Burst Into Flames [ Published...

By xxladyariesxx

657K 27.2K 1.4K

Kingdom of Tereshle Story # 2 [COMPLETED] Anastasia Miller. A strong and one of the top Agent of Tynera. Gust... More

Teaser
Chapter 1: Agents
Chapter 2: Team
Chapter 3: Persidal Village (Mission 1- Part 1)
Chapter 4: Persidal Village (Mission 1- Part 2)
Chapter 5: Persidal Village (Mission 1- Part 3)
Chapter 6: Persidal Village (Mission 1- Part 4)
Chapter 7: Persidal Village (Mission 1- Part 5)
Chapter 8: Lifeless
Chapter 9: Rivalry
Chapter 10: New Mission
Chapter 11: Aurora Swan (Mission 2- Part 1)
Chapter 12: Aurora Swan (Mission 2- Part 2)
Chapter 13: Aurora Swan (Mission 2- Part 3)
Chapter 14: Aurora Swan (Mission 2- Part 4)
Chapter 15: Aurora Swan (Mission 2- Part 5)
Chapter 16: Reward
Chapter 17: Unexpected
Chapter 18: Fear
Chapter 19: Finish Them
Chapter 20: Deal
Chapter 21: The Bait
Chapter 22: Keepers
Chapter 23: Anatasia's Memory
Chapter 24: Fifteen Years Ago
Chapter 25: Explosion
Chapter 26: Right Time
Chapter 27: Revenge
Chapter 29: Good and Evil.
Chapter 30: Scream
Chapter 31: Plan
Chapter 32: Dream
Chapter 33: Trap
Chapter 34: Save The World
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: Rogue
Chapter 37: Absorb
Chapter 38: Dangerous
Chapter 39: Darkness
Chapter 40: Her fire
Chapter 41: Take Over
Chapter 42: Save Her
Chapter 43: Dissolves
Chapter 44: Gone
Last Chapter : She's Back
Author's Note Lang!
Burst Into Flames - PopFiction CLOAK

Chapter 28: Traitor

10.8K 520 11
By xxladyariesxx

Nagsimula na ang trabaho naming lima bilang mga keeper ng Dark World. At bilang keepers, trabaho naming panatilihing payapa ang buong lugar.

Nasa sentro kami ngayong ng Dark World at nagmamasid lang sa paligid. Ilang oras na rin kami narito at kahit isang miyembro ng Malverine ay hindi man lang nagpapakita sa amin. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at nagpatuloy sa ginagawa.

Mayamaya lang ay napalingon ako sa gawing kanan noong makarinig ng mga sigawan. Mabilis kaming nagkatinginan ng mga kasama ko at agad na nagtungo sa pinanggalingan nang sigaw na narinig namin. Minuto lang ay nakarating na kami roon at naabutan namin ang nagkukumpulang mga tao ng Dark World.

"Ano na naman iyan?" rinig kong tanong ng babaeng nakatayo 'di kalayuan sa puwesto namin.

"Pang limang biktima na iyan ngayong buwan!" Napakunot ang noo ko sa mga naririnig ko. Anong pinagsasabi ng mga residente ng lugar na ito?

Ipinilig ko na lamang ang ulo pakanan at noong makalapit na kami nang tuluyan sa kumpulan ng tao ay agad silang napatingin sa amin. Segundo lang ay biglang nag-iba ang awra ng buong paligid. Naalarma ako at isa-isang tiningnan ang mga taong nasa harapan namin. Puno nang takot ang mga mata ng iilan. At ang iba naman ay wala akong makitang emosyon sa mga mata nila habang nakatingin sa aming lima.

"What happened here?" seryosong tanong ni Blue sa mga residente ng Dark World. Mayamaya lang ay nahawi sa dalawa ang kumpulan at bumungad sa amin ang isang taong nakahandusay sa sahig. Tirik ang mga mata nito at pulang-pula. Tila isang istatwa na rin ito na tuwid na tuwid ang katawan na nakahiga sa semento.

"Shit!" I heard Myst cursed beside me. Napakurap ako at hindi maalis sa katawan ang buong atensiyon. What happened to this man?

Akmang lalapitan ko na sana ito no'ng may humawak sa braso ko at pinigilan ako sa pagkilos. "Don't," matamang sambit ni Grayson sa akin. Binalingan ko ito at namataan ang pag-iling niya. Binitawan nito ang braso ko at binalingan muli ang katawang nakahandusay sa sahig.

"What happened to him?" mahinang tanong ko habang pinagmamasdan ang nangyari sa katawan lalaki. What kind of magic is this? Sa tagal ko nang nagtratrabaho bilang isang Agent ng Tynera, ngayon lang ako nakasaksi nang ganito!

Humugot ng isang malalim na hininga si Grayson ay kinuha ang atensiyon naming apat. "This is a trap." He carefully said to us. "Come on. Umalis na tayo rito sa sentro," dagdag pa niya at muling tinignan ang bangkay 'di kalayuan sa kinatatayuan namin. Tumango naman kami sa kanya at nagsimula nang kumilos.

Akmang hihigitin na sana ako ni Grayson palayo sa kumpulan noong mabilis na natigil kami dahil kusang gumalaw ang lalaking nakahandusay sa sahig. Napaawang ang labi ko at naging alerto sa paligid. What the hell? I thought this man is dead!

"They're the keepers, hah? The Councils are stupid to sent you kids here." wika ng lalaki at naglabas ng itim na enerhiya ang katawan nito.

"Dark magic," rinig ko namang wika ni Blue na ngayon ay nasa tabi ko na. Napatingin ako sa gawing kaliwa ko. Nandoon na rin si Lester at nasa likod ko naman si Myst. Ikinuyom ko ang mga kamao at umayos na lamang nang pagkakatayo. Kumilos naman si Grayson sa kinatatayuan niya at ngayon ay puwesto na sa harapan ko. Napakurap ako! What the hell? Anong trip ng mga ito at pinalibutan ako?

"We need to find that guy," mahinang sambit ni Lester sa likod ko.

Napakunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya. "Who?" takang tanong ko pa rito.

"The one who's controlling him." Si Blue naman ang nagsalita sa tabi ko.

Magsasalita pa sana akong muli noong bigla akong natigil dahil sa isang pagsabog sa paligid. Mabilis akong naging alerto sa kinatatayuan ko at laking gulat na lamang no'ng makita kong nasa loob na kami ngayon ng isang wind barrier.

It's Grayson's attribute!

"Kanina pa ako nagdududa sa lalaking iyon. Tama nga ang hinala ko," matamang sambit ni Myst. "Wala nang buhay ang katawan na iyon. May kumukontrol lang dito kaya nagawa pa nitong kumilos at magsalita. And that explosion? I think it was a self-destruction magic. The worst kind of magic."

"They're using their magics in a worst way," komento naman ni Lester.

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at pinakiramdaman ang paligid. Sa nangyaring pagsabog kanina, paniguradong may madadamay sa mga taong nasa kumpulan kanina! "Grayson, puwede na ba tayong lumabas sa barrier na ito?" tanong ko sa tahimik na si Grayson. Kita kong umiling ito sa akin kaya naman ay napangiwi ako.

He sighed. "We can't do that, Ana." He carefully said to me. "Delikado pang lumabas. The poison is still on the air. I need to make sure first that those poison particles are gone before stepping out."

"Poison? Anong poison iyang sinasabi mo?" Napaawang ang mga labi ko at mabilis na napatingin sa barrier na gawa nito. No way!

Hindi sinagot ni Grayson ang naging tanong ko. Nanatili itong seryoso at nakatingin lang din sa barrier na gawa niya. I closed my fist firmly. Kung tama ang sinabi ni Grayson, hindi imposibleng may namatay na residente ng Dark World dahil sa pagsabog na naganap kanina!

"We need to help them!" mahinang sambit ko sa mga kasama ko. Binalingan ko ang mga kasama ko ngunit ni isa sa kanila ay hindi man lang kumilos sa kinatatayuan nila. "We need to help them!" ulit na sambit ko pa. We can't stay here for long. May mga taong nasa panganib dahil sa lason na nasa hangin ngayon. Delikado ang mga buhay nila! "Grayson!" tawag pansin ko sa kanya noong hindi pa rin ito kumilos! Damn it! We need to do something here!

"I want to help too, Anastasia pero hindi pa tayo puwedeng umalis sa barrier na ito. Just wait. Let's just wait, okay? I'm doing my best to remove the poisons that contaminated the air," matamang wika nito sa akin. Wala sa sarili akong napatingin sa Trio. Tumango lang ang mga ito sa akin bilang tanda na sang-ayon sila sa nais ni Grayson.

Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at hindi na nagpumilit pa sa nais. Okay. Let's wait. Gagawin ko iyon. I... I can wait.

We stayed inside the wind barrier for a minute. Ginawa ko rin ang lahat nang makakaya ko para lamang kumalma ako. My hands are shaking. Hindi ko alam kung para saan ang panginging ng mga kamay ko. Dahil ba sa takot sa maaring nangyari sa mga tao kanina o dahil sa galit para sa mga taong nasa likod ng kaguluhan na ito? I don't know! Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat isipin ngayon! I just want to help them... iyon lang! Kung may napahamak man sa mga inosenteng residente ng lugar na ito, bilang Agent, trabaho naming iligtas sila!

Mayamaya lang ay natigilan ako no'ng may humawak sa nanginginig na mga kamay ko. Napatingin ako sa taong nasa harapan ko. Nakatalikod pa rin ito sa akin hanggang ngayon. I felt how he squeezed my both hands. At dahil doon, nabawasan ang tensyong nararamdaman ko ngayon.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. Kung wala dito si Grayson ay marahil hindi ko na alam ang gagawin ko. I will only trust my instinct when it comes to this kind of situation. And my instinct tells me to go out there and save some life! Pero dahil nandito siya, sa kanya ako magtitiwala. Sa kanya lang at wala nang iba.

"Let's go." I sighed upon hearing his voice. Binitawan na nito ang kamay ko at umayos nang pagkakatayo sa harapan ko.

"Is it safe now?" tanong ni Blue sa kanya.

"Yes... but be careful. Once I dissolve this barrier, we're going to defend and attack," anito na siyang ikinakunot ng noo ko.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"They're waiting for us," matamang saad naman ni Myst na siyang ikinabaling ko sa kanya. "I can feel their presence now. Mukhang kanina pa nila tayo hinihintay."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko at marahang ipinilig ang ulo pakanan. So, planado nila ang lahat ng ito. Damn you, Malverine! "Dissolve the barrier now, Grayson," seryosong utos ko sa kanya. "We'll face them." I coldly said and summon one of my fire swords. "Now!" sigaw ko pa at agad kong inihanda ang sarili ko sa maaring mangyari pagkawala nang barrier na ginawa ni Grayson.

In just a blink of an eye, nawala ang kapangyarihang bumabalot sa amin kanina. I immediately move and jump when I felt a sneaky attack in front of us. Ganoon din ang ginawa ng mga kasamahan ko. Nagsitalunan din ang mga ito para iwasan ang naging atake sa amin at ngayon ay nasa ere na kaming lahat.

I immediately sway my hand on my right side when I felt something strange there. And true enough, may umaatake na sa amin sa gawing iyon. Lima din sila. Apat na lalaki at isang babae. At kagaya namin, nakalutang na rin ang mga ito sa ere. So, it will be an aerial battle, huh? Siguro ay inaasahan na nila ito. Kaya naman ay inabangan na nila kami rito sa itaas!

Magsasalita na sana ako noong bigla akong natigilan sa puwesto ko. Pinagmasdan kong maigi ang limang kakalabanin namin na tiyak ko ay miyembro ng Malverine. Isa-isa ko silang tiningnan at noong mapansin ko ang kung sino ang kasama nilang babae, napaawang na lamang ang mga labi ko.

What the hell? Anong ginagawa niya sa lugar na ito? Don't tell me she's one of the members of Malverine? Unbelievable!

"What's the meaning of this, Alexa?" seryosong tanong ko sa kanya at itinaas ang isang na may hawak ng fire sword ko. "You're one of them, huh?" pahabol ko pa at sinamaan ito nang tingin. Damn it! She's an Agent! Bakit naman ito sasama sa grupong ito?

Napailing na lamang ako at akmang magtatanong na sana akong muli sa kanya noong mabilis na kumilos ito. Napangiwi na lamang ako at itinuon ang buong atensiyon sa kanya.

Damn it, Anastasia! Bakit ka pa nagtanong sa babaeng iyan? Malinaw na malinaw naman ang sagot doon! Alexa Merden is a Malverine! She's a traitor Agent! She's one of our enemies!

Continue Reading

You'll Also Like

701K 41.9K 51
A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creatures exists. And a world without the greatest witch of...
1.1M 53.6K 50
COMPLETED | Aerilon Academy unlocks the element within. Lucianna Sariel Rofocale is a mystery. Ang kapangyarihan niya ay kakaiba, at hindi nabibilang...
10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...