"10 STEPS TO MAKE HIM FALL IN...

By BatangMasakiton

32.6K 529 191

Malandi naba kung tawagin kung ang isang babae ay nag hahabol sa isang lalaki? "Gusto ko lang naman mahalin a... More

PROPROLOGUE!
INTRODUCTION
STEP NUMBER 1
Step 1's Continuation
STEP NUMBER 2
Step 2's Continuation
STEP NUMBER 3
Step 3's Continuation
STEP NUMBER 4
Step 4's Continuation.1
Step 4's Continuation.2
STEP NUMBER 5
Step 5's Continuation
May katawang tao na si Starf at Monica :)
Starf's POV:
STEP NUMBER 6
STEP NUMBER 7
Step 7's Continuation
STEP NUMBER 8
STEP NUMBER 9
Step 9's Continuation
Starf's POV
STEP NUMBER 10
Step 10's Continuation
Step 10's Continuation
Epilogue

Step 6's Continuation

657 11 0
By BatangMasakiton

Cont:

"Talaga frets?!" ang saya ng mukha ni Cha-cha na nakatingin sa akin. Mas masaya pa nga siya sa akin eh.

"Oo, ang galing ko frets nuh?Hehe" Oo, magaling naman talaga ako sa pag-arte. Grabi hindi ako nakapaniwala na

nagawa ko talagang hindi siya kausapin noong sabado. Napigilan ko talaga ang sarili na kiligin na kasama ko siya sa mga oras

na iyon.

Flashback

"How old are you Chelsie?" ngiti kong tanong sa napaka cute na kapatid ni Starf habang nakahawak ang kanang kamay

niya sa kamay ko at sa kabila naman sa kuya niya. Para talaga kaming perfect family kung tingnan habang naglalakad papunta

sa tindahan.

"Seven."

"Aah, ang cute mo talaga."

"Thank you ate."

"Thank you rin dahil tinawag mo akong ate,hehe." pinilit ko talagang pigilan ang sarili. Tinawag niya akong ate,parang

girlfriend na ako ni Starf,gano'n ba 'yun? Pero hindi talaga ako nagpadala sa kilig moment ko na iyon, in character pa rin ako,

dedma-dedma effect.

"Eh si kuya Starf cute din ba?"

"Ha?" napa tingin ako kay Starf, pero mabilis kong inalis iyon. Bakit naman kaya natanong ng batang ito? "Oo" tipid

kong sabi.

"Chelsie ano bang gusto mong bilhin?" tanong ni Starf. Naka tingin lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap sila.

"Kahit ano kuya tapos bilhan din natin si kuya Troy ha at si Meme."

Meme? Sinong meme naman iyon? Tumingin ako kay Starf at tumango lang siya. Dahil nga curious ako kung sino si Meme kaya

agad kong tinanong si Chelsie.

"Chelsie, sino si Meme?"

"Iyong doll ko."

"Aah doll mo pala." tumango-tango ako. Yung doll naman pala akala ko kung sino na.

Dumating din kami sa di kalakihang tindahan. Pagkatapos bumili ni Starf ay agad din kaming bumalik sa bahay nila. Natuwa

talaga ako nang sinabi ni Chelsie na gusto niyang ipakita sa akin si Meme niya. Gusto pa niya akong papuntahin sa kwarto niya

upang ipakita pa ang ibang doll niya.

End of flashback

"Alam mo ba frets ang ganda ng kwarto ni Starf."

"Talaga?! Pinapasok ka niya?"

"Hindi naman, sumilip lang ako nuh. Sinara nga niya agad eh ayun kunti lang ang nakita ko."

"Kwento mo naman frets dali."

Flashback

"Nasaan 'yung room ng kuya Starf mo Chelsie?" pabulong na sabi ko sa kanya. Nakaupo kami ngayon sa pink na kama niya.

Ang cute ng room ng kapatid ni Starf. Kulay pink ang manipis na kurtina niya habang puno ng mga iba't ibang klasi ng dolls at

staff toys ang paligid nito. May family picture rin na naka sabit sa pader na malapit sa pintu-an. Ang gwapo talaga ni Starf sa

picture na iyon, ang saya nang ngiti niya. Sa wakas nakita ko na ring naka ngiti si Starf.

"Sa kabila po ate Monica."

"You can call me ate Mon."

"Okay ate Mon." nginiti-an niya ako.

"Pwede mo ba akong samahan?"

"Saan po?"

"Sa room ng kuya Starf mo."

"Sige po." pa tango-tango niyang sabi. Buti naman at hindi nangulit ang batang itong kung bakit gusto kong makita ang room

ng kuya niya.Pagkatapos iyon ay agad niya akong hinila, lumabas kami sa room niya at huminto sa pintu-an na katabi lang ng kanyang

kwarto.Hindi ko na talaga maipaliwanag kung ano mang naramdaman ko sa kaloob-looban. Excited na akong makita ang kwarto ni Starf,

yung maamoy ulit ang pabango niya tapos makita ko kung anong kulay ng kwarto niya basta lahat-lahat gusto kong makita.

"Kuya," kumatok si Chelsie. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at huminga ng malalim, biglang bumukas ang pinto.

Naka white sando lang si Starf at naka black na pants. Nakita ko sa mukha niyang nabigla siya pero agad din naman niyang binawi at

lumuhod sa harapan ni Chelsie.

"Bakit Chelsie?" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng bunsong kapatid.

Pagkakataon ko nang silipin ang kwarto ni Starf. Tumingin agad ako sa loob lulan ng bahagyang nakabukas na pintu-an.

Masasabi kong napaka-simple lang ng kwarto ni Starf. Kulay puti 'yung closet niya, katabi ng bintana niya ang isang computer set

at book shelves na punong-puno ng mga libro. Kulay light blue ang pintura ng kanyang ding-ding at kulay flesh naman ang kulay ng

manipis na kurtina na sakto lang sa laki ng bintana. Gusto ko na tuloy pumasok sa kwarto niya at mahiga. Naputol 'yung imagination

ko ng biglang humarang ang katawan ni Starf sa paningin ko. Ini-angat ko ng bahagya ang mukha at nagkatitigan kami. Bakas sa mukha

niya ang sobrang pagtataka. Inalis ko agad ang tingin at tumingin diritso sa kapatid niya.

"Chelsie, tayo na sa baba?" inayos ko ang buhok, medyo napahiya ako do'n

"Pasok muna tayo sa loob ng room ni kuya."

"Ha?" lumunok ako ng laway.

"Chelsie diba sinabi ko na sayo? Bumaba ka na baka hinahanap ka ni mama."

"Ayaw mo po ate Mon?"

"Ay hindi na Chelsie, tara na sa baba at baka hinahanap ka nga ni mama mo." tumango lang din si Chelsie at agad kaming bumaba.

Mag-aalas tres din iyon ng hapon nang umuwi kami ni mama. Hindi ko na rin nakita si Starf dahil hindi na siya bumaba pa ulit.

Nakita ko rin yung kapatid niya'ng si Troy at ganoon din pareho sila nang ugali ni Starf, tumingin lang ito sa akin at pagkatapos

no'n dedma na.

End of Flashback

"Ahm frets, exit muna ako ha." pagkasalita palang ni Cha-cha ay agad kong sinundan ang tingin niya. Tumingin ako sa may likuran

at eto na naman siya.Pagkatingin ko ni Cha-cha ay naka tayo na siya at ready nang mag exit, tumango lang ako.

"Monica." mahina niyang sabi sa likuran ko. Hindi ako sumagot o nilingon siya, tahimik lang akong nakaupo. "Monica i'm so sorry,

mahal lang talaga kita" pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumipat siya sa aking harapan at na upo. Hindi ako bumaling ng tingin sa

kanya bagkos sa mga estudyante na nasa field ako naka tingin.

"Monica I'm really sorry, kausapin mo naman ako oh."

"Wala talaga akong intensyon na sirain ang pagkakaibigan ninyo ni Starf. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo Fritz eh,

sana'y maintindihan mo ko."

"Wala na ba talaga akong pag-asa?"

"Fritz-"

"Ano bang meron siya na wala ako?"

Napatingin ako sa kanya, bakas sa mukha niya na gusto niya ng sagot. Ano bang sasabihin ko? Mahal ko si Starf dahil bigla ko

nalang naramdaman ito noong unang kita ko palang sa kanya sa park? O sasabihin ko sa kanya na,pagmamahal na talaga itong nararamdaman

ko dahil, wala lang, kusa nalang tumibok?Gano'n?

"Monica,"

"Fritz, magkaiba kayo ni Starf. Meron siya na wala ka at meron ka naman na wala siya."

"Just tell me."

"Ewan ko ba, kusa nalang humanga ako sa kanya Fritz. Hindi lang bukod na gwapo siya at matalino pero may taglay siyang hinahanap

ko talaga sa isang lalaki. Sorry talaga Fritz ha, hindi ko lang maintindihan ang sarili kung bakit ako nagkaganito sa isang lalaki.

Hindi naman ako ganito noon, sa kanya lang."

"How lucky."

Tiningnan ko siya, naka tingin lang siya sa mga damo habang nilalaro ang mga daliri. Medyo naawa ako kay Fritz, pero wala

akong magawa. Hindi ko pwedeng lukuhin siya at paasahin, napakabait niya sa akin at ramdam kong mahal na mahal niya ako. Pero kay Starf

talaga ako may gusto eh, hindi sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya at napatingin naman siya sa akin, mas naawa ako sa kanya ng

mapansin kong maluha-luha na ang mga mata niya.

"Fritz, ginawa ko 'to dahil subrang bait mo sa akin. And I know, mahal na mahal mo ako at nararamdaman ko iyon."

"Okay lang Monica and thank you rin." pagkasabi niyang iyon ay bigla niya akong niyakap. Nabigla man ako pero binawi ko rin agad,tinapik-tapik ko siya sa likod. Tapos nakangiti siyang humarap sa akin, kita ko sa mga ngiti niya na pinipilit lang niya ang sarili.

"Excuse me," tumingin ako kay Cha-cha sa may bandang kaliwa.

"Charity," tumayo na si Fritz. Ngumiti lang si Cha-cha kay Fritz sabay tingin sa akin.

"Malalate na tayo frets."

"Ay oo nga pala sorry frets." agad na rin akong tumayo at inayos ang uniform. Tiningnan ko si Fritz at sa kawalan pa rin siya nakatingin. "Fritz" pukaw ko sa kanya.

"Monica?"

"Tara na, baka malate ka rin."

"Susunod nalang ako Monica, mauna nalang kayo."

Hinawakan ko agad si Cha-cha at nagsimula na kaming maglakad. Wala akong magawa, dapat lang mangyari ito dahil baka kung

patatagalin ko pa ay mas lalong hihirap ang sitwasyon. Hindi na rin nangulit si Cha-cha nang naglalakad na kami, tahimik din siya

katulad ko.Nang papasok na kami sa classroom ay napahinto ako ng binanggit ng familiar na boses ang pangalan ko.

"Monica,"

Hindi ko siya nilingon, tumingin ako kay Cha-cha at dilat na dilat ang mata nitong nilipat-lipat ang tingin. Ano na naman kaya

ang kailangan ni Starf? Sorry Starf ko pero dedmahan muna tayo ngayon ha,kunting tiis nalang talaga.

"Ako na ang bahala rito." mahinang sabi ni Cha-cha.

"Thank you frets." agad akong pumasok sa loob ng room.

Eto naba ang sign? Na miss ba niya 'yung presensya ko? Hala! Sana nga!

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Comment comment nalang po. :)

Paki-abangan nalang po yung next book kong ginawa in titled:

"Si Steben at ang nawawalang Green Piece"

E bubuhos ko po sa librong iyon ang funny side ko, akekeke. Matatawa talaga kayo sa subrang CORNY ni author, haha!

BatangMasakiton

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
21.1M 518K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞