[Prostitute] Pagkakakulong

10.4K 124 9
                                    

Naglalakad ako sa harap ng maraming lalake. Kumikembot habang ang suot ko lang ay ang napakaliit na takip sa dibdib ko at ang halos hubad na katawan. Napakaliit din ng pang-ibaba ko. Napakataas din ng takong ko na sabi nila, lalong nagpapaganda sa isang babae habang naglalakad. Nasanay na ako sa gabi gabing pagtatanghal sa mga lalake. Ang lakas ng sigawan. Halatang marami akong napapasaya hanggang sa natapos na ang unang yugto kaya pumasok na ako sa kwarto. Sa totoo lang. Wala akong gana ngayong gabi na to. Pinikit ko ang mga mata ko. Umupo sa malaking upuan at dahil malambot ito, maginhawa sa pakiramdam. Yan ang hinahanap ko sa mga oras na to.

Hindi mawala sa isip ko ang binata na nakilala ko.

"Ako si Adonis."

Lumapit siya sakin.

"Ano ang kailangan mo?"

"Kilala kita."

"Paano mo ako nakilala?"

Hinawakan niya ang mga kamay ko at nabitawan ko ang payong. Nawala ako sa sarili at hindi ko ramdam ang lakas ng ulan na tumatama sa katawan ko.

"Gusto kong maangkin ang katawan mo Magdalena."

Kitang kita ko siya. Kamukhang kamukha niya si Romano. Hindi ako makakilos.

"Magkano ka ba?" tanong niya pero hindi ko alam ang gagawin ko.

Nang dumating ang kotse ni ma'am Samantha.

"Magda!!" tawag niya sakin at isinakay ako sa kotse.

Kagabi lang nangyari kaya pinagalitan ako ni ma'am. Hindi na daw ako pwedeng lumabas pag gabi. Nasa-isip ko parin ang lalaking nagpakilalang Adonis. Bakit niya ako kilala? Bakit gusto niya akong maangkin?

Pumasok si ma'am sa kwarto kung nasaan ako.

"Magdalena!" Dinilat ko ang mata ko. "Mula nang madatnan kitang kasama ang lalaking yun parang lagi kang wala sa sarili mo?"

"Wala po ito ma'am!"

"Sino ba ang lalaking yun?"

"Hi-hindi ko din po kilala."

"Maraming masasamang loob dito sa Manila. Kaya mag iingat ka." hindi ako nagsalita pero kung tatanungin niya ako. Hindi na ako sasagot tungkol sa lalaking yun.

Nararamdaman kong hindi siya masamang tao dahil handa siyang magbayad para lang maangkin ako. Bakit kaya interesado pa ako sa kaniya? Hindi ko akalain na may kamukha si Romano dito sa Maynila.

Dumating ang oras na ikalawa kong pagtatanghal. Hanggang sa matapos at kaharap ko ngayon si Don Facundo. Nakaupo ako kaharap siya habang suot ko parin ang maskara ko. Alam na niya ang hugis ng kahit ano sa katawan ko dahil isa siya sa mga naging kliyente ko na kilalang kilala ni ma'am. Isa sa mayaman dito sa Maynila.

Matapos ang gabing ito ay umuwi na kami. Nakasilip ako sa bintana. Hinahanap ng mata ko si Adonis. Gusto ko siyang makita dahil malaki ang tsansa na baka siya si Romano. Ilang araw din ang lumipas. Hindi parin mawala sa isip ko ang Adonis na yun. Trabaho ko ang ipaubaya sa mga lalake ang katawan ko pero dahil bihasa na ako sa trabahong ito. Saka ko naisip si Romano kung ano ba ang pakiramdam pag kinakatalik niya ako? Ibang iba na ako dahil hindi na ako katulad ng dati.

Kasama ko ngayon si Maricar. Na isa sa nakasundo ko dahil mabait siya. Lagi niya akong pinupuntahan. Ramdam kong pwede ko siyang sabihan ng sikreto.

"Kamusta, Magda. Hindi ka din ba makatulog?" pumasok siya at humiga sa kama ko.

"Hindi eh. May iniisip lang ako."

"May itatanong ako sayo Maricar." bumangon ako at umupo sa kama.

Magdalenaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें