Rain.Boys V

By Adamant

68.8K 3K 304

[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their per... More

TEASER
DEDICATION
PROLOGUE
RAINBOW 01
RAINBOW 02
RAINBOW 03
RAINBOW 04
RAINBOW 05
RAINBOW 06
RAINBOW 07
RAINBOW 08
RAINBOW 09
RAINBOW 10
RAINBOW 11
RAINBOW 12
RAINBOW 13
RAINBOW 14
RAINBOW 15
RAINBOW 16
RAINBOW 17
RAINBOW 18
RAINBOW 19
RAINBOW 20
RAINBOW 21
RAINBOW 22
RAINBOW 24
RAINBOW 25
RAINBOW 26
RAINBOW 27
RAINBOW 28
RAINBOW 29
RAINBOW 30
RAINBOW 31
RAINBOW 32
RAINBOW 33
RAINBOW 34
RAINBOW 35
RAINBOW 36
EPILOGUE
RAINBOW NOTE

RAINBOW 23

1.4K 63 5
By Adamant

LUKE'S POINT OF VIEW:


"Arwin sandali lang nga." Ang sabi ko habang halos patakbo na kami habang hawak at hila niya ako sa kamay ko, pero sa halip na tumigil ay nagpatuloy lang siya sa paghila sa akin hanggang sa makalayo na kami sa bahay at shop nila Icko at doon lamang siya huminto, at pagkatapos ay humarap sa akin ng nakasalubong ang kilay at nakasimangot. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo huh?" ang tanong ko sa kanya na medyo may pagsusungit.


"Ako pa talaga ang tinanong mo niyan ha, di ba dapat ako ang magtanong niyan sa'yo? Ang aga-aga kasama mo na agad si Icko at pagkatapos ikaw pa talaga ang pumunta sa kanila? Akala mo siguro di ko malalaman 'no? sinundan kaya kita mula sa inyo. Susurpresahin pa naman sana kita ngayong umaga tapos ako pa pala ang masusurpresa." Ang sabi ni Arwin na halatang nagseselos sa tono pa lang ng pananalita kaya hindi ko naiwasan na mapangiti, isang ngiti na talaga namang nakakaasar. "At ano nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko ha?" ang tanong niya sa akin na halatang selos na selos at malapit ng mapikon.


"Alam mo nakakatawa ka Arwin, para kang bata." Ang sabi ko sa kanya na hindi pa din maalis ang pangiti ko sa kanya.


"Wow ha, ako pa talaga ang parang bata, ang pagkakaalam ko sa ating dalawa ikaw yung isip bata." Ang sabi naman ni Arwin bilang pagdepensa, halatang hindi siya papaya na tawaging isip bata kahit na totoo naman. "Pero huwag mong ibahin ang usapan, sabihin mo nga ano ginagawa mo ng ganito kaaga kila Icko?" ang sabi niya na seryosong nakatingin sa akin.


"Alam mo huwag kang malisyoso kapreng hilaw, nagpunta lang naman ako kila Icko para i-check si Wrain, 'yung tuta na nakita namin nang minsang maabutan kami sa ulanan ni Icko, iyon 'yung time na..." ang hindi ko natuloy na sabihin dahil ayoko na ungkatin pa ang panahon na hindi ako nagawang piliin ni Arwin, ang panahon na naging dahilan ng komplikadong estado namin ngayon.


"Yung time na ano? Bakit bigla kang napahinto?" ang tanong ni Arwin sa akin.


"Ah basta 'yon yung time na sinamahan ako ni Icko, tiyaka hindi ko kasi magawang kunin agad sa kanila si Wrain kasi naman wala pa akong dog house para sa kanya." Ang sabi ko bilang pagsagot at pag-iwas sa katanungan niya dahil nga sa ayoko na pag-usapan pa ang ano mang bagay tungkol sa deal namin ni Charlie, isang deal na binali ko na noong panahon na nagkasama kami muli ni Arwin at mag pa sa mga sandaling ito.


"Sus eh di igagawa kita ng dog house para sa tuta mo. Next time try mo kaya na magpasabi sa akin para masamahan kita." Ang sabi ni Arwin sa akin.


"Talaga igagawa mo ako? Duh? Paano ako magsasabi sa'yo eh halos beinte y kwatro oras ka yatang binabantayan ng magaling mong best friend, bigyan mo kaya ng suweldo o kahit pamerienda lang." ang sabi ko bilang tugon sa kanya na may halong pang-aasar.


"Tignan mo 'to kinakausap ng matino kung ano-ano sinasabi." Ang sabi naman ni Arwin bilang pagtugon sa pang-aasar ko sa kanya.


"Biro lang, masiyado kang seryoso, oo na sige igawa mo ako ha, aasahan kop o yan Mr. Arwin kapre." Ang sabi ko na hindi ko pa din maiwasang asarin si Arwin dahil sa simula kagabi ay para bang naging magaan na ulit ang aming pakikitungo sa isa't isa, marahil dahil sa talagang buo na ang pasya ko na maibalik ko ang nasira naming relasyon, ngunit sisiguruhin ko na sa oras na magkabalikan na kami ni Arwin ay isang relasyong hindi na masisira pa ng sino mang kontrabida na darating sa buhay namin, nakakabaliw na din kasi dinaig pa namin ang teleserye sa dami ng nangyari sa amin.


"Ano tara na?" ang bigla niyang tanong sa akin at napatingin naman ako sa kanya ng may buong pagtataka.


"Huh? Anong tara na?" ang tanong ko naman dahil parang bigla akong naguluhan sa kanya.


"Bakit akala mo ba sinundan lang kita para hilahin palayo sa tukmol na Icko na 'yon? May pupuntahan tayo, malaya akong makakagala ngayon kaya naman huwag nang maraming tanong ha." Ang sabi ni Arwin na kanina lang ay halos magdugtong na ang kilay sa sobrang pagkakasalubong ay ngayo'y halos abot tainga ang ngiti na nangangahulugang na kahit siya ay hindi na makapaghihintay pa sa kung saan man kami pupunta ng ganitong kaaga, bago pa ako makapagsalita ay hinawakan niya ang kamay ko ngunit hindi tulad kanina ay hindi na niya ako kinailangan pang hilahin sa halip ay kusang loob na akong sumama sa kanya dahil sa excited din akong malaman kung saan kami pupunta.


Magkahawak kamay kaming naglakad, walang pakialam sa kung sino man ang makakakita sa amin, tulad lamang ng dati, kaya naman hindi ko naiwasang mapangiti at kiligin ng mga sandaling iyon, pakiramdam ko kasi ay talagang nagagawa ko nang maiayos ang lahat sa amin. Nagpatuloy kami sa paglalakad, hanggang sa maging pamilyar na sa akin ang dinaraanan namin, hanggang sa rumehistro na sa utak ko kung saan patungo ang dinaraanan naming ito.


"Arwin sabihin mo nga sa akin saan tayo pupunta?" ang tanong ko sa kanya na bahagyang seryoso ang tono.


"Basta huwag ka nang magtanong makakarating din tayo sa pupuntahan natin, at tiyak ko na matutuwa ka kapag naroon na tayo." Ang sabi ni Arwin bilang sagot at naramdaman ko na pinisil niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya at isang ngiti ang agad na ibinigay nito sa akin.


"Alam mo, ang dami mong alam." Ang tangi ko na lamang nasabi at napangisi na lang, at hindi ko na lamang ipinahalata na alam ko na ang lugar na aming pupuntahan.


"Oo naman madami talaga akong alam, pero pinakaalam ko lang talaga ay yung nararamdaman ko sa'yo." Ang sabi ni Arwin sa akin bilang pamimilosopo, pero inaamin ko kinilig din ako.


"Oo na lang, ha-ha, tara na nga nagugutom na din ako, sana lang may makakain sa pupuntahan natin." Ang sabi ko at ako na ang humila sa kanya, oo alam ko na kung saan kami pupunta pero hindi dahilan iyon para sirain ko ang ano mang inihanda ng mokong na ito.


Ilang hakbang na lang ay malapit na kami sa pupuntahan namin, alam ko iyon dahil nakabisado ko na din naman ang dinaraanan namin noong sinundan ko sila ni Charlie, ang lugar na kung saan kahit minsan ay di ako dinala ni Arwin. Ilang sandali pa ay huminto kami, at mula sa likuran bulsa niya ay kinuha niya ang isang kulay berde na panyo, at napangiti na lamang ako dahil alam ko na kung ano ang susunod nitong gagawin.


"Nakikita mo ba 'to?" ang tanong niya sa akin.


"Hindi, hindi ko nakikita, bulag ako sorry." Ang pabiro kong tugon sa kanya.


"Para ka namang sira eh tinatanong ka ng matino eh." Ang sabi niya na para bang naasar ng kaunti, pero sa halip na mag-alala ako ay di ko naiwasan na matawa.


"Ha-ha, ako pa ngayon ang sira, eh ikaw nga itong parang sira eh, malamang nakikita ko 'yan, ano si Dora ka na ba at kailangan tanungin mo ako kung nakikita ko 'yang panyo na hawak mo? Baka naman next tanungin mo na ako kung anong kulay niyan, kaya sasagutin na kita, berde ang kulay niyan, ha-ha." Ang sabi ko na alam ko na bahagyang nakakaasar kaya naman nakita ko na ang pagsimangot ng kapreng hilaw tanda na napikon ito.


"Ah talaga, galing naman ni Boots." Ang bigla niyang sabi bilang pangganti sa akin, at nang marinig koi yon ay di ko naiwasan mapasimangot at nang makita naman niya ang reaksiyon ko na iyon ay doon niya na sinundan ng tawa na talaga namang nakakaasar.


"Ah talaga so mukha pala akong unggoy?" ang sabi ko naman at natawa na naman siya kaya naman unti-unti nang nagsasalubong ang kilay ko at humahaba ang nguso ko, at nang makita niya iyon ay tumigil siya sa pagtawa at agad akong hinalikan sa aking labi, at napapikit na lamang ako, kasunod noon ay ang pagpiring niya sa akin.


"Ano ka ba nakalimutan mo na duwende ka? Ikaw yung duwende na minahal ko. At kung magiging unggoy ka naman willing ako na alagaan ka at mamahalin pa din kita." Ang pabulong na sabi ni Arwin sa akin nang bumitiw siya sa paghalik sa akin at kanya nang inayos ang pagpipiring sa akin.


"Bakit ba kailangan na piringan pa kasi ako?" ang tanong ko sa kanya dahil nga alam ko na din naman kung saan kami pupunta.


"Bakit kita pipiringan? Siyempre para naman mas maging kasurpre-surpresa yung pupuntahan natin, alam ko nakapunta ka na sa pupuntahan natin, pero may hindi ka pa nakikita sa lugar na iyon." Ang sabi ni Arwin na labis kong pinagtaka kung paano niya nalaman na nakapunta na ako sa pupuntahan namin.


"At paano mo naman nasabi na nakapunta na ako sa pupuntahan natin?" ang tanong ko sa kanya na hindi pinapahalata sa tono ng pananalita ko na tama siya sa sinabi niyang iyon.


"Nagkukunwari ka pa, alam mo, masiyado kitang mahal kaya imposible na hindi kita mapansin na sinusundan mo kami ni Charlie noon, alam ko na iniisip mo kung bakit hindi kita dinala doon? Bukod sa naging sa mga alaala namin ni Charlie bilang mag-best friend na naiwan doon na nais ko noong kalimutan ay ayoko din kasi dalhin ka sa lugar na mararamdaman mo ang kalungkutan ko, kaya naman ngayon na may binago ako sa lugar, well di lang naman ako, ay handa na kitang dalhin doon, at sa lugar ding iyon ay bubuo na muli tayo ng bagong alaala." Ang sabi ni Arwin at sa halip na tumugon dito ay nanahimik na lamang ako dahil sa kilig at sa tuwa na nararamdaman ko sa aking puso at alam kong nararamdaman din niya iyon.


Pagkatapos niyang ayusin ang pagkakapiring sa akin ay naramdaman ko na muli niyang hinawakan ang aking kamay, at kasunod noon ay sinabi niya sa akin na sumunod lamang sa sasabihin niya, na hayaan ko siyang maging aking mata, na hayaan ko siyang alalayan niya ako hanggang sa makarating sa aming pupuntahan. Sa bawat paghakbang na ay ramdam ko ang pag-iingat ni Arwin, ramdam ko ang pagmamahal na tanging para sa akin niya lamang inilalaan, sana lang hindi na matapos ang mga ganitong sandali namin ni Arwin, yung wala mang klaripikasyon sa kung ano na nga ba an gaming estado ay para pa din kaming dalawang magsing-irog na ang tanging alam ay pasayahin, ingatan, at mahalin ang isa't isa.


Sa ilang minuto pa naming paglalakad ay agad niya akong sinabihan na huminto at agad ko namang ginawa, at naramdaman ko na pumunta siya sa likuran ko at niyakap ako. "Aalisin ko na ang pagkakapiring ng iyong mata, sana ay magustuhan mo ang aking sorpresa mahal kong duwende." Ang sabi ni Arwin na pabulong at tumango naman ako bilang pagsang-ayon, nang sabihin niya iyon ay para bang nanabik ako bigla na maalis na ang piring sa aking mga mata, at kanya nang inalis ang mga bisig niya sa pagkakayakap sa akin, at unti-unti ay naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakapiring sa aking mga mata, hanggang sa tuluyan nan gang alisin ni Arwin ang piring at nanatili akong nakapikit, naramdaman ko ang malakas na ihip ng hangin at para bang biglang naging musika sa aking pandinig ang bawat paghuni ng ibon at mahinahong lagaslas ng tubig, at sa pagbukas ko ng aking mga mata ay halos hindi ko na alam kung paano ko ikukubli ang labis na tuwa at pagkagalak at naramdaman ko na lamang ang pag-agos ng luha ng kasiyahan at ang tangi ko na lamang nagawa ay ang yakapin si Arwin ng sobrang higpit na agad din naman niyang ginantihan ng isa ding mainit na yakap.


"Sira ka talaga, ang dami mong alam." Ang sabi ko sa kanya habang nakayakap sa kanya at naluluha pa din ng dahil sa saya at tuwang nararamdaman ko.


"Sabi ko naman sa'yo eh madami talaga akong alam, at alam na alam ko paano pasasayahin ang taong alam ko na mahal na mahal din ako." ang sabi ni Arwin sa akin at naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin, at hinalikan niya ako sa aking ulo.

Continue Reading

You'll Also Like

51.7K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
28.9K 2.2K 39
Kisses Series #2 FORMER TITLE: Seasons of Love Ang pag ibig ay pana-panahon lang may panahon na masaya,at malungkot bawat. Panahon ay sumisilbulo sa...
66.7K 1.3K 11
Nagtransfer si Kyle sa isang exclusive school for boys para magpakalalaki. It was a thought out of the blue na biglang nagmaterialize..isang sharp cu...
183K 1.5K 6
will everything be okay in the right time? will love prevail this time around?