Two Hours More

By binibininghannah

2.9M 14.9K 2.1K

Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong mins... More

Two Hours More
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - One
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Two
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Two Hours More - Three
Thank YOU!
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Four
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Five
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More - Six
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Two Hours More -Seven
Mumunting Note
Two Hours More - Eight
Two Hours More - Eight - Day 1 - 6
Two Hours More - Eight - Day 7- 10
Two Hours More - Eight - Day 14
Two Hours More - Eight - Day 15-30
Two Hours More - Nine - Day 32 - 53
Two Hours More - Nine - Day 55-60
Two Hours More - Nine
Two Hours More - Ten - Day 61 - 63
Two Hours More - Ten - Day 64-68
Two Hours More - Eleven - Day 71-74
Two Hours More - Eleven - Day 75
Two Hours More - Twelve - Day 76 - 86
Two Hours More - Twelve - Day 90
Hiro's Letter
Two Hours More - Thirteen
Two Hours More - Thirteen
Jam's Letter
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Dad
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Best friend
Two Hours More - Fourteen - Hiro's Princess
Two Hours More
Marami pong Salamat!
UNTITLED.docx
Icarus
Published book, anyone?
THM Book 2
Facebook, Twitter, Tumblr, Weebly
RED.docx

Two Hours More - One

72K 462 60
By binibininghannah

Jam's Point of View

Hiro C. Go. Half-chinese s’ya. Daddy n’ya ang Chinese tapos Filipina naman ang Mommy n’ya. Very casual lang s’ya manamit. Napakatahimik n’ya din lagi. Suplado. Masungit. Para bang dala-dala n’ya lagi ang mundo. Pero kapag ‘yong mga batang tinuturuan n’ya sa simbahan ang kasama n’ya, parang bumabata s’yang tingnan. Ibang-iba si Hiro kapag ang mga batang iyon ang kasama n’ya. At ‘yon ang gustong gusto ko sa kan’ya, ang bait n’ya sa mga bata.

S’ya si Kuya Hiro para sa mga batang tinuturuan n’ya. He’s teaching them, of course, God’s precious words. At s’ya naman si Hiro para sa isang taong tulad ko. Isang taong pinipilit s’yang abutin. Isang taong hinahabol lang s’ya sa tingin; naghahangad na kanyang mapansin; habang hinahangad ang kanyang pagtingin.

Gaano katagal na nga ba? Mga walong buwan pa lang naman. Sabi nila ‘pag lampas apat na buwan mo na daw crush ang isang tao, in love ka na sa kanya. Pero para sa’kin, hindi totoo ‘yon. Kasi hindi ko pa naman s’ya mahal. Paano ka naman magmamahal ng taong hindi mo pa nga masyadong kilala?

Walong buwan. Walong buwan ng paghihintay sa wala. Malabo naman kasi masyado ang lahat. Sa pagkakaalam ko, sila pa rin ng girlfriend n’ya. Dalawang taon na ata sila. At kung wala man s’yang girlfriend, paano naman n’ya ko magugustuhan? Unang-una, napakasimple ko. ‘Yong buhok at mukha ko, walang ayos, wala akong dating, walang appeal. Boring. Not so interesting. Hindi ko naman magagawang baguhin ang sarili ko. Anong magagawa ko, ito ako.

Mag-aalas onse na. Kung anu-anong naiisip ko, hindi tuloy ako makatulog. Tapos iniisip ko pa ‘yong kanina. Ang galing. Kahit na kinabahan ako do’n, at least nag-krus ang landas namin ni Hiro kahit saglit.

Lumipas ang gabi at nang nagising ako no’ng umaga…

“OMG.” Ito na lang nasabi ko nang mahawakan ko cellphone ko. “OMG.”

Quote:

Hi Jam. Good evening. Hmm. Just wanna say I’m sorry about kanina, and thank you for that wonderful favor. I honestly want to tell you that you were awesome. ‘Yong pagtugtog mo, pagkanta mo… Everything. Perfect. Hiro

Quote:

And anyway, I think I owe you an explanation. That was Kuya’s dream wedding, and ayoko naman masira ‘yon. Pasensya ka na talaga, nadamay ka pa. Kuya would like to say thank you nga pala. Sabihin ko daw sa’yo. I hope you understand. Goodnight. Hiro.

Sa sobrang saya ko, umabot na sa batok ko ang ngiti ko. Una kong ginawa, sinave ko muna ang number n’ya. Tapos, nagreply naman ako.

Quote:

Forget about that Hiro. Of course, I understand. Hmm.. Are you sure? Anyway, thanks.

Hindi ako masungit na tao. Wala pati akong dahilan magsungit dahil ang saya-saya ko nga dahil nagtext s’ya. Ayoko lang isipin n’yang okay na ang lahat pagkatapos kahapon. Dahil hindi pa ‘ko okay. Medyo hindi pa ko nakaka-get over kaya kahit konting inis ay meron pa rin ako para sa kanya.

Pero, sa totoo lang, medyo umaasa ako ng konti na magrereply s’ya. Tapos magkekwentuhan kami sandali. Tapos masusundan pa sa ilang araw. Tapos magiging magkaibigan kami. Finast forward ko na nga ang lahat lahat. Pero, hindi s’ya nagreply! Mas lalo tuloy akong nainis. Ano ba ‘yan?

Quote:

Sorry if it took me two days bago makareply. It seems like you’re still mad at me. I really hope I could make it up to you. Again, I’m sorry.

No more OMG’s. No more kiligs. Na-spoil na ang moment. Inis pa rin ako sa kanya.

Lunes. Migs called para mangamusta. Kin’wento ko sa kanya ‘yong texts ni Hiro ng walang halong emosyon kundi inis, pero baka hindi ako ganon kagaling umarte kahit sa phone kaya niloko n’ya pa rin ako na kilig na kilig naman daw ako. Tapos sabi sa’kin, patingin daw s’ya no’ng texts ni Hiro pag-uwi n’ya.

“Ano?!  You really think na ise-save ko texts n’ya?”

“Why, yes.” Tapos narinig ko pa ‘yong tawa n’ya.

Then the bell rang.

Classes started. Nakatingin lang ako sa labas habang nagtuturo ‘yong professor namin. Lumilipad ang isip ko. Syempre, itinabi ko talaga texts n’ya . At hindi ko alam kung hanngang kelan pero wala sa bokabularyo ko ngayon ang burahin ‘yon. Ayoko nga. Akin ‘yon. Hindi ko alam kung hanggang kelan pero hanggang umaasa pa ko, dito lang ‘to.

Funny how a girl can give a thousand of meanings for a simple text from a guy when actually it means nothing. Umaasa ako saan? Wala. This is the end of the story, I guess. 

Hiro’s Point of View

The days are not getting any better for me. Parang pinagtitripan na naman ako ng tadhana. For the second time, I have my heart broken by the wrong girl --- Liah. Anim na buwan n’ya na pala kaming pinagsasabay no’ng schoolmate namin. How could she?

“Hiro, anak, ‘yang mga babae, they are just pain in the neck. ‘di dapat ‘yan pinag-aaksayahan ng oras”, says Dad.

Dialogue n’ya na ‘yan kasi pano ba naman, Mom left him, or us for another man. After some time, he had another wife but eventually left him too after 3 years of being together. And again, because of another man.

“Yeah, I also think so. Dad, ang malas natin sa ganito.”

Naisip ko, ano nga bang problema sa’kin? Minahal ko naman si Liah ng totoo. Pero bakit nagawa n’ya pa rin akong ipagpalit sa iba? Sumasakit ang ulo ko kakaisip. Kainis na mga babae ‘yan!

 “Hiro, naaksidente daw si Liah nearby”, said Kuya Ace.

“What?!“ naibulalas ko.

"Kainis. Dapat ‘di na ko nag-aalala ng ganito a", I thought.

Dalawang buwan na kaming magkahiwalay. Sabagay, siguro hindi lang talaga agad mawawala ‘yong lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Syempre galit pa rin ako sa kanya dahil niloko n’ya ko. Pero dalawang taon ko s’yang minahal, posible bang mawala agad ‘yon in the span of two months? Galit ako sa kanya at alam kong nababawasan na ang pagmamahal ko sa kanya. Pero siguro, just maybe, kahit konti, meron pa ring natitira.

Six months ago, Kuya Ace told us na kami ang kakanta at tutugtog sa kasal nila ni Ate Sheila. Perfect daw kasi kami dahil may resemblance kami sa kanilang dalawa. Gitarista si Kuya, pianista naman si Ate Sheila. Parehas pa silang kumakanta. Dream wedding nila na lalaking gitarista at babaeng pianista ang magdu-duet sa kasal nila. And who would let it to get ruined? Wala ‘di ba? Kaya tinuro ko si Jam to sing and play for them even though we’re not actually friends, and though we were never even acquainted to each other. Medyo napaawa pa nga ko sa kanya kasi kabadong kabado s’ya. Nanginginig talaga s’ya. I’m really sorry Jam, kailangan lang talaga.

That night, I texted Jam to tell her I’m sorry and of course to thank her for her big help. Definitely she was awesome. I wonder what her reaction was no’ng nabasa n’ya texts ko. Sa palagay ko, inis talaga s’ya sa’kin. no’ng nagreply s’ya, parang naramdaman ko din ‘yong spirit n’ya na galit. Sabagay may karapatan naman s’yang magalit talaga.

Anyway, nakilala ko s’ya kasi suki ako ng isang restaurant malapit sa school na pag-aari ng Daddy n’ya, si Mang Carlos. Since first year college, nakain na ko ‘don. Madison’s ang pangalan nito. Sa counter, may mapapansin kang malaking portrait ng isang babaeng tumutugtog ng grand piano, habang nasa ibabaw naman nito si Mang Carlos. And it has a caption that says, “You’re my favorite Daddy, Dad! Love, Jam”.

Kaya matagal ko na s’yang kilala. Volunteer nga din pala s’ya sa simbahan gaya ko. Pero magkaiba kami ng grupo. More on community service ‘yong grupo nila, samantalang ‘yong sa amin, sa loob lang ng simbahan para magturo ng salita ng ‘diyos sa mga bata.

Noong wedding day, akala ko talaga member s’ya ng choir kaya kampante akong ituro s’ya. Pero hindi pala. I wonder why not, ang ganda naman ng boses n’ya. And since I have a friend from her group, do’n ko tinanong ‘yong number n’ya para maitext ko s’ya.

That is my brief explanation about everything. ‘Yong reply n’ya sa text ko, dalawang araw ko pa bago nareplyan. Noong araw kasi na ‘yon, iniwan ko ang phone ko sa dorm. Ewan ko pero that day, gusto ko lang ng tahimik. Medyo weird pero that day was Liah’s birthday. Tapos kinabukasan, 2 and 3 months na sana kami. I know that was so rude of me, pero, nang mga panahon na ‘yon, siguro, malungkot lang talaga ako.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 32.1K 15
Patee is a typical office girl with a simple life. Until.. She rented a boyfriend in a strange online app. Her whole world turns upside down and flip...
1.7M 31.2K 36
Forever seatmate-bestfriend na lang ba sina Jake at Chelsea? READ TO FIND OUT!
183K 2.9K 6
ALWAYS BE MY MISS NUMBER 1 SPECIAL CHAPTERS (MGA EKSENA AT BUHAY-MAG-ASAWA NINA NATHAN AT MILES BEFORE THE EPILOGUE IN ABMMN1 BOOK 2)
1.3M 14.1K 40
(Semi jeje-version included) COMPLETED: Sobrang adik ni Christine sa umuusong laro(noong 2014) na Flappy Bird, nakikipagkompetensya pa siya sa boyfri...