I hate her because I love her...

By SerialBruh

324K 6.7K 794

What do you do when the one person you want comfort from the most is the one who caused your pain? How can I... More

I Hate Her Because I Love Her- PROLOGUE
Chapter 1: Who the hell is Dennise?!
Chapter 2: About Denden
Chapter 3: MEGAPHONE
Chapter 4 : She's Dating Denden Lazaro
Chapter 5 : GiRLFRiEND?!
Chapter 6: I CAN'T STAND HER!
Chapter 7: Jealous?
Chapter 8: FLATscreen
Chapter 9 : Date?
Chapter 10 : I'll help you..
Chapter 11 : Kiss
Chapter 12: Babyly & Babyden
Chapter 13: Maybe
Chapter 14: TSS
Chapter 15: Run away
Chapter 16: Placard
Chapter 17: Wanna Play?
Chapter 18: We Broke Up
Chapter 19: Necklace
Chapter 20: I like this girl
Chapter 21: I hate you
Chapter 22: Rain
Chapter 23: Liar
Chapter 24: First
Chapter 25: Changed
Chapter 26: With her
Chapter 27: Welcome home
Chapter 28: Happiness
Chapter 29: Jealous
Chapter 30: Something Wrong
Chapter 31: Slowly breaking
Chapter 32: Fragile
Chapter 33: Letting go
Chapter 34: Christmas fair
Chapter 35: Pain
Chapter 36: Still
Chapter 37: Too Painful
Chapter 38: Connected
Chapter 39: Don't go
Chapter 40: What should I do?
Chapter 41: Confuse
Chapter 42: Friendzoned
Chapter 43: I need YOU
Chapter 44: Again..
Chapter 45: She's suffering
Chapter 46: Love is Sacrifice
Chapter 47: Truth
Chapter 48: She knows
Chapter 50: Please..
Last Chapter
AUTHOR'S UPDATE

Chapter 49: Birthday gift

4.3K 106 13
By SerialBruh

Chapter 49: Birthday gift

ALYSSA'S POV

3am nung December 25, nag punta na ko dito sa New York.

Hindi ko alam kung bakit ako nagpunta dito. Pagkasabi ko sa parents ko na gusto ko ng bumalik ng New York, pumayag agad sila at nung time rin na yun nag pabook na agad sila.

6th day ko na dito, si Fille lagi akong tinatawagan, umuwi na daw ako. Tinatanong niya kung hanggang kelan ko balak mag stay dito pero wala akong masagot. Hindi ko rin kasi alam. Nung birthday celebration ni Bang tumawag ulit sila. Narinig ko yung mga boses ng tao at isa-isa nila akong kinausap.

Kahit gusto kong umuwi nung time na yun sa pilipinas, hindi ko magawa dahil alam ko sa party na yun.. nandun si Denden.

Alam kong nagtampo sakin si Bang pero inexplain ko naman sa kanya kung bakit hindi ako makakapunta. Saka hindi mura pamasahe. Si Denden palagi rin tumatawag at nagtetext. Hindi ko kayang sagutin yung mga tawag at messages niya, dahil hindi ko alam kung ano isasagot ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Sabi niya rin magkita kami sa dito sa New York, kahit daw 5 minutes lang basta daw makapag usap kami.

Hindi ko siya sinipot. Ayoko siyang harapin. Hindi ko kasi alam kung makakaharap pa ako sa kanya. Kaya nung nakausap ko siya nung Christmas Eve at sinabi niya sa akin alam na niya.. hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, hindi ko alam kung dapat akong mag-explain or iwanan ko na lang siyang nakabitin.

"Anong alam mo na..?" I asked

"Lahat.. lahat lahat.."

"Ahh. Ganun ba? Anong gusto mong mangyari?" sinusubukan kong maging cold sa kanya.

"Magusap tayo.."

"Nag-uusap na tayo."

Narining ko siyang nag sigh,"Magkita tayo bukas, ha? Please.."

"Aalis na ko mamaya papuntang New york."

"Susunod ako dun.."

"Pagbalik ko na lang, okay?"

Nagssniff na naman siya,"Babalik ka pa ba?" nanginginig na yung boses niya.

"Basta pagbalik ko na lang.."

"Maghihintay ako.."

Babalik pa nga ba ako..? yun din ang tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa cellphone ko, December 31 na pala.. birthday na ni Denden..

Si Denden nanaman naiisip ko. Bakit ba siya nalang palagi?

"Aly, are you okay?"

"Kanina pa siya ganyan kuya.. parang ang lalim ng iniisip."

Tinignan ko silang dalawa ng masama. Humarap na lang sila ulit sa tv at nanood.

Umupo ako sa tabi nung dalawa. Tapos binatukan ko sila.

"ARAY!/Ano ba!" sabay nilang sinabi tapos nag sigh lang ako.

Lumipat silang dalawa ng pwesto.

Nagring bigla yung phone tapos tumingin silang dalawa sa akin, "Sagutin mo. Para sayo ulit yan." sabay na naman nilang sinabi.

Ano ba to! Magkapatid na ba talaga sila?

Dahan dahan kong inangat yung phone,"Hello?"

"Aly? Si Mika to.."

"Oh bakit?"

"Kasi.. si Justine.. Pupuntahan ka ata dyan. Kanina pa yun eh.. siguro nandyan na siya ngayon."

"NOW?!"

"Oo. Tatawagan ka daw niya pag nandyan na siya."

"Okay.. sige.. hintyain ko nalang tawag niya.. thanks.."

"Umm.. miss na kit-miss ka na namin. Umuwi ka na, okay?"

"Bahala na.. Sige, bye.."

"Who's that?" kuya asked.

Tumingin lang ako sa kanya then binaba ko na yung phone tapos pumunta ng kwarto. Ni-lock ko yung door tapos humiga sa kama.

Lahat ng kakilala ko gumagastos para lang macontact ako. Eto naman iba na.. pumunta pa ng New York si Justine para lang kausapin ako.. ganun din ung ginawa ni Denden eh.

Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Mali ba ako? Mali ba yung desisyon kong pumunta dito?

After an hour nag ring na yung cell phone ko. Number lang yung lumabas so malaki ang possibility na si Justine na nga yun.

Sinagot ko yung tawag niya. Nung narinig ko na yung boses niya kinabahan ako bigla. Gusto niya raw kami magmeet sa Valy Hotel.. bakit dun pa?

Nagbihis na ako ng pang-alis at nagpahatid na ko sa hotel. On the way pa lang iniisip ko na yung mga itatanong niya sakin.

Si Denden kasi walang laban kay Justine minsan, ano pa kaya ako? Pati tuloy ako natatakot na.

Ayoko na tuloy pumunta dun. Kinakain ako ng kaba at takot. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin, paano ko siya kakausapin..

Pagkadating ko sa hotel nakita ko na kaagad siya sa may lobby. Tumayo siya once na nakita niya ako. Tinanggal niya yung suot niyang shades tapos nagsmile sakin. Kamukha niya si Denden..

Lumapit siya sa akin tapos nagsmile. Sa may coffee shop lang kami ng hotel mag-uusap. Nakaupo lang siya habang iniinom yung tea na inorder niya.

"I must say that your hotel is one of the best hotels here in New York."

"Thank you.."

Pano niya nalaman na samin yung hotel? Wala nga akong sinasabihan masyado tungkol sa sarili ko eh. Kahit kay Denden hindi ko nasabi yun. Yung mga ginawa ko dati, kung ano ung status ko dito sa New york at yung family background ko. As much as possible, gusto kong maging low profile.

Nagkwento siya tungkol sa gagawin niyang business trip at dahil daw nalaman niyang nandito ako sa New york, inuna na niya to.

Medyo nawala ung kaba ko dahil hindi pa sinasabi yung pangalang Denden..

"Oo nga pala.. birthday ngayon ni Denden.. alam mo ba un?" nag nod ako. "Hindi nga ata niya alam na birthday niya ngayon eh.. Ewan ko ba.. isang araw bigla na lang umuwi sa bahay yun.. may sugat at pasa sa mukha."

Tss. Malamang. Maldita yun eh, pala-away. Wag ka ng magtaka kung isang araw puro sugat at bugbog yung mukha nun.

Teka. Si Mika rin.. nakita ko isang beses may sugat sa may bibig.. pero hindi ko lang pinansin.. nag-away kaya sila? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin?

"Hindi ko alam kung ano na naman nangyayari dun sa babaeng yun! Minsan gusto ko na ngang bugbugin yun dahil hindi tumitino eh! Pero ang bait naman pag dating sayo.."

Sa tono ng pagsasalita ni Justine, halatang hindi niya pa alam yung nangyari sa amin ni Denden. Hindi niya pa alam na wala na kami.

"Justine.. wala na kami ni Denden eh. Hindi talaga nagwork eh.. wag na lang natin ipilit.."

Nagnod siya, "Alam ko. Kaya nga ako nandito eh. Hindi kasi expressive na tao yung kapatid ko, kaya ako na lang ang magsasalita para sa kanya."

"Magsasalita?"

"Sasabihin ko sayo ang mga nangyayari sa kanya simula nung umuwi siya ng bahay. Buong buhay ko, simula nung nag-aaral na kami ni Denden, dalawang beses ko pa lang siya nakitang umiyak. Una nung namatay yung alaga niyang aso. Yung pangalawa, last week lang."

"Last week..?"

Nagnod siya, "Oo. Nung umuwi siya ng bahay. Tulala pa siya nun tapos may hawak-hawak siya. Dumiretso pa siya sa living room tapos dun, tulala siya. Nagulat na lang ako nung tumabi ako sa kanya, pagharap niya sakin bigla siya umiyak. Hindi ko alam kung bakit.. pero malakas yung kutob ko na may kinalaman ka dun."

23? Nagkita nga ata kami nung araw na yun.. dun ko rin nakausap si Myco.. pero bakit siya umiyak? Hindi ba yung last niyang sinabi sakin, 'bakit buhay ka pa?' ano bang nakakiyak dun? Dapat ako yung maiiyak ah? Gusto na naman niya na siya yung lumabas na kawawa? Sige, siya na.

"Simula nun hindi na siya lumalabas ng kwarto niya.. hindi rin siya kumakain. Tuwing pupunta ako ng kwarto niya tulala lang siya, tapos hawak niya pa rin yung bagay na hawak niya nung gabing umuwi siya. Tapos biglang kinausap niya ako, sabi niya gusto raw niyang pumunta ng New York kaya ibili ko raw siya ng ticket.. pumunta siya kinabukasan pero nung araw ring yun, umuwi siya ng lasing."

"Sorry.. hindi ko siya pinuntahan nun.." nag nod siya, "Sorry talaga.."

"Simula nung araw na yun, hindi na siya nag sasalita.. umiinom lang siya. Halos gawin niya na ngang tubig yung beer eh. Ang nakakatawa nga lang.. hindi siya nalalasing. Malaki talaga space ng tiyan nun pag dating sa alak." tapos natawa si Justine, "Alyssa.. ayaw kitang konsensyahin.. ikaw parin ang may karapatan mag desisyon para sa sarili mo.. pero, hindi mo pa ba napapansin na mahal na mahal ka ng kapatid ko? Naiintindihan kong natatakot kang masaktan mo siya balang araw.. pero hindi ba mas makakagaan para sayo kung dalawa kayo ni Denden yung lumalaban?"

Napaisip na naman ako. Bakit ko nga ba to ginagawa? Sinasabi kong para kay Denden rin to, pero ang totoo natatakot lang akong masaktan. Natatakot lang ako na baka magsawa sakin si Denden at bigla na niya akong iwanan.

Lumalabas tuloy na hindi ako naniniwala sa kanya. Hindu nga ako nakokonsensya.. pero bakit parang nasasaktan naman ako sa mga ginagawa ko?

"Nasan po ba si Denden?"

"Nasa bahay. Kung wala sa bahay, pakalat-kalat lang yun sa labas. Alyssa.. pwede mo kaming lokohin at sabihin mong hindi mo na mahal si Denden.. pero hinding hindi mo maloloko ang sarili mo.. Kung ako ikaw, susundin ko yung puso ko.. susundin ko yung gusto kong mangyari.." Ang gusto kong mangyari.. ano nga ba ang gusto kong mangyari? "Sige, mauna na ako. May pupuntahan pa kasi ako eh."

Tumayo siya tapos umalis na. Umuwi na rin ako ng bahay. Hindi ko na naman mapigilan ang mag-isip. Ano nga bang gusto ko? Ano ba ang dapat kong sundin? Dapat ba talagang pangunahan ako ng takot?

"Aly.. uuwi na ako sa pinas bukas. Sasamahan ka muna dito ni Rex, hindi ka kasi pwedeng iwanan mag-isa pero pagpasukan na nila si mom na kasama mo dito, okay?" nagnod ako. "Hindi ko kasi matiis si Ella eh.. Sige yun lang." Lumabas na siya tapos sinara niya yung pinto ng room ko.

Uuwi na siya bukas.. ano bang plan ko? Uuwi na rin ba ako?

Pero.. natatakot parin akong harapin si Denden.

Gusto ko siyang makausap pero natatakot ako..

Pero.. walang patutunguhan yung takot ko..

**

"Ate tara na." hinila ako ni Rex papasok ng bahay.

Pagpasok namin bigla kaming sinurprise nila Fille. Si Mika yung unang sumalubong sakin. Nag smile siya tapos niyakap niya ako, "Welcome back.."

Nung tiningnan ko yung mukha niya, nakita kong may pasa at sugat na naman siya. Nagiging hobby na ba niya ang pakikipag away?

Hinawakan ko yung part na may pasa tapos bigla siyang umaray.

"Yan. Makipag away ka pa! Sa susunod ako na bubugbog sayo!" hinila ko siya para maupo sa may sofa.

"Aba! Umuwi ka lang galing New York naging sweet ka na bigla!" sabi naman ni Gretch.

Pagtingin ko sa mukha ni Gretch may pasa rin siya. Hinanap ko si Bang at nung nakita ko siya, nakita kong may sugat rin siya sa may labi.

Trend na ba ngayon ang may mark sa mukha?

"Bakit pati kayo meron? Nag-away ba kayong tatlo?" sabay sabay silang yumuko.

Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ung first aid kit ko. Pinaupo ko rin sila Gretch at Bang para magamot yung sugat nila.

"Kayo talaga! Wag na nga kayong makipag away!!" sabay diin sa sugat ni Mika.

"Aray!! Bakit sakin mo binubuhos yung inis mo samin tatlo?? Pati rin dapat sila!!" natawa na lang kami.

"Alyssa, I cooked something for you guys to eat. Have you eaten dinner?"

Lahat sila umiling. Ako yung tinatanong diba?? Saka.. Ano ba yan!! 11pm na hindi pa rin sila kumakain ng dinner? Magaling.. magaling.

Lahat sila nagpunta na sa may dining table para kumain. Naiwan kaming dalawa ni Mika.

Nagusap kami tungkol sa napag-usapan namin ni Justine. Maya maya biglang may nag door bell. Si Rex yung lumabas para tingnan kung sino yun.

"Ate.. Si.." napayuko siya bigla tapos napatingin sa gilid niya.

Tapos may biglang pumasok na babaeng naka jacket, "Aly.." nanlaki yung mata niya nung nakita niya ako.

Napatayo ako bigla. Pagkita ko sa kanya puro sugat yung mukha niya. Nakita ko rin yung kamay niya may sugat.

Bigla akong nanigas sa kinakatayuan ko. Hindi ako makagalaw, hindi ako makapag salita. Para akong naging bato nung nakita ko siya. Feeling ko kaming dalawa lang yung nag-eexist nung time na yun.

Si Denden..

"Alyssa.." dahan dahan siyang naglakad.

"Wag kang lalapit.. dyan ka lang.." huminto siya bigla.

Hindi ko maipinta yung mukha niya.. parang hindi siya makapaniwala na nakita niya ako.

Habang nakatingin ako sa mga mata niya, napansin kong medyo teary eyed siya.. tapos dahan dahan nag form ng smile yung mga labi niya.. tapos biglang tumulo yung luha niya.

"Akala ko nananaginip parin ako.. kanina kasi nakakita ako ng isang babae.. akala ko ikaw na yun kasi hawig mo.." isa-isang pumapatak yung luha niya, "Bigla ko siyang niyakap mula sa likod.. pero bigla akong hinila at sinampal nung isang babae na girlfriend niya pala.. sinugod din ako nung ibang kaibigan niya.. pinagtulungan nila ako at di ako makaganti.. pero buti nalang dumating yung tatlong anghel ko.." nakangiti parin siya habang tumutulo yung luha niya.. "Wag kang mag-alala hindi ako nasaktan.. mali.. masakit.. oo masakit.. pero hindi ko iniisip yung sakit.. kasi ang iniisip ko.. babalik ka."

Biglang tumulo yung luha ko..

"Denden, bumalik ka na lang bukas. Pagod na si Aly eh. Kailangan na niyang magpahinga.." sabi ni Kuya kay Denden habang hinihila niya siya palabas.

Hindi ko na halos napansin yung mga tao sa paligid ko. Hindi ko namalayang tumayo si Kuya para lang lapitan si Denden. Huminto yung oras ko kay Denden..

"Wait lang..ang dami kong gustong sabihin kay Alyssa.." tinanggal ni Denden yung kamay ni kuya sa may braso niya, "Sa sobrang dami hindi ko alam kung saan ako magsisimula.. siguro.. dapat magsorry na muna ako no? Aly.. Sorry." Lumuhod bigla si Denden tapos yumuko.

Lahat kami nagulat. Narinig ko yung mga bulungan nila. Umiiyak siya habang nakaluhod.

Nilapitan siya nila Gretch para itayo pero pilit niyang tinatanggal yung mga hawak nila.

"Lasing ka lang sis.. tama na.."

"Alam kong ilang araw na akong umiinom.. pero hindi ako lasing. Hindi na ako nalalasing. Hindi ako magpapatalo sa kahinaan ko.. kailangan kong maging malakas.." napatingin siya bigla sa akin, "Wala ka bang tiwala sakin Aly? Kahit kelan ba hindi ka naniwala sa mga sinasabi ko sayo? Bakit kailangan mong itago? Bakit kelangan ako pa yung huling makaalam?"

Huling nakaalam? Ibig sabihin alam rin nila Gretch at Bang yung tungkol sakin? Napatingin ako kay Gretch at bang tapos yumuko lang sila.

Nagtakip ako ng ibig habang umiiyak.

"Pakinggan mo siya.. This time, pakinggan mo lahat ng sasabihin niya." bulong sa akin ni Mika.

"Ang dami kong masamang nagawa sayo.. pero hindi ko kasi alam.. hindi ko pa alam nun.. hindi ako nakinig sayo.. sa mga kaibigan ko.. pinauna ko pa yung galit.." tumigil siya saglit sa pag sasalita niya dahil tuloy tuloy yung pag-iyak niya, "Wala na akong pakialam kung nakakahiya yung ginagawa ko ngayon.. kahit pagtawanan pa ko ng mga tao habang buhay. Wala akong pakialam.. Aly, kahit magmukha pa akong kawawa.. kahit maging sabit lang ako sa buhay mo.. ok lang.. basta hayaan mo lang ako sa tabi mo.. hindi ko na kasi kaya na wala ka."

Napatingin ako kila Fille at Ella, umiiyak na rin sila. Tumingin naman ako sa parents ko, nagnod silang dalawa sa akin.. tapos nagpunas ng luha.. nung napatingin naman ako kela Kuya, gretch at Bang nagnod din sila.

"Denden, pwede akong mamatay dahil sa sakit ko anytime.. Ganun din, mawawala rin ako sa tabi mo. Ayokong masaktan ka.."

"Aly ikamamatay ko ang pagsisinungaling at pagtataboy mo sakin anytime.. Hindi ko hahayaang mawala ka pa sa tabi ko. Mas ayokong masaktan ka.." tumayo si Denden sa pagkaluhod niya tapos dahan dahan naglakad papalapit sa akin.

"Do you love Myco?" tinanong ko siya.

"No." huminto siya bigla sa tapat ko.

"Do you love me?" nag nod siya bigla. Naiyak na naman ako, "Mahal mo ba ako?"

"Mahal na mahal.." tapos bigla siyang bumagsak sa sahig.

Nagulat kaming lahat sa pagkahimatay niya. binuhat kaagad siya nila Gretch papunta sa kwarto ko para dun siya ihiga.

Lumabas na sila para ituloy yung pagkain nila. Ako naman kumuha ako ng basin na may water pati face towel. Nilinis ko yung muka ni Denden. Pinunasan ko yung part na may sugat at pasa. Dahan dahan kong nilagyan ng gamot yung mga sugat niya tapos nilagyan ng band-aid.

Ang dami naming pinagdaanan, ang daming nangyari.. pero lahat ng mga yun.. lahat ng sakit.. lahat ng pagod.. worth it.

After 20 minutes nagising si Denden. Nagulat siya nung nakita niya ako. Napatingin siya sa paligid niya bago niya ako pansinin.

Bumangon siya sa pagkahiga niya tapos nag cover ng eyes nung tinaggal niya yung kamay niya nakapikit pa siya tapos unti unting idinilat yung mga mata niya.

"Aly? Gising ba talaga ako? Hindi ba ako nananaginip?"

Nagsmile ako sa kanya at hinawakan yung mukha niya, "Hindi ka pala lasing ha! Tss. Sinungaling."

"Akala ko kasi umalis ka ulit. Nanaginip ako.. umalis ka na naman daw.. hindi ako makapaniwala.. nandito ka parin.." tapos bigla niya akong niyakap. "Bumalik ka.. buti na lang bumalik ka.."

Niyakap ko rin siya, "I'm back.."

"Simula ngayon, dalawa tayong lalaban.. kung pagod ka na, ako ang lalaban para sayo.. wag ka ng matatakot. Hindi kita iiwan.. kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang ako." hinawakan niya yung mukha ko tapos pinunasan yung luha ko, "Ayoko ng iiyak ka.. hindi ka na pwedeng umiyak.. nasasaktan ako pag nakikita kang umiiyak."

"But I'm happy right now.. hindi ko mapigilan.. Ang dami masyadong nangyari.."

"Oo.. buti na lang tapos na lahat.. Kasi tuwing nasasaktan ka, mas nasasaktan ako."

"What?! I sacrificed a lot!!! How come you're more hurt??"

She grinned at me, "Because I love you more than you love me!" Hinila niya ako sa may kama tapos pinahiga niya ako at niyakap. Ang tagal namin tong hinintay.. ang tagal bago kami dumating sa ganitong situation. Ang daming nasaktan, ang daming nag alala.. "Thank you.. this is the best birthday gift I've ever received. Pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat.. nag sisimula pa lang tayo.."

Pero bakit parang wala lang yung nangyari sa amin?

"This feels so right.." I hugged her tightly.

Hindi ko na naisip yung pagiging amoy alak niya. Hindi siya si Denden kung wala siyang pasa o sugat o bugbog sa mukha at katawan. Mas lalong hindi siya si Denden kung wala yung amoy ng beer.

I am still dating the Stupid and bad girl.

"I could hold you forever.." then she kissed me.

I'm choosing this. I am following my heart. This is what I really want. To be beside her, to be needed by her and to be loved by her.

"I love you.." we both said.

-

Dedicated to HarleyClare :) Helloooo! Thank you so much for reading :)

Continue Reading

You'll Also Like

7.7K 253 16
AshMatt fanfic
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
92.7K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
2K 154 6
AD in parallel universes. NOTE: All works are fiction. Please separate fiction from reality.