[Prostitute] Pinaganak Si Monalisa

11.5K 125 6
                                    

Napatigil kami ni Rita dahil naamoy na namin ang dugo. Bigla akong lumuha dahil natapos na ang laban. Malaki ang tsansa na natalo si Romano. Nagkatinginan kami ni Rita at nag yakap. Unti unting nawala ang mga tao sa harap namin at napalitan ng mga tao bitbit ang isang patay na. Pero ang kinagulat ko ay nakita ko ang taong may dalang itak na nakatalikod. Paalis na siya. Kilala ko siya, hindi ako pwedeng magkamali!

"Magda, panalo si Romano!" sabi ni Rita na nagulat din. Balak ko sanang lumapit pero napatigil ako dahil nagaalala ako. Galit nga pala si Romano.

Nakatingin lang kami habang naglalakad siya palayo.

"Romano! Ang galing mo. Natalo mo si Fermin." rinig kong sabi ng isang lalake pero hindi na siya lumingon.

"Bakit hindi mo siya kausapin Magda?" tanong ni Rita.

"Galit siya kaya niya pinatay si Fermin."

"Ngayon wala na tayong kakatakutan sa lugar na to dahil patay na siya. Wala na ang lalaking gugulo sayo at kay Romano."

"Pero malaki ang galit sakin ni Romano."

"Subukan mo lang."

Tumakbo ako papunta sa nag lalakad na si Romano.

"Romano." tawag ko at lumingon siya na may panlilisik ang mata. Parang mas nakakatakot pa siya ngayon kay mang Fermin.

"Umalis ka na Magda! Hindi kita kailangan." Pagkasabi niya ay bigla akong nalungkot. Ngayon ko pinagsisisihan ang lahat. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganung salita kay Romano kaya masakit.

"Romano, patawarin mo ako."

"Kapatawaran ba ang hanap mo?!" humarap siya sakin. Dala parin niya ang itak. Hindi ako natatakot mamatay kung papatayin niya ako. Kung yun ang dapat para mawala ang kasalanan ko, tatanggapin ko.

"Romano, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya ang lahat, kung alam mo lang. Tinatakot niya a--"

"Bakit hindi ka gumawa ng paraan? Hindi mo ba inisip na ako ang kasintahan mo?! Masakit sakin na may makabuntis sayong iba."

"Alam ko naman eh."

"Mula ngayon, wala na tayo. Kaya ko pinatay si Fermin dahil galit ako sa kaniya. Dahil pinatulan mo siya."

Hindi ako nakasalita at umiyak nalang pag alis ni Romano. Lumapit sakin si Rita at niyakap ako. Wala na akong nagawa.

Lumipas ang ilang panahon. Marami parin ang gusto akong mapang asawa. Ayoko na. Wala na si Romano. Binalak na niyang umalis sa lugar namin dahil hindi niya siguro matiis ang sakit at ayaw niyang makita na isilang ko ang sanggol na si Fermin ang ama. Ang nanay at tatay, wala silang nagawa ng malaman nila ang lahat lahat. Balak nila ako ngayon na suportahan.

Dumating ang araw na nanganak na ako ng isang batang babae. Pinangalanan kong Monalisa ang bata na hindi ko alam kung mapapalaki ko ng maayos dahil wala nga itong ama. Gustuhin ko man na maghanap ng ibang ama ay lahat ng tao sa lugar namin ay hirap din. Imposibleng hindi ako mag aanak uli. Kung si Romano sana ang ama ng anak ko ay isa lang ang magiging anak namin.

Pitong buwan na si Monalisa. Hindi naman kami nagkulang sa pag aalaga sa kaniya pero palaki na siya ng palaki at balang araw ay papasok sa eskwela. Ayokong matulad siya sakin ng dahil sa kahirapan ay hindi nakapag aral.

Isang araw namalengke ako at nakita ko na naman ang mga babaing maiiksi ang kasuotan. Mga babaing nagbebenta ng aliw sa bayan.

"Hoy kayo! Gumagala na naman kayo!" sabi ng isang tindero sa mga babae.

"Namimili kami." umirap ang babae. Halatang sanay na sanay na silang makipag usap ng ganun.

Nakita ko na naglabas ng pera ang isang babae.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon