Burst Into Flames [ Published...

By xxladyariesxx

657K 27.2K 1.4K

Kingdom of Tereshle Story # 2 [COMPLETED] Anastasia Miller. A strong and one of the top Agent of Tynera. Gust... More

Teaser
Chapter 1: Agents
Chapter 2: Team
Chapter 3: Persidal Village (Mission 1- Part 1)
Chapter 4: Persidal Village (Mission 1- Part 2)
Chapter 5: Persidal Village (Mission 1- Part 3)
Chapter 6: Persidal Village (Mission 1- Part 4)
Chapter 7: Persidal Village (Mission 1- Part 5)
Chapter 8: Lifeless
Chapter 9: Rivalry
Chapter 10: New Mission
Chapter 11: Aurora Swan (Mission 2- Part 1)
Chapter 12: Aurora Swan (Mission 2- Part 2)
Chapter 13: Aurora Swan (Mission 2- Part 3)
Chapter 14: Aurora Swan (Mission 2- Part 4)
Chapter 15: Aurora Swan (Mission 2- Part 5)
Chapter 16: Reward
Chapter 17: Unexpected
Chapter 18: Fear
Chapter 19: Finish Them
Chapter 20: Deal
Chapter 21: The Bait
Chapter 22: Keepers
Chapter 24: Fifteen Years Ago
Chapter 25: Explosion
Chapter 26: Right Time
Chapter 27: Revenge
Chapter 28: Traitor
Chapter 29: Good and Evil.
Chapter 30: Scream
Chapter 31: Plan
Chapter 32: Dream
Chapter 33: Trap
Chapter 34: Save The World
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: Rogue
Chapter 37: Absorb
Chapter 38: Dangerous
Chapter 39: Darkness
Chapter 40: Her fire
Chapter 41: Take Over
Chapter 42: Save Her
Chapter 43: Dissolves
Chapter 44: Gone
Last Chapter : She's Back
Author's Note Lang!
Burst Into Flames - PopFiction CLOAK

Chapter 23: Anatasia's Memory

10.7K 463 17
By xxladyariesxx

"Anastasia. Hindi kita agad nakilala," magiliw na wika ni Hades sa akin na siyang ikinakulo ng dugo sa katawan ko. Kakapasok pa lang namin sa mansyon nito at talaga bang iyon agad ang ibubungad niya sa akin? Seriously? "It's been what? Fifteen years?" tanong pa nito sabay tipid na ngumiti sa akin.

I crossed my arms against my chest. Pinagtaasan ko pa ito ng kilay. Mayamaya pa'y namataan ko ang mga nagtatakang titig ng mga kasama ko sa akin, maliban kay Grayson. "How come you survived, Hades?" seryosong tanong ko habang hindi inaalis ang matamang titig sa kanya.

Ang giliw sa kanyang mukha ay napalitan ng pagkaseryoso. Umayos nang pagkakatayo si Hades at sinalubong ang titig ko sa kanya. He sighed before speaking again. "So, hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang nangyari noon." He gently said. "Ana, matagal nang nangyari iyong trahedyang iyon. It was done and ended badly in our side. And until now, I'm still paying for what I've done years ago. Kaya nga nandito ako sa lugar na ito ay dahil sa kasalanang nagawa ko noon."

Hindi ako kumibo sa kinatatayuan ko at hindi inalis ang matamang titig kay Hades. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at noong akmang magsasalita na sana akong muli, namataan ko ang pagkilos ni Hades at ibinaling sa mga kasama ko ang atensiyon nito. "I'm sorry about," anito at bahagyang yumukod. Mayamaya lang ay humarap itong muli sa akin. "Sa tingin ko ay hindi ito ang tamang lugar at panahon para pag-usap natin ang tungkol sa nangyari noon, Anastasia. Pasensiya ka na. Hindi ko na dapat iyong sinabi kanina." He sighed again. "You're here because of the Council's request. Iyon lang dapat ang pinag-uusapan natin at wala nang iba pa. You're here because of them," seryosong saad nito na ikinakunot naman ng noo ko.

So, alam na nito ang kung anong pakay namin sa lugar na ito.

"Lately, may napapansin akong kakaiba sa lugar na ito. Kahit ako ang pinaka-pinuno rito, may mga bagay pa rin na hindi ko kontrolado. At isa na roon ang mga dating miyembro ng Malverine. They kept on using dark magics within our premises."

"Hindi ba pinahihintulutan naman kayo na gumamit nito?" takang tanong ni Blue kay Hades.

Tumango naman ito sa kanya. "Yes, we're allowed to use our dark magic but not to the extent that we harm innocent people," seryosong sagot ni Hades sa naging tanong ni Blue sa kanya.

Hades Miller. My cousin... a fire attributer from Aundros that has a dark and deadly magic, whom I thought was killed and died along with my parents. Inborn dark magic ni Hades. Hindi niya ito nakuha o natutunan noong nag-aaral pa siya sa academy. Parang special ability lang namin iyon. Simula noong ipinanganak siya, taglay na niya ang kapangyarihang iyon.

Noon, isa si Hades sa mga kumalaban sa Malverine. Mas matanda lang ito kay Kuya Anthony ng isang taon. Isa siya sa mga kasama ng mga magulang ko sa naging misyon nila. Isa siya sa lumaban at sa huli, nabigo at hindi na muling nakaahon pa.

I saw it with my two eyes. Kitang-kita ko kung paano nila ginamit si Hades laban sa mga kasamahan niya. I saw how they used his magic against the members of the Council. I saw... I witness how they used Hades to end my parent's life. They used his dark magic.

His magic killed them both. His magic killed my parents.

"Ana." Tawag pansin ni Grayson sa akin. I looked at him. Maingat itong tumango sa akin bago bumaling muli kay Hades. "We'll go now, Hades. Sa sentro kami ng Dark World pansamantalang mamamalagi."

Tumango lang si Hades kay Gray at hinarap akong muli. "Mag-iingat kayo. Lalo ka na, Ana. You know how dangerous and deadly they are. You already know them. Alam kong alam mo kung paano sila lumaban."

"Mas delikado at mas nakakamatay ba sila sa'yo, huh? Hades?" seryosong tanong ko na siyang ikinatigil naman ni Hades. I know, walang kasalanan ang pinsan ko sa nangyari noon. But still, hindi maalis sa akin ang poot sa nangyari noon. It was his goddamn magic! Kahit na hindi naman siya ang kumokontrol noon, kapangyarihan niya pa rin iyon!

"Anastasia," bangit nito sa buong pangalan ko.

Napailing na lamang ako. "Don't worry, Hades. Kaya ko ang sarili ko. Hindi mangyayari sa akin ang nangyari sa'yo... fifteen years ago," matamang sambit ko sa kanya sabay talikod at nagsimula nang lumabas sa mansyon niya.

Pagkalabas ko ng mansyon ay tsaka lang ako nakahinga nang maayos. Napailing ako at humugot ng isang malalim na hininga. Mayamaya lang ay napalingon ako sa gawing kanan ko no'ng naramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Grayson." I mentioned his name. Tumango ito sa akin at marahang binitawan ang braso ko.

"What really happened here, Anastasia. Fifteen years ago?" seryosong tanong nito sa akin. Nakita ko rin ang tatlong kasama namin na seryoso na ring nakatingin sa gawi ko. Should I tell them? Kaya ko bang i-kuwento sa kanila ang kung anong nangyari sa lugar na ito fifteen years ago? But... telling them means that I need to feel the pain... the anger, all over again. Kaya ko ba? Kakayanin ko bang maranasan muli iyon?

"Tell us, Ana. We need to know this side of the story. Ikaw lang ang makapagkukuwento sa amin kung ano ang nangyari sa naging misyon nila noon sa lugar na ito. Kailangan namin ang impormasyong mayroon ka para matiwasay nating matapos ang misyong ito." Narinig kong wika ni Blue. Napayuko na lamang ako at mariing ikinuyom ang mga kamao.

Mayamaya lang ay napahugot ako ng isang malalim na hininga. Muli kong tiningnan si Gray at ang mga kasama kong Agent. "Okay... I'll tell you. Everything." I said to them, almost whisper.

Tahimik kaming lima sa silid na inukupahan namin sa sentro ng Dark World. Prenteng nakaupo ang tatlo sa mahabang sofa samantala ako naman ay nakaupo sa pang-isahang upuan. Nakatayo naman si Grayson sa gawing harapan ko.

I trust them that's why I decided to tell them my side of the story. Gusto ni Kuya Anthony na ibaon na lamang namin ito sa limot pero hindi ko kaya. I can't forget that tragedy. Na kahit anong pilit kong gawin, kahit na inaabala ko na ang sarili sa mga misyong mayroon sa Tynera, still, palagi kong naaalala ang nangyari sa amin noon. Hindi ko kayang kalimutan iyon.

"The day before my seventh birthday, nakatanggap ng misyon ang mga magulang ko mula sa Council." I started. Umayos ako nang pagkakaupo at isinandal ang likuran sa backrest ng upuan. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago ipagpatuloy ang pagkukuwento sa kanila.

"Kuya, naibalot mo na ba ang regalo mo para sa akin?"

Pangungulit ko sa kapatid ko. Tomorrow is my birthday. Kaya naman sobrang excited ko sa mangyayari bukas!

Tiningnan lang ako ng kapatid ko. Pinagtaasan pa ako nito ng kilay niya. "I don't have any gift, little sis," anito sabay basa muli sa librong hawak niya. Napaawang ang labi ko.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Kuya Anthony naman! I was expecting you to give me something! Bakit wala?" Halos pasigaw kong tanong sa kapatid. Kita kong nilapag ni Kuya iyong librong hawak niya at tumingin na sa akin.

"Stop shouting, you little brat! I'm having a review here. Nasa kuwarto mo na ang regalo ko para sa'yo. Now, leave me alone," iritadong sambit nito na siyang ikinangiti ko naman.

I hugged my brother tightly. "Thank you, Kuya. You're the best!" I said then leave him immediately.

Patakbo akong nagtungo sa kuwarto ko ngunit agad akong natigil no'ng napadaan ako sa kuwarto ng mga magulang ko. Bahagya itong nakabukas at rinig na rinig ko ang pag-uusap nila roon. "Pwede naman tayong 'di tumuloy sa misyon na ito, Alejandro. Masyadong delikado ito." Rinig kong sabi ni mommy. Misyon? May bago silang misyon? Kagagaling lang nila kahapon sa isang misyon, ah!

"Aria, kung gusto mong manatili rito sa mansyon kasama ng mga bata, then, please, stay. Ako na lang ang sasama sa ibang mga Agents sa misyong ito," mahinahong suhestiyon naman ng ama ko.

"Hindi mo makuha ang nais kong iparating sa'yo, Alejandro!" Nagpipigil galit na wika ni mommy. "Kaarawan ng anak mo bukas! Hindi tayo puwedeng magtungo sa isa na namang misyon. We need to stay here. Tayong dalawa. For our daughter."

"I know that Aria, but we can't just stay here, having a party. Alam mo ang kung anong sitwasyon ang mayroon tayo ngayon, Aria. Nakasasalay dito ang kaayusan at kapayapaan ng Aundros," seryosong sambit ni daddy. Napakunot ang noo ko dahil doon.

"We can't just leave our children here, Alejandro." May bahid ng panghihina na wika ni mommy. "Tama ka, nakasalalay sa misyon na ito ang kinabukasan ng Aundros but... what about Anastasia? Masasaktan ito sa gagawin natin."

"Ana will understand it. She will understand us," mahinahong saad muli ni daddy.

Napakunot ang noo ko at walang ingay na isinandal ang likuran sa pader ng pasilyong tinatahak kanina. Napatingin ako sa kawalan at malungkot na napabaling muli sa pinto ng silid ng mga magulang ko.

Anong klaseng misyon ba ang dapat gawin nila? Anong misyon ito at bakit ganoon na lamang ang inaasal ng mga magulang ko?

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 60K 45
[SELF-PUBLISHED] GALAXIAS SERIES # 1: CAMP LUNATICUS - "Hogar de los Valientes" Dauntless Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, i...
139K 4.5K 66
How can I hate it? When all of my family are having fun and love it? First Publish: March 20, 2016 End: July 8, 2016
281K 15.7K 59
It takes one crown to become the persona of death. It takes two to be the destroyer of worlds. One mission. A series of deaths. A discovery of secr...