Perfect Haters Book 1 (Part 1...

By megladiolus

46.5M 533K 98.2K

(Wag kayong malito kung ano ang pagkakasunud-sunod ng PH books.) Simple, top student and role model for many... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
SPECIAL CHAPTER
Frequently Asked Questions
Published book! Thank you all. :)

13

761K 9.2K 2.3K
By megladiolus

Yaix! Perfect Haters just reached 10,000+ reads. \(^^)/ Thank you so much guys! You are all amazing. Please share this story to others and don't forget to leave comments. And please like the first and official page of Perfect Haters. Click the external link ------------------->

You guys rock!

**********************************

ZANEA’S POV

Hindi ako papayag na maging masaya si Alexa. Lahat ng makakapagpasaya sa kanya kukunin ko. Sya ang may kasalanan kung bakit nawala ang baby ko, ang baby namin ni Gene.

*FLASHBACK*

 

*SLAP

“Pasalamat ka buntis ka. Dahil kung hindi, hindi lang sampal ang ibibigay ko sa’yo! Akala ko kaibigan kita yun pala isa kang slut!” okay lang yung sampal at mga sinabi ni Alexa sa’kin dahil yun naman ang totoo.

Tinulak ako ni Alexa papalapit kay Gene. “Magsama kayo, parehas kayong makakati. Mga manloloko!” pero pinigilan sya ni Gene. Masakit para sa’kin na makita yun dahil alam kong mahal naman talaga ni Gene si Alexa pero anong magagawa ko? Ako ang nagtulay sa kanilang dalawa at hindi ko inaasahang magkakagusto ako kay Gene. Hindi ko intensyon yun.

 “Bitawan mo ako! Nakakadiri kayong dalawa!” tumalikod si Alexa at iniwanan kami ni Gene. Akala ko okay na lahat pero hindi pa pala.

“Sige! Papanagutan ko si Zanea if that’s what you want me to do! Pero hindi ibig sabihin nun mahal ko sya!” Para akong sinaksak ng paulit-ulit ng marinig kong sinabi yan ni Gene.

Tumakbo si Alexa papalayo pero ilang minuto lang eh hinabol sya ni Gene.

“Gene no!” pagpigil ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako na parang may pagmamakaawa sa mga mata nya.

“I’m sorry Zanea.” Tsaka sya tumakbo sa direksyong pinuntahan ni Alexa.

Gusto ko na lang mamatay nung gabi na yun. Yung gabing niloko at sinaktan ko ang sarili kong bestfriend kasabay ng pagiwan sa’kin ng taong mahal ko. Pakiramdam ko mag-isa na lang ako at ayaw sa’kin ng lahat. Alam kong walang mangyayari kung tatayo lang ako dito kaya tumakbo din ako para sundan ko si Gene.

“Gene! Gene!” sigaw ko habang natakbo. Nakikita ko syang tumatakbo at sinusundan ko lang sya. Malayo ang distance ni Alexa sa’min kaya binibilisan ni Gene ang pagtakbo.

Hindi sya tumitigil at ganun din ako pero ng makarating kami sa may crossing biglang nagred light kaya napilitan syang tumigil. Naabutan ko syang nakatayo.

“Please Gene.” Naiyak na ko para lang wag nyang sundan si Alexa. “I need you. We need you.” Napahawak ako sa puson ko. Nakaramdam ako ng sobrang sakit. Pagtingin ko sa binti ko may dugo.

“Look Zanea, hayaan mo muna ako. I need to explain everything to Ale – ” napatigil sya ng makita nya ang dugo sa binti ko. “Anong nangyayari?”

“My baby. My baby!” umiyak ako ng umiyak at nawalan ng malay.

Nagising ako nasa hospital na ko. Bumangon ako agad at nakita ko si Gene.

“Anong nangyari sa baby? Safe sya di ba? Napagod lang ako di ba?” biglang umiyak si Gene at niyakap ako ng mahigpit.

“Maselan daw yung pagbubuntis mo at dahil sa pagtakbo mo ng malayo nalaglag ang baby natin. I’m sorry. I should’ve listened to you Zanea.” Pinagsusuntok ko si Gene sa dibdib. Kasalanan nya kung bakit wala na kaming baby. Hindi, kasalanan ‘to ni Alexa. Matagal na kaming magkaibigan pero lahat kinuha nya sa’kin. Tanggap ko na sya ang apple of the eye ng lahat. Pero hindi ko sya mapapatawad sa pagkawala ng baby ko.

“Iiwan mo na ko ngayon dahil wala na ang baby? Subukan mo lang Gene. Hindi ko kayo hahayaang maging masaya ni Alexa. Kapag iniwan mo ko magpapakamatay ako. Ngayon pang wala na kong baby. Kokonsensyahin ko kayo ni Alexa hanggang mamatay kayo! Hindi ako papayag na maging masaya sya! Na maging masaya kayo!!!” ibinato ko ang vase sa table na ikinagulat ni Gene.

“Hindi. Hindi kita iiwan.”

*END OF FLASHBACK*

 

***********************

Kaya hanggang ngayon magkasama pa din kami ni Gene. Marami ng nagbago pero natutunan na din nya kong mahalin at tuwing nakikita kong hindi pa ulit nagmamahal si Alexa masaya ako dahil simula ng nawala ang baby ko hindi na din ako sumaya kahit na kasama ko pa si Gene.

“You’re here. I’ve been looking for you.” Nahanap ako ni Gene dito sa may tapat ng library. “What do you want me to do?” Niyakap nya ko.

“Nothing. Tinotopak lang ako. Pero seryoso ako dun sa sinabi kong maggym ka or else ipagpapalit kita kay Zak.” Natawa si Gene sa sinabi ko.

“You’re not serious I know. Lagi mo na lang sinasabi na ipagpapalit mo ko sa mga nagiging boyfriend ni Alexa but still nandito ka sa’kin.” Tiningnan ko sya ng masama na nagpatigil sa pag ngiti nya.

“Don’t dare me Gene. You know I’ll do anything para hindi maging masaya si Alexa!” tumayo ako at kinuha ko ang mga gamit ko. Hindi ko na masyadong naoobserbahan yung babaeng yun simula ng magadvance class sya. Hindi ko na tuloy alam kung anong mga dapat kong gawin.

“Babe, I’m sorry okay! Hayaan mo na sana si Alexang sumaya!” napagitil ako sa sinabi  ni Gene. Humarap ako sa kanya at binato ko sya ng mga dala kong gamit tsaka ako lumapit sa kanya.

“How could you say that!” Sinuntok ko sya at hinahayaan nya lang ako. “Nawalan tayo ng baby pero sya pa din ang iniisip mo!! Sya pa din ang mahal mo all this time!! I feel sorry for you Gene dahil hindi ka na mahal ni Alexa!!!” dinampot ko yung mga gamit ko.

“Hindi yan totoo alam mo yan. Ikaw na ang mahal ko ngayon at hindi na sya. Pero hindi tayo sasaya kung palagi mong iniisip maghiganti. Sino ba talaga ang ayaw mong sumaya? Si Alexa o ang sarili mo? Kahit ipagtabuyan mo ko hindi ako aalis.” Napatigil ako sa sinabi ni Gene. Tinulungan nya kong damputin ang iba kong gamit at hindi nagsasalita.

Napaisip ako sa sinabi ni Gene pero anong magagawa ko? ANg tagal kong nagtiis at nahirapan habang sya masaya lagi. Hindi nya alam kung anong mga pinagdaanan ko. She’s miss perfect habang ako ano? Wala, hindi ako napapansin ng kahit na sino. Si Gene, si Gene lang ang meron ako at ayoko syang mawala. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit.

“I’m sorry babe.”

******************************

ALEXA’S POV

“Kaya naman natin ‘tong tapusin agad kaya gawin na natin okay?” halos maghapon na naming pinagtalunan ng goon na ‘to yung project namin. Ayaw naman namin na isa na lang sa’min ang gagawa.

“Eh di gawin na matigil ka lang!” naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot. Relax na relax lang ‘tong goon na ‘to. Parang sobrang dali lang sa kanya mag-aral.

“So saan tayo gagawa?” tumigil ako at humarap sa kanya. “My place na lang para mas safe.”

“Tss. Mas safe sa place ko no. Mamaya maraming aswang sa inyo ipakain mo pa ko.” Nilagpasan nya lang ako at nagdiretso ng lakad.

*Booog

Hinampas ko sya ng libro sa likod.

“ANO BA!!” parang yun lang nasaktan na agad sya.

“Hoy ang kapal naman ng mukha mo para sabihin na maraming aswang sa’min. Wala kaming lahing aswang. At ayoko sa place mo dahil baka nagbebenta ka ng mga magagandang babae. Sa itsura mo pa lang hindi ka na mapagkakatiwalaan!!” then I rolled my eyes.

“Ikaw na nagsabi magagandang babae lang ang ibinebenta ko at hindi ka kasali dun. Ayokong masira sa mga customers ko.”

Napatigil ako sa sinabi nya at napalayo sa kanya. So totoo palang nagbebenta sya ng mga babae. Napansin nya atang bigla akong natakot kaya dahan-dahan syang nalapit sa’kin pero naatras ako.

“W – wag kang lalapit. Ta – tawag ako ng pulis!” I stammered.

“Kasabwat din namin ang mga pulis. Paano na ngayon yan?” mas lumapit sya sa’kin hanggang mapasandal ako sa kotse ko.

Hindi ako makapagsalita. Para akong mahihimatay. Nanghihina yung mga tuhod ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I was about to open my mouth pero bigla syang tumawa.

“Nakakatawa yang itsura mo. Hindi ko alam na marunong ka din palang matakot.” Tapos ginulo nya ang buhok ko habang naglakad palayo.

Tumawa ba sya? Parang ngayon ko lang syang nakitang tumawa, yung totoong tawa. Parang nawala yung pagiging nakakatakot nya. Pakiramdam ko bigla parang safe sya ngayon unlike dati. Ginulo pa nga nya yung buhok ko eh.

Habang nag-iisip ako binuksan ko na yung kotse ko at inihagis yung mga gamit ko sa loob.

“Saan nga tayo ulit gagawa?” nagulat na ako ng marinig kong biglang nagsalita si goon. Ang bilis nya, nasa likuran ko na sya agad.

“Sa place ko kaya lang may dadaanan pa kasi ako. Itetext na lang kita kapag nasa bahay na ko. Pumunta ka na lang dun.”

“Wag mo na kong itext.” Sabi nya at pumunta sa kabilang side ng kotse. “Sasamahan na kita.” At binuksan ang door ng kotse.

“What are you doing?” tinaasan ko sya ng kilay bago sya pumasok sa loob ng kotse ko pero dinedma na lang nya. Pumasok na din ako sa loob at tiningnan ko sya. “You’re not coming with me so please lumabas ka na.” in my moderate voice.

Hindi sya makatingin sa’kin ng diretso at napahawak pa sya sa back of his neck. “Flat kasi yung motor ko. Kung hindi mo ko isasabay eh di ikaw na lang ang gumawa nyang project na yan!!” nagulat ako sa pagsigaw nya at medyo napaatras ako.

“Okay fine. Hindi mo naman kelangang sumigaw no! Ang ganda-ganda ng tanong ko sa’yo tapos sisigawan mo ko!!” hindi ko na sya ulit pinansin at pinaandar ko na yung kotse. Hindi din naman sya nagsalita. Nakatingin lang sya sa labas na parang malalim yung iniisip. Ewan ko kung anong iniisip nya pero wala akong pakialam.

Dumaan kami ng hospital para imeet ko ang family doctor namin at kunin yung gamot para sa migraine ko. Hindi na naman lumabas ng kotse si goon. Inintay na lang nya ko since sandali lang din naman ako.

Pagpasok na pagpasok ko sa kotse ganun pa din ang posisyon nya. Tahimik at may malalim na iniisip. Inilagay ko yung gamot sa bag ko at umalis na kami sa hospital.

“May sakit ka?” tanong nya sa’kin. Wow ha, nagtatanong na sya ngayon samantalang ako hindi ko sya tinatanong ng kahit na ano.

“Wala. Para lang yan sa migraine ko. Minsan kasi kung sumakit ang ulo ko hindi ko matiis.” Tapos nagsmirk sya. After nun hindi na sya ulit nagsalita.

Papunta na kami sa bahay ng makita ko ang haba ng traffic kaya umikot ako para dumaan sa sikretong daanan. Medyo malayo pero hindi traffic at mabilis kaming makakarating.

“Saan ka pupunta? Hoy wag mong sabihing may gagawin ka sa’king masama!” nanlaki yung mga mata nya na nakatingin sa likuran habang naatras kami.

“Kelangan namin ng iaalay for this month. Dahil ikaw ang pinakamasamang taong nakilala ko ikaw na lang ang iaalay ng tribo namin.” Seryosong sabi ko at nagdiretso na sa sikreto kong daanan.

Puro puno ang daanan na yun at hindi simentado ang kalsada. Bihira din ang bahayan at tahimik.

“Hindi magandang biro yan ha aswang. Ibaba mo na ko!” nakakatawa yung itsura nya. Naniniwala ba syang aswang ako? Sino ba kasing nagsabi sa kanyang may lahi akong aswang. Siraulo talaga ‘tong goon na ‘to.

“Pwede ba tumahimik ka na lang! Wala ka ng magagawa. Nandito na tayo sa lugar namin.” Pinilit kong hindi tumawa para makatotohanan kahit gustong-gusto ko ng tumawa ng malakas.

“Ako na ang magda-drive.” Bigla nyang inagaw yung manibela pero itinulak ko sya.

“Wag kang magulo dyan!” hinampas ko sya pero inagaw nya pa din ulit.

“Wag ka ngang makulit dyan!” Itinulak ko sya ng malakas at sandali kong nabitawan ang manibela.

“Aswang!” sigaw ni goon habang nakatingin sa harapan.

*Tugsh

Bigla kong nagpreno.

“Oh my gosh. Nakabangga ako. No! No!” tinanggal ko agad ang seatbelt ko at bumaba. Bumaba din naman si goon at tiningnan namin kung sinong nasa unahan.

“No way!” nagpanic na ko at hindi ko na alam ang gagawin. “Is she dead? Tingnan mo dali!” utos ko kay goon. Papalapit na si goon ng biglang gumalaw yung matanda.

“ANO BA NAMAN KAYONG MGA BATA KAYO! HINDI BA KAYO MARUNONG TUMINGIN SA DINADAANAN? HIRAP SA INYO MASYADO KAYONG MAPUPUSOK! KAHIT SA KOTSE GINAGAWA NYO!” nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni manang. Ano bang sinasabi nya?

Tinulungan namin syang tumayo at nagsorry ako.

“Sorry po talaga hindi ko po kayo nakita kasi may nakikipag-agawan po sa’kin sa manibela.” Inirapan ko si goon tsaka ko dinampot ko ang gamit ni manang at iniabot sa kanya.

“Ang sakit ng katawan ko. Paano na ko makakarating sa apo ko nyan. Kasalanan nyo ‘tong dalawa.” Kinuha ni manang yung gamit nya at payong tapos pinaghahampas kami ni goon.

Nagtago ako sa likuran ni goon at sya ang natamaan ng mga palo ni manang. Hahahaha.

“Wag ka ngang magtago dyan!” sinubukan akong higitin ni goon pero nakatakbo agad ako.

“Mas lalo nyo lang akong pinagod!” napaupo si manang sa unahan ng kotse ko.

“Kasalanan mo ‘to eh!” bulong ko kay goon.

“Ikaw ang may kasalanan. Kung hindi mo ako iaalay sa mga kapwa mo aswang eh di sana hindi natin kamuntikang mabangga yang si manang.” Sagot nya sa’kin.

“Kayong dalawa ba eh hindi titigil dyan ha? Kung kayo lang eh mga apo ko kanina ko pa kayo napalo.” Hinihingal si manang magsalita at parang namumutla sya. Parang pagod na pagod din sya.

“Eh di ba pinalo na nga nya tayo?” bulong ni goon sa’kin at sabay kaming napatawa.

“Pinagtatawanan nyo ba ko?” tanong ng matanda na nakataas na naman ang payong kaya napatigil kami bigla.

“Naku hindi po. Ang sabi ko nga po ihahatid na namin kayo sa pupuntahan nyo.” Sabi ni goon at tumingin sya sa’kin.

Tumango lang ako at ngumiti kay manang. Tama siguro na ihatid na namin sya para naman makabawi ako sa muntikan ko nang pagkabangga sa kanya. Kung nabangga ko sya malamang dalawa kaming dadalhin ni goon sa ospital. Dadalhin nya kaya ko sa ospital kung mahihimatay ako? Feeling ko hindi kasi tingin nya sa’kin aswang na kakainin sya. Tss. In his dreams! Kahit aswang ako hinding-hindi ko sya kakainin. Eh masama sya malamang makunat yun.

Napapatawa ako mag-isa ng marinig kong nagsalita si goon.

“Tatawa ka na lang dyan? Hindi ka sasakay?” nakita kong nasa driver’s seat na si goon at nakasilip sa bintana.

“Hoy anong ginagawa mo?” lumapit ako sa kotse at nakita kong nakaupo si manang sa backseat na nakapikit at parang pagod na pagod.

“Siguro naman wala kang planong punuin ‘tong kotse mo ng mga mababangga mo?” inistart na ni goon yung kotse.

“What?” binuksan ko ang pinto ng kotse at sumakay.

“Ako na ang magda-drive para sure na hindi mo na ko dadalhin sa tribo nyo at wala ka ng mababangga!” I rolled my eyes and folded my arms over my chest.

“Teka saan ba natin ihahatid si manang?” tanong ko kay goon. Nagkatinginan kami sabay tumingin kay manang sa likuran.

Hindi na nagsalita si manang at may iniabot na lang sa’ming papel.

“Ano?!!” we said in unison.

“Dito po kayo pupunta? Eh sobrang layo nito tapos naglalakad lang kayo?” tanong ni goon kay manang. Tinitigan ko sya at tsaka ko kinausap ang matandang nakaupo sa likuran.

“Sa bus terminal po ba kayo pupunta? Ihahatid na lang po namin kayo dun.” I said in a generous manner. Oha, matanda kasi sya so dapat ganun.

Nakita kong nagsmirk si goon na parang nagulat sa approach ko. Sorry sya, sa kanya lang ako masungit.

“Hindi iha. Naglalakad lang talaga ko. Mga tatlong araw na kong naglalakad. Galing pa ko sa silangan.” Hinihingal na sabi ni manang.

Tiningnan ko maigi si manang. Medyo madumi na yung suot nya at isang sako at payong lang ang dala nya. Tuyo na din ang lips nya na parang uhaw na uhaw at ang lalim ng eyebags, parang wala pang matinong tulog.

Tumingin ako kay goon. “Anong gagawin natin?” bulong ko sa kanya.

“Anong natin? EH ikaw lang naman muntik makabangga dyan!” inambaan ko sya ng suntok tapos bumalik sa pagkakaupo ko.

“Kasalanan mo naman kung bakit ko sya muntik mabangga.” Nag-isip ako sandali kung anong gagawin. Hindi naman pwedeng iwanan ko na lang ng pera si manang. Paano kung nakawan sya eh di maglalakad sya ulit. Tsk, konsensya ko pa ‘to. Bakit kasi dun pa ko dumaan? Wala namang nadaan dun dati.

“Ihahatid natin sya.” Sabay naming sabi ni goon. Nagkatinginan kami sabay iwas din.

I cleared my throat. “Dumaan muna tayo sa fast food para makabili ng pagkain. Mukhang gutom na si manang eh.” nakatingin lang ako sa bintana at nag-iisip kung tama ba yung decision ko.

“Okay.” Sumunod lang sya at dumaan kami sa isang fast food chain. Umorder kami ng pagkain para sa’ming tatlo. Syempre ako ang nagbayad. Hindi daw libre ang pagda-drive ng goon na yun para sa’min! Hindi ko naman sinabing ipagdrive nya kami no. Isa pa kasalanan naman nya talaga kung bakit ko muntik mabangga si manang.

After naming kumain at bilhan ng ilang gamit si manang bumalik na kami sa kotse. Nakahiga si manang sa likod at mukhang nakatulog na. Si goon pa din ang nagda-drive habang hawak ko ang address na iniabot ng matanda.

“So tingin mo aabot kaya tayo sa school bukas?” sa layo kasi ng pupuntahan namin for sure gabi na kami dadating dun. Hindi naman pwedeng hayaan na lang namin ang kawawang matanda na ‘to.

“Depende.” Then he shrugged.

“What do you mean depende?” hindi ko kasi gusto yung tono nya ng pagsasabi ng depende.

“Kung hindi ka magiging madaldal at hindi mo sisirain ang pagda-drive ko.” At umalis na kami habang papalubog ang araw.

Kung anong mangyayari sa’min sa mahabang byahe, hindi ko alam. Basta ang alam ko napakamalas ko dahil makakasama ko ng matagal ang goon na ‘to at hindi ko alam kung makakatagal kami ng hindi nag-aaway.

**************************************************

ZAK’S POV

Nakatulog na din si aswang habang nasa byahe kami. Sino ba namang mag-aakala na makakarating kami sa ganitong kalayong lugar. May pagkamabait din pala ‘tong aswang na ‘to. Akala ko magiinarte din sya tulad nung ibang babae sa school. Yung mga magsasabi ng ewwww so gross. Ipapahatid ko na lang yan sa driver ko. Pero hindi. Sya pa talaga ang maghahatid but technically ako ang nagda-drive so ako ang naghahatid.

Nakarating na kami dito sa lugar na nakasulat sa papel ni manang. Tiningnan ko yung mga bahay-bahay dun sa lugar pero walang numbers dun di tulad sa lugar namin. Probinsyang-probinsya dito. Nakakita ako ng isang bahay kaya tumigil muna ako at bumaba. Hindi ko na ginising si aswang at mukhang antok na antok sya.

Kumatok ako dun sa bahay. Matagal bago may sumagot. Medyo gabi na din kasi malamang tulog na ang tao dito. Mukhang wala ng nalabas ng ganitong oras dito.

*Tok tok tok

Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang isang babaeng bagong gising. Nagulat sya sa’kin at tiningan ako mula ulo hanggang paa at biglang tumakbo papasok sa loob. Ano kayang problema nun at biglang tumakbo?

“Tao po?” kapag hindi pa yun lumabas hahanap na lang ako ulit ng ibang bahay.

Tss. Nakakabuwisit. Papaalis na ko ng biglang bumalik yung babae. Pagharap ko namumuti yung mukha nya at mukhang nagsuklay ng buhok. Nakangiti sya sa’kin in a weird manner.

“May hinahanap kasi kaming bahay. Alam nyo ba kung saan ‘to?” iniabot ko yung papel sa babae at kinuha naman nya pero hindi nya tinitingnan. “Excuse me, yung papel nasa kamay mo na.” niremind ko sya.

Nagsnap back sya at tiningnan ang papel. Nanlaki ang mata nung babae ng mabasa yung nasa papel. Napatakip pa sya ng bibig. “Itang! Itang madali!”

Lumabas ang isang matanda na puti na ang buhok at parang bagong gising din. “Bakit ka ba sumisigaw ha?”

“Itang! Itang tingnan mo ‘to!” ipinakita nung babae yung papel sa matandang lalaki at sabay nilang tinitigan yung papel. “Nabasa mo ‘tang? Nabasa mo!” tuwang-tuwang sigaw nung babae.

Binatukan ng matandang lalaki yung sigaw na sigaw na babae. “Ikaw ba’y baliw? Paano ko naman mababasa yan eh hindi naman ako marunong bumasa!”

Napatigil sa pagtawa yung babae at napatingin sa’kin sabay ngiti. Nagpapacute ba sya? Binigyan ko ng nakakatakot na titig ang babaeng ‘to. Mukhang effective naman at tumigil sya sa pag ngiti.

“Itay ito yung papel na itinago ko. Yung sinabi ko na kapag umalis kayo ni inang dalhin nyo lang ‘to at makakauwi kayo.” Mahinahong sabi nung babae.

“Ah talaga? O sya akin na yan at itatago ko na.” kinuha nung matanda yung papel at tumalikod pero pinigilan sya nung apo nya.

“Itang hindi nyo naiintindihan. Kinuha ‘to ni inang nung umalis sya!” biglang tumingin ng masama sa’kin yung matandang lalaki.

“Anong ginawa mo sa mahal kong asawa?” ano bang tingin nila sa’kin kidnappers? Tss nakakabadtrip. May mas nakakabadtrip pa pala sa aswang na yun. “Anong ginawa mo sa kanya?!”

“Relax tatang. Nakita namin syang naglalakad at muntikan ng mabangga. Sabi nya pupuntahan daw nya ang apo nya tapos ibinigay nya sa’min yang papel na yan.” Sana naman magets nila agad yung sinabi ko.

“Ah oo ganun talaga yang si inang.” Relax na sabi nung babae. Maya-maya naramdaman kong may tumulak sa’kin. Pagtingin ko si manang pala dala-dala ang mga gamit nya at dumiretso lang sa loob ng bahay nila. “Ganyan yan si inang. Maglalakad ng malayo tapos uuwi din. Hindi na namin yan pinapalabas pero nakakatakas minsan. Salamat ha.”

“Ganun lang yun? Hindi nyo hinanap o hindi kayo nag-alala?” anong klaseng apo ba ‘to at hindi man lang nag-alala sa lola nya. Buti pa si aswang marunong mag-alala sa hindi kaano-ano.

“Wala eh. Nagkakasakit kasi sya kapag hindi nakakalabas ng bahay. Kaya nga ko gumawa ng maraming address at pinapadala ko sa kanila para in case na malayo ang marating nila ni itang makakabalik pa din sila. Ang totoo nyang pang sampung beses na yang nakakauwi si inang pero ngayon lang may naghatid sa kanya na isang gwapong nilalang. Sabihin mo, anghel ka ba?” papalapit ng papalapit sa’kin yung babae habang umaatras ako.

“Goon nasaan na si lola?” narinig kong nagsalita si aswang at bumaba ng kotse.

“Goon? ANo yun? At sino sya?” nahawakan ako ng babae sa balikat tapos ngumiti sya na nagpakilabot sa buong katawan ko. Hindi ako kinikilabutan sa mga laba ko pero sa kanya parang natakot ako.

“Girlfriend ko yan!” naiilang akong sabihin pero totoo naman kasi yun yung palabas namin. Napatigil sa paglapit yung babae at napatingin sa papalapit na aswang.

“Gwapa sya ha.” Ngumiti sya at nagmadali akong lumapit kay aswang. “Sige na gwapong anghel. Salamat sa paghatid sa inang ko. Kung iwan ka ng nobya mo nandito lang ako ha.” Kumaway sya sa’kin at nagwink. Hindi ba sya nandidiri sa sinabi nya? Ang itim nya at mataba na maraming pimples tapos nakasleeveless na ang daming buhok sa underarm tapos ang lakas ng loob kumaway sa’min.

Tumalikod ako at bumalik sa kotse. Sumunod din naman si aswang at nakit akong nangiti sya.

“Anong ngini-ngiti mo dyan ha?” alam kong pinagtatawanan nya ako dahil sa babaeng yun.

Hindi sya agad sumagot. Binuksan nya ang kotse at umupo sa driver’s seat. “Ako naman ang magda-drive. Matulog ka na muna dyan.” Nakangiti pa din sya na parang nakakaloko. Dahil ayokong makipagtalo sa kanya sinunod ko na lang sya.

“Ganun pala mga type mo ha.” Pang-aasar nya bago paandarin ang kotse.

“Typin mo mukha mo. Selos ka lang kasi hindi ka pumasa sa taste ko!” umupo ako at pumikit.

“Okay lang. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi ako pumasa sa taste mo. Ngayon alam ko na kung anong taste mo.” At tumawa sya ng tumawa. Patayin ko kaya ‘to tapos ihagis ko sa bangin? Pasalamat sya hindi ako killer kung hindi naku! Hindi ko na lang sya pinansin.

Wala pang thirty minutes syang nagda-drive bigla kaming naputukan ng gulong. Sa sobrang lakas napaangat yung back part ng kotse.

Nagmadali kaming bumaba at nakitang flat ang gulong sa likod. Kapag minamalas ka nga naman.

“Marunong ka bang magpalit ng gulong?” tanong ko sa kanya habang nakasandal sa kotse nya.

Umiling lang sya at hindi sumagot. Wala talagang alam gawin ang babaeng ‘to. Siguro sya ang prinsesa ng mga aswang. “Sya akin na ang mga tools mo at ako na ang magpapalit. Nakakahiya naman sa’yo!” umupo ako sa harap ng gulong at tiningnan ko kung gaano kalala ang tama.

Napansin kong nakatayo pa din si aswang at hindi nakilos kaya tinitigan ko sya. Napakamot lang sya sa ulo nya. “Teka don’t tell me wala kang tools?” at hindi sya sumagot so meaning tama ako.

“Anak ng – ” sinipa ko yung gulong.

“Malay ko bang babyahe tayo ng malayo. Hindi ko naman usually dinadala yun dahil kapag napa-flatan ako nagpapatawag lang ako ng magpapalit at mag-aayos.” Paliwanag nya. Kinuha nya ang bag nya sa loob ng kotse at inilabas nya ang cellphone nya.

“Gosh wala pang signal dito.” Kulang na lang umakyat sya sa itaas ng puno para lang makahanap ng signal.

Habang nasa labas kami ng kotse biglang umulan ng malakas. Kapag minamalas ka talaga ngayon pa umulan. Ano na lang ang mangyayari ngayon? Sana mapigilan kong hindi makasakit ng aswang. Bakit ba kasi naisipan kong sumama dito? Sana naglakad na lang ako pauwi!

A/N

Ayan sa ma nagtatanong kung bakit napakabitter ni Zanea ngayon alam nyo na. Hmmm at ano kayang mangyayari sa aso't pusa natin na nastranded sa walang nakakaalam kung saan. Ayiee. Okay, vote and comment at follow na din. Thanks.

*megladiolus*

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 23.6K 41
Ang kwento ni Ekang, ang kanyang no-gart panty, pustiso at ang kanyang tatlong prinsepe!
27.9K 640 23
Let's follow and get to know the musical love story and drama brought by Charlene Alfonso, the rich girl cutie and kikay who loves to sing. The girl...
7M 283K 52
A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.
23.7K 2.8K 93
A kind heart, a gentle personality, a true friend, and a good woman- her name is Bel, a not so typical lead imagined in fairy tales. She isn't that g...