I hate her because I love her...

By SerialBruh

324K 6.7K 794

What do you do when the one person you want comfort from the most is the one who caused your pain? How can I... More

I Hate Her Because I Love Her- PROLOGUE
Chapter 1: Who the hell is Dennise?!
Chapter 2: About Denden
Chapter 3: MEGAPHONE
Chapter 4 : She's Dating Denden Lazaro
Chapter 5 : GiRLFRiEND?!
Chapter 6: I CAN'T STAND HER!
Chapter 7: Jealous?
Chapter 8: FLATscreen
Chapter 9 : Date?
Chapter 10 : I'll help you..
Chapter 11 : Kiss
Chapter 12: Babyly & Babyden
Chapter 13: Maybe
Chapter 14: TSS
Chapter 15: Run away
Chapter 16: Placard
Chapter 17: Wanna Play?
Chapter 18: We Broke Up
Chapter 19: Necklace
Chapter 20: I like this girl
Chapter 21: I hate you
Chapter 22: Rain
Chapter 23: Liar
Chapter 24: First
Chapter 25: Changed
Chapter 26: With her
Chapter 27: Welcome home
Chapter 28: Happiness
Chapter 29: Jealous
Chapter 30: Something Wrong
Chapter 31: Slowly breaking
Chapter 32: Fragile
Chapter 33: Letting go
Chapter 34: Christmas fair
Chapter 35: Pain
Chapter 36: Still
Chapter 37: Too Painful
Chapter 38: Connected
Chapter 40: What should I do?
Chapter 41: Confuse
Chapter 42: Friendzoned
Chapter 43: I need YOU
Chapter 44: Again..
Chapter 45: She's suffering
Chapter 46: Love is Sacrifice
Chapter 47: Truth
Chapter 48: She knows
Chapter 49: Birthday gift
Chapter 50: Please..
Last Chapter
AUTHOR'S UPDATE

Chapter 39: Don't go

4.1K 98 10
By SerialBruh

Chapter 39: Don't go

MIKA'S POV

Hindi ako makatulog sa napag-usapan namin ni Bang. Napaka seryoso ng mukha niya habang sinasabi niya sa akin lahat ng nalalaman niya.

Napatingin ako kay Aly na natutulog sa may kama. Hinde ko alam kung papayagan ko si Bang sa gusto niyang gawin.

Akala niya ba gusto kong itago yung totoo sa kanila? Nahihirapan na rin akong itago lahat ng nalalaman ko mapa kay Aly o kay Myco.

Hirap na hirap na rin ako. Unang una ayokong magalit sila kay Myco dahil sila na ulit ni Denden pero ayoko rin naman mahirapan ng ganito si Aly..

"Mika?" nakita kong bumangon si Aly.

"Hm?" sagot ko sa kanya.

Tumayo siya tapos umupo sa may tabi ko. Sumandal siya sa may balikat ko tapos niyakap niya yung kaliwang braso ko.

Sa ginagawa niya mas lalo akong nahihirapan. Hinde naman talaga ako yung dapat na nasa tabi niya eh.. hinde ako dapat yung nag papasaya sa kanya.

"Bakit nandito ka sa couch? Ang hirap kayang matulog dito.. dun ka na lang sa tabi ko.."

Napatingin ako sa kanya pero naka sandal parin siya sa may balikat ko. "Ok lang ako dito.."

Naramdaman ko yung pag iling niya. Tapos humigpit yung pag yakap niya sa braso ko, "Tabi na tayo.. please?"

"Sige na nga." sabi ko sa kanya.

"Umm.. Mika? Pwede mo akong samahan sa baba? Kelangan ko kasing uminom ng gamot eh.."

Lumabas kami ng kwarto at pumunta sa may kitchen. Kumuha kami ng dalawang baso ng tubig. Sa may living room muna kami tumambay dahil hindi pa daw siya makatulog.

Nung tiningnan ko yung relo ko nakita kong 4:28 am na. Ano ba tong babaeng to sanay na ata siya sa puyatan eh.

Nagpakwento siya sa akin tungkol sa buhay ko. Gusto niya raw akong makilala ng mabuti at gusto niya raw malaman lahat ng past ko. Siyempre sinabi ko sa kanya lahat ng gusto niyang malaman. Wala rin naman akong dapat itago tungkol sa past ko eh.

Humiga si Aly sa sofa na inuupuan namin habang hawak yung kamay ko, "Humiga ka rin. Parang kama to sa laki eh. Tingnan mo kasya tayong dalawa!" sabi niya habang nakangiti. Humiga ako sa tabi niya. "Ayan. Ikaw na lang ang kakampi ko Mika.. wag mo akong iiwan basta basta.."

"Iiwan lang kita pag sinabi mong iwanan na kita.."

Ngumiti siya sa akin tapos hinawakan niya yung muka ko, "Para namang gagawin ko yun.."

Alam ko hinde ko dapat ginagawa tong mga bagay na to.. pero masisisi niyo ba ako? Tao rin ako, marunong magmahal at nasasaktan.

**

"Bakit dito natulog yung dalawa? Diba umakyat sila kagabi? Ay kanina pala."

"Ewan.. baka bumaba sila.. may baso sa lamesa oh. Ibig sabihin bumaba sila para uminom. Siguro nakatulog sila habang nag kukwentuhan.."

"Gigisingin ba natin sila?"

"Bakit?"

"Baka makita sila ni Denden eh."

"Ano naman?! She's with that guy now and left Aly in pain. If Aly's happy with Mika then I don't care about Denden being hurt. She deserves it."

Parang panaginip yung narinig ko kanina pero boses ni Fille talaga yung narinig ko.

Nung idinilat ko na yung mga mata ko nakita kong tulog pa rin si Aly at nakaharap pa rin sa akin.

Binuhat ko siya para dalhin sa kwarto namin. Wala namang magiging problema sa pagbuhat ko sa kanya dahil magaan lang siya.

Nakasalubong ko si Ella tapos nag smile siya sa akin at nag 'ok' sign.

Pagkadating namin sa kwarto, dahan dahan ko siyang nilapag sa kama tapos kinumutan. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba ulit sa may dining room.

Nakita ko si Denden at Ella sabay na kumakain "Goodmorning Mika!" masayang bati ni Ella.

Umupo ako sa may tabi ni Denden, "Si Myco tulog pa?" tumango siya.

"Si Alyssa?"

"Tulog pa."

"Ayos ah. Parang nagpalit lang kayo ng jowa." sabi ni Ella habang kumakain.

"Oo nga pala, ano ba plano bukas? Pupunta ba sila Justine?"

"Hindi ata. Baka ung usual. Inom, kain, paputok." nag nod ako habang sumusubo ng bacon.

Natahimik kaming tatlo. Patuloy lang kami sa pagkain namin.

"Wala bang check up si Aly ngayon?" tanong ni Ella out of the blue.

Umiling ako, "Sabi pag nilagnat daw siya pumunta na lang sa hospital."

Kinuwento lang sa akin ni Rex yung sinabi ng doctor. Tinanong kasi nila kung pupwede daw bang mag out of town si Aly with friends ang sabi pwede daw basta wag daw hayaang mapagod. Tapos pag nilagnat daw siya pag pahingahin tapos iuwi na lang kinabukasan para madala sa hospital. Ganun ka special si Alyssa ngayon. Madadamay ang lahat pag nilagnat siya.

"Ano bang sakit niya? Inu-ulcer pa rin ba siya?"

Napatingin kami ni Ella kay Denden, "Ulcer?" sabay naming sinabi.

Wala namang nababanggit sa akin si Aly na may Ulcer siya, kumakain rin naman siya halos sa oras at tama naman ang appetite niya kapag kumakain.

"Sinong may sabing may ulcer siya?"

"Siya." sabi niya bago siya sumubo, "Sabi niya sa akin may sakit siya at kaya siya nag susuka kasi may ulcer daw siya."

Sa pag explain ni Denden naintindihan ko na. Ginawang excuse ni Aly yung ulcer para isipin na lang ni Denden na sumusuka lang siya at sikmura yung sumasakit sa kanya at hinde yung dibdib.

"Walang ulcer si Aly." sabi naman ni Ella.

"Wala? So nagsinungaling siya sa akin?"

"Parang ganun na nga." sabay inom ng tubig, "Yung check up para sa puso niya yun. Emotionally stressed siya kaya kelangan niya yun. Siguro naman alam mo kung bakit diba? Saka hinde dapat ako yung nag sasabi nito eh.. oh well." Tumayo si Ella tapos umalis na sa dining room.

Kaming dalawa na lang ni Denden yung naiwan. Hinde pa rin nag babago yung expression ng mukha niya sa narinig niya kay Ella. Naisip niya rin siguro na nag sinungaling sa kanya si Alyssa.

Mga 11 am na ng nagising si Aly. Kumain na siya ng almusal slash lunch niya tapos niyaya niya akong mag beach.

Syempre dala ulit namin yung camera namin. Naglagay siya ng sunblock tapos naglatag na naman siya ng tela sa may sand at humiga. Ganun din ang ginawa ko. Nag lagay ng sunblock at humiga sa tabi niya.

Nung nagdatingan na sila umingay na yung mundo namin ni Aly. Yung tahimik na mundo namin biglang gumuho dahil sa kanila.

Lahat sila pinag sasabihan na si Aly dahil nangingitim na raw siya lalo kakabilad sa araw.

"Yun nga yun silbi nitong getaway natin eh! Siyempre susulitin ko na no."

"Hoy! Hinde ka pa nag papagraduation picture! Baka naman ang itim mo sa pic ha!"

"I don't care." proud niyang sinabi. "Mas masarap pa ngang may beer na iniinom pag ganito eh. Haaay.. Beer.. sand.. tapos yung view.. equals LIFE!" sabi ni Aly habang nakatingin sa dagat.

Mga 3:24pm na at nasa ilalim pa rin kami ng araw.

"Ayos tong si Mika ha. Kanina pa naka bilad sa araw pero namumula lang! Tsk. Sana pareho tayo ng balat!" sabi sa akin ni Ella.

Nginitian ko lang siya. Kanina ko pa napapansin na parang tahimik si Myco at Denden. Nag away kaya sila? O baka naman naiilang lang sila dahil kay Aly?

Tumayo si Aly tapos lumapit sa may dagat, nakita ko si Denden nakatitig sa kanya tapos naka smile.

Mahal niya pa nga. Nilapitan naman nila Ella at Fille si Aly tapos nagharutan na silang tatlo. Nag hihilahan sila papunta sa may tubig tapos eto namang si Bang lumapit kay Aly at tumulong sa paghila kay Aly papunta sa dagat.

Ang kulit nilang tingnan. Ang sarap makitang masaya si Alyssa..

Nung napagod na silang apat bumalik na sila sa may amin tapos nag si upuan.

"Tara na Mika! Shower na tayo." tumayo siya tapos hinila niya kamay ko.

Nakatingin silang lahat sa amin, "Sabay kayong maliligo?" sinabi ni Gretch, Bang at Ella ng sabay.

Tumayo na ako tapos pinagpag yung mga sand na nakadikit sa katawan ko. "Bakit masama ba? Maliligo lang naman kami ng sabay eh. Hinde naman parang may gagawin kaming masama sa pag ligo.. diba Mika?"

Napatingin siya sa akin. Kaya pati tuloy sila napatingin. "Ha..? siguro..?" nag-aalinlangan kong sinabi habang nakatingin kay Denden.

Nakatingin siya sa amin na parang gusto niya kaming pag hiwalayin ni Aly. Nasa mga mata niyang galit siya sa sinabi ni Aly.

"Let's go!" sabi niya habang nakahawak sa braso ko.

Pag pasok namin sa kwarto pumasok na siya ng banyo. Narinig ko siyang sumigaw ng "Aren't you coming?" kaya sumunod na ako sa kanya sa loob.

Pumasok ako at pagtingin ko sa kanya nakasuot pa rin siya ng swim suit tapos nakahiga sa may bathtub. "I told you walang masama kung sabay tayong maliligo. Pati ang laki laki naman nitong bathtub na to noh. Kasya tatlong tao dito."

Nag smile ako sa kanya tapos pinanood ko lang siya habang nasa bathtub siya.

"Ayaw mo?" umiling ako.

"Okay.."

"Sa shower na lang ako." nakita ko siyang nag nod tapos lumubog sa may bathtub.

Habang nasa shower ako nakita ko siyang naglalaro lang ng bula. Hinde siya nag sasalita patuloy lang siya sa pag lalaro.

Hinde ko alam kung dapat kong sabihin na alam ni Bang yung sakit niya pero natatakot ako na baka pag nalaman na niyang pati si Bang alam, baka ilayo niya yung sarili niya sa amin.

Ayaw na raw niya ng awa. Minsan daw siyang nag makaawa sa isang tao pero hinde naman naawa yung taong yun. Hinde niya binanggit kung sino. Kakilala lang daw niya yung taong yun.

Lumabas ako sa may shower room tapos tumayo naman si Aly. Nag suot na ako ng bathrobe. Tapos pumasok si Aly sa shower room.

Lumayo ako ng konti tapos mayamaya pagtingin ko na lang kay Aly naka bathrobe na siya tapos may hawak siyang plastic bag.

"Tara na." binuksan ko yung pintuan tapos lumabas kami.

Pagkalabas namin ng banyo biglang bumukas yung pintuan ng kwarto at nakita namin si Denden. Nung nakita niya kami ni Aly hinde siya nakapag salita. Gulat siya sa mga nakikita niya.

"Bakit?" tanong ni Aly

"Ah.. so--sorry. Wa.. wala." lumabas siya at isinara yung pintuan ng malakas.

"Problema nun?" dinedma na lang ni Aly yung nangyari.

Nilagay niya yung plastic bag sa may isa niyang bag tapos bumalik sa banyo.

Napahampas ako sa noo ko, "Oh god." yun na lang yung nasabi ko. Namisunderstood na naman ni Denden yung pangyayari.

Sinabi ko na nga na ayaw ko ng magkagulo pa sa amin pero gulo pa rin tong pinapasok ko.

Kahit na sinabi kong gusto kong protektahan si Aly ayoko pa rin masira yung friendship namin. Hinde ko alam kung bakit biglang pabago bago yung isip ko.. basta eto yung nafifeel ko ngayon.

Hinde ko alam kung kelan ulit mag babago yung pagiisip ko pero ngayon ayoko masira yung friendship namin ng dahil lang sa mga mali ko..

Nag suot na ko ng underwear at shorts tapos naka bathrobe pa rin ako. Lumabas si Aly galing banyo ng nakabihis na.

May nakalagay na lang na towel sa may ulo niya tapos humiga siya sa may tabi ko, "Sorry.. pati ikaw nadadamay. E-explain ko na lang sa kanya.." bumangon si Aly tapos bababa na ng kama pero hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya.

"Ok lang. Wala na rin naman kayo eh. Wala na rin siyang karapatan magalit."

See, bigla na naman akong nag bago. Pero napaisip kasi ako sa sitwasyon eh. Wala na sila ni Aly. Pwedeng naming gawin lahat ng gusto naming gawin kahit walang permiso sa kanya.

Humiga ulit si Aly tapos ipinikit yung mga mata niya kaya ipinikit ko rin yung akin.

Pagkadilat ko ng mga mata ko tumingin kaagad ako sa orasan.

5:36 pm

Nakatulog kaming dalawa. Tumingin ako sa left side ko at nakita ko si Aly nakatalikod sa akin.

Nagulat ako ng bigla na lang siyang bumangon, "ANONG ORAS NA?!?" sabi niya ng pasigaw

"Ano ba! Nakakagulat ka naman! 5:36 na."

"OMG!" tapos bumaba siya ng kama, "Have you forgotten that we are meeting Dzi and Jeriel?!"

Nagmadaling mag palit ng damit si Aly sa may banyo kaya nagbihis narin ako. Pag labas niya hinila niya ako papalabas ng kwarto, pababa ng hagdanan at papalabas ng bahay.

Nung nakarating kami sa resort na pinagtutuluyan nila. Sinalubong kami ni Dzi tapos tinawag niya naman si Jeriel sa pag pasok namin. Pinakilala nila kami sa mga kaibigan nila tapos nag simula na kaming mag kwentuhan lahat. Nakakatuwa silang mag kakaibigan. Si Timothy laging kinukulit si Aly. Lagi niyang pinipilit na sumayaw o kumanta si Aly tapos yung dalawang babae naman pipigilan si Timothy.

Naaalala ko sa kanila yung beshies and friends. Siyempre sila Gretch lang hinde kasama yung mga nasa ilalim namin.

Mga 9:23 pm nag yaya ng umuwi si Aly. Ayaw pa nila kaming paalisin dahil maaga pa raw pero nung sinabi ni Alyssa na masama yung pakiramdam niya pumayag na sila. Inihatid pa nila kami sa may rest house nila Denden.

Dumeretso kami sa may living room para maupo. Napansin ko namumutla yung mukha ni Aly. Tinanong ko kung may masakit sa kanya pero sabi niya ok lang daw siya.

Umakyat siya sa may kwarto ako naman naiwan sa baba. Nakipag laro ako ng cards kela Gretch at Bang. Napasaya masyado yung pag lalaro kaya umabot kami ng hanggang 1am.

Pupunta ako dapat ng kusina para kumuha ng maiinom pero nakarinig ako ng malakas na kalabog.

Umakyat ako para tingnan kung ano yun pero nakita ko si Aly na nakahiga na sa may sahig. Nahulog siya sa hagdanan.

"ALYSSA! Naririnig mo ba ako!?!?! Aly!" nanginginig siya tapos may binubulong, "Ano? Hinde kita maintindihan.."

"Yung gamot.. nawawala.. gamot ko.. nawawala.."

"FILLE!!! SI ALY!!" binuhat ko si Aly para dalhin sa kwarto.

Narinig ko yung mga yapak ng paa nila. Tumatakbo sila papunta dito sa taas.

Naabutan nila akong buhat si Aly sa may tapat ng pintuan. Binuksan ni Gretch yung pintuan ng kwarto, pumasok kaming lahat at dahan dahan kong nilapag si Aly sa kama.

"Are you sick?" hinawakan ni Fille yung kamay ni Aly, "She has a fever! What am I going to do?!" nagpapanic si Fille, "May sakit siya Mika! Omg. Anong gagawin natin?!"

Hinawakan ni Gretch yung kamay ni Fille at hinila siya papalapit sa kanya, "Ano ka ba!!! Wag ka ngang magpanic dyan!! Nilalagnat lang siya! Pati kami natataranta dahil sa ginagawa mo eh!"

"SHUT UP!" sabay tulak niya kay Gretch, "YOU DON'T KNOW ANYTHING! Pano pag nagka pneumonia siya? Anong gagawin mo?!"

Hinde na lang sumagot si Gretch para hinde na magalit pa lalo si Fille. Habang natahimik kami at yung iyak lang ni Fille yung nangingibabaw bumukas bigla yung pintuan ng kwarto at pumasok sila Denden at Myco.

Napatingin kaming lahat sa kanilang dalawa "Anong nangyayari?" tanong ni Denden.

Tiningnan ng masama ni Fille yung dalawa tapos tinuro niya si Myco, "You.. get out! Get out of here!" lumapit si Fille sa may pintuan tapos binuksan niya ito, medyo hinila niya si Myco sa may pintuan tapos tinulak siya palabas, "I said get out!"

"Myco sa kwarto ka na muna.." sabi ni Denden kay Myco.

Wala siyang choice kung hinde ang lumabas at bumalik sa kwarto nila.

"Fille walang mangyayari kung magagalit ka ngayon. Kumuha na muna tayo ng maligamgam na tubig saka face towel."

"Okay okay."

Lumabas na sila Fille at Ella para kumuha ng tubig.

Kaming apat na lang yung natitira. Kinuha ko na yung upuan sa may desk at dinala sa may tabi ng kama. Kelangan hinde ko ipahalatang mahina ako. Kelangan ma-control ko lahat ng nararamdaman kong takot ngayon.

Bigla kong naalala yung sinabi ni Aly kanina. Nawawala yung gamot niya. Tumayo ako tapos tumakbo pababa para sabihin kila Fille.

Nung naabutan ko silang nag iinit ng tubig nakita kong umiiyak na naman si Fille.

Tinanong ko siya kung may dala siyang gamot ni Aly dahil nawawala yung sa kanya. Tinanong ko rin kung merong binigay na gamot si Nicko para kung sakaling lagnatin si Aly may naka ready ng gamot. Napatigil siya sa pag iyak niya tapos tumakbo sa may kwarto nila ni Gretch.

Sinundan ko siya dun at nakita kong hinahalungkat niya yung bag niya at may kinuha siya sa pill box. "Kuya Nicko gave this to me. In case of emergency daw.."

Tumakbo kami ni Fille paakyat sa kwarto tapos lumapit kay Aly. Inangat namin ng konti yung ulo ni Aly tapos kumuha ng isang pirasong tablet si Fille, "Aly.. inumin mo tong gamot." tapos isinubo niya kay Aly yung gamot at pinainom ng tubig.

Pumasok na si Ella na dala yung palangganang may maligamgam na tubig. Habang pinupunasan nila Ella si Aly lalabas na sana ako ng kwarto para makapag isip kung saan posibleng naiwan ni Aly yung gamot niya pero..

"Mika.. don't go.." napalingon ako sa may likuran ko at nakita kong dahan dahang inaangat ni Aly yung kamay niya, "Don't go.."

Nagmadaling lumapit sa akin si Fille, "Don't leave. Please.. Just stay beside her.."

Napatingin ako kay Bang at Denden. Si Bang sumenyas na patango si Denden naman nakatingin lang sa akin.

Lumapit ako sa may kama tapos umupo sa may tabi ni Aly, "Nandito ako.." tapos hinawakan ko yung kamay niya.

Lumabas na silang lahat at nagbalikan na sa kani-kanilang mga kwarto. Ako na lang ang natira para bantayan si Aly.

Hinde ko siya maiwan mag isa sa kwarto, hinde ko siya kayang iwanan, hinde ko siya pupwedeng iwanan ngayon.

Sa sofa na ako natulog. Pagcheck ko kay Aly tulog parin siya. Umupo ulit ako sa may tabi nung kama at tiningnan siya ng maigi. Iniintay ko siyang magising.

Ilang minuto rin ang nkalipas bago siya magising, "Oh gising ka na?" nag nod siya sa akin tapos nag smile, "Ni-ready na ni Fille yung bag mo pati yung damit na susuotin mo. Uuwi na tayo after lunch."

Nag nod ulit siya, "Sorry.. did I spoil your vacation? Ako na lang babalik sa manila.. magstay ka na muna dito.."

Umiling ako, "Pwede ba yun? Iiwanan kita mag isa? Tss. Mas masaya ako pag kasama kita no. Mag pagaling ka na lang para sulit yung gagawin kong pag uwi ng maaga"

Nag smile siya sa akin tapos tumango. Tinanong niya sa akin yung nangyari sa kanya, kung paano siya nakabalik ng kwarto at kung saan ko siya nakita. Hinde niya raw kasi matandaan yung mga nangyari. Sabi niya ang last na naaalala niya nag lalakad siya tapos black na raw lahat ng nakita niya. Hinde niya rin daw matandaan na ako yung bumuhat sa kanya at kung saan siya dapat pupunta nung oras na yun. Ang alam lang daw niya, nag lalakad siya at biglang black na nakita niya. Period.

Tumayo siya tapos nagpunta sa may banyo. Wala pang 5 minutes lumabas ulit siya. "Was Denden here last night?" tanong niya sa akin out of the blue, "Did she talk to me? or did she tell me something infront of you guys?"

Umiling ako, "Nandito siya pero hinde ka niya kinausap. I don't think na bumalik ulit siya kasi.. nandito ako sa loob ng kwarto magdamag."

"I thought so. What a weird dream. Oh well. I gotta take a bath. Mag 12 na rin."

Kinuha niya yung towel niya tapos bumalik ulit sa loob ng banyo. Pagkatapos niyang maligo ako naman yung naligo.

Bumaba na kami para mag lunch pagtapos namin mag ready. Dala na namin yung mga bag namin dahil nag text na rin sa akin yung driver ko.

After namin kumain nag paalam na kami sa kanila. Nilapitan ko si Bang tapos niyaya kong lumabas saglit.

"Mas maganda sana kung si Aly yung mag sasabi, pero sa tingin ko hindi niya kayang sabihin pa sa kanila. Kaya eto na yung chance mo para ikaw na mismo ang magsabi. Pero sana, isipin mo muna ng mabuti yung gagawin mo.." huminga ako ng malalim, "Sa totoo lang gusto ko na rin malaman niyong lahat yung tungkol sa kanya. Pero hindi ko kayang sabihin dahil iniisip ko yung feelings ni Aly. Sa tingin mo ba sis matutuwa siya kung madaming tao yung makakaalam ng sakit niya? Pero ikaw bahala.. nasa sayo na yung last card. Si Aly kalaban mo, hahayaan mo ba siyang matalo o mag paparaya ka muna at hayaang siya muna yung manalo? Sige sis."

Pumasok na ulit ako sa loob para sunduin si Aly. Nag bye na kami sa kanila tapos lumabas na kami ng bahay.

Nakasalubong namin si Denden at Myco sa may labas. Napahinto kami sa pag lalakad nung nakatapat na namin sila. "Happy Birthday, Den." then hinug ko siya, "Sige mauna na kami ni Aly. Kita na lang tayo sa manila."

Tumango siya tapos ngumiti sa akin. Napatingin naman siya kay Aly tapos nag smile, "Ok ka na ba?" tumango si Aly, "Mabuti naman.."

"Aly magpagaling ka.." sabi naman ni Myco.

Tumingin si Aly kay Myco, "Ikaw rin." bumalik siya ng tingin kay Denden, "Happy Birthday.." tapos nag lakad na siya papunta sa may kotse.

**

After a month..

"Ano bang problema ni Aly?" sabay kamot ng ulo ni Bang, "Dalawang araw na siyang masungit! Parang lagi siyang naiirita sa mga tao sa paligid niya! HINDE KO NA KAYA! Lagi niya akong sinusungitan!!"

Nagkatinginan lang kami ni Fille sa sinabi ni Bang.

Isang buwan din ang lumipas at madaming nag bago. Balik na sa dating pagiging masayahin si Aly, si Gretch naman mas lalong nagsipag sa pagaaral, si Bang may bago ng dinedate, si Fille hindi na masyadong mataray, si Denden medyo naging ewan.. mabait? Ok na rin sila ni Aly.

Hinde sila sobrang okay pero hinde na sila tulad nung dati na nag iiwasan. Medyo nag sink-in na ata sa kanila na kelangan na nila mag move on.

Pero iba parin yung feeling pag magkakasama kaming lahat. Parang ang lamig ng buong paligid dahil sa kanilang dalawa..

Ako naman eto, devoted na kay Aly. Hinde ko rin alam kung bakit. Bigla na lang naging ganun.. siguro sympathy 'to pero hinde. Basta magulo lang.

"Sagutin niyo ko! Ano ba! Bakit ang tahimik niyo!"

Natawa bigla si Fille, "Alam mo, ang laki ng pinag bago mo simula nung dinadate mo na yung bago mong si Ara! Ano bang pinakain sayo nun at biglang parang naging Gretch ka?"

Napangiti si Bang nung narinig niya yung pangalan ni Ara. Naging ganyan na siya kababaw. Dati ang mysterious ng dating niya ngayon bulgaran na siya. Masaya kung masaya, malungkot kung malungkot.

"Pero seryoso. Ano ba talaga yung nangyari kay Aly?"

"Ewan ko sayo!" tumayo si Fille tapos lumabas ng classroom.

"Sis?" Ibinaba ko na yung librong binabasa ko at napatingin kay Bang.

Nginitian niya ako, "Ano bang gusto mong malaman?"

"Kung bakit siya masungit! Ano ba! Hinde ka ba nakikinig kanina?"

"Hay nako! Hindi kaba babae?! Parang hindi mo alam yung nararanasan natin ilang araw every month ah!" tumayo ako sa ikinauupuan ko tapos lumabas ng classroom para mag banyo.

Kahapon sinabi sa akin ni Aly yung tungkol sa gamot niya na nawala nung isang buwan. Naalala niya daw kelan lang na dala dala niya raw yun nung bumaba kami para uminom pero nung pagkagising niya wala na raw sa bulsa niya yung pillbox. Ibig sabihin wala talagang kumuha nung gamot, pero kung naiwan talaga yun sa may rest house edi dapat may nakakuha nun? Wala naman sigurong mag kaka interest sa gamot, unless pareho sila ng karamdaman ni Aly.

Pero sabi nung doctor nung nakabalik kami mabuti daw at naagapan yung sakit niya. Mabuti rin daw na umuwi kami kaagad dahil daw baka kung ano pang seryosong mangyari kay Alyssa.

Madami na namang bawal sa kanya, lalo na ang mapagod ng sobra sobra. Kelangan daw everyday i-check yung temperature niya. Ako at si Fille na daw ang bahala pag nasa school si Aly dahil kami daw ang madalas na nakakasama niya.

Hinde na muna bumalik sa New York yung mom ni Aly para daw may mag babantay sa kanya.

Bumalik ako sa may classroom at nakita ko si Fille at Bang, magkatabing nag-uusap. Si Alyssa naman nakaupo na at mukhang may sinusulat sa papel.

Nilapitan ko siya para malaman kung ano yung sinusulat niya, "Ano yan?" tanong ko.

Ipinakita niya sa akin yung papel na may nakasulat na Alyssa's schedule.

Feb 9 - Grad pic
Feb 10 - Fille, New York
Feb 11 - Gown
Feb 12 - Fille's back
Feb 14 - VALENTINES DAY
Feb 18 - Gown, 2nd day
Feb 21 - Rex's b-day
Feb 24 - Prom day :)

"Inaayos ko na schedule ko eh. Hinde pa ako nag papagrad pic, wala pa akong susuotin para sa prom, tapos kanina may lumapit pa sa akin gusto akong ilabas sa valentines day!" bigla niyang nilapag yung ulo niya sa may desk niya, "Mababaliw na ata ako ngayong month eh!" Natawa ako sa sinabi niya. Akalain niyong ang babaw lang ng pinoproblema niya tapos sasabihin niyang mababaliw na siya! Pero busy nga siya ngayong month. "HEY! What's funny?" napatigil ako sa pag tawa tapos nagsmile ako sa kanya, "OMG I GOTTA PEE!"

Tumayo siya tapos nagmadaling pumunta sa cr. Bumalik na ako sa may upuan ko tapos dun ko na siya inintay. Nagdadatingan na rin yung ibang classmates namin since malapit ng magbell.

Maya maya dumating na rin si Aly. Nasa may pintuan lang siya ng classroom nakatayo. "Huy! Lumalabas yung lamig! Isara mo kaya yung pinto." sabi ko sa kanya. Sinara niya nga yung pintuan tapos nakatitig parin siya sa akin. Hinde ko mapinta kung galit ba siya o wala lang natutulala lang siya dahil yung itsura niya parang may laman. "Bakit ganyan ka makatingin? May nangyari ba?" again nagpakita na naman siya ng ibang facial expression. Inirapan niya ako tapos nag lakad pabalik sa upuan niya. Tumayo ako para lapitan siya. Hinde ko alam kung may masama akong nasabi o nagawa kani-kanina lang para mag bago siya ng ganito. "May ginawa o nasabi ba akong mali para magalit ka?" sinubukan ko siyang hawakan sa may balikat pero umiwas kaagad siya at nag lakad palayo sa akin, sinundan ko siya "Alyssa!"

Napatigil siya sa paglalakad. Nasa may gitna na kami ng classroom. Lumingon siya sa akin na mukhang galit, "I AM HOLDING ON FOR DEAR LIFE! But I need you to need me back.."

Napatingin yung mga taong nasa classroom sa amin. Pati ako nagulat sa sinabi niya. "Ha? Hinde ko gets.. Aly ano bang gusto mong mangyari?"

"I wanted you to fight for me!"

What? Napatingin ako sa paligid ko, nagsisimula na silang mag bulung-bulongan.

Nakita ko rin sila Gretch, Denden at Ella sa may pintuan. "Aly.. ano bang problema mo..?" hindi niya pinansin yung tanong ni Ella at nag patuloy pa rin sa pag titig niya sa akin.

"I want you to say that you love me and you can't live without me.." tinakpan ni Aly yung bibig niya tapos napayuko, "I want you.."

Lahat kami napatigil sa paghinga.. iniintay yung kasunod niyang sasabihin..

Inangat niya bigla yung ulo niya tapos ngumiti,"Adam.. OMG! Nakakakilig talaga yung line ni Kylie para kay Adam!"

Biglang nagtawanan yung buong klase kasama na rin si Aly tapos nag lakad siya pabalik sa seat niya.

Holy shit. Bumilis tibok ng puso ko dun ah! Na sobrahan na nga siya sa kakapanood ng drama!

"Oh tutal nag-aacting na rin si Aly dyan sa likod, siguro alam niyo na yung magiging exam natin sa english." sabi bigla ni Jessa. Umupo at biglang nag bulungan yung mga tao. "Totoo ngang play yung magiging exam natin. Kailangan daw forbidden love story at tragic yung ending."

"Omg gusto ko yan!" tuwang-tuwang sabi ni Fille

Nagdiscuss na sila ng tungkol sa magiging play hanggang sa dumating na yung teacher. Nagbalikan na sila sa kanya kanya nilang upuan. Nung lumabas yung teacher para bumalik sa faculty room nagsimula na naman silang mag usap para sa play.

"Kung forbidden love lang ang pinag uusapan.." napatigil sila sa pag sasalita at iniintay yung kasunod na sasabihin ni Angie, "Edi si Alyssa na yung isang gaganap. Forbidden love na rin naman yung situation niya ngayon eh.. saka nakita niyo naman siya umarte kanina diba? pang best actress eh! Tumigil mundo ng lahat!"

Nagpalakpakan yung mga kaklase namin. Napatingin ako sa likod para tingnan yung reaction ni Aly, nakanganga lang siya at hinde alam yung sasabihin niya.

"Teka! Ang daya! Kakatapos ko lang panoorin yung I want you kagabi kaya namemorize ko yung linya! Ano ba! Wag naman kayong ganyan!"

Tumayo si George,"Kylie Parker, sige na! Minsan lang naman to eh.. saka new student ka oh! Dapat pumayag ka! Saka yung pinaplot ni Ella na story bagay sayo eh."

Napangiti ako dahil si Ella pa yung gumagawa ng plot nung story. Si Alyssa naman hindi na makatanggi dahil kay Ella saka nagbotohan yung class na siya yung magiging isa dun sa bida.

Nung dumating na yung teacher tinanong niya na kami kung alam na namin yung tungkol sa play. Diniscuss niya ulit yung tungkol dun para daw mas maintindihan namin.

"So, since gagawa kayo ng play.. have you decided on your protagonists?"

"Yes." sabay sinabi nung iba naming classmates.

"Si Alyssa po yung isa ma'am!" sabi ni Yhen.

Napatingin yung teacher namin kay Aly,"Are you going to do it Ms.Valdez?"

"Yes.." sabi ni Aly habang nakasimangot.

"Good. Then sino ang katambal niya?" walang sumagot, "Anyone?"

Nagtinginan yung mga kaklase namin. Hindi pa kasi napag-uusapan kung sino yung magiging katambal ni Aly.

Bakit ba kasi nag mamadali si mam? Pati sino ba naman kasing may gustong magparticipate sa play? Tapos tragedy pa ang ending!

"We haven't decided Miss. We will just inform you if the casts are final by the end of this week." sabi ng president namin.

"But you should already have at least two characters." Napatingin yung teacher namin sakin, "Why don't you do it Ms.Reyes? Tutal forbidden love at tragic yung ending. Okay yun kung both girls ang bida."

"I was assigned to film the play, Miss. I can't do things at the same time."

Napatingin sa akin yung mga kaklase namin. Yung katabi ko binatukan pa ko. Holy shit. Hindi ako pwedeng maging katambal ni Aly!

Tumango si Mam tapos tumingin tingin na naman sa iba kong kaklase. Maya maya napatingin siya kay Denden na nakatingin sa may bintana. "Then I suppose Ms. Lazaro.."

Napatingin sa kanya si Denden, "Huh?" nagtatakang tanong niya.

"You wouldn't mind being Alyssa's partner, would you?"

-

A/N: Hi! Nagpalit ako ng username. From Janina_12 to SERIALBRUH. Hahahaha wala lang gusto ko lang, kshare. lol

Dedicated to ShyAspirine hi! thanks for reading! :)

Continue Reading

You'll Also Like

350K 6.8K 112
First 🤩😍 read na guys
122K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
8.9K 544 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...