Meet My Professor ✓

By DamianLane

56.8K 3.4K 107

Series #1 Lana Iya Velasco had a very strange experience during their first-ever bar hopping. She met a DJ wh... More

Meet My Professor
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12.1
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 19.1
Chapter 20
[SEASON 2]
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Special Chapter
Special Chapter (Part II)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue

Chapter 15

784 57 2
By DamianLane


     
"Papasok ba tayo next week?" Tanong ko habang pauwi kami. Opening na ng Foundation Week ng university sa Monday next week.

"Oo naman, kailangan nating sulitin at i-enjoy ang next week!" Masiglang pag-oo si Jade.

"Pero sana naman 'yong ibang prof natin 'wag nang magklase no'n," hindi ko napigilang mapatango sa sinabi ni Anne.

"Ay, may magkaklase pa ba sa mga prof natin?" Tanong ni Shei.

Pinaliwanag naman sa kanya ni Jade 'yong announcement ng class mayor namin kanina. Na-late kasi 'to kanina 'e.

'Yong ibang professors namin nag-announce na this week na hindi kami imi-meet. Dahil na rin sa pakiusap namin na 'wag ng magklase. Kaso, 'yong ibang prof namin tuloy pa rin sa klase next week. Hindi namin napakiusapan.

Dumiretso na kami papunta sa pizza house malapit sa university. Maaga kasi uwian namin ngayon dahil nagpasa lang kami ng proposal seminar. Naisipan muna naming kumain kasi hindi pa kami nagla-lunch. Alanganing oras kasi 'yong schedule namin, 11am to 2pm.

Pagkapasok namin ng pizza house agad kaming naupo do'n sa usual seat namin. Nilapag ko lang 'yong bag ko sa table habang sila Jade at Shei ay nagpaalam muna saglit para mag-cr. Kami ni Anne ang naiwan sa may table namin.

Bigla kaming nagkatinginan ni Anne ng biglang mag-vibrate 'yong table.

"Hindi sa'kin 'yon," patungkol ni Anne sa cellphone niyang hawak hawak niya.

"Sa akin, sorry," natatawa kong sabi. Imposible naman kasing kay Shei o Jade 'yong nagva-vibrate na cellphone dahil 'di naman nila binaba bag nila.
        
      
재신 오빠 calling...
     
     
"Hello?"

[Lhia, oh, do you have class?]

"No, it ended earlier," sagot ko nang pakiramdam ko ibaba niya ang tawag dahil akala niya nagkaklase kami.

[Really? Where are you now?]

"Pizza house."

[Oh, uhm...] iniintay ko ang susunod niyang sasabihin kaso parang nag-aalinlangan siya.

"What is it?" Siguradong may sasabihin 'to kaya 'to tumawag 'e.

[I'll stay here in Manila until Monday so I won't see you,] mahinang sabi nito.

"Gano'n? I mean...really?" Ang tagal naman no'n. Friday pa lang ngayon 'e, so bukod ngayong araw 3 days pa?

[Yeah, mian.] (Sorry.)

Napakunit noo naman ako nang mag-sorry siya. Sorry para saan? "What for?"

[For I'll not see you for the next few days,] hindi ko naiwasang hindi mapangiti. Adik din 'tong si Orlando 'e.

"We can just meet once you're home," pagchi-cheer up ko rito.

[Then we can meet on Tuesday morning? At 9 o'clock?]

Napatingin ako sa kaliwa ko nang mapansin kong pabalik na sila Shei at Jade.

'Sino 'yan?' Basa ko sa buka ng bibig ni Jade habang nakaturo sa cellphone ko.

'Orlando.' Sinabi ko 'yon ng walang sound at buka lang din ng bibig. Tumango tango lang ito at naupo na rin sa tabi ni Shei.

"That early? Can we make it at 10am?" pagtawad ko, wala kasi kaming klase ng Tuesday kaya nakakatamad gumising no'n ng maaga.

[Okay, Tuesday at 10 o'clock.]

"Hmm..." tumango tango pa ko na parang nakikita ko nito.

[Just the two of us.]

Natigilan ako sa sinabi niya, "Just what? Only us? You and me?" Paglilinaw ko kung tama ba ang rinig at intindi ko.

[Yes, I'll see you! Bye!]

May sasabihin pa sana ko nang naputol na 'yong tawag. Kaming dalawa lang talaga? Paano sila Shei, Jade, at Anne?

"Ano'ng only us?" Napatingin ako kay Shei nang magtanong siya.

"Sabi kasi ni Orlando hanggang Monday daw siya sa Manila at magkita raw kami sa Martes, kaming dalawa lang," sagot ko habang inaalis 'yong bag ko sa ibabaw ng table.

"May date kayo?" nabaling naman ang tingin ko kay Jade nang sabihin niya 'yon.

"Ha? Hindi, magkikita lang. Baka nga maglibot libot lang kami sa university grounds no'n kasi siguradong maraming booth," pagtatama ko.

"Lhia, kayo na ba ni Orlando?" Natigilan ako sa tanong ni Anne at napatitig lang sa kanya. "Lagi kayong nagkikita kapag available kayo pareho, lagi kayong kumakain-nadadamay pa nga kami sa pagkain niyo, lagi kayong magkatext, tinatawagan ka niya kapag nasa Manila siya para sabihin ang schedule niya. Kapag naman nandito siya aantayin ka niya o 'di kaya hahatid ka hanggang makasakay ka."

"Hindi...ano...friends lang kami," unsure na sabi ko. Friends nga lang ba? Ngayon kasing nabanggit ni Anne 'yon, napansin ko ngang hindi ako ganito sa kahit kanino.

Kung text at call lang usapan, sila lang ang katext at ka-callmate ko dahil sa school stuff pero 'yong iba niyang sinabi...

"Sure ka bang friends lang kayo?" Kay Jade naman ako napatingin. Nalipat ang tingin ko kay Shei na katabi nito ng segundahan nito si Jade.

"Oo nga girl, parang may something na 'e," pagdagdag pa ni Shei.

"Kasi Lhia," nabalik ang tingin ko kay Jade. "Kung ako or kami-nila Shei at Anne- ang tatanungin, hindi na kayo mukhang friends lang 'e."

"Gano'n?" Sa dami nang sinabi nila 'yon lang ang naisagot ko.

"Baka kasi ang tingin mo friends lang kayo tapos para sa kanya pala more than friends na kayo. Tanda mo 'yong situation ni Mae noon? Sobrang close nila no'ng Korean friend niya, para kay Mae friends lang sila pero para pala do'n sa guy sila na. Tapos ano ending? Si Mae pa na broken," napaisip naman ako sa sinabi ni Jade.

"'E ano'ng gagawin ko?" Sa totoo lang wala akong idea kung ano'ng dapat kong gawin. Bakit ba kasi walang ligawan stage ang mga Koreans 'e? Bakit mutual feelings at exclusively dating lang tapos sila na?

"Tanungin mo siya," napakunot noo ako sa sinabi ni Jade.

"Sino? Si Orlando?" Tumango naman si Jade, "Ano itatanong ko? 'Oppa, are we in a relationship?' Gano'n?"

"Oo, bakit hindi?" Hindi ko maiwasang mapangiwi sa idea.

"Paano kung friends lang pala tingin niya? 'E 'di napahiya pa ko?" Alanganing sabi ko, isipin ko pa lang nahihiya na ko. Paano pa kaya kung talagang itanong ko na?

"Paano kung girlfriend pala tingin niya sa'yo? E'di hindi ka aware?" Napasimangot naman ako sa sinabi ni Jade.

"Ah! Bahala na!" Frustrated na sabi ko, "Kumain na lang tayo," pag-iiba ko sa usapan.
     
        
*****
      
      
~* TUESDAY *~
      

"Oh!" napatingin ako kay Orlando ng bigla 'tong huminto.

"Why?" Takhang tanong ko. Anong ino-"oh" "oh" nito?

"Can you wait for me here? I'll be quick," magsasalita pa sana ko kaso tumakbo na 'to agad. Sa direksyong pinuntahan niya mukhang pabalik siya sa chambre. Baka may nakalimutan?

Wala pang 10 minutes no'ng nagkita kami umalis na agad. Nilibot ko na lang muna ang paningin ko sa paligid. Medyo napaatras ako ng biglang sunod sunod na nagsisulputan 'yong mga nagba-bike.

Dahil nga foundation week ngayon ng University namin kaya ang daming activities at mga booths na makikita. Isa na sa mga booths na 'yon ay 'yong rental bicycle booth. For an amount magagamit mo for 15 minutes 'yong bike. Hindi ko lang sigurado kung magkano per 15 minutes.

Ilang minuto lang akong nakatayo habang inaantay si Orlando. Bakit kaya ang tagal no'n? Tumingin tingin ako sa paligid para maghanap kung may mauupuan ba ko sa may malapit lang. Nakakita ko ng isang bakanteng bench.

Naglakad na ko papunta do'n, uupo na sana ko nang narinig kong may tumawag sakin. Pagtingin ko sa harap ko nakita ko sila Sir Van at Sir Czam. Papunta sila sa may direksyon ko.

"Lana," nasa harapan ko na mismo sila. "Bakit mag-isa ka yata ngayon?"

"Ah, sir kasi..."

"Lhia," napatingin ako sa tumawag na naman sa'kin. Si Orlando.

Napatingin 'to kila Sir kaya napatingin din ako. Spell awkward, K-A-M-I. Ano ba'to? Paano ba gagawin sa mga ganitong sitwasyon? Kausap mo professors mo tapos may bigla kang darating na foreign friend.

"Who are they?" Hindi ko alam kung para sa'kin ba 'yong tanong kasi nakatingin siya do'n sa dalawa.

"They're my professors," tumingin sa'kin si Orlando. "Teachers."

"Oh, good day," inoffer pa ni Orlando ang kamay niya kila Sir para makipag-shake hands. Agad naman 'yong kinuha ni Sir Czam, si Sir Van naman parang napipilitan pang makipagkamay.

Okay. Ano na sunod? Naiilang talaga ko sa set up namin ngayon.

"You're with her?" Sa'kin nakatingin si Sir Czam pero ang sabi niya 'her' ibig sabihin si Orlando tinatanong niya? 'Di ba? 'Di ba?

"Yes," hindi ako makaimik. Wala naman kasi kong iiimik 'e.

"Are you on date?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa follow up question ni Sir Czam.

"N-" sasagot na sana ko ng 'no' kaso naunahan ako ni Orlando.

"Yes," gulat akong napatingin dito, sisikuhin ko na sana kaso bigla akong inakbayan at kinabig palapit sa kanya. Loko 'to ah! Para paraan para makalusot.

"Date on a university? Tch," nalipat ang tingin ko kay Sir Van nang marinig ko 'yong sinabi niya.

"Yeah, date-university style," chill lang na sagot ni Orlando. Buti pa siya chill lang! Ako nagsisimula nang ma-tense ng sobra!

"Please, excuse us," at dahil naka-akbay pa rin sa'kin si Orlando, pati ako napahakbang no'ng humakbang siya.

Tinignan ko muna sila Sir bago nagsalita, "Sige po, Sir." Pagpapaalam ko. Ngumiti lang si Sir Czam tsaka tumango, si Sir Van? Ewan, hindi ko na tinignan. Ang sama kasi makatingin, kanina pa!

Matapos kong magpaalam ay nagpatangay na ko kay Orlando. Nang makalayo layo na kami, bigla na lang 'tong napahinto.

Tinignan ko 'to, "Why?"

"We didn't exchange names," exchange names? Ah. Hindi sila nagpakilala sa isa't isa.

"That's fine, by the way," napatingin na 'to sa'kin, 'di ko na pinigilan sarili ko at siniko siya sa may tagiliran.

"Ah! Yah!" Napabitiw 'to sa pagkakaakbay sa'kin.

"Date? Really?" Pagpapaalala ko sa sinabi niya kanina.

"What? Aren't we dating now?" Nagtatakang tanong nito sa'kin. Ako naman nagtataka sa reaction niya.

"Wait, we're dating?" Gulat na tanong ko. Seryoso? Shoot! So, totoo nga 'yong concern nila Jade last Friday?!

"Yes, since I came back. Do you..." napansin kong umayos 'to nang tayo. "You think we're not?"

"Well...I thought...we're just..." hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Nagde-date talaga kami? Bakit hindi ako aware? Talk about culture differences!

"We're what?"

Napalunok ako sa tono ng boses niya, sa tono kasi parang naiinis na siya! Ngayon lang siya nagkaganito!

"I thought we're just hanging out?" Diretsang sabi ko. Iyon naman kasi talaga ang alam ko! Malay ko bang para sa kanya nagde-date na pala kami!

Halata sa expression ng mukha niya na hindi makapaniwala. Kung medyo medyo nate-tense ako kanina, ngayon tense na tense na talaga ko!

"I chose to stay here to see you often even I was asked to stay in Manila, I always call and message you, I always see you whenever you and I are free, and we're always eating together!" Uh-oh. Katulad nga ng mga sinabi ni Anne, "And you thought we're just hanging out? Just like friends do?"

"Orlando, I..." nagulat ako ng bigla na lang 'tong nag-lakad palayo sa'kin. Naglalakad siya papunta sa quarters nila na malapit lang dito sa kinatatayuan ko.

Napabuntong hininga ko. Gusto ko siyang habulin kaso ano'ng sasabihin ko? Hindi kasi talaga sumagi sa isip ko 'yon.

Mga ilang minuto akong nakatayo rito sa kung saan ako iniwan ni Orlando. Kahit ano'ng isip ang gawin ko hindi talaga ako makabuo ng ideya kung ano ang gagawin ko. Naisip kong tawagan sila Anne pero baka sermon muna abutin ko. Hindi kasi ko naknig sa kanila 'e.

Napatingin ako sa harapan ko ng may maramdaman akong presensya sa harap ko. Bigla palang bumalik si Orlando. Kinuha nito ang isang kamay ko at nilagay ang isang cap? Nagtataka kong tumingin sa kanya. Akala ko galit siya o inis siya sa'kin?

"My supposed to be gift," at tinalikuran na niya ko at tsaka mabilis na lumakad palayo.

Tinignan ko 'yong cap na binigay niya. Wala naman siyang dala kani- ito ba 'yong binalikan niya kanina sa chambre? Tinitigan ko 'yong cap, 'yong cap itself kulay gray. 'Yong visor naman kulay black. Napansin ko 'yong design sa harap ng cap. May isang bear like cute image na I assume isang lalaki na design, nakaturo 'yong bear sa left side nito. Nakaturo 'to sa lettering na nakalagay. Binasa ko 'yong nakalagay na naka italic pa.
     
    
여자
친구
       
      
Wow, para sa hangul lettering. At another wow para sa meaning. 'Girlfriend'. Bigla na lang akong napangiti.

Hinanap ko kung saang direksyon nagpunta si Orlando. Hindi naman ako nahirapan kasi nangibabaw siya sa crowd. Mukhang pabalik na siyang chambre. Ang hilig niya kong layasan ngayon ha!

Agad akong tumakbo papunta sa direksyon niya. Para kong nakikipagpatintero habang tumatakbo para maiwasan 'yong ibang taong palakad lakad.

"Oppa!" Sabi ko nang hinihingal ng sa wakas ay maabutan ko siya. Mukhang galit pa rin kasi ni hindi man lang tumigil sa paglalakad. Kaya naman kahit hinihingal pa ko, naglakad na rin ako para masabayan siya. Malapit na kasi kami sa entrance ng Chambre, kapag nakapasok 'to hindi ko,na mahahabol pa.

"Oppa," tawag ko ulit sa kanya. Wala pa rin. Hindi ko na kaya pa, dahil hinihingal na talaga ko sa bilis ng lakad namin, kaya hinawakan ko siya sa braso para pigilang maglakad. At mabuti na lang tumigil siya.

Sinamantala ko naman 'yon nang makabawi ng hangin. Nang medyo umayos na paghinga ko tsaka ko nagsalita.

"Why are you walking so fast?" 'Di ko napigilang sabihin. Long legged kasi! Pero imbis na sagutin tinitigan lang ako nito.

"Still mad?" Hindi pa rin 'to sumagot at bigla na lang naglakad, ulit.

Hindi ko na siya sinundan, tinawag ko na lang siya, "Namchin." (Boyfie/boyfriend)

Napansin kong napahinto 'to sa paglalakad. "Namchin-a, eodi ga?" (My boyfriend, where are you going?)

Trying hard na kung trying hard, at least napatigil siya! Bigla naman 'tong humarap sa'kin. Nakatitig 'to sa'kin kaya naman tinitigan ko rin siya.

1...2...3...nakakailang. Dahil 'di ko na kaya ang titig niya naisipan ko na lang isuot 'yong cap na binigay niya kanina. Yumuko ako ng kaunti. Buti na lang nasa may gilid kami, kundi para kaming tanga na nakatayo lang dito.

Ilang saglit pa naramdaman kong may humawak sa kaliwang kamay ko. Napaangat ako ng tingin. Napatitig ako kay Orlando na nakahawak sa kamay ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko, ewan ko ba para kasing pinipigilan niya ang sarili niyang ngumiti kaya ito, nahahawa ako.

"Namchin?" Napatango ako sa sinabi niya. "I thought we're just hanging out?"

"I thought we're already dating?" Mabilis na ganting sagot ko. "Its our cultural differences that's why we had a misunderstanding. You know that here, we have courting unlike in your culture when two people are dating exclusively then they're already official." Hindi siya umimik at nanatili lang nakatitig sa'kin, nakikinig.

"But..."

"But?"

"It doesn't matter what kind of culture you have as long as you have mutual feelings?"

"Okay."

"Okay?" Tumabi na 'to sa'kin.

"We're now official," at tuluyan na 'tong ngumiti.

Medyo napanganga naman ako sa sinabi niya, "Wait, why does it sounds like...a guy saying a 'yes' to a girl?"

Imbis na sumagot tinawanan niya lang ako. Naramdaman kong inayos niya ang pagkahahawak ng mga kamay namin. Intertwined fingers.

"Kaja?" (Let's go?) Tanong nito with happy tone. Hindi ko napigilang matawa, tumango ako sa tanong niya kahit 'di ko alam kung saan kami pupunta.

Nakatitig ako sa kanya nang isuot niya ang isang cap na kakulay no'ng akin. Napansin ko rin 'yong design nito. Kapareho no'ng sa'kin, ang pinagkaiba lang, nasa kanang side 'yong bear at nakaturo sa kanan nito. May nakalagay na:
     
     
남자
친구
       
    
Boyfriend.
      
     
*****
     

Kinuha ko 'yong cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Tinignan ko kung ano'ng oras na.

5:45 PM

Halos wala pang 6 o'clock pero ang dilim na. Sabagay, BER month nga naman kasi. Idagdag na rin siguro 'yong fact na hindi pa binubuksan 'yong lamp post dito sa may malapit kaya mas madilim. Automatic naman magbubukas 'yong mga lamp post na 'yan mamayang 6pm.

Napatingin ako kay Orlando na nakatayo sa may gilid ko. Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito sa school, inaantay ko si Orlando kasi may kausap siya sa cellphone niya.

Naririnig ko naman ang usapan nila dahil halos isang hakbang lang naman pagitan namin, sadyang 'di ko lang talaga naiintindihn 'yong usapan dahil in Korean.

Ilang saglit pa natapos na rin 'yong tawag. Naupo si Orlando sa tabi ko.

"My boss," bungad nito. "He's asking me to send some important files to his e-mail."

"Then send it," simpleng sagot.

"It's on my flashdrive, inside my room," tumingin pa sa'kin 'to. Hindi ko alam kung matatawa ba ko o hindi, 'yong itsura niya kasi parang batang iiyak.

Naiintindihan ko naman na ang gusto niyang iparating ay kailangan na niyang bumalik sa chambre. At syempre, ibig sabihin no'n tapos na ang date namin.

"It's just 6 o'clock but it's already dark, I should go home too," pampalubag loob na sabi ko sa kanya.

"Aish," tinanggal nito ang cap na suot, at tsaka sinuot na pabaliktad.

Tinap tap ko lang ang balikat niya habang tumatango. "You don't seem sad," parang batang nagtatampong sabi nito.

"We can meet tomorrow," para namang nabuhayan ito sa sinabi ko.

"Jeongmal?" (Really?) Tumango naman ako sa kanya. "Yes!"

Hindi ko napigilang hindi matawa. Nakakatawa naman kasi si Orlando. "Let's go, I'll-" sabay kaming napatingin sa cellphone niya ng bigla 'tong mag-ring. "Wait," tumango naman ako at hinayaan siyang sagutin 'yong tawag.

"Yeoboseyo? Ne? Jigeum yo? Ye, algess-seumnida." (Hello? Yes? You mean now? Okay, I understand.)

Nakatingin lang ako kay Orlando hanggang sa binaba niya 'yong tawag. Base sa pagkakaintindi ko parang may pinapagawa sa kanya, as in ngayon na. Boss niya kaya?

"My boss, he's rushing me to send the files now," pagkasabi niya na no'n parang frustrated na frustrated siya. Bumubulong bulong pa siya, in Korean naman kaya 'di ko maintindihan.

"What?" Natatawang tanong ko. Ang cute cute niya!

"Ah! I still want to send you off!" Pinatong nito ng ulo niya sa kanang balikat ko. So, 'yon ang kinaiinis niya? Kasi gusto niya kong ihatid? Para namang maliligaw ako papuntang sakayan.

"It's okay," gamit ang kaliwang kamay ko pinat ko pa ang ulo niya.

"Aninde!" (No, it's not!)

"Oppa, your boss might be waiting for the files now. You should rush to your room," inangat naman niya ang ulo niya at umayos nang upo.

Bumuntong hininga pa muna 'to bago nagsalita, "Fine."

Ngumiti naman ako sa kanya, "See you!" Masiglang sabi ko sa parang nanlalata kong boyfriend.

Tumingin naman 'to sa'kin at ngumiti rin. Hinawakan nito ang ulo at..."Aish." Hindi ko napigilng sabihin ng bigla nitong binaba 'yong visor no'ng cap ko. Kaya naman takpan ang mga mata ko hanggang sa may ilong ko.

Sinubukan kong ayusin 'yong cap kaso nakahawak pa rin siya sa may ulo ko kay hindi maayos ng sobra. Natatakpan pa rin 'yong mga mata ko.

Tumingala ako para subukan kung masisilip ko man lang ba siya. "Oppa..." natigilan ako ng may maramdaman ako.

May naramdaman akong dumampi sa labi ko. Saglit lang 'yon pero...malambot? Malambot? Nanlaki mga mata ko nang ma-realize ko 'yong ginawa ni Orlando. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Kiss.

Kiss.

Kiss.

Saglit lang 'yon pero...

Agad kong inayos 'yong cap ko. Madali ko na siyang naayos dahil nawala na 'yong kamay niyang nakapatong sa ulo ko. Agad kong tinignan si Orlando. Saktong pagtingin ko sa kanya ay biglang liwanag na ng paligid. Binuksan na pala 'yong mga lamp post. Nakangiti 'tong nakatingin sa'kin.

"Take care," mabilis 'tong tumayo at naglakad na agad paalis.

Nakagat ko ang labi ko pero kahit gano'n hindi ko pa rin mapigilang mangiti. Ganito pala feeling ng in a relationship? Hindi naman ako NBSB pero 'yong past boyfriend ko kasi hindi naman kami nagtagal. Tsaka ang bata ko pa no'n, naging mapusok lang talaga ko.

Tumayo na ko sa kinauupuan ko. Maglalakad na sana ko nang maramdaman kong nag-vibrate 'yong cellphone. Non-stop vibrate, ibig sabihin tawag. Agad kong nilabas 'to mula sa bulsa ko.
    
    
재신 오빠 calling...
     
    
"Hello?"

[I'm tempted to run back,] bungad nito sa'kin.

"You're already in chambre?" Hindi muna ko umalis sa kinatatayuan ko.

[Yes, near my room,] sagot nito sa'kin.

"You're quick to escape," biro ko tungkol sa biglang pag-alis nito. Narinig ko namang natawa siya.

[Sorry,] napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Sorry for the kiss or sorry for walking away?"

[Sorry for not sending you off,] gusto niya talaga kong ihatid.

"Why did you walk away anyway?" Bigla kong tanong, nagtataka kasi talaga ko kung bakit siya bigla na lang umalis.

[Uhm...I-I think I'll hang up now. Message me when you're home,] parang kinakabahan siya.

"You're avoiding the question," puna ko. "Are you..."

[What?]

"Shy? You got shy?" Seryoso, kung iyon ang dahilan baliw na siya. Siya kaya nanghalik! Pasalamat nga ako at madilim sa paligid at medyo malayo sa mga booths 'yong pwesto namin.

[Bye! Take care!] Biglang naputol 'yong tawag after no'n. Confirmed. Tama ako. Para na naman akong baliw at hindi maiwasang hindi mangiti.

Tinago ko na 'yong cellphone ko at nagsimula nang maglakad. Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng bigla akong napahinto.

"Nakakagulat naman 'to," bulong ko sa sarili ko. Pagtingin ko kasi sa may harapan ko may taong nakatayo sa may tapat ng plant box. Ngayon ko lang napansin na may tao pala ro'n. Hindi ko naman maaninaw 'yong mukha niya kasi naka-hood siya.

Napansin kong parang lilingon ata siya sa gawi ko kaya iniba ko na 'yong direksyon ng tingin ko. Makauwi na lang. Dire diretso lang ako nang lakad hanggang sa malagpasan ko na 'yong kung sino man na 'yon.
     
         
*****
       
        
"Seryoso?!" Halos sabay sabay na sigaw no'ng tatlo. Buti na lang medyo maingay din sa paligid kaya hindi kami pinagtinginan. Wednesday ngayon at kanina lang inannounce no'ng prof namin na wala kaming klase sa kanya. Kung kailan majority ng section namin ang nandito na.

Nagkita rin kami ni Orlando kanina after sabihin na wala kaming klase kaso sobrang saglit lang. Bigla kasi siyang pinapunta sa Manila ngayon. Hay, sayang naman.

"Ibig sabihin, taken ka na? Hindi na single status mo kundi in relationship na?" Hindi ko alam kung natutuwa ba si Anne o hindi sa tono ng boses niya.

"Oo Anne, may karamay ka na sa pagiging taken," natatawang sagot ko.

"The oldest and the youngest. E 'di kayo na!" May kasama pang hampas ang pagkakasabi ni Jade niyan.

"Hayaan mo beh, tayo rin soon," tinapik pa ni Shei si Jade sa balikat.

Nagkwentuhan lang kami habang naglilibot libot dito sa university grounds, kung nasaan ang mga booths.

"Ladies," may narinig ako'ng nagsalita malapit sa'min kaya lumingon ako do'n.

"Sir," gulat na tawag ko at napahinto sa paglalakad. Dahil bigla akong huminto, napahinto rin sa paglalakad 'yong tatlo.

"Good morning po Sir," bati ni Jade na sinegundahan nila Anne at Shei.

Tumango lang si Sir Van sa kanila. "I know it's your celebration week but I wonder if you, ladies, can lend a hand?"

"You need help, Sir? For what?" Tanong ni Shei. Hindi ako umiimik at nakikinig lang sa kanila. Ano'ng tulong kailangan nito?

"Paper works, I need some help to arrange those and everyone are too busy. So?" Tumahimik 'to at parang iniintay ang sagot namin.

Nagtinginan naman kaming apat. Nagtatanungan gamit ang mga tingin. Sa huli si Shei na rin ang nagdesisyon, "Sige po, Sir."

Nagulat pa ko ng biglang ngumiti si Sir Van. Wow, ngumingiti pa pala 'to? Akala ko naging robot na simula no'ng ma-reject.

"Thank you, it won't take an hour," pagkasabi no'n pinasunod na lang niya kami sa kanya papunta sa faculty nila ni Sir Czam.

Iisang faculty lang sila ni Sir Czam, ang alam ko nga sila lang gumagamit ng faculty room na 'yon 'e. Sosyal.

Pagpasok namin sa faculty room, walang tao. Wala si Sir Czam. Office cubicle style pala faculty room nila. May sofa ring nakadikit sa pader. Iba sa faculty ng college namin. May flat screen tv din, may tv din naman sa college faculty namin kaso hindi flat screen. Napansin ko agad 'yong isang teacher's table na puno ng mga bundle ng paper.

"Just a moment," sinundan ko ng tingin si Sir Van. Sa may sulok ng room may limang white monoblock na magkakapatong. Kumuha siya ng dalawa at nilagay harap ng isang table. Nilagay niya 'yon sa tabi ng isang teacher's chair.

"I need three people here to arrange these papers. The first bundle should be arrange by scores. The next two bundles should be alphbetically arrange. And," umatras si Sir Van at tinuro 'yong cubicle sa likod.

"I need someone to assist me here, I'll be recording the checked papers. I need one to check the uncheck papers. It's up to you ladies to decide who'll be here..." tinuro niya 'yong teacher's table na nasa harap namin. "...and their." Tinuro nito ang teacher's table na nasa may likod.

Naglakad na si Sir papunta sa likod na part kung nasaan 'yong isa pang teacher's table. Baka table niya 'yon?

Napatingin ako kila Jade nang maramdaman kong siniko ako. Nagtataka kong tumingin sa kanila. Bakit ganito ang tingin nitong tatlo sa'kin?

Ginalaw ni Jade ang ulo nito.

Ha?

Napataas ang kilay ko nang maintindihan ko ang gusto niyang sabihin. Tinuro ko sarili ko at tsaka tinuro 'yong pwesto ni Sir.
    
    
Translation: Ako doon?
    
   
Tumango naman si Jade, napansin kong naupo na sa monoblock sila Anne at Shei. Aba't talaga naman!

Tinignan ko si Jade at umiling iling. Ayoko nga! Pero no effect at pinandilatan pa ko ng mata ng bruha!

"Dali na," mahinang bulong nito sa'kin at tsaka ko tinulak papunta kay Sir. Sinamaan ko siya ng tingin pero bruha talaga at diretso upo!

Napatingin ako sa direksyon ni Sir at nakita kong nakatingin din 'to sa'kin. Napaayos ako nang pagkakatayo. Sinenyasan ako ni Sir na maupo. Napansin kong may isa ng monoblock sa may side ng table.

Humakbang na ako palapit sa upuan at tsaka naupo.

"Here's the uncheck ones. And this is the correct answers," tumango tango ako. "Red ballpen?" Napatingin ako dito at kinaway kaway nito ang red ballpen na hawak nito.

Tumango ako at inabot niya sa'kin 'yong ballpen. Mayroon naman ako no'n kaso naghihingalo na 'yong tinta. Sinimulan ko nang mag-check ng mga papel.

Katahimikan. Sobrang tahimik sa paligid! 'Yong ingay sa labas hindi pumapasok sa loob. Ano ba naman 'to?! Mas lalo akong hindi nagiging komportable nito 'e.

Ilang minutong katahimikan ang nangyari. Maski sila Anne, Jade, at Shei ni hindi ko naririnig na nagbubulungan. Gusto ko sana silang silipin kaso ang dami no'ng iche-check ko! Matapos ko kaya 'to within one hour?

Narinig ko na biglang bumukas 'yong pinto. Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa direksyon nito. Nakita ko si Sir Czam, do'n sa tatlo 'to napatingin.

"Oh, may workers na pala tayo?" Pagbibiro nito, natawa naman 'yong tatlo at nangiti lang ako.

"Sir, magkano ba sahod?" Pagbibirong patol naman ni Shei.

Tuluyan nang pumasok ng faculty room si Sir. "Ten pesos per 1 minute. Nakakailang minuto na ba kayo?" Naglakad 'to papunta sa lalagyan ng monoblock at kumuha ng isa.

"Mga 15 minutes na Sir. O, 150php na 'yon Sir ha?" Tinignan kami ni Shei isa isa. Maski nga ako sinilip pa 'e. "Bagalan niyo mga beh, para mas lumaki."

Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Shei. Nailing ako sa pinagsasabi nito, bumalik na lang ako sa ginagawa ko.

"Buksan natin ang tv," binaba muna ni Sir Czam 'yong monoblock tsaka binuksan 'yong tv. Pagkabukas kinuha nito ang remote at tsaka binitbit ulit ang monoblock.

Sinundan ko 'to ng tingin hanggang sa pumwesto 'to sa gilid ni Sir Van. Bale nasa may tabi ng pader pumwesto si Sir Czam.

"Marami namang silang nag-aayos ng papel do'n," tumingin 'to sa'kin. "Kaya ikaw na lang tutulungan ko."

Ngumiti ako rito at sinimulan nga niya kong tulungan. Thanks to Sir Czam at sa tv hindi ulit tahimik kahit na hindi kami masyadong nag-uusap.

Paminsan minsan magsasalita si Sir Czam tapos papatulan ni Shei o Jade at ayon, mauuwi sa tawanan.

Naging mabilis na lang ang pagche-check ko. Salamat na rin sa tulong ni Sir Czam. Ilang saglit pa natapos ko nang i-check 'yong share ko. Inayos ko lang 'yong papel at binigay kay Sir Van na tambak pa rin ng papel na irerecord.

"Sir, tapos ko na pong i-check 'yong sa section G," tumingin 'to sa'kin at kinuha 'yong inaabot kong papers.

Tumingin naman ako kay Sir Czam, baka kasi kailangan pa niya ng tulong.

"Matatapos ko na rin 'to," nagulat pa ko nang bigla 'tong magsalita at tumingin saglit sa'kin. "H'wag mo na ring alukin ng tulong si Van. Sasakit lang ulo mo sa pagrerecord."

Hindi ko naiwasang tignan si Sir Van. "'E, Sir ang dami 'o. Parang lalamunin na siya no'ng mga papel sa dami," hindi ko napigilang sabihin.

Narealize ko lang 'yong mga sinabi ko ng biglang tumingin sa'kin si Sir Van. "Joke lang, Sir!" Pagdedepensa ko, narinig ko namang parang mahinang nagtatawanan 'yong tatlo. Mga bruha!

Natulala naman ako sa mga sumunod kong nakita. Smile. He smiled! Ngumiti siya bago niya tinuloy 'yong ginawa niya.

Wow...wow! Ngayon ko lang nakita 'yong smile na 'yon! Usually kasi pag nag-smile siya 'yong formality smile lng. Alam niyo 'yon? 'Yong wala ka lang choice kundi ngumiti kasi binati ka, or something. Pero iba 'yong smile niya kanina lang! 'Yong boyish smile!

"E'di wala na pong gagawin?" Tanong ko nang makabawi na ko.

"Manuod ka na lang ng tv."

"Sir, nagtagalog ka," nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi ko. 'E totoo naman 'e! Puro English 'tong si Sir Van 'e! Pero bakit ba nawawalan ako ng control sa bibig ko?

Bago pa ko lingunin ulit ni Sir Van agad na kong humarap sa direksyon ng tv. "Manunuod na lang po ako!" Mabilis na sabi ko at dumikwatro pa.

Napatingin ako kila Shei, mas kita ko na kasi sila sa posisyon ko ngayon. Kitang kita ko kung gaano gustong tumawa nang malakas ni Shei pero 'di niya magawa kasi nasa faculty kami. Kitang kita ko rin ang pigil at mahinang pagtawa nila Anne at Jade. Mga kaibigan ko ba talaga ko? Ginagawa akong laughing material ha.

Natingin sila sa'kin at nag-peace sign. Sinimangutan ko lang sila.
   
     
'Lipat ako d'yan?' I mouthed.
    
    
Mabilis na umiling si Anne na parang sinasabing 'hindi pwede'. Si Shei naman sumenyas na masikip. At si Jade? Basang basa ko ang buka ng bibig niya: 'Busy kami.'

Mga bruhaaa! Humanda kayo mamaya sa'kin! Binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa tv. Manunuod na lang ako!

"May boyfriend ba kayo?" Napatingin ako kay Sir Czam ng bigla bigla na lang niyang tinanong 'yon.

"Ako Sir single," si Shei ang unang sumagot.

"Ako rin po, Sir," segunda naman ni Jade. "Oy, Anne. May boyfriend daw ba."

Dahil siniko na ni Jade no choice na si Anne kundi sumagot. "Ako po Sir mayroon."

"Wow! 'E ikaw Lana?" sa'kin nabaling ang tingin ni Sir Czam.

"A-ano po..."

"Bawal magsinungaling, prof sila," pagpapaalala sa'kin ni Jade. Tinignan ko naman 'to nang masama tsaka ko nagsalita.

"Wala kong balak magsinungaling 'no!" Binalik ko ang tingin ko kay Sir Czam na nag-aantay ng sagot ko. "Mayroon po, Sir."

"Mayroon? Sino?!" Gulat na tanong nito, hindi ko rin maiwasang magtaka sa pagkakatanong nito. Bakit parang hindi 'to makapinawala? Mahirap bang paniwalaan na may boyfriend din ako?!

"That guy yesterday," napatingin ako kay Sir Van na nagrerecord pa rin hanggang ngayon.

"Sino? 'Yong Korean?" Tumango naman ako sa tanong ni Sir Czam. "Seryoso?"

"Oo nga po, Sir," umayos ako nang pagkakaupo.

"Kailan pa?" Kailan? Kailan nga ba? Para sa'kin kahapon lang, kasi kahapon lang na both parties ay aware. Pero sabi kasi ni Orlando dating na kami since bumalik siya, 'e last month pa 'yon.

"Last month lang po," sagot ko. Akmang magsasalita pa lang ulit si Sir Czam ng biglang magsalita si Sir Van.

"Faster, will you?"

"Fine!" Pagsuko na sabi ni Sir Czam, "Later, Lana." Grabe, may follow up questioning pa mamaya?

Tumahimik na ulit, dahil wala akong magawa at ayoko naman no'ng palabas sa tv, nilibot ko na lang ng tingin 'yong buong faculty room. Ang neat ng faculty room nila to think na dalawang lalaki ang gumagamit.

Napatigil ang tingin ko sa isang hoodie. Parang nakita ko 'yong hoodie na 'yon. Saan nga ba? Para namang may isang memorya na biglang nag-flash sa utak ko.

Ah! Kamukha no'ng hoodie no'ng taong nakakagulat kagabi. Kamukha nga lang ba? Ngayong tinititigan ko para kasing 'yon talaga 'e. Hindi kaya...si Sir Van 'yon?

Continue Reading

You'll Also Like

49K 653 60
this is just shot skits or oneshots of mineta ships , it will have angst, fluff and maybe some sumt I will also take request and I don't hate on any...
17.4K 334 125
Recommended Stories in Wattpad Part 1: Discover a captivating collection of stories in "Recommended Stories in Wattpad," a curated selection of the m...
105K 3.4K 41
That ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.
86.3K 2.6K 31
Pag maliit kailangan!! ipamukha ? xDD.