I hate her because I love her...

By SerialBruh

324K 6.7K 794

What do you do when the one person you want comfort from the most is the one who caused your pain? How can I... More

I Hate Her Because I Love Her- PROLOGUE
Chapter 1: Who the hell is Dennise?!
Chapter 2: About Denden
Chapter 3: MEGAPHONE
Chapter 4 : She's Dating Denden Lazaro
Chapter 5 : GiRLFRiEND?!
Chapter 6: I CAN'T STAND HER!
Chapter 7: Jealous?
Chapter 8: FLATscreen
Chapter 9 : Date?
Chapter 10 : I'll help you..
Chapter 11 : Kiss
Chapter 12: Babyly & Babyden
Chapter 13: Maybe
Chapter 14: TSS
Chapter 15: Run away
Chapter 16: Placard
Chapter 17: Wanna Play?
Chapter 18: We Broke Up
Chapter 19: Necklace
Chapter 20: I like this girl
Chapter 21: I hate you
Chapter 22: Rain
Chapter 23: Liar
Chapter 24: First
Chapter 25: Changed
Chapter 26: With her
Chapter 27: Welcome home
Chapter 28: Happiness
Chapter 29: Jealous
Chapter 30: Something Wrong
Chapter 31: Slowly breaking
Chapter 32: Fragile
Chapter 33: Letting go
Chapter 34: Christmas fair
Chapter 35: Pain
Chapter 36: Still
Chapter 37: Too Painful
Chapter 39: Don't go
Chapter 40: What should I do?
Chapter 41: Confuse
Chapter 42: Friendzoned
Chapter 43: I need YOU
Chapter 44: Again..
Chapter 45: She's suffering
Chapter 46: Love is Sacrifice
Chapter 47: Truth
Chapter 48: She knows
Chapter 49: Birthday gift
Chapter 50: Please..
Last Chapter
AUTHOR'S UPDATE

Chapter 38: Connected

3.7K 100 45
By SerialBruh

Chapter 38: Connected

MIKA'S POV

Napatingin ako sa likod ko kasi napansin kong napatigil sa pag sasalita si Aly.

Nakita ko si Myco at Denden naglalakad papalapit sa amin. Pero malamang hinde pa nila kami nakikita dahil dirediretso lang sila sa pag lalakad.

"Ano na yung sinabi ni Denden?" mahina kong tinanong kay Aly

Habang nakatingin siya kila Denden ngumiti siya tapos umiling, "Wala. Pinipilit niya lang akong tulungan ko siya sa dapat niyang gawin dahil nga may sakit daw si Myco. Psh."

"Sa totoo lang Aly.." napatingin siya sa akin, "May stomach cancer si Myco.."

Nanlaki yung mata ni Aly, halatang hindi parin talaga siya makapaniwala, "Kelan pa..?"

"Nung mag thithird year niya sinabi sakin. Nung una hinde ako makapaniwala kasi ang sigla sigla niya eh. Tapos napaka biglaan nung pagkasabi niya. Walang signs na may sakit siya, ayaw niyang ipaalam sa iba yung sakit niya, lalong lalo na kay Denden."

Napatingin ulit siya kila Myco habang nakaupo, "Kaya ba sila nag break ni Denden..?"

Tumango ako, "Oo, gusto niyang magalit sa kanya si Denden kaya humingi siya ng favor sa akin. Gusto niyang maging boyfriend ko siya."

"So.. hinde mo talaga siya gusto?" tanong niya sa akin.

Umiling ako sa tanong niya, "Siguro nung umpisa kasi dahil sa awa kaya ko siya tinulungan. Kahit na masira yung friendship namin ni Denden ok lang kasi alam kong balang araw maaayos rin un, lalo na pag nalaman niya yung katotohanan. Pero nung tumagal tagal, minahal ko rin siya.." tumingin ako sa kanya, "Yun nga lang, hinde ata mutual."

"So all this time.. si Denden yung gusto niya?"

"Siguro. Kasi nung nalaman niyang ikaw yung girlfriend ni Denden pati nung sinabihan kitang maganda.. nagalit siya eh. Kahit hinde ka niya ganun kakilala galit siya sayo. Ayun nag break kami. Tapos ayun, naging sila ni Mae.. hinde ko nga alam kung pano sila nagkabalikan ni Denden eh. Ang alam ko ayaw na niyang makipagbalikan pa kasi nga dahil sa sakit niya."

"People do change.." sabi ni Aly, "Pero bakit nung time na nalaman niyang lumalabas tayo nagalit siya sa akin? Sinampal niya pa nga ako eh."

"Selfish kasi yun eh. Habang tumatagal, nagiging selfish siya dahil alam niyang may sakit siya kaya akala niya lahat mapapakanya. Akala niya lahat kanya. Tingnan mo si Mae, alam niyang girlfriend ni Ella yun pero sige parin siya." tumango na lang si Aly.

"May gusto ka pa bang malaman..?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya, "Masyado ng marami yung nalaman ko ngayong araw.. Talo na ako eh, tama na siguro yun."

"Wag mo na ngang isipin un. Ay! Mag seseven na! Tara punta tayo sa may park dun sa bayan!"

Hinila ko siya patayo tapos nagmadali kaming pumunta sa bayan. Pagkarating namin medyo madaming tao, hinde ko napansin na may perya at bazaar rin pala. Tiningnan ko si Aly tapos ang laki ng ngiti niya.

Hinila niya ako papunta sa may mama na nagbebenta ng cotton candy, "Gusto ko nito!" sabi niya sa akin.

"Oo na! Alam ko naman yung ibig mong sabihin eh! Girlscout ata to no!" nilabas ko yung wallet ko at ibinili ko siya ng cotton candy.

Nag ikot-ikot kami sa buong place. Nagpunta kami sa may bazaar na part tapos tumingin ng mga damit. Habang inaaliw namin yung sarili namin bigla na lang kaming napahinto sa nakita naming dalawa.

May isang babae at lalaki na nag tatalo. Siguro magkasing edad lang kami, o baka mas matanda sila sa akin ng konti. Pamilyar yung itsura nung lalaki sa akin. Parang nakita ko na siya.. Mukhang more than friends  sila dahil seryoso yung mga itsura nilang dalawa. Yung itsura nung babae halatang galit na galit samantalang yung lalaki naman mukhang guilt.

"Mika diba yung lalaki, yung nakita natin malapit sa may simbahan kanina? Iba kasama niyang babae eh.."

"Oo, siya nga yun. Sabi ko na nga ba namumukaan ko siya eh!" nagkatinginan kami ni Aly

"Tara na?"

"Hindi ba natin sila tutulungan? Mukhang wala namang ginawang masama yung guy eh. Kasi narinig ko yung sinabi niya dun sa kaninang babae."

Napatingin ulit kami sa kanilang dalawa. Psh. Narinig niya pa yung pinagusapan nung lalaki kanina! Ang narinig ko nga lang sa pag uusap nung dalawa, 'Mauna na ako.' jusko parang palagi ko naman naririnig yun eh.

Nagwalk out na yung babae tapos yung lalaki napailing na lang. hinde niya hinabol yung 'girlfriend' niya at nanatili na lang kung saan siya nakatayo.

"I'm gonna help them." tapos hinabol ni Aly yung girl.

Wala akong ibang magawa kung hinde ang lapitan na lang yung lalaki. Napatingin siya sa akin pagka tabi ko sa kanya. "Don't worry, kinakausap na nung kaibigan ko yung girlfriend mo."

"Huh? Bakit? Alam niyo ba nangyari?"

Umiling ako, "Hinde. Pero siya alam niya. Narinig niya yung pinag usapan niyo nung isang babae kanina dun sa may simbahan. I'm sure i-eexplain niya lahat ng narinig niya dun sa girlfriend mo."

"Hindi ko siya girlfriend.."

"Ano?! Eh bakit parang 'kayo' kung magaway kayo kanina?"

"Asawa ko siya, sa kontrata." Napahinto siya tapos umupo sa may mga bangko sa may court, "Wala pa kasing kasalan na nangyayari kaya eto, nagloloko ako. To make things worst, hinde ko siya talaga gusto, NOON."

Wow. Ume-english siya. Akala ko pa naman pag nasa probinsya ka bihira lang yung mga nag eenglish, pero eto maayos ung diction niya eh. maganda yung pagkasabi.

"Ako nga pala si Mika." Inabot ko yung kamay ko sa kanya para makipag shake hands.

Hinawakan niya ito, "Jeriel"

Umupo ako sa tabi niya tapos nagkwentuhan kaming dalawa habang hinihintay bumalik sila Aly.

**

Third Person's POV

"Gusto ko lang ilabas sayo ung tunay kong nararamdaman.. hindi kasi tayo mag kakilala.. ayoko kasing malaman pa to ng mga kaibigan ko eh.. baka malaman nila na mahina ako.."

"Sa totoo lang.. nahihirapan na ako eh.. hindi ko alam kung gusto niya talaga ako.. alam mo ba.. mahal ko siya, mahal na mahal. Halos kulang na lang mag suicide ako sa tapat niya para lang mapatunayan kong mahal na mahal ko siya.."

"Then tell him that you love him."

"Hindi ganun kadali yun eh.. kahit na mag asawa na kami.. unti unti niya pa rin akong sinasaktan.. sira pala talaga ako eh, legal lang kami, pero hindi mag asawa turingan namin.. sa tingin mo kung sasabihin kong mahal ko siya, magbabago ang lahat?"

"Mag asawa na kayo pero hindi mo pa nasasabing mahal mo siya?"

"Oo eh.. Buti sana kung ganun kadali eh pero hindi. Ang hirap nung lagi ka na lang aasa sa sarili mo na 'Oo meron pa kahit konting space para sayo sa puso niya' pero pag nagising ka na sa katotohanan ang sakit na nung balik.."

"I'm sure nothing happened sa kanilang dalawa.. you just have to trust him."

"Nakakapikon na kasi eh.."

"I know, it hurts. Naeexperience ko yan ngayon." *sigh* "Yung saya na nararamdaman ko tuwing kasama ko siya is unlike any happiness that I have ever experienced, and yung sadness naman whenever I see her with him.. is unlike any sadness that I've ever experienced, too.. it's kind of weird actually.. I can't decide which is more affecting.."

"Wait.. break na kayo? And.. girl siya?"

Ngumiti si Aly and nagnod, "I keep on asking myself, 'Can I live without the happiness? Can I live with that sadness?' the answer I came up? 'I don't know.. I don't know anything anymore.'" tumingin siya sa girl, "Trust me, nothing happened to them. Wait-- trust HIM. Look, he needs you more than anyone else now. He loves you, but he doesn't wanna let you know.. yet."

"Natatakot ako.."

"Na masaktan? You're hurting na diba? And part yun ng love. You don't wanna know what I am going through right now. And I know that you don't wanna lose him, that's why halika na. You guys should kiss and makeup. Tell each other those mushy things and get married tomorrow."

"Get married tomorrow?"

"I heard it. He said it proudly to the girl. He said, 'Tuloy yung plano ko bukas. Pakakasalan ko siya sa ayaw at sa gusto niya. Hinde ko siya kayang mawala pa sa akin. Kahit saang simbahan, kahit saang lugar pa.. basta siya yung makakatabi ko sa kung sino mang kaharap namin habang mageexchange kami ng I do's.' That's why--"

Girl runs back to the court side.

**

MIKA'S POV

"JERIEL!" Napalingon si Jeriel.

Tumayo siya tapos naglakad papunta sa babae. Nakita ko kasunod nung girl si Aly, naka smile.

Lumapit siya sa akin tapos ni-lean yung ulo niya sa may balikat ko. Nakatingin kami dun sa dalawa

"I'm sorry.." sabay nilang sinabi.

Lumuhod yung lalaki sa tapat nung girl, "MARRY ME TOMORROW, PLEASE!"

Nagulat ako sa ginawa ni Jeriel. Nilabas niya yung maliit na box tapos binuksan niya ito.

"Para tayong nanonood ng teleserye.." bulong ko kay Alyssa tapos siniko niya ako.

"Wag ka ngang lumuhod dyan! Alam ko na yung totoo.. sinabi na niya sa akin. Sorry.. hinde ako naniwala sayo.." tumayo na si Jeriel. "Nabigla lang ako kasi nakita ko kayo nung isang gabi sa may pool side.. tapos kaninang umaga sabi mo umuwi na siya tapos biglang makikita ko kayo ulit na mag kasa--"

"Promise hinde ko rin talaga alam!"

"HINDI PA KO TAPOS!" sigaw nung girl.

"Sorry." sabi naman ni Jeriel.

Natawa ako bigla. Natakot ata si Jeriel.

Bigla akong siniko ni Aly dahil sa pag tawa ko.

"Ah basta! YES! Pero wag naman sana bukas!" tapos niyakap niya si Jeriel.

Tumingin ako kay Aly tapos bumulong, "Ikakasal na sila?" nag nod is Aly tapos nag punas siya ng luha.

WHAT THE HELL! ANONG AKALA NIYA NANONOOD KAMI NG TV!?

"Huy Aly! Bakit ka umiiyak?"

Napatingin yung dalawa kay Aly, "Ok ka lang?"

Nag nod si Aly, "I love happy endings!"sabi niya habang naka smile.

Nagtawan kami sa sinabi ni Aly.

Maya maya biglang nag start na yung fireworks. Nanood kaming apat.

Nung natapos na ito nag isang round kami ng ikot tapos umuwi na. Inimbita nila kami ni Aly bukas sa pinagtutuluyan nilang resort. Hinde kami nagdalawang isip ni Aly at pumayag sa alok nila.

Pagbalik namin sa rest house nakita namin silang lahat sa labas nag iinuman. Papasok na sana kami sa loob pero nakita nila kami at tinawag. Bumalik muna kami sa kwarto para mag shower. Syempre para mapabilis dun na ako nag shower sa may banyo sa labas ng kwarto namin.

Pagbalik ko sa kwarto nakita ko si Aly parang may hinahanap sa bag niya pero hinde niya makita.

"Anong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya habang kinukuskos ng tuwalya yung buhok ko.

"My hoodie! I can't find it in my bag. Nilalamig ako eh." sagot niya habang patuloy na nag hahanap sa bag niya.

Pumunta ako sa may bag ko at kinuha yung isa kong sweater. Lumapit ako sa kanya at inabot ko ito, "Gamitin mo na lang muna to. Medyo malaki yan sayo pero mas ok na yun kesa naman lamigin ka sa labas."

Kinuha niya yung sweater na inabot ko tapos sinuot niya ito."Tara na. Baka nag iintay na sila sa labas."

Tumango ako tapos lumabas na kami ng kwarto. Paglabas namin napatingin silang lahat sa amin.

"Hey! What did you guys do?? There's only one bathroom in your room but how come you finished showering that fast?"

"Ang laki ng suot mo Aly ha.. teka, kay Mika ba yan?"

"Omg. Yun oh!" tapos nag tawanan sila Gretch, Fille, Ella at Bang.

"Lul. Manahimik nga kayo!"

Napatingin sila bigla kay Denden, "Sis nahawa na sayo si Aly oh! Lakas ng kamandag mo eh!"

Nag smile lang si Aly tapos tumabi kay Ella at Fille. Sa tabi naman ni Ella si Denden at Myco.

Awkward ~

**

Mga 3 am na at nag simula na silang mag pasukan sa loob. Si Denden at Myco nauna ng pumasok tapos sumunod si Ella at Fille.

Medyo nakainom si Aly kaya nung pagpasok nung dalawa hinde na naman niya mapigilan yung pag iyak niya.

Pinagitnaan siya nila Bang at Gretch, "Bakit ka umiiyak?" tanong ni Gretch sakanya

"Gretch.."

Hinawakan ni Gretch yung kanang kamay ni Aly, "Ano un?"

Nakatingin si Aly sa bote ng beer na ininuman niya, "Anong gagawin mo pag nalaman mong may sakit si Fille tapos.. walang gamot para sa sakit niya?" nabigla si Gretch sa tanong ni Aly. Napabitaw siya sa kamay ni Aly tapos napaisip. Tumingin si Aly kay Gretch, "Iiwanan mo ba siya?"

Napatingin si Gretch kay Aly tapos ngumiti, "Hindi. Aalagaan ko siya. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang gumaling at sumaya siya. Ibubuhos ko lahat lahat ng oras ko para sa kanya.." nagsmile si Aly tapos nilaro ulit yung bote sa harapan niya, "Bakit.. may sakit ba siya?"

"Ewan.. baka.." napatayo si Gretch sa sinabi ni Aly, "Hindi, joke lang." tapos natawa si Aly.

"Baliw ka. Wag ka namang ganun.."

"Haaaaaaaay.. ang sakit sakit na talaga. Ilang beses na to naririnig ni Mika eh. Pero pasakit ng pasakit talaga.."

"Tama na. Kung nasasaktan ka na talaga, kung hinde mo na kaya, itigil mo na lang.."

Napatingin kami ni Gretch kay Bang. Napasulyap ako kay Gretch, medyo nasa mukha niya na nagtataka siya sa sinabi ni Bang, hinde niya na-gets.

"Sis hindi ko gets.." See?

"I'm so exhausted.. Nahihirapan na ko.. hinde ko na ata kaya.." nagsimula na namang tumulo yung mga luha niya, "I love her too much.. it seems that my heart's going to explode because of too much love for her.." napanganga si Gretch at Bang tapos nagtinginan silang dalawa. "Ewan.. nakakaasar.. nakakapagod.." tumayo si Aly tapos pumasok sa loob ng bahay.

"Bang.. narinig mo ba yung sinabi ni Alyssa?"

Uminom si Bang ng beer, "Oo, grabe sis. English version ng sinabi ni Denden."

Napatingin ako kay Bang, "Anong english version?"

"Yung sinabi ni Aly kani-kanina, sinabi rin sa amin ni Denden noon. Tagalog version. Pero parehong pareho.. konektado talaga silang dalawa."

"Oo nga eh. Halata namang mahal nila isa't isa eh.. Pero wala, may pumapagitna.. Kaya ikaw Mika.. ingatan mo si Aly." biglang hirit ni Bang.

"Ha?"

"Sige mga sis. Pasok lang ako at pupuntahan ko si Fille. Kinabahan ako sa joke ni Aly eh." tumayo siya tapos pumasok na sa loob.

Hinde nila sinagot yung 'ha?' ko. Nagusap kami ni Bang tungkol sa past namin. Kinuwento niya yung story nung Mands tapos kinuwento ko naman si Myco.

Sinabi ko na rin sa kanya yung sakit ni Myco.. dahil pati siya nagtataka na rin sa mga nangyayari. Napansin niya rin yung pag dalas ng punta ni Myco sa banyo.

Nung nawalan na kami ng pag kukwentuhan natahimik kaming dalawa at umiinom lang. Nakatingin lang siya sa may beach at mukhang malalim yung iniisip.

Naubos na namin yung natirang mga beer tapos nag simula ng mag ligpit. Para konti na lang yung liligpitin ng katiwala.

"Mika matagal ko na tong gustong itanong pero hinde ako maka tyempo eh."

"Ano yun?" tanong ko naman sa kanya.

"Yung tungkol kay Aly.."

Tungkol kay Denden at Aly nanaman siguro yung itatanong niya sa akin. O kaya baka itatanong niya  sa akin yung feelings ko para kay Aly.. o baka..

"Alam ko ng may HCM siya.."

Nanlaki yung mata ko tapos napatigil sa ginagawa ko. "Pano mo.. nalaman? Sinabi niya ba sayo?"

Umiling siya, "Hindi.. narinig ko kayong nag uusap nun.. Mika, hinde niyo ba ipapaalam kay Denden at Gretch?" hinde ako sumagot. "Hindi niyo habang buhay matatago sa kanila yung tungkol sa sakit ni Aly. Habang maaga kelangan malaman na nila."

"Pero si Aly hinde alam kung pano to sasabihin.. Hinde pa siya handa.. ayoko rin naman na saakin manggaling yun.."

"Hinde niyo ba napapansin na parang nagiging selfish kayo? Hinde ba kaibigan yung turing niyo sa amin at ayaw niyong ipaalam yung kalagayan niya? Kung hinde niyo kaya, ako mag sasabi." nagkatinginan kaming dalawa. "Ako mag sasabi kay Gretch at Denden."

-


A/N: Yung sinasabi nilang Tagalog version ng sinabi ni Aly kanina nasa Chapter 29: Jealous po yun. Sinabi ni Denden yun, remember? :)


Dedicated to yabselleyhatz17 :) Hi! Thank you so much for reading! :)

Continue Reading

You'll Also Like

21.3K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
3.8K 193 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
7.7K 253 16
AshMatt fanfic
5.5K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...