Rain.Boys V

By Adamant

68.8K 3K 304

[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their per... More

TEASER
DEDICATION
PROLOGUE
RAINBOW 01
RAINBOW 02
RAINBOW 03
RAINBOW 04
RAINBOW 05
RAINBOW 06
RAINBOW 07
RAINBOW 08
RAINBOW 09
RAINBOW 10
RAINBOW 11
RAINBOW 12
RAINBOW 13
RAINBOW 14
RAINBOW 15
RAINBOW 16
RAINBOW 17
RAINBOW 18
RAINBOW 19
RAINBOW 20
RAINBOW 21
RAINBOW 23
RAINBOW 24
RAINBOW 25
RAINBOW 26
RAINBOW 27
RAINBOW 28
RAINBOW 29
RAINBOW 30
RAINBOW 31
RAINBOW 32
RAINBOW 33
RAINBOW 34
RAINBOW 35
RAINBOW 36
EPILOGUE
RAINBOW NOTE

RAINBOW 22

1.4K 62 2
By Adamant

ICKO'S POINT OF VIEW:


Nakita ko ang lahat noong gabing iyon, nakita ko kung paano naglapat ang kanilang mga labi at kung paano muling hinalikan ni Luke ang labi ni Arwin sa ikalawang pagkakataon, nakita ko din sa ekspresyon ng kanyang mukha kung gaano niya kamahal ang taong ngayon nagpapayong, nakatayo lamang ako di kalayuan sa kanila habang pinagmamasdan sila at sa mga eksena na iyon ay unti-unti akong nakakaramdam ng inggit, sakit, selos at panghihinayang na alam ko na wala din naman akong karapatan na maramdaman, pero wala nga ba? Bakit kailangan ba talaga na kami bago ko maramdaman ang mga iyon? Hindi pa ba sapat na dahilan na mahal ko siya kaya ako nakakaramdam nito?


Napayuko na lamang ako at napatalikod at pagkatapos ay unti-unting naglakad palayo sa kanila, dahil hindi ko na kinakaya ang nararamdaman ko, na baka kung magpapatuloy pa ang selos at sakit ay makagawa ako ng mga bagay na hindi ko naman dapat gawin. Hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa tapat ng shop namin, napabuntong hininga na lamang ako at pagkatapos ay pumasok na din dahil tila mas lumalakas ang buhos ng ulan.


"Oh kamusta si Luke, nakauwi na ba siya sa kanila?" ang bungad na tanong ni papa nang pumasok ako sa shop namin, kasalukuyan niya pang hawak noon si Wrain na sa tingin ko ay kakatapos lamang niya i-check. Napatingin ako kay papa, at bago ako sumagot ay pinilit ko muna na alisin ang selos at sakit na iniinda ko, ayoko din naman na mag-alala pa sa akin si papa.


"Ah opo papa, nakauwi na siya, at wag po kayo mag-alala ayos naman po siya." Ang sabi ko bilang pagtugon at pilit akong ngumiti para mas magmukhang ayos lamang ako, tumingin lamang sa akin si papa at pagkatapos ay kanya nang ibinalik si Wrain sa kulungan nito at pinagmasdan ko lamang si papa noon habang ginagawa niya iyon.


"Eh ikaw anak ayos ka lang ba?" ang biglang tanong ni papa na nakatalikod pa din sa akin at nilalaro si Wrain sa kulungan nito, napatingin na lamang ako kay papa at sabay yuko, at pagkatapos ay huminga ako ng malalim pero bago pa ako makasagot ay bigla namang may pumasok sa shop dahilan para mapatingin kami ni papa nang sabay sa pumasok na iyon, at halos manlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang pumasok sa shop.


"E-E-Eloisa? Anong ginagawa mo dito?" ang halos gulat kong tanong, halos di ko alam ang sasabihin ko sa sobrang pagkabigla, dahil ang babae na siyang minahal ko ng sobra noon at nagawa lamang akong iwan ay ngayon nasa harapan ko. Tumingin siya sa akin at isang matamis na ngiti ang ibinigay niya, at pagkatapos ay agad na lumapit kay papa at nagmano.


"Magandang gabi po tito Franc, buti na lang nahanap ko itong shop niyo, akala ko po talaga ay di ko na ito makikita tapos bigla pang mas lumakas ang ulan." Ang sabi ni Eloisa at napatingin naman sa akin si papa.


"Ah Eloisa ano bang ginagawa mo dito? Ang layo ng Manila dito ah, tiyaka paano mo nalaman na dito na kami nakatira?" ang tanong ko sa kanya.


"Malayo? Halos isang oras mahigit lang naman ang biniyahe ko, at paano ko nalaman? Nagtanong ako sa mga barkada mo sa atin, at luckily nakuha ko naman ang sagot sa kanila, hindi lang talaga nila alam ang exact address niyo kaya naman pagdating na pagdating ko dito ay nagtanong tanong na ako." ang sabi ni Eloisa at ngumiti siya sa akin na para bang masayang masaya siya na makita ako.


"Pero di mo pa sinasagot ang tanong ko, anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko muli sa kanya.


"Hmm mukhang may kailangan kayong pag-usapan na dalawa na hindi na dapat ako makisali, sige pupunta muna ako sa opisina ko, Icko doon na lamang kayo mag-usap sa waiting area, uhm Eloisa feel at home ija." Ang sabi ni papa at agad na niya kaming iniwang dalawa ni Eloisa at pumasok na siya sa opisina nito.


Nang makapasok na sa kanyang opisina si papa ay niyaya ko siya na sumunod sa akin papunta sa waiting area ng shop namin sa malamig na tono, upang doon ay makapag-usap kami ng pribado at para na din mas malaman ko kung ano ba ang dahilan niya kung bakit siya nagpakita muli sa akin matapos ang hiwalayan namin.


"Sabihin mo na, ano ang dahilan mo bakit ka naparito?" ang tanong ko sa kanya sa malamig na tono nang makaupo na kami sa magkaibang sofa, nakatingin sa akin ng direkta sa aking mga mata na parang bang may hinahanap na sagot mula sa akin, at ilang sandali pa ay ngumiti ito.


"Hindi na nga ikaw yung Icko na kilala ko, nagbago ka na nang nararamdaman para sa akin." Ang sabi ni Eloisa na para bang nanghihinayang siya habang sinasabi niya iyon.


"Lahat naman ng tao may karapatang magbago, at hindi naman ako ang naunang magbago sa ating dalawa hindi ba? Alam ko na alam mo 'yon." Ang sabi ko naman bilang tugon sa malamig pa ding tono, at narinig ko na napabuntong hininga ito at muling pilit na ngumiti sa akin.


"Nagpunta lang naman ako dahil gusto ko sana na sabihin sa'yo na patawarin mo ako sa nagawa ko, sa sakit na naidulot ko at nang nagawa ko sa'yo, at ngayon masasabi ko na nakokonsensiya ako at nanghihinayang dahil hinayaan ko na mawala ka sa akin." Ang sabi ni Eloisa na makikita sa mata nito na totoo ang sinasabi nito. "Kung maaari sana Icko, bigyan mo ako ng..." ang hindi na naituloy pa na sabihin ni Eloisa dahil agad na akong nagsalita upang putulin na ang nais pa nitong sabihin.


"Pasensiya na Eloisa, ikaw na ang nagsabi sa akin, nagbago na ako kaya naman alam ko na alam mo na sa mga sandaling ito ay nagbago na ang nararamdaman ko sa'yo, kaya naman hindi na kita mabibigyan pa ng isang pagkakataon. Pero huwag kang mag-alala dahil pinapatawad na kita, oo masakit maloko lalo nan g taong pinakamamahal mo, pero ayoko na din kasi magdala ng sama ng loob sa puso ko kaya naman pinapatawad na kita, mas makakabuti siguro kung magiging magkaibigan na lang tayo." Ang malumanay kong sabi, at nang matapos kong sabihin iyon ay para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko, isang tinik na matagal ko ng iniinda pero ikinukubli ko sa mga ngiti ko pero ngayon makakangiti na ako ng walang halong pagpapanggap dahil sa alam ko na natuldukan ko na ang dapat tuldukan sa nakaraan ko, at maaari ko nang harapin ang panibagong kwento ng buhay pag-ibig ko.


"Ano pa nga ba ang magagawa ko, sa pananalita mo pa lang ay sa tingin ko ay nakakita ka nan g taong mas higit sa akin, at masaya ako kung ganon. Masaya na din ako na napatawad mo na ako, at least hindi na ako makukunsensiya at hindi ko masasabi na nasayang ang pagpunta ko dito." Ang sabi ni Eloisa at ngumiti siya sa akin at nagulat na lamang ako ng tumayo siya at yakapin niya ako ng biglaan, halos hindi ako nakagalaw si kinauupuan ko nang mga sandaling iyon, pero napangiti na lamang ako at niyakap ko siya bilang senyales na din na nagkaayos na kami. Kahit paano ang gabing iyon ay hindi lang selos kay Arwin ang naramdaman ko, dahil sa gabi ding iyon ay nakapagpatawad ako na siyang dahilan ko para makangiti.


Noong gabi ding iyon ay pinaalam ko na kila mama at papa ang pagkakaayos namin ni Eloisa, sa tagal din ng naging relasyon namin ni Eloisa ay halos anak na din ang turing nila mama at papa dito kaya naman masaya din silang malaman na nagkaayos na kami nito kahit bilang kaibigan lang. Nalaman namin na halos isang linggo din na walang pasok sa eskwela si Eloisa dahil sa foundation week ng school na pinapasukan niya na siyang dating school ko din na pinapasukan, kaya naman itong sila mama at papa ay walang pagdadalwang isip na hinikayat itong si Eloisa na mag-stay sa amin, at agad namang pumayag itong si Eloisa, palibhasa matalik na magkaibigan si mama at ang mama ni Eloisa kaya naman madali na nilang maipapaalam itong si Eloisa sa mga magulang niya, at siyempre hindi na ako tumutol pa dahil ayoko din na maging negatibo ang dating ko sa kanila lalo't kakaayos lang namin ni Eloisa.


Kinabukasan ay ako ang nautusan ni papa na magbukas ng pet shop namin, ang umagang iyon ay halos katulad lamang ng mga pangkaraniwang umaga, medyo basa nga lang ang paligid dahil sa walang humpay na pag-ulan kagabi, nang mabuksan ko na ang shop ay papasok na ako ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko ang tumawag sa pangalan ko, ang boses na iyon ay nagpabilis ng tibok ng puso ko at siyang tuluyan na gumising sa inaantok ko pang isip, ang boses na iyon ay hindi ko inaasahan na madidinig ko sa umagang iyon dahilan para mapalingon ako na halos dahan-dahan pa.


"Luke?" ang patanong kong sabi sa kanya dahil di ako makapaniwala na nakikita ko siya ngayon sa harapan ko at siya pa mismo ang nagpunta sa amin.


"Magandang umaga Icko!" ang nakangiti at masiglang sabi ni Luke sa akin bilang pagbati sa akin.


"Ma-ma-magandang umaga Luke. Totoo ba 'to?" ang bigla ko na lamang nasabi.


"Huh? Anong totoo ba? Icko ayos ka lang?" ang tila nalitong tanong ni Luke sa akin.


"Ah wala, wala, uhm, ang ibig kong sabihin ay ang aga mo ah, may pupuntahan ka ba?" ang tanong ko sa kanya na halos di na ako mapakali, para akong tanga dahil pakiramdam ko ay dinadaga ako sa dibdib ko.


"Ah oo pasensiya na kung napaaga ako, naalala ko lang kasi si Wrain halos di ko na kasi siya nadalaw baka isipin mo at nila tito Franc at tita Aves pinabayaan ko na siya, ha-ha." Ang pabiro niyang sagot at hindi ko maiwasang matuwa sa kanya habang pinagmamasdan ko siya.


"Talaga? Ang suwerte ko buti na lang ako ang nagbukas, ang ibig ko sabihin ay mabuti na lang at sakto ang dating mo kasi i-che-check ko siya ngayon." Ang sabi ko naman na hindi ko maiwasang mapangiti. "Tara pasok ka na, tiyak ko namiss ka na ni Wrain." Ang dagdag kong sabi at tumango siya sa akin, at agad na sumunod sa akin na pumasok sa shop, pagpasok pa lang namin ng shop ay nagtahulan na ang mga naroon na aso at tuta at halos di na magkandaugaga si Wrain sa kulungan niya.


Agad na nilapitan ni Luke si Wrain, at tuwang tuwa niya itong kimusta at kinausap na parang bata, mula sa likod niya ay pinagmamasdan ko lamang muna si Luke, hanggang sa lingonin niya ako at tanungin kung maaari niya bang ilabas kulungan nito si Wrain, at dahil sa labis na pagkatuwa ay napatango na lamang ako at hinayaan ko na lamang siya na kuhanin niya sa kulungan nito si Wrain.


"Mukhang malusog na talaga si Wrain, hindi katulad nang makita natin siya." Ang masayang sabi ni Luke habang karga karga na nito si Wrain at patuloy pa din na nilalaro, sa halip na sumagot ako ay pinagmasdan ko lamang siya at ilang sandali pa ay naramdaman ko na lamang na dinilaan ako ni Wrain sa pisngi ko, di ko na namalayan na nakalapit na pala sa akin si Luke at inilapit sa mukha ko si Wrain, at di ko maiwasang matawa dahil sa nakakakiliti at pulit-ulit na pagdila pa din ni Wrain sa mukha ko, at nakita ko na natutuwa si Luke sa ginawa niyang iyon.


"Masiyado ka daw kasing tulala kaya naman ginising ka lang ni Wrain." Ang nakangiting sabi ni Luke at muli niyang kinarga sa mga bisig niya si Wrain. "Inaantok ka pa yata, nagkape ka na ba?" ang tanong niya sa akin.


"Ah pasensiya na medyo nagla-lag pa utak ko, alam mo na bagong gisng lang he-he." ang sabi ko bilang palusot at napakamot na lang ako ng ulo. "Ah Luke siya nga pala may gusto akong sabihin sa'yo." Ang dagdag kong sabi bilang panimula dahil nagpasya na ako na sa mga sandaling iyon ay magtapat na sa kanya ng tunay kong nararamdaman, nang bigla namang may pumasok sa shop at sabay pa kaming napatingin ni Luke dito.


"Icko sabi ni tita, mag-almu...sal...ka...na...daw..." ang halos nabiglang sabi ni Eloisa dahil di niya inaasahan na may kausap ako noong mga sandaling iyon, "naku mukhang may customer na pala kayo, sandali tatawagin ko na si tito." Ang tila nataranta pang sabi ni Eloisa.


"Ah hindi, hindi, hindi ako customer." Ang bigla namang sabi ni Luke para pigilan si Eloisa sa gagawin nitong pagtawag kay papa.


"Ah Eloisa si Luke, Luke si Eloisa." Ang tangi kong nasabi bilang pagpapakilala sa akin.


"Ah kung ganon bago kang kaibigan ni Icko dito sa lugar na 'to?" ang sabi ni Eloisa bilang pag-uusisa.


"Ang totoo Eloisa si Luke ay ang..." ang hindi ko na natuloy pang sabihin dahil biglang sumagot si Luke.


"Yup, bukod sa kaibigan ay schoolmate ko din siya kaya, bale nagkataon lang na pareho kasi naming natagpuan 'tong tuta na hawak ko kaya nagpasya siya na alagaan na din 'to habang wala pa akong nagagawang dog house." Ang sagot ni Luke, ang pagtanggap ni Luke sa salitang kaibigan at pagsasabi niya na schoolmate niya ako ay para bang nagbigay agad sa akin ng kawalang pag-asa at lakas ng loob na magtapat pa sa kanya, na para bang kahit di man intensiyon ni Luke ay nilagyan na niya ng linya ang pagitan namin, linya na hindi ko na maaari pang lagpasan.


"Ah ganoon ba, I see, so tama ba ang sabi niya Icko?" ang tanong sa akin ni Eloisa na matagal din bago ko tinugon dahil sa parang nakaramdam ako ng sandaling panghihina.


"Uhm, oo tama siya, magkaibigan at mag-schoolmate kami." Ang malate kong tugon at isang pilit na ngiti ang ibinigay k okay Eloisa.


Di pa man din nagtatagal ang pagdating ni Eloisa ay bigla na namang may pumasok sa shop at napatingin kami dito, at nabigla ako ng makita ko kung sino ito, di ko napigilan na magsalubong ang mga kilay ko, at bahagyang kumulo ang dugo ko, dahil sa dinami rami ng pwedeng sumulpot din ng bigla ay si Arwin pa.


"Arwin? Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ni Luke sa akin, nakatingin lang sa amin si Arwin na blangko ang ekspresyon ng mukha nito, narinig ko ang pagbuntong hininga ni Luke nang hindi siya tugunin nito. "Uhm Icko pahawak muna nitong si Wrain, tutuktukan ko lang 'tong baliw na 'to." Ang sabi ni Luke sa akin at kanyang ibinigay sa akin si Wrain.


Pagkabigay ni Luke sa akin ng tutang kanina lamang ay masaya niyang nilalaro at kinakaraga ay agad siyang lumapit kay Arwin upang tuktukan ito at kausapin pero bago pa man makapagsalita si Luke ay agad na hinawakan ni Arwin ang kamay nito at mabilis na niya itong hinila palabas at bago ko pa man sila mapigilan ay nakalabas na sila at nanatiling hila at hawak niya si Luke sa kamay nito.


"Teka ano ang nangyari? Icko?" ang tila naguguluhang tanong ni Eloisa sa mabilis na pangyayari.


"Wa-wala, huwag mo na lang pansinin, 'yon." Ang tangi ko na lamang nasabi habang tinatanaw ang labas ng shop.


"Wala? Wala ba ;yung tangayin ng ibang tao ang taong espesyal para sa'yo?" ang sabi ni Eloisa na labis kong ikinabigla, di ko inaasahan na madidinig ko sa kanya ang mga salitang iyon.


"Ano bang sinasabi mo diyan?" ang sabi ko naman bilang pagkakaila na naunawaan ko ang nais niyang sabihin.


"Pwede ba Icko? Ang tagal din nating naging tayo kaya naman alam ko sa way ng pagtingin mo pa lang sa isang tao kung espesyal o higit sa kaibigan ang tingin mo dito, alam ko 'yon dahil ganon ang tingin mo sa akin dati." Ang sabi ni Eloisa bilang tugon sa akin na para bang hindi niya pa din nakakalimutan ang lahat tungkol sa akin. "Kaya tara na." ang biglang sabi ni Eloisa.


"Anong tara na? Alam mo Eloisa, hindi mo kasi nauunawaan eh." Ang sabi ko naman na parang ayaw pa rin na isuko ang pagpapanggap ko.


"Ano ka ba susundan natin sila Luke at yung Arwin ba 'yon? Basta susundan natin sila, tiyak na hindi pa naman sila nakakalayo. At huwag mong isipin na nag-iba ang tingin ko sa nalaman ko sa'yo ngayon, dahil hindi non nabago ang pagkalalaki mo, nagmahal ka lang, 'yan ang isinigaw ng isip mo, at tinibok ng puso mo, sigaw at tibok na kahit kailan hindi naman naging masama. I can understand things more than you think, kaya tara na, ibalik mo na muna 'yang tuta sa kulungan, habulin na natin sila." Ang sabi ni Eloisa at hindi ko na naiwasan pa na mapangiti dahil masasabi ko na mabuti na lang at may isang Eloisa ako na nakilala.

Continue Reading

You'll Also Like

87.3K 2.7K 26
Description to be updated....
1.4M 20.1K 39
Kakaibang kilig nina Chace at Bryce. || HEART SERIES: Thumping Heart (boyxboy) [Completed] Copyright © All Rights Reserved.
62.8K 2.7K 30
[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys IV~ Sa paglipas ng panahon nasubok ang pagmamahalan nila Luke at Arwin, pero sa bawat pagsubok na dumating ay nagawa nilang...
65.9K 2.8K 26
[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys III~ Ang dating aso't pusa kung magturingan at mag-iringan na sila Luke at Arwin ay tuluyan na ngang naging magkasintahan...