Text From A Stranger (Lesbian...

By Livrhaia

193K 1.8K 276

Uso satin ngayon ang maging tekkie at marami din ang mga nakikipag textmate.... Ikaw handa ka bang mainlove s... More

Text From A Stranger
i.....getting to know YOU
ii......
iii.....
iv.....
v....
vi.....
vii....
viii....
ix....
x....
xi....
xii.....
xiii.....
xiv....
xv.....
xvi....
xvii......
xviii.....
xix....
xx......
xxi.....
xxii.......
xxiii......
xxiv........
xxv......
xxv....
xxvi....
xxvii.....
xxviii...
xxix...
xxx.....
xxxi...
xxxii....
xxxiii...
xxxiv....
xxxv...
xxxvi...
xxxviii
xxxix...
xl.....
xli...
xlii...
xliv.....
xlv...
xlvi...
vlvii.....
xlviii..

xxxvii...

3.5K 50 16
By Livrhaia

FRANZ POV

Huling gabi na naming ditto ngayon sa Pagudpud, at syempre di ko palalampasin tong moment na’to naghanda ako ng surprise para kay Shane gusto ko kasi maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal..

Si Ron ang kasabwat ko sa plano kong to kaya niyaya muna niya si Shane na mamasyal sa may bayan para bumili ng mga souvenirs ganun din naman ang ibang tropa. Di kasi ako tiwala pag si Kate ang sinabihan ko nito, malamang di ko pa man nagagawa nasabi na niya.

Usapan namin ni Ron na dapat makabalik sila ni Shane bago mag 7:00pm at magtext muna para makapagready ako.

Siguro nagtataka kayo kung bakit pumayag si Shane na sumama kay Ron?

Kasi ganito yun……

=======================FLASHBACK===========================

Maaga pa lang ng gisingin kami nila madam para makalanghap ng simoy  ng hangin sa tabing dagat

“hoy!!! Magsibangon na nga kayo! Ano to nagpunta tayo sa ganito kalayo para matulog lang??” rinig ko sa sigaw niya habang kinukusot ang mata ko,Si madam talaga ang Aga-aga buhayin ang dugo namin!

Haay! Etong si Kate naman ginawa akong unan! Nakadantay ang kamay at paa niya sakin kulang nalang itulak na niya ko palabas ng kama eh!

“hooooy! Kate! Ang bigaaat mo! Para kang limang sakong bigas na nakadangan ka sakin! Tayo!” inis na sabi ko sa kanya

Aba’t! hindi man lang kumilos!

1….2….3! pwersado kong tinulak yung mga binti ni Kate kaya naman para siyang nagulat at naalimpungatan dahil feeling niya malalaglag siya sa kama at mahigpit na napahawak sakin

“sarap tulog ah! Nananaginip ka pa siguro! Haha” asar ko sa kanya at sinagot niya ko ng isang nakakamatay na tingin

Tumayo ako sa kama para lumapit sa pwesto nila Shane at Ron,at imbes na si Shane ang nilapitan ko si Ron ang inakbayan kon at kinulit

“Ron!” mabilis kong akbay kay Ron na di ko pinansin ang presensya ni Shane at ramdam ko na nakatingin siya sakin (planado na naming ni Ron to kagabi guys hihi)

“hyper lang Franz?!” natatawang sabi ni Ron

“namiss kita eh! Pakiss nga!” at pilit kong nilalapit ang nguso ko sa kanya at siya naman parang nandidiri at kung makaiwas wagas eh!

“eww! Ang sagwa niyong dalawa! Dyan na nga kayo!” padabog na tumayo ng kama si Shane kasi grabe yung alog ng kama e..parang binangga ng pison

Nagkatinginan kami ni Ron,hudyat na effective yung pinagusapan naming kagabi

Maghapon kong di pinansin si Shane kahit na gusting gusto ko na siyang yakapin !

Kahit nung lunch si Ron pa rin ang kasama ko kaya naman yung tingin ni Shane sakin parang maaga akong paglalamayan eh

Bandang hapon ay nilapitan ko sya pero  dedma na siya sakin at halatang naiinis kaya sinabi ko na magpapaiwan nalang ako nung niyaya sila ni Ron sa bayan

======================END OF FLASHBACK======================================

{malapit na kami beh,magready kana}  text ni Ron sakin beh talaga tawag niya samin kaya minsan kami pa nga napagkakamalan magjowa sa school!

Kinakabahan ako! Baka may topak si Shane at di pumunta ditto. Buti nalang naayos ko lahat to sa tulong ng mga staff ng hotel na tinutuluyan namin

SHANE POV

Kanina pa ko naiinis sa totoo lang! ni hindi ko magawang magenjoy sa pasyal naming nila Ron dahil sa bwiset na si Franz!

Oo bwiset talaga siya! Matapos ng mga nangyari bigla niya kong di kakausapin! Ano yun..siya pa naluge?!

Kala ko pa naman kanina ako tatabihan niya pero FAIL!!!!

Habang pauwi kami si Franz parin ang laman ng isip ko, haaaay…ano ba Franz…wala lang ba to sayo??

Pilit kong wag isipin yung ganon dahil ramdam ko naman na mahal niya ko pero yung ginawa niya kanina? Di ko na alam!

“finally! Nakauwi rin sa wakas!” si Kate habang binubuksan ang pinto ng van

Pagbaba namin ay agad akong lumakad papunta sa hotel pero pinigil ako ni Ron

“Shane! Saglit…” pigil niya sa braso ko

“O? bakit?” takang tanong ko naman

“ah…eh..kasi si Franz..nagmumukmok sa may beach may problema yata..” kakamot kamot ng ulo si Ron

Agad naman naalarma ang puso ko ano naman kaya nangyari dun?

“bakit ko siya pupuntahan eh di nga namamansin yun!” konting pakipot lang baka sabihin ni Ron nababaliw nako kay Franz eh..

“sige, ikaw rin bahala ka…alam mo naman nasa may dagat si Franz..mamaya kung ano maisip nun konsensya mo pa…” naku naman tong si Ron! Makakonsensya eh! Sabagay…may topak si Franz baka magpakatuwakal nga

“sige pupuntahan ko na nga! Samahan mo ko!” agad kaming lumakad kung sn nandoon si Franz pero bakit ganon..

Habang papalapit kami ay siya naman nagliliwanag ang paligid..ano ba tong pinuntahan ni Franz? Tribo?

Pero hindi e..may naririnig akong isang musikang masarap sa pandinig,nakakarelax..instrumental siya at bakit ako kinakabahan?

“ah..Shane! nagtext sina Johnson pupuntahan ko lang ha! Babye!” sabay takbo ni Ron palayo sakin

Ano ba naman yan! Asan na ba kasi si Franz!

Medyo malayo na ang nilakad ko pero di ko Makita si Franz puro mga sulo lang na nagbibigay liwanag lang ang tanging nakikita ko

Ba yan Franz! Asan ka na ba…bulong ko sa sarili ko kinakabahn na ko dahil wala parin nagpapakita ni anino niya

Habang naaaninag ko ang mas maliwanag na parte ng beach ay mas lumalakas ang tugtog na naririnig ko..

Ano bng meron? May kasalan ba at ganito ditto? Pero asan ang mga tao??

Napahinto ako sa paglakad ng makita ko ang isang picnic set up sa harapan ko dulo na to ng resort at ang layo talaga

Halos umakyat ang dugo ko ng maramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko “Aki…Sorry..” bulong niya sa punong tenga ko..

Napapikit ako sa ginawa niya at dinama ko ang bawat pintig ng puso niya ang sarap feels like home ang pakiramdam ko

Humarap ako sa taong yumayakap sakin habang di niya inalis ang pagkakayakap niya “ikaw gumawa lahat nito?” tanong ko sa kanya di ako nagpapahalatang kinikilig na

Imbes na sumagot ay idinikit niya ang noo niya sa noo ko at tumitig sa mga mata ko

Isang tango lang ang sinagot niya at isang dampi nghalik sa labi ang iginawad niya sakin na dahilan para maginit ang mukha ko..

“may kasalanan ka pa..” pabulong kong sabi at pinisil ang ilong niya

“sorry na..kasi naman pag di ko ginawa yun..di ko to mapiprepare..” malambing na sagot niya sakin na agad ko naman tinanggap Valid  na reason diba?

Ang swerte ko naman yata,dahil may isang Franz na nagmahal sakin ng ganito..

*************************

Habang nakaupo kami sa inilatag niyang kumot ay nakayakap siya sakin mula sa likuran ko at siya naman ay nakasandal sa may puno ng buko.

“Aki…ano na ba tayo ngayon?” malambing na tanong niya nilagay niya pa ang baba sa balikat ko

“eh..ano bang gusto mo?” balik tanong ko sa kanya sa totoo lang di ko rin alam kung ano na talaga kami

Kasi naman..kung baga sa kasal,nauna na ang honeymoon hihi

“gusto ko?” nilingon niya muna ako bago sumagot “maging tayo..” at humigpit pa ang yakap niya sakin

Ang sarap ng feeling,feeling ko napaka fragile kong tao na di pwedeng mahawakan ng kahit na sino kundi siya lang

Humarap ako sa kanya at isang halik ang isinagot ko..siguro naman alam na niya yun diba mtalino naman to eh..

“teka lang..bakit AKI ang tawag mo sakin?” takang tanong ko sa kanya

“AKI..kasi..AKIn ka lang” sabi niya at sumiksik sa leeg ko shet! Nakakakilig lang!

“aki..” tawag niya ulit

“hummm?” sagot ko

“gusto mo ditto nalang tayo sa Vigan?” malambing na tono niya na nakakatunaw ng puso

“bakit?” nangingiti kong sagot

“kasi ditto tayo nagkaiVIGAN” natatawa niyang sagot sakin tengene! Bumanat pa! hihi pero yung puso at isip ko tuwang tuwa sa galak eh!

“Woooooohhh!!! Ang Corny mo men! Mais na mais eh!” sigaw ng boses ng isang impaktong mapanira ng moment!

 ====================================================================

GUYS NATAGALAN LANG PO! HEHE SORRY MEDYO SABAW YATA TO HAHA ILOVEYOU ALL!!!

Continue Reading

You'll Also Like

778K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
66.2K 1.2K 75
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
1.6M 61.9K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.