"10 STEPS TO MAKE HIM FALL IN...

נכתב על ידי BatangMasakiton

32.6K 529 191

Malandi naba kung tawagin kung ang isang babae ay nag hahabol sa isang lalaki? "Gusto ko lang naman mahalin a... עוד

PROPROLOGUE!
INTRODUCTION
STEP NUMBER 1
Step 1's Continuation
STEP NUMBER 2
Step 2's Continuation
STEP NUMBER 3
Step 3's Continuation
STEP NUMBER 4
Step 4's Continuation.1
Step 4's Continuation.2
STEP NUMBER 5
Step 5's Continuation
May katawang tao na si Starf at Monica :)
Starf's POV:
STEP NUMBER 6
Step 6's Continuation
STEP NUMBER 7
STEP NUMBER 8
STEP NUMBER 9
Step 9's Continuation
Starf's POV
STEP NUMBER 10
Step 10's Continuation
Step 10's Continuation
Epilogue

Step 7's Continuation

632 13 0
נכתב על ידי BatangMasakiton

Cont:

Pakanta-kanta talaga ako habang papasok sa gate ng school namin. Ang ganda ng gising ko sa araw na ito. Hindi na rin nagtaka si Cha-cha kung ano ang nangyari sa akin ngayon. Tahimik lang siyang naglalakad sa tabi ko.

"Good Morning Monica" ngiting bati sa akin ni Jackie ng palabas siya sa room nila.

"Hello Jackie good morning din!" to the highest level talaga ang ngiti ko. Na unang pumasok si Cha-cha sa room namin at lumapit ako sa kinatatayu-an niya. "Ahm Jackie paki bigay naman ni Starf oh,please" inabot ko ang isang medyo maykalakihan na box na nasa loob ng pulang plastic.

"Ano to?"

"Basta, tapos ito rin ang sa inyo ni Albert, Fritz at sayo."

"Ay thank you Monica ha,wow."

"Ako ang may gawa niyan, kapag ibigay ni Starf ito sa inyo wag niyong tanggapin ha, hehe" nahiya man ako no'ng sinabi ko iyon pero pakapalan nalang din ng mukha. Maiintindihan din naman siguro nila ako.

"Sure na sure yan Monica."

"Bye-bye."

Dali-dali akong pumasok sa room namin. Gumawa talaga ako kagabi ng special burger, tig-iisa sila si Fritz, Albert at Jackie pero tatlo ang kay Starf ko. Baka kasi gugutumin 'yun at isa pa paborito niya ang burger kaya tama lang ang tatlo sa kanya.

------

"Starf masarap ba?" abot tenga ang ngiti ko nang tumabi ako sa pagkaupo niya sa isang bench sa labas ng room nila. Pero hindi siya sumagot at tahimik lang siyang nakaupo at nakatingin sa mga ibang estudyante na nagprapraktis ng sayaw malapit lang sa amin. Napatingin ako sa ibang mga classmate niya na papasok sa room, pinagtitinginan kaming dalawa.

"Ui Starf masarap ba?" lumapit ako ng kaunti. Tapos tumingin siya sa akin. Hindi ako makagalaw masyadong focus 'yung tingin niya sa akin. Pinigilan ko ang sarili na huwag mag break down pero hindi ko kaya! Kaya nagpasya akong tumakbo at pumasok sa room namin. Pagka-pasok ko sa loob ay tumakbo agad ako kay Cha-cha na naka-upo lang sa upu-an niya.

"Ahh!" mahina kong sigaw.

"Hoi okay kalang frets?!"

"Gusto ko talagang sumigaw frets!"

"Ang red ng mukha mo promise."

"Ee!!" pinaypay ko ang sarili, para bang may dragon na gustong lumabas sa katawan ko! Ewan ko ba bakit ang saya-saya ko ulit ngayon. Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Kahit sabihin man ninyo na napaka babaw nangkaligayahan ko pero ganito talaga ako eh, wala na kayong magagawa basta tungkol na kay Starf.

"Hinalikan ka na naman ba ni Starf mo?!"

"Hindi ah! Hehe, wala nagkatitigan lang kami, sobrang lapit kasi"

"Ay para 'yun lang?"

"Ewan ko ba frets pero gusto ko siyang yakapin kanina, haha."

"Buti naman at nakapagpigil ka."

"Oo naman syempre nasa school parin tayo nuh."

Ayun nagtawanan nalang din kami na dahilan naman na ikinagalit ng ibang classmate naming mga matataas ang mga insecurity sa buhay. Hindi nalang namin pinansin sila bagkus mas lalo pa kaming nagingay. Napahinto lang kami ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Yes hello?"

"Hi Monica si Tita Elli mo 'to."

"Ti-Tita? My God napatawag po kayo?"

"Hiningi ko yung number mo kay Starf."

"Ha?!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Saan daw niya nakuha ang number ko? Kay Starf daw? So ang ibig sabihin ay may-

"Monica nakikinig kaba eja?"

"Opo, opo tita nakikinig po ako."

"Bumisita ka sa bahay ngayon ha, dito ka nalang din kumain."

"Talaga tita?! Pero dapat po magpapa-alam muna ko kay mama."

"Ay, pumayag na ang mama mo."

"AHh!" napasigaw ako bigla.

"Okay kalang ba eja?"

"O-opo" para akong baliw na patango-tango.

"Sabay nalang kayo ni Starf ngayon ha, sige tatawagan ko muna siya"

"Sige po tita! i love you po, ingat po kayo palagi dyan. Muwah bye"

Diri-diritso kong sinabi iyon sabay off sa cellphone. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa sinabi at alok ni tita Elli kanina? At tsaka, may number sa akin si Starf? Papaano niya nalaman ang number ko? Siguro binigay ni Fritz, pero bakit hindi man lang siya nagtext? Ay, hehe, hindi nga ako kinaka-usap eh, text pa kaya.

"Good news right?" pukaw sa akin ni Cha-cha.

"Guess what frets"

"What?"

"Sa bahay nila ni Starf ako kakain ngayon, so meaning sabay kaming kakain ngayong gabi.Tapos, alam pala ni Starf ang number ko! Sabi kasi ni Tita Elli kanina na kay Starf niya hiningi itong number ko!"

"OMG frets! Ikaw na talaga! Very-very good sign na talaga yan na-"

Naghawak kamay kami ni Cha-cha. Tumahimik kami ng ilang minuto tapos bigla kaming sumigaw na pareho. AAhhh! Ayun, pagkatapos hindi na maipinta ang mukha ng mga classmate namin dahil sa sobrang galit. Haha.

"Monica may naghahanap sayo" sigaw ng isang classmate namin sa may pintuan. May naghahanap daw? Sino naman?

"Sino?" sigaw ko rin.

"Labas ka nalang daw."

"Baka si Starf yan frets."

"Ha?! Baka nga! hehe."

Dali-dali rin naman akong lumabas. Pagkalabas ko'y napahinto ang buong katawan ko sa paggalaw ng makita ko siya na nakatayo. Tumingin siya sa akin, nagkatinginan kaming dalawan. Bakit ba ganito kabalisin tumitibok ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya?! Ikaw na talaga Starf, ikaw na! Wala ng duda!

"Pumayag kaba sa sinabi ni mama?" bigla niyang tanong. Nakangiti lang akong tumango. Tumango lang din siya tapos tumalikod na.

"Teka lang Starf, anong oras mo ako hihintayin?" ee! Parang magdadate lang.

"Hihintayin?" humarap siya sa akin.

"Oo, sabi kasi ni tita sabay daw tayong uuwi mamaya"

"Mauna kana, matagal ang uwi ko ngayon. May gagawin kaming activities sa club"

"Ay, okay lang. Hihintayin nalang kita sa labas ng club ninyo"

Tumango lang din siya, tumalikod at nagsimulang maglakad. Pero hindi pa siya nakakalayo ng biglang tumakbo ako sa kanya at hinawakan siya sa braso. Napahinto siya.

"E text mo nalang ako ha kung nasa loob kana ng club ninyo. Ang daya mo Starf, may cellphone number ka pala sa 'kin ako walang number mo."

Ay! Tinakpan ko ang bibig. Bakit ko ba nasabi iyon? Napatingin ako sa kanya pero tahimik lang siya na nakatayo. "nevermind Starf, hehe." agad akong bumitiw sa pagkahawak at tumakbong papasok sa loob ng room namin. Loka-loka talaga ako, bakit ko ba nasabi iyon ni Starf?

Hala baka magalit na naman iyon at hindi na naman ako kausapin no'n. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone sa bulsa ng palda ko, agad ko itong kinuha at tiningnan kong sino ang nag text.

1 new message

+63910....981

"Sino na naman kaya ito" pinindot ko ang read.

My number

From: +63910....981

Received: 02:44:01pm

"Oh my God! kay-" dilat na dilat akong tumingin kay Cha-cha habang dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka tapos inirapan ako. Dahan-dahan akong naupo sa tabi niya.

"Na-nag te-text si S-S-Starf fre-frets."

"Ha? Ayusin mo nga yang pagsasalita mo frets"

"Nag text si Starf! Nag text siya?! Ewan, nag text ata siya! Ewan ko kung sino itong nagtext! Kay Starf ata to, tingnan mo, kay Starf ba? Si Starf ba talaga? Si Starf?!" para talaga akong baliw nang sinabi ko iyon. Hindi ako makapaniwala na nagtext sa akin si Starf!

"Frets!" inabot ulit ni Cha-cha ang cellphone ko. Kinuha ko ito at inilagay sa dibdib ko.

"Si Starf ba ang nagtext?! Si Starf ata frets nuh?!"

"Step 8 na frets!"

Napahinto ako sa sinabi ni Cha-cha. Oo, step 8 na nga ito! Hala! Malapit na matapos ang lahat, ano na kaya ang mangyayari pagkatapos? May kunting kaba akong naramdaman sa kaloob-looban. Step 8 na ako at 2 more steps nalang, ay malalaman ko na kung ano ang resulta ng mga pinaghirapan ko.Pero focus muna ako ngayon, magfofocus muna ako at magisip kung ano ang gagawin ko upang successful din ang step 8. Kaya ko ito, malapit na ako sa finish line, malapit na malapit na!

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Ayun step 8 na nga! Ano na naman kaya ang Step 8? Tsk3, may hula naba kayo?

Kunti nalang talaga at matatapos na ang lahat ng Steps na ginawa ni Monica, ano kaya ang magiging resulta ng lahat?

Basta depende nalang yan sa kung ano ang maiisapan ni author na ending! AKAKAKAK

Successful or hindi?

Ano sa tingin ninyo?

המשך קריאה

You'll Also Like

30.8K 1.5K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.9M 95.4K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...