[13] Ang Payo Ni Angela

9.5K 94 9
                                    

ANYWAY'S POV

In just 1 year. Nakagawa ako ng story even busy ako sa pag-aaral. May ilan akong Fans sa Wattpad pero I'm not famous. May mga nagandahan lang talaga sa story ko.

"Mahirap yun lalot mahal na mahal mo yung tao. Pinaka maganda diyan, wag niyang dayain yung puso niya, tanggapin niya si Magda para mawala lahat ng sakit. Problema lang, lalong lalala ang sitwasyon dahil may costumer na yata agad si Magda wahaha"

"Hindi mo masisisi si Romano pero alam kong mahal niya si Magda, nagdadalawang isip lang siya, i hope sila parin kaso pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda kay Magda sa Manila"

Sabi ko na nga ba may mag eexist na ganitong comments eh. Nakapublish na ang Prostitute pero hindi pa ito burado sa Wattpad. Hindi naman namin napag usapan ni Miss Jenny yun. I think it's okay. Gumawa ako ng story then nagka followers ako. Binunyag ni Miss Jenny na ako at si Angela ay iisa kaya dumami ang readers ko at followers.

Dumating ako sa office ni Miss Jenny nang may sumalubong sakin na mga teenagers. Mga sampu sila.

"Hi, Anyway!" sabi ng isa at nagtaka ako. Oo alam kong maraming nagagandahan sa story ko pero bakit ang babata naman?

Biglang labas ni Miss Jenny at kasama niya si.... Miss Lyn?! Oh my god, isa sa sikat na writers sa Wattpad. Hindi ko akalain na magkikita kami. Napansin ko agad na tuwang tuwa ang sampung kabataan at nakipag kamay kay Miss Lyn.

"Anyway? Andiyan ka na pala!" sabi ni Miss Jenny.

Napatingin sakin si Miss Lyn. "Oh it's you. You're so pretty in person." kilala pala ako ni Miss Lyn.

"Thanks po." nablanko ako because I know Lyn is famous.

"Aalis na ako, may meet and greet pa akong pupuntahan. Bye guys!" Lumapit sakin si Miss Lyn at nakipag beso. "I Like your story CPBCH. Nice job." umalis siya.

Nakatingin lang ako sa kaniya. Miski isa sa stories niya hindi ko binasa pero binasa niya pala ang story ko. Story ko at hindi ang Prostitute na story ni Angela.

"Miss Anyway, nabasa ko na din po ang CPBCH. Kailan po gagawin ang next story mo?" sabi ng isa sa kabataan.

"Wait, sa loob niyo na pag usapan yan." nagsipasukan kami sa office. "Anyway, sila yung mga anspiring writers na gusto kang makilala. Pinagbigyan ko na dahil bumibili sila ng libro dito." sabi ni Miss Jenny at nagtawanan sila.

Umupo kaming lahat at ako ang parang teacher nila na nakaupo sa harap nila. Wala akong idea sa nangyayari.

"Miss Anyway, marami naman kaming alam sa pagsusulat pero humihingi kami ng advice sa iba't ibang writers at ngayon andito kami para humingi ng advice mula sayo." sabi ng isa at napatingin ako kay Miss Jenny.

"Anyway, pagbigyan mo." bumulong siya. "This is the time na sabihin mo sa kanila yung advice sayo ni Angela." humarap si Miss Jenny sa mga kabataan, "Dati siyang masama ang ugali gaya ng sinabi ko sa inyo kailan lang," Nagulat ako sa sinabi niya. "Miski ako nagtaka sa kaniya, tapos ngayon magaling pa siyang writer kaya nirekomenda ko siya sa inyo na mag advice dahil may alam siya na hindi ko alam."

Nagtaka ako. Baka gustong malaman ni Miss Jenny ang advice ni Angela. Hindi ko nga pala sinabi sa kaniya dahil makasarili pa ako noon. Hindi na naungkat ito mula nang tumanggi akong sabihin sa kaniya. Sabagay, nakakahiya nga naman na direktang hilingin niya sakin yun.

"Miss Anyway, hindi kami sure kung magiging magaling nga kami sa advice mo pero baka makatulong. Aminado kaming kaniya kaniya tayo ng ability. Sabi kasi ni Miss Jenny, wala daw sa dugo mo ang pagiging writer."

MagdalenaWhere stories live. Discover now