[21] Isang Ama

6.5K 79 2
                                    

ANGELA'S POV

Naglalakbay ako. Umedad na akong ng labing lima. Habang dala ko ang aking kariton sa aking paglalakbay. Nakakita ako ng ilog. Malinis na ilog kaya naisipan kong maligo. Mabuti na lang at may tulay, kung hindi baka hindi ako makatawid. Tinapos ko ang ginagawa ko at nagpatuloy sa paglalakbay.

Nakakita ako ng maliit na baryo. Isang tindahan ng pagkain at may lalaking nangungutang.

"Ano ba? Bakit ba utang ka ng utang?" Inis na ang tindera na halos kasing edad na niya. Siguro, nasa limangpung anyos na sila.

"Hayaan mo, babayaran din kita. Ako ang bahala. Hihingi ako sa asawa ko ng pera."

"Bakit kasi, may hanap buhay naman ang mga anak mo, hindi ka sa kanila humingi?"

"Hindi nila ako bibigyan, malaki ang galit nila sa akin. Alam mo naman ang dinanas nila sa'kin noong mga bata pala sila. Nagsisisi na nga ako sa mga nagawa ko."

Nagbigay ng tatlong tinapay ang tindera. Umalis ang lalaki. Nakatingin lang ako sa kaniya. Walang gaanong tao kaya ako lang ang naiwan sa tindahan.

"Ano ang bibilin mo ginoo?"

Tumingin ako sa tindera. "Bigyan mo ako ng tatlong tinapay." sagot ko. Nakatingin parin ako sa lalaking papalayo.

"Bakit mo siya tinitignan?"

"Hindi po ba parang may mali?"

"Ano naman?" Binigyan niya ako ng tinapay at nagbayad ako.

"Dapat naghahanap buhay siya o kaya naman ay tumutulong sa bahay para hindi siya mag mukhang nanghihingi lang lagi sa asawa niya."

"Mabait na tao 'yan si Pasqual. Pero dahil sa pagmamalupit niya sa anak niya, galit ang mga ito sa kaniya kaya ngayong may sakit siya at hindi na kayang maghanap buhay, wala siyang malapitan kundi kami. Ang asawa naman niya'y humihingi din lang ng pera sa mga anak nila. Kaya patago lang ang pagbibigay sa kaniya."

"Ganun ba? Utang ng anak ang buhay sa ama kaya sana naman napatawad na nila ito."

"Hindi mo masisisi kung magtanim ng galit ang isang anak sa magulang. Nakausap ko ang anak niya, ni minsan hindi daw naging mabuting ama ang ama nila kaya hindi mo sila masisisi."

"Marahil hindi nila kayang patawarin ang ama nila."

"Dahil hindi niya magawang humingi ng tawad."

"Ang Diyos ay napatawad na tayo hindi pa man tayo humihingi ng tawad."

"Tama ka diyan pero kailangan parin marinig mula sa'tin ang salitang Patawad."

Nag-isip ako. Ano ba ang buhay nila? Miserable ba na pagsisisihan mo kung bakit nabuhay ka pa? Kaya tayo masaya ay dahil nabubuhay tayo. Walang taong gustong mamatay kaya kung may dapat tayong pasalamanatan, ito ay ang ating mga magulang. Naging interesado ako sa kanila. Kailangan kong alamin ang nangyari dahil baka makatulong ako.

"Maraming salamat." Umalis ako at nagtungo sa kalapit na lugar. Napansin ko ang mga tao. Abala sa mga ginagawa nila. Meron kayang mangangaral dito? Mukha naman silang mababait. Napansin ko ang lalaki na nagngangalang Pasqual.

Lumapit ako sa kaniya. "Ginoo, kamusta ang buhay niyo ngayon?" Ramdam kong mabait siya.

"Bakit mo naitanong?"

"Narinig ko ang pinag usapan niyo kanina sa tindahan."

"Ah 'yun ba? Huwag mo nang isipin pa iyon."

MagdalenaWhere stories live. Discover now