My Guardian Devil

By iamsograce

11.4K 183 39

He is the man who has good looks, oozing with sex appeal, came from upper class... almost perfect, but with d... More

Prologue
Chapter 1 -- I See Fire
Chapter 2 -- Eye Of The Tiger
Chapter 3 -- A piece of cake
Chapter 4 -- Pretty Boy
Chapter 5 -- Punishment
Chapter 6 -- Saved By The Angel
Chapter 7 -- The Date Wrecker
Chapter 8 -- Fearless
Chapter 9 -- The Devil's Hug
Chapter 10 -- Sleeping On A Lion's Den
Chapter 11 -- The Devil And The Angel
Chapter 12 -- Runaway
Chapter 13 -- Brannigan
Chapter 14 -- Truculent attitude
Chapter 15 -- The Menace
Chapter 16 -- A Song For The Brokenhearted
Chapter 17 -- The Call
Chapter 18 -- The Preparation
Chapter 19 -- A Dark Masquerade Ball Part I
Chapter 20 -- A Dark Masquerade Ball Part II
Chapter 21 - Enticement
Chapter 22 - The Game Between Love And Death
Chapter 23 -- Music Box
Chapter 24 -- Start Of Something New
Chapter 25 -- Status: Its Complicated
Chapter 26 -- Confessions Of A Broken Heart
Chapter 27 -- The Cry Of A Pleading Heart
Chapter 28 -- Stealing Kisses
Chapter 29 -- Reality Is Better Than Dream
Chapter 30 -- Green-Eyed Monster
Chapter 32 -- When Fire Meet Gasoline
Chapter 33 -- Everyone's Anguish
Chapter 34 -- Whisphering Stained Heart
Chapter 35 -- Harmonizing Relationships
Chapter 36 -- Let The Flames Begin
Chapter 37 -- The Dagger In You
Chapter 38 -- An Acrimonious Tiff
Chapter 39 -- Breaking Fences
Chapter 40 -- Burning Lights
Chapter 41 -- Days Of Melancholy
Chapter 42 -- New Horizon
Chapter 43 -- Moments Between Intensities
Chapter 44 -- Still Into You
Chapter 45 - The Intoxicated Truth
Chapter 46 -- Cold Blood, Warm Heart
Chapter 47 -- A Mealymouthed Felicity

Chapter 31 -- Love And Hate

179 3 1
By iamsograce



Chapter 31 -- Love And Hate


Bryant's POV

What hurts you the most? Seeing the one you love, loving someone else. And the most annoying and sad part is that, she chose to love your own brother than you. A part of me wants to be happy for them, but the biggest part of me is dying.


Its like, history repeats itself. Why do we have to love the same woman, again? First, its Venice and now its Helaena. Its like a curse or spell that keeps on hunting us. All I wanna do is to break that spell, so we can love different woman and just be happy for each other. But I guess, this is meant to happen. God is challenging us, God is challenging me. I have to weigh between my love for Helaena and love for my brother. I want to protect Helaena as much as I want to protect Brylle. He's my only brother and all I want for us is to end our feud. Though I don't see him as my enemy.


Hindi ko alam kung bakit pilit na hinahanap ng aking mga mata si Helaena sa buong School, kahit na alam kong kapag nakita kami ni Brylle na magka usap ay magagalit ito.


Nang sa wakas ay nakita ko siya sa may cafeteria na mag-isa at kumakain ng cupcake. Lalapitan ko na sana siya nang bigla siyang nilapitan ng ilang estudyante at nag pa picture ang mga ito sa kanya. Malamang fans club sila ni Brylle, kung hindi man, ay fans club ng relasyon nilang dalawa.


Hinintay ko munang umalis ang ilang mga estudyante bago ko nilapitan si Helaena. Pero hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan ay bigla na lang siyang umalis habang may kausap sa cellphone. Hindi ko alam kung talagang sinasadya ito ng kapalaran, na ayaw talaga akong palapitin sa kanya.


"Hey, Bryant." Biglang tawag sa'kin ni Cahli.


"Hi, Cahli."



"O, nasa'n si Helaena? Iniwan ko lang siya kanina diyan ah."


Nag kibit balikat lang ako sa tanong niyang 'yon. Maski ako hindi ko alam kung saan nag tungo si Helaena.


"O teka, bakit niya iniwan ang mga 'to." Sabay dampot sa pink box na nasa table. "Meron pang laman ah. Ang babaeng talagang 'yon o."


"Ano ba ang mga 'yan?" Tanong ko.


"Mga cupcakes. Bryant, favor naman o." Bago pa'ko makasagot ay mabilis na niyang tinuloy ang kanyang sinasabi. "Paki bigay na lang 'to kay Helaena. Importante sa kanya yan. Nag mamadali kasi ako. Kanina pa'ko hinihintay ng Pamilya ko sa restaurant."


Hindi pa man ako nakakasagot ay iniabot na niya sa kamay ko yung box ng cupcakes.


"Thanks, Bryant. See you around. Bye." Tsaka na siya mabilis na umalis.


Ganito ba talaga ka importante kay Helaena ang isang box ng cupcake na'to? Oh well, ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi hanapin ulit si Helaena at ibigay ang mga 'to sa kanya.


Nang makita ko ang mga classmates niya sa may corridor kaya linapitan ko sila.


"Hi." Bati ko.


"Oh my God! Si Bryant." Sabi nung isang babae at napangiti siya, gano'n din ang tatlo pa niyang mga kasama.


"Hi, Bryant." Bati naman ng isang babae at abot hanggang tainga ang ngiti niya.


"May--- maitutulong ba kami sa'yo, Bryant?"


"Kahit ano pa yan, tutulungan ka namin. Magsabi ka lang."


Napakamot tuloy ako sa aking batok. "Salamat kung gano'n."


"Teka Bryant, pwede bang magpa picture muna kami sa'yo?" Tsaka niya kinuha ang kanyang cellphone.


"Sure. No problem." I smiled at them.


Tsaka na sila isa-isang nag pa picture sa'kin.


"Oh my! Ang gwapo talaga ni Bryant."


"Sana makapag pa picture din tayo kay Brylle."


"Uhm.. Itatanong ko lang sana kung nakita niyo ba si Helaena?"


"Ay! Si Helaena na naman ang hinahanap." Narinig kong sabi nung isa sabay simangot.


"Hindi namin siya nakita." Nakasimangot din na sabi nung isang babae.


"Ah gano'n ba? Sige salamat na lang." Tsaka na'ko umalis.


"Saan naman kaya pumunta si Helaena?" Tanong ko sa'king sarili tsaka ko tinignan ang hawak kong pink box, walang pangalan na bake shop kung saan niya man nabili ang mga 'to. "Baka favorite niya ang mga cupcakes na'to."


Hahakbang na sana ulit ako nang nakita si Brylle sa'king harapan. As usual, he's giving me his deadly glare. Ganito naman siya palagi, kahit na wala akong ginagawang masama sa kanya. Nang nakita kong binaba niya ang kanyang tingin sa hawak kong box ng mga cupcakes.


"Brylle." Tawag ko sa kanya.


"Pano napunta sa'yo yan?" Galit na tanong niya sa'kin. Ah malamang ang box ng mga cupcakes ang tinutukoy niya dahil wala naman akong ibang dala maliban do'n.


"Si Helaena?"



Tinignan na naman niya'ko ng masama sa tanong kong 'yon.


"Ang tanong ko ang sagutin mo. Bakit na sa'yo 'yan?"


Napa tingin ulit ako sa box ng cupcakes tsaka ko lang naisip na baka siya ang nagbigay nito kay Helaena. "Ikaw ba ang nag bigay nito sa kanya?"


Muli ay tinignan niya'ko ng masama sabay lapit sa'kin. Ang akala ko ay susuntukin niya'ko nang ilang sandali pa ay nag tungo siya sa ibang direksyon at sinundan ng aking mga mata kung sa'n siya pumunta, saka ko nakita si Helaena sa di kalayuan na siya palang linapitan nito.



Nakita kong agad na hinawakan ni Brylle ang braso ni Helaena.


"Sa'n ka galing?" Dinig kong inis na tanong ni Brylle.


"Sa--sa cafeteria." Sagot naman nitong si Helaena at may hawak pa siyang frappe sa isa niyang kamay. "May problema ba?"


"Nasa'n yung binigay kong mga cupcakes sa'yo?"


"Nasa--" At biglang napa tigil si Helaena sa pagsasalita. Batid kong hindi niya maalala kung sa'n niya naiwan ang mga cupcakes na tinutukoy ni Brylle.


"Baka--baka naiwan ko sa cafeteria."


"Sinungaling!" Galit na sabi ni Brylle na ikinabigla ni Helaena.


"A--ano'ng sabi mo?"


"Sinungaling ka."


Pilit na binawi ni Helaena ang kanyang braso kay Brylle na hawak pa rin nito.


"Teka nga muna, Brylle. Ano bang problema mo?"


"Ikaw. Ikaw ang problema ko. Sinungaling ka! Yung pinag hirapan ko, pinamigay mo lang sa iba. Binigay mo lang kay Bryant. Ginawa mo'kong walang kwenta."


"Hindi kita maintindihan. Hindi ko alam ang sinasabi mo."


Sa tingin ko kailangan ko ng mamagitan sa kanilang dalawa at baka lalong lumala pa ang kanilang away. Mag papaliwanag na rin ako kay Brylle sa maling akala niya.


Hindi pa man ako tuluyang nakaka lapit nang magsimulang mag salita ulit si Brylle.


"Siguro hanggang ngayon, may gusto ka pa rin kay Bryant."


Pagka bitaw ni Brylle sa mga salitang 'yon, tsaka napatingin sa'kin si Helaena, gayon din si Brylle.


"Bryant?" Ani Helaena. Dumako ang tingin niya sa box na dala ko. At pansin ko sa kanyang mga mata ang katanungan kung bakit napunta sa'kin ang mga cupcakes niya.


"Brylle, gusto ko lang sabihin na--" Hindi pa man ako tapos sa sasabihin ko nang muling nagsalita si Brylle.


"Mag sama kayong dalawa!" Galit na litanya niya sa'min ni Helaena.


"Brylle, sandali." Habol ni Helaena dito. Nang lingunin siya muli ni Brylle ay bigla na lang nitong tinapos ang kamay niya na may hawak sa frappe, dahilan ng pagla hulog nito sa sahig na ikinabigla ni Helaena. Nabigla rin sa mga pangyayari ang mga estudyanteng nandoon.


Pagka alis ni Brylle saka ko nilapitan si Helaena, at bakas parin sa mukha nito ang pagka bigla at alam kong nasaktan siya sa mga pangyayari


"I'm not gonna ask if you're okay, because obviously you're not."


Ilang sandali pa at sinamahan ko si Helaena sa may football field, kung saan walang masayadong mga estudyante. Naka upo lang kami sa damuhan habang siya ay inuubos ang mga cupcakes na binigay sa kanya ni Brylle at naglalabas ng sama ng loob at ako naman ay nakatitig lang sa kanya.



"He is nothing, but a hell of a monster! Ang kitid talaga ng utak ng kapatid mong 'yon. 'Ni hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataong mag paliwanag." May pagka inis at lungkot na sabi ni Helaena. "Kung sa bagay, kahit na magpaliwanag pa'ko, sarili lang niya ang pakikinggan at paniniwalaan niya."


"Dahan-dahan, baka mabulunan ka." May pag alalang sabi ko. Napansin ko kasing habang nagsasalita siya ay sabay kagat sa mga cupcakes na parang hindi na siya ngumunguya pa.


"Hayaan mo. Para kapag nangyari 'yon, ma konsyensya sa ginawa niya sa'kin."


Napatawa tuloy ako sa sinabi niya.


"Bakit kaba tumatawa diyan? Masama na nga ang loob ko, tinatawanan mo pa'ko. Nakaka inis ka.".


"Ano bang lasa niyang mga cupcakes na 'yan?" Akma kong kukunin ang isang cupcake nang nilayo niya ang mga 'to sa'kin.


"Huwag. Kapag binigyan kita para na ring pinatotohanan ko na yung bintang niya sa'kin kanina." Bigla tuloy akong nasaktan sa sinabi niya. "Sorry ha?"


Tumingin ako sa malayo, para hindi niya mapansin ang lungkot sa'king mga mata. "San' ba nabili 'yan ni Brylle? Para makabili ako at nang matikman ko kung masarap nga."



"Siya ang nag bake nito."


"And now its clear to me. He made an effort just to bake those cupcakes for you. Kaya pala gano'n na lang kung ma galit si Brylle."


"Masyado lang makitid ang utak ng mokong na 'yon, akala niya binalewala ko ang pinag hirapan niya."


"Kakausapin ko na lang siya at magpapaliwanag sa tunay na nangyari. Na nakalimutan mo ang mga 'yan sa cafeteria."


"Huwag na. Kung talagang mahal niya'ko, dapat may tiwala siya sa'kin."


"May tiwala siya sa'yo, sa'kin wala. At 'yon ang pinag aalala niya."


Napatingin siya sa malayo. Batid kong hindi niya alam ang isasagot sa huling katagang binitawan ko. Alam kong pinag iisipan ako ng masama ni Brylle sa tuwing lumalapit ako kay Helaena, dahil alam niyang may pagtingin din ako dito at natatakot siyang baka gumawa ako ng paraan para maagaw ito sa kanya.


"Ang swerte naman ni Brylle sa'yo. Pano kaya kung ako ang naging boyfriend mo? Magiging ganyan ka din kaya sa'kin?" Tinitigan ko siya ng mabuti at bigla siyang nag iwas ng tingin sa'kin.


"B-Bryant." Tangi niyang sambit at muli siyang tumingin sa malayo.


"Elle--"


"Si--si Venice, bakit hindi mo siya ligawan?" Bigla niyang putol sa sasabihin ko at iniba niya ang pinag uusapan namin.


"Madami ng nagbago, Elle."



"Pero, minahal mo ba siya?"


I look straight to her eyes and nod my head. "I loved her. And to your question in advance, why I didn't court her? Simply because of--"



"Brylle." Mabilis na sabi niya, bago pa'ko matapos sa sasabihin ko. "Ayaw mong masaktan si Brylle noon kaya hindi mo niligawan si Venice. Because you love your brother more than anything, that you can sacrifice your own happiness, so he won't get hurt."



And again, I nod my head.


"How I wish, nandito ngayon si Brylle, at narinig niya lahat. Para malaman niyang, hindi ikaw ang ka away, na lagi mo siyang po-protektahan kahit ano man ang mangyari."



"But everything changed, when I met you." At last, my eyes locked into her eyes. "I wanted to protect you from the start, kasi alam ko paglalaruan ka lang niya. I know my brother so well. But he's protecting you now from me. He's being territorial, I know. Ayaw niyang ma agaw ang pag mamay-ari niya. At alam kong kaya niyang gawin ang lahat huwag ka lang mawala sa kanya. Elle." Unti unti kong hinawakan ang kamay niya.



"Bryant." Binabawi niya ang kanyang kamay pero lalo ko lang hinigpitan ang pagkaka hawak ko sa kanya.



"Elle, mahal kita."



"Hindi." Mabilis na sabi niya.



"I love you. I know it sounds crazy. Dahil heto na naman kami ni Brylle, parehong babae na naman ang minahal namin. But I can't control what I feel."



"Pero, Bryant."



"Alam ko naman na si Brylle ang mahal mo. Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo rin ako katulad ni Brylle. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko. At nandito lang ako kapag-- kapag iniwan ka niya."


"Hindi. Hindi mangyayari 'yon kahit kailan." Tsaka niya pinilit na binawi ang kanyang kamay sa pagkaka hawak ko and so she did. "I'm sorry, pero kailangan ko ng umalis. Baka kung ano pang isipin ni Brylle kapag nakita niya tayo." Inayos niya ang kanyang mga gamit at tumayo kaya tumayo na din ako.



"Elle."


"Goodbye, Bryant." And she walk away from me.


What hurts you the most? Seeing the one you love slowly drifting away from you. And yes, she even said good bye.


Good bye would probably be the most hurtful thing you can hear from the one that you love. Can I just convert good bye to I love you? How I wish.

END OF BRYANT'S POV



Malungkot na naglalakad palabas ng University si Helaena, kasama ang kaibigang si Cahli.


"Naiinis talaga ako sa lalakeng 'yon. Ang babaw niya. Nang dahil lang sa mga cupcakes, inaway niya'ko."

"Hindi lang 'yon dahil sa mga cupcakes, dahil 'yon kay Pretty Boy Bryant."


Nang maalala muli ni Helaena ang naging pag uusap nila kanina ni Bryant.



"Hanggang ngayon nagseselos pa rin si Brylle kay Bryant. Dahil ang alam niya, may gusto ka noon sa kapatid niya.".



"I never said that I like Bryant."



"You never said it nor denied it."


Napatingin sa malayo si Helaena at napa isip.


"And the way you act towards Bryant, it really meant something. And it was so obvious that you liked him. Actions speaks louder than words. Kaya hindi mo masisisi si Brylle kung praning siya pagdating kay Bryant. Remember, pareho din silang nagka gusto noon kay Venice. Kaya sa tingin ko, ayaw na ni Brylle na maagawan pa siyang muli ng kanyang kapatid kaya ka niya pino-protektahan, kaya ganon na lang siya ka O.A kapag nakkikita niya kayong magkasama ni Bryant."


"Tss! Wala ba siyang tiwala sa'kin?"


"Sa'yo meron, kay Bryant wala."


Tumahimik na lang si Helaena at hindi na nagsalita pa. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad na para bang wala siyang kasama. Iniisip pa rin niya ang mga nangyari sa kanya ngayong araw.



"Nasa'n naba ang magaling niyong kaibigan? At ako na lang ang mag papaliwanag sa kanya sa tunay na nangyari." Litanya ni Cahli kina Thunder at Beebop habang nasa may bench sila ng University. "Ilang araw na kaya niyang hindi pinapansin si Helaena."


"That's why I don't like commitments. Puro problema lang ang dala." Sabi naman ni Thunder. "Yan ang napapala ng mga sumerseryoso sa pagibig. In life, you need to chill and to relax, huwag masyadong seryoso sa buhay lalo na sa mga babae."


"Don't you dare to compare us to you, you're an anti-romantic relationship slash bitch whore hunter." Pang aasar ni Beebop sa kaibigan. "No wonder if you're gonna end up alone."


"I don't need your opinion." Ani Thunder at natuon ang atensyon niya kay Cahli at tinitigan niya ito. "What if, mag date kaya tayo, Cahli?"



Napatingin si Cahli kay Thunder ganon din si Beebop na para bang may alala sa ekspresyon ng mukha niya nang marinig ang sinabi ng kaibigan.



"No." Sabay pa na sabi nina Cahli at Beebop.



"Why not?"


"Uhm.. Ah.." Beebop stuttered. "She's not one of your bitches. Stay away from her."


"Hindi kaya, ikaw lang ang nay gustong maka date si Cahli?"


Napatingin si Cahli kay Beebop at tila hinihintay ang sagot nito. Hindi naman alam ni Beebop ang isasagot.


"Uhm... ah... Teka nga, hindi naman ako ang isyu dito. Tsaka ang pinag uusapan natin ay sina Brylle at Helaena at hindi ako." Sabat ni Cahli sa dalawa para matigil na ang usapang date na pinasimulan ni Thunder.


"Don't worry, Cahli. I'm just screwing up with you. I didn't mean what I said. You're beautiful, but you're not my type." Prangkang sabi ni Thunder.



"Wow! Thank you." Cahli said in a sarcastic tone. "Hindi ko alam kung maiinis ba'ko o matutuwa sa sinabi mo. But don't worry, you're not my type, too. Not even an inch. Womanizer!"


"Now, thank you for the insult." Balik na sabi ni Thunder.


"Whatever!" Tsaka na lang kinuha ni Cahli ang phone niya at nagtungo sa favorite social network niya, ang instagram. "Beebop, thank you for the heart."


"Ha? Anong heart?" Takang tanong ni Beebop..


"Sa instagram." Sagot naman ni Cahli.


"I randomly clicked heart on ig."


Sa kaka scroll ni Cahli sa instagram ay nabigla siya sa nakitang instagram post ni Venice."Is this for real?"


"What?" Sabay na tanong nina Thunder at Beebop.


"I can't believe n magkasama sila. Ano na naman kaya ang pang aakit ang ginawa ng bruhang 'to?"


"Patingin nga." Ani Beebop at kinuha niya yung phone ni Cahli at tinignan yung instagram picture na tinitignan ni Cahli.


"Thanks for saving me, my knight in shining armor." Basa ni Thunder sa caption.


"Magkasama sina Venice at Brylle? Sa St. Therese Hospital?" Ani Beebop. "At may nakalagay pang at the moment."


"Hi, guys." Biglang sulpot na bati ni Helaena sa tatlo.


"H-Helaena?" Pabiglang sabi ni Beebop at muntik pa niyang malaglag ang phone ni Cahli.


"Beebop, may problema ba?"


"Ha? Ah.. Uhm.. Wa-wala naman." And he grinned. Nagtinginan pa sila nina Thunder at Cahli.


"Sigurado ka? Bakit parang may na se-sense akong iba? Thunder?" Tinignan niya si Thunder. "Cahli?" Sabay tingin din kay Cahli.


"Wala. Wala talaga. Promise." Sabi pa ni Cahli. Pilit niyang kinukuha ang kanyang phone kay Beebop nang malaglag ito. "Ayan tuloy. Beebop kasi." May pagka inis na sabi ni Cahli.


"Ooppss! Sorry." Paghingi ng tawad ni Beebop.


Akmang dadamputin ni Helaena ang cellphone.



"Helaena, ako na." Sabay na sabi nina Beebop at Cahli pero nadampot na ni Helaena ang cellphone.


Nangyari nga ang inaasahan, napatingin si Helaena sa screen ng phone at nakita niya ang picture nina Brylle at Venice na magkasama sa hospital.


Naramdaman na lang niya na biglang umakyat ng mabilis ang dugo sa kanyang ulo at bumilis ang tibok ng kanyang puso.


"Alam niyo ba 'to?" Tanong ni Helaena na ang pinapa tungkulan ay ang picture.


"Syempre hindi." Depensa ni Cahli. "Ngayon lang namin nakita 'yan."


"Okay ka lang, Helaena?" Tanong ni Thunder.


"Do I look like I'm okay?" Sarkastikong sabi ni Helaena. "Saan na nga ulit ang Hospital na 'yan? St. Therese?" Nanggigigil na tanong pa nito.


"Anong binabalak mo?" Tanong ni Cahli.



"I won't just shut up here and do nothing. I have to defend my territory." Then she look away. "Cheer Captain Slut, wait for me." Na ang pinapatungkulan niya ay si Venice. Atsaka na siya mabilis na umalis.


"Uh oh! Another catfight." Ani Thunder.



"Hell yeah! Crouching Tigress is back." Dagdag pa ni Beebop.


Isa-isang hinawi ni Helaena ang mga kurtina na nagpapa hiwalay sa mga kama sa Emergency Room ng Hospital. Nabibigla na lang ang mga pasyente kapag hinahawi ito ni Helaena. Halata pa sa mukha nito ang galit. Nang ang huling kama na lang na nandoon ang hindi pa niya nahahawi.


"Gandahan mo ang eksplanasyon mo sa'kin, Samaniego. Kung hindi, you're so dead." Sabi ni Helaena sa sarili bago hawiin ang huling kurtina. At nakita niya nga doon ang dalawa. Nakahiga sa kama si Venice habang nakaupo sa tabi niya si Brylle. "There you are, you cheer little slut." Inis na sabi niya kay Venice.


Waring hindi man nagulat si Venice sa pag dating ni Helaena. Si Brylle lang ang tila nagulat.


"Anong-- ginagawa mo dito?" Tanong ni Brylle.



"Ikaw? Anong ginagawa mo dito kasama siya?" Sabay duro kay Venice.


"Don't you dare to point your finger on me, possessive inamorata." Inis na sabi ni Venice at umupo siya mula sa pagkaka higa.



"I just did. And I won't be sorry for that." Matapang na sagot ni Helaena. "What is this another game you're playing again? And you really have the guts to post a picture with MY BOYFRIEND." Pinag diinan niya pa talaga ang salitang my boyfriend.



"Oh! No wonder you're one of my thousands of followers on social media." She smirk. "I knew it."



Tumayo na si Brylle at linapitan si Helaena. "Stop! This isn't the right place for your catfight."



"Oh! Well then. Let's go outside, you cheer little whore."



"Helaena ano ba? Its my fault that's why she's here now. Muntik na siyang mabangga kanina ng driver ko. Its my responsibility to take her at the Hospital." Paliwanag ni Brylle.


Pinagmasdang mabuti ni Helaena si Venice. Wari'y sinusuri kung malala ba ang mga sugat na natamo niya. Maliban sa nakabendang paa niya at gasgas sa tuhod, wala ng ibang nakikita pang sugat itong si Helaena.


"Okay ka naman diba? As I can see you're not bleeding or vomiting blood. So, ano pang hinihintay mo? Umalis kana at umuwi kana sa inyo at do'n ka magpahinga sa kwarto mo kasama ang Pamilya mo. Huwag kang magpaka OA diyan na akala mo nabangga ka talaga." Mataray na sabi ni Helaena.



"Manners, Helaena. That 7 letters are so important. Manners." Ulit pa ni Venice.


Napatawa si Helaena sa sinabi sa kanya ni Venice. "Bakit kaya hindi mo sabihin sa sarili mo 'yan? Manners, Respect, Decency, lahat ng 'yon wala na sa'yo when you chose to compete with me. And the funny thing is, I'm not even competing with you. Its just in your own insecure mind."



Makikita sa mukha ni Venice na nang gigigil na siya sa mga sinasabi sa kanya ni Helaena. Pero ayaw niya pa ring magpa talo.


"You're not competing with me? Are you sure? Is that why you're here?"


"No. I'm here to defend my territory." Sabay tingin kay Brylle. "So, you better get your ass out of the bed if you don't want me to drag you down."


Nag hintay ng ilang sandali si Helaena nang hindi pa rin umaalis sa kama niya si Venice, linapitan na niya ito at pilit na pinapalikas sa kama. "Matuto kang lumugar."


"Ouch! You're hurting me."


"Helaena, you're over reacting. Stop that." Ani Brylle na may pagka galit sa tono ng pananalita niya. "I'm just waiting for the bill to be settled then we will take Venice home and you also."


Napa smirk si Venice sa mga sinabi ni Brylle tsaka niya tinignan si Helaena na para bang nang iinis talaga. Sa tono ng pananalita ni Brylle ay halatang naiinis na rin siya sa away ng dalawa.


Kapwa tahimik lang ang tatlo habang nasa loob sila ng sasakyan at tinatahak ang daan pauwi sa bahay nina Venice. Naka tingin lang sa bintana si Helaena at ni hindi tinitignan itong si Brylle.


Nang sa wakas ay narating na nila ang bahay nina Venice na kasing laki halos ng mansion nina Brylle. Lumabas na ng sasakyan si Venice.


"Don't you wanna go inside first and say hi to Mom and Dad?" Tanong ni Venice kay Brylle. "I'm sure they want to see you." Pag lalambing pa na dagdag nito.


Tinignan muna ni Brylle si Helaena bago sinagot ang tanong ni Venice. "Maybe next time."


"I see. Next time will do, when you're alone and no one is beside you anymore." Pagpaparinig niya kay Helaena. "So, thank you for---"


Hindi pa man tapos si Venice sa sasabihin ay sinara na ni Helaena ang pintuan ng sasakyan. Kumakatok pa si Venice pero hindi 'yon pinansin ni Helaena. "Kuya Will, tara na." Utos ni Helaena sa driver ni Brylle at umandar na nga ang sasakyan.


"O, bakit ang tahimik mo ngayon? Kaninang nasa Hospital ka ang dami mong sinasabi." Puna ni Brylle sa girlfriend.


Tinignan lang ng masama ni Helaena si Brylle pero hindi niya ito sinagot at muli siyang tumingin sa bintana ng sasakyan.


"Hanggang mamaya ganyan ka? Hindi ka mag sasalita? Sa tingin mo ba mahuhulaan ko kung ano ang nasa isip mo?"


"Hindi. Pero alam mo kung ano ang nararamdaman ko."


"Oo. Kasi ganyan din ang nararamdaman ko hanggang ngayon."


"Heto na naman ba tayo? Gumaganti kana naman ba? Ang hirap kasi sa'yo, Brylle, wala kang tiwala sa'kin."

"Sa'yo meron, pero kay Bryant wala. Sabihin mo nga sa'kin, hanggang ngayon ba may gusto kapa rin kay Bryant?"


"Ano bang klaseng tanong 'yan?"


"Sagutin mo ang tanong ko. May gusto ka pa ba sa kanya? Oo o hindi?" Seryosong tanong ni Brylle tsaka niya tinitigan ng mabuti si Helaena.


"Ang dami na nating pinag daanan. Muntik na tayo mamatay pareho tapos ganyan kapa rin mag isip tungkol sa'kin?"


"Oo at hindi lang ang isasagot mo. May gusto ka pa ba kay Bryant?" Galit na tanong ulit nito.


Kapwa sila nag tinginang mabuti. Nang akmang sasagot na sana si Helaena ay biglang nag ring ang kanyang cellphone. Wala sana siyang balak na sagutin ito pero ring lang ito ng ring na animoy isang importanteng tawag. Kaya kinuha na niya ang kanyang phone. Agad niyang tinignan si Brylle nang makita kung sino itong tumatawag sa kanya. Agad din namang nalaman ni Brylle kung sino ang pilit na tumatawag kay Helaena. Dahil naka display ang picture nito sa screen habang tumatawag.


"Sagutin mo na ang tawag ni Bryant." Utos ni Brylle.


"Hindi na. Hindi naman 'to importante."


"Sagutin mo na." Inis na sabi nito. "Nang malaman natin kung ano'ng kailangan niya sa'yo."


"Brylle?" Nagtataka siya kung bakit pinapa sagot niya ang tawag ni Bryant. Dati rati ayaw na ayaw niya kapag tumatawag ito sa kanya lalo na kapag magakasama sila.

"Sasagutin mo ba o ako ang sasagot?" He left her with no choice, but to answer the call.


Unti-unti nga niyang sinagot ang tawag ni Bryant.


"Thank God, you answered my call. Akala ko kasi galit ka sa'kin since the last time that we spoke." Bungad agad ni Bryant pagka sagot ni Helaena sa phone.


"What is it this time, Bryant?" Walang emosyong tanong ni Helaena.


"Tanungin mo kung nasaan siya." Muling utos ni Brylle at mababakas sa muka ni Helaena ang pagtataka.


"I just-- I just want to hear your voice." Malambing naman na sagot ni Bryant sa tanong ni Helaena. "Are you with my brother?" Tanong ni Bryant nang mapansin na matagal bago sumagot ang kausap.


Brylle gave his deadly glare to Helana.


"N-nasaan kaba?" Ani Helaena.


"I'm here at the Music Cafe. Would you come over?"


"Music Cafe?"

Nang malaman kung nasaan si Bryant ay biglang inagaw ni Brylle ang cellphone mula kay Helaena at tinapos ang tawag ni Bryant. "Will, sa Music Cafe tayo. Dalian mo." Utos nito sa driver.


"Brylle, ano bang binabalak mo?" Alalang tanong ni Helaena. Pero hindi siya sinagot ni Brylle at isang matalim na tingin ang binato nito habang tinatahak nila ang daan patungo kung nasaan si Bryant.


Hanggang sa makarating sila sa Music Cafe ay pinipigilan ni Helaena si Brylle sa kung ano man ang binabalak nitong gawin. But knowing Brylle, hindi siya magpapa pigil. Kahit na si Helaena pa ang pumigil sa kanya.


"Brylle, let's just go home. Please." Pagmamakaawa nitong si Helaena.


"If you want to go home, just leave." Inis na sabi ni Brylle at nag patuloy siya sa pagpasok sa loob ng Music Cafe.


Pagkakita ni Brylle kung nasaang table si Bryant ay kulang na lang lumipad siya sa sobrang bilis ng paglakad niya patungo dito. Habang si Helaena ay nag aalala sa maaaring mangyari.


"Brylle, please, don't do this." Muling pagsusumamo nitong si Helaena. Pero tila walang naririnig si Brylle.


"And you're really expecting a date with my girlfriend, huh?"Pagalit na bungad agad ni Brylle sa kapatid nang makarating sila kung nasaang table si Bryant.


Napatayo si Bryant nang marinig at makita si Brylle kasama si Helaena.


"Its not what you think it is." Depensa ni Bryant sa sarili.

"Then what?"

Tinignan lamang ni Bryant si Helaena pero hindi siya makasagot.


"Bryant, will you please stop this game you're playing? Stop calling her, stop talking to her and stop seeing her. Si Venice na lang ang kulitin mo at huwag ang girlfriend ko. Do you understand me?"


"Pano kung ayoko?" Pang iinis na sagot ni Bryant.


"Bryant?" Ani Helaena.


Napalapit ng husto si Brylle sa kapatid pagkarinig ng sagot nito. Lalo yatang nag init ang ulo niya. "Then wala din akong magagawa. Dahil mula ngayon, hinding hindi na kita ituturing na kapatid."


"What's new? Eh diba matagal mo na din naman akong hindi tinuturing na kapatid? Kaya wala ng bago."


Biglang kinwelyuhan ni Brylle si Bryant. "One wrong move and you're dead, I swear. Subukan mong lapitan ulit si Helaena at magkakamatayan tayo, sinusumpa ko."


Pilit na pinipigilan ni Helaena ang dalawang magkapatid. But she can't do anything. She's weak compared to the Samaniego Brothers. "Brylle, stop it. Please. Please."


Halos lahat ng taong nandoon ay nagtitinginan na sa kanila. Ang iba ay pasimpleng kinukuhanan sila ng pictures at video. At namumukhaan na din sila na sila ay anak ng isang dating sikat na aktor at Senador.


"Pasensya na, pero hindi ko maipapangakong hindi ko na siya ulit lalapitan. Katulad mo, mahal ko din siya." Sagot ni Bryant.


Kaya lalong nang gigil at umusok ang kanina pang galit na galit na si Brylle. Kaya hindi na niya napigilabg mag landas ang kanyang kamao sa mukha ng kapatid na ikinatumba nito sa sahig.


Hindi na alam ni Helaena ang gagawin. Heto na ang kinatatakutan niya, ang mag away at mag suntukan ang mag kapatid. Nangingilid na ang kanyang mga luha.


"Brylle, tama na."


"If that's what you want, I'll give it to you. Pero huwag mo'kong sisihin kapag may nangyaring masama sa'yo." Pagbabanta ni Brylle sa kanyang kapatid.

Pinunasan ni Bryant ang konting dugo sa labi niya at muling tumayo.


Hinawakan na ni Brylle ng mahigpit ang kamay ni Helaena at akma ng aalis. "By the way, hindi pala kami maghihiwalay ni Helaena tulad ng inaasahan mo." Sabay tingin kay Helaena at hinalikan niya ito sa labi.


Flash at shutter ng camera ang maririnig sa loob ng cafe. At lahat nanonood sa kanila.

Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ni Helaena na kanina pa nangingilid habang hinahalikan siya ni Brylle. Hindi din niya alam ang mararamdaman sa ginawa nito, kung matutuwa o maiinis ba siya.

Bago umalis ay tinignan muna ng masama ni Brylle si Bryant and he smirk.

———-

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...