalakad ako ay may nakabunggo akong isang babaeng sa tingin ko'y around late 50's yung edad.

"Ay sorry po." aniko at dali-daling lumuhod upang damputin yung nabitawan niyang purse. Pinagpagan ko ito bago iabot sa kanya. "Sorry po talaga." nagtama ang aming paningin at aamin ko, naintimidate ako dahil para siyang yung mga kontrabidang mayayaman sa mga palabas sa tv.

"It's okay." she said in a very poised manner. Dumiretso na ito sa c.r. ng mga babae at ako naman ay sa c.r. ng mga lalaki.

"Let's go?" tanong ni Luis nang makabalik ako sa table namin. Tumango na lang ako pagkatapos ay binitbit ang bag.

Palabas na kami ng restaurant nang may makasabay kaming limang tao na palabas rin at tatlo dito ay kilala ko.

Our eyes instantly connected. My heart suddenly thumped hard it feels like it wanted to escape from the inside of my chest.

Hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako habang nakatingin sa kanya.

"T-Tyrone.." pagtawag ko sa pangalan niya. Pero bakit ganun? He doesn't seem happy to see me. The way he's looking at me.... it's cold, like he doesn't even know me at all.

"Oh, hello, Mico." dinig kong pagbati ni Mr. Rivera sakin pero hindi ko maialis ang aking tingin kay Tyrone. "It's good to see you here."

"You know him?" Saglit akong napatingin sa babaeng nagtanong, siya yung nakabunggo ko kanina.

"Yes, Giselle." si Mrs Rivera yung sumagot sa tanong nito, "He's a close friend of our son."

"Oh really?" napadako naman yung tingin ko sa lalaking katabi nung babae at kamukhang-kamukha nito si....

"Uy be!" agad akong napalingon sa kinaroroonan ng isang pamilyar na boses ng babae. Papalapit ito saming lahat habang nakangiti. "Pupunta ka rin pala dito dapat nagsabay na tayo." ika nito nang tuluyang makalapit samin.

"Georgina.." yan lang yung tangi kong nasambit. May kung ano akong naramdaman sa dibdib ko. Ang alam ko lang ay hindi ito maganda.

"Magkakilala pala kayo ni Mico, hija?" tanong ni Mrs Rivera kay Georgina.

"Yes, tita. Mico and I are friends." bumaling ito sakin, "Right, be?"

"Diba may lunch kayo ng pamilya ng fiance mo?" Hindi ko alam kung bakit ito yung sinabi ng instinct ko na itanong ko. Napatingin ako kay Tyrone. Ganun pa rin ang expression ng mukha niya. Parang ibang Tyrone yung nakikita ko ngayon.

Lumapit si Georgina kay Tyrone at napatingin ako sa ginawa niyang paghawak sa kamay nito.

Tumaas yung tingin ko sa mukha nilang dalawa.

"Here he is. My fiance." ani Georgina na sobrang laki ng ngiti at inihilig ang ulo sa balikat ni Tyrone.

Tyrone remained expressionless, and I can feel my heart breaking slowly as I absorb all that's happening just right now.

One week kaming hindi nagkita at nag-usap. At ngayon, nalaman ko na lang na magpapakasal na siya.

Bakit ganito, Tyrone? What's happening to our story? Did I miss one chapter, or did I do something wrong? Did I.....

"C-Congrats sa inyo." Pilit akong ngumiti kahit nararamdaman kong anumang oras ay tutulo na ang aking mga luha. "S-Sige po. M-M-Mauna na po kami." I gulped and gave Tyrone a final look. Seeing him feeling nothing right now breaks my already broken heart even more.

Tears started falling as I took my first step out of that place.

*******

AN

Hi, guys! To everyone who patiently waited, thank you so so so much. Naging busy lang po talaga sa buhay. Work then School. I already let go of my work(one hard decision tho), and that is to focus muna on my studies.

So.. thanks for reading up to this part of this chapter. <3

Votes. Comments. Help me get motivated guys. <3

Another chapter will be posted within the next hour so better watch out!! :-)

Continue lendo

Você também vai gostar

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...