Update #2
Lienne's POV
Hayan na. Papasok na ko ng gate. Tss. Bahala na ang mangyayare nito. Si Mommy kase eh. Nakipagkwentuhan pa. Tsktsk. Late pa tuloy ako.
Nasa tapat na ako ng gate.
*dugdugdugdugdug*
Kinakabahan na ko. Kasi naman eh. Ang daming matang nakatingin sa akin. Tss. Malamang artista nga eh pero, di naman bigtime.. Di ba? Buti nga di nila ko pinagkakaguluhan, may three bodyguards kaya ako. Alam niyo naman si mommy.
Teka...
Anung meron? Bakit nasa labas pa ang mga students 7:32am na oh? Nakita ko si Andrei, andun sa gilid. Lapitan ko nga.
Ako: Oy! Anung meron? Bakit ang daming tao?
Andrei: Huling huli ka na talaga sa balita. Di mo ba alam na darating daw ngayon sa school naten si . . .
.
.
.
.
JUSTIN BEIBER!
Ako: Justin Beiber? Baby baby oh? Somebody to love? Justin Beiber? You smile, I smile? Weh? Di nga?
Andrei: Napaka mo talaga! Di mo nagets? Niloloko ka lang eh. Beiliber ka pala?
Ako: Ha? Ano? Of course not! Teka nga. Wala muna kasing lokohan? Pretty please?
Andrei: Slow mo talaga! Tss.
Ako: Sungit! Anu bang meron?
Andrei: Yung si Julian Carlo Lutter ata yun? Yung bagong celebrity sa network naten?
Ako: Ah? Yun ba? Ano meron sa kanya? Akala ko ako yung tinitignan nila.
Andrei: Hahaha. Napaka assuming ng bespren koo! Kaya ahsadhjsjdah kita eh.
Ako: Ano nanaman yun? Napakahilig mong bumulong eh noh?
Andrei: Wala, wala. Ayan na siya oh? Dito na daw siya mag-aaral.
Ako: Ah. I-wewelcome din siya, katulad nung ginawa satin noon?
Andrei: Oo! Kaya tara na sa gym at andon na lahat ng tao!
Tapos ay hinila niya ako papunta sa gym ng school. Ito kasing school namen ay napakadaming echos churvalulu! May pawelcome, welcome pa sa mga artista. Astig noh? Ganyan din yung ginawa sa amin ni Andrei noon. Napakadaming tanong, nagpapapicture. Akala mong may press conference lang.
So, eto na nasa loob na kami. Lahat yata ng students ay andito.
Emcee: Good morning everyone! I'm sure excited na kayong makasama si Mr. Julian Carlo Lutter?
Nagpalakpakan ang crowd.
Emcee: But before that, let me introduce him. Si Mr. Lutter ay ipinanganak noong November 27, 19**. Ayon sa kanya ay wala pa syang 1 year sa pag-arte.
Ako: Oy Drei, akala ko ba bagong artista?
Andrei: Eh? Bago nga. Di mo ba narinig na wala pang 1 year syang artista? Makinig ka kase.
Ako: Amboring kaya! Parang nakikinig lang tayo sa talambuhay ng mga bayani. Mala-history class lang.
Andrei: Hahahaha. Baliw!
Teacher: Pssst. Wag kayo diyan magkwentuhan, sa labas.
Ako: Yan tuloy.
Emcee: His family owns this school. Sa States siya tumira ng 8 years. Blah.. Blah.. Blah.. That's all. And please welcome... Mr. Julian Carlo Lutter.
Palakpakan na naman. Ayan na lumabas na siya mula sa backstage.
O___O
At.
At.
At.
Siya yung...
*flashback*
Andito ako ngayon sa mall with my bespren Andrei. Siyempre, nagdisguise kame. Iba talaga ang itsura namen. Nakapurple dress ako. Si Drei naman ay polo shirt at pants. Gwapo nga niya eh. Manonood kami ng movie kaya papunta na kami ng cinema section nang biglang...
May nakabunggo ako at natapunan ako ng hawak niyang shake..
Guy: Ooops. Miss? Sorry. Nagmamadali kase ko eh.
Ako: Sorry? *napatingin sa mukha ni guy* Ah. Eh. Sige, sige. Okay lang.
Guy: Ay miss. Salamat. Sige, bye.
Ako: Ah. Eh. Bye.
Tapos, umalis na siya. Natulala ata ako dun ah?
Andrei: Hoy! Anung okay okay ka jan? Tingnan mu nga yang damit mo, para kang naswimming sa pool..
Ako: Huh? Ay oo nga nuh. Hahaha. Hayaan mu na. Ibili mu nalang ako ng damit. At ano... Ahh...
Andrei: Underwear? Oo na. Nahiya ka pa. Perwisyo nung lalaki na yun tapos ako pahihirapan mo? Tsk. Card mo?
Ako: Eh? Hayaan mo na. Nagmamadali yung tao eh. Oh eto card ko. Kuripot mo talaga.
Andrei: Sige. Maghintay ka dito at bibili na ko. Dun. Dun ka maupo para di ka malamigan.
Ako: Sige na. Bilis. Ibili mo na ako.
Sobrang care na talaga binibigay nito sa akin. Binigay ko naman yung card ko. Tapos ay umalis na siya. Ako naman nagpunta dun sa mahina ang aircon.
Tsk. Nalove at first sight ata ako? Ang gwapo niya kaya. Naka sweatshirt siya na may hood. Eh. Napakalandi ko talaga. Haha. Sana magkita pa ulit kame.
*end of flashback*
Ako: Teka, siya yung sa mall?
Andrei: Lienne, madaming tao sa mall.
Ako: Eh? Lagi ka na lang ganyan! Tss.
Andrei: Sinu ba kase yan?
Ako: Remember, nung dapat manonood tayo ng movie? Yung naka--
Andrei: AH. OO. YUNG NAKATAPON SA'YO NG SHAKE?! YUNG BASTOS? NA INIWAN KA NA LANG BIGLA?!
Teacher: Sshh. Wag kang sumigaw diyan. Palalabasin ko na talaga kayo.
Ako: Wag ka ngang sumigaw diyan. Napaka OA mo!
Andrei: Panung di magiging OA. Natapunan ka tapos iniwan ka nalang bigla?
Ako: Bespren naman. Parang ikaw yung natapunan ahh? Mas galit ka pa sa kin.
Haaay salamat at natapos na rin ang welcome chuvachuva kay Julian Carlo. Sana maging classmate ko siya at sana makatabi ko siya kahit sa isang subject lang.. Tinamaan ata talaga ako? Hahaha.
Papunta na kami ng cafeteria ngayon. Nakita ko si Aeriel. BFF ko din. Classmate ko since elementary.
Aeriel: Uy Bessie. Kamusta? LTNS ah?
LTNS means Long Time No See.
Ako: Eto, buhay pa naman. Haha. Ikaw? LTNS parang di tayo nagkita last week. Nakita mo na ba yung transferee?
Aeriel: Ah oo. Si Jaycee? Ahh. Ehh.
Ako: Crush mo noh? Crush ko siya. Hahaha.
Andrei: Mga kapatid, HELLO! andito pa ko.
Aeriel: Hahaha. Selos na--
Biglang tinakpan ni Andrei yung bibig ni Aeriel. Hahaha. Kaloko talaga ng dalawang to.
Ako: Selos? Sino?
Andrei: Ah yung ano. Ah. Sa showbiz, si Barbie? Selos kay Joshua at Julie Anne. Oo, yun yon. Ha-ha-ha.
Aeriel: Reasons. Reasons. Alam mo Andrei, try mong ivisit yung site na www.palusot.com. Tapos, ipost mo yung sinabi mo!
End of Lienne's POV
Aeriel's POV
Sus. Si Andrei talaga. Alam ko naman na gusto niya si Lienne. Ayaw pa kasing mag-confess. Yeah, sakin lang niya sinabi yun. Anu daw sabi ni Lienne.? Crush nia si Jaycee? Nyek! Alam niyo ba na...
Na...
Na ex ko si Jaycee.
This is a BIG problem!
A VERY VERY BIG PROBLEM.
Nagbalik pa kase siya.
Di alam nila Lienne ang tungkol dito. Nung nasa US pa kame nakatira, naging kame. But, suddenly, kinailangan naming bumalik ng Philippines. Kaya ayon, nakipag-break ako, 1st anniversary pa sana namin nung araw na yon.. Ewan. Di ko alam kung paano ko siya haharapin.