Magdalena

Por Sentouki

1M 8.8K 493

Dalawang storya sa dalawang magkahiwalay na mundo Más

Magdalena
Prologue
[1] Bidding
[Prostitute] Takot Kay Mang Fermin.
[2] Why?
[Prostitute] Panganib
[3] Huwag Naman Sana
[Prostitute] Pagtiwalag Sa Diyos
[4] Hot Writers
[Prostitute] Ang Plano Ni Isagani
[5] Natagpuan Na Siya
[Prostitute] Sa pangalawang pagkakataon.
[6] Ang Pagkikita
[Prostitute] Ang Pangako Ni Fermin.
[7] 50k + 100k = 150k: Delete Your Story.
[Prostitute] Kakaibang Pakiramdam Ni Magdalena.
[8] Ang Istorya Na Nagkatotoo
[Prostitute] Ang pagdadalang tao
[9] Ang Nakaraan Ni Angela
[Prostirute] Ang Pag Ako Ni Fermin
[10] 1k Reads
[Prostitute] Pagbunyag
[11] Ang Lalaking Hindi Dapat Pinapakawalan
[Prostitute] Pinaganak Si Monalisa
[12] Ang Paglagay Sa Tahimik
[Prostitute] Ang Paglagay Sa Alanganin
[13] Ang Payo Ni Angela
[Prostitute] Adonis
[14] Menchie And Bebang
[Prostitute] Pagkakakulong
[15] Let's Talk About Love <3
[Prostitute] Totoong Ligaya
[16] Panahon Na Nahati Sa Tatlo
[Prostitute] Magaling Sa Kama
[17] Imagination
[Prostitute] Si Dalisay
[18] Taking Advantage
[Prostitute] Mahal Kita Kahit Sino Ka Pa
[19] The Second Messiah
[Prostitute] Ang Liham Ni Adonis
[20] Passion
[Prostitute] Ang pakikipagkita Kay Awa
[21] Isang Ama
[Prostitute] Si Romano At Adonis
[22] Kabataan
[Prostitute] Sugo Ng Diyos
[23] Pagsisisi
[Prostitute] Suliranin
[24] Kasiyahan
[Prostitute] Dasal
[25] Walang Totoo
[Prostitute] Ang Hindi Inaasahan
[26] Makapangyarihan Ang Dasal
[27] Joseph
[Prostitute] Misteryo
[28] Israel At Pedro
[Prostitute] Ang Nakaraan
[29] Ang Pag Buhay
[Prostitute] Ang Pagbabalik Ni Adonis
[30] Broken Heart's Hope
[Prostitute] Luha Ni Semyong
[31] Satisfying
[Epilogue]

[Prostitute] Paghihiganti

6.4K 68 10
Por Sentouki

Kayakap ko ngayon si Adonis. Ayoko nang mawala pa siya. Parang nawala siya ng mahabang panahon na ngayon ko lang uli nakita.

"Adonis." Iyak ako ng iyak dahil sinuko ko na siya pero hindi pa pala tapos ang lahat. Nakatayo kami sa loob ng kwarto. Sobrang higpit ng pagkakayakap ko. "Hindi ko akalain na makikita pa kita, Adonis. Isinuko ko ang buhay mo, patawarin mo ako." Malakas na ang pag-iyak ko.

Mahigpit din ang pagkakayakap niya. "Hindi ka dapat humihingi ng kapatawaran, Magda. Mas ayokong ibigay mo ang sarili mo sa kanila."

Umupo kami sa kama.

"Adonis, sa paanong paraan ka nakatakas? Akala ko talaga pinatay ka na nila." Ngayon ay medyo kalmado na ako. Makakapag-usap na kami ng ayos.

"Swerte lang. Pinatakas ako ng kasama nila upang palabasin na nakatakas nga ako. May himala na nangyari, mahal ko. Totoo nga na makapangyarihan ang dasal. Hindi ito nagkataon lang. Nararamdaman kong tinulungan ako ng Diyos."

"Tama ka, Adonis. Pinagdasal kita. Pero bakit kasi ikaw ang nahuli? Bakit kailangang ikaw pa? Pinag-alala mo ako. Kahit ako hindi makapaniwala kahit alam kong tutulungan ako ng Diyos."

"Hindi ka na dapat nag-aalala ngayon. Hindi kasi pwedeng marami kami ang papasok sa mansyon kung nasaan hinihinala namin andoon Samantha. Ayokong may ibang madamay kaya sumugal ako. Misyon ko 'to para sa'yo kaya kailangang ako ang magsakripisyo. Pero minalas lang ako kaya nahuli nila ako. Hindi ko inakala na makikilala ako. Nakuha nila ang telepono ko."

"Magtatago na lang ako, Adonis. Natatakot ako. Ayokong maulit ang lahat."

"Itutuloy natin ang misyon. May tutulong sa'tin. Ang lalaking may anak na nagtatrabaho kay Samantha."

Yumakap ako kay Adonis. "Ayokong mamatay ka kaya magtatago na lang ako.." pero bigla kong naalala ang ibang mga kababaihan. Tumingin ako sa kaniya. "Paano niyo maipapangako na magtatagumpay kayo?"

"Hahanapin lang uli namin si Samantha. Masyadong maraming gwardya kaya mahirap. Pero may mata na kami. Siya ang taong nagtakas sa'kin. Kakampi natin siya dahil naaawa siya sa mga kababaihan."

Muli ko uli siyang niyakap. Salamat sa Diyos. Makakatulog ako ng maayos ngayong gabi.

Sana mapagtagumpayan ang misyon namin habang walang mamamatay. Maliban kay Samantha. Pero mas gusto ko sanang makulong na lang siya. Natulog kami ni Adonis ngayon at gumising ng maaga. Masaya kaming kumain ng agahan at tanghalian kinabukasan.

Dinalaw kami ni Awa.

"Adonis, maigi at nakatakas ka." Masayang bati ni Awa. Nakatingin ako sa kanila habang nagyakap sila. "Sobrang nagulat talaga ako," Tumingin si Awa sa'kin. "Alam kong hindi magiging maganda ang kinalalabasan nito kung mamamatay ka." Lumapit sa'kin si Awa at ako naman ang niyakap. "Mamaya din ay sasama ka sa'kin pabalik ng probinsya." sabi niya sa akin.

Nalungkot ako. Pero ngayon alam kong hindi na mahuhuli pa si Adonis. Wala naman akong nagawa pa kundi sumama kay Awa. Pero may sinabi si Awa na may makakatulong kaming pulis. Sana naman maging totoo na ito.

Nasa byahe kami ni Awa ngayon. Hanggang kailan ba ito? Hanggang kailan magiging ganito ang buhay ko? Nabubuhay ako sa takot at pangamba? Wala pa si Adonis ay impyerno na ang buhay ko. Ngayong dumating si Adonis para iligtas ako ay panganib parin ang kinalalabasan? Sana naman maging maayos na ang lahat. May luha na tumulo galing sa aking mga mata. Agad ko itong pinunasan.

Hanggang sa makauwi kami. Niyakap agad ako ni nanay at tatay.

"Anak, mabuti naman at walang nangyari sa iyong masama." sabi ni nanay.

Saka ko naalala ang dasal namin sa Diyos. Tinupad Niya ang hiling namin. Nakauwi ako ng ligtas pero hindi pa tapos ang laban.

"Kamusta si Adonis?" tanong naman ni tatay.

"Buhay siya. Pero kailangan parin nilang pabagsakin ang sindikato kaya hindi pa siya pwedeng umuwi." sagot ko. Hindi pa ako makangiti sa ngayon.

"Mabuti naman. Ipagdadasal natin siya. May awa ang Diyos."

Ang tanging nagpapalakas ng loob ko ngayon ay ang suporta mula sa Langit. Naging tahimik ako at hindi pala labas. Gusto na nga akong makausap ng mga kababaihan. Hindi ko naman kasi alam kung ano talaga ang mangyayari. Pero ang mahalaga sa lahat ay mailigtas ang mga babaing gusto nang kumawala na biktima ng prostitusyon.

Hanggang dumating ang kinabukasan. Gusto kong mapag-isa. Hindi ako babalik sa dati hangga't may iniisip akong problema. Naglakad lakad ako sa bukid mag-isa. Sinasalubong ng mukha ko ang malakas na hangin. Pero hindi dahilan 'yun para huminto ako. Adonis. Ngayon lang ako naging masaya. Sana bumalik ka ng ligtas.

Habang naglalakad ako ay may matanda akong nakita sa malayo. Kung ipagpapatuloy kong maglakad ay masasalubong ko siya. Wala ang mga trabahador dito. Nasa kabila silang bukid. Kinabahan ako pero hindi ako bumalik. Nagdasal lang ako na sana ay hindi ako mapahamak. Hanggang sa nakalapit na ako sa kaniya.

"Magdalena." Nagulat ako kasi kilala niya ako.

"Manong, sino po kayo? Trabahador po ba kayo dito?"

"Noon 'yun pero hindi na ngayon." Lumapit pa siya sa'kin ng konti. Hinubad niya ang sumbrero niya.

"Bakit niyo po ako kilala?"

"Dahil kilala ko si Romano."

Nalito ako. Hindi ko maintindihan. Paano niya nakilala si Romano? Anghel ba siya na nagpakita sa'kin? Kilala niya si Romano tapos naging trabahador siya dito?

"Paano niyo po siya nakilala?"

"Siya ay panganay na anak ni Eva." Kilala niya ang ina ni Romano. "Marahil ay hindi mo na ako natatandaan. Bata ka pa ng huli kitang nakita. Kilala ako ng mga magulang mo. Ako si Semyong."

"Semyong?"

"Pamangkin ko si Monalisa na anak mo?"

Nagulat ako sa tinuran niya. Paano niya nakilala si Monalisa? Kung totoo ang sinabi niya.. Kapatid siya ni mang Fermin. "Sino po ba talaga kayo?"

"Nagtataka ka ba? Kilala ko ang anak mo dahil bumalik ako sa bayan natin. Sa pagbabalik ko ay wala ka na. Dito uli kita nakita dahil dito ka dinala ni Adonis."

"Kilala mo din si Adonis? Tapos kababayan din pala kita?"

"Gaya nga ng sinabi ko. Bata ka pa noong huli kitang makita. Kilala ko si Adonis dahil dito din ako nagtatrabaho noon. Bumalik ako sa bayan natin para makibalita. Pinatay pala ang kapatid ko. Si Romano ang pumatay. Maghihiganti lang ako."

Natakot ako kahit hindi ko alam kung nasaan na si Romano. Kinabahan ako kaya dasal lang ako ng dasal sa isip ko. Hindi ko alam kung tatakbo ako. Hindi ko din mabasa ang nilalaman ng isip niya dahil napakakalmado ng itsura niya.

"Hi-hindi ko kasalanan 'yun. Personal na away nilang dalawa 'yun. Sana kalimutan niyo na ang lahat."

"Hindi pwede. Kailangang magbayad ng taong may sala."

"Pero ano po ang ginagawa niyo dito?"

"May bahay ako dito. Noong nakahanap ako ng tirahan dito ay nawala na din ako sa pagtatrabaho dahil hindi na ako makakilos ng mabilis. Bumalik ako sa bayan natin matapos ang ilang taon. Pero patay na pala si Fermin. Nabalitaan kong na andito daw si Romano."

Paano nangyari 'yun? Baliw ang isang ito. Mukhang napagkamalan niyang si Adonis ay si Romano. Tumakbo ako pabalik. Iniwan ko na siya. Baka ako ang paghigantihan niya. Bumalik ako sa kubo ni nanay at tatay.

"Anak," tawag ni tatay. Eksakto pauwi siya para kumain. "Bakit ka pagod? Saan ka galing?"

"Tay, kilala niyo ba si Semyong?"

Nagtaka ang itsura ni tatay. "Bakit?" Nagtanggal siya ng sumbrero at lumapit sa'kin.

"Nakita ko siya?"

"Saan?"

"Sa kabilang bukid."

Nag-isip siya. "Ang tanging kilala kong Semyong ay yung dating nakatira sa bukid sa bayan natin na kapatid ni Fermin. Matagal na siyang wala. Hindi ko alam kung nasaan siya."

"Andito siya."

"Paanong nakilala mo siya? Bakit parang takot na takot ka?"

"Kasi, tay, gusto niyang paghigantihan si Romano. Nakausap ko si Adonis na nagpakilala siyang Romano nang magpunta siya sa bayan natin. Ang sabi ni Semyong na 'yun, andito daw si Romano. Bumalik daw kasi siya doon para makibalita. Baka may nagturo na andito si Romano dahil inakala na si Adonis ay si Romano. Natatakot ako, tay."

Nagtaka ang itsura ni tatay. Ilang segundo din siyang nag-isip. "Baka akala niya kasama mo si Romano? Pero huwag kang mabahala dahil mas malakas si Adonis sa kaniya."

"Pero paano kung traydorin niya si Adonis? Hindi pa ako sigurado sa pagbabalik niya dito tapos may panganib na naman ang naghihintay. Nakakatakot siya, tay."

"Nasaan siya?" Tinuro ko ang gawi kung saan ako galing. "Pupuntahan namin siya ng mga kalalakihan."

Umalis si tatay at nagsama ng ilang mga lalaki para pumunta sa kabilang bukid. Kinakabahan ako. Paano naman nila mapipigilan si Semyong kung makita man nila? Mabuti at nalaman ko para maipaalam ko kay Adonis ang lahat. Hindi talaga ako makapaniwala. Paano niya magagawa 'yun? Nang-iinis ba siya? Hindi kaya kasinungalingan ang lahat.

Isang oras pa ang lumipas ay bumalik si tatay. "Magda, magtatrabho muna kami. Mukhang wala siya ngayon diyan. Hayaan mo, naniniwala ako sa'yo. Babalikan namin siya para kausapin. Medyo may edad na siya kaya siguro ganun ang ugali niya."

Tumango lang ako. Pumunta ako sa mansyon para maligo. Sinuot ang ang damit kasuotan ni Dalisay. Lumabas ako ng kwarto na noo'y pagmamay-ari ni Dalisay.

"Bagay na bagay sa'yo, Magdalena." Turan ng kasambahay. "Kamukhang kamukha mo si Dalisay."

Pinagmamalaki ko na may taglay akong ganda. Hindi ko minamasama ang sinasabi nila kahit may sarili akong itsura. Utang kong lahat sa ina ni Dalisay ang lahat. Kaya mas gusto ko nang maging ako ang pamalit kay Dalisay. Naglakad ako sa labas. Nahati sa dalawa ang isip ko. Sa halip na si Adonis lang ay naalala ko na naman si Semyong. Bakit kaya kailangang magkita pa kami dito? Kung totoo ang plano niya.. bakit niya sinabi sa'kin ang lahat? Pero hindi ako titigil sa pagdadasal sa kaligtasan ni Adonis.

Seguir leyendo

También te gustarán

20.6K 4K 44
Josefia Mariel Alvarez, an only daughter of the owner of one of the biggest chain of hotels in the country, she was homeschooled because her parents...
264K 1.3K 51
Ang story na ito ay tungol sa babae na gustong mag trabaho ng marangal kaya nakipag sapalaran siya sa maynila dahil sa hirap ng buhay nilang pamilya...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
162K 2.2K 40
Naranasan mo na ba magmahal? Kahit alam mong bawal? Bawal dahil... Mag-pinsan kayo. Hindi 2nd or 3rd or 4th cousins. Kundi magpinsang-buo kayo. Ako n...