[3] Huwag Naman Sana

24.8K 202 16
                                    

ANYWAY'S POV

Naglalakad ako sa gitna ng school namin. As usual. Marami na namang nagtataas ng kilay sakin. Hindi kasi nila matanggap na angat ako sa kanila. Hindi nila matanggap na ako ang pantasya ng mga boyfriend nila. Hindi nila matanggap na boyfriend lang ang wala ako na meron sila.

And the rest, marami akong meron na wala sila. Ako lang ang may sariling chopper sa school. Oo mayabang ako, ano paki nila. Walang gustong kumaibigan sakin maliban kila..... May dumating, dalawang tumatakbo papunta sakin. Nasa malayo palang nagsasalita na.

"Anie! Andiyan ka na pala." Hinihingal na sabi ni Menchie.

"Anie, pasensya na ngayon lang kami." Hinihingal din si Bebang.

Sila lang ang nakakatagal sakin.

"Teka nga! Pwede ba mamaya na kayo magsalita, pwede naman kasing lumakad lang eh. May patakbo takbo pa kayo."

Kaming tatlo lang ang laging magkakasama. Lady boss nila ako. Pero bestfriends ko sila. Utusan, alalay.

Okay lang sa kanila dahil nakukuha nila ang gusto nila sakin.

"May lakad tayo mamay." sabi ko sa kanila.

"Saan?" tanong ni Menchie.

"Maglilibot tayo sa Manila. Pupunta tayo sa mga Clubs."

"Ano ang gagawin natin dun?" tanong naman ni Bebang.

"May hahabapin lang akong tao."

Pagdating ng gabi ay pito kaming pumasok sa isang night club. Apat na body guard kasama sila Bebang at Menchie. Mga naka shades kasi nahihiya sila. Baka may makakita na naman samin.

Umupo kami at tinanong ng isang babae na lumapit.

"Ano po ang iinumin niyo?"

"We're here para magtanong. May nagtatrabaho ba ditong Angela Marie?"

"Wala po eh."

Hindi naman kasi ako sure kung isang GRO nga si Angela Marie or Angela ba talaga ang totoong pangalan niya. Pero desidido akong makita siya kaya kahit para kaming naghahanap ng karayom sa damuhan. Maghahanap parin kami.

"Dalhin mo dito ang lahat ng babae. Babayaran ko. May itatanong lang ako."

Nagsalita Menchie. "Ano ba kasi ang kailangan mo?"

"Wag ka nang magtanong."

"Tomboy ka na ba Anie?" Tanong ni Bebang.

"Bukas ko na ipapaliwanag sa inyo."

Later on ay natapos naming kausapin ang mga babae. Ayon sa mga sagot nila sakin, hindi malayong si Angela nga ay ganito ang trabaho. I think Angela must be on the other club.

Ayon sa pagkakabasa ko sa story na PROSTITUTE. Parang true story dahil parang yung author mismo ang nasa kalagayan ni Magdalena. Susuyurin namin ang lahat ng Club dito sa Manila dahil nasa Manila ang address ni Angela.

***

ANGELA'S POV

Kausap ko si nanay sa phone.

"Angela, kailangan ko ng gamot. Ang mahal ng gamot ko eh. 300 kada isang araw."

"Sige gagawa ako ng paraan nay."

Nag aalala ako kay nanay. Bata pa siya para mamatay. Kailangan kong kumita ng 3k sa sampung araw. Pwera pa ang pang gastos ko at ang pang gastos ng nanay at kapatid ko.

Nagkita na naman kami ni Marvin bago ako pumasok sa club.

"Papasok ka na pala Angela?"

"Kailangan eh."

"Pwede ka bang yayain mamaya pag uwi mo?"

Gustuhin ko man. Hindi pwede dahil maghahanap ako ng costumer na bibilhin ang katawan ko. Kailangan kong ibenta para magkapera.

"Hindi ako pwede mamaya. Alam mo naman na gabi na diba? Nakainom pa ako."

"Wala akong gagawing masama sayo Angela."

Alam ko naman eh.

"Pasensya na talaga."

"Sige. Next time nalang. Sana may oras ka."

"Sige. Pangako."

Pumasok na ako, maraming may gusto sakin kaya hindi naman ako nahirapang makakuha ng bibile ng katawan ko.

Paglabas ko ay isasama na ako ng lalake para dalhin sa hotel pero nakita ko si Marvin. Sinenyasn niya ako. Ayokong makita niya akong sasakay sa kotse ng lalake pero hindi na ako makaiwas.

Nakita na nga niya.

Habang nasa loob ako ng kotse, iniisip ko si Marvin. Mag iiba na ang tingin niya sakin mula ngayon.

***

MARVIN'S POV

Gusto ko sanang ihatid si Angela pero may kasama siya. Saan kaya sila pupunta? Hindi ako makapaniwala, hindi magagawa ni Angela ang iniisip ko.

Kinabukasan nagtanong ako sa tropa kung ano kaya ang posibleng gawin ni Angela sa ganung pangyayari. Iisa lang ang sagot nila.

Ibebenta ni Angela ang katawan niya. Parang nanikip ang dibdid ko dahil gusto ko si Angela, nararamdaman kong gusto niya din ako. Gumawa ako ng paraan para makausap ko si Angela. Bago siya pumasok ay pinuntahan ko siya.

"Marvin." sabi niya agad.

"Kagabi gusto sana kitang ihatid pauwi eh kaso may kasama ka."

"Ah kwan. Kasi naimbitahan ako sa birthday eh."

Sana totoo.

"Talaga?"

"Oo, pasensya na hindi ko nasabi sayo." Sabi niya na medyo napapansin ko na nagsisinungaling siya.

Magpapanggap nalang akong naniniwala sa kaniya. Pero sana totoo nga ang sinasabi niya. Ayokong maisip niya na may iniisip akong iba sa kaniya.

"Angela, baka meron kanag boyfriend, sabihin mo lang. Para hindi na kita iniistorbo."

"Wala Marvin. Pangako ko sayo, sasama ako sayo pag may oras ako. Wag muna ngayon kasi busy pa ako."

Gusto kong sabihin sa kaniya na gusto ko siyang ligawan pero nangangamba ako na baka totoo nga na nagbebenta siya ng katawan.

Umalis siya na may lungkot sa mga mata niya. Kung totoo nga na nagbebenta siya ng katawan, malamang may dahilan siya. Baka hirap siya sa pera.

Alam ko na, ipapakilala ko siya sa tropa kong mayaman. Di bali nang hindi ko makuha ang puso niya basta matigil lang siya sa kahibangan niya. Hindi pwedeng maging ganun siya. Ang problema lang baka hindi siya seryosohin ng tropa ko. Hindi ko alam kung paano ko siya maililigtas. Ayokong nakatayo lang ako at walang ginagawa sa problema ng babaeng gusto ko.

***

Author's note:

Pasensya na sa mga nagbabasa ah. Umpisa palang naman eh. Pangit pa sa umpisa HAHAHAHAHA! Hanggang sa huli sana hindi pangit. Yung isang story ko andaming nagbabasa, sana ito din.

Either way, naks. Parang si J lang ako HAHAHAHAHAHA! Wag sanang mabasa ni J to.

PS: Next chapter, Prostitute starring: Magdalena. Parang Movie lang noh? HAHAHAHAHA!

MagdalenaWhere stories live. Discover now